The Capitol Lighthouse Vol. 2024 No. 1

Page 1


https://bit.ly/ TheCapitolLighthouse2023Q3Q4

BFP Nat’l Command Conference isinagawa sa Catanduanes; 55 Smart TVs, donasyon ng PLGU sa mga fire station

Isinagawa sa Catanduanes sa kaunaunahang pagkakataon ang Bureau of Fire National Command Conference na nilahukan ng 150 na delegasyon mula sa hukbo ng BFP, Pebrero 20.

pamamahala

P2

Higit 5,000 Catandunganon nabenepisyuhan sa 8 araw na libreng eye mission ng TWECSCanada

Umabot sa 5,663 Catandunganon ang nabenepisyuhan ng walong araw na libreng eye mission ng Canada-based Third World Eye Care Society o TWECS nitong Pebrero 19 hanggang 26. Ang libreng eye mission na isinasagawa sa Virac Rural Health Unit o RHU Community Hub sa San Isidro Village Virac ay inilunsad sa kolaborasyon ng TWECS Canada sa Rotary Club of Virac at sinuportahan ni Governor Joseph “Boboy” Cua, Vice Governor Peter Boss Te Cua, Virac Mayor Sammuel “Sammy” Laynes at Former Philippine Ambassador to Dhaka, Bangladesh Zenaida Tacorda-Rabago.

P5 kalusugan

PAHINA 3 Catanduanes ikalawa sa may pinakamabilis na paglago ng agri-fishery economy–PSA

PAHINA 9 Aabot sa 10M ayuda ipinamahagi sa 1,915 TODA members

KALINGAIN ANG KAGUBATAN

Project Restore ng administrasyong Cua layuning makapagtanim ng 1 milyong puno sa loob ng 5 taon

Bishop Occiano itinalagang bagong obispo ng Virac Diocese P11

Sa nasabing aktibidad, binigyang-pugay ang PLGU Catanduanes, kasama ang iba pang lokal na pamahalaan, para sa bukod-tangi nitong kontribusyon at pagpapamalas ng suporta sa pagsasagawa ng mga proyektong panlipunan at pangkapaligiran para sa Philippine Rural Development Project (PRDP). Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Catanduanes lamang ang kinilalang pamahalaang panlalawigan sa buong Kabikolan ng DA-PRDP sa illim ng best practice category sa implementasyon ng mga safeguard sa Land Acquisition, Rehabilitation, and Resettlement Policy Framework (LARRPF) at Mainstreaming. Basahin

Kawangis ang adhikaing mapabuti ang kalagayan ng kaniyang mga nasasakupan, isang makabuluhang layunin para kay Gov. Joseph “Boboy” Cua ang pagkalinga ng ating kagubatan para sa ating kinabukasan.

Ito ang misyong nais isakatuparan ni Gov. Boboy sa pamamagitan ng pangmalawakang aksyon— ang Project Restore, na layong maibalik ang kaayusan at sigla ng kagubatan sa isla.

PLGU Catanduanes ginawaran ng Best Practice Award ng DA

Iginawad ng Department of Agriculture ang plake ng pagkilala sa Pamahalaang Panlalawigan ng Catanduanes sa kakatapos lamang na Social at Environmental Safeguards Forum na ginanap sa Cagayan de Oro City mula Marso 4-6, 2024.

Opisyal na Pahayagan ng Pampamahalaang Panlalawigan ng Catanduanes | Enero-Hunyo 2024
MASAGANANG ANI. Abala sa pagkakamada ng kaniyang paninda ang isang Viracnon agripreneur. Isa ang lalawigan ng Catanduanes sa ginawaran ng Department of Agriculture sa ipinamalas nitong suporta sa pagpapayabong ng agrikultura sa bansa.

PLGU Catanduanes pumasa sa 9 sa 10 governance areas ng SGLG 2022

Matagumpay na pumasa ang Pamahalaang Lokal ng Catanduanes sa siyam sa sampung governance areas sa Seal of Good Local Governance (SGLG) assessment para sa taong 2022.

Ito ang naging ulat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Catanduanes Provincial Office sa mga focal person at kinatawan ng PLGU SGLG Team sa isang pulong sa Governor’s Office Conference Room, Pebrero 16, 2024.

Sa ulat ni DILG Catanduanes Cluster Head William Aldea, mataas ang marka ng PLGU Catanduanes sa karamihan ng mga aspeto maliban sa safety, peace and order, na nagpapakita ng mataas na kakayahan sa lokal na pamahalaan at pangkalahatang administrasyon

ng Kapitolyo.

Ang mga aspeto kung saan maganda ang performance ng pamahalaang panlalawigan ay ang: financial administration; disaster preparedness; social protection and sensitivity; health compliance and responsiveness; sustainable education; business-friendliness and competitiveness; environmental management and protection; tourism, culture, and heritage development; at youth development.

Sa pulong, sinuri ng mga miyembro SGLG Team, kabilang na ang Local Finance Committee, ang nakaraang performance ng probinsiya para sa recalibration para sa 2023 assessment.

Dahil sa magandang resulta sa siyam

na governance areas, nakatuon ngayon ang probinsiya sa pagpapataas ng marka para tiyakin na ang mga tagumpay sa larangan ng financial and physical accomplishments, partikular na an pagtatampok ng mga hakbang na isinagawa ng PLGU Catanduanes para sa pagpaunlad ng seguridad at kaayusan sa probinisya.

Ayon sa SGLG Focal Person na si Provincial Administrator Eulalia Talaran, umaasa siyang makakamit ng lalawigan ang prestihiyosong selyo mula sa DILG para sa taong 2023.

Noong nakaraang taon, nakabilang ang PLGU Catanduanes sa regional validation at national assessment ng DILG.

Sa isang pagpulong, hinimok ni Gov. Joseph “Boboy” Cua ang mga pinuno ng Kapitolyo na pagbutihan pa ang serbisyo upang makuha ang

SGLG para sa lalawigan. Ang lalawigan ay huling nagawaran ng SGLG noong 2017 bilang “hall of famer.” Ipinakita rin ng DILG ang pangkalahatang resulta ng 11 na bayan. Ayon sa ahensya, walang bayan ang nakakuha ng “zero” sa mga aspeto ng pamamahala, at marami sa mga ito ang may potensiyal na makamit ang SGLG para sa 2023. Maalala na ang LGU Baras lamang ang nakatanggap ng SGLG noong nakaraang taon. Ang SGLG, na pinagtibay ng Republic Act 11292, ay isang programa na nagbibigayinsentibo sa mga LGU dahil sa epektibong liderato at kahusayan sa pagsisilbi sa publiko. Noong 2023, tatlong daan at anim na LGUs —na binubuo ng 44 lalawigan, 48 lungsod, at 209 na bayan – ang nagawaran ng SGLG.

BFP Nat’l Command Conference isinagawa sa Catanduanes; Gov. Cua nagkaloob ng 55 Smart TVs sa mga fire station

Sa pangunguna mismo ni BFP

Chief Director Louie Puracan kasama sina Deputy Chief for Operations, Chief Superintendent Wilberto Rico Neil Kwan Tiu, nagsama-sama ang iba’t ibang opisyal ng regional at provincial offices ng ahensya sa buong Pilipinas sa isinagawang national conference sa Catanduanes sa loob ng apat na araw, Pebrero 20-23.

Sa Welcome Night ay ipinahatid ni Governor Cua ang kaniyang mensahe sa mga opisyal ng BFP sa pamamagitan ni Vice Governor Peter “Boss Te” Cua. Sa kanyang mensahe binigyang diin ni Governor Cua ang kagalakan nitong mapili ang Catanduanes bilang kauna-unahang probinsya sa Bicol na nag host ng nasabing

summit.

Aniya, ibig sabihin lamang nito ay maganda ang kolaborasyon at pakikipagugnayan ng ahensya at ng pamahalaang lokal ng Catanduanes.

Kasabay nito ay nagbigay ng siyam na units ng 55-inch Ultra High Definition Smart TVs ang pamahalaang lokal sa BFP Catanduanes bilang dagdag suporta nito sa operasyon ng ahensya sa Catanduanes. Ang mga nasabing HD TV na gagamitin ng ahensya sa Oplan Ligtas Program, Fire Safety Education and Awareness Campaign at iba pang community related activities nito ay naiturnover naman mismo kay Provincial Fire Marshall Glen Rodrigueza. Samantala, ibinahagi naman ni Vice Governor Boss Te Cua ang mga inisyatibo at suporta

ng Lokal na Pamahalaan para sa BFP Catanduanes kasama na ang pagbibigay nito sa BFP Special Rescue Force ng access sa PDRRMC Radio Tower Building sa Provincial Capitol compound. Bukod pa rito ang bagong tayong kennel para sa K-9 search and rescue dogs; pag sponsor ng libreng review para sa mga Fire Officer 1 applicants at ang matagumpay na pag lobby at patuloy na pag-lobby nito ng karagdagang fire trucks para sa iba’t ibang estasyon ng BFP sa lalawigan.

Inihayag din Governor Cua ang kaniyang pasasalamat sa BFP.

“Malaking tulong para sa lalawigan ang naganap na kumperensiya upang pagtibayin at palakasin pa ang estratehiya at management ng mga lokal na istasyon sa Catanduanes,” sabi ng gobernador.

MAALAB

Catanduanes, ikalawa sa may pinakamabilis na paglago ng agri-fishery economy---PSA

Pumangalawa ang Catanduanes sa listahan ng sampung mga probinsiya sa bansa na may pinakamabilis na paglago ng ekonomiya sa aspeto ng agrikultura, forestry, at pangingisda.

Sa inilabas na 2022 Economic Performance of Provinces and Highly Urbanized Cities (HUCs) in Regions Outside the National Capital Region report ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Abril 1, 2024, nagtala ng 15.8% annual growth rate ang probinsya ng Catanduanes sa Gross Value Added (GVA) of Agriculture, Forestry and Fishing (AFF).

