PHILIPPINE
COLLEGIAN
The Official Weekly Student Publication of the University of the Philippines Diliman
Volume 97 • Special Issue • 8 pages Monday, 21 October 2019
# TA N GGOL MAGSASA K A
www,philippinecollegian.org
@phkule
phkule@gmail.com
EDITORYAL
DIBUHO • MARCY LIOANAG
PHILIPPINE COLLEGIAN The Official Weekly Student Publication of the University of the Philippines Diliman
EDITOR-IN-CHIEF Beatrice P. Puente ASSOCIATE EDITOR Marvin Joseph E. Ang MANAGING EDITORS John Irving D. Gandia Kimberly Anne P. Yutuc BUSINESS MANAGER Cathryne Rona L. Enriquez FEATURES EDITOR Richard C. Cornelio
KALAMPAG NG SIKMURA Lipunang ligtas at mamamayang malaya sa krisis. Ganito ang haraya ng lipunang nais likhain ng bawat isa. Ilang administrasyon na ang nangakong wawakasan ang mga krisis na gumagapos sa taumbayan gaya ng kagutuman, ngunit hindi pa rin ito nakakamit sa kasalukuyan. Mula Abril hanggang Hunyo, umakyat pa sa 2.5 milyong pamilya ang nakararanas ng gutom mula sa 2.3 milyong naitala ng Social Weather Stations sa unang kwarto ng taon. Upang subukang tugunan ang krisis, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Expanded Partnership against Hunger and Poverty Program na nilalayong puksain ang gutom sa 2030 sa tulong ng siyam na ahensya ng pamahalaan. Nilalayon din ng programang magkaroon ng seguridad sa pagkain ang bansa at tuluyang wakasan ang kahirapan. Gayunman, hindi makakamit ang mga itinakdang hangarin ng programa hangga’t nariyan ang mga kondisyong nagpapahirap sa sektor ng pagsasaka na pangunahing magtutulak nito. Hanggang ngayon, maraming magsasaka pa rin ang walang
02
Kabalintunaan kung maituturing ang pagdami ng pamilyang nagugutom para sa isang agrikultural na bansa gaya ng Pilipinas.
sariling lupang sakahan at nananawagan ng tunay na repormang agraryo. Ngunit sa halip na tugunan ito, ipinatupad pa ang Rice Tariffication Law na lalong nagpabigat sa pasanin nila. Dahil sa mas maraming bigas na inaangkat mula sa mga karatig-bansa gaya ng Vietnam, naitala ngayong buwan ang pinakamababang presyo ng palay sa loob ng walong taon na pumalo lamang sa P15.96 kada kilo. Nitong nakaraang buwan, may mga magsasaka ring napilitang ibenta ang bawat kilo ng palay sa halagang P7, di hamak na mas mababa sa P12 gastusin sa produksyon. Bago pa man ipasa ang batas,
mariin na itong tinuligsa ng iba’t ibang grupong malay sa laki ng kompetisyong bubunuin at kung paano ito negatibong makaaapekto sa lokal na magsasaka. Higit pang nagbibigay-pasakit sa kanilang sektor ang kawalan ng modernong agrikultural na kagamitan at pasilidad. Malaking dagok din ang kawalan ng maayos na imprastrukturang nagdurugtong sa mga sakahan at pamilihan na makatutulong sana upang mas madaling ipagbili ng mga magsasaka ang kanilang ani. Maging sa usapin ng badyet, mababa lamang ang pagpapahalagang ibinibigay ng pamahalaan sa sektor na ito. Nasa P36.73 bilyon lamang ang natanggap ng DA ngayong 2019— isang porsyento ng P3.6 trilyong kabuuang pondo ng pamahalaan. Umakyat ang panukalang budget ng ahensya sa P71.8 bilyon para sa 2020, ngunit dalawang porsyento lamang ito ng P4.1 trilyong pondo ng pamahalaan. Ngunit labas sa kakulangan sa ayuda, higit na nakadidismaya ang namamayaning kultura ng karahasang naglalagay sa buhay ng maraming magsasaka sa kapahamakan. Sa kaso ng Las Navas 3, halimbawa, iligal na inaresto ang isang organisador ng Northern Samar Small Farmers’ Association at dalawang magsasaka dahil pinaghihinalaan silang kasapi ng New People’s Army—paratang na
hindi naman napatunayan ng militar na humuli sa kanila. Noong 2018 naman, pinaslang ang siyam na magsasaka ng tubo na kalahok sa kampanyang bungkalan sa Sagay, Negros Occidental. May 14 ding pinatay na magsasaka sa Negros Oriental noong Marso, kaugnay ng marahas na kampanya laban sa kriminalidad sa probinsya. Kabalintunaan kung maituturing ang pagdami ng pamilyang nagugutom para sa isang agrikultural na bansa gaya ng Pilipinas. Kabalintunaan lalo na ang magsasakang nagpapakain sa bayan ang siya ring mismong nakararanas ng gutom, bunsod ng kakulangan at karahasan. Kung tunay ang pagnanais ng pamahalaang tuldukan ang gutom at kahirapan sa bansa, hindi ito magdadalawang-isip na pangalagaan ang kapakanan ng sektor na nagtutulak nito. Pipiliin ng pamahalaang paunlarin ang agrikultura—at kaakibat nito ang pagbibigay ng sapat na ayuda at paglulunsad ng mga proyektong direktang makatutulong sa mga magsasaka. Hamon naman sa mga kabataan na makiisa sa paglatag ng mga solusyon at irehistro ang panawagan ng mga magsasakang biktima ng pananamantala. Pagkat kung patuloy silang matatali sa mapaniil at marahas na sistema, hindi ganap na makakamit ng lipunan ang harayang nais nito para sa bawat mamamayan. •
DISENYO NG PABALAT • KIMBERLY ANNE YUTUC
