Philippine Collegian Tomo 95 Issue 16

Page 1

OPI SY ALNALI NGGUHANGPAHAY AGAN NGMGAMAGAARALNG UNI BERSI DADNGPI LI PI NASDI LI MAN

2018 L12, HUWEBESABRI SYU16 TOMO95I

PHI LI PPI NE COLLEGI AN


SUMATOTAL: Failing grades THE UNSATISFACTORY MARKS OF THE NATION’S BASIC EDUCATION JUAN GREGORIO LINA WITH A HISTORY CHARACTERIZED BY OVERWORKED, ILL-EQUIPPED, and underpaid school personnel, a dearth of learning spaces, dropouts in the hundred thousands, budgetary concerns, and a host of other problems, the K-12 program has been anything but a success. Despite being touted as the much needed update to elevate the country’s educational system to international standard, doubts remain over the quality and purported jobreadiness of its graduates--the first batch of which came in the past March. Concerns over the nation’s readiness to institutionalize the K-12 program has long beleaguered the watershed reform; concerns that hold true even to this day, as the numbers show. Short of the standard 22.2 million public school pupils and counting; hundreds of thousands of school personnel, and volumes upon volumes of facilities to maintain—while the public education sector benefits from one of the largest allocations in the national budget, the amount may still not be enough.

P3.77 trillion

P20.75 trillion

P543.2 billion

P830 billion

2017 General Appropriations Act Total Budget 2017 DepEd Allocation in the Budget

Undercompensated, underqualified, overburdened The nation’s teachers are largely underpaid while shortages in other school personnel compel instructors to take on additional work. Meanwhile, poor teacher competency itself has long marred the country’s schools. Citing data from the Department of Education, an assessment by UP Diliman linguistics professor Dr. Ricardo Nolasco describes how a vast majority of educators registered dismal scores in standardized tests administered by DepEd such as the Test of English Proficiency for Teachers (TEPT) and the Process Skills Test (PST) in science and mathematics. With such poor quality of instructors, it’s no surprise how doubt has been cast on the quality of instruction and, by extension, its graduates.

2017 Nominal GDP, of which

1 TEACHER FOR EVERY 33 STUDENTS 1 STAFFER FOR EVERY 18 TEACHERS

or only 4% is spent for education

The need for space Public schooling has been perennially characterized by cramped and jam-packed facilities. To address the issue, institutions suffering from crowding have adopted mechanisms such as educating students in shifts, but such measures are band-aid solutions at best. While DepEd has made progress in constructing additional facilities, more is needed if it wants to afford all students breathing room in their learning spaces.

22,891,329

Number of students (S.Y. 2017-2018)

687,229

Number of teaching personnel (2018)

*Classrooms constructed do not necessarily indicate that they are usable, only that they are physically complete.

113,000

‘No child left behind’ According to enrolment data from the DepEd over the course of the last two school years, a total of 336,340 students have dropped out from the Senior High School Program. Meanwhile, the progressive group League of Filipino Students estimates that a total of 1 million students have dropped out of school in the last two years. Grade 10 finishers (S.Y. '16-'17)

1,642,931 Grade 11 completers (S.Y. '16-'17)

Classrooms needed (2017)

38,284

Number of administrative/nonteaching personnel

P26,375

Entry-level teacher salary with bonuses (salary grade 11):

50,000+

Classrooms constructed (2018) Test of English Proficiency for Teachers Process Skills Test, measures proficiency in science and mathematics

Grade 11 enrollees (S.Y. '17-'18)

1,529,607 Grade 12 enrollees (S.Y. '17-'18)

1,517,000

1,293,984

Source: Department of Budget and Management, Philippine Statistics Authority, DepEd, League of Filipino Students

Percentage distribution of Grade 1 and Grade 2 Teachers by Level of Performance in the 2012 PEPT and PST

2 student suicide cases recorded in Cagayan in March PAMELA ADRIANO IN JUST A SPAN OF A WEEK, student groups have already been able to document two suicide cases in the province of Cagayan. Senior high school student Ronnel Sergio, 18, was found dead in his home on March 14. Only six days later, 17-year old Grade 11 student Jennifer Lagajet also took her life at FL Vargas College on March 20. Authorities consider an incident that happened to Sergio to be part of the reason why he committed suicide. Sergio who comes from a poor peasant family—relying mostly on their Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) to sustain his schooling—was shamed by one of his teachers for not being able to settle his unpaid school fees, according to youth

BA LI TA

2

HUWEBES 12 ABRIL 2018

organization Masakbayan-Cagayan Valley. Meanwhile, it is still unclear why Lagajet killed herself, based on the information gathered by Masakbayan. Police however received information that Lagajet insisted to a janitor who tried to stop her from committing suicide that he cannot do anything to help her solve her problems. Lagajet’s case was preceded by rampant suicide cases of students, all of which were connected to the burden of and the inability to pay high cost of education. Financial issues were among the reasons why Cagayan State University students Rodolfo Urmanita and Rosanna Sanfuego also took their own lives earlier this year and in 2015, respectively. Jessiven Lagatic of Central Bicol State University of Agriculture and Kristel Tejada of the University of the Philippines-Manila, who both committed suicide in 2016 and 2013, are also considered to be victims of the country’s education system according to

youth group National Union of Students of the Philippines (NUSP). The high cost of education has been a problem that burdened many students’ families long before the Republic Act 10931 or Free Tuition Law was passed in 2017. This problem is further aggravated by other education reforms that have been implemented in the past, like the Aquino administration’s K-12 program in 2012. The Aquino administration held that the K-12 program will better prepare students for work or for college, based on the fact that the Philippines was then the only country in Asia with a 10-year preuniversity schooling. However, youth and democratic rights groups continuously fight to junk the K-12 program, saying the program is another neoliberal policy of the government. According to them, this is just in accordance with the country’s labor agenda, training the students to be skilled workers for private companies in the future,

