Sagip DugtongKalusugan, Buhay
SULONG
Tuloy-tuloy ang serbisyo para sa progresibong Catanduanes.
Sa pagpasok ng taong 2023, muling ibinida ng pamahalaang lokal sa pangunguna ni Gov. Joseph “Boboy” Cua ang mga programang pangkalusugan at pangkabuhayan na layong maipaabot agad ang serbisyo sa mga mamamayan.
Mula sa pagbubukas ng libreng hemodialysis facility sa primary hospital ng lalawigan, pagpokus sa pagbibigay-ayuda sa mga abaca farmers, at pagkilala sa ambag ng mga ahensiya at mga natatanging indibdiwal sa pagpapaunlad ng probinsiya, tinatahak ng lokal na administrasyon ang daan tungo sa kaunlaran.
Unti-unting ikinakasakatuparan ni Gov. Cua ang bisyon na sabay-sabay na pinagtibay sa 8-Point Executive-Legislative Agenda ng mga opisyal ng probinsiya noong nakaraang taon. Nais ng gobernador na iisang direksyon ang pagsulong, kaya’t maraming kolaborasyon mula sa iba’t ibang ahensiya ang sinimulan. Asahan na sa sunod-sunod pa ang maraming programa sa mga prayoridad na sektor.
Sa isyung ito ng The Capitol Lighthouse, balikan natin ang mga kuwento ng pagpupunyagi, pagtutulungan, at patuloy na pagsulong ng Catandungan.
EBMC Hemodialysis Center
MODERNONG MARIA CLARA maria clara
Mahigit 1,500 abacaleros tumanggap ng ₱5K sa PLGU, DOLE-TUPAD
Catanduanes, hakotparangal sa ginanap na Serbisyong Salud Bikolnon Awards 6 7 2
Dugo’t pawis ng libo-libong Catandunganong abacaleros ang naging puhunan ng lalawigan upang manatili ito bilang top producer ng abaca, hindi lamang sa buong rehiyong Bikol bagkus sa buong bansa.
Bilang parte ng ‘Serbisyong Sentro sa Tao’
Hangad na dialysis center sa EBMC, natupad ni Gov. Cua
“Dream come true” para kay Gov. Joseph “Boboy” Cua at sa mga Catandunganong nangangailangan ng serbisyong hemodialysis ang pagtatag ng bagong governmentoperated Hemodialysis Unit sa Eastern Bicol Medical Center (EBMC). Nabanggit ng gobernador sa inagurasyon ng naturang programa nitong ika-15 ng Pebrero na matagal na niyang pangarap ang magkaroon ng naturang pasilidad upang hindi
pasyente sa isla.
“It was in 2019 that I planned to put a hemodialysis center here in response to the demands of Catandunganons who cannot proceed to dialysis due to financial constraints, or need to go outside the province to be treated,” ani Gov. Cua.
Hindi rin aniya naging hadlang ang kaniyang suspensyon noong 2019 upang ipagpatuloy ang kagustuhan niyang mapabuti at maisaayos ang serbisyong medikal para sa lahat na Catandunganon.
“I never stop dreaming about what is best for my province. I never stop visualizing Catanduanes as a place where government response can be felt,” saad ng lokal na ehekutibo.
Dagdag pa nito, plano ng kanyang administrasyon na mas lalo pang palawigin ang mga serbisyong medikal na kayang ibigay ng EBMC gaya ng pagkakaroon ng CT-scan facility, heart station, at stroke support station.
TULONG SA INDIGENT PATIENTS
Mapapababa ng bagong pasilidad ang presyo ng hemodialysis kumpara sa presyo sa pribadong hospital,
na kung saan aabot P3,000 hanggang P6,000 ang maaaring gastusin ng mga pasyente sa bawat sesyon ng hemodialysis.
Gaya sa pasilidad sa Jose M. Alberto Memorial District Hospital, ang mga pasyenteng nasa listahan ng Department of Social Welfare and Development, at mga naka-lista sa National Health Insurance Program ng PhilHealth ay maaaring mapakinabangan ang serbisyo nang libre.
Maaari rin makakuha ng tulong pinansyal sa Medical Assistance to Indigent Patients Program (MAIP) ng Department of Health ang mga pasyente para mapunan ang sobrang bayaran sa bill matapos ikaltas ang asistensya mula sa iba’t-ibang ahensya katulad ng PhilHealth at Philippine Charity Sweepstakes Office. Ang bagong inilunsad na hemodialysis unit ay mayroong 10 na hemodialysis machines kung saan ang 8 doon ay operational at ang dalawa ay para sa mga pasyenteng kailangan i-isolate o kailangan bigyan ng espesyal na atensyon. Ang mga makinang ito ay kayang maghatid serbisyo sa 16 na pasyente kada araw.
Iba’t ibang sektor ng lalawigan sanib-pwersa sa programang BIDA
Mahigit sa dalawang libong Catandunganon mula sa iba’t ibang sektor ang nagpakita ng suporta sa paglunsad ng “Buhay ay Ingatan, Droga’y Ayawan” (BIDA) program nitong ika-3 ng Marso, 2023, ang pinakabagong kampanya kontra droga ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Nagsama-sama ang mga manggagawa mula sa national government agencies (NGAs), local government units (LGUs), private sectors, faith-based organizations (FBOs), at civil society organizations (CSOs) at mga mag-aaral ng Catanduanes Colleges, Catanduanes State University, at Christian Polytechnic Institute of
Catanduanes para sa unity walk, fun bike ride, at zumba dance show.
Layon ng BIDA na mapigilan ang paglaganap ng ilegal na droga sa mga komunidad sa pamamagitan ng rehabilitasyon katuwang ang mga LGUs, NGAs, kasama ang Philippine National Police, Philippine Drug Enforcement Agency, at National Bureau of Investigation.