KULTURA EDITOR Sheila Ann T. Abarra GRAPHICS EDITOR Rosette Guia G. Abogado GUEST EDITORS Sanny Boy D. Afable Adrian Kenneth Z. Gutlay Karen Ann A. Macalalad Jiru Nikko M. Rada STAFF Samantha M. Del Castillo Lucky E. Dela Rosa Polynne E. Dira Karla Faith C. Santamaria Jose Martin V. Singh AUXILIARY STAFF Amelyn J. Daga Ma. Trinidad B. Gabales Gina B. Villas CIRCULATION STAFF Gary J. Gabales Pablito Jaena Glenario Omamalin ••• UP Systemwide Alliance of Student Publications and Writers’ Organizations (Solidaridad) College Editors Guild of the Philippines (CEGP) www.philippinecollegian.org ••• Sampaguita Residence Hall University of the Philippines Quirino Avenue, Diliman Quezon City
NEWS
@phkule
Groups demand immediate release of Las Navas 3 JOSE MARTIN SINGH Progressive organizations slam the illegal detention and torture of three individuals in Las Navas, Northern Samar, as they continue to call for their immediate release, citing the baseless grounds of the arrest. Dubbed as Las Navas 3, Northern Samar Small Farmers Association (NSSFA) organizer Christian Sabado, and farmers Anton Manoso and Edson Piczon were arrested by troops from the 20th Infantry Battalion in Northern Samar on October 2. Manoso and Piczon were accompanying Sabado to Barangay San Francisco for a research study when the military arrested them. “Malinaw na ginawa ‘yang pag-aresto na ‘yan para ipitin sila,” Kilusang Magbubukid ng
Pilipinas Chairperson Emeritus Rafael Mariano said. “Dapat ipatupad na ang immediate and unconditional release nila dahil walang matinding basehan ang mga pag-aresto sa kanila.” Prior to the incident, the 20th Infantry Battalion had roamed around Las Navas to scour for suspected terrorist activities, alleging that the three carried firearms and documents linking them to the New People’s Army (NPA). In their nearly three weeks of detention, Sabado, Manoso, and Piczon were mocked, beaten, and sent reeling to the ground by the military, according to a statement by the NSSFA. “They arrested the Las Navas 3 on October 2, but only turned them over on October 4, [buying] much time to torture [them] and make treatments after,” the NSSFA continued. Photos circulating online, meanwhile, showed that
Sabado, Manoso, and Piczon sustained serious bruises on their limbs. Contrary to the narrative Sabado was forced to tell in a video of the military battalion posted online, the peasant organizer was heavily beaten up, according to Bagong Alyansang Makabayan Eastern Visayas Secretary-General Joshua Sagdullas. “This is [a] clear [act of] intimidation and harassment of progressive individuals and a disregard of their basic human rights, rooted in the state’s contempt for political opposition,” Katungod Siniringan BisayasKarapatan said in a statement. The arrest of Las Navas 3 adds to the list of state violence against activists and the rural poor, especially since the implementation of Memorandum Order No. 32 on November 22, 2018, according to Karapatan Alliance for the Advancement of
People’s Rights. The order put Negros, Bicol, and Samar under military duress and has accounted for as much as 87 killings in a span of nine months, according to Unyon ng Manggagawa sa Agrikultura (see sidebar). Meanwhile, seven human rights workers conducting a fact-finding mission were arrested in Palawan over similar charges of illegal possession of firearms this month, according to Karapatan. The human rights group added that such cases under President Rodrigo Duterte has led to a total of 285 activist arrests as of October 14. Suppression thrives as state forces find more ways to subvert the progressive stance of the opposition by means of coercion,
League of Filipino Students National Spokesperson Kara Taggaoa said. “The Army has had a long history of harassment and torture of political detainees,” she said. “We condemn these acts of human rights violations. No prisoner must be subjected to such inhumane treatment.” On top of increasing violence in the region, farmers from Samar and other provinces continue to face unfair policies like the Rice Tariffication Law, said Bantay Bigas Spokesperson Cathy Estavilo. “Nananawagan kami ngayon ng malawak na suporta mula sa mamamayang Pilipino, para humingi ng hustisya sa mga pinatay at inaresto na mga magsasaka at aktibista,” Estavilo said. •
Sidebar
RISE OF CIVILIAN KILLINGS SINCE THE IMPLEMENTATION OF MEMORANDUM ORDER NO. 32
20 KILLED LUCKY DELA ROSA
•
67 KILLED •
NOV 2018
•
MAY 2019
167 COMMUNITIES AFFECTED
AUG 2019
87 PEOPLE KILLED
MOST KILLINGS AND ARRESTS IN LESS THAN A WEEK SINCE MEMORANDUM ORDER NO. 32’S IMPLEMENTATION
27-29 DEC 2019
#JUNKRICETARIFFICATIONLAW • Ipinanawagan ng iba’t ibang sektor ang pagbasura sa Rice Tariffication Law bilang paggunita sa Pandaigdigang Araw ng Pagkain sa tapat ng tanggapan ng Kagawaran ng Agrikultura, Oktubre 16. Sa pamamagitan ng batas na ito, malaya ang pamahalaang mag-angkat nang mag-angkat ng bigas kung kaya’t bumababa ang halaga ng palay sa bansa. Dahil dito, pumalo lamang nang halos P7 kada kilo ang palay na naibebenta ng mga magsasaka, dahilan upang lalo silang maghirap, ayon sa tala ng IBON Foundation.
