The Capitol Lighthouse Vol. 2023 No. 2

Page 1

The Official Publication of the Provincial Local Government of Catanduanes | 2nd Quarter 2023 Issue

Read via ISSUU

ONLINE!

.com

issuu.com/plgucatanduanes/docs/ thecapitollighthouse_vol._2023_no.2

PAGE 2

Catanduanes health caravan, umarangkada sa mga district hospital

PAGE 3

PLGU pagtitibayin ang potensiyal ng kabataang agripreneurs sa probinsiya

PAGE 4

Dietary Supplementation Program muling inilunsad

C ATA N D U N G A N I S K O L A R

JUDE M. TACORDA

Pagkikila sa Papausbong na Kulay ng LGBTQIA+ community sa Happy Island

7

#TheCapitolLighthouse

5

Vol. 2023 No. 2

40 pulis sinanay sa pinaigting na seguridad pang-turismo Para mas paigtingin ang kaligtasan at seguridad ng mga lokal at turista, 40 na pulis ng probinsiya ang sinanay para sa kauna-unahang integrated Tourist-Oriented Police for Community Order and Protection (TOPCOP) mula Mayo 2-6, 2023 sa E-Crown Hotel and Resort. Ang limang araw na pagsasanay ay isinagawa ng Kagawaran ng Turismo o DOT ng rehiyon Bikol, katuwang ang lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Provincial Tourism Office... CONTINUE ON PAGE 4

3,125 abacaleros nakatanggap ng ₱5K ayuda mula DOLE-TUPAD

PAG-ALALAY SA ESTUDYANTENG CATANDUNGANON

Nasa 3,125 na abaca farmers ang nakatanggap ng Php 5,475.00 bilang sahod sa 15 na araw na pagtatrabaho sa kanilang sariling taniman bilang parte ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE) katuwang ang lokal na pamahalaan ng Catanduanes. Kabilang dito si nanay Salvacion Vicente, 51, residente ng Bagamanoc, Catanduanes. Sa kanyang pasasalamat, binigyang-diin niya ang programa bilang pangunahing hakbang upang palakasin ang kalagayan ng kanilang kabuhayan...

Kuwento ng Pagpupunyagi Sa Tulong ng College Educational Financial Assistance Program SEE PAGE 3

CONTINUE ON PAGE 5

Bagong lunsad na government-operated CT Scan, kauna-unahan sa isla

10

Catandungan Spotlight

2

Motorcycle Tourism, potensiyal na atraksyon sa Happy Island

SEE PAGE 8

Isang Pagkikila sa mga Abacaleros ng Probinsiya

6


news

‘STATE OF THE ART’ ang Computed Tomography (CT) Scan Facility na inilagak ngayong taon sa Eastern Bicol Medical Center (EBMC) –isa sa mga pangako ni Gov. Joseph C. Cua sa pagpapalakas ng kapasidad ng ospital sa probinsiya para matugunan ang pangangailangan sa mura at dekalidad na serbisyo. Ipinaliwanag ni Dr. Ralph Rommualdo Zuniega, head ng EBMC Radiology Department, sa paglulunsad nito noong Mayo ang mekanismo ng high-tech na scanner.

Bagong lunsad na government-operated CT Scan, kauna-unahan sa isla Pagkatapos maglunsad nitong Enero ng Hemodialysis facility, nagkaroon naman nitong nakaraang Mayo ang Eastern Bicol Medical Center (EBMC) ng sariling Computed Topography (CT) Scan facility, ang kaunaunahang pasilidad ng uri nito sa buong probinsya. Isa ang CT scan sa mga naging pangako ni Gov. Joseph C. Cua na kaniyang tututukan para sa isla. “Ini tabi, produkto nin satuyang paghinguha asin pag-aalay nin bawat empleyado nin EBMC para sana masimbag an pangangaipo nin mga Catandunganon,” ayon sa gobernador. Sa panayam kay Dr. Ralph Rommualdo Zuniega, ang head ng EBMC Radiology department, ang GE 32-slice CT Scan machine ay “first of its kind” na mai-kabit sa ospital sa probinsya, na kung saan umabot ng P35 million ang presyo ng makina at ng renovation project upang mailagak

“It is a clear indication that we are relentlessly working to improve and elevate all aspects of healthcare in our province,” -Gov. Cua ang makina sa ospital. “Ang CT Scan kasi, hindi lang siya yung mismong makina. Isa siyang kumplikadong kompyuter. Kasi kapag nakuha mo na yung larawan, kailangan mo rin yung kagamitan para ma-visualize ito. Kasali sa proyektong ito yung mga kompyuter at software na kayang gawin ang advanced image deconstruction,” sabi ni Dr. Zuniega sa isang interview. Ayon sa kaniya, naglagay rin ng mga backup equipment ang ospital la-

ban sa pagkawala ng kuryente dahil sa bagyo o baha. “Mayroong uninterruptable power supply ang CT Scan—parang cabinet na puro lang baterya ang loob… kasama rin sa renovation project yung paglagay ng drainage canal sa palibot ng makina,” dagdag ni Dr. Zuniega. Ipinaliwanag niya na makakatulong ang pagsasama ng CT Scan machine sa ospital ospital, sa aspeto ng pangangala ng pasyente at bilang pinagmulan ng kita.

“Dati, yung mga pasyente na kailangan ng CT Scan, pinapalabas o pinapadala sa ibang pasilidad na may kaya. Ang disadvantage ‘non is mahal. Kung dito magpapagawa, sinu-subsidize sila ng gobyerno, at dahil doon wala na silang nilalabas na pera para sa CT Scan,” sabi niya. Ayon kay Dr. Zuniega, bukas lamang ang CT Scan facility sa mga “urgent in-patient cases”, dahil naghihintay pa sila sa Sangguniang Panlalawigan para maaprubahan ang

iminungkahing pricing scheme. Pormal na inilunsad ang pasilidad ng CT Scan sa Mayo 9, na kung saan pinangunahan nila Bishop Most Rev. Manolo A. delos Santos, Governor Joseph “Boboy” Cua, EBMC Chief of Hospital Dr. Vietrez Abella, at Provincial Health Office Committee on Health Chair Dr. Zuniega ang seremonya. Sa pagbubukas ng CT Scan facility, hinirang ni Gov. Cua na isang “significant accomplishment” ng lokal na pamahalaan dahil sa malaking tulong nito sa pagpapaunlad sa sektor ng pampublikong kalusugan sa Catanduanes. “We can confidently say that the installation of this CT scan is a game-changer for our community. It is a clear indication that we are relentlessly working to improve and elevate all aspects of healthcare in our province,” dagdag ng gobernador.

Catanduanes health caravan, umarangkada sa mga district hospital

MISYONG MEDIKAL PARA SA LAHAT. Ngayong taon, iba’t ibang grupo o organisasyon ang nakipag-partner sa lokal na pamahalaan para sa medical missions na ginawa sa mga hospital sa probinsiya. Sa isinagawang health caravans na pinangunahan ng Provincial Health Office katuwang ang mga partner organizations, nilibot nito ang mga hospital para makapagbigay ng serbisyo sa mga kapuspalad.