Buo ang suportang ibinigay ni Governor Joseph “Boboy” Cua sa programa na binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan sa loob ng komunidad upang masigurong matagumpay ang BIDA program.
“Ang BIDA program ay katulad sa kung paano pinaaandar ang isang
barko, kailangan mayroon tayong maraming tao upang gampanan ang maraming gawain magmula sa pagalis ng barko sa pantalan hanggang sa pagdaong nito sa sunod na destinasyon. Ika nga, ‘all hands-on deck,’” pahayag ng lokal na ehekutibo.
Gaya ng gobernador, pagkakaisa at pagtutulungan rin ang mensaheng ipinaabot ni PDEA Region V Director Edgar T. Jubay upang tuluyang mawaksi ang ang problema sa droga sa lalawigan.
“Kaya natin maging bida at sama-sama tayo upang matigil ang problema ng droga sa probinsya,” sambit nito.
Upang magsilbing inspirasyon sa
lahat, ibinahagi rin ng imbitadong
Person Who Used Drugs (PWUD) ang kaniyang naging karanasan sa paggamit ng droga at kung paano nabago ang kaniyang buhay sa tulong ng rehabilitasyon.
“Sa karanasan ko, dahil sa paggamit ko ng droga, naapektuhan ang buhay ko at naiiwan ko ang aking pamilya. Pero sa awa ng Diyos, napatawad Niya ako at patuloy kong ibabahagi ang kwento ko sa mga kabataan,” paglalahad nito.
Isinabay rin sa naturang programa ang paggawad ng 2022 National Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Award sa pitong LGUs na mayroong aktibong
ADAC sa probinsya.
Kabilang sa mga ito ang munisipyo ng Virac, San Andres, Panganiban, Pandan, Caramoran, Baras, at Bagamanoc.
Pumasa ang mga ito sa nakaraang 2021 ADAC Performance Audit kung saan pasok ito sa tatlong pamantayan: bilang ng Barangay Anti-Drug Abuse Councils, drug-free status sa kanilang lokal, at pagbaba ng mga kaso na may kaugnayan sa illegal na droga ngayong 2022.
Hinimok ni PD Razal ang lahat na ang laban kontra sa ilegal na droga ay problemang kailangan sabay-sabay na sugpuin mula sa barangay, lokal, at pampamahalaang lebel.
“
I never stop visualizing Catanduanes as a place where government response can be felt. -Gov. CuaPOKUS SA PROGRAMANG PANGKALUSUGAN. Pinasinayaan ni Gov. Joseph “Boboy” Cua ang ribbon-cutting ceremony para sa mga bago at kauna-unahang government-operated hemodialysis unit sa Eastern Bicol Medical Center. Kasama ng gobernador sina Vice Gov. Peter “Boss Te” Cua, EBMC Chief of Hospital Dr. Vietriz D. Abella, at Dr. Lilibeth Ibarrientos. Mayroong 10 dialysis machines ang nasabing pasilidad na kayang magserbisyo ng 16 na pasyente kada araw. Libre ang serbisyo para sa mga indigent patient.
‘Pasada Eskwela’ umarangkada na sa Bagamanoc
VG Boss Te nais na maraming munisipyo pa ang maabot ng programa
Malaking bagay na sa maraming estudyante ng Bugao National High School at Mavil Elementary School ang natitipid na bente pesos para sa pamasahe.
Mula nang mailunsad ang libreng Pasada Eskwela sa bayan ng Bagamanoc, ang nakalaang pera sa pamasahe ay nagagamit na ng higit sa 100 na estudyante ng mga nasabing paaralan pandagdag-baon o sa ibang gastos sa paaralan.
Unang umarangkada ngayong taon sa bayan ng Bagamanoc ang kilalang proyekto ni Vice Governor Peter “Boss Te” Cua, na pinangunahan ang turnover ng jeep bilang service vehicle sa lokal na pamahalaan nitong ika-15 ng Enero, 2023.
Matatandaang nagsimula ang nasabing proyekto noong alkalde pa ng San Andres ang bise gobernador. Sinundan ito ng pagpapalawak ng programa sa mga bayan ng Pandan at San Andres.
Sa isinagawang turnover, sinabi ng VG na isa sa request ng mga kapitan sa bayan ng Bagamanoc na maipaabot din ang serbisyo ng proyekto sa kanilang lugar.
“Apesar sa paghatod-sundo kan mga kaakian sa eskwelahan, na-
gagamit an satong dyip na maghatod-sundo kan ibang residentes nu igwang importanteng mga okasyon na kaipuhan atendiran,” ayon sa bise gobernador.
Bilang pakikiisa sa Nat’l Earthquake Drill
Malaki naman ang ipinaabot na suporta ni Gov. Joseph “Boboy” Cua sa programa. “Matarabang kita para mamantenir ang pagserbisyo kang jeep na ini,” ang sabi ng gobernador.
Nais ng magkapatid na palawakin ang nasabing program sa lalawigan. Sa kasalukuyan, sila ay nagpaplanong dagdagan pa ang mga maaaring maipamahaging service jeepneys.
Kasabay ng nasabing seremonya, namigay din ang dalawang opisyal ng mga life jacket bilang tulong sa mga mangingisda sa mga coastal barangay ng bayan.
PAGSULONG NG PASADA
Bilang isa sa mga programa sa edukasyon, patuloy aniyang magpupursige ang tanggapan ni VG Boss Te para sa mga malalayong komunidad na nangangailan sa proyekto.
“Satong binalikan asin kinumusta an pag implementar nin Pasada Eskwela sa mga estudyanteng benificiario, asin kumbinyente na an pag byahe kan mga kaaki-an kun sinda mapasiring sa eskwelahan,” kuwento ni VG Boss Te isang buwan makalipas ang turnover ceremony.
