TC SEPTEMBER-OCTOBER 2008

Page 1

2 0 0 8

SEPTEMBER-OCTOBER

Vol. XXIII No. 04

Page 6

Illustration: Edrick S. Carrasco

EDitorial:

NEWS:

CULTURE:

BahayKalakal

5 estudyante ng PUP Lopez kinasuhan

ROUND TRIP

Page 2

Page 3

Page 8


02

D

arating ang panahon na ang bawat Pilipino ay magaantay na ng kanya-kanyang balikbayan box tuwing Pasko. Hindi dahil sa ganoon na tayo kayaman upang makapagpadala ng sariling imported goods sa mga sarili natin, kung hindi dahil ang bawat Pilipino ay mayroon nang kapamilya’t kamaganak na nagtatrabaho sa ibang bansa. Sa isang milyong Pilipino na naipapadala ng gobyernong Arroyo sa ibang bansa kada taon, tiyak na higit pa itong tataas dahil sa target nitong paabutin pa ng dalawang milyon ang labor export sa 2010. Isang patunay na ginagawa nang kalakal ang mga kababayan natin para sa inaasam umanong kaunlaran. Noong Oktubre 29-30, idinaos sa bansa ang ikalawang Global Forum on Migration and Development (GFMD). Ang unang GFMD ay ginanap sa Brussels, Belgium noong Hulyo 2007. Ito ay isang impormal at taunang pagtitipon ng mga memberstates ng United Nations (UN) para pag-usapan ang migrasyon bilang isang kasangkapan tungo sa kaunlaran. Ginanap ang GFMD sa bansa dahil pumapangalawa tayo sa Mexico sa laki ng bilang ng manggagawang lumalabas kumpara sa dami ng populasyon ng isang bansa. Ayon sa Migrante International, mayroong 10 milyong Pilipino o 15% ng populasyon ng Pilipinas ang nakakalat sa 197 bansa. Pinakamalaki ang konsentrasyon (4.5 milyon) sa Amerika at Canada, kasunod ang nasa Middle East, Italy at Asia-Pacific. Higit 36,000 pa lamang ang lumuluwas noong 1975 kumpara sa higit isang milyon na nitong 2007. Pang-apat naman ang Pilipinas, kasunod sa China, Mexico at India, sa pinakamalaking naipapadalang remittance. Umabot na sa $17 bilyon ang remittance noong 2007 kumpara sa $103 milyon pa lamang noong 1975. Naniniwala ang mga taong nasa likod ng GFMD, sa pangunguna ng mga miyembrong bansa ng UN, na ang migrasyon ay malaking tulong para sa ikauunlad ng buong mundo. Ayon kay UN Sec. Gen. Ban Ki-moon, “it is our obligation to understand the implications of the migration phenomenon, to learn from each other and to build partnerships that will make migration work for development.” Ngunit ayon sa Migrante International, hindi totoong magagamit ang migrasyon tungo sa kaunlaran. Simula 1974 ay malawakan at tuluy-tuloy na ang pag-eeksport ng Pilipinas ng lakaspaggawa. Ang mga mamamayang nasa labas ng bansa ay nasa milyon na samantalang bilyong dolyar na rin ang naipapadala nilang remittance. Ngunit magpahanggang ngayon, bagsak pa rin ang ekonomiya ng bansa. Sinabi pa ng Migrante International na ang gobyerno, malalaking bangko at negosyo ang higit na nakikinabang sa remittance ng mga overseas Filipino workers (OFW). Nariyan ang Department of Foreign Affairs (DFA), Department

“A potent agent of change”

Edit o r ia l Bo a r d 2008-2009 Editor in Chief Joyce A. Llanto Managing Editor Kimberly Anne B. Salas Associate Editors Ma. Fatima Joy B. Villanueva Joannes R. Alonsagay

Bahay-

Kalakal

of Labor and Empolyment (DOLE), Philippine Overseas Employment Agency (POEA), at Organization of Workers Working Abroad (OWWA) na nangunguna sa paniningil ng samu’t saring fee sa mga OFW. Nasa P18 bilyon kada taon ang kinikita ng gobyerno sa mga dokumento ng mga aplikante paalis ng bansa at P2 milyon kada buwan sa buwis sa remittance. Hindi pa kasama riyan ang mga bangko’t money transfer company na kumikita rin nang malaki. At ito ang nais tularan ng iba pang bansang dumalo sa GFMD. Bukod sa mga kalahok na opisyales ng gobyerno, kasama