thus, making them more exportable and marketable for multinational corporations. “The K-12 program only worsens the functioning of our schools as factories whose end-products are semi-skilled, docile laborers to be paid depressed wages,” said NUSP Deputy Secretary General Raoul Manuel. Youth organization League of Filipino Students (LFS) meanwhile has seen K-12 as a policy that would squeeze profit from the students, citing how millions of youth were forced to drop out of school because of the additional cost of education under this program. For the past two years alone, a total of 336,340 students have dropped out of senior high school (see related infographic above). These students were the ones who did not continue to Grade 12 this school year and those who did not continue to Grade 11 last school year, based on the 2017 data from the Department of Education (DepEd).

However, LFS set the number of students who dropped out or did not proceed to senior high school higher at almost one million, because DepEd pegged senior high enrolment at 4.11 million for AY 2017-2018 but its latest update showed that only 2.84 million are currently enrolled. The voucher system under K-12 has also ensured billions of profits of private school owners and capitalist educators, not including the top-up charges such as tuition and other fees not covered by the voucher, said LFS Spokesperson Kara Taggaoa. “To students, within this educational system and broken society, our future is bleak. But we can change it by taking on our historical role of joining the broad masses in toppling oppressive regimes and advancing the call for nationalist, scientific and mass-oriented education for all,” Manuel said.


Panibagong kaso ng pagpatay sa Lumad, naitala

#ENDCONTRACTUALIZATION

LUCKY DELA ROSA

MARVIN JOSEPH E. ANG

HALOS 11 BUWAN MATAPOS ideklara ang batas militar sa Mindanao, patuloy na tumataas ang bilang ng mga insidente ng pagpatay sa mga katutubo sa kanayunan. Pinakahuling naitalang kaso ang pagpaslang ng mga paramilitar sa 23-anyos na si Garito Malibato noong Marso 22. Pauwi na ng bahay si Garito bandang alas-nuebe ng umaga nang tambangan siya ng ilang miyembro ng Alamara, isang grupong paramilitar na nasa kontrol ng 73rd Infantry Batallion ng Philippine Army, ayon sa ulat ng Karapatan. Binaril si Garito sa leeg at dibdib, at agad na binawian ng buhay. Aktibong miyembro si Garito ng Karadyawan, isang organisasyon ng mga katutubong Lumad sa Kapalong, Davao del Norte, kung saan nakatira si Garito. Dahil sa pangunguna ng organisasyon sa pagtatanggol ng mga Lumad sa kanilang lupang ninuno, matagal na silang dumaranas ng karahasan mula sa mga paramilitar. Matagal nang nakakatanggap ng mga banta sa buhay si Garito, ayon kay Datu Delio Malibato, pinuno ng Karadyawan at kamag-anak ni Garito. Pinaratangan siyang kasabwat ng New Peoples’ Army (NPA) at pangunahing nagre-recruit ng mga katutubo upang magrebelde. Ngunit hindi totoong miyembro ng NPA si Garito, ayon sa kaanak nitong si Jen Mantog-Malibato. “Napakasakit isipin kung bakit nila nagawa ang pagpatay sa Kuya Garito ko na hindi naman NPA. Isa lang naman siyang driver ng motor, at saka trabaho lang niya minsan ang mamasada,” ani Jen sa isang Facebook post. Panawagan naman ng mga kaanak ni Garito na pakinggan ng gobyerno ang kanilang hinaing at ang agarang

pagresolba sa kasong ito. “Nananawagan kaming mga Lumad na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Garito. Matagal na kaming binabalewala at hindi pinapakinggan ng gobyerno, at wala silang tugon sa aming pinananawagan,” ani Datu Delio sa wikang Bisaya. Samantala, kinundena ng PASAKA Confederation of Lumad Organizations in Southern Mindanao ang pagpatay kay Garito bilang “ruthless state-backed killing against IP and peasants.” Ngunit isa lamang si Garito sa dumaraming bilang ng napapaslang na mga katutubo sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa katunayan, mula nang maupo sa pwesto si Duterte, higit 126 na kaso ng pagpatay na ang naitala ng grupong Karapatan, at 38 nito ay sa Timog Mindanao. Setyembre noong nakaraang taon nang maitala ang pagpaslang ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) sa isang 19 taong gulang na mag-aaral sa Salugpongan Ta Tanu Igkanongon Community Learning Center. Pauwi rin noon si Obillo Bay-ao nang barilin siya ni Ben Salangani, miyembro ng CAFGU sa Talaingod, Davao del Norte. Matagal nang nasa interes ng malalaking kumpanya at minahan ang kalupaan ng Mindanao kung kaya’t labis ang presensya ng mga militar doon. “The continuing rights violations comitted with impunity... is indicative of a flawed justice system that is farcical and inutile,” ayon sa pahayag na inilabas ng Karapatan. ”With them [paramilitary] on the loose, the lives of those in indigenous and peasant communities are put at even greater risk.”