“Sa mga masunod pang bulan, hihinguhaon niato na madagdagan pa an mga Pasada Eskwela na ma-arangkada para hatudon an mga estudyante,“ dagdag ng bise.
Ang bayan ng Panganiban ay una nang nagpaabot ng kahilingang maidala din ang proyekto sa kanilang bayan.
Plano ng bise na sa Mayo o Hunyo makapagbigay ng service vehicle sa nasabing bayan.
‘One System, One Response’ tugon ng PLGU sa lindol, iba pang sakuna
Hindi lamang lindol bagkus maging sunog at posibleng insidente ng nakawan ang nais paghandaan ng Lokal na Pamahalaan ng Catanduanes matapos nitong makiisa sa kauna-unahang National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong taon na pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) nitong ika-16 ng Marso.
Ang kunwaring eksena ay tumama umano bandang alas dos ng hapon ang 7.2 magnitude na lindol, kung saan sinundan ito ng sunog na nagsimula sa ikalawang palapag ng kapitolyo, at kasabay rin nito ang nakawan sa Pro vincial Treasurer’s Office (PTO).
Ayon kay Local Disaster Risk Man agement Officer Ground Marshal Roberto Monterola, ang nakawan na insidente ay naging parte ng quake drill dahil lagi itong nagaganap tuwing may lindol, at kalimi tang nagiging target ng kawatan ay mga opisinang humahawak ng pera gaya ng PTO.
“Treasury su igwang imo, pang-sweldo sa mga job order na gailipon duman tapos may nakatunog,” paliwa nag pa nito.
Ibinida rin ng lokal na pama halaan sa drill ang ‘One System, One Response’ kung saan ang bawat ahensya gaya ng Phil ippine National Police, Philip pine Red Cross, at Bureau of Fire Protection ay nagrespon de base sa kanilang kakayah an sa iba’t ibang insidente gaya
ng sunog, nakawan, at mga nasugatan.
“[Para] isi na kang mga agencies how they are going to respond to a scenario sa paagi ning drill asin threat ning earthquake. So, multiple agen cies, one scenario, one response,” sam bit ni Monterola.
Organisadong bumaba sa kani-kanilang opisina ang mga emp leyado habang nakapatong ang dal awang kamay sa kanilang mga ulo at papunta sa open ground.
“Ang una kong ginawa ay nagdrop, cover, and hold bago ako lum abas ng gusali,” salaysay ni Maribel
Ayon naman kay Omar Bonaobra, na mula rin sa opisina ng PSWDO, mahalaga aniya ang ganitong drill para maging handa ang mga empleyado ng
ilidad na magdulot ng tsunami kung sakaling tumama ang 8.1 magnitude na lindol dahil sa paggalaw ng Philippine Trench.
tsunami within 20 minutes,” saad ni Monterola.
Kung kaya’t aniya mahalaga ang mga drill gaya ng NSED para umano
ISANG SISTEMA,
te, pinasinayaan din ng Provincial Local Government ng Catandanes ang mekanismo ng ‘one system, one response’ para sa maigting na paghahanda sa iba pang problema at sakunang posibleng dulot ng lindol.
lathalain
Stephany
Fe Abrillo
Napinsala man ng nagdaang bagyo at ng istriktong implementasyon ng lockdown dala ng pandemya, hindi natinag ang loob ni Fe Abrillo, Chairman ng Burunyog ng Kababaehan Farmers Agricultural Cooperative ng barangay Cabihian, Virac.
Hindi nagpatinag sa pangarap na magkaroon nang maayos na buhay at serbisyong pampubliko si Mayor Glenda Aguilar ng Caramoran, napabilang man sa Persons with Disability o PWD, ngunit hindi iyon naging hadlang para patuloy siyang mangarap na baguhin ang kaniyang kinagisnang buhay at magbigay ng inspirasyon sa iba.
Lumaki si Mayor Glenda sa Libon, Albay, anak ng isang magsasaka at trabahador sa simbahan. Sa murang edad ay kaniyang nakita ang kahalagahan ng edukasyon bilang tungtungan na makaalis sa kinatatayuang kalagayan. Ang kaniyang pagpupur-
Si Nanay Fe ay huwarang lider ng organisasyon ng kababaihang may hangaring magkaroon ng trabaho hindi lamang sa pansariling konsumo.
Bukod dito, layon ng kooperatiba’y na tumayo’t magpatuloy na magkaroon ng ambag sa lipunan. Sa pamamagitan ng Burunyog na Kababaehan nin Cabihian Rural Improvement Club (BUKACA RIC), lumawak ang sakop ng maaring kayang gawin ng kababaihan.
Binabasag ng grupo ang tradisyunal na nosyon na lalake ang nasa taniman. Puhunan nila ang sipag at tiyaga upang makapag-prodyus ng mga ani at livestock na kanilang ibinibenta sa merkado.
Ang kanilang sakripisyo at tiyaga na bungkalin at pagyamanin ang lupang kanilang sinasaka ay metapora nang kanilang pagkakaisa bilang mga kababaihan na manguna sa mga programa’t proyekto na makatutulong sa komunidad at lipunan.
Si Fe at ang mga miyembro ng BUKACA RIC ay inspirasyon sa lahat.
Hindi man naging madali para sa tubong Cabugao, Bato, na si Stephany Mae S. Chi ang mga dinaanan upang makaapak sa nakamit na pagkilala ngayon, baon naman niya ang katatagan ng loob at ang dedikasyon na makapagbigay nang malaking karangalan sa pamilya, probinsya, at kababaihan.
Ang mapabilang sa ikaanim na pwesto at nag-iisang Bikolana sa inilabas na Medical Technologist Exam nitong Marso 2023 ay patunay lamang na hindi naikakahon sa kasarian ang kayang maibigay sa larangang pinili.
Naging suliranin man ang pandemya na naging sanhi upang maging online ang lunsaran ng edukasyon, dagdag higit lalo na enrolled siya sa pribadong institusyon ng University of Santo Tomas-Legazpi, naging malaking leksyon kay Steph ang pagpupursige.