Walang buhay na halimbawang makakapaglahad ng pang-aabusong dinaranas ng mga ito sa kamay ng mga dayuhang amo.”

rin sa GFMD ang mga institusyong pampinansya sa daigdig tulad ng World Bank at Citibank, malalaking korporasyon sa remittance tulad ng Western Union, mga pribadong organisasyon, pati na mga labor recruitment agencies. Lahat halos ng mga pangunahing nakikinabang sa pangangalakal ng mga OFW ay imbitado sa naturang forum, maliban

sa mismong mga migrante. Isa sa sinasabing agenda ng GFMD ay ang pagtalakay sa karapatan at kapakanan ng mga OFW. Ngunit sa esensya, walang migrante ang imbitado sa forum na para umano sa kanila. Walang buhay na halimbawang makakapaglahad ng pang-aabusong dinaranas ng mga ito sa kamay ng mga dayuhang amo. Dahil sa labas ng bansa, abut-abot ang pahirap na pinagdadaanan ng mga manggagawa. Ayon pa rin sa Migrante International, mayroon nang 4,000 Pilipino ang nakapiit sa dayuhang kulungan, higit 10,000 ang stranded sa Middle East, mayroong 30 nakahanay sa bitay, ‘di mabilang na biktima ng abuso, rape, illegal recruitment, contract violation, crackdown sa mga dokumento, at iba pa. Dahil sa hindi malinaw at sapat na ibubunga ng GFMD sa mga OFW, nanawagan ang Migrante International noong Oktubre 29, kasabay ng pagdaos ng naturang forum sa bansa, ng Zero Remittance Day. Hinikayat nito ang milyun-milyong OFW at mga pamilya nito na huwag magpadala ng remittance bilang simbolo ng pagtatakwil sa labor export program ng gobyernong Arroyo. Sa dami ng mga manggagawang Pilipino na inaasahan ng pamahalaan dahil sa remittance nito, kayang-kayang iparamdam ng mga ito ang kanilang hinaing kahit sa pamamagitan lamang ng isang araw na hindi pagpapadala ng pera nito sa bansa. Kung mga bagong bayani ang taguri sa kanila, marapat lamang din ang sapat na pagpapahalaga sa kanila. Ituring silang tao at hindi lamang basta’t mga kalakal.

News Mark P. Bustarga Gerald Villanueva Aleczar Chelsie R. Serrano Features Jeric F. Jimenez Joshua M. Manata Literary Siena Catherine B. Farparan Community Cristina Puso Culture Melanie M. Moyo Artists Edrick S. Carrasco Shirley Tagapan Paula Renee M. Reyes Photographer Grace F. Gonzalez Lay-out Artist Paul Nicholas M. Divina Junior Staff Writers Ma. Quey Ann Eliza A. Solano Jewel O. Alquisola Janiz L. de Belen Monica M. Presnillo Narisa Caranto Ramoncito G. Felarca Angelie Marie F. Gardose Maria Karol P. Hernandez Fitz Gerald T. Romero Marlon Peter N. Bermudez Christzaine Saguinsin Herbert D. Montecer Junior Artists Maybelle Gormate Francis B. Biñas Keizer Rosales 2nd flr. Charlie del Rosario Building, PUP Sta. Mesa, Manila Telefax: 7167832 loc. 637 Send your comments, suggestions and messages to da_cata@yahoo.com, Visit us online at www.thecatalyst.tk. Text KATA and send to 2299. MEMBER : Alyansa ng Kabataang Mamamahayag (AKM-PUP), College Editors Guild of the Philippines (CEGP)

VOL. XXIII No.04 September-October 2008 Illustration: Francis B. Biñas


Matapos akusahang mga NPA

5 estudyante ng PUP Lopez kinasuhan

Limang estudyante ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Lopez, Quezon ang kinasuhan ng rebelyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos akusahang mga miyembro ng New People’s Army (NPA), Setyembre 3. Kinilala ang mga kinasuhan na sina Catherine Rufo, tumatayong punong patnugot ng The Epitome, pahayagang pangkampus ng PUP Lopez; Jerome Obligar, dating pangulo ng Konseho ng mga Mag-aaral; Eugene Nollas, tagapangulo ng Kaeskwela, alyansa ng mga progresibong organisasyon; Aileen Abiera, dating punong patnugot ng The Epitome; at Ryan Niño Tan. Samantalang nakilala ang nagsampa ng kaso na si Lt. Col. Roman Tello, Commanding Officer ng 76th Infantry Battalion ng AFP.