THE LIGHTHOUSE Q2 2023

Matagumpay na inilunsad ng Bicol Regional Hospital and Medical Center (BRHMC) ang libreng health caravan sa Viga District Hospital noong Abril 25 hanggang 27 kung saan tinatalang higit 230 na Catandunganon mula Viga, Panganiban, Bagamanoc, at Gigmoto ang natulungan. Katuwang ang lokal na pamahalaan ng Catanduanes at ang Provincial Health Office (PHO), layunin ng inisyatibong ito na bigyang tulong-medikal ang mga Catandunganon sa pamamagitan ng libreng mental health consultation, dermatology consultation, cervical cancer screening, human papilloma virus o HPV screening, cyst and mass re-

moval surgery, at iba pa. Para sa ikalawang yugto ng health caravan, tumungo ang BRHMC medical staff sa Juan M. Alberto Memorial District Hospital noong Mayo 31 hanggang Hunyo 2 kung saan 275 na katao mula sa bayan ng Virac, San Andres, Bato, San Miguel, at Baras ang nabigyang-serbisyo. Nauna nang ipinaabot ni Catanduanes Governor Joseph “Boboy” Cua ang kanyang pasasalamat sa mga medical professionals na nagkaisa para sa inisyatibong ito. Inilahad niya rin ang kanyang hangarin na mapalawak pa ang medical mission sa lalawigan. Sa pagtatapos ng ikatlong bahagi ng medical mission noong Hulyo 3

hanggang 5, ibinalita naman ng PHO na nakapagbigay-tulong ang health caravan sa buong Catanduanes, kabilang na ang mga residente mula bayan ng Pandan at Caramoran. “Under my administration the improvement of our health sector is one of my top priorities as well as providing innovative solutions to help more Catandunganons. We welcome partnerships and stakeholders who want to provide health caravans all throughout our province. Kita na an ga sagot sa mga pangaipo nin mga volunteers pagabot digdi sa isla,” ang saad ni Gov. Cua sa isa sa mga naging health caravan.


3 newsfeature

Pag-alalay sa Estudyanteng Catandunganon

Kuwento ng Pagpupunyagi Sa Tulong ng College Educational Financial Assistance Program

W

alang anumang kasiguraduhan si Michael John Rima, 23, na mapapabilang siya noon sa College Education Financial Assistance Program (CEFAP) ng pamahalaang lokal ng Catanduanes. Dala na rin ng kagustuhang maibsan ang mga gastusin sa kaniyang pag-aaral, buong-lakas siyang sumubok na mag-apply para rito. Ngayon, isa si Michael John sa pitong mag-aaral ng Catanduanes State University (CatSU) na nagtapos bilang magna cum laude nitong nakaraang Hulyo 2023. Sa pagtamo ng karangalang ito, malaki ang kaniyang pasasalamat sa CEFAP na nagbigay hindi lamang ng tulong pinansiyal kundi pati na rin ng motibasyong iangat niya ang kanyang sarili. Ang CEFAP ay isang programa ng lokal na pamahalaan na naglalayong tulungan ang mga mag-aaral sa pribado at pampublikong kolehiyo at unibersidad ng Catanduanes. Nahahati sa dalawang uri ang mga CEFAP beneficiaries: (1) ang mga estudyante na nakakatanggap ng financial assistance at (2) piling estudyanteng nakakakuha ng stipend. Kada semestre, ang financial assistance scholars ay makakatanggap ng Php 2,000 kapag mula sila sa mga state universities and colleges (SUCs), samantalang Php 4,000 naman kung galing sila sa private higher educational institutions (PHEIs). Sa kabilang dako, ang mga stipend beneficiaries ay mabibiyayaan ng Php 10,000 upang matustusan ang kanilang pangangailangan sa transportasyon, internet, at sa pang-araw-araw na gastusin. Nitong nakaraang ikalawang semestre ng taong 2022-2023, 972 na

Catandunganon ang nabiyayaan ng tulong ng CEFAP. Ang mga ito ay binubuo ng 190 na mag-aaral mula sa CatSU, 217 mula sa Catanduanes Colleges (CC), at 565 mula sa Christian Polytechnic Institute of Catanduanes (CPIC). 237 CEFAP BENEFICIARIES NG PLGU, NAGTAPOS NGAYONG TAON Sa kasalukuyan, nasa 237 na CEFAP scholars na ang nakapagtapos sa kolehiyo; kabilang dito si Michael John. Ngunit, hindi naging madali ang kanyang karanasan upang makapagtapos bilang magna cum laude. Naging dagok ang mga suliraning pinansyal lalo na sa kanyang ikatlong taon bilang mag-aaral ng Bachelor of Physical Education. Bukod sa mataas na gastusing pang-araw-araw dulot ARANGKADA, ISKOLAR NG PROBINSYA. Sa tulong ng PLGU, katuwang ang mga tagapagtaguyod ng CEFAP, matagumpay na nagtapos ng pandemya, nagpatong-patong din ang 237 CEFAP iskolar ng probinsya ngayong taon. Sa pag-arangkada ng scholarship program mula Disyembre 2021, na may 15 milyon na pondo kada taon, patuloy ang layunin ng probinsya na mailapit ang edukasyon sa mga mag-aaral ng Catanduanes. ang bayarin niya para sa kanyang theta meaning daa ninyon, matalino ka,” mag-aaral sa probinsiya na nangansis. Kung kaya, laking-pasasalamat ni structor I sa kaniyang alma mater. gailangan ng tulong-pinansiyal. Kada Bukod sa tulong pinansiyal, nag- banggit niya. Michael John at natugunan ng samtaon, Php 15 million ang pondo na pung libong stipend ang mga sulir- ing tulay din ang CEFAP upang maginilaan para dito. PAGPAPALAWAK NG PROGRAMA, karoon ng panibaanin niyang ito. Layunin naman ni Governor JoPINAG-AARALAN gong komunidad “Nakatabang Matatandaang unang nilunsad seph “Boboy” Cua na palawigin pa ang si Michael John. siya [CEFAP] sako Nagkaroon siya ng ang CEFAP noong Disyembre taong CEFAP sa mga estudyante ng senior sa pagbakar ning mga kaibigan na 2021. Ngayong taong naman, nagsim- high school sa probinsiya. Isa ito sa gamit [para sa kapwa iskolar at ula na ang lokal na pamahalaan ng mga hakbang na nakikita ng gobernathesis] and also ang pagkakabilang Catanduanes sa pagtanggap ng mga dor upang tulungan pa ang maraming sa transportation niya sa grupong bagong aplikante na nangangarap Catandunganon at mabigyang-inspikasi yung research ito ay lubos na ding matulungan ng nasabing pro- rasyon sa kanilang pag-aaral. adviser namo, Para naman kay Michael John, nakatulong upang grama. taga-San Andres Naisakatuparan ang programa sa nais niyang ibalik sa komunidad ang magkaroon siya pa. Lalo na yung ng kumpiyansa sa pagkakapasa ng Provincial Ordinance tulong na natanggap mula sa CEFAP stipend, kadina024-2021 na sinuportahan ni Provin- sa pamamagitan ng paggamit ng sarili. kol niyang napunSa pagiging cial Board Member Robert Fernandez, kaniyang plataporma bilang guro. tahan. Mga gasMICHAEL JOHN RIMA MAGNA CUM LAUDE “Dakulang tuwang ang CEFAP and ganap niyang sti- chairperson ng Education Committee tuson sa harong, CEFAP BENEFICIARY ‘yun yung paulit-ulit na yataram ko sa pend beneficiary, sa Sangguniang Panlalawigan. pang-grocery … Ang nasabing ordinansa ay nirebi- mga estudyante ko. Ya-push ko talaga napatunayan niya Yung last payout mi, hanggang ngunyan igwa pa ako sa sarili na mayroon din siyang angk- sa ang dating College Education and sinda for scholarship kasi nagtao [ang Livelihood for the Youth program na CEFAP] sako ning motivation and daning 6,000 na yagamit ko panggastos ing kagalingan. “Sabi daa ngani, pwede mo na ip- naging epektibo noong 2013. Binuo kulang tuwang sa pag-build sa sadili sa trabaho,” ani ni Michael John, na ngayo’y nagtatrabaho na bilang In- aghambog pag scholar ka ning CEFAP ang CEFAP upang umalalay sa mga ko,” aniya.