Sa loob ng halos dalawang taong pakikipagbuno sa distance learning, patunay si Steph na ang pangarap
sigeng makapagtapos at magkaroon ng trabaho, malayo man sa kaniyang pinanggalingan, ay isang salamin ng kaniyang dedikasyong iahon ang buhay.
Ngayon, bilang alkalde ng Caramoran, higit niyang gustong isulong at patuloy na maging boses ng kababaihan na hindi rason ang kasarian upang hindi magawa ang mga bagay at pangarap sa buhay. Ang pagiging PWD ay isang patunay rin na kayang-kaya magbigay ng serbisyo anoman ang estado, kalagayan, at kasarian.
May nagawa at magagawa pa ang isang babae, PWD, at nanay na si Mayor Glenda.
Mayor Glenda Aguilar
MODERNONG MARIA MODERNONG MARIA
Matagal na panahon na ang katauhan konsepto ng pagiging mayumi, mahinhin, na lamang sa kung paano manamit o umakto Clara, kundi pati sa tapang, talino, talento,
STEPHANY FE GLENDA maria
Sa isyung ito ng The Capitol Lighthouse, ang mga kuwento ng mga modernong Maria ng kasaysayan ng probinsiya noon at hanggang ang ating mga
STEPHANY
ay makakamtan kung paglalaanan ng panahon, nasa tiyempo man o wala.
Samantala, una nang pumasok si Steph sa Bicol Medical Center para sa kaniyang internship. Masuwerte namang nagbukas ng pintuan ang Eastern Bicol Medical Center (EBMC) kay Steph upang sa gayon ay mapunan pa ang halos dalawang taong online nang aktwal na karagdagan sa internship program. Ang kaniyang mga nakuha sa ospital ay ang patuloy niyang baon sa piniling landas.
Ang kaniyang pangarap na kilalanin din ang ambag ng babae sa medisina at hindi mabaliwala ang mahalagang kontribusyon sa probinsya at sa pagsulong ng isang lipunang mayroong tamang pagkiling sa karapatan ng lahat, para kay Chi, ang mas lalong nagbigay ng inspirasyon na gamitin ang propesyon, hindi lamang ngayon, kundi sa mga susunod pang pagbuklat ng kaniyang kwento.
MODERNONG
CLARA
CLARA MODERNONG
katauhan ni Maria Clara ay nakakulong sa mahinhin, at masunurin. Ngunit sa ngayon, hindi umakto inihahalintulad ang pagiging Maria talento, at pagpupursige ng isang Filipina.
Lighthouse, binigyan natin ng malaking espasyo Maria Clara ng Catanduanes. Sa pagsusulat hanggang ngayon, lagi’t laging may puwang mga kababaihan.
Mei Teves
Gamit ang kaniyang natatanging boses, ibinandera ng Viracnon na si Mei Teves ang probinsya ng Catanduanes at ang mga kababaihan sa larangan ng musika.
Nagwagi sa iba’t ibang patimpalak sa pagkanta sa loob at labas ng Catanduanes, si Mei ay may kakaibang klase ng talentong kaniyang ibinabahagi sa madla. Humuhugot siya ng inspirasyon ng kagustuhang ipamalas ang galing ng Catandunganon sa industriya.
Mahiyain man, ginamit ni Mei na instrumento ang gitara at boses upang magkuwento ng mga karanasang kaniyang kinamulatan at patuloy na nararanasan sa ngayon.
Ang kaniyang pangarap na makapasok at makipagsabayan sa iba pang alagad ng sining sa bansa ay isang malaking karangalan hindi lamang sa kaniya kundi maging sa mga kababaihan.
Alam ni Mei na sa panahon ngayon, walang pinipiling kasarian ang industriya ng musika. Batid niyang ang musika ay para sa lahat. Katulad ng mga iniidolong babae sa industriyang ito, si Mei ay kabilang sa patuloy na magtataguyod nang pagkilalang ito sa kababaihan.
Kinakailangan mang suungin ang malalakas na alon at makaramdam ng hilo’t pagsusuka, hindi ito alintana ni Roosebel Ranola, tubong Bote, Bato, 29, mangingisda, babae. Upang mataguyod ang pangangailangan ng pamilya, sumasama si Roosebel sa kaniyang asawa na pumalaot dala ang kompyansang makauuwi ng huli at malaking kita para sa naghihintay niyang pamilya. Dating parahag-ot si Roosebel bago suungin ang dagat Pasipiko. Doon, gamit niya rin ang lakas ng katawan upang magawa ang trabaho.
Bilang ilaw ng tahanan, hindi kayang tiisin ni Roosebel ang kalagayan ng kaniyang pamilya na malaking rason upang siya ay sumama sa laot. Dala na rin na ang kaniyang asawa ay may sakit at hindi ganoong nakapagtatrabaho, isang mabigat na gampanin sa kaniya ang maging ilaw at haligi ng tahanan.
Puhunan niya ang lakas ng bawat paghila at pag-angat, at baon din ang katatagan ng loob na kayang-kaya ng babae ang gawaing ito.
Higit pa sa pinagtagpi-tagping lambat, ang pangarap ni Roosebel para sa kaniyang pamilya ay singlawak ng dagat na kaniyang hinaharap sa araw-araw.
Roosebel Ranola
MEI ROOSEBEL clara
Milya man ang layo mula Maynila ngunit hindi ito naging hadlang sa grupo nina Dr. Lourdes Publico, presidente ng University of the Philippines Medical Alumni Society in America (UPMASA) kasama ang Ugnayan ng Pahinungod, upang maisakatuparan ang kanilang layunin — libreng asistensyang medikal para sa bawat Catandunganon.