21 October 2019 • www.philippinecollegian.org
30 MAR 2019
14
FARMERS KILLED BY LOCAL POLICE
18-27 JULY 2019
20
PEOPLE KILLED BY STATE FORCES
6
PEOPLE KILLED
26
PEOPLE ARRESTED
Sources Stand With Samar-Leyte • Unyon ng Manggagawa sa Agrikultura Karapatan-Alliance for the Advancement of People’s Rights Senate Resolution No. 65 filed by Senator Leila de Lima on August 5, 2019
03
PHILIPPINE COLLEGIAN • ESPESYAL NA ISYU
Mga Anak ng Dagat Kalmadong dagat ang umaalon sa ilalim ng mga bahay sa Brgy. Taliptip, Bulakan. Hudyat ng pagsimula ng araw dito ang tunog ng motor ng bangkang papalaot sa dagat. Ngunit hindi malayong matabunan ang lahat ng ito ng nagtataasang mga gusali at hindi na harurot ng bangka ang tunog ng araw-araw kundi ugong na ng eroplanong lumilipad. Batid ang mga ito ng itatayong Aerotropolis, isang siyudad kung saan sentral ang paliparan. Bitbit nito ang pangako ng pagyabong ng turismo, negosyo, at maraming trabaho para sa mga residente, pero hindi ito totoo para sa mga mangingisda. Sapagkat hindi ito sustenable, mapinsala ito sa karagatan at hanapbuhay ng mangingisda. Kaya sa laot ng mga bantang ito, nagpasya ang mga mangingisdang maging kontra-agos. Malawak ang kasaysayan ng kilusan ng mangingisda. Taong 1979 pa lamang may samahan na ang maliliit na mangingisda sa antas ng baranggay, munisipyo, at rehiyon. Ngunit noong administrasyong Marcos, isinabatas ang mga polisiyang nagpaliit ng maaari nilang pangisdaan at nagpapasok ng komersyal at dayuhang pangingisda. Kaya nagkaisa ang mga pangkat na ito at nabuo ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas o Pamalakaya. Bagaman umaapaw sa likas na yaman ang ating karagatan, isa sa pinakamahirap na sektor ang mga mangingisda. Dala ng mga kontra-mangingisdang batas at polusyong bitbit ng malalaking
GRAPHICS • EBI VILLA
korporasyon sa karagatan, umuunti ang huli ng maliliit na mangingisda. Tinatayang dalawa hanggang tatlong kilo na lang ang nahuhuli ng mga mangingisda ngayon, ayon kay Fernando “Ka Pando” Hicap, tagapangulo ng Pamalakaya. Sa loob ng tatlong dekada, nagbunga ng mga tagumpay ang puspusang pagkilos ng mga mangingisda. Ilang beses nang naibalik ang mga komersyal na pangisdaan sa maliliit na mangingisda, gaya sa Batangas. Naharang na rin ang ilang reclamation projects sa Panglao Island, Bohol at Bacoor, Cavite. Subalit patuloy pa rin ang pagragasa ng mga suliranin sa pangisdaan. Tinutulan ng samahan ang 40 pang reclamation projects sa Manila Bay at ang black sand mining sa mga ilog ng Cagayan
PAGE DESIGN • KIMBERLY ANNE YUTUC
SAM DEL CASTILLO at Zambales ng mga dayuhan. Sa ibabaw ng mga panawagang ito ang pagsulong sa tunay na reporma sa pangisdaan: pagtigil ng ilegal na pangingisda, pagbawal sa mga proyektong nakasisira ng kalikasan, at rehabilitasyon ng mangrove forests. Pero mananatiling imposible ang mga pagbabagong ito kung walang tunay na repormang agraryo, ayon kay Ka Pando. Kung ano pa man, iilang makapangyarihan lang din naman ang nananamantala at nagmomonopolisa ng industriya ng parehong pesante. Binibigkis din ang kilusan ng mangingisda ng paglaban para sa pambansang soberanya. Napatunayang malaking banta ang Tsina nang binangga ng barko nila ang maliit na bangka ng mga mangingisda natin. Hindi lang sa seguridad dehado ang mga mangingisda kundi sa
pakikinabang ng sariling yamangdagat at karapatan ring maghanap-buhay. Bilang direktang naapektuhan ang mangingisda, malaki ang ginagampanan nila sa paggiit ng kalayaan mula sa dayuhan. Lalo na’t tuntungan ng reporma sa pangisdaan ang pagsasarili ng bansa. Naglalayag ang kilusan ng mangingisda hindi lamang para sa sarili kundi para sa lahat. Patuloy itong papalaot at hindi huhupa hangga’t abot-tanaw na ang pag-unlad ng buhay ng pesante at pagkawala ng bansa mula sa dikta ng dayuhan. •