25k incentive, patuloy na isinusulong para sa mga kontraktwal MARVIN RAEL TENECIO

PATULOY NA IGINIGIIT NG MGA manggagawa sa UP ang P25,000 na karagdagang benepisyo para sa mga kontraktwal. Kaugnay ito ng ipinangako ni UP President Danilo L. Concepcion na dagdag na insentibo para sa mga manggagawang kontraktwal sa buong UP system, sa kanyang pakikipagdayalogo sa All-UP Workers Union (AUPWU) noong Disyembre 5, 2017. Gayunman, wala pang tiyak na petsa kung kailan maipapamahagi ang mga benepisyo. Nakapaloob sa mga probisyon ng Batas Pambansa (RA) 9500 o UP Charter of 2008 ang pagbibigay ng benepisyo sa mga manggagawa. Dapat umanong pangalagaan ng pamantasan ang kapakanan at karapatan sa benepisyo ng mga empleyado nito. “Notwithstanding any provision of law to the contrary, all incomes generated by the national university or by its subsidiaries shall, upon their collection, be retained by the national university and disbursed at the discretion of the Board for the professional

growth and development, health, welfare, and other benefits of the students, faculty members and other personnel,” nakasaad sa Section 13 ng nasabing batas. Idaragdag ang makukuhang trust fund sa mga college units sa makukuhang benepisyo ng mga empleyado, ayon sa naganap na dayalogo sa pagitan ng unyon at ng administrasyon ng UP. Subalit hindi pa tiyak ang halaga ng benepisyong makukuha ng mga manggagawang kontraktwal hangga’t hindi pa nakokolekta nang buo ang savings sa lahat ng mga yunit ng pamantasan, ayon kay Concepcion sa naganap na pag-uusap. Nakatali rin umano ang unibersidad sa mga gastusin dahil sa limitasyong nauna nang itinakda kamakailan ng Board of Regents, ang pinakamataas na lupong tagapagpaganap sa buong UP System. Mas mahirap ang kalagayan pampinansya ng unibersidad ngayon kumpara sa nagdaang termino ni dating UP President Alfredo Pascual, lalo pa kung pagbabatayan lamang ang

Students and youth leaders join workers from the Coca-Cola Femsa Philippines, Inc. (CCFPI) in Sta. Rosa, Laguna in their strike and calls for regularization during a Basic Masses Integration, April 7. Orders from the Department of Labor and Employment to regularize the 675 contractual workers have remained unheeded by the CCFPI. Most of the workers remain contractual despite having been with the company for a long time, with some reaching 18 years of service.

BULIG TO BAKWIT

PATRICIA LOUISE POBRE

Various musicians and artists perform at the My Brothers Mustache Folk Bar for a benefit gig to support and raise donations for Lumad schools and communities in Mindanao, March 22.

rentang nakukuha mula sa UP Town Center at TechnoHub, ayon din sa nasabing dayalogo. Giit naman ng unyon, marami pang pwedeng mapagkuhanan ng pondo ang unibersidad, tulad ng investment sa government security at interest payment sa mga trust fund na magagamit para sa dagdag na benepisyo ng mga empleyado. “Ipinaglalaban namin ang P25,000 incentive dahil ito ay karapatan ng mga kawani, batay na rin sa polisiya mismo ng gobyerno,” ayon kay Jossel Ebesate, Public Relations Officer ng AUPWU. May tatlong uri ng empleyado sa UP: mga regular o permanenteng manggagawa na may employer-employee relationship at tumatanggap ng mga benepisyo; may mga UP contractual na sumasailalim sa kontratang hindi lalampas sa anim na buwan, ngunit sinasaklaw mismo ng administrasyon ng UP; at mayroong nonUP contractual na mula sa mga hiring agency, ayon kay AUPWU Vice President Eva Cadiz.

Para sa unyon, dapat ding tumanggap ng benepisyo ang mga non-UP contractuals. Subalit tugon naman ng administrasyon, nanganganib silang makasuhan sa Commission on Audit (COA) o sa Ombudsman kung gagawin nila ito. Samantala, bukod sa dagdag na benepisyo, pinangungunahan din ng AUPWU ang laban para sa regularisasyon ng mga empleyado ng UP. Matagal nang iniinda ng mga manggagawa ang kawalan ng pagkilala ng administrasyon sa kanila bunsod ng kanilang pagiging kontraktuwal, ani Cadiz. Maglilimang taon nang housekeeper si Conrado Perez sa UP Diliman, ngunit nananatili pa rin siyang kontraktwal hanggang sa kasalukuyan. “Mahirap ang pagiging kontraktwal dahil kahit anong oras pwede kang tanggalin [sa trabaho],” aniya. Isa lamang si Perez sa 245 na manggagawang kontraktwal sa buong UP Diliman, ayon sa pinakahuling tala

ng Human Resources Development Office (HRDO). Hindi pa rito kabilang ang mga non-UP contractual. “May mga movement na noon [na tanggaping] UP contractuals ang mga non-UP contractuals na higit sampung taon na sa trabaho bilang pagtupad sa pangako ng administrasyon,” ayon kay Stephanie Andaya, Secretary General ng Alliance of Contractual Workers in UP (ACE-UP). Sampung porsyento lang sa mga napangakuan ang naging UP contractuals, aniya. “Patuloy ang panawagan namin para sa pagpapabilis ng patas na programang regularisasyon ng mga kontraktwal,” ani Andaya. Ang mga manggagawang kontraktwal ay nararapat lamang gawing regular, lalo ang mga matagal nang nagsisilbi sa pamantasan, dagdag niya.