Sa taya ng Lokal na Pamahalaan ng Catanduanes, umabot sa 1,059 indibidwal ang nabenipisyuhan sa isinagawang Medical, Dental, at Surgical Mission ng volunteer groups sa loob lamang ng tatlong araw,
mula Pebrero 19-23, 2023, na ginanap sa Eastern Bicol Medical Center (EBMC).
Ayon sa presidente ng UPMASA, grupo na binubuo ng mga dalubhasa sa larangan ng medisina mula sa tanyag na pampublikong unibersidad ng bansa, kaakibat ng kanilang tungkulin ang paglingkuran ang kanilang mga kababayan.
“We are a team of surgeons, dentists, pediatricians, medical professionals, and pharmacists. It is our duty [that] we felt to come back and serve our own people,” sabi ni Dr. Publico
Isa sa mga natulungan ng grupo ay si nanay Fe
T. Cajuday, 71 taong gulang at tubong
Lanao, Virac, na halos labing dalawang taon ng iniinda ang sakit sa kanyang ma-
tres dahil sa tumubong bukol.
Sa pag-asang dala ng UPMASA at Pahinungod, tila nabunutan ng tinik si Nanay Fe nang maging matagumpay ang pagtanggal sa kaniyang bukol.
“Igwang bukol [ako] sa matres, kaya pighali na sana so matres ko. Ang apod duman pelvic organ prolapse, ta kung dai ihahari [sabi kaso doktor] baad maglala pa, kaya hinari na lang kasabay kaso matres ko,” pagsasalaysay ni Nanay Fe.
Laking pasalamat ni nanay Fe sa grupo dahil naging maayos ang operasyon sa kaniya. Hindi lang aniya pag-asa ang nakamit sa programang gaya nito bagkus tila dinudugtungan ang buhay ng mga taong hikaos sa buhay tulad niya.
“Magayon ang pag-opera sako. Atindido [r]in ako duman. Minu-minuto ya puntahan ako ta yakumusta ang pagmati ko,” pagmamalaki ni nanay Fe.
Maging si Annielen Toledana ay bilib sa galing ng grupo dahil naging maayos din ang naging operasyon sa kaniyang isang taong gulang na anak na si ‘Francis’, may inguinal hernia o mas kilala sa tawag na ‘luslos’.
“Maayos ang operation, dai naman siyang ibang namati naging mahiwas na [r]in siya pagkatapos kaito[ng operasyon],” pahayag ng nanay ni Francis.
Ayon sa isang health website, operasyon lamang ang paraan gaya ng laparoscop-
ic surgery upang magamot ang tulad ng sakit ni Francis na inguinal hernia.
BILANG NG MGA NATULUNGAN
Sa katunayan, umabot sa 125 minor operations at 49 major operations ang matagumpay na isinagawa ng volunteer groups matapos ang tatlong araw na medical mission.
Halos 351 na Catandunganon naman ang tumanggap ng libreng medical check-up mula sa kanila.
Nabigyan rin ng pagkakataon ng grupo ang 148 na indibidwal na manumbalik ang kanilang mga ngiti dahil sa kanilang dental restoration service.
Umabot naman sa 174 ang libreng nabunutan ng ngipin. Ito ay isang malaking ambag upang mapalakas at patunayan ng isla-probinsya ang taguring ‘Happy Island’.
Ayon kay Dr. Vietrez D. Abella, EBMC chief, masuwerte ang Catanduanes dahil isa ito sa mga lalawigan sa buong bansa na napili ng grupo ngayong taon.
Hindi na kailangan pa aniyang tawirin ang dagat ng mga hikahos sa buhay upang mapatingnan sa espesyalista ang kanilang sakit, sapagkat mismong sila na ang lalapit upang magbigay ng libreng serbisyo.
“Ito pong … UPMASA at Pahinungod, every year, mayroon po silang pinupuntahan na mga probinsya para makadala sila ng specialty surgeries, mga operasyon na hindi pangkaraniwang nagagawa sa ating localities,” paliwanag ng EBMC chief.
“Sa halip na ang mga pasyente ay dadalhin pa sa Maynila…dinala na lang po natin dito iyong mga specialista para dito na lang maoperahan ang mga pasyente,” dagdag pa nito.
Samantala, sa pagtatapos ng kanilang medical mission, sampung
Sagip DugtongKalusugan, Buhay
Libreng asistensyang medikal, handog ng Ugnayan ng Pahinungod at UPMASA sa mga Catandunganon
pasyente ang kailangan pa rin dalhin sa Maynila dahil hindi kaya ng pasilidad at walang kagamitan rito sa isla para sa isagawa ang operasyon.
Siniguro naman ng volunteer groups na sila ang gagastos para rito.
“We have ten patients na iyong mission team na ang magdadala sa Maynila. Sila na po ang gagastos sa lahat - transportasyon hanggang operasyon doon,” saad ni Dr. Abella.
SUPORTA NG LOKAL NA PAMAHALAAN
Binigyang-pugay din ng UPMASA at Ugnayang Pahinungod ang lokal na pamahalaan dahil sa mainit na pagtanggap at suporta nito sa kanilang programa.
Hindi aniya magiging matagumpay ang kanilang medical mission kung walang suporta mula sa mga opisyal mismo ng lalawigan partikular sa tanggapan ng gobernador.
“The Governor’s Office has been very supportive, and without the support of the local government, the local staff of the hospital, our mission would not have been successful,” pahayag ng UPMASA president.
Kaya naman umaasa rin ang lokal na pamahalaan na maging regular na ang medical mission ng grupo upang mas marami pa itong matulungan, partikular ang mga residenteng higit na nangangailangan sa iba’t ibang parte ng lalawigan.
“Isa po sa pinag-uusapan ng mission team ang posibilidad na maging regular na ang ganitong mission sa Catanduanes [dahil] naki-cooperate tayo ng mabuti dito sa UPMASA at Ugnayan ng Pahinungod,” masayang ibinalita ng EBMC chief.
