Bullet.Line (PIA Bulletin Online) Issue No. 93, July 12 to 18, 2022

Page 1

BulletLine Issue #92

LOTTO RESULTS JUL ULTRALOTTO 6/58

JUL ULTRALOTTO 6/58

15 04-49-46-15-44-48 JUL ULTRALOTTO 6/58

12 18-25-35-47-04-16 17 34-09-21-29-57-44

GSIS educational subsidy application, Melva C. Gayta PIA-IDPD

hanggang Agosto 31

WANT MORE?

Kasalukuyang bukas sa mga aplikante hanggang August 31, 2022 ang Government Service Insurance System (GSIS) para sa 10,000 slots ng GSIS Educational Subsidy Program (GESP) academic year (AY) 2022-2023. Makakatanggap ng P10,000 sa GSIS ang 10,000 qualified college students kada taon hanggang makatapos ng pag-aaral. Maaaring hanggang dalawang anak o dependents ang tatanggap ng assistance sa GESP basta’t nag-aaral ang mga ito sa magkaibang eskwelahan. Kuwalipikadong mag-nominate ng grantees for GESP ang mga active na miyembro na may permanent employment status at salary grade 24 (or its equivalent) o mas mababa. Updated din dapat ang premium payments sa GSIS, walang underpaid or unpaid loan amortization na lalagpas ng tatlong buwan sa buong panahon ng GESP grant. Ang estudyante ay dapat nasa college level at enrolled sa 4- or 5-year course sa isang state o private university o college na recognized ng Commission on Higher Education (CHED). Ito ang link ng GSIS website para sa GESP application form, list of requirements, and terms and conditions: www.gsis.gov.ph.

2 3 4

PAGE

13.7M PhilSys ID, naihatid na

PAGE

1000-piso polymer banknote dapat pangalagaan

PAGE

24/7 e-government service

1 PIA Bulletin Online

5 6

PAGE

PAGE

Para sa mga katanungan ay maaaring bumisita sa www.facebook.com/gsis.ph, mag-email gsiscares@gsis.gov.ph o tumawag sa GSIS Contact Center 8847-4747 (if in Metro Manila), 1-800-8-847-4747 (for Globe and TM subscribers) at 1-800-10-847-4747 (for Smart, Sun, and Talk ‘N Text subscribers). Maaari ding mag-coordinate sa GSIS Corporate Social Advocacies and Public Relations Facilities Department sa gesp@gsis.gov.ph o tumawag sa (02) 8479-3571 to 72.

Ilan kabataan nanalo sa logo making contest ng NCACL Mandatory COVID-19 booster shots isinusulong Paggamit ng wang-wang reregulahan

7

PAGE

8

PAGE

Herbal Medicine Access Program TESDA Language Courses, dadagdagan City of Balanga, Cuyo Palawan, SULADS pasok sa Special Award of Excellence in Literacy


13.7M PhilSys ID, naihatid na Melva C. Gayta PIA-IDPD

Naihatid na ang 13.7 million PhilSys IDs nationwide o 94% ng 14.5 million ID cards for dispatch mula noong June 30, 2022, ayon kay Postmaster General Norman Fulgencio sa inilabas na balita nitong July 13, 2022. Anim na porsyento (6%) na lamang o 774,650 ID cards ang kasalukuyang inihahatid sa malalayong lugar sa bansa. Naglaan ng 30 days para maihatid ang PhilSys ID sa mga malalayong lugar sa Luzon, Visayas at MIndanao, at hindi lalagpas naman ng 15 araw para sa mga lungsod (cities), dagdag ng Postmater General. May mga pagkakataon na sinusubukan nilang ihatid ng ikalawang beses ang ID kung sarado o walang tao na tatanggap sa delivery. Upang alamin o i-check ang status ng processing ng inyong ID, mag log sa http://tracking.

Pandem Yakitoo!

Editor-In-Chief Joselito Reyes Assistant Editors Carlo Cañares Sixto Paulo Agato Staff Writers IDPD Art Department Kevin Martin CPSD headed by Bradley de Leon Layout Artist Gabriel Villanueva Production/ Aggregation DDCU with Team Leader Kate Shiene Austria

phlpost.gov.ph/, i-ENTER ang transaction number na makikita sa transaction slip na ibinigay sa inyo, at i-click ang “TRACK”. Kung ang resulta ng tracking service ay “NOT FOUND”, ipinapayo ng Post Office na tawagan ang Philippine Identification System Hotline 1388, o magpadala ng message via Facebook Messenger m.me/ PSAPhilsysOfficial o email sa info@philsys.gov.ph.