HUWEBES 12 ABRIL 2018

3

BA LI TA


TINIMBANG NGUNIT KULANG:

Pagsusuri sa kakapusan ng murang bigas sa bansa BEATRICE P. PUENTE

SAAN MANG HAPAG-KAINAN sa bansa, laging matatagpuan ang kanin. Kasama ng gulay at isda, ito ang bumubuo sa karaniwang pagkain ng pamilyang Pilipino, ayon na rin sa pag-aaral ng Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology (FNRI-DOST). Dahil dito, malaki ang pangangailangan ng Pilipinas para sa kanin, o bigas na pinagmumulan nito. Sa katunayan, umabot sa 31,463 metriko tonelada (MT) ang kinokonsumong kanin ng mga Pilipino sa loob ng isang araw, ayon sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong nakaraang taon. Ngunit sa ngayon, nahaharap ang bansa sa krisis sa pagkain—kulang na kasi ang suplay ng murang bigas sa bansa, ayon sa National Food Authority (NFA). Kapos na suplay Noong Pebrero, inanunsyo ng NFA na dalawang araw na lamang ang itatagal ng kanilang suplay ng bigas, dahil kulang ang kanilang nabili noong nakaraang taon. Nasa 65,000 MT ang kasalukuyang suplay ng ahensya — malayo sa 400,000 MT na sapat sa 15 araw na nakasaad sa mandato nito. Dahil dito, wala nang mabibiling murang bigas ngayon sa mga palengke. Sa tala ng NFA, sampung porsyento ng populasyon o 8 hanggang

LAT HA LAIN

4

HUWEBES 12 ABRIL 2018

10 milyong Pilipino ang tumatangkilik sa murang bigas ng ahensya na nasa P27 hanggang P32 ang kilo. At dahil sa nakaambang kakulangan, mapipilitan ang mga ito na bumili ng komersyal na bigas na nagkakahalaga ng mahigit P50 bawat kilo. Malinaw, kung gayon, na hindi natupad ng NFA ang tungkulin nito, ani Antonio Flores, pangkalahatang-kalihim ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP). Itinatag ang NFA noong 1972 upang tiyakin ang seguridad sa pagkain sa bansa sa pamamagitan ng paglalaan ng sapat na suplay ng palay at mais para sa pangangailangan ng mga Pilipino. Kung hindi magkukulang ang suplay ng bigas ng pamahalaan, hindi rin basta magtataasan ang presyo ng mga komersyal na bigas. Bukod dito, nagsisilbi ring buffer stock o reserba ng bansa sa panahon ng kalamidad ang bigas ng NFA. Ngunit sa kakulangan ng bigas sa kasalukuyan, mahirap abutin ang nasabing seguridad. Ayon sa pananaliksik ni Roehlano Briones (2016), “In the Philippines, food security is strongly associated with selfsufficiency in

producing food. The emotional attachment to domestically grown food is especially strong for rice, the main staple and most widely-grown crop.” Umabot man sa higit 17 milyon MT ang inaning palay noong 2017 — mas mataas ng anim na porsyento sa ani noong 2016 — kalakhan naman sa mga ito ay napupunta sa komersyal na mangangalakal. At kung kulang ang suplay ng bigas sa buffer stock, maaasahan ang pagtaas ng presyo ng komersyal na bigas. Sa nakalipas na mga dekada, laging may pahayag ang bagong administrasyon tungkol sa paglinang ng kakayahan ng bansa na lumikha ng sapat na pagkain para sa sarili nitong pangangailangan. “Ang gusto nating mangyari: Una, hindi na tayo aangkat ng hindi kailangan. Ikalawa, ayaw na nating umasa sa pagangkat,” ani Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang State of the Nation Address noong 2011. Ipinangako rin ito ng mga nakaraang pangulo ­ — nina Arroyo, Estrada, at Ramos. Ganito rin daw ang layunin ng kasalukuyang Kagawaran ng Agrikultura sa ilalim ni Emmanuel Piñol na makakamit raw sa pamamagitan ng mas maunlad na kagamitang pangagrikultura at pamamahagi ng palay sa mga magbubukid. Ngunit mula noon hanggang ngayon, patuloy pa ring nakaasa sa importasyon ang bansa. Sa katunayan, nakahanda nang mag-angkat ang NFA ng 250,000 MT bigas mula sa Thailand, Laos, at Vietnam. Hindi nararapat na pag-aangkat Tinaguriang agrikultural na bansa ang Pilipinas: umaabot sa 43,000 kilometro kwadrado

o 14 porsyento ng kabuuang lupain sa bansa ang tinatamnan ng palay, ayon sa International Rice Research Institute (IRRI). Sapat na sana ang lupaing ito upang punan ang pangangailangan ng mga Pilipino para sa bigas. Paliwanag ni Cathy Estavillo, tagapagsalita ng Bantay Bigas, alyansang tutol sa importasyon ng bigas at liberalisasyon ng agrikultura, “Wala tayong batayan para mag-import kasi kaya nating likhain [ang kulang na bigas]. Kaya nating i-produce ‘yung sarili nating pangangailangan kung nand’yan ‘yung suporta ng gobyerno sa sektor ng mga magsasaka.” Sa kabila nito, nanguna pa rin ang bansa sa pag-aangkat ng bigas mula noong 2001 hanggang 2010, base sa datos ng Trade Map, isang organisasyong nananaliksik ukol sa pandaigdigang kalakalan. Hindi kasi umano nagagamit nang lubos ang potensyal ng mga lupang sakahan dahil patuloy ang land use conversion, ani Flores. Ang mga lupang dating ginagamit sa pagsasaka ay tinatayuan na ngayon ng mga komersyal na imprastraktura tulad ng mga bahay-bakasyunan at mall, pati na rin ng mga kalsada at tulay. Inaasahan din ng Bantay Bigas at KMP na magpapatuloy ang land use conversion dahil sa agresibong “Build, Build, Build” na programa ng pamahalaan na pinaglaanan ng P8.4 trilyon. Isa pang suliraning kinahaharap ng sektor ay ang pagkakatali ng Pilipinas sa mga di patas na kasunduang pangkalakalan na pinagtitibay ng pagiging kasapi ng bansa sa World Trade Organization (WTO). Sa ilalim ng mga kasunduang ito, naging bukas ang bansa sa malayang pagpasok ng maraming dayuhang produkto. Ngunit bunga ng kawalang suporta ng pamahalaan sa sektor ng agrikultura, nahihirapang makipagsabayan ang mga magbubukid sa produksyon ng ibang bansa. Ito rin ang tinutukoy na dahilan ni Estavillo kung bakit mas mataas ang presyo ng palay mula sa mga lokal na magsasaka kaysa mga dayuhang