Ayon sa isang volunteer doctor ng UPMASA, sisikapin nila na maging regular ang kanilang programa sa lalawigan dahil marami ring lugar sa buong bansa, gaya ng Catanduanes, na nangangailangan ng kanilang serbisyo.
“We will try our best kasi sa Pilipinas marami talagang kailangan matulungan. So, pwede iyon, magagawa natin iyon,” pahayag ni Dr. Valentin Dolorico.
“We are honored to be here na nakatulong sa sainyo. Magaling din ang tulong ng Governor’s Office, hospital director, medical staff, nursing staff, OR staff, natuto kami sa inyo, natuto rin sila sa amin,” pagtatapos nito.
Mahigit 1,500 abacaleros tumanggap ng ₱5K sa PLGU, DOLE-TUPAD
Aabot sa 1,537 o halos kalahati ng 3,537 mga abacalero sa probinsiya ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Catanduanes matapos maapektuhan ang kanilang kabuhayan ng bagyong Rolly.
Ang mga benepisyaryo ay nagtrabaho sa kanilang lupang sinasaka sa loob ng 15 araw at tumanggap ng kabuuang sahod na P5,475 sa ilalim ng programang Abaca Rehabilitation - Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).
Binigyan din ang mga magsasakang-benepisyaryo ng isang taong
halaga ng insurance at iba’t ibang personal protective equipment o PPE.
Sa pinakahuling datos ng lokal na pamahalaan, pinakamaraming benepisyaryong tumanggap ng tulong ang Baras na may 327 abaca farmers, sumunod ang Viga na may 293, 278 naman sa Pandan, 263 sa Panganiban, 246 sa Virac at 143 sa bayan ng San Andres.
Matatandaang nitong Pebrero 1, 2023, personal na ipinagkaloob ni Department of Labor and Employment
(DOLE) Assistant Regional Director Imelda A. Romanillos ang tsekeng nagkakahalang P19,726,425 kay Gov-
ernor Joseph “Boboy” Cua para sa naturang programa.
Sinimulan ang implementasyon nito nitong ika-9 Pebrero sa dalawang munisipyo: Gigmoto at San Andres.
Kasabay nito, sumailalim ang mga benepisyaryo, kasama ang mga punong barangay, sa Occupational Health and Safety Training sa pangunguna ng DOLE at Provincial Agriculture Services Office.
Bago matapos ang programa, inaasahang dudulog muli ang pamahalaang panlalawigan sa ahensya para sa karagdagang tulong dahil sa ngayon ay nasa 14,000 na ang bilang ng rehistradong abacalero sa lalawigan.
Catanduanes, hakot-parangal sa ginanap na Serbisyong Salud Bikolnon Awards
Anim na parangal ang nasungkit ng delegasyong pangkalusugan ng probinsya sa ginanap na ika-11 Serbisyong Salud Bikolnon (SSB) Awards nitong ika-13 ng Enero, 2023. Hinirang na Best Performing Facility for Measles Rubella-Tigdas Campaign at Chikiting Ligtas Bakunation Days ang Rural Health Unit (RHU) ng San Miguel; parehong nasungkit naman ang PinasLikas Award ng Panganiban RHU (municipal level) at Provincial Health Office (provincial level).
Gaya ng Panganiban RHU, wagi rin ng parehong parangal ang Baras RHU ngunit sa kategoryang Best Performing Facility.
Nakuha naman ng Juan M. Alberto Memorial District Hospital ang Best Mental Health Program Implementation, at napunta ang Nurse Deployment Program Award kay Francis Molina (Provincial Level).
Ginawaran rin ng Pasasalamat Award ang lalawigan maging ang lahat ng mga munisipyo nito, pati na rin ang Radyo Pilipinas at Philippine Information Agency bilang mga media partner ng Department of Health - Center for Health Development.
Laking pasasalamat ni Gov. Joseph “Boboy” Cua sa mga natanggap na parangal dahil isa ito sa mga patunay na maayos na ginagampanan ng RHUs, PHO, at mga kawani nito ang maghatid ng maayos na serbisyong pangkalusugan sa bawat Catandunganon.
Sa katunayan, ibinida ng gobernador sa kaniyang talumpati sa harap ng mga opisyal ng DOH Bicol-CHD ang mga naabot ng lalawigan bilang pinaka-kaunting kaso ng COVID-19 at pinakamaraming indibidwal na nakatanggap na ng kumpletong doses ng bakuna laban COVID-19 sa buong rehiyon.
“[Though] Catanduanes is… the smallest province of Bicol, [we] are proud to say that during the pandemic, kami an naenot magkaigwa nin pinakadiit na kaso ning COVID-19, and during RESBAKUNA, kami ang naenot in terms of percentage,” pagmamalaki ng lokal na ehekutibo.
Pinuri naman ng gobernador ang DOH Bicol - CHD matapos nitong ilunsad ang SSB Online Academy. Ito aniya ay napapanahon dahil sa mga susunod na buwan, ang buong lalawigan ay konektado na sa fiber-optic internet.
“Ang Catanduanes po is nagkaigwa na kami nin underground fiber optic [internet] po. Nakaderetso nang Catanduanes. In fact, in the next 6 months, siguro baka gabos na munisipyo nin Catanduanes igwa na kaming [fiber-optic] internet. Kaya natataon ang programang ito na ini ang launching ning SSB Academy,” pagtatapos nito.
Ayon sa DOH, inilunsad ang naturang online academy upang bigyan ng oportunidad ang publiko na mahasa ang kamalayang pangkalusugan tulad ng Newborn Screening at makatulong upang masubaybayan ang kasalukuyang presyo ng mga gamot.