Gapas ng Paghihirap Malawak na luntiang lupain ang sumalubong sa amin noong umagang iyon sa Pook Amorsolo. Sa parteng ito ng siyudad sa loob ng unibersidad, aakalain mong nasa probinsya ka. Natatabingan ng makakapal na dahon ng mga puno ang matatayog na gusali sa di kalayuan, habang tinatakpan ng mga talahib at damo ang mga tiwangwang na lupa—malayo sa mukha ng pag-unlad na madalas ikinakawing sa Maynila. Tuwing Sabado ng umaga, dito inilulunsad ng organisasyong Sama-samang Artista para sa Kilusang Agraryo (SAKA) ang Bungkalan Learning and Demonstration Project. Sa pamamagitan nito, muling naigigiit ng mga magsasaka’t manggagawang-bukid sa siyudad ang kanilang karapatan sa lupa. Tanda ito ng pagbalikwas sa panlipunang ayos na nagdidikta sa kung ano ang dapat na nasa urban at rural. ayon kay Angelo Suarez, miyembro ng SAKA. “Kinikilala [namin] na ang pagabante ng pangunahing puwersa ng lipunan... ay katumbas ng [pagsulong] ng pandemokratikong adhikain ng buong sambayanan,” dagdag pa ni Suarez. Sa konteksto ng Pilipinas, kung saan walang masakahan ang mga magsasaka habang kontrolado ng iilang pamilya ang kalakhan ng mga
lupain sa bansa, nananatiling kalunos-lunos ang lagay ng sektor ng pagsasaka—kulang sa suporta, kung hindi man tahasang binabalewala. Lalong pagkalubog naman sa kahirapan ang dinaranas ng mga magsasaka’t manggagawangbukid sa siyudad. Higit pa sa kawalan ng suporta mula sa pamahalaan, minamaliit at itinuturing na illegal settler ang mga dati nang nagsasaka rito. Kung tutuusin, bago pa man sapilitang binago ang mukha ng Maynila, malawak na sakahan ang kalakhan ng lupain dito. Ngunit pagpasok ng dekada ‘70, at sa pagkakabuo ng Metropolitan Manila sa bisa ng presidential decree no. 824 ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, naging mabilis ang pagbabago sa rehiyong ito upang hikayatin ang mga dayuhang mamuhunan sa bansa, partikular sa Maynila. Dala ng tulak ng modernisasyon na ang layon ay kumita nang kumita, walang dudang may mapagiiwanan— sa sitwasyong ito, ang mga magsasaka sa siyudad. Ngayon, natatali ang kalakhan ng mamamayan sa siklo ng pagkita at pangangapital na pabor sa interes ng iilang makapangyarihan— minomonopolyo nila ang produksyon para sa sariling ganansya. Ngayon, iilan na lamang ang
KULTURA
Langit, Lupa, Kanino?
MARVIN ANG pinipiling maglinang ng lupa dito sa siyudad, habang ang mga dating ang kabuhayan ay pagsasaka’y napilitang mamasukan bilang mga drayber, kargador sa palengke, at iba pa. Lahat naman tayo ay nag-aasam ng pag-unlad; ngunit mahalagang ito ay nakaangkla sa interes ng mas malawak na mamamayan, hindi lamang ng makapangyarihang-iilan. “Layunin ng bungkalan ng SAKA na patibayin [bilang] produktibong lupang agrikultural ang mga lupaing sakop ngayon ng Pook Amorsolo, at suportahan ang laban ng mga magsasaka sa tinatawag na ‘tagong sakahan’ ng UP Diliman,” ani Suarez. Wala pang isang taon mula nang magsimulang magbungkal sa lugar, nakakaani na sila ng talong, sili, at iba pang gulay. Bagaman salat, malaking bagay na` muling naigigiit ang karapatan ng mga magsasaka’t manggagawang-bukid na makapananim ulit dito sa lugar, kahit sa gitna ng banta ng mga proyektong katulad ng Master Development Plan ng UP. Ngunit hangga’t walang tunay na reporma sa lupa, patuloy lamang silang mabubulid sa pagkalugmok. Susi, kung gayon, ang makapangyarihang tinig ng mamamayan upang magrehistro ng tindig na panahon na upang lagutin ang siklo ng kahirapan. •
Nauwi rin sina Aliguyon at Pumbakhayon sa pagkakasundo matapos ang tatlong taong tunggalian. Sa ganitong tema ng pagkakaisa umiikot ang epikong Hudhud ng mga Ifugao at iba pang kwento ng mga katutubong grupo. Hitik sa mga aral ukol sa pagpapahalaga sa kapwa at kalikasan ang mga naratibo subalit ito’y ginugulo ng mga pwersang mapanghati, mapagsamantala, dayuhan. Saganang lugar ang tinitirhan ng mga katutubo: nariyan ang natatanging mga kultura’t tradisyon at kalikasang matagal nilang pinangalagaan. Dahil sa mga nagnanais itong pagkakitaan, palaging may bantang mapaalis ang mga katutubo mula sa kanilang lugar. Noon pa man, nanindigan na ang mga katutubo upang di masakop ang
lupang ninuno at kilalanin ng pamahalaan ang karapatan nilang magpasya para sa sarili. Tugon ito sa kasaysayan nila ng pang-aagaw at dislokasyon. Pagdating ng mga kolonisador, sila’y natulak sa kanayunan at kabundukan dahil walang humpay ang pagtatangkang buwagin ang kanilang sistema ng pamumuhay. Ang paniniwala ng mga katutubo at pambansang minorya tulad ng lupa bilang sagrado at komunal ay mababa at di sibilisado para sa mga mananakop, marapat lamang palitan. Nagpatuloy ang pagsasantabi sa mga katutubo sa pagdaan ng mga administrasyon. Labis na karahasan ang sinapit nila sa ilalim ng diktadurang Marcos, at nagpapatuloy ito sa panunungkulan ni Duterte. Sa pagkawalay nila mula sa lugar ng pangangailangan at tradisyon, malayong mahubog ang kanilang tunay na pagkakakilanlan. Ipinunto ito ni