Sumunod ang probinsiya sa growth rate ng Tarlac na umabot ng 17.9%. Kabilang din sa listahan ang La Union (10.2), Bulacan (9.6), Saranganin (8.7), Camarines Sur (8.3), Davao Oriental (8.2), Davao Occidental (7.9), Romblon (7.5), at Tawi-Tawi (7.0).

Ayon sa opisyal na ulat, tumutukoy ang GVA sa halaga ng output na kinakaltas sa

halaga ng intermediate consumption.

Nakabatay ang nasabing report sa resulta ng Provincial Product Accounts (PPA) ng ahensiya na isinagawa sa 16 pilot regions sa labas ng National Capital Region mula Nobyembre to Disyembre 2023. Labing-anim na pangunahing rehiyon, 17 HUCs at 82 na lalawigan ang naging bahagi ng ulat.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Provincial Agriculturist Ace Willam Tria na malaki ang ginampanan ng mga programa ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Provincial Agricultural Services Office (PASO) at ang mga katuwang na ahensya upang lumago ang ekonomiya ng Catanduanes sa nakaraang mga taon.

“Su mga programs nita, of course from the Provincial Government through PASO and iba pang national government agencies, nagtarabang-tabang including academe, mga NGOs, mga international organizations tanganing ma-uplift an satong ekonomiya.

Matatandaang naging matiyaga ang Pamahalaang Lokal ng Catanduanes, sa pamumuno ni Gob. Joseph “Boboy” Cua, sa pagtataguyod ng mga programa upang mas mapayabong ang agri-fishery economy sa lalawigan.

Isa sa mga pangunahing proyekto ng administrasyong Cua ang pagpopondo ng mga farm-to-market access roads na inaasahang makatutulong sa abacaleros at mga magsasaka sa isla na padaliin ang transportasyon ng kanilang mga produkto.

Naging masugid din si Gob. Cua sa pagpapalakas ng sektor ng pangingisda at iba pang aspeto ng agrikultura sa pamamagitan ng walang tigil na pagsuporta at pagsubaybay sa fish farm nursery, tilapia hatchery, at ang bagong Dairy Farm Project katuwang ang Catanduanes State University.

Grow-out nursery, greenhouse with hydroponics itatayo sa Capitol Farmville

Bilang bahagi ng pagsusulong ng lokal na agrikultura sa Catanduanes, dalawang bagong pasilidad ang itatayo sa Capitol Farmville, sa loob ng Catanduanes Government compound.

Sa tulong ng Department of Agriculture (DA) Bicol sa ilalim ng National Urban and Peri-Urban Agriculture Program, isang grow-out nursery at greenhouse na may hydroponics system ang itatayo ngayong taon.

Ang grow-out nursery na gawa sa bakal at may laking 250 sq. m. ay nagkakahalaga ng halos Php 600,000. Magkakaroon ito ng retractable shade net at fogger system, na kayang maglaman ng 30 grow-out tables at 104 na tray ng punla.

Ang greenhouse namang nagkakahalaga ng Php 988,000 ay itatayo rin sa 250 sq. m. na lote sa Capitol Farmville. Ang greenhouse na ito ay may kasamang 1,200 piraso ng hydroponics cup at foam/media, 240 metro ng hydroponics channel, at nutrient solution.

Si Gob. Joseph Cua mismo ang humiling sa Sagguniang Panlalawigan upang pahintulutan siyang lumagda sa kasunduan sa pagitan ng Pamahalaang Lokal at DA. Ayon sa gobernador, ang inisyatibong ito ay bahagi ng modernisasyon ng estratehiya para mapalago ang lokal na agrikultura.

Sa loob ng 15 taon, pamamahalaan ng Provincial Agricultural Services Office (PASO) ang mga pasilidad pagkatapos ng opisyal na turnover mula sa DA Bicol. Inatasan ni Gov. Cua si Provincial Agriculturist Ace William Tria na siguraduhin ang maayos na implementasyon ng proyekto, na inaasahang

magbibigay ng mas maraming output para sa mga lokal na magsasaka.

Isang serye ng pagsasanay ang isasagawa para sa mga kawani ng PASO at mga benepisyaryong magsasaka upang mas mapahusay ang kakayahan sa pamamahala ng mga pasilidad.

400 modified abaca stripping knife, P4.5M na DILP grant, ipinamahagi

sa abaca farmers

Bilang pasasalamat sa mga abaca farmer ng ating lalawigan, namahagi ng mahigit 400 na Modified Abaca Stripping Knife (MASK) ang Philippine Fiber Industry Development Authority o PhilFIDA Catanduanes nitong Mayo 30, 2024 sa Provincial Capitol Dome sa kalagitnaan ng selebrasyon ng 8th Abaca Festival. Pinangunahan din ng ahensya ang pagsasanay sa mga parahagot sa paggamit ng MASK at abaca grading.

Bukod dito, namahagi rin ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Agriculture (DA) sa tulong na PASO at Catanduanes Government ng halos P4.5M halaga ng mga kagamitan para sa 6 na napiling DILP o DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) project beneficiaries sa Catanduanes.

Ang mga sumusunod ay napagkalooban ng iba’t ibang kagamitang sa paghag-ot at pagsasaka:

1. Sto. Niño Abaca Farmers Association (Virac), PhP 497,980.00

2. Genitligan Abaca Farmers Association (Baras), PhP 492,380.00

3. Bayanihan Abaca Farmers Association (Caramoran), PhP 494,620.00

4. Salvacion Abaca Farmers Association (Bagamanoc), PhP 999,992.00

5. San Miguel Abaca Farmers and Traders Association (Panganiban), PhP 999,992.00

6. SLP Tariwara Agricultural Farmers Livelihood Associaton (Pandan), PhP 999,992.00

Ang nabanggit na grant ay naipamahagi bunga ng pakikipag-ugnayan ng Catanduanes Government sa DOLE Region V noong nakaraang taon. Matatandaang si yumaong DOLE RD Zenaida Campita mismo ang naghatid ng tseke sa lalawigan bilang tulong sa Abaca Industry ng Catanduanes.

Ang mga benepisyaryo ay nakakuha ng mechanized and modified stripping machines at iba pang mga paraphernalia para sa pagpapaunlad ng abaca fiber production sa lalawigan.

PROUD LOCAL. Samu’t saring mga produktong argikultural ang masaganang nakukuha sa ibat-ibang paning ng Catanduanes. Nitong Abril, inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na pumapangalawa ang lalawigan ng Catanduanes sa mga probinsiyang nakapagtala ng pinakamabilis na paglago ng ekonomiyang agrikultural at palaisadan.
Duman kita nag-bounce back,” pahayag ni Tria.

1 milyong

Bida ang Kalikasan

punongkahoy sa loob ng limang taon

7 bayan

ang narating na ng proyekto

22 libong

ektaryang deforested timberland ang tatamnan

Pormal na pinasinayaan ng Pamahalaang Lokal ng Catanduanes ang nabanggit na flagship program bilang pakikiisa sa taunang pagdiriwang ng Linggo ng Kalikasan nitong Hunyo.

“Our commitment to protecting our biodiversity is stronger than ever. We’re excited to introduce Project Restore: a bold initiative to plant one million trees in five years,” wika ni Gov. Cua sa kaniyang mensahe.

Ayon sa punong ehekutibo, ang pagbuo ng proyekto ay naka-angkla sa adhikain ng lokal na pamahalaan na maisaayos ang biodiversity ng kagubatan at natural habitat sa isla sa pamamagitan ng pagtanim ng mga punongkahoy.

“This project responds to the urgent call from the Provincial Local Government to address the critical need for reforestation across the province,” pagbabahagi ng gobernador.

Saklaw ng proyekto ang pagtatanim ng isang milyong indigenous trees tulad ng narra, acacia, molave, cacao, guava, bamboo, at breadfruit sa 22 libong ektaryang deforested timberland maging ang mga natukoy na protected areas ng Department of Environment and Natural Resources.

Naging mahalagang bahagi rin ng selebrasyon ang seremonyal na paglagda ng

pakikiisa kasabay ang “Panata ng Pag-ibig sa mga Puno sa Islang Catandunganon” ng mga kalahok na organisasyon at ahensiya: Leaflife Inc., Mountaineering Federation of the Philippines Inc., Federation of Bicolano Mountaineers Inc., Yummy’s Mountaineer, Tribo Kaakap, Surte, Greencat Inc., Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO), Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Department of Environment and Natural Resources (DENR), at ang Philippine Coast Guard.

Bilang tanda ng pagsisimula ng Project Restore, pinasinayaan ang Grow-out Nursery na magsisilbing pasilidad upang pangalagaan ang mga punlang itatanim.

Project Restore sa mga Bayan

Sa loob lamang ng dalawang buwan, narating na ng proyekto ang pitong bayan sa isla kasama ang mga katuwang na ahensya.

Pinangunahan ng Environment and Natural Resources Office-Catanduanes

Bato, at Baras.

Sa pakikipagtulungan din ng mga paaralan sa probinsiya, narating na ng Project Restore ang Palumbanes Integrated School, Panganiban Central Elementary School, Pandan School of Arts and Trades at marami pang iba kung saan katuwang na nagtanim ang mga mag-aaral, guro at stakeholders ng mga nasabing institusyon.

Punla ng Magandang Kinabukasan

Ayon kay Gov. Cua, ang Project Restore ay hindi lamang testamento ng matibay na hangarin ng lokal na pamahalaan upang mapangalagaan ang kalikasan, bagkus isa ring mahalagang hakbang para sa kinabukasan.

“Imagine the impact of planting one million trees—an endeavor that will not only restore our forest but also breathe new life into our communities, providing cleaner air, richer biodiversity, and a healthier planet for the generations to come,” ani Gov. Cua.