PLGU pagtitibayin ang potensiyal ng kabataang agripreneurs sa probinsiya

KABATAAN PARA SA AGRIKULTURA. Naging masaya ang mga aktibidad na inilatag ng Provincial Agricultural Services Office para sa mga young ‘agripreneurs’ sa nakaraang 4H Club 6th Provincial Achievement Day kung saan 188 na kabataan ang naging kalahok.

Malaki ang ambag ng kolaborasyon ng mga ahensiya para mabigyan ng wastong kakayahan ang mga kabataan at hikayatin silang mas lalong makilahok sa pagpapalago ng sektor ng agrikultura. Ito ang naging sentro ng mensahe ni Gov. Joseph Boboy Cua sa naganap na 4H Club 6th Provincial Achievement Day nitong Abril 4, 2023. “Kun gusto niato na maagda an kajovenesan na magpartisipar, kaipo niato na magturuwangan na matauhan sinda nin magkakanigong skills asin input,” ani ng lokal na ehekutibo. “An pagtao niato nin trainings, seminar, agricultural practices, binhi, budget, asin lalo na, suporta, makatabang na mas mamati na kabali sinda sa satuyang adbokasiya,” saad pa ng gobernador. Ayon kay 4H Club Provincial Coordinator Ma. Conchita S. Sarmiento, mas pagtitibayin ng Provincial Agricultural Services Office ang ugnayan nito sa mga ahensiya para sa mga aktibidad na magpapalago ng kakayahan ng mga kabataan sa agricultural

enterprises at production. “Makatuwang po ini sa satuyang 4H Club members lalo na sa mga maiba sa Bicol 4H Youth Camp ning Agricultural Training Institute sa maabot ng April 11-13,” ani Sarmiento. Samantala, ang Department of Trade and Industry ay nagbigay ng presentasyon na naglalaman ng mga plano at programa ng ahensiya para sa mga kabataan. Nagsilbing panauhing tagapagsalita sa aktibidad si Bb. Hannah Cyrene O. Tabliza, may-ari ng Little Acre Farm. Hinikayat niya ang 118 na kabataang agripreneurs sa aktibidad na patuloy na pag-ibayuhin ang kanilang mga talento at sumubok sa iba’t ibang livelihood projects. Sa mga patimpalak para sa mga 4H members, nakuha ni Sonny Vane Zuniega mula Caramoran ang unang puwesto sa 4H Quiz Bee, na sinundan nina Raymund Lamabi ng Virac sa ikalawang puwesto at Mariel Mendoza ng Baras sa ikatlo. Nasungkit naman ni John Louie

Borja ng Virac ang kampeonato sa Singing Contest, na sinundan nina Jemarie Tomaniog ng Viga at Mark Philip Sabeniano ng Pandan. Sa Fruit and Veggie Art making contest, nagwagi sina John Lester Templonuevo ng Viga (unang puwesto), Don Joshua Timuat ng Bagamanoc (ikalawang puwesto), at Tan Jzer Zuniega (ikatlong puwesto). Anim na miyembro naman ang kinilala para sa kanilang nakamit na pagkapanalo sa nagdaang Kabataang Agribiz 2022 Young Farmers Challenge. Sila ay sina Sonny Jane Zuniega, Jay Condeno, Jay Camacho, Mark Jay Sambahon, Princess Amor Oclares, at Clyne Michaels Tabuzo. Ang aktibidad na may temang “Youth Empowerment in Agriculture Value Chain” ay naglalayong mabigyan ng halaga ang agrikultura sa pamamagitan ng pagsusulong ng kaalaman at kasanayan ng mga kabataan. Layunin din nitong magkaroon ang mga kalahok ng oportunidad sa nasabing sektor bilang mga lider at tagapagtaguyod ng inobasyon.

APRIL TO JUNE ISSUE | 3


4 PAGLABAN SA MALNUTRISYON SA PROBINSIYA

Dietary Supplementation Program muling inilunsad Para tugunan ang problema sa malnutrisyon, pinangunahan ng Provincial Nutrition Office (PNO) ang muling paglulunsad ng Dietary Supplementation Program sa lalawigan para sa mga batang edad 6-59 buwan na maituturing na severely underweight, wasted, at stunted, maging sa mga buntis at nagpapasusong nanay na “nutrionally at-risk.”

Ang programa ay nakaangkla sa inisyatibo ng National Nutrition Council at naglalayong mapataas ang consumption ng mga micronutrients tulad ng iron, iodine, at vitamin A ng mga benepisyaryo. Sa Catanduanes, nagsimula na ang pamimigay ng mga dietary supplementations at commodities sa loob ng 120 araw para sa mga pre-school children at 90 araw naman sa mga nanay,

partikular ang mga galing sa mahihirap na pamilya. Ayon sa datos, isa sa bawat tatlong batang edad lima sa Catanduanes ay “stunted”. Halos 16 porsyento naman ng nasabing populasyon ang nakararanas ng “wasting.” Mula Hunyo hanggang Oktubre 2022, lampas sa 1,000 na kabataan at 224 na mga buntis ang nabigyan ng dietary supplementation.

Dahil ang malnutrisyon sa isla ay isa pa ring nakakabahalang isyu, lalong pinaigting ng lokal na pamahalaan ang mga programa sa nutrisyon ngayong taon. Kabilang rito ang pagbubuo ng Local Nutrition Action Plan (LNAP) para sa taong 2023-2025 matapos ang malawakang konsultasyon at pagdisensyo ng mga estratehiya na magiging gabay ng probinsiya at mga munisipyo sa

pagsugpo ng problema sa malnutrisyon. Sa kaniyang mensahe sa paglulunsad ng LNAP, binigyang-diin ni Gov. Joseph Cua ang obhetong mapababa ang kaso ng malnutrisyon, lalo sa mga kabataan, ng probinsyon. Aniya, kailangan tutukan ang kolaborasyon ng mga ahensiya para sa bisyon ng mas malusog na populasyon sa lalawigan. “By giving our kids’ nutritional requirements top priority, we not only maximize each child’s potential, but also open the door for a more robust, resilient community,” dagdag ng gobernador. Ilan pa sa mga proyekto ng PLGU, sa pangunguna ng PNO, ay ang pagsasagawa ng mga nutrition classes para sa mga nanay, paglilibot sa mga munisipyo para sa mga pagsasanay, at pagbibigay ng insentibo sa mga Barangay Nutrition Scholar na katuwang sa pagpapatupad ng programa sa mga komunidad.