TYARAAAN! MEET CENTAURUS. BAGONG ADDITION SA AMING FAMILY.

hi

PITPIT-ISIP 1

Sa gabi’y nangniningning. Sa umaga’y bumibitin.

2

Bilog na kay init. Malapit o malayo iyong masisilip.

3

Araw at gabi’y humahampas ngunit hindi makatakas. Sagot sa Page 8 PIA Bulletin Online 2


Ilan kabataan nanalo sa logo making contest ng NCACL 1st

Joedie Mae D. Boliver PIA-IDPD

Ilang kabataan ang nakilahok sa logo-making contest na inilunsad ng National Council Against Child Labor (NCACL) ngayong taon bilang bahagi ng pagdiriwang ng 2022 World Day Against Child Labor sa Pilipinas. 2Planced Kabilang sa mga nanalo ay si Adrian Ongtingco (1st Place), Sienjie Parco (2nd Place), Aljon Cadena (3rd Place), Jhon Rey Belardo (4th Place), at Rossvell Hilo (5th Place). Nakatanggap naman ng Php 20,000 ang 1st place winner at Php 15,000 naman para sa 2nd place winner. Samantala, ang 3rd place ay makakatanggap ng Php 10,000, Php 7,000 para sa 4th place, at Php 5,000 para sa 5th place. th Makakakuha naman ng consolation Place prize ang lahat ng nakilahok sa logomaking contest na ito. Naipamalas ng mga ito ang kanilang kagalingan sa pagdisensyo pati na sa pagsulong ng child labor-free Philippines.

Place

3rd Place

4

3 PIA Bulletin Online

5 th Plac

e


24/7

e-government service

Jastine Angelo F. Don PIA-IDPD

Isusulong ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang 24/7 electronic-government service na may layuning makapag-transact ang mga Pilipino sa gobyerno anumang araw o panahon. Ayon kay DICT Secretary Ivan Uy, sa pamamagitan ng digitalization ay mas mapapabilis ang pag-access sa mga serbisyo ng gobyerno at mas mapapadali ang pagproproseso ng mga dokumento o ang pagbabayad. Plano rin ng DICT na gumamit ng Artificial Intelligence (AI) upang mabawasan ang katiwalian sa gobyerno.

PIA Bulletin Online 4


Mandatory

COVID-19 booster shots isinusulong

Mary Rose delos Santos PIA-IDPD

Isinusulong ng Department of Health (DOH) na gawing mandatory ang pagbabakuna ng COVID-19 booster shots para sa karagdagang proteksyon ng publiko laban sa COVID-19. Ayon kay Infectious Diseases expert Dr. Rontgene Solante, mababa ang uptake ng booster shots kaya panahon na para i-utos ang mandatory booster vaccination para sa general population lalo na ngayong naghahanda sa face-to-face classes at bukas na rin ang workforces sa bansa.

Ang mga Pinoy na nakatanggap ng booster shot ay wala pang 20 percent ng target population. Ayon sa datos ng DOH, nasa 15.18 milyong Pilipino na ang nakatanggap ng booster shots habang 71.04 milyon na ang nakakumpleto ng primary doses ng COVID-19 vaccine. Samantala, ayon kay Dr. Solante may posibilidad na magkaroon na regular na pagbabakuna ng COVID-19 vaccines upang matugunan ang mga umuusbong na variants of concern sa hinaharap.

Paggamit ng wang-wang reregulahan Suzzane Bautista PIA-IDPD

Papaigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang kampanya kontra sa paggamit ng iligal na blinkers at wang-wang. Nagbanta ang PNP na mahaharap sa karampatang parusa ang mga motoristang iligal na gagamit ng emergency devices. Ito ay alinsunod sa Presidential Decree No. 96 na ipinatupad ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na pinagbabawalan ang mga motoristang gumamit ng emergency devices. Paalala naman ni PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) Director Police 5 PIA Bulletin Online

Brigadier General Francisco Marbil, ang mga lalabag dito ay papatawan ng multang P5,000 at kukumpiskahin ang kanilang lisensya. Samantala, i-mo-monitor din ng awtoridad ang shops na nagbebenta at nagkakabit ng iligal na wang-wang at blinkers.