produkto, bagaman hindi nagkakalayo ang kanilang kalidad. Muling pagpuno sa kaban Hindi madali ang pagtugon sa kakulangan, ayon sa KMP at Bantay Bigas, ngunit posible ito kung magagawa ng pamahalaan ang apat na hakbang na kanilang iminumungkahi: paglalaan ng mas malaking pondo para sa NFA, pagkalas sa WTO, pagbibigay ng sapat na ayuda sa mga magbubukid, at pagpapatupad na tunay na reporma sa lupa. Kung tutuusin, hindi ang kakulangan ng suplay ng bigas sa bansa ang problema, paliwanag ni Estavillo. Sa halip, ang usapin ay ang paglalaan ng sapat na pondo sa ahensya upang mabili ng NFA ang ani ng mga magsasaka sa tamang halaga. “Kailangang taasan [ng NFA] ang presyo ng kanyang pambili [ng palay],” aniya. Kasalukuyang nasa P17 kada kilo ng palay ang kayang ipambayad ng ahensya, mas mababa sa hiling ng mga magsasaka na P20. Bukod dito, mahalaga ang pagkalas ng bansa mula sa WTO upang mabawasan ang dami ng dayuhang produkto sa merkado, at sa gayo’y maprotektahan ang lokal na industriya, ayon kina Estavillo at Flores. Kung bibigyan din ng sapat na ayuda at mas maayos na pasilidad ang mga magsasaka, malilinang ang kanilang produksyon at tataas ang kalidad ng kanilang produkto, ani Estavillo. Panghuli, giit ni Flores, dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang libreng pamamahagi ng lupa sa mga magbubukid na mangyayari kung maisasabatas ang Genuine Agrarian Reform Bill (GARB). “Walang land reform [kaya kahit] sagana ang ani, natatali ang magsasaka sa utang,” aniya. Dagdag ni Flores, kung pag-aari na ng mga magsasaka ang lupa, hindi na rin sila pipiliting abutin ang mataas na quota ng ani bago bigyan ng kakarampot na sahod ng panginoong maylupa, na siyang kalakaran sa maraming asyenda. Sa huli, hangga’t walang natatamasang reporma ang sektor ng pagsasaka, patuloy na magiging mailap ang seguridad sa pagkain at maraming Pilipino ang mananatiling gutom. Kung totoong nais ng pamahalaan na tugunan ito, malinaw ang dapat gawin: suportahan ang mga magbubukid at paunlarin ang agrikultura.


HOLY HOLY WORK WORK Daniel Lorenzo Mariano

UNTI-UNTI NANG INAAGAW NG DILIM ANG LIWANAG

nang magsimula ang prusisyon sa Our Lady of the Abandoned sa Marikina. Maririnig ang kani-kaniyang kuwentuhan at komento. Ang iba, inaaliw ang sarili sa mga maliliwanag na karosang punong-puno ng mga bulaklak na litaw na litaw sa dilim. “Tumitigil talaga ang buong Marikina tuwing prusisyon!” ayon sa isang lalaking naninigarilyo malapit sa kantong lilikuan ng mga karosa. Ang ibang mga nakatira malapit sa simbahan, naglagay pa ng mga upuan para komportable ang kanilang panonood ng prusisyon habang ang iba’y nagdarasal. Sa bawat sulok ay mayroong pumpon ng mga kandilang ibinibenta. Matatagpuan si Bernadette Rosales, 27, sa liwanag ng mga kandilang nakatirik sa paligid niya. Bawat imahen na dumadaan ay kilala niya. Habang ang iba ay nasa bakasyon, naririto sila at isinasagawa ang kanilang “Holy Work” sa holy week. Nasa elementarya pa lamang si Bernadette ay nagtitinda na siya ng mga sampaguita, kandila, at rosaryo sa simbahan. Halos lahat sa paligid ay mayroong bitbit na kandila. Ayon sa kanya, sinisimbulo ng kandila si Hesus bilang liwanag ng buhay. Hanggang first-year college lamang ang natapos ni Bernadette. Napilitan siyang tumigil sa pag-aaral dahil sa hirap ng buhay. Ngayong may pagkakataon siyang muling mag-aaral at makapagtapos, ayaw na niya. “Huli na para sa akin,” aniya. Ngayong mayroon nang trabaho si Bernadette, mahirap na para sa kaniyang balikan ang kaniyang pag-aaral. Sa kadiliman ng gabi, hindi lamang ang mga karosa ang naiilawan kundi pati na rin ang mga mukha ng mga taong sinusundan ang yapak ni Hesus na naiilawan ng mga kandilang tinitinda nina Bernadette. Umaasa sila sa mga panalanging ibinibulong sa Diyos. Bitbit ang liwanag ng mga kandilang mula sa mga tulad ni Bernadette.