Dagdag pa niya, maisasakatuparan lamang ang mithiin ng proyekto sa pamamagitan ng nagkakaisang aksyon sa loob ng mahabang panahon.

“It has to be a conscious, year-round effort. We are dealing with the welfare of people beyond our time, and the actions we take today will shape the generations ahead,” binigyang-diin ng gobernador.

Provincial Nutrition Office nakatanggap ng donasyong weighing scales mula sa Latter Day Saints Charities

Nakatanggap nitong taon ng 280 bagong weighing scale ang Provincial Nutrition Office mula sa Latter Day Saint Charities Philippines matapos itong magsagawa ng turnover at ceremonial deed of donation signing sa Provincial Health Office.

Dahil dito, nagpahayag ng pasasalamat si Gob. Joseph Cua at Provincial Health Officer Dra. Hazel A. Palmes.

Ayon sa PHO, ang mga nasabing donasyon ay magagamit ng kanilang tanggapan bilang suporta sa health initiatives at programa ng lalawigan na layuning matiyak at mas mapaganda pa lalo ang kalusugan ng mga Catandunganon lalong lalo na ang mga nasa malalayong lugar.

Personal namang dumalo sa nasabing seremonya ang humanitarian missionaries elders na sina Brendan Hayne, Sister Patricia Hayne at Mr. Ruel Cajuday mula naman sa Latter Day Saints CharitiesPhilippines Catanduanes District. Hindi ito ang unang pagkakataon na nagpadala ng tulong ang grupo sa lalawigan. Kung matatandaan, ang Latter Day Saints Charities - Philippines din ang grupo na nagbigay ng milyon-milyong halaga ng donasyon sa Eastern Bicol Medical Center. Sa magkakaibang okasyon at programa rin ay naging partner na ito ng pamahalaang lokal sa programa nito katulad ng WaSH Program.

datos mula sa Environment and Natural Resources Office-Catanduanes
Gov. Joseph “Boboy” Cua

Higit 5,000 Catandunganon nabenepisyuhan sa 8 araw na libreng eye mission

ng TWECS-Canada

Pinangunahan ang grupo ni Dr. Marina Roma-March, isang Filipino Canadian eye doctor na kasama ang kanyang asawa sa pagsisimula ng TWECS Canada Volunteer Optometric Services to Humanity-Birtish Columbia noong 1995. Simula noon, ang grupo ni Dr. Roma-March ay nakapag lunsad na ng lagpas 18 na international eye care missions at nakakuha ng Philippine Presidential Award for Humanitarian Services.

Katuwang ng TWECS Canada ang iba’t ibang volunteer doctors at health care professionals na nakabase sa Pilipinas at Catanduanes, iba’t-ibang Rural Health Units, mga volunteer mula sa Catanduanes State University, MDRRMO, Provincial Health Office, at iba pa.

Bilang pasasalamat sa hindi matatawarang tulong na ito ng TWECS Canada sa mga residente ng lalawigan, ipinahatid naman ng Pamahalaang lokal at ni Gob. Joseph Cua ang pasasalamat sa TWECS Canada at mga volunteers ng eye mission sa pamamagitan ng isang appreciation night nitong Pebrero 27.

Sa pagtitipon ay pinarangalan ng pamahalaang lokal ang bawat miyembro ng TWECS Canada sa pamamagitan ng pagkakaloob ng sertipiko at tokens.

Binigyan din ng pagkilala ng pamahalaan ang Rotary Club of Virac at iba pang mga institusyon tulad ng CatSU at mga kawani ng gobyerno mula sa LGU Virac para sa kanilang pakikipagtulungan at asistensiya.

Bagong warehouse ng PHO, dagdag sa kapasidad local health management sa isla

Pinasinayaan ang bagong warehouse ng Provincial Health Office (PHO) nitong Enero 18, 2024 sa isang blessing ceremony na pinangunahn ni Rev. Fr. Eric Rojas.

Ang nasabing warehouse ay donasyon mula sa Kagawaran ng Kalusugan at ngayon ay nasa pangangalaga ng Catanduanes Government at gagamitin na pasilidad ng PHO. Bukod sa pagiging imbakan ng mga medical supplies, gamot, at iba pang health kits, gagamitin din ang warehouse sa iba pang aktibidad ng tanggapan gaya ng optometry consultation.

Kasama sa ribbon-cutting ceremony sina Vice Governor Peter “Boss Te” Cua, Provincial Administrator Eulalia Talaran na kumatawan kay Gov. Joseph Cua, Provincial Health Officer Dra. Hazel Palmes, doktor sa Eastern Bicol Medical Center at iba pang personnel mula sa PHO.

₱267M grant para sa lokal na programang pangkalusugan maasahan ngayong 2024

Upang makamit ang mga layunin ng 2024 Local Investment Plan for Health ng Catanduanes, pumirma ang Provincial Local Government ng Catanduanes ng isang Terms of Partnership (TOP) kasama ang Department of Health (DOH) para sa implementasyon ng iba’t ibang programa, proyekto, at aktibidad para sa kalusugan sa taong 2024. Maasahan ngayong taon ang tinatayang halaga na Php 276,430,448.40 na suporta mula sa DOH, kabilang ang pinansyal at dipinansyal na mga grant, na ibibigay sa lalawigan bilang bahagi ng TOP.

Bilang isang legal na instrumento, ang TOP ay pormal na nagpapatibay ng kasunduan sa pagitan ng DOH at LGU, na naglilinaw ng mga pangunahing pamantayan ng programa, ang mga obligasyon ng mga kasapi, at ang mga kinakailangan para sa paglalabas ng pondo.

Nagsilbing kinatawan ng Lokal na Pamahalaan sina Provincial Health Officer Dr. Hazel A. Palmes at Provincial Administrator Eulalia A. Talaran sa naganap na ceremonial signing ng TOP noong Martes, Enero 23, 2024, sa Regional Director’s Office

ng DOH Bicol CHD sa Legazpi City, Albay. Sa panig ng DOH, pumirma at naging saksi sa pagselyo ng kasunduan sina USec. Nestor F. Santiago, ang concurrent regional director, at OIC-Director III Dr. Rosa Maria Remoillo, at Dr. Rey D. Millena. Sa pamamagitan ni Provincial Administrator Talaran, ipinaabot din ni Gob. Joseph “Boboy” Cua ang kaniyang mensahe sa naganap na okasyon. Ayon kay Gob. Cua, mapalad ang Catanduanes sa malaking suporta ng DOH sa mga ipatutupad na programa ng

Paggising sa bawat umaga, gawaing-bahay kaagad ang inaatupag ng maybahay na si Divina Bilaos, 45 taong gulang mula sa Sto. Niño, Virac, Catanduanes. Bilang ilaw ng tahanan, karga niya ang responsibilidad na panatilihin ang kaayusan ng tirahan at siguruhing natutugunan ang mga pangangailangan ng buong pamilya.

Taos-pusong ginagampanan ni Nanay Divina ang t ungkuling ito, lalo’t dito niya napadadama ang kaniyang pagmamahal sa pamilya. Dala na rin marahil ng pagiging abala sa gawaingbahay, mahirap maging prayoridad sa mga tulad niyang maybahay ang pumunta sa mga klinika o hospital para serbisyong medikal. Wala rin siyang trabaho kung kaya madalas na kapos ang pera na dapat ilaan niya para rito. Kaya naman, laking pasasalamat ni Nanay Divina nang mapag-alaman mula sa isang programa sa radyo na magkakaroon ng malawakang libreng medical mission sa probinsiya.

“Malaking tulong po ining medical mission sa akin dahil bilang isang housewife, na walang trabaho, walang pambayad, libre po siya. Malaking tulong po,” ang sabi ni Nay Divina.

Balikbayan with a Mission

Nitong nagdaang Enero 20 hanggang 26, muling bumalik sa lalawigan ang mga

miyembro at volunteers ng Catanduanes International Association (CIA) para sa kanilang ika-11 na Surgical, Medical, and Humanitarian Mission.

Ginanap ang nasabing mission sa Eastern Bicol Medical Center (EBMC) Compound kung saan tinatayang mahigit 3,000 na Catandunganon ang nakatanggap ng libreng serbisyong medikal.

Katuwang ang Pamahalaang Lokal ng Catanduanes, nagbigay ang organisasyon ng iba’t ibang uri ng serbisyong medikal at konsultasyon. Kabilang dito ang OB-GYN services, dental services, surgical services, optometry at iba’t ibang laboratory services.

Bagama’t mayroon nang magagandang buhay sa labas ng Pilipinas, hindi naman nag-aatubiling bumalik sa Catanduanes ang mga miyembro ng CIA upang magbigay tulong medikal sa mga kapwa nila Catandunganon. Sa katunayan, halos 150 volunteers mula abroad ang nakipagtulungan sa mga local volunteers upang maisakatuparan ang medical mission na ito.

Isa sa mga dayuhang volunteers ng medical mission ay si Robert Welch, isang nars mula sa New Jersey, United States of America. Para kay Welch, bukod sa nakatutulong siya sa pagtugon sa kakulangan ng mga nars sa Pilipinas, ang pagboluntaryo para sa medical mission na ito ay paraan din upang mas makilala niya ang mundo.

probinsiya.

“Sa pagkakaloob sa amin ng grant na ito, mas magagampanan pa natin ang mga pangangailangan sa kalusugan ng mga Catandunganon para sa pagsulong ng dekalidad lokal na healthcare system at pagsiguro ng general welfare,” dagdag pa ng lokal na punong ehekutibo.

Matapos ang TOP Signing, nagtungo rin sina PA Talaran at Dr. Palmes sa Bicol Regional Hospital Medical Center para sa pagbuo ng Memorandum of Agreement hinggil sa sistema ng referral sa pagitan ng mga lokal na ospital.