City of Balanga, Cuyo Palawan, SULADS pasok sa Special Award of Excellence in Literacy Josephine L. Babaran PIA-IDPD

Nominado sa 2022 National Literacy Awards (NLA) ang City of Balanga, Cuyo Palawan at Socio-economic Uplift, Literacy, Anthropological, and Development Services (SULADS) para sa kategoryang Special Award of Excellence in Literacy (SAEL). Ang SAEL ay isa sa mga kategoryang kasama sa NLA ngayong taon na iginagawad sa Hall of Fame winners na nagpatuloy sa kanilang mga programa na hindi bababa sa tatlong taon. Mag-kasabay na ginawaran ng Hall of Fame award noong 2017 sa kategoryang Outstanding Local Government Unit ang City of Balanga para sa Independent/ Component City sub-category at ang Cuyo, Palawan para sa 4th to 6th Class Municipality sub-category. Ang SULADS ay nagawaran din ng Hall of Fame sa katergoyang Outstanding Literacy Program noong 2019. Ang Literacy Coordinating Council (LCC) ay nagsagawa na ng on-site validation para sa mga nominado sa SAEL. Para sa final list ng 2022 NLA winners bisitahin ang LCC’s official website https://lcc.deped.gov.ph at Facebook page https://facebook.com/ LiteracyCoordinatingCouncil. PIA Bulletin Online 6


Herbal Medicine Josephine L. Babaran PIA-IDPD

Access Program

Inilunsad ng Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care (PITAHC) ang Herbal Medicine Access Program (HerbMAP) na naglalayong magbigay ng abot-kayang herbal medicines para sa mga marginalized at underserved population. Ayon sa PITAHC, aabot sa 20,000 households ang matutulungan ng programa. Kasama sa package ng HerbMAP ang lagundi tablets para sa ubo at hika, virgin coconut oil bilang food supplement, antiseptic soap tulad ng bayabas para sa paghuhugas ng mga sugat at akapulko para sa paggamot sa balat dulot ng fungal infection tulad ng scabies at buni.

Ang PITAHC ay ang ahensiyang nagtataguyod para sa pagpapaunlad at paggamit ng traditional at alternative health-care sa bansa. Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang https://www.facebook.com/ pitahcofficial/ at www.pitahc.gov.ph .

TESDA Language Courses, dadagdagan Jastine Angelo F. Don PIA-IDPD

Layunin ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na dagdagan ang foreign language training courses upang mas mapalakas pa ang competitive edge ng mga manggagawang Pilipino. Ayon sa National Skills Language Center (NLSC) ng TESDA, nakaplanong idagdag sa language courses ang Arabic, Mandarin, Korean, Italian, and French. Sa kasalukuyan, nag-o-offer ang TESDA ng English Proficiency for Customer Service Workers, Japanese Language and Culture, Japanese Language and Culture Level 7 PIA Bulletin Online

II, and Spanish Language for Different Vocations. Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang https://www.tesda.gov.ph/ o https://www.facebook.com/TESDAOfficial


1000-piso

polymer banknote dapat pangalagaan Suzzane Bautista PIA-IDPD

Pinaalalahanan ng Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na maari pa ring gamitin sa mga transaksyon ang bagong polymer na 1000-piso kahit ito ay nakatiklop. Ito ay matapos kumalat sa social media na mayroong mga establisyimento na hindi tumatanggap ng nakatiklop na 1000-piso. Samantala, naglabas ang BSP ng guidelines kung paano pangalagaan ang bagong banknotes. Ayon sa BSP, mas matibay ang polymer banknotes kumpara sa papel na banknotes.

PITPIT-ISIP

1

Bituin

2

Araw

3

Ang mga sumusunod ay ang proper handling ng polymer banknote: Ilagay ito sa wallet na kasya ito Panatilihin itong malinis Gamitin itong pambayad sa mga transaksyon

Gayunpaman, kinakailangan ng 1000piso polymer banknote ng mabuting pangangalaga para tumagal ito ng mahabang panahon.

Alon PIA Bulletin Online 8


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.