... FROM PAGE 1

40 pulis sinanay sa pinaigting na seguridad pang-turismo AKSYON PARA SA NUTRISYON. Isa sa mga inabangang kumpetisyon na inorganisa ng Provincial Nutrition Office ngayong taon ang Luto Ni Nanay at Tatay kung saan naghahanda ng masarap at masusustansiyang pagkain ang mga mag-asawang kalahok at representante ng kani-kanilang munisipyo. Kabilang ito sa maraming programa ng departmento para maitaas ang kaalaman sa komunidad ng kahalagahan ng nutrisyon sa buhay.

PLGU pinapalakas ang serbisyong pangkalusugan gamit ang teknolohiya Ang Pamahalaang Panlalawigan, kasama ang iba’t ibang mga ahensya, ay nagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan para sa mga Catandunganon sa pagtupad ng iba’t ibang healthcare program na ginagamit ang teknolohiya na makatutulong sa trabaho ng health worker at pangangalaga para sa mga pasyente. Isinagawa noong Hunyo 29 ang Provincial Health Board Meeting upang talakayin ang Provincial Health Office Annual Investment Plan at Budget para sa taong 2024, at ang pagpatupad ng mga programang Supply Chain Management Manual, IClinic System Version 4.1, at Integrated Hospital Operations and Management Information System Plus. Bukod doon, pinag-usapan rin sa board meeting ang pagplano para sa Provincewide Health System Integration, pagtatag ng trust fund para sa para sa 11 na mga munisipalidad mula sa special health fund, at health caravan output ng VISAM ILHZ. Tinalakay rin sa pagpupulong ang mga pagbabago kaugnay sa Measles, Rubella at Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity Accomplishment, Notifiable Diseases at COVID-19 sa Catanduanes, 3rd Booster COVID-19 Vaccination for Special Population, at Re-organization of

THE LIGHTHOUSE Q2 2023

Health Promotion Committee. Noong nakaraang Hunyo 19-22, nagkaroon ang Provincial Health Office (PHO), kasama ang Department of Health (DOH) - Bicol Center for Health Development ng isang orientation at pagsasanay ng IClinicsys. Ang Iclinic System Version 4.1 o IClinicsys. Ang IClinicsys ay isang electronic medical record system, na kung saan nais nitong padaliin at pasimplehin ang paghatid ng serbisyo

sa mga pasyente at mabisang subaybayan ang pangangalaga sa mga pasyente sa loob ng ospital. Ang refresher program na ito ay naaayon sa National eHealth Program ng DOH kung saan tungkulin ng programang ito turuan ang mga Municipal Health Officers, Field Health Services Information System Coordinators, at mga Encoder ng 11 na mga Rural Health Unit sa paggamit ng IClinicsys.

Ang IHOMIS Plus naman ay isang computer-based information system na nagbibigay ng kaugnay at maaasahan na impormasyon na nagsusuporta sa pagmamaneho ng ospital. Ang Catanduanes ang kauna-unahang target sa buong Pilipinas para sa pagpatupad ng programang ito, na kung saan and Eastern Bicol Medical Center at Viga Disctrict Hospital ang piniling flagship installation site ng i-HOMIS Plus.

TULOY-TULOY ANG PAGPAPAUNLAD ng sektor ng kalusugan sa probinsiya. Sa inasagawang meeting ng Provincial Health Board buwan-buwan, patuloy ang pag-adopt ng mga polisiya at sistema na mandato ng Department of Health para sa maayos na implementasyon ng Universal Health Care kabilang ang pagkakaroon nang maayos na case reporting at monitoring sa mga munisipyo gamit ang makabagong teknolohiya.

Naglalayon ito na palakasin ang kapasidad ng lokal na kapulisan na masiguro ang ligtas na Happy Island para sa lahat, mapalokal man o turista. Sa pagsasanay, binigyang-diin ang pagkakaroon ng presensiya ng kapulisan at maayos nilang pakikitungo sa mga komunidad na pinupuntahan ng mga turista. Ilan sa mga tinalakay ang tungkol sa mga gampanin ng isang tourist police; first-aid measures at response protocols; mga lokal na produkto at serbisyo; at mga batas ukol sa child safety and protection. Nagsagawa din ng familiarization tour o site visit ang mga pulis sa huling araw ng pagsasanay. Nitong May 23, 2023, pumirma naman sa kasunduan ang lokal na pamahalaan, DOT V, at ang Philippine National Police para sa pagsisimula ng paglilingkod ng mga nasabing pulis bilang “TOP COPs”. Naganap ang MOA signing sa Twin Rock Beach Resort na dinaluhan nina Gov. Joseph C. Cua, DOT Regional Director Herbie Aguas, at CATPPO Director PBGen Benjamin B. Balinhbing at iba pang lokal na opisyal. Ang TOPCOP ay inisyatibo na nakabase din sa Tourism Act of 2009 kung saan nakasaad na ang Philippine National Police (PNP) ay kailangang bumuo ng tourism security force para tumulong sa pagpapapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga lugar na mataas ang bilang ng mga turista. Ayon kay Ms. Carmel B. Garcia, Supervising Tourism Operations Officer, malaki ang ambag ng inisyatibo para sa mas pagandahin ang “overall tourism experience” sa Catanduanes.


newsfeature

C ATA N D U N G A N I S K O L A R

JUDE M. B

agamat hindi man ito ang kaniyang unang karerang pinili, tinahak ni Jude ang larangan ng abogasiya dahil sa kagustuhang maibsan ang kawalang-katarungan sa sistema ng hustisya sa Pilipinas. At bilang kauna-unahang law graduate ng Catanduanes Medical and Law Scholarship Program o CMLSP, mas malapit na siya sa kaniyang hangarin na maging representante ng mga mahihirap at kapuspalad sa korte. Ang CMLSP ay ang scholarship program na inilunsad ng pamahalaang lokal ng Catanduanes upang tulungan ang mga Catandunganong nangangarap maging doktor o abogado. Sa ilalim ng programang ito, aabot ng Php 150,000 ang maaaring matanggap ng kada iskolar. Sakop nito ang kanilang panustos sa tuition fees, lodging fees, mga libro, uniporme, at pang-araw-araw na gastusin. Isa si Jude M. Tacorda, 26, sa unang batch ng beneficiaries ng CMLSP taong 2021. Nagtapos siya sa Juris Doctor program ng University of Santo Tomas-Legazpi nitong nakaraang Hunyo bilang isa sa top 5 law graduates ng kaniyang batch. Noong una, bagamat nag-uuma-