HOMECOMING WITH A CAUSE. Maingat na sinusuri ng isang kasapi ng Catanduanes International Association (CIA) ang heart rate ng kaniyang pasyante. Sa pagbabalik ng CIA sa lalawigan, nakapaghatid ito ng libre ngunit dekalidad na tulong medikal sa mga Catandunganon.

“It’s a humanitarian effort. It’s a great way to see the world. It’s a great way to meet the people and see what’s really going on,” aniya.

Pagkilala sa CIA

Bilang pagkilala sa lahat ng doktor, nars, volunteers at miyembro ng CIA na tumulong maisakatuparan ang medical mission, nagorganisa ang PLGU ng isang Appreciation Night nitong Enero 26 sa Provincial Capitol Dome. Pinangunahan ni Catanduanes Governor Joseph “Boboy” Cua ang nasabing selebrasyon, kung saan binigyan ng mga sertipiko at token ang mga miyembro ng CIA.

Sa kaniyang mensahe, pinasalamatan at binigyang pugay ni Gob. Cua ang organisasyon at mga volunteers nito para sa kanilang walangsawang pagserbisyo sa lalawigan.

“To the members of the Catanduanes International Association, you are the unsung heroes who walk among us. Kamo ang mga bayaning padagos na nagseserbi,” ani Gov. Cua. Ang libreng medical mission ng CIA ay isa lamang sa tatlong libreng medical missions na ginanap sa lalawigan sa unang kwarter ng taon. Sinundan ito ng Gift of Love Medical, Dental at Humanitarian Mission mula Enero 28 hanggang Pebrero 3, at ng TWECS-Canada Eye Mission sa Pebrero 19 hanggang 28.

Isa si Divina sa mga napaglingkuran ng libreng dental services ng CIA. Laking pasasalamat niya dahil sa pamamagitan ng medical mission na ito, nabigyan siya ng pagkakataon na mapabunot ang ngipin na walang ginagastos.

“Sa lahat nang nag-volunteer, maramingmaraming salamat po saindong gabos, bale malaking tulong po kayo dito sa Virac, Catanduanes [at] sa EBMC hospital,” ani Divina. Ang malawakang medical mission ng CIA ay nagdulot ng ngiti hindi lamang kay Divina, kundi pati sa higit tatlong libong mga Catandunganon na sa wakas ay nakaranas ng libre at accessible na serbisyong medikal.

PLGU Cat’nes, DOH sinelyuhan ang partnership

pananampalataya

Tulad ng isang Niño na bukas ang palad na akuin ang biyaya ng buhay, hindi na rin bago sa ating mga Pilipino ang pagtanggap sa kinasanayang paniniwala na dala ng mga Espanyol limandaang taon na ang nakalilipas.

Ang pamamalakayang ito bitbit ang munting Niño upang tuluyang palitan ang mga anito at rebulto, ang nagdala rin ng mas malalim na paniniwala ng mga Pinoy hindi lamang sa bisa ng dasal, novena, at rosaryo, kundi, sa paglawak ng sakop ng Kristiyanismo sa mga makukulay na kapistahan.

Kung babagtasin ang ugat ng relihiyon sa Pilipinas, likas na sa mga Pinoy ang paniniwala sa mga mito at rebulto. Hindi na rin bago ang paniniwalang nakapagpapagaling at tumutugon sa hiling ang paghaplos sa laylayan ng damit o hindi kaya sa kung ano lamang ang maabot ng palad: pakiwari ito ng kabawasan sa sakit o pagkakamit ng hinihiling na tagumpay.

Bagama’t, ika nga ng ilan, hindi

naman talaga sa rebulto nagmumula ang kagalingan o di kaya’y sagot sa mga dasal kundi sa malalim na debosyon ng namamanata, bigkis na sa bewang ng mga Katoliko ang pagsamba at pagaalay sa mga ito.

Namamanata

Nakatutuwang isiping kahit orihinal mang kapistahan ang Sinulog sa Cebu, matagumpay na ipinarada ang mga imahen ng batang Hesus sa mga kalsada ng Virac nitong Enero 21, bilang pakikiisa sa Kapistahan ni Señor Sto. Niño. Sabay sa makukulay na kasuotan at indak ng ritmong nakapalibot sa kapistahan, ang nasabing Sinulog Dance Procession ay dinaluhan ng maraming deboto.

Kasabay rin ng ningning dala ng magagandang kasuotan, pagpapakita rin ng magandang lilok ng paniniwala ng mga Catandunganon ang nasabing prusisyon. Dahil likas nang sandal sa simbahan ang mga Catandunganon, kapansin-pansing mga barangay na isinunod sa mga ngalan ng santo, ang mga kapilya na makikita sa kalakhang Virac, at higit lalo ang Immaculada Concepcion, tahanan ng Inang Maria. Hindi lamang sa kapistahan ng Sto. Niño nagbuklod ang mga deboto. Isang linggo matapos ang selebrasyon, nagtipontipon naman ang mga namamanata sa Kapitolyo, iwinagayway ang kani-kanilang banderitas at bulaklak, alay sa pagbisita ng relika ni Santo Padre Pio

noong Enero 29. Ang mahalagang pagbisitang ito ay nilahukan ng mga empleyado kung saan pinangunahan ni Gobernador Joseph Cua ang pagbitbit ng imahen sa Capitol Dome kung saan ginanap ang misa. Naging presente rin sa nasabing banal na komemorasyon ang Bise Gobernador, Peter “Boss Te” Cua, kasama ang iba’t ibang opisina ng PLGU. Sa misang ginanap, nabigyang diin din ang kahalagahan ng tunay na debosyon, hindi sa pagsamba sa rebulto, kundi, sa malalim na koneksyon sa Kaniya. Sangangdaan

Kung tutuusin, magandang pahiwatig din ang kapistahan at ang mga katulad na selebrasyon sa kung paano mas nagkakaroon ng kaisahan ang mga Catandunganon. Normal na ang mga selebrasyong may kinalaman sa pagpapalakas ng paniniwala ng mga taga-rito, at ang mga tulad nito ay isa lamang sa mas marami pang hiblang pinagbubuklod ang mga namamanata.

Nakatutuwa ring sa antas ng lokal na gobyerno, hindi rin nawala ang suporta ng tanggapan ng Gobernador. Sa pagtutulungan ng mga empleyado ng Governor’s Office, inalalayan din nila sa pamamagitan ng pamamahagi ng libreng lugaw matapos ang banal na prusisyon na handog para sa mga deboto.

Ang punlang ito ng pananampalataya ay mas nagpalakas hindi lamang sa ugnayang sosyopolitikal bagkus naging isang daan upang mas maging malalim ang pagaangkop sa kaligiran ng debosyon.

Debosyong ‘Di Matitinag

Kasabay ng panatang ito, habang mas dumarami ang populasyong namamanata, bukas na aklat ang komemorasyon at kasiyahang dala ng pagsalubong at aktwal na kapistahan.

Totoo man o hindi ang kwento ng swerte’t grasya, kung totoo mang mas malalim na paniniwala ang kailangan upang matupad ang mga mithiin, ang maiiwang bakas ng mga ito ay ang hindi matitinag na dasal at tiwala sa Maylalang.

Kung tutuusin, magandang pahiwatig din ang kapistahan at ang mga katulad na selebrasyon sa kung paano mas nagkakaroon ng kaisahan ang mga Catandunganon.

KATIG NG DEBOSYON

Pamamalakaya ng Catandunganon

KuwentongTagumpay ngAtletangCatandunganon

Tunay ngang ang tagumpay ng bagwis ay tagumpay ng mga Catandunganon!

Sa larangan ng palakasan, ang atletang Catandunganon ay may lakas at liksi na kapag lalong pinagtibay, ay mas mamamayagpag—mas masigasig, mas mataas, at walang humpay na posibilidad. Ang Bagwis Catanduanes, ang pinagsama-samang puwersa ng mga estudyanteng atleta ng lalawigan, ay patuloy na nagpakita ng kahanga-hangang galing at dedikasyon sa larangan ng isports.

Iniuwi ng Bagwis Catanduanes sa Palarong Bicol 2024 ang 13 ginto, 14 pilak, at 32 tansong medalya. Sa kabila ng matinding kompetisyon, napanatili ng Bagwis Catanduanes ang kanilang puwesto sa Top 10—isang dakilang karangalan para sa ating probinsiya. Higit sa bilang ng mga medalyang kanilang napagtagumpayan, naging makabuluhan ang nagdaang Palaro dahil sa diwa ng pagkakaisa ng buong Catandunganon. Mula sa dasal, sigaw, hanggang sa patuloy na suporta mula sa iba’t ibang sulok ng probinsiya at sa ibang bahagi ng mundo, naging inspirasyon ito sa ating mga atleta upang mas paghusayan ang kanilang laro at ibandera ang pangalan ng Catanduanes.

Pag-alalay mula sa Kapitolyo

Sa kabila ng matinding kumpetisyon, ipinamalas ng mga manlalaro ng Bagwis Catanduanes ang disiplina at lakas na kanilang natutunan mula sa mga coach at tagapagsanay. Sa bawat hakbang at hampas ng bola, bawat talon at pag-arangkada, dala nila ang pangalan ng lalawigan.

Kaya, noon pa man hanggang ngayon, laging buo ang suporta ng Pamahalaang Lokal ng Catanduanes sa ating delegasyon kada Palaro. Sa taong ito, mas lalong tinaasan ang pondo para sa sports development at tulong sa ating mga atleta, kanilang coaches, at sa mga opisyal ng ating dibisyon—mula

training hanggang mismong Palaro.