Pananakot Ayon kay Obligar, inakusahan silang mga miyembro ng NPA matapos mahuli umano ang isang PUP alumnus na pinagbibintangan din umanong kasapi ng NPA. May nakuha raw umano ang AFP na mga dokumento rito na nagtuturong pati silang lima ay mga miyembro ng rebeldeng grupo. “Mula pa man noon ay mainit na talaga ang pangalan namin sa mga militar. Dahil ito sa pagkondena namin sa presensya nila sa community,” ani Obligar. Dagdag pa ni Obligar, paraan lamang umano ng mga militar ang pagsasampa ng kaso para patigilin sila sa pagsama sa mga rali at pagkondena sa militarisasyon sa loob ng PUP Lopez. “Bago maganap iyong nakaraang eleksyon, may ginanap na symposium sa PUP Lopez na organized ng

AFP at ng ROTC (Reserved Officer Training Corps). Pagkatapos ng symposium, sinabi sa amin ng ibang mga estudyante na bida nga raw kami doon. Pinakita pala doon iyong picture ni Cecilia Monja. NPA daw iyon tapos itinuturo kaming mga NPA rin. Natalo ako sa council election dahil doon,” aniya. Sinabi naman ni Rufo na pati ang pamilya niya ay ginagamit ng militar para patigilin sila sa pagkilos laban sa presensya ng AFP sa kanilang pamantasan. “Sinundo ako ng mama ko sa PUP sakay ng van. Sabi niya pupunta kaming ospital kasi maysakit daw siya. Iyong driver pala eh sundalo tapos sa kampo pala ako dadalhin. Wala na’kong nagawa,” kuwento ni Rufo. “Pagdating doon, kinausap ako ng mga sundalo. Kinokompromiso akong makipagtulungan daw sa kanila. Eh wala naman akong masasabi sa kanila dahil hindi naman ako NPA.” Aminado naman ang mga estudyante na natatakot sila sa mga ginagawang hakbang ng mga miyembro ng AFP. “Paranoid na kami. Hindi na kami makakain nang maayos. Nagtetext din kasi sila na nasa labas lang daw sila ng bahay namin at nagmamanman,” paliwanag ni Obligar. Militarisasyon Isa sa matinding tinututulan umano ng mga progresibong estudyante sa PUP Lopez ang lumalaganap na militarisasyon sa kanilang pamantasan. “Laganap talaga ang militarisasyon sa aming eskwelahan at malakas ang impluwensya ng mga ito maging sa mga opisyales sa lugar namin. Dati every Friday lang sila nagbabantay