... FROM PAGE 1

TACORDA

“The [financial] burden was diminished [kaya] iniisip ko yung pag-aaral na lang,” paw ang kanyang motibasyon na makapagtapos, hindi pa rin naging madali ang law school para kay Jude. Isa sa pinakamalaking dagok na kinaharap niya ay ang malaking gastusin. Dahil hindi siya nagtratrabaho at wala pa siyang scholarship noon, umaasa si Jude sa kaniyang mga magulang upang matustusan ang kaniyang pag-aaral. Sa katunayan, noong unang taon niya sa law school, walang ginagamit na libro si Jude dahil sa kawalan ng pera na pambili nito. Kaya laking pasasalamat ni Jude at ng kaniyang pamilya sa CMLSP dahil lubos na naibsan ang kanilang mga problemang pinansiyal. “Nung napili po ako, nakabili na po ako

ng personal na libro na nagagamit sa law school, pati gadgets … The [financial] burden was diminished [kaya] iniisip ko yung pag-aaral na lang,” aniya. Dahil din sa CMLSP, nagkaroon ng panustos si Jude para sa kaniyang pangangailangang medikal. Ayon sa kaniya, na-diagnose siya ng gastroesophageal reflux disease (GERD) at anxiety dahil sa mental at pisikal na demand ng kaniyang kurso. “It will test your capability if you are really equipped to become a lawyer. At the same time, it will test your faith po,” banggit niya. Ngayong nakapagtapos na siya, nakikita ni Jude ang sarili na tinatahak ang litigation dahil sa adboka-

siya niyang makapagbigay ng legal assistance sa mga nangangailangan. Balak niya ring kumuha ng pro bono cases upang mabigyan ng karapatan ang mga mahihirap na depensahan ang kanilang sarili sa korte. Sa ilalim ng ordinansa ng CMLSP at nakapaloob rin sa kontrata na kanilang pinirmahan, kailangan magbigay nina Jude at ng ibang iskolar ng return service sa probinsiya pagkatapos maging abogado o doktor. Sa bawat taon ng kanilang pagiging iskolar, isang taon din ang katapat nitong return service. Bukod pa rito, nais din ni Jude na magturo sa kaniyang alma mater, ang Catanduanes State University, na ngayo’y sinisimulan na rin ang

proseso upang magkaroon ng sariling College of Law. Nais niyang ibahagi sa iba ang mga aral na kaniyang napulot sa apat na taong ginugol niya sa larangan ng abogasiya. Nakikita niya rin itong paraan upang makabawi sa komunidad ng Catanduanes na siyang nagpaaral sa kaniya. Isa lamang si Jude sa mga Catandunganong natulungan at matutulungan ng CMLSP na abutin ang kanilang mga pangarap. Sa kasalukuyan, mayroong sampung iskolar ang nasa ilalim ng programang ito. Nitong nakaraang Setyembre rin, natapos na ang application period para sa ikatlong batch ng CMLSP scholars. Ang CMLSP board, na pinangungunahan ni Catanduanes Governor Joseph “Boboy” C. Cua, ay nasa proseso na ng pagpili ng mga karapat-dapat na mga iskolar para sa taong ito. Ayon kay Jude, dahil sa laki ng gastusin ay madalas na nakikita ang larangan ng medisina at abogasiya na para lamang sa mga nakakaangat. Ngunit sa ilalim ng CMLSP, kahit sino, mayaman man o mahirap, ay mabibigyan ng pagkakataong matupad ang kanilang ambisyon na maging doktor o abogado sa hinaharap.

ABACA REHAB PROGRAM

3,125 abacaleros nakatanggap ng ₱5K ayuda mula DOLE-TUPAD “Kaya’t malaking pasasalamat ko po sa programang ito ng DOLE, at sa mga katuwang na opisina sa pagbigay ng oportunidad sa mga tulad naming kapos. Gagamitin ko po ang perang nakuha ko para mas pagandahin pa ang aking taniman,” aniya. “Nakakatuwa po dahil bukod sa nalilinisan namin ang aming mga taniman, kami rin ay pinapasahod,” dagdag pa nito. Mahigit-kumulang Php 20 milyon na pondo mula sa DOLE ang inilaan para sa rehabilitasyon ng mga plantasyon at pasilidad ng mga magsasa... FROM PAGE 10

ka ng abaca na nagtamo ng malaking pinsala dahil sa sunod-sunod na mga bagyo noong nakaraang taon. Bukod sa pinansiyal na aspeto, naging bahagi rin ng TUPAD ang technical assistance, occupational safety measures, at first aid orientation na naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mga Catandunganong abacaleros. Binigyan din ng isang taong insurance at personal protective equipment ang mga benepisyaryo. Matatandaan na ang huling distribusyon ng tulong-pinansyal ay noong nakaraang Abril 29, 2023 sa bayan ng

Bato. Sa pagtapos ng nasabing programa, inaasahan ng pamahalaang lokal muling aarangkada ang industriya ng abaca. Katuwang rin ang mga iba’t ibang ahensya ng gobyerno pagpapalaganap ng mga inobasyon sa mga produkto mula sa abaca, pagsasagawa ng mga pananaliksik ukol sa potensyal na gamit nito, at pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa abaca upang mapanatili ang yaman ng industriya sa probinsya.

TULONG SA MGA ABACA FARMER. Mahigit-kumulang 3,125 abacaleros magmula sa 11 munisipyo ng Catanduanes ang nakatanggap ng 5,000 pesos na ayuda mula sa DOLE-TUPAD. Ang programang ito ay isang hakbang ng gobyerno sa pagsigurong maaabot ang sektor ng abaca sa probinsya ng ayuda sa mapaminsalang bagyo nitong nakaraang mga taon.

Lagpas 1.8K na ektarya natamnan sa mangrove rehab ng ENRO

Ayon kay Edilberto Matienzo, OIC ng ENRO, ang mga munisipalidad ay binigyan ng sariling mangrove task force: isa (1) sa Bato, dalawa (2) sa San Andres, isa (1) sa Viga-Payo, at tatlo (3) sa Virac. Ayon sa ENRO, ang task force ay nagbabantay laban sa mga pumuputol o bumubunot ng mga itinanim na propagules. “Ngunyan ang resulta magayon,

kasi dai naman talaga ning gaputol ning mangroves ngunyan,” ani Matienzo. Naging matagumpay ang mangrove rehabilitation dahil sa sama-samang pagsusumikap ng Department of Environment and Natural Resources, Local Government Units, at mga kapitan ng bawat barangay na kalahok.