Sagot ng Kapitolyo, sa asistensiya na rin ng Provincial School Board, Governor’s Office at ng Schools Division Office of Catanduanes, ang pagkain sa intensibong pagsasanay bago pa man sumabak ang mga manlalaro.

pinondohan din ng Kapitolyo ang pagsasagawa ng benchmarking activity ng mga coaches at trainers sa Palarong Pambansa 2024 sa Cebu, na layuning makakuha best practices at kaalaman na magpapahusay sa kanilang mga programa.

Ang tagumpay ng Bagwis ay hindi rin magiging ganito kalawak kung hindi dahil sa personal na dedikasyon at suporta ng administrasyon ni Governor Joseph “Boboy” Cua. Mula sa libreng sports equipment, uniform, pamasahe at pagkain, sinisiguro ni Gov. Cua na walang magiging balakid sa pangarap ng bawat atletang Catandunganon.

Noong unang araw pa lamang ng Palarong Bicol 2024 matapos agad na magsungit ang ilang atleta ng ginto, nagbigay agad si Governor Cua ng dagdag na motibasyon sa mga atleta—isang pangako na magkakaloob siya ng bagong sapatos sa bawat atletang makakakuha ng gintong medalya.

Ang simple ngunit makabuluhang aksyon na ito ay nagbigay ng dagdag inspirasyon sa mga manlalaro upang ibuhos ang kanilang buong lakas para makuha ang karangalan.

Patuloy na Pagsuporta

Ngunit ang suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga atleta ay hindi natatapos sa Palaro. Patuloy ang pamumuhunan sa kanilang pag-unlad—mga pasilidad, kagamitan, at pagsasanay na pinondohan ng administrasyon ni Governor Cua, upang higit pang maiangat ang kalidad ng isports sa buong lalawigan. Kasabay nito,

Sa mga susunod na buwan, inaasahan ang mga workshop at pagsasanay upang ang mga natutunan sa benchmarking ay maibahagi sa buong sports community ng Catanduanes. Kaya’t kahit tapos na ang Palarong Bicol, ang ating mga atleta at coaches ay patuloy na susuportahan, patuloy na lilipad sa mas mataas na tagumpay.

Maliban dito, itinataguyod din ni Governor Cua ang patuloy na pagpapaunlad ng mga pasilidad sa isports ng lalawigan upang magkaroon ng sapat na lugar ang mga atleta para sa kanilang pagsasanay.

Ang Gintong Aral

Sa bawat gintong medalya, bawat hirap at pawis na ibinuhos, pinatunayan ng ating mga atleta na determinasyon at disiplina ang susi sa tagumpay. Ang kanilang pamamayagpag sa Palarong Bicol 2024 ay hindi lamang simbolo ng personal na tagumpay, kundi tagumpay ng buong Catanduanes.

Ngunit higit sa anumang medalya, ang kuwento ng Bagwis Catanduanes ay isang kuwento ng patuloy na suporta at pag-alalay. Mula sa mga personal na inisyatibo ni Governor Joseph Cua hanggang sa mga programa ng pamahalaang panlalawigan, ang pangarap ng bawat atletang Catandunganon ay binibigyan ng pakpak. Sa bawat hakbang, mas mataas pa ang mararating ng Bagwis. Sa patuloy na suporta ng buong probinsiya, ang kanilang tagumpay ay magiging inspirasyon para sa mga susunod na henerasyon ng mga atleta, dahil ang bawat tagumpay ng Bagwis ay tagumpay ng mga Catandunganon!

disaster management

PAMANTAYANG KASANAYAN. Komprehensibong tinalakay ng kinatawan mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang wastong pagpapatakbo ng Rapid Earthquake Damage Assessment System (REDAS) Software upang tayahin ang pinsalang idudulot ng lindol at ibang mga sakuna.

REDAS Software ng Phivolcs, inaasahang makatutulong sa disaster management ng Catanduanes

Ibinahagi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Pamahalaang Lokal ng Catanduanes ang REDAS (Rapid Earthquake Damage Assessment System) Software—isang instrumento na kayang makalkula ang potensyal na pinsalang pisikal, mga naapektuhang mamamayan, at economic loss dulot ng lindol.

Binisita ng mga kawani ng PHIVOLCS ang Catanduanes nitong Abril 23 sa pangunguna ni Director Dr. Teresito C. Bacolcol upang lumagda ng Memorandum of Agreement para sa probisyon ng paggamit ng software.

Kaugnay nito, nagkaroon ng limang araw na pagsasanay ang mga opisyales mula sa mga lokal na tanggapan sa lalawigan upang pag-aralan ang paggamit ng REDAS modules.

Dahil matatagpuan ang isla sa

4 na bagong firetrucks natanggap ng 3 munisipyo

Apat na bagong firetrucks

mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) ang pormal na ipinagkaloob sa tatlong munisipyo ng Catanduanes sa isinagawang Blessing and Turn-over Ceremony of New Fire Trucks nitong Enero 15 sa Plaza Rizal, Virac. Sa pangunguna ni CSUPT

Ricardo C. Perdigon, Regional Director ng BFP Bicol, dalawang fully-equipped firetruck ang ibinigay sa LGU Virac habang tig-isa naman sa LGU Bato at LGU Baras.

Dumalo sa nabanggit na seremonya sina Virac

Mayor Sammy Laynes, Bato

Mayor Juan Rodolfo, Baras

Mayor Jose Paolo Teves, Catanduanes Lone District

Representative Cong. Eulogio Rodriguez, Cong. Jose Teves ng TGP Partylist, Provincial

Fire Marshall SUPT Glenn Rodrigueza, at Logistics Division Chief-BFP Bicol SUPT Erickson Miraflor. Noong 2021 at 2022, agarang nilakad ni Gob. Joseph Cua sa punong tanggapan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at BFP ang mga kahilingan para sa modernisasyon ng mga firetrucks sa isla. Matatandaang lumiham ang mga BFP municipal station sa gobernador upang matulungan silang mabigyang-upgrade ang kani-kanilang fire trucks na humigit isang dekada na sa serbisyo.

Ayon sa gobernador, patuloy na makikipagugnayan ang PLGUCatandunes upang

TAWAG NG KALIGTASAN. Sinuong ng isang bombero ang gusaling napinsala ng lindol bilang bahagi ng Metro-wide Earthquake Drill. Dahil sa mapanganib na estado ng ilang mga pasilidad sa probinsya, itunuturing na mahalagang instrumento ang modernong mga fire trucks upang mapabilis ang pagresponde sa oras ng mga sakuna.

makalikom ng mga karagdagang suplay sa mga ibinahaging response equipment.

“Dae tabi matunong ngunyan na bag-ong taon an paghanap nato nin paagi tanganing madagdagan an suplay kang mga equipment na ini. In fact, the PLGU will be more vigorous in terms of acquiring the needs of our beloved province,” pahayag ni Gov. Cua.

Siniguro rin ni Gob. Cua na aktibong nakikipagtulungan ang lokal na pamahalan ng Catanduanes sa iba’t ibang mga ahensya upang makapagbigay ng naayon at sapat na tugon sa mga usaping pangkalusugan, disaster prevention and management, at social services.

rehiyon ng Pacific Ring of Fire kung saan madalas ang mga geophysical disaster tulad ng lindol, lubos ang pagpapasalamat ng Pamahalaang Lokal ng Catanduanes sa malaking tulong na hatid ng PHIVOLCS.

Higit pa sa nasabing kapasidad ng software, nakaprograma rin ang aparato upang i-simulate ang mga panganib na dala ng lindol kagaya ng pagguho at pag-alog ng lupa, liquefaction, at tsunami.

Bagama’t orihinal na binuo ang REDAS para tayahin ang epekto ng lindol, isinama na rin sa instrumento ang kapasidad para sa ibang mga hydrometeorological hazard tulad ng baha at storm surge.

Sa pinakahuling tala, higit walong daang ahensya kabilang ang mga State Colleges and Universities (SUCs), mga bayan at lalawigan, at non-government organizations sa bansa ang sinanay ng PHIVOLCS sa

paggamit ng REDAS Software. Lubos ang pasasalamat ni Gob. Joseph “Boboy” Cua sa pakikipagtulungan ng ahensiya upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat Catandunganon.

Kaugnay ng makabagong instrumentong ito, puspusan din ang pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan ng Catanduanes sa pagtatayo ng mga river at flood controls, water systems, at mga seawall upang mas mapatatag ang disaster prevention at mitigation ng probinsya.

Dahil sa mga aktibidad, programa, at agarang aksyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), ginawaran ng Office of Civil Defense and Catanduanes ng Gawad Kalasag (GK) Seal and Special Awards for Excellence in Disaster Risk Reduction and Management and Humanitarian Assistance.

HelpNGO nagbigay ng Starlink internet kit sa PLGU

Dala-dala ang misyong paigtingin ang pagresponde sa mga sakuna sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya, namigay ng isang Starlink internet kit ang internasyonal na organisasyong Help.NGO sa Pamahalaang Lokal ng Catanduanes noong Enero 29, 2024.

Ang donasyong ito ay isa lamang sa anim sa Starlink kits na ipinamahagi sa iba’t ibang munisipalidad sa lalawigan.

Kabilang sa mga benepisyaryo nito ay mga lokal na manghahabi ng abaka, mga mangingisda, isang may-ari ng sari-sari store, ang Catanduanes State University (CatSU) techno-demo farm, at ang Juan M. Alberto Memorial District Hospital (JMAMDH) sa San Andres.

Kabilang sa Resiliency and Advocacy Programs ng Help.NGO ang inisyatibong ito. Ayon pa sa organisasyon, naging posible ang donasyong ito sa pamamagitan ng sponsorship ng Amazon Web Services (AWS), isang subsidiyaryo ng Amerikanong kompanyang Amazon.

Matatandaang taong 2020, matapos ang pananalanta ng Super Typhoon Rolly, nagbigay din ang Help.NGO ng VSAT devices sa lalawigan na siyang nagpaigting ng komunikasyon, data transmission, at rehabilitation efforts ng mga lokal na awtoridad.