ISAAC RAMOS Ka Kakay Tolentino, katutubong Dumagat at miyembro ng Kalipunan ng Katutubong Mamamayan ng Pilipinas (KATRIBU), na namulat sa murang edad sa pananamantala kung saan hindi sila binabayaran kapalit ng mga nakuhang produkto sa gubat. Sa kagustuhang malabanan ang pananamantala, nagawa nilang magsama-sama at kinalauna’y matagumpay na napatigil ang proyektong KaliwaKanan-Laiban Dam ni Marcos. Subalit sa pagpapatuloy nito ngayon, nariyan muli ang maraming pangamba: ang panlilinlang at pang-haharas sa mga katutubo, ang kanilang pagkawatak-watak, ang paglubog ng mga komunidad, at ang pagkasira ng kalikasan. Sa kasalukuyan, kinakaharap ng mga katutubo ang maraming hamon, kung kaya mahalagang hindi sila malingat sa ipinaglalaban. Nangunguna ang mga organisasyon gaya ng KATRIBU at mga miyembro nito gaya ng Bai Indigenous Women’s Network, kung saan miyembro sina Ka Kakay at Congressman Eufemia Cullamat, sa patuloy na pag-oorganisa sa mga katutubo
upang palakasin ang pagkakaisa sa gitna ng ligalig. Ang pagkakaisang ito’y tumatawid sa ibang sektor ng lipunan na biktima rin ng pananamantala. “Makakamit lang natin yan [karapatan sa lupang ninuno at sariling pagpapasya] kapag ang tunay na reporma sa lupa ay maipatupad,” ani Ka Kakay. Sa ganitong paraan sinasariwa ni Ka Kakay ang tagumpay noong 1980s kung saan, bagaman maraming namatay gaya ng liderkatutubong si Macli-ing Dulag, nagkaisa ang mamamayan upang labanan at tuluyang mapatalsik ang diktador. Saksi ang kasaysayan sa kayang matamo ng mamamayang nagkakaisa. Marami mang pagkakaiba, pinagbubuklod ang mga katutubo ng hangaring mabuhay sa lupang ninuno nang mapayapa at may sariling pagpapasya. Ang mga pambansang minorya at katutubo ay mga pesante rin na kapwa nagsusulong ng karapatang palayain ang mga kulturang taal at tunay na nagpapaunlad sa pagka-Pilipino. Masasabi mang sa ibang konteksto sila nahubog, nagtatagpo tayo sa laban para sa iisang mithiin—tungo sa lipunang malaya kung saan wala tayong tribo, at lahat ng tribo ay atin. •
Ang paggunita ay pagpapahalaga sa kalagayan ng mga inaalala. Ngayong buwan ng mga pesante, alamin ang kalagayan ng mga sektor at uring panlipunan. Pahalagahan ang ambag nila sa sistematikong paggana–ang kanin na kinokonsumo sa araw-araw, isda at iba pang lamang-dagat, tipo ng kasuotan. Tingnan hindi para lamang sa buwang ito, kundi upang wala nang buwan ng paglaban at pagtugon, upang ang buwan ay maging sa lahat ng panahon.
CO L L EG I A N K U LT U R A STA FF
05
KONTRA-AGOS ATHENA SOBERANO ‘DI MAN LANG MAKATAYO
SA MULING PAG-ALALA Hitik sa makabuluhang alaala ang buhay ko noong senior high school. Marami akong natuklasan sa sarili ko, sa abilidad ko, at kung ano talaga ang nais ko. Dito rin ako unang namulat sa mga bagay na dati’y hindi ko naman alam. Isa sa mga hindi ko malilimutang pagkakataon ay ang pagbisita namin sa kampuhan ng mga magsasaka sa tapat ng Department of Agrarian Reform noong 2017. Galing pa silang Bukidnon noon, kaya manghang-mangha ako sa dedikasyon at tapang nila mabitbit lang ang kanilang kampanya sa Maynila gaano man kahirap. Bilang batang lumaki sa lungsod, sa mga libro ko lang nakilala ang mga magsasaka kaya hindi ako pamilyar sa mga isyung kinahaharap nila. Malaki ang pasasalamat ko sa mga magsasakang nakasalamuha ko noon dahil sa kanila ko unang natutunan ang mga sagot sa aking katanungan. Sila ang unang nagpaintindi sa akin kung paano nakasasama ang patuloy na pagmamayari ng iilan sa mga lupang sakahan. Ibinahagi rin nilang daan-daan pang magsasaka ang nakararanas ng ganito--kinakamkaman ng lupa at pilit tinatanggalan ng kabuhayan. Hindi ko masasabing lubos kong naintindihan
BIYAHENG IMPYERNO BEATRICE PUENTE
Wala tayong maaasahan mula sa pamahalaang ang tanging nais ay isulong ang interes ng makakapangyarihan. Wala tayong mapapala sa pamahalaang bulag sa hirap na kinasasadlakan ng bayan.