Bukod dito, ilang Municipal LGU gaya ng Baras at Pandan ay nagbibigay ng aktibong suporta sa proyekto bilang bahagi ng kanilang sariling programa sa pagsasaayos ng mga mangrove areas. Sa panayam kay Matienzo, ang mga nabanggit na munisipalidad ay humihingi ng mga propagules upang mapalawak pa ang suplay para sa

proyektong ito at upang mas mapabilis ang pagpapalawak ng mangrove forest sa probinsya. Inaasahan naman na sa taong 2024, magkakaroon ng pag-angat sa badyet mula sa P1 Milyon patungo sa P1.5 Milyon, na magbubukas ng pintuan para sa mas malawakang pagsasagawa ng proyekto. Makakasama na rin sa nasabing

programa ang mga natitirang munisipalidad tulad ng Caramoran, Pandan, Bagamanoc, Baras, at Gigmoto. Mayroon ding malawakang plano para sa tree planting na nakatuon sa pagtatanim ng mga puno ng hardwood at fruit trees sa buong lalawigan. Ito ay sinimulan noong pagdiriwang ng Linggo ng Kalikasan nitong Hunyo.

APRIL TO JUNE ISSUE | 5


features

Isang Pagkikila sa mga Abacaleros ng Probinsiya

H

indi lamang paghag-ot ng kwento ng kasipagan ang tampok ng bawat abacaleros sa probinsya ng Catanduanes. Dagdag marahil na kilala ang lugar bilang panangga sa malalakas na bagyo kaya hindi nakapagtataka na datapwat isang malaking sapalaran sa kanila ang pag-aabaca upang maitaguyod ang kanilang pamilya, ay hindi nila ito mabita-bitawan. Ganito ang kwento ng selebrasyon ng Abaca Festival ngayong taon. Tampok ang hinabing kuwento ng iba’t ibang abacaleros mula sa labing-isang munisipalidad ng isla-probinsya, ang ika-pitong taon ng Abaca Festival ay umikot sa natatanging ambag ng sektor sa ekonomiya ng probinsya at nagbigay daan upang mas makilala ng mga lokal at labas ang produkto ng Catanduanes.

6 | THE LIGHTHOUSE Q2 2023

Sigurado’y pagtutulungan din ito na sintatag ng hibla ng abaca ng probinsya. Sa tulong ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, mas dumami ang inobasyon at programa na naibida para sa mga abacaleros. Sa pangunguna ng Department of Science and Technology Region V-Catanduanes, ang inisyatibong ito ay nasuportahan para mas maging produktibo ang kapistahan. Sa pangunguna ng nasabing ahensya, nailunsad ang ABACANOBASYON na tampok ang matitibay na abacaleros kung saan sila ay binigyan ng natatanging ambag sa probinsya. Sa taong ito, sa tulong na rin ng iba’t ibang dalubhasa sa research, ay nag-

karoon ng forum ang mga kalahok sa AbacaNobasyon: Techno-Investment Forum: Meet and Greet with Local Investors nitong ika-26 ng Mayo, bida ang pagpresenta ng iba’t ibang gamit at produkto gawa sa abaca. Sa kaniyang presentasyon, binigyang-diin ni Catanduanes State University’s (CatSU) Abaca Technology Innovation Center Director Abelisa D. Evangelista ang kakayahan ng abca upang makipagsabayan din sa mga produkto sa labas kung ito ay mabibigyan ng mas pagkilala at inobasyon. Ang mga programang ito ay hindi

lamang natapos sa pagiging maganda at kaakit-akit sa mata habang idinaraos ang kapistahan. Subalit, nagpatuloy ang selebrasyon sa pagbibigay ng natatanging pagkilala sa kanila. Sa taong ito ang lokal na gobyerno rin ng probinsya ay nagbigay pagkilala sa labing-isang matitibay at natatanging pamilyang Catandunganon o ang Search for Oustanding Abaca Farmers Family, kung saan ang tubong Hicming, Virac na si Mr. Juan B. Timola ay nakatanggap ng 15,000 at 1,500 para sa scrapbook prize. Hindi lamang kay Tatay Juan natapos ang listahan ng mga nanalo at nabigyan ng pagkilala kundi walo pa samga abacaleros mula sa ibat ibang

munisipalidad na nagpakita ng kakayahan at katangi-tanging partisipasyon ang nag-uwi ng papremyo. Kung susumahin, ang mga talang ito ay hindi lamang bastang tala ng Abaca Festival ngayong taon. Sa mga pagkilalang ito ay tunay ngang masasabi na kahit papaano’y naiaangat din natin ang kalagayan ng mga parahag-ot. Hindi lamang natin sila ikinulong sa kwento ng “nagtukad asin saro o duwang semana iyan bago magbaba” kundi kahit papaano’y may liwanag ang kanilang bawat pag-akyat. Totoo, hindi pa man tuluyang naitataas at naiaangat ang kalagayan ng bawat abacaleros sa probinsya, subalit ang mga programang inihahain ng gobyerno ay makararating kung ang inobasyong ito ay bukal na ibibigay at paglalaanan ng panahon.


Pagkikila sa Papausbong na Kulay ng LGBTQIA+ community sa Happy Island

P

ara sa isang ‘Diva,’ mahalaga ang bawat tiyempo ng paglakad sa stage. Hindi lamang maingat sa bawat hakbang kundi sa bawat angat ng mga paa, sa kurap ng makakapal na pilikmata, sa bawat kumpas ng mga kamay, sa bawat pagtapak at pagtunog ng suwelas, sa pananaw ng isang ‘Diva,’ kaniya ang korona. Ito rin marahil ang nasa isip ni Jaypee Cabrera, ang kinoronahang “Kween of the Runaway” sa ginanap na Drag Queen Competition nitong Hunyo bilang pakikiisa ng probinsya sa selebrasyon ng Pride Month. Isa lamang si Jaypee sa marami pang parte ng komunidad na sa pamamagitan ng kanilang sining, ipinapakita ang kahulugan ng kulay ng bahaghari. Bagamat patuloy pa rin ang malawak at mahabang diskusyon ng kasarian na matagal nang laman ng usap-usapan hindi lamang sa inuman o tsismisan kundi maging sa mga pagdinig sa Senado, hindi pa rin natatapos ang pagsulong ng mga nakikipaglaban sa pantay na pagtingin at pagtrato.

Sa pakikipagsabayan na rin sa ritmo ng industriyalisasyon, marahil unti-unti na ngang nagiging bukas ang kamalayan ng mga Catandunganon sa usaping ito. Maging ang mga lokal na pamahalaan at ahensiya ay binibigyang pansin na rin ang pangangailangan ng LGBTQIA+, magandang senyales na hindi na lamang iilan sa Senado tulad ni Senador Risa Hontiveros na tagapagsulong ng SOGIE Bill, kundi mas lumalawak ang spectrum nito sa mga lokalidad. Kamakailan lamang ay nagsagawa ng pagsasanay sa ilang kasapi ng LGBTQIA+ sector ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) tungkol sa pagresponde sa panahong ng mga sakuna o aksidente. Nitong nakaraaang taon naman, bago ang “Siklab,” nagpaabot na ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa mga miyembro ng sektor sa isla ng asistensya sa naapektuhan ang kabuhayan dahil sa pandemiya.

MAKULAY NA ISLA Maituturing man na bago pa rin sa panlasa sa Catanduanes ang mga ganitong selebrasyon, isang magandang pagdungaw sa lente ng pagtanggap ng mga Catandunganon ang unang Pride celebration sa lalawigan noong 201,9 na tinawag na “Bulalangaw,” lokal na kataga para sa bahaghari, na inorganisa ng iba’t ibang grupo ng kabataan sa isla. Nitong nakaraang taon, naging pormal na bahagi ito ng aktibidad ng Provincial Youth Development Office (PYDO) na tinawag na “Siklab.” Siguro, dala na rin nang globalisasyon, ang pagsulong na ito ay mas naging bukas para sa panlasa ng publiko.