Bukod pa rito, nito lamang na Enero 25-26 ay nagsagawa ng pagsasanay sa CatSU Auditorium ang ilang kinatawan ng organisasyon patungkol sa Unmanned Aerial System (UAS), Low Earth Orbit (LEO) Connectivity, at Cloud Computing Literacy. Ang nasabing delegasyon ay pinamunuan ni Matthew Cua, ang IT at Innovations Director dito sa Pilipinas, kasama ang USA Operations Director na si Adam Marlatt, at Poland Communications Director na si Agata Klat. Nagpahayag naman ng pasasalamat si Governor Joseph Cua sa mga dayuhang direktor at sa buong organisasyon para sa kanilang walang-sawang suporta sa pagpapaigting ng emergency at disaster response sa probinsiya.

KAPIT BISIG. Ipinagkaloob ng HelpNGO, isang internasyunal na samahan, ang isang yunit ng Starlink Internet Kit sa Pamahalaang Lokal ng Catanduanes. Tugon ang nasabing donasyon sa pagpapatibay ng disaster management and response ng probinsya.

serbisyong panlipunan

Aabot sa ₱10M ayuda, ipinamahagi sa 1,915 TODA members

Namahagi ng 5,000 ayuda sa 1,946 tricycle drivers at 3,000 naman sa 90 pedicab drivers ang Pamahalaang Lokal ng Catanduanes sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) nitong buwan ng Hunyo.

Nagtipon sa Capitol Dome ang iba’t ibang miyembro ng mga

Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) maging mga rehistradong pedicab associations para sa financial aid distribution na inorganisa ng Provincial Social Welfare and Development Office. Hinati sa limang na batches ang AICS payout mula Hunyo 4 hanggang August 1, 2024. Ang huling tranche ng payout ay gagawin sa Provincial

VG Boss Te sa mga empleyado ng Kapitolyo:

Bawat isa ay may ambag sa kalidad na serbisyong maibibigay sa tao

Convention Center.

Sa kaniyang mensahe sa mga TODA members, sinabi ni Gov. Joseph “Boboy” Cua na laging aalalay ang kaniyang administrasyon sa kanila, lalo na at mabilis ang pagtaas ng mga bilihin.

“Sa panahon ngunyan, manlaenlaen na krisis na an satuyang inaatubang kaya pigahongoha

man niato uya sa Catanduanes Government na mas dakol an maserbihan kan AICS Program uya sa isla,” sabi ni Gob. Cua. Nitong unang bahagi ng taon, nakipag-ugnayan si Gov. Joseph Cua sa opisina ni Secretary Rex Gatchalian para mabigyan ng karagdagang pondo ang AICS. Matatandaang isa sa mga

prayoridad ni Gob. Cua ang pagpapalawak ng AICS sa probinsiya na may layuning mabigyan din ng suporta ang iba pang sektor ng lipunan.

Nagpasalamat din ang gobernador sa DSWD at PSWDO Catanduanes na nangunguna sa implementasyon ng programa.

Pamahalaang Lokal ng Catanduanes nakiisa sa Kalinisan Day ng DILG

ALAB NG PUSO. Hinikayat ni Vice Governor Peter Cua ang mga empleyado ng Kapitolyo na buong pusong gampanan ang kanilang serbisyo para sa mga Catandunganon. Ayon sa bise gobernador, malaki ang tungkulin ng bawat isa sa pagtataguyod ng mga adhikain ng lokal na pamahalaan.

Sa ginanap na unang flag-raising ceremony ng Lokal na Pamahalaan para sa taong 2024, hinimok ni Vice Governor Peter “Boss Te” Cua ang mga empleyado ng Kapitolyo na patuloy na mag-ambag ng husay at dedikasyon para maipaabot ang dekalidad na serbisyo para sa mga Catandunganon.

“An kalidad nin serbisyo na satuyang itatao sa mga tawo ngonyan na taon, madepende man sa kalidad nin partisipasyon nin pagserbi kan lambang empleyado nin Kapitolyo,” ayon kay VG Boss Te. Ito ang naging sentro ng mensahe ng bise gobernador sa maliit na programa pagkatapos ng flag-raising na isinagawa sa loob ng Provincial Capitol Lobby. Dahil sa malakas na ulan, nilipat ang lugar ng seremonya na orihinal na isinasagawa kada Lunes sa harap ng Capitol Main Building.

“Sa inyong pakikiisa at walang pag-aatubiling paghahatid ng mga pangunahing serbisyong para sa bawat Catandunganon, tayong lahat ay nagiging produktibong at epektibong kaagapay ng ating lokal na pamahaalan,” ani ng bise gobernador.

Nagpasalamat din si VG Boss Te sa mga empleyado para sa kanilang husay sa nagdaang taon, lalo’t maraming natanggap na parangal ang lokal na pamahalaan mula sa iba’t ibang ahensiya.

“An nakalihis na taon 2023, dapat gibohon na basehan nin lambang serbidor nin satuyang probinsya tanganing lalo pang mapakarahay an pagtao nin de kalidad na serbisyo sa satuyang mga namamanwaan,” dagdag pa niya.

Muli ring pinagtibay ng bise ang kaniyang suporta sa administrayon ni Gov. Joseph “Boboy” Cua at nangako na pag-iibayuhin pa ng Sangguniang Panlalawigan ang mandato nito sa pagpapasa ng mga ordinansa, lalo na sa mga priority program ng gobernador.

Nakilahok ang mga kawani at empleyado ng Pampamahalaang

Lokal ng Catanduanes sa isinagawang synchronized clean-up activity bilang bahagi ng Kalinisan Day nitong Enero 6. Bitbit ang kani-kanilang mga kagamitang panglinis at pangkumpuni, nilibot ng mga opisyales at tauhan mula sa iba’t-ibang mga tanggapan, ospital, at mga karatig na yunit ang mga istasyon sa loob at labas ng Kapitolyo upang linisin at pagandahin mula ika-7 hanggang ika-11 ng umaga.

Sa kaniyang mensahe na ibinahagi ni Provincial Administrator Eulalia Talaran, binigyang-diin ni Gob. Joseph C. Cua na ang pakikilahok ng lokal na pamahalaan sa nasabing aktibidad ay patunay na ang PLGU ay handa ng magsilbi sa masa ngayong taon.

Dagdag pa rito, pinansin din ng gobernador ang aktibong pakikilahok ng mga kawani at empleyado na para sa kaniya ay pagpapakita ng suporta sa misyon ng pamahalaang gawing bansang kilala sa kalinisan at sustainability ang Pilipinas.

“Let us transform this directive into a meaningful expression of civic duty and environmental stewardship. An kalinigan asin pagiging disiplinado kan kada saro, nagpapatibay kan kultura na minatao nin uswag sa gabos,” ani ni Gob. Cua.

Layunin ng programa na mapatibay ang mga inisyatiba ng kasalukuyang pamahalaan na nakatuon sa pagbibigay at pagpapanatili ng ligtas na kapaligiran sa bawat mamamayang Pilipino.

Nakatuon din ang nasabing inisyatiba sa paghikayat sa mga lokal

BIDA ANG PAGKAKAISA. Aktibong nakilahok ang mga empleyado ng Pamahalaang Lokal ng Catanduanes sa paglilinis at pagsasaayos ng mga tanggapang saklaw ng Kapitolyo. Ang nasabing aktibidad ay pakikiisa sa Kalinisan Day ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong ika-6 ng Enero ngayong taon.

na pamahalaan na manguna sa mga proyektong nakasentro sa solid waste management at ecological practices. Alinsunod sa DILG Memorandum Circular No. 2024-001, inaanyayahan ang lahat ng barangay at mga lokal na tanggapan sa bansa upang suportahan ang paglulunsand ng KALINISAN Program. Inilunsad ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan o KALINISAN Program bilang pakikiisa sa kampanyang ‘Bagong Pilipinas’ ng pamahalaan.

Nakasaad sa nabanggit na memorandum na kailangang magsagawa ng clean-up activity ang mga barangay at ahensya sa mga clean-up sites tulad ng kalye, kanal, estero, pampublikong pamilihan, paaralan, at mga karatig pook.

Personal na tinanggap ni Governor Joseph C. Cua ang ipinaabot na tulong pinansyal ng opisina ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nagkakahalagang P10.2 milyon, Hunyo 7, 2024. Ang pamamagagi ng tulong pinansyal sa Albay Astrodome sa pamamagitan ng Distribution of Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk and Families activity ay pinangunahan mismo ni President Ferdinand Bongbong Marcos. Ang nasabing pamamahagi ng Presidential Assistance ay dinaluhan din ng mga kalihim ng DA, DSWD, DILG, mga punongbayan at gobernador mula sa Bicol. Bukod sa financial assistance mula sa Presidential Assistance to Farmers and Fisherfolks (PAFF), namigay rin ang DA at iba’t ibang attached agencies ng mga open source pumping sets, fishing boats, at iba pang kagamitan.

Kasama ni Gob. Cua ang sampung napiling magsasaka at mangingisda na nabigyan din ng asistensiya sa pagtitipon.

ni Gov. Joseph “Boboy” Cua kasama ang mga piling magsasaka at mangingisda ang ₱10 milyong tulong pinansyal mula sa Tanggapan ng Pangulo.

Para mabawasan ang stunting sa isla

Prov’l Nutrition Committee paiigtingin pa ang mga programa

Sa pamamagitan ng Provincial Nutrition Committee (PNC), ang Pamahalaang Panlalawigan ng Catanduanes ay mas magiging aktibo ngayong taon upang labanan ang nakababahalang rate ng malnutrisyon, lalo na ang “stunting” sa mga bata, sa lalawigan.