KUNG SAAN SA K ATAWA N * SHEILA ABARRA

Patuloy ka pa rin namang manonood ng ganitong mga pelikula, ngunit mapapatigil ka’t hindi makakaimik kung ikaw na ang ginawang ideyal na eksena—pilit kang hinalikan kahit sinabi mo nang ayaw mo.

ANG PAKIRAMDAM, HINDI MO MAKIKILALA. Isa pa’y hindi mo naman siya kilala. Pero hahayaan mo siyang kilalanin ang samyo ng iyong balikat at hawakan ang iyong kamay. Hanggang sa hindi mo na mabilang ang mga bagay na iyong hinayaan. Malapit nang matapos ang pinili n’yong oras. Ilang oras ang makalipas, pinagpipyestahan ka na at ang iyong katawan sa isang facebook group. Dati, kapag sinabing date, kakain lang kayo sa kantina tapos ililibre ka niya, hanggang sa naging movie date na may konting pagme-make-out, hanggang sa naging purong sex na lang. Mula sa romantikong kahulugan ng date, nagdebelop ito sa tawag na lamang ng libido. Nagpakilala ang Pick-up Artists Academy o PUA bilang isang “dating company” para sa mga straight na lalaki. Maaaring pumasok sa isip mo na tulad ito ng mga ad sa mga website na “Find a Foreign Single Man,” iyong mga palabas sa telebisyon gaya ng The Millionaire Matchmaker o kahit ang Tinder na isang dating application. Ngunit ang PUA Academy ay hindi lamang nagbibigay ng tips sa kanilang pribadong facebook group—nagsasagawa sila ng mga diskusyon at workshop kung saan ang bidyo at screenshots ay kumalat kamakailan sa internet at umani ng iba’t ibang puna mula sa mga netizen. Para kang test subject na pinag-aaralan—may listahan sila ng mga paraan kung paano ka hulihin, ipasok sa motel, i-sex, gawing kasintahan o wag nang kausapin kahit kailan. Hindi mo maiiwasang maisip kung paano nga ba pumasok sa isip ni “Smooth”, CEO ng PUA academy, na gusto mo yung “nagpapaforce.” Sa dami ng paraan para makuha ang “desire,” na sabi nga ni Freud ay sikolohikal, kung saan-saan na

tayo humuhugot ng bago at may thrill. Sa panahon ngayon, ang pakikipagsapalaran sa kultura ng hookups, ay maituturing na ring thrill. Dumarami na rin ang mga pelikulang hook-up ang tema, patunay na niro-romanticize o ginagawang ideyal at hindi realistiko ang pakikipag-date. Kung para kanino ang tinakdaang pamantayan, mapapanood mo’t mararamdaman pag sex scene na. Patuloy ka pa rin namang manonood ng ganitong mga pelikula, ngunit mapapatigil ka’t hindi makakaimik kung ikaw na ang ginawang ideyal na eksena—pilit kang hinalikan kahit sinabi mo nang ayaw mo. Dapat kwestyunin ang desire ng ka-sex mo, kung sinasagasaan nito ang iyong batayang karapatan. Sa hanay pa lamang ng mga mambabatas gaya ni Tito Sotto ay hinahamak na ang mga kagaya mo, hindi hamak na patuloy pa ring dumarami ang kaso ng pang-aabuso sa kababaihan sa bansa. Ang kahalagahan mo ay hindi nakadepende sa sasabihin niya pagkatapos n’yong mag-sex, ito’y nasa sa’yo. Kung saan sa iyong katawan ang sagot, ikaw dapat ang makahanap, hindi ang iyong boss, ang iyong kaklase, hindi iyong naka-match mo sa isang dating app. *pasintabi kay Louie Jon Sanchez

PHILIPPINE COLLEGIAN SANNY BOY AFABLE

PUNONG PATNUGOT

ALDRIN VILLEGAS

KAPATNUGOT

SHEILA ANN ABARRA

TAGAPAMAHALANG PATNUGOT

JOHN DANIEL BOONE

PATNUGOT SA BALITA

ROSETTE ABOGADO JAN ANDREI COBEY ADRIAN KENNETH GUTLAY

PATNUGOT SA GRAPIX

CAMILLE JOYCE LITA

TAGAPAMAHALA NG PINANSIYA

JOHN KENNETH ZAPATA

KAWANI

WAKE UP EARLY. TEND AND FEED THE dog, then clean its shelter afterwards. Have ample time for brunch. Then proceed to wash the heaping dirty laundry. Iron the clothes. Clean your designated area. If you’re lucky enough, you can still have time for dinner, but it is already dawn before you have realized it. You should rest since you still need to wake up early, then the cycle continues. This is the usual routine of a house helper. However in the same sight, I see a superhero. Mama has always been my superhero. With strong yet delicate hands, she would juggle one responsibility after another while playing the role of a best friend, a fan, and a mother. For 20 years, I have seen her fight and fall, but never grew tired of being a hero. My hero and I do not have much memories to share, for she has spent years overseas. “Mahal na mahal ko kayo,” says the superhero, wiping her tears as she leans for one last hug before she flies back to foreign lands beyond our reach, again, and again, and again. As a child, I hardly understood the concept of leaving, some even losing the chance to return in the process. A month ago, the news about Filipina Overseas worker Joanna Demafelis reached the headlines. She was found dead in a freezer, with signs of physical abuse all over her body. Joanna, a loving and selfless mother, risked her life to fly overseas with the hopes of alleviating her family’s poverty. Had she met better employers—or, had she found better opportunities in this country rather, she would still have been living today. Then the familiar feeling hit me. The thought of Mama losing her cape suddenly frightened me. Is it selfish to wish for her gentle hugs? To personally hear her voice without the need for any cables connecting us? To wish that she spend with us the rest of what