sa school namin hanggang sa naging araw-araw na. Mayroon na rin silang outpost sa labas ng PUP Lopez at palaging may nakabantay na isa o dalawang militar,” pahayag ni Rufo. Kinondena naman ni PUP Student Regent Ma. Sophia Prado ang mabagal na pag-aksyon ni PUP Pres. Dante Guevarra upang masolusyonan ang nagaganap na militarisasyon sa Lopez at maging ang pagsasawalang-bahala sa limang estudyante na sinampahan ng kaso ng AFP. “Hindi katanggaptanggap ang ginagawang pambabalewala ng lokal na administrasyon ng PUP-Lopez sa mga magaaral na nakasuhan. Hindi Boycott rin makatarungang sikilin ang karapatan ng mga Ang mga kabataan-estudyante habang gumagawa ng props sa picketline progresibong organisasyon ng Kowloon House sa West Ave. na naghahayag ng matinding th pagkundena sa rehimen ni Pang. Gloria Macapagal Arroyo,” ani Student Regent Prado. Muling pinatunayan ng University-College of Saint Ayon pa kay SR Prado Politeknikong Unibersidad Benilde. ang pangingikil at pananakot ng Pilipinas (PUP) ang Kaugnay nito, dalawa sa limang estudyante ng angkin nitong talino matapos pang alumni ng CAFA ang PUP-Lopez ay paglabag makapasok sa sampung nakapasa sa IDLE. Ito ay sina sa Prudente-AFP/PNP pinakamataas na marka Christine Manalo at Abegail Memorandum of Agreement ang isang PUP alumna sa Villacrusis. Nairehistro ng PUP (MOA). nakaraang Interior Designer ang 50% passing percentage. Nakasaad sa MOA na Licensure Examination (IDLE). “Hindi na ito tsamba ipinagbabawal ang mga three consecutive Si Heidi Luciano Salvador, dahil militar sa loob ng pamantasan. nagtapos ng Bachelor in exam ng nagta-top ang mga Bukod pa rito, 50 metro Interior Design sa College of estudyante ng PUP. We’re very dapat ang distansya ng mga Architecture and Fine Arts happy, of course. About the sundalo mula sa bisinidad ng (CAFA-PUP), ay 5th placer sa performance, they bring honor anumang pamantasan. nakaraang IDLE na ginanap to the university.” pahayag ni Dagdag pa ni Student noong Oktubre 1, 2 at 3 sa CAFA, Dean Ted Villamor G. Regent Prado na ang mga buong bansa. Inocencio. mag-aaral din na ito’y Inungusan ng PUP ang iba Ayon naman sa nakaranas ng pagmamanman pang malalaking pamantasan Professional Regulation ng mga cadets ng ROTC na gaya ng Unibersidad ng Commission (PRC), 78 siyang naging paraan ng Pilipinas (6th, 7th at 9th placer), mula sa 184 na kumuha ng mga militar upang malaman Unibersidad ng Sto. Tomas IDLE sa buong bansa ang ang mga ikinikilos ng mga (8th placer), at La Consolacion nakapasa. Nakatakdang lider estudyante. College-Bacolod (10th placer). manumpa ang mga nakapasa Ma. Quey Ann Eliza A. Solano Samantalang nanguna sa Nobyembre 9. Christzaine M. Saguinsin naman ang De La Salle Jeric F. Jimenez

CAFA alumna 5 placer sa licensure exam

Bitbit ang panawagan sa CNA

Bautista muling nahalal na UNAKA president “Maganda ang nangyari sa eleksyon. Kung noon ay wala kaming nakalaban, ngayon nahirapan kami sa pangangampanya. Pero narito kami at muling magsisilbi para sa mga kawani ng PUP.” Isa lamang ito sa mga binitiwang linya ni Emmanuel “Dindo” Bautista matapos

manalo sa nakaraang Unyon ng mga Nagkakaisang Kawani sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (UNAKA-PUP) election, Setyembre 3. Si Bautista na nagbitbit sa panawagang maipatupad ang Collective Negotiations Agreement (CNA) ng mga kawani ng PUP ay nagtamo

Yano Jazul

03

ng 305 boto upang mahalal na pangulo sa pangalawang pagkakataon. Samantalang umani naman ng 204 na boto si Mario Pelagio, kalaban ni Bautista sa naturang posisyon. Sa pangunguna ni Commission on Election Chairman Robertito Roque

nailabas ang resulta ng eleksyon noong Setyembre 6, kasabay nito ang pormal na proklamasyon sa mga bagong halal na pinangunahan naman ni Vice President for Administration Augustus F. Cesar. Ayon kay G. Roque, dinaluhan ang naturang halalan ng 97% bilang ng mga kawani kung saan maituturing na isang matagumpay ang

naganap na eleksyon. Bukod kay Bautista, nahalal rin sina Carolina Recto bilang VP Internal; Angelito Celario, VP External; Samuel Santiago, Secretary General; Fatima Alzate, Deputy Secretary; Marlyn del Rosario, Treasurer; Tina Roxas, Asst. Treasurer; Antonio Lee, PRO; Jaime Gonzales, Business Manager; at para (sundan sa P.4)

September-October 2008 VOL.