Nagtipon-tipon ang mga kasapi ng PNC para sa kanilang quarterly meeting nitong Marso upang suriin ang kanilang mga programa ngayong taon at magbigay ng bagong mga pamamaraan sa mga isyu sa nutrisyon bilang pagkilala sa kahalagahan ng agarang pag-address sa mga ito upang matiyak ang kaligtasan ng mga Catandunganon.

Binigyang-diin ni Provincial Nutrition Action Officer Marites M. Curativo ang kalagayan ng undernutrition sa lalawigan, sa ilalim ng datos mula sa 2023 Operation Timbang Plus. Aniya, sa pambansang antas, isa sa mga nangungunang lalawigan ang Catanduanes sa underweight (Top 2), stunting (Top 4), at wasting (Top 31).

Bukod dito, sinabi din niyang dalawang bayan — Viga at Bagamanoc — ay ilan lamang sa mga nangungunang 100 bayan pagdating sa “stunting.”

Kolaborasyon sa DOST, CatSU Sa nasabing pagpupulong, iginiit ni Dr.

Robert John Aquino, Provincial DOH Officer, na kinakailangan ng isang mas holistic na pamamaraan upang masolusyunan ang mga kaugnay na suliranin.

Iminungkahi niya ang pakikipagtulungan sa Department of Science and Technology (DOST) at Catanduanes State University (CatSU) upang magsagawa ng mga pananaliksik kasabay ng pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga institusyong pang-akademiko.

Ayon naman kay Provincial Agricultural Services Office Head Ace WilliamTria, kinakailangan din ng kumprehensibong mga pamamaraan at pakikipagtulungan upang matugunan ang mga mahahalagang isyu na nakakaapekto sa kalagayan ng nutrisyon ng lalawigan.

Sinang-ayunan naman ito ni Dr. Aquino at sinabing dapat ding alamin ng mga mga ahensya ang target bago magplano, na mangyayari lamang kung magsasagawa ng na mga pag-aaral katuwang ang mga nabanggit na ahensaya upang makakuha ng sapat na datos bago ang implementasyon ng mga programa.

Parehong bahagi ang DOST at CatSU ng PNC, isang inter-agency at inter-sektoral na komite na binuo ni Gob. Joseph “Boboy” Cua upang magbigay ng isang komprehensibong

‘DI MALIIT NA PROBLEMA. Mabusising sinusuri ng isang nars ang kalagayan at kalusugan ng isang buntis. Ayon sa mga pag-aaral, malaki ang ginagampanan ng prenatal health sa pagsisigurong ligtas, malusog, at protektado ang sanggol laban sa stunting at mga kaugnay na sakit.

pamamaraan sa pagsasaayos ng mga problema sa nutrisyon sa lalawigan.

Pagpapaigting ng Nutrition Programs

Upang mapaigting pa ang mga nutritional programs sa lalawigan, inilahad sa komite ni Provincial Agriculturist Ace William Tria ang kahalagahan ng isang masusing assessment upang matunton ang totoong ugat ng mga problema bago magsagawa ng mga susunod na inisyatiba.

Pinatotohanan naman ito ni Dr. Aquino at nanawagan ng patuloy na pagsasagawa ng mga in-depth scientific researches upang makakalap ng mga batayang datos na makatutulong sa epektibong pagbibigay ng solusyon sa mga kritikal na sitwasyon.

Nangako ang doktor na magbibigay ng teknikal na tulong and DOH Catanduanes sa implementasyon ng mga nutritional programs upang matulungan ang lalawigan na maalis sa listahan ng mga nangungunang probinsya pagdating sa malnutrisyon.

Dagdag pa niya, kailangang tumugon at maging aktibo ng bawat ahensya sa mga suliraning pangkalusugan.

“Dapat tayong maging responsive. Kapag bumagsak tayo sa health governance, babagsak din lahat kasi iyan ang foundation,” sabi niya.

Liga ng mga Youth Development Officers opisyal nang binuo

Opisyal nang nanumpa sa tungkulin nitong Mayo 9, 2024 ang mga opisyal at miyembro ng League of Local Youth Development Officers Catanduanes Chapter, ang kauna-unahang liga sa lalawigan na binuo ngayong Abril na nakatuon sa pagbibigay suporta sa kabataan at pagpapalakas sa kanilang papel sa lokal na pamahalaan.

Sa pangunguna ni Governor Joseph “Boboy” Cua, nagsagawa ng seremonya ng panunumpa para sa mga opisyal at miyembro ng liga sa Governor’s Office Conference Room ng Kapitolyo.

Sa kaniyang maikling mensahe, binati ni Gov. Cua ang mga miyembro ng liga at ibinahagi ang kanyang suporta para sa mga proyektong pangkabataan sa lalawigan na balak nitong ilunsad.

Ipinahayag naman ni Mr. Mark Anthony Gianan, ang Chairperson ng LLYDOCC at LYDO-Designate ng San Andres, ang kaniyang kasiyahan para sa hinaharap ng liga. Pangako niya ang maayos na koordinasyon ng YDOs mula sa iba’t ibang bayan upang matiyak na ang liga ay magiging daan para sa pagunlad at pagpapalakas ng mga kabataan sa Catanduanes.

Bukod kay Gianan, ang mga sumusunod ay mga opisyal din ng liga: Vice-Chairperson, Maria Ada Condeno (Pandan); Secretary, Geraldine Sales (Caramoran); Treasurer, Mary Grace Tabinas (Virac); Auditor, Edsel Tuquero (Viga); Business Manager, Gabrielle Fe Velasco (Panganiban); at Public Information Officer, Joan Estrada (Baras).

Hindi rin nagpahuli si G. Prince L. Subion, ang tagapayo ng LLYDOCC at naging Provincial Youth Development OfficerDesignate, sa pagpapahatid ng pagbati sa mga bagong halal na miyembro. Sa kaniyang mensahe, hinimok niya ang mga lider ng mga bayan na lumikha ng posisyon para sa mga lokal na LYDOs, at ipinaalala ang kahalagahan ng pagpapormalisa sa mga tungkuling ito upang mas malinang ang potensyal ng mga kabataan sa lalawigan.

Bilang pagsuporta sa isinaad ng PYDO Designate, agaran namang nagpadala ng sulat si Governor Cua sa mga alkalde ng iba’t ibang bayan sa probinsiya upang hikayatin at paalalahanan ang mga ito tungkol sa pagkakaroon ng mandatory position ng LYDO sa mga LGUs. Ani Gob. Cua, hangad niya na madagdagan pa ang mga full-fledged YDO sa lalawigan katulad na ng PYDO at LYDO San Miguel.

Pagpapasinaya ng Educo Project SAFE II para sa 3 munisipyo sa lalawigan,

Muling pinasalamatan at binigyangpuri ni Governor Joseph “Boboy” Cua ang matagumpay na paglulunsad ng ikalawang edisyon ng Project SAFE o Strengthening Accountability for Girls and Boys in DRRM Situation ng Educo sa tatlong bayan sa lalawigan, na ginanap sa Queen Maricel Inn, Enero 24, 2024.

Sa kaniyang mensahe, ipinaabot ng gobernador ang kaniyang pasasalamat sa Educo, na itinuturing niyang “solid non-government organisation partner for years” ng pamahalaang lokal.

Inihayag ng Gob. Cua na sa pamamagitan ng Project SAFE, na

muling pinuri ni Gob. Cua

ipatutupad sa mga bayan ng Virac, San Miguel, at Caramoran, maaasahan ng lalawigan ang iba’t ibang interventions mula sa Educo.

“These strategies will complement the current strategies to capacitate our children on preparing and responding to disaster situations,” ani Gov. Cua.

Ang Project SAFE II ay isang pangunahing programa ng Educo, kasama ang Child Fund Korea, na naglalayong mapalakas ang kakayahan at proteksyon ng mga bata sa panahon ng kalamidad sa pamamagitan ng mga aktibidad at patibayin ang mga maayos na hakbang

pangkaligtasan sa mga paaralan at komunidad.

Sa paglulunsad, nagpahayag ng kanilang suporta at commitment ang mga opisyal mula sa mga bayan. Gayundin, nagbigay ng suporta ang Department of Education sa pakikipagtulungan ng Educo sa mga participating schools.

Kasama rin sa paglulunsad ang mga opisyal mula sa Educo: si Ms. Gemma Castillo-Goliat, ang Country Director; si Mr. Marlon Villanueva ang Director of Programs; at si Mr. Adan Kristoffer Monterde, ang Area Manager para sa Catanduanes.

ESPASYONG
Nagsisilbing

Diwa ng Makamasang Pamamahala

Gob. Cua suportado ang Kadiwa; nanawagan ng pagkatig sa mga magsasaka

“From farms directly to the tables of Filipino families”— ito ang adhikaing tinutukuran ni Gob. Joseph “Boboy” Cua sa paglulunsad ng Kadiwa ng Pangulo, isang pamahalaang tumutugon sa seguridad ng pagkain at buo ang suporta sa mga magsasaka at lokal na mangangalakal.

Tugon ito sa paglulunsad ng Kadiwa ng Pangulo (KNP) ng administrasyong Marcos na layong bigyang kalutasan ang suliraning ng implasyon at hamon ng seguridad ng pagkain sa pamamagitan ng direktang pamimili sa mga magsasaka.

Pag-usbong ng Kadiwa

Nitong Hulyo 17, 2023, nilagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) na naglalayong palawigin ang KNP sa mga Local Government Unit (LGU) sa bansa.

Maliban sa punong obheto ng inisyatiba, layon ding matulungan ng KNP ang mga magsasaka at mangingisda na direktang maibenta ang kanilang mga produkto sa mga mamimili na hindi papatawan ng karagdagan singil o bayad sa pagtitinda.