O PIN YON

6

HUWEBES 12 ABRIL 2018

remains of her time? Is it selfish to ask her to stop being this kind of superhero—one that leaves? If anything, I guess Joanna’s family also wished the same. Unfortunately, their chance to spend time with her is forever gone. There are millions of superheroes out there fighting, struggling, to save their loved ones. They would fly overseas to fulfill their duties, far away from this barren land sucked dry by a government that knows service not for its people but for the elite, the foreign countries in need of their labor. Until the government learns to prioritize the interests of its people and provide more opportunities for them to be a hero in their own land, the cycle of leaving continues. Until then, I will continue to long for the warmth of the hero I never got the chance to grow up with. Until then, I will remain a son desperately looking for the hug of a mother, in these trying times. I just miss you so much, ‘ma. Please, come home.

AMELYN DAGA

PINANSIYA

GARY GABALES

A SELFISH WISH JOHN KENNETH ZAPATA

TAGAPAMAHALA SA SIRKULASYON

AMELITO JAENA OMAR OMAMALIN

SIRKULASYON

TRINIDAD GABALES GINA VILLAS

KATUWANG NA KAWANI

KASAPI UP SYSTEMWIDE ALLIANCE OF STUDENT PUBLICATIONS AND WRITERS’ ORGANIZATIONS (SOLIDARIDAD)

COLLEGE EDITORS GUILD OF THE PHILIPPINES (CEGP) PAMUHATAN SILID 401 BULWAGANG VINZONS, UNIBERSIDAD NG PILIPINAS, DILIMAN, LUNGSOD QUEZON TELEFAX 981-8500 LOKAL 4522 ONLINE phkule@gmail.com www.philippinecollegian.org fb.com/phkule twitter.com/phkule instagram.com/phkule issuu.com/philippinecollegian pinterest.com/phkule

      

Is it selfish to ask her to stop being this kind of superhero—one that leaves?

UKOL SA PABALAT

DIBUHO NI KENNETH ZAPATA


MELTING POINT

WARREN RAGASA

TAYONG MGA INGGRATO PROUD NA PROUD ‘YUNG KAPITBAHAY KO, na-interview ‘yung anak niyang valedictorian sa isang programa sa TV. Oo nga pala, ito ‘yung mga panahong pinagpupugayan ang mga natatanging anak, silang inspirasyon at iisang nagtagumpay sa isandaang kabataang sumubok—ang mangyayari sa siyamnapu’t siyam, malay natin. N’ung pumasa ako ng UPCAT, tinuro rin ako ng konsehal sa mga researcher ng isang programa sa TV. Kung pumayag ako, ifa-flash ang mukha ko sa telebisyon, at magiging inspirasyon ang nakaaantig kong kwento sa milyon-milyong kabataang nagmula rin sa mahirap na pamilya at regular na pampublikong hayskul. Sususugan ng programa ang nakalalasong ideyang hindi hadlang ang kahirapan sa edukasyon. Sisihin mo ang iyong sarili, ang iyong pamilya, ang lahatlahat sa hindi mo pagtatagumpay, maliban sa sistema ng edukasyon, ang sira-sira niyong upuan at ang mababang sahod ng paos niyong guro. Dahil pinaniwala tayong pribilehiyo ang edukasyon, inggrato na ang magreklamo, inggrato ang mainip sa paghihintay ng resulta ng UPCAT, tulad ng sabi ni Regent Spocky Farolan. Pero hindi ko masisisi 'yung mga estudyante ng senior high school (at mga magulang nila) na 'di mapakali sa resulta ng UPCAT, tulad ng pagkainip nilang gumradweyt. May ibang kahulugan ang pagkakapasa sa UPCAT para sa maraming pamilyang umaasang gumanda ang buhay, sa mga barangay na 'di naman talaga naaabot ng kalidad na edukasyon, at sa mga kabataang punung-puno ng pangarap. Ginawa nilang pribilehiyo ang makapag-aral, lalo ang makapasok sa UP, kaya nagkakandarapa ang mga programang maghanap ng espesyal na kwento ng pagtatagumpay mula sa mas maraming kwento ng pagkabigo. Wala kasing kasiguruhan ang edukasyon sa Pilipinas, at naikintal sa isip nating UP ang balwarte ng husay at dangal, ng paglilingkod sa sambayanan. Sa kabilang banda, hindi ito laging totoo hangga't may katulad ni Spocky Farolan—arogante at walang malasakit, nakakulong sa sariling toreng garing. Pumasa lang si Farolan at naging regent, pero malamang tulog siya sa maraming beses na itutulak ang bawat iskolar ng bayan para kumilos, para magkaroon ng puso higit sa talas ng isip.

ADRIAN KENNETH GUTLAY

THE PHILIPPINE COLLEGIAN is looking for

Umakyat na sa Room 401 ng Vinzons Hall at magdala ng portfolio.

 Miguel Lizada @mlizada

When your favorite pop star or athlete mispronounces English words, it's cute. Aaaaawww. But when a Filipina (particularly somebody who is not affluent) does it, it's funny and stupid. It's not just double standard. It's also class-based. Kayo ang "road." 12:41 AM - 10 APR 2018

 Mikko Ringia @mikkooooow

As the candidates today march through every room in UP, don't get distracted by their attire, their name tags, their looks and how they present themselves. Ask them the real questions. How they can forward the genuine interests of the students and the people. 9:03 AM - 11 APR 2018

 omid siahmard @omidong

A paperless campaign is great but when handled by people who hold an ideology that doesn't oppose free market capitalism, depth of how they understand environmental problems is questionable. Good day.