06
ang kabuuan ng kanilang isyu noong pagkakataong yun. Sa paglipas ng mga buwan at taon ko na lang ito tuluyang naintindihan, sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga balita at pakikinig sa mga grupong lumalaban para sa kanilang karapatan. Kaya naman mahalaga sa akin ang kwento nila. Ito ang mga tipo ng alaalang may bitbit na aral–mga bagay na hindi ko kailanman bibitiwan. Ngayong ang mga magsasaka naman ng Timog Katagalugan ang nagkakampuhan sa tapat ng Philippine Coconut Authority, muli ko silang bibisitahin kasama ang Kulê. Dapat natin silang pakinggan upang alamin kung paano sila naaapektuhan ng mga mapaniil na palisiya gaya ng Rice Tariffication Law. Sa pamamagitan ng personal na pakikipag-usap sa kanila, maiintindihan natin kung paano sila patuloy na pinagsasamantalahan. Ngunit sa isang banda, naisip ko rin namang hindi ang paunti-unting tulong ang magsasalba sa kanila. Bagaman may magagawa ito kahit papaano, hindi lang naman ito ang tulong na ipinunta nila sa Maynila. Higit pa sa materyal na kontribusyon, kinakailangan nila ang ating pakikiisa sa kanilang laban–dito kung saan nakasalalay ang sagot na kanilang inaasam. •
Bitbit ng liwanag ng umaga ang pahiwatig na simula na ng kalbaryo ko. Pero ngayon, hindi pa man sumisikat ang araw, sigurado akong may pagdurusa nang naghihintay para sa akin. Tuwing umaga, pilit akong nagmamadali habang hinihiling na huwag akong maipit sa mabigat na daloy ng trapiko mula Pasig hanggang Quezon City. Hanggang pangarap na lang siguro ito dahil gaano kaaga man ako umalis, dalawang eksena lang ang lagi kong dinaratnan: puno na ang lahat ng dyip o wala talagang dyip na dumaraan. Di na nakapagtataka kung bakit simula pa lang ng araw, ubos na ubos na ako. Kaya naman hindi ko mapigilang mainis sa tuwing napag-uusapan ang tangkang pag-phaseout sa mga pampasaherong dyip. Wala na ngang masakyan ang mamamayan, tatanggalin pa ang mga dyip na kailangan nila sa araw-araw. Higit ding nakadidismaya ang pagatang ng milyun-milyong gastusin ng programa sa mismong mga drayber at operator na tatanggalan nila ng kabuhayan—paraan upang mas kumita ang malalaking korporasyong nasa likod ng
programang modernisasyon. Ngunit hindi na bago ang pagtanggal sa mga pampublikong sasakyan sa daan. Ilang beses na ring sinubok alisin ang mga provincial bus sa EDSA, kahit ang MMDA na mismo ang nagsabing limang porsyento lamang ito ng kabuuang bigat ng daloy ng trapiko sa Kamaynilaan. Dahil sa mga ganitong patakaran, lalo pang lumalala ang krisis sa transportasyon. Inakala kong naranasan ko na ang sukdulan ng paghihirap na pwedeng maranasan ng isang komyuter, pero nagkamali ako. May mas ikabubulok pa pala ang sistema. Nang maparalisa ang operasyon ng LRT mula Santolan hanggang Anonas dahil sa sumabog na transformer, higit na dumami ang taong naghihintay ng masasakyan sa kahabaan ng Marcos Highway. Pabiro kong tinatawag na “highway to hell” ang daang ito noon, pero hindi na ito biro ngayon. Kaya hindi ko lubos maisip kung paano nagagawa ng pamahalaang hayaan lamang ang mga Pilipinong magdusa habang tinatrato ang kanilang kalbaryo bilang katatawanan. Patunay ang pagkasa
ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa hamon ng pagko-komyut sa kung paano nila tinitingnan ang isyu. Nagsilbi itong eksena kung saan muling bumida ang opisyal, pagkat handa siyang “bumaba” sa kanyang mataas na kinatatayuan sa lipunan upang saglit na danasin ang hirap ng ordinaryong mamamayan. Gayunman, hindi ito sasapat upang lubos na maintindihan ang tunay na kalagayan ng mamamayan. Hindi tulad ng isang manggagawang sumusweldo ng minimum wage, walang panganib para kay Panelo na masisante kung mahuli man siya sa trabaho. Di hamak na mas malaki ang nakasalalay para sa ordinaryong mamamayan, pagkat kabuhayan ang maaaring mawala sa kanya rito. Hindi niya kontrolado ang kanyang oras, ‘di gaya ng mga makapangyarihan sa lipunan. Bilang ginamit lamang ng pamahalaan ang pagkakataong ito upang palabnawin ang isyu, malaki ang inaasahan sa lahat na muling iangat ang diskurso at iwasang magpakulong sa mga ganitong klaseng eksena— pagkat minomonopolyo lamang
ng pamahalaan kung paano dapat tingnan at tanggapin ng mamamayan ang mga ganitong klaseng hamon. Pilit mang normalisahin ng gobyerno ang isang bulok na sistema, nakasalalay sa kakayahan ng mamamayang maghawan ng kaunawaan ang pagmulat sa bawat isa. Wala tayong maaasahan mula sa pamahalaang ang tanging nais ay isulong ang interes ng makakapangyarihan. Wala tayong mapapala sa pamahalaang bulag sa hirap na kinasasadlakan ng bayan. Gusto kong isiping lilipas din ang lahat, na darating din ang umagang hindi na natin daranasin ang ganitong kalbaryo. Ngunit maisasakatuparan lang ito kung ibubuhos natin ang ating lakas sa paglikha ng eksenang kayang magmulat sa masa—iyong mga kilos-protestang may kakayahang mamparalisa at yanigin ang komportableng buhay ng mga nasa kapangyarihan. Hindi natin kailangang umasa sa pamahalaan upang lumikha ng aksyon at lutasin ang suliranin. Dahil sa huli, wala naman tayong ibang aasahan kundi ang ating mga sarili. •
phkule@gmail.com
OPED-GRPX LUCKY DELA ROSA
MAGING BABAE’Y DI BIRO POLYNNE DIRA
Higit pa sa pangangalaga ng pamilya at binhi, doble dagok ang nararanasan ng pesanteng babae— ang una’y kahirapang natatamasa ng uring magsasaka, at isa’y pagdurusa ng pagiging bahagi ng sektor ng kababaihan.