CapitolSpotlight
Subion Brothers: Nananalaytay sa dugo ang lakas ng kamao
Hindi lang isa, bagkus apat sa limang anak ni Archie Subion, dating Mixed Martial Arts fighter at residente ng Barangay Palta Small, ang posibleng maging susunod na ‘Pambansang Kamao’ ng bansa.
Sa ginanap na Elorde Ultimate Knockout Challenge (UKC) Revolution Boxing Event nitong ika-29 ng Enero sa Parañaque City, ang mga batang boksingero na sina Archie Subion II, nakapagtala ng 13 panalo, at Yurrico Cain Subion, na may 11 panalo, ay nasungkit ang kampeonato.
Ang kanilang kapatid na si Di-
throne Subion ay kampeon rin at tinanghal bilang
‘Best Fighter’ sa kaparehong kompetisyon, na may rekord na 13 panalo at 6 KOs; samantala si Bishounen Subion ay naabot ang 9 na panalo at 4 KOs.
Sa ngayon, tatlo sa mga magkakapatid maliban kay Archie ay wala pang naitatalang talo. Kaya naman,
‘Pwera Bisita, Pwera Bisita’: Pantalan ng Kwento ni Barrameda
Naglayag man nang magkailang-ulit paroon parito’t si Emmanuel Barrameda o kilala sa tawag na “Emman,” manunulat, tubong Virac, at guro ng Catanduanes National High School, bago tuluyang manahan sa kaniyang kinagisnang pantalan, ang lansa at init, ingay, at kapayapaan ng downtown ay saksi ng kaniyang mga pinagtagpi-tagping kwento.
Nagwagi si Emman sa iba’t ibang patimpalak habang kabi-kabila rin
ang kaniyang nadaluhang palihan sa loob at labas ng isla. Siya rin ay kasapi ng KATAGA: Samahan ng mga Manunulat sa Pilipinas (KATAGA) sa Manila Cavite Young Writers Association. Nagkamit ng mga pagkilala tulad ng Palanca Award noong 2014 at 2016.
Bukod pa rito, siya rin ay awtor ng Pwera Bisita, Balager, Distrungka, at iba pang mga akda. Ang kaniyang librong Pwera Bisita ay nagwagi sa ika-13th National Book Awards ng Na-
Sophia Benavidez, tuloy-tuloy ang pag-reyna sa judo
Matapos masungkit ang gintong medalya sa nakalipas na 85th University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Judo Championship, nagpakitang gilas muli ang Catandunganong judoka na si Oonah Sophia Shenika Benavidez nang lampasuhin niya sa score na 8-0 ang kaniyang kalaban sa Wrestling FedSingapore
(WFS) – National Open and Team Trials 2023, nitong ika-11 ng Marso, sa Bedok, Singapore. Bitbit ang pangalan ng bansa, nanaig ang Catandunganong judoka kontra sa Singaporean na si Aisha Klomp sa kategoryang Under 15 Girls Sports Sambo category.
Kasalukuyang nag-aaral sa University of Santo Tomas ang junior
tional Book Award Development sa kategoryang Best Book of Fiction in Filipino.
Ang kaniyang mga kwentong nakalunan sa Catanduanes ay hindi lamang naikulong sa pantalan ng Virac, sa ingay at init ng Imelda Boulevard na kaniyang nilakad, kundi, ang bawat tao at kwento na kaniyang nakilala, nakausap, at nabahagian ng bawat alon ng kaniyang buhay.
high school judoka na tubong Barangay Palnab Del Sur, Virac, kasama ang kaniyang pinsang judoka na si Ryan Christian Benavidez na kampeon din ng 85th UAAP Judo Championship.
Sa katunayan, nakatakdang lumipad ngayong Setyembre ang magpinsang judoka patungong Qatar upang lumahok naman sa gaganaping Asian Games.
Sa lente ni Andreana Chavez
Isang himala kung ituring ni Andreana Chavez, tubong San Andres, ang kaniyang pagkapanalo sa isinagawang Nikon Day 2023 Photo Contest nitong ika-25 ng Marso 2023 sa Ayala Malls Manila Bay.
Layon ng kompanyang Nikon ang magbigay ng pagkakataon para sa mga katulad niya na matuto mula sa mga respetadong photographer ng industriya.
“Ang habol ko lang po talaga noon ay makinig sa mga lectures nina Sir George Tapan, Ma’am Alecs Ongcal at
iba pa,” pahayag nito.
Hindi na rin umasa si Andreana na manalo dahil sa napakaraming professional photographers na may magagandang camera at lens.
Habang ang lahat ng kalahok sa photowalk ay nakatuon sa isang cosplay event sa mall, naghanap ng ibang angulo si Andreana at napukaw siya ng kambal na naghahanda ng kanilang costume sa palikuran ng mall.
Hindi inaasahan ni Andreana na ang larawan na palang iyon ang magwawagi sa patimpalak na may
‘Bola bilang bala’: Sulyap sa Laro ng Buhay ni Trollano
Totoo ngang “bilog ang bola” para sa tubong Gigmoto, Catanduanes na si Celedonio “Don” B. Trollano, 31. Ang
PBA small forward at shooting guard ng NLEX Road Warriors ay patuloy na nagpapamalas ng kaniyang galing at nakikisabayan sa mga kaparehong atleta.
Nag-aral sa Adamson University at naging manlalaro ng Adamson Falcons noong 2014, ang batikanong manlalaro ay agad na napili sa ika15 na draft season ng Rain or Shine
Elasto Painters, 15th overall pick.
Gamit ng kaniyang natatanging gilas sa laro, nagkaroon ng tiyansa si Trollano na maikot ang iba’t ibang kuponan tulad ng TNT Katropa noong 2018 samantalang nalipat naman sa Blackwater Elite sa sumunod na taon bago nitong 2020, ay muling ibinalik sa kaniyang “homecourt” na NLEX Road Warriors.