RAMPA AT PAKIKIISA Bilang suporta ng lokal na gobyerno, sa pamumuno ni Gobernador Joseph “Boboy” Cua, sa pandaigdigang paggunita ng Pride Month, nitong nakaraang ika-30 ng Hunyo ay muling pinasinayaan ang ikalawang taon ng Siklab: Catanduanes Pride Month celebration. Isang makulay na Pride March ang naghudyat ng pagsisimula ng selebrasyon kung saan nakilahok ang mga empleyado ng Kapitolyo. Bago ito, nagbigay ang gobernador ng mensahe para sa LGBTQIA+ sector. “You are seen, you are heard, you are recognized, you are an integral part of our province,” ang saad ng gobernador. Sa Pride March din ibinida ang magagarbong mga kasuotan ng mga miyembro ng LGBTQIA+ sector na nagpatingkad sa parada sa Virac downtown.

Pagkatapos nito, nagkaroon ng forum ukol sa Sexual Orientation and Gender Identity Expression (SOGIE) na pinangunahan ni Atty. Karmina Mariano-Tablizo ng Public Attorney’s Office. Kinagabihan, nagpasiklaban naman ang sampung kalahok ng Kweendom: Rampasiklaban Drag Competition. Napaunlakan din ang okasyon ng mensahe ng isa sa mga tagapagsulong ng karapatan ng LGBTQIA+ sa lehislature na si Senador Risa Hontiveros. Sa kaniyang mensahe, binigyang diin ng Senador ang kaniyang patuloy na pakikibaka sa SOGIE Bill. “Beyond labels, beyond biases, beyond prejudice, there is real power in movement of [the] LGBTQIA+ community to bridge people once more in the deeply divided society we created. We can undo severance, heal wounds—if we remain steadfast for equality.” PAGHAHABI NG BAHAGHARI Ang suporta sa LGBTQIA+ sector ay hindi nangangahulugang may kabawasan sa ating pagkakakilanlan bilang babae o lalake. Ang pagkakahon na ito sa dalawang sexual orientation ay isang makalumang paniniwala. Panahon na ang nagpapakita kung ano ang kayang maiambag nila hindi lamang sa loob ng kanilang sektor kundi sa ating lipunan. Silang mga pinagtatawanan sa inuman, sa kumpulan ng mga maskulado at putok-mukhang kalsada at tambayan, silang isinusulong ang karapatan, silang ginagawa ng iba na katatawanan, sila din ay may matikas ang pinanghahawakan sa buhay. Hindi lamang sa buwan ng Hunyo matatapos ang suporta ng lokal na gobyerno ng Catanduanes sa mga kapatid na LGBTQIA+. Dahil ang pagkakapantay-patay sa buwan sa kalendaryo ng taon ay Hunyo.

APRIL TO JUNE ISSUE | 7


8 RONEL SAMAR

ARLENE CABRERA

KENNETH CARANGUIAN JR.

Rising Indie Artist

Coconut

Handicraft Maker

Taekwondo Gin Champ

Nanalo bilang Best Department of Labor and Employment (DOLE)-Assisted Livelihood Project Implementer for the Individual Category ang Virac coconut handicraft na si Arlene Cabrera sa ginanap na Kabuhayan Awards 2023 ng DOLE Bicol. Ang 35 taon na entrepreneur ay mula sa Barangay Dugui Too at ilang taon na ring nasa handicraft business. Ang kaniyang mga produkto ay naging popular sa lokal at kalapit na merkado sa pamamagitan ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP). Nitong Abril 14, 2023, pinarangalan ng Php 30,000.00 at ginawaran ng sertipiko si Cabrera. Siya ang kakatawan sa DOLE Bicol sa nasyonal na lebel ng Kabuhayan Awards 2023 ng nasabing ahensiya.

Nanguna ang batang taekwondo player na si Domingo Kenneth V. Caranguian Jr. sa nagdaang Modified Palarong Bicol nitong Abril 23-28, 2023. Si Domingo ay mag-aaral sa Bagamanoc Central Elementary School. Ang kaniyang naging coach ay si Mr. Francis Villaflor. Nasungkit niya ang ginto sa Taekwondo Kyorugi Boys (Elementary) competition laban sa taekwondo player mula Masbate Province. Ito ang naging ikatlong ginto na nasungkit ng delegasyon ng Bagwis Catanduanes. Sa kaniyang pagkapanalo, kaniya ring niripresenta ang Bicol sa naging Palarong Pambansa. Si Domingo ay isa lamang sa mga natatanging Catandunganon na patuloy na nagbibigay karangalan sa probinsya.

Pinangaralan bilang Most Outstanding Film Artist of the Year 2022 si Ronel Samar sa 3rd Southeast Asian Achievement Awards na ginanap sa Manila Grand Opera Hotel and Casino noong Pebrero 19, 2023. Si Ronel ay lumaki sa Balognonan, Pandan at kasalukuyang indie artist sa isang production company sa Maynila. Kinilala ang kaniyang husay sa crime-thriller na pelikulang “On the Job 2: The Missing 8” kung saan nakatrabaho niya ang award-winning na direktor na si Erik Matti. Ayon kay Samar, apat na taon na siyang kasama sa industriya, at sinabi pa niyang nagsimula siyang pumunta sa mga acting workshop noong siya’y edad pa lamang at lumabas sa iba’t ibang TV shows tulad ng ‘Dear Uge’ sa GMA 7 at naging stuntman sa mga pelikula.

Catandungan Spotlight THE LIGHTHOUSE Q2 2023


9 BB. CANDY VOLLINGER

KAHILLE JOSIE ALMEDA

ENGR. DIVINA GONZALES

Talented Binibini

Math Wizard

Engineer Topnotcher

Pinarangalan ang kinatawan ng Catanduanes na si Candy Marilyn Vollinger sa nagtapos na Binibining Pilipinas 2023 bilang “Most Talented Binibini.” Pinakita ng doktor slash beauty queen ang kaniyang husay at galing sa isang aerial stunt performance na siya namang nagpabilib sa mga hurado noong Talent Night. Pinalakpakan din ang national costume ng binibini na dinisensyo nina Joven at Jonel Añonuevo. Ang costume ay humugot ng inspirasyon sa imahe ng La Inmaculada Concepcion at may mga detalye na mula sa abaca. Si Bb. Candy ay dati nang kinoronahan bilang Bb. Catandungan Festival Queen taong 2011.

Kahanga-hanga ang pinamalas na tibay at galing sa numero ng Grade 11 student ng Catanduanes National High School na si Kahlile Josie Almeda. Ang naging inspirasyon ni Kahlile para sumali sa mga competition ay ang kaniyang coach mula Grade 1 hanggang Grade 6. Ayon sa Math Wizard, mahirap ang naging pagsasanay para makapasok sa mga international competitions. Patunay lamang dito ang pagtamo niya ng maraming medalya sa iba’t ibang international competition tulad ng Thailand International Math Olympiad, Greater Bay Area Mathematical Olympiad, Hongkong International Math Olympiad, at Philippine International Math Olympiad.