Unang beses kong magpaiyak ng lalaki noong Grade 4, nang di gaya ng palaging nangyayari, siya naman ang inasar ko. Kababae kong tao, sabi ng guro, di ito ang asal ng babae; tahimik at malumanay lang dapat magsalita at kumilos, ‘di dapat nakikipagsabayan sa mga lalaki. Ngunit bilang babaeng lumaki sa lungsod, nakilala ko ang sarili ko, ang mga babae, malayo sa sinabi ng aking guro. Malakas ang kanilang sigaw, walang takot harapin ang mga pulis, bitbit ang mga panawagan—dahil ito ang mundo kung saan di makukuha ng babae ang kanyang karapatan kung di lumalaban. Nagbunga ang masigasig at matagalang pagmartsa ng mga babae mula sa iba’t ibang uri; naipanukala ang parusa sa pang-aabuso, nakamit ng mga manggagawa ang mas mahabang maternity leave at pagbabawal sa diskriminasyon sa trabaho. Sa kabila nito, isa lamang sa tatlong may titulo sa lupa ang babae, at hirap pa rin silang makakuha ng trabahong agrikultural dahil mas pinipili ang mga lalaki. Kung makakuha man ng trabaho
21 Oktubre 2019 • www.philippinecollegian.org
sa plantasyon, nilalagay sila kung saan masahol ang kondisyon at kakarampot ang sahod. Hindi pa rin pantay ang tingin sa mga kasarian, lalo sa rural. Patuloy na nanunuot ang diskriminasyon dahil nananalaytay pa rin ang kulturang naglalagay sa babae sa ilalim ng lalaki—ang mababang posisyon ng babae sa trabaho ay sinasamantala upang siya’y abusuhin. Dahil sadlak sa kahirapan, tinutulak ng pangangailangan ang babaeng tiisin ang masahol na trato sa kanya. Di tulad ng babaeng tagaurban na may kakayahang lumiban muna sa trabaho, walang ekstrang oras ang babaeng mula sa kanayunan para tumungo sa lungsod upang magprotesta. Katumbas kasi ng bawat oras na wala siya sa sakahan ay hapunang mawawala sa hapag. Kaya may kahirapang maabot ng mga tagumpay ng taga-urban ang nasa nayon, dahil bukod sa walang oras, napipilitan na lang din silang gawin ang trabaho upang mabuhay. Ang pagkaapi ng kababaihan ay nangangahulugan ng
kapangyarihan sa iba, kaya pinananatili ang ganitong lagay ng mga bagay. Upang tuluyang masira ang kalakarang ito, hindi lang reporma sa batas ang kinakailangan. Dahil higit pa sa pangangalaga ng pamilya at binhi, doble dagok ang nararanasan ng pesanteng babae—ang una’y kahirapang natatamasa ng uring magsasaka, at isa’y pagdurusa ng pagiging bahagi ng sektor ng kababaihan. Noong nakaraang taon, isang babaeng magsasaka ang pinukpok sa ulo ng mga pribadong gwardiya habang sila ay nagbubungkalan sa Lupang Ramos. Ilang buwan matapos ang insidente, apat na babae sa siyam na magsasaka mula sa National Federation of Sugar Workers ang minasaker sa Hacienda Nene habang inookupa nila ito. Kumpara sa ipinaglalaban ng mga babaeng taga-urban, mas malakas ang panawagan ng mga babaeng mula sa nayon para sa karapatan sa lupa at kapangyarihan sa pagkain. Hindi kasing aktibo ng mga babae sa lungsod ang mga taga-rural sa paglaban dahil bago niya harapin ang problema
sa kasarian, kailangan niyang mabuhay. Bago maging babae, siya ay magsasakang tali sa kahirapan. Lumalakas ang hanay ng mga magsasakang lumalaban, at hawak ng babae ang kalahati ng kalangitan. Dahil siya ang pinakaapi, siya ang unang lalaban. Sa kanya manggagaling ang magpapalaya sa mga kasarian na unang tumatagos sa kanyang ekonomiya, iyong ugat ng di pagkakapantay. Saglit kong naramdamang pumantay ako sa kaklase ko, dahil bilang may-kaya sa buhay, ito ang laban noon para sa akin. Ngunit hindi natatapos ang laban ng babae sa pansamantala niyang kakayahang gawin ang nagagawa ng lalaki. Dahil sa huli, may inaapi pa ring babae dahil sa kanyang estado–bilang magsasakang inaagawan ng lupa, manggagawang nakararanas ng abuso mula sa may-ari ng kompanya. Ang paglaya sa kanilang kahirapan ang unang hakbang, at sila ang magtataguyod sa paglaya ng kababaihan mula sa iba pang sektor. •
07
FEATURES
PHILIPPINE COLLEGIAN
OFF THE BEATEN TRACK
Paving the way for science in agriculture ABBY BOISER
Curing crises Because farmers carry the brunt of the chronic rice crisis in the country, Artemio Salazar made possible a healthy food option and rice substitute to relieve some of their burdens. In 2017, Salazar created the RiCo blend—a combination of rice and corn grits at a 70:30 ratio, respectively. This food-alternative reduced the country’s dependence on imported rice by providing at least 50,000 metric tons in Metro Manila markets in early 2019, solely sourced from local farmers, according to the Department of Agriculture. He led the team that developed the IPB Quality Protein Maize Var. 6 (IPB Var. 6), which they had determined to be an ideal corn variety for this blend owing to its nutritional contents. Despite the recently enacted Rice Tariffication Law threatening to propel the rice price hike, the RiCo blend remains to be sold at only 47 pesos per kilo. This is marginally less than the P60 price of standard quality, according to the price ceiling set by retailers.