Sa 2022 Philippine Cup, nakapagtala si Trollano ng 11 puntos sa fourth quarter daan para umarangkada ang kanilang kuponan. Nitong Marso 2, 2023, sa ginanap na Governor’s Cup
ay nanalo naman sila kontra terra firm Dyip kung saan nakapagtala ang Catandunganong manlalaro ng 44 puntos, na gumiba sa PBA alltime record.
Ang napiling laro ng buhay at galing na ipinakita ni Trollano ay higit lamang sa mga natatanging kwento ng pawis at dedikasyon. Ang bolang kaniyang itinatakbo ay sapa larang bala niya sa pagsuong sa mas malalakas na bangga at depensa na siya lamang ang may kontrol.
temang “Today I Seize The Moment” ang napili sa higit 500 na entry.
Tila isang puno na tumubo ang kaniyang karera bilang photojournalist; mula sa punla ng sisidlan bilang miyembro ng kanilang school publication sa San Andres Vocational School (SAVS) na ngayon ay yumabong hanggang sa Kamaynilaan bilang Photojournalist ng The Catalyst, ang opisyal na student publication ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) - Manila.
Putulin, paghiwahiwalayin, at batakin mo man ang katawan, pero sa huli, dekalidad at matibay na hibla ang matitira. Ito ang natatanging katangian ng abaca na sumasalamin sa katatagan at pagkakakilanlan ng bawat Catandunganon.
Sinubok man ng panahon o anumang unos gaya ng malalakas na bagyo ngunit mananatili ang hibla ng katatagan na nagbibigkis sa bawat Catandunganon.
Higit pa sa isang halaman ang abaca, ito ang nagsisilbing hininga at lakas ng halos 15,000 na mga Catandunganong magsasaka upang patuloy na lumaban sa buhay.
Dugo’t pawis ng libo-libong Catandunganong abacaleros ang naging puhunan ng lalawigan upang manatili ito bilang top producer ng abaca, hindi lamang sa buong rehiyong Bikol bagkus sa buong bansa.
Sa datos ng Philippine Fiber Development Authority (PhilFIDA) noong 2020, halos 30 porsyento ng produksyon sa industriya ng abaca fiber sa Pilipinas ay mula sa Catanduanes.
Dahil sa sakripisyo ng mga Catandunganong magsasaka na makalikha ng ganoong kalaking produksyon bawat taon, isa itong patunay na karapat-dapat ang lalawigan na kilalanin bilang ‘Abaca Capital’ ng Pilipinas.
Ang pagkilala ay naging opisyal noong ika-15 ng Abril 2022, sa bisa ng RA 11700. Kaya naman, kumpyansa ang Lokal na Pamahalaan ng Catanduanes sa pamumuno ni Governor Joseph C. Cua na ang deklarasyon ay may malaking ambag para matulungan ang industriya ng abaka sa probinsya.
Ito rin ay malaking tulong sa mga Catandunganong magsasaka para mas lalo pang palakasin at paunlarin ang kanilang hanapbuhay sa tulong ng iba’t ibang programa.
PROGRAMA’T PROYEKTO PARA SA INDUSTRIYA
Isa na rito ang proyektong kasalukuyang tinatapos sa bayan ng Caramoran, ang kauna-unahang Abaca Tuxy Buying Special Project (ATBSP) Fiber Processing facility sa buong bansa.
Ang naturang pasilidad ay pinondohan ngPhilFIDA upang matulungan ang mga abacalero sa lugar sa pag-mechanize ng proseso ng tuxying. Makatutulong ito para doblehin at padaliin ang produksyon ng abaca.
Malaking dagok rin ang pinapasan ng mga magsasaka sa mga pesteng sumisira sa kalidad ng abaca fiber, kung kaya’t sa kasalukuyan mayroong programa dito ang ahensiya.
Ayon kay PhilFIDA
Provincial Head Roberto Lusuegro, apat na milyong piso ang pondo para sa Abaca Disease Management Program (ADMP) ngayong taon.
“A total of 800 hectares [ang] target for ADMP this year. [Ang] bayan ng Bato at San Miguel, ‘yan ‘yong may 15 percent and above disease incidence,” paliwanag ng Philfida provincial head.
Mayroon pa ring mga programang nakalatag para bigyang trabaho ang halos 3,500 abacaleros. Ito ay sa ilalim ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).
Pinondohan ito nang aabot sa 20 milyong piso ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region V. Ayon sa ahensya, magtratrabaho sa loob ng 15 araw ang mga benepisyaryo at sila tatanggap ito ng Php365 bawat araw bilang sahod.
Ang naturang programa ay isa lamang sa mga tinalakay ng Catanduanes Development Council (CDC) nitong ika-3 ng Pebrero, 2023, matapos nilang aprubahan ang Provincial Commodity Investment Plan (PCIP) for Abaca with Climate Risk Vulnerability Assessment (CRVA) Intervention.
Sa ilalim ng plano ay ang mga posibleng proyektong makatutulong upang mapabilis ang rehabilitasyon ng abaca na popondohan ng Philippine Rural Development Project.
Malaki rin ang pakinabang ng itatayong abaca seedbank at high-value truck nursery sa bayan ng Caramoran upang magkaroon ng mas dekalidad na abaca fiber.
Popondohon din ng PhilFida ang Catanduanes State University para tayuan ng laboratoryo ng abaca tissue.
Ang mga iba’t ibang programa at proyekto na pinatutupad ay patunay lamang na malaki ang suportang ibinibigay ng lokal na pamahalaan upang lalo pang palakasin ang industriya ng abaka.
Darating ang araw, ang dekalidad at matibay na hibla ng abaka na nagmumula sa tiyaga, sipag, at lakas ng magsasakang Catandunganon, ay ang magiging pundasyon ng isla upang makilala hindi lang sa Pilipinas, bagkus sa buong mundo bilang ‘Abaca Capital of the World’.