Isa na namang Catandunganon civil engineer ang nagpakita ng gilas sa nakaraang July 2023 Master Plumbers Licensure Examination (MPLE). Nasungkit ni Engr. Divina Vivero Gonzales, tubong Brgy. Hawan Grande, ang ikaanim na puwesto sa national placers ng nasabing board examination. Ang kaniyang rating ay umabot sa 85.70%. Pinangaralan din ng Catanduanes State University (CatSU) ng Php 100,000 pesos si Engr. Gonzales para sa pagkilala ng kaniyang natamong tagumpay. Si Gonzales ay nagtapos bilang Cum Laude sa nasabing institusyon.

Iba’t ibang paghabi ng kwento at pangarap ang tampok ng anim na Catandunganon. Magkakaiba man ang tibay at punyaging bitbit, pare-pareho namang tampok ang kanilang maalab na pagdala sa ngalan ng probinsya sa loob at labas ng bansa. Patunay lamang ito ng kadakilaan na kanilang naitawid sa larangang ng pampalaksan, akademya, at agrikultura.

APRIL TO JUNE ISSUE


Ligtas na Kalikasan Para sa Ating Mga Pawikan

Lagpas 1.8K na ektarya natamnan sa mangrove rehab ng ENRO Umabot na sa 1,827 na ektarya ang kabuuang lawak ng mga mangrove areas sa probinsiya na sumailalim sa rehabilitation ng Environment and Natural Resources Office (ENRO). Sa ilalim ng Mangrove Rehabilitation project na may pondong Php 1 milyon, nabenepisyuhan ang ilang coastal barangays sa mga bayan ng Bato, San Andres, at Virac, maging

ang Panganiban Demo Fish Farm Nursery, na minimintina ng Provincial Agricultural Services Office. Kabilang sa mga barangay ang Batalay, San Roque, at Sta. Isabel sa Bato; Brgys. Yocti, Bon-ot, Agojo, Comagaycay, Bagong Sirang sa San Andres; at Brgys. Talisoy, Magnesia, Balite, at Batag sa Virac... SAMA-SAMA PARA SA KALIKASAN. Pinangunahan ni Vice Gov. Peter C. Cua ang ginawang Mangrove Rehabilitation project sa bakawan ng Brgy. Bonot, San Andres. Kasama niya ang rito ang iba’t ibang opisyal mula Sangguniang Panlalawigan, ENRO, PDRRMO, MDRRMO San Andres, MENRO San Andres at Catanduanes Eagles Club.

CONTINUE ON PAGE 5

newsfeature

Motorcycle Tourism, potensiyal na atraksyon sa Happy Island

I

sang biyaya rin na pumarito’t paroon ang mga pumapasok sa Catanduanes. Dahil nga rin sa natatanging ganda ng probinsya na napaliligiran ng magagandang kabundukan at karagatan, hindi maitatangging marami ang nagkakainteres na bumisita. Malamang sa malamang, para sa humigit-kumulang 300 motorista na sumali sa kauna-unahang Motourista Challenge ng probinsya nitong nakaraang Marso, ang numerong ito ay hindi lamang mga lokal kundi maging mga bagong salta sa isla, ang bawat gulong ng kanilang behikulo ay dapat maayos, preparasyon hindi lamang sa malayo-layong biyahe upang ikutin ang buong Catanduanes, Ang kauna-unahang at Catanduanes Bug Run na dinaluhan ng

maraming motorista, enthusiasts, vloggers at bloggers ay nagpapakita lamang nang patuloy na pag-usbong at paggamit ng motorsiklo bilang recreational activity, kundi may potensiyal na makapagpakilala pa sa ganda ng Happy Island. Kaugnay nito, nagpaabot din ng suporta si Gobernador Joseph Cua, bilang pakikiisa sa mga motorcycle enthusiasts maging sa nag-organisa ng programa. Para sa Gobernador, isa itong paraan upang magkabuklod-buklod ang mga motorista na tuklasin ang umuusbong na motorcycle tourism sa probinsya. “Participating in this challenge is not just about reaching the finish line or winning a prize. It’s about the journey we take together, the memories we create, and the rela-

tionships we build along the way. As we travel through scenic routes, winding roads, and breathtaking landscapes, we will face obstacles that will test our skills, patience, and endurance,” dagdag ng gobernador. Dahil nga sa Motourista Challenge at Catanduanes Bug Run, hindi lamang mga kasali ang natuwa sa ganda ng paligid kundi maging ang mga nakaabang na residente sa kalsada sa bawat barangay at munisipalidad na kanilang naikot. Ilang tindahan kaya ang saglit na binisita ng mga bisita? Ilang residente kaya ang natuwa sa ganda at angas nang naglalakihan at naggagandahang behikulo? Tunay ngang bago man ito sa panlasa ng mga Catandunganon, ay sigurado’y marami-rami ang

kodak na kanilang nakuha gamit ang kanilang cellphone o ‘di kaya ng kanilang mga mata. Ang nasabing programa ay isang hudyat lamang na hindi naiiwan ang probinsya sa pag-usbong ng kultura sa iba’t ibang makabagong paraan.

Sa tala ng Provincial Government of Catanduanes ngayong taong 2023, walong (8) pawikan na ang naibalik sa kanilang tahanang karagatan dahil sa programang Save Our Sea Turtles (SOS). Mula Enero hanggang Hunyo 2023, matagumpay na sumailalim sa assessment, data capture, tagging, at sea release ang mga pawikang aksidenteng nahuli nina Leo Templonuevo, Jose Nelmar Panti, Zaldy Tomagan, Fernando T. Inolpi III, Ariel Cater, Rey Manibale, at Melanio Nival. Ang programa ay inisyatibo noon ni Gov. Joseph “Boboy” Cua na naglaon ay naging parte ng regular na proyekto ng lokal na pamahalaan nang ito ay maging isang ganap na ordinansa mula 2020. Sa nasabing programa, mayroong mekanismo upang mabigyan ng insentibo ang mga indibidwal, partikular ang mga mangingisda, na magtu-turn over sa mga awtoridad ng kanilang mahuhuling pawikan. Ang halagang maaaring matanggap bilang insentibo ay mula Php 2,000 hanggang Php 3,000 depende sa laki ng pawikan. Magkatulong ang provincial government sa pamamagitan ng Provincial Environment and Natural Resources Office, Department of Environment and Natural Resources, at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources para sa pagpapatupad ng programa.

For more updates, visit our official website and socials:

provinceofcatanduanes.gov.ph Provincial Local Government of Catanduanes fb.com/PLGUCatanduanes

#TheCapitolLighthouse

Vol. 2023 No. 2

Boboy Cua fb.com/JosephBoboyCua

BossTe Cua fb.com/BossTeCua

The Official Publication of the Provincial Local Government of Catanduanes | 2nd Quarter 2023 Issue


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.