Bearing blessings Recognizing the role of leguminous crops like mungbean (or more commonly known as munggo) in the Filipino diet, Ricardo Lantican devoted his time and effort to its innovation. True to its name, his discovery of Biyaya mungbean variety has yielded blessings to farmers, with its abundant produce and greater resistance to rust and leaf diseases. Lantican also co-authored a study on the Southern corn leaf blight, a fungal disease that had infected a number of crops in UP Los Baños in the 60s. They found out that the spoilt crops shared a singular trait: T-cytoplasm, which caused disease susceptibility. This led to the awareness of the vulnerability of monocrop plantations, thus instigating the mitigative method of growing different varieties of crops. Despite this breakthrough, Lantican’s research did not gain much initial recognition from the public. It took about a decade—when Helminthospcrium maydis fungus decimated billions worth of corn crops in the US—before the country, and eventually the world, realized the saving grace of Lantican’s research. Had the state and public given support and appreciation to their research, Lantican would have long helped the global community thwart prior corn crises.
Obsession with research, according to Cynthia Villar, chairperson of the Senate Committee for Agriculture and Food, is out of touch with the farmers’ real and immediate needs. Yet it is also in the same breath that Villar, big-time land converter and principal author of the Rice Tariffication Law, ignored farmers’ longstanding demands for agrarian reform and farm mechanization, among others. The very political elite safeguarding a few landed families’ monopoly over lands antagonizes agricultural research. Most of these landlords who have captured posts in the civilian bureaucracy oppose scientific development and instead offer palliative aid to Filipino farmers mired in a myriad of systemic problems. Still, Filipino agricultural researchers are adamant about pursuing their field despite such undervaluation. For decades, this unabashed lack of institutional support and assistance have impeded the realization of scientific innovations that could ease the struggles of farmers and farmworkers. Cultivating cultures Florencia Palis asserted that not only hard sciences contribute to the body of agricultural research, but so can social sciences. Employing a participatory approach, Palis studied the culture of farmers in various parts of the Philippines and its relations to their farming practices. Her findings proved that farmers’ cultures are indeed a vital force for bringing about the collective use of pesticide and fertilizers. Palis found out that their traditional method had posed a great risk to their health, for their pesticide of choice from the market exposed them to harmful chemical substances. Palis’ studies launched farmer field schools in Central Luzon, the rice granary of the Philippines, in 1992. These were learning facilities implementing collective farming, part of which is the integrated pest management method that encourages farmers not to spray insecticide until a certain amount of return on their expenses is reached by the collective. Palis’ contributions to agricultural research helped build the foundation of farmer involvement in the discovery of the best methods that fit their cultures, that of cooperation and pakikisama.
Sowing tomorrow’s seeds • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • The worsening societal conditions have increasingly prompted a growing community of scientists to break free from their ivory towers and to communicate their findings accurately at a level that policymakers might find alarming and that the public could ultimately benefit from.
Though some studies may not reap immediate rewards for the farmers, they aim to uproot from the soil the blight and bane that hamper the entire peasantry’s subsistence. Any scientific project, after all, takes years to elicit relevant results. It can only be carried to completion through a long-term guarantee of support and assistance by the public and, most importantly, by the state.
To address the prevalent and complex agricultural issues plaguing the country, the direction of the agriculture sector must be steered not by the profiteering schemes of tycoons or local oligarchs, but by scientifically-grounded and peasant-oriented data. Support for public research and development is a necessary investment in the nation’s future—an investment that will feed the public even during the worst droughts and floods, and empower the farmers to sustain an economy still heavily reliant on their labor. •
Knocking out nuisance Romulo Davide dedicated 16 years of his life to writing more than a hundred research papers on nematology. With his discovery of the fungi P. lilacinus and P. oxalicum in soil, Davide created the first non-hazard biological control product, BIOACT, which eliminates nematode infestations in farms all over the world. It replaced the highly toxic and expensive chemical nematicides used back then, which not only did most Filipino farmers find unaffordable but are also known to contaminate bodies of water. Having won the ‘Outstanding Agricultural Scientist’ award in 1994, Romulo donated his cash prize of P500,000 into his initiative entitled Farmer-Scientists Research, Development and Extension Training Program (FSTP) in his hometown in Colawin, Cebu. This program aimed to teach farmers basic skills in crop cultivation and animal husbandry, with modernized farming techniques and machines. FSTP encouraged farmers to be at the forefront of developing technology for their own use. Eventually, they made their own fertilizers, such as chicken manure and vermi-compost, which increased their income and productivity by a huge margin. Moreover, this practice developed their capacity to independently innovate products for their own benefit, and abstain from using chemical-intensive fertilizers sold by large agro-industrial companies like DuPont and Syngenta.
GRAPHICS • ZOE VIDAL PAGE DESIGN • KARLA FAITH SANTAMARIA