Sa pinakahuling tala nitong 2023, higit pitong libong Kadiwa hubs ang naitayo sa buong Pilipinas kung saan naabot nito ang hight 1.8 milyong pamilya

at tinatayang kumita ng 700 milyong piso.

Kadiwa sa Isla

Isa ang Catanduanes sa mga lalawigang nakilahok sa pagululunsad ng Kadiwa ng Pangulo.

Sinuguro ni Gob. Cua ang pagsuporta sa programa sa pagkikipagtulungan ng lokal na pamahalaan sa iba’t-ibang mga ahensya upanag madala ang Kadiwa sa Catanduanes.

“[O]n behalf of the provincial government of Catanduanes, I extend my wholehearted support to this initiative, which will not also aid our farmers, but also curb our imports in the long run, greatly aiding our national security,” saad ni Gob. Cua.

Umarangkada ang unang KNP noong Hulyo 23 sa Virac Plaza Rizal kung saan tampok ang samu’t-saring mga paninda mula sa mga sariwang gulay at prutas, bigas, itlog, isda, shelfstable goods, at local crafts.

Ayon kay Ace William Tria, Head Officer ng Provincial Agricultural Services Office (PASO), nagagalak ang kanilang tanggapan sa matagumpay na pagbubukas ng Kadiwa sa lalawigan. Sa pagsubaybay ng tanggapan, naitalang pinakamabenta ang mga farmproduced products gaya ng gulay at prutas.

Kabilang sa mga pangunahing eksibitor ng Kadiwa sa Catanduanes ay ang Department of Agriculture (DA), National Food Authority (NFA), PASO, Catanduanes State University-College of Agriculture And Fisheries, Department of Social Welfare and Development (DSWD) SLP, Catanduanes Supermart, at Milaor Trading Crop. Kaagapay din sa paglulunsad ng Kadiwa ang mga tindahan, maliliit na negosyo, at mga lokal na samahan.

Gawad Pagkilala sa Probinsya Bilang pagkilala sa Catanduanes na siyang nakapagtala ng pinakamaraming Kadiwa sa buong rehiyon mula Enero 2024, ginawaran ng DA Regional Office V ang Pamahalaang Lokal ng Catanduanes bilang pagkilala sa aktibong pakikilahok at pag-oorganisa ng Kadiwa sa probinsya. Sorpresang bahagi ng Farmers Festival sa Pili, Camanires Sur ang nasabing seremonya. Sa tala ng PASO, umabot sa lampas pitong-daang libong piso ang kabuuang kinita o gross sales ng isinagawang Kadiwa sa probinsiya ngayong 2024. Nakapagsagawa na ng limang aktibidad ang probinsiya sa iba’t ibang bayan ng Catanduanes ngayong taon.

Patuloy ang Makamasang Bilihin

Patuloy ang pagtatatag ng Kadiwa sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Dito sa Catanduanes, umarangkada na rin and Kadiwa sa mga bayan ng Pandan, Bagamanoc, at Panganiban.

Sa mga susunod na buwan, nais ni Gob. Cua at ng mga kasaping ahensya na mismong ang mga LGU ang magsagawa ng Kadiwa para maiapabot din ang mga lokal na produkto sa iba’t ibang bayan.

Bilang ng turista sa Happy Island tumaas ng 7%; higit ₱150M revenue naitala

Dumami ang bumisitang turista sa probinsiya nitong nagdaang 2023 base sa inilabas na ulat ng Catanduanes Tourism Office.

Nagtala ng 7% na paglago ang kabuuang bilang ng turista kung ihahambing noong 2022. Sa bilang ng mga turistang nagovernight stay sa isla, kumpara sa 119,710 ng nakaraang taon, umabot sa 127,619 ang bilang ng kabuuang domestic at foreign tourists.

Nangangahulugan ito ng higit sa Php 150 milyon sa kita mula sa domestic tourism at Php 7 milyon naman na kita mula sa foreign tourism.

Samantala, may 10% namang naitalang pagtaas sa bilang ng mga bisitang nananatili lamang ng isang araw (same-day visitors) na umabot sa 334,032 kumpara sa 305,190 noong 2022. Higit sa Php 400 milyon at Php 13 milyon na kita mula sa domestic at foreign

tourism naman ang ibinunga nito sa lokal na ekonomiya. Sa nasabing ulat, ipinakita na higit sa 400 libong trabaho kaugnay ng turismo ang naibigay o naipanatili nito sa lokal na mga establisyimento, destinasyon, at iba pang industriya.

Ang mga lokal na turista ay nananatiling pangunahing bisita ng Catanduanes. Gayunpaman, naitala ang isang malaking pagtaas sa bilang ng mga dayuhang turista, kung saan umakyat ito mula sa 123 noong 2022 hanggang 1,431 noong 2023. Kasama rito ang 72 Australyanong sakay ng Coral Adventurer Expedition na bumisita sa Happy Island noong nakaraang Oktubre bilang parte ng kanilang cruise.

Ayon kay Ms. Carmel B. Garcia, ang Supervising Tourism Operations Officer, ang paglago ng turismo sa Catanduanes ay dulot na rin ng

aktibong partisipasyon ng lokal na pamahalaan sa iba’t ibang expos para sa paglalakbay at pagtatanghal ng mga alok na tour sa isla-probinsiya.

Binanggit din niya ang agresibong presensya sa social media para sa promosyon ng mga atraksyon at lokal na mga kaganapan sa Catanduanes.

Nakatulong ding makaakit ng turista ang mga lokal na selebrasyon at kaganapan gaya ng mga pyesta, international surfing competitions, at music festivals.

Ang mga aktibidad din tulad ng Catanduanes Motorista Challenge at Catanduanes Bug Run ay nagdala rin ng mga turista mula sa iba’t ibang lugar ng bansa.

Sa kanyang mensahe, binanggit ni Gov. Joseph “Boboy” Cua ang potensyal ng motorcycle tourism, lalo na’t maayos at maganda na ang mga road network sa probinsya.

Sinabi ng gobernador na ang professional at recreational motorcycle riding o sports events ay bagay na bagay na isabay sa mga magagandang ruta, maaayos na kalsada, at kahanga-hangang tanawin ng Catanduanes.

Nais din ng gobernador na ang turismo sa Happy Island ay patuloy na malampasan ang mga numerong naitala bago ang pandemiya. Huling nagtala ng pinakamataas na tourist arrivals growth rate ang probinsiya noong 2019.

Bukod sa patuloy na pagbibigay ng capability training programs sa mga tourism worker sa probinsiya, patuloy din ang pagsasagawa ng accreditation at quality inspection ng Catanduanes Tourism Office sa mga accomodation establishment, maging sa mga popular at papausbong na destinasyon at aktibidad sa isla.

Bishop Occiano itinalagang bagong obispo ng Diyosesis ng Virac

Opisyal nang itinalaga bilang bagong obispo ng Virac si Bishop Luisito Audal Occiano, D.D nitong Hunyo 27, 2024.

Nagsilbing mga installing prelate sina Papal Nuncio to the Philippines Most Rev. John Charles Brown at Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon sa Solemn Installation and Canonical Possession ng bagong talagang obispo.

Matatandaang sa loob ng 30 taon, pinamunuan ni Bishop Manolo Delos Santos ang diocese.

Siniguro naman ni Gobernador Joseph Cua na maaasahang katuwang ng simbahan ang Lokal na Pamahalaan sa pagpapatibay ng magandang karakter sa bawat Catandunganon.

“I assure our revered church groups that our local government will be a reliable contingent in inculcating good values among our fellow Catanduanganons,” ani ng

TIPID SA BULSA. Sariwang mga gulay at iba pang locally-produced goods ang direktang mabiibli sa mga katuwang na magsasaka ng Kadiwa ng Pangulo sa mababang presyo. Mula nang gumulong ang implementasyon ng programa sa bansa, higit 1.8 milyong pamilya ang naabot at natulungan nito.
PAGGALANG AT PAGMAMAHAL. Para kay Gobernador Joseph “Boboy” Cua, malaki ang bahagi ng simbahan sa pagpapatibay ng kagandahang asal sa mga Catandunganon. Isa ang pagmamano at respeto sa mas nakatatanda sa mga gawing nais linangin at pagyamanin ng gobernador.

MENSAHE NIN PAMABALOS

Salamat sa samuyang gobernador, sa gobyerno, [asin] WASH Project, ta dae na masakitan an sakuyang pamilya pag-abot sa proper hygiene.

RICARDO MATIENZO JR.

Benepisyaryo ng Water, Sanitation, and Hygiene (WASH)—programa ng PLGU Catanduanes na nakatuon sa pagbibigay ng kagamitan sa pagpapagawa ng palikuran.

Para sa mga karagdagang balita at updates:

Nagpapasalamat [ako] sa kay Governor Joseph “Boboy” Cua at sa PSWDO sa ayuda na ibinigay po sa amin. Malaki po ang maitutulong [nito] sa katulad kong tricycle driver sa pagpapaayos ng aking tricycle.

CHRISTIAN BONIFACIO

Benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS)—tulong pinansyal sa mga indibidwal na nakararanas ng krisis.

Gusto ko pong magpasalamat sa Catanduanes

Government sa pagtulong sa kagaya po naming mga estudyante na marami pong pinagkakagastusan. Malaki po itong tulong sa amin.

AQUIRA LAE T. GLORIA

Benepisyaryo ng College Education Financial Assisstance Program (CEFAP)—programa ng PLGU Catanduanes na layuning matugunan ang pangangailangang pinansiyal ng mga mag-aaral sa kolehiyo ng probinsya.

Salamat

sa gabos na pirmeng handa mag-alalay sa PLGU. Dai natatapos an tabang na pwedeng maitao saindo kan gobyerno.

Opisyal na Pahayagan ng Pampamahalaang Panlalawigan ng Catanduanes | Enero-Hunyo 2024

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.