STATUS QUOTES

12:33 PM - 11 APR 2018

HUWEBES 12 ABRIL 2018

7

COM MUN ITY


ANG HINDI KARAPAT-DAPAT PHILIPPINE COLLEGIAN

EDITORYAL

,,

Ang tunay na hindi karapat-dapat ay ang patuloy na pagkiling ng CHED sa mga pribadong institusyon kasabay ng pagtakas nito sa responsibilidad na magbigay ng libreng edukasyon.

PATULOY TAYONG NILILIGAW PALAYO SA landas ng libreng edukasyon. Matapos ang deka-dekadang pagsulong ng mga kabataan upang makamit ang libreng edukasyon, naisabatas din noong 2017 ang Republic Act No. 10931 o Free Education Law. Gayunman, pinalalabnaw ng Commission on Higher Education (CHED) ang tagumpay na ito sa pamamagitan ng interpretasyon at implementasyon nito ng batas. Sa naganap na pagbabalangkas sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Free Education Law, hayag ang patuloy na pagbusal sa mga kabataang nananawagan ng tunay na libreng edukasyon. Ikinulong pa at pinalabas sa kalagitnaan ng diskusyon ang mga kinatawang lider-estudyante noong huling pampublikong pagdinig para sa dokumento. Nakapaloob sa IRR ang mga alituntuning kalakip ng libreng matrikula sa 112 State Universities and Colleges (SUCs), 78 Local Universities and Colleges (LUCs), at sa mga programa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa mga susunod na taon. Sa kabila nito, nilikha ang IRR upang tukuyin ang mga hindi karapatdapat magkamit ng kanilang karapatan sa libreng edukasyon. Ayon sa IRR, hindi mabibigyan ng libreng matrikula ang mga mag-aaral na hindi nakasunod sa retention policies ng kanilang mga paaralan. Sa kasalukuyan, mahigit 450 mag-aaral ng UP ang hindi nabigyan ng libreng matrikula gawa ng mga restriksyong inilatag bago pa man mabuo ang IRR. Hindi makatarungan ang mga restriksyong ito dahil tinatanggalan nito ng karapatang magkamit ng libreng edukasyon ang maraming mag-aaral, gaya ng mga napipilitang tumigil pansamantala upang maghanap-buhay. Sa tinagal-tagal ng paghihintay para sa IRR, hilaw ang nahalaw na produktong hindi ganap na tumutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral. Hanggang sa kasalukuyan, wala pa ring solusyon sa kawalan ng pondo para sa mga pahayagang pangkampus tulad ng Collegian, at sa konseho ng mga mag-aaral dahil hindi ito nasasaklaw ng IRR. Ang hindi pagsakop ng Free Tuition Law sa student fund ay direktang pagpilay sa mga institusyon na naglalayong makapaglingkod sa mga mag-aaral.

Dagdag pa ang kawalan ng anumang aksyon mula sa administrasyon ng UP upang tugunan ang suliranin sa pondo ng mga institusyong pang-mag-aaral. Simple lang ang prinsipyo ng libreng edukasyon: walang koleksyon, at bilang karapatan, matatamasa ito ng lahat. Subalit hindi ito ang layunin ng CHED na nagpahayag pang maghihigpit sa pagtanggap ng mga mag-aaral sa SUCs sa mga susunod na taon. Ayon sa CHED, paiigtingin ang mga restriksyon upang mapigilan ang posibleng paglipat ng mga mag-aaral mula sa mga pribadong paaralan patungo sa mga SUCs. Malinaw na ayaw kilalanin ng CHED na ang edukasyon ay isang karapatan, alang-alang sa interes ng pribadong sektor. Sa P40 bilyon na pondo para sa unang taon ng pagsasakatuparan ng Free Education Law, P16 bilyon ang nakalaan para sa libreng matrikula sa SUCs, P7 bilyon para sa libreng technical-vocational education, at P15.9 bilyon naman para sa tertiary education subsidy na papakinabangan ng mga pribadong paaralan. Mas siniguro ng CHED ang kita ng pribadong sektor sa halip na suportahan at pagtibayin ang mga SUCs. Sa halip na mapaigting ang libreng edukasyon sa SUCs, naging instrumento pa ang IRR upang makinabang ang mga pribadong institusyon. Noong 2017, tumaas ng 6.9 na bahagdan o P243 kada yunit ang matrikula sa mga pribadong paaralan. Ang tunay na hindi karapat-dapat ay patuloy ang pagkiling ng CHED sa mga pribadong institusyon kasabay ng pagtakas nito sa responsibilidad na magbigay ng libreng edukasyon. Mas pinaigting ang pangangailangan para sa libreng edukasyon sa panahong kaliwa’t kanan ang banta sa kritikal na pag-iiisip ng mamamayan. Hangga’t hindi nakikita ang kahalagahan nito para sa pambansang kaunlaran, patuloy na mananatiling negosyo at nakatali sa pansariling interes ng iilan ang sistema ng edukasyon sa bansa. Hindi natatapos sa kasalukuyang anyo ng batas ang laban para sa tunay na libreng edukasyon. Hangga’t hindi pa naisusulong ang libreng edukasyon para sa lahat, hindi tuluyang abot-kamay ng mga kabataan ang kanilang karapatan. Sa huli, hamon sa atin ang patuloy na pagtindig dahil hindi ibinigay ang tagumpay na ito ngunit ipinaglaban.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.