XXIII No.04


04 Joannes R. Alonsagay

Panukalang COC Uniform Ipinatigil Ipinatigil ng Business Regulations Office (BRO) ang panukalang pagpapatupad ng uniform sa College of Communication (COC) dahil din umano sa iregularidad nito. Ayon kay Randy Alcantara, Director ng BRO, ang Student Council-College of Communication (SCCOC) ay hindi nagprisinta sa kanyang tanggapan ng kaukulang mga papeles sa panukalang pagkakaroon ng COC Uniform. “Walang tatak ng Internal Audit (IA) ang mga resibo na iniisyu sa mga estudyanteng umorder sa kanila, dapat aprubado ng IA ang mga resibo na iniisyu nila sa mga estudyante.’’ ani Alcantara. Sa panayam ng TC kay SC President Jordan Ga, sinabi niyang naresolba na nila umano ang isyu sa IA. Ayon pa sa kanya, ang tanging problemang nakita nila ay ang pakikipagkontrata sa mananahing walang

Sa gitna ng represyon Nagsagawa ng programa ang mga manunulat ng The Catalyst upang hingin sa administrasyon ang nakabinbin nilang pondo at ipaglaban ang campus press freedom. Ito ay sinuportahan ng presidente ng College Editors Guild of the Philippines na si Vijae Alquisola.

Dahil sa tambol at tarpauline

3 PUPian kinasuhan Tatlong lider-estudyante ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas ang kinasuhan matapos magdaos ng kilosprotesta sa harap ng opisina ng Reserved Officers Training Corps (ROTC), Agosto 29. Nakilala ang tatlo na sina John Michael Panganiban, tagapangulo ng AnakBayanPUP; Alain Mark Zamora, tagapangulo ng League of Filipino Students (LFS-PUP); at Arvin Gatdula, miyembro ng Anakbayan. Samantalang ang nagsampa ng mga kasong Malicious Mischief, Direct Assault at Grave Threat laban sa tatlo ay si Leonardo

Coquila, chief ng PUP Security Office. Nag-ugat umano ang reklamo ni Coquila noong Agosto 1 nang maglunsad ng kilos-protesta ang mahigit 300 freshmen student ng ROTC na nais sanang lumipat sa Civil Welfare Training Service (CWTS) at nagresulta umano sa pagkasira ng tarpauline at tambol na pagmamay-ari ng ROTC. Ayon kay Coquila, kinasuhan niya ang mga lider-estudyante dahil sa paglabag sa tuntunin ng PUP. “Ang pagkasira ng tambol at tarpauline ay

UNAKA President... (Mula P.3) sa posisyon ng mga komite naluklok sina Federico Aguilo, Committee on Grievance and Negotiation; Esperanza Cayabyab, Committee on Finance; Simplicia Camacho, Committee on Membership; Diosdado Martinez, Committee on Labor, Education, Research and Training; Iluminada Ubaldo, Committee on Public Affairs; at Geronimo Cuadra, Committee on Welfare and Employee Service. Sa panayam ng TC kay Bautista, sinabi nito na pangunahin pa rin niyang isusulong sa kanyang panibagong liderato ang pagpapatupad ng

administrayon ng PUP sa CNA ng mga kawani’t guro na noon pang Abril 19, 2007 naaprubahan ngunit magpahanggang ngayon ay hindi pa rin umano naisasakatuparan. “Narito kami upang ipaglaban na maipatupad ang CNA. May ilang meeting na rin ang ipinatawag subalit hindi rin ito nauupuan,” aniya. Nakapaloob sa CNA ang dagdag-sahod ng mga guro at kawani ng PUP, maging ang mga benepisyong makukuha nito at ang usapin ng kontraktwalisasyon. Kimberly Anne B. Salas Narisa Caranto

wanted: James Harvey Estrada. Aizha Mavizhazha Llave. Joseph Mari Malanay. Marvin Pamplina. Roberto Legaspi. Giselle Monsalud. Romeo Peña. Cattleya Malonzo. Jeanielyn Lajara. Edsel Nuñez. Nery Aspili. Rose Ann Cruz. Wilbur Rodriguez. Maari lamang na magtungo kayo sa The Catalyst office upang i-claim ang inyong mga premyo sa nakaraang Mabini Sessions II literary contest. Hanggang Pebrero 28, 2009 lamang maaaring kuhain ito. VOL. XXIII No.04 September-October 2008

labag sa school rules dahil ito ay pagmamay-ari ng unibersidad,” aniya. Ayon naman kay Panganiban, hindi makatwiran ang pagsasampa ng kaso sapagkat ilegal daw umano ang proseso ng pagdedemanda. “Dapat sa loob ng unibersidad resolbahin ang problema sapagkat ang nangyaring kaguluhan ay naganap sa loob ng PUP at hindi sa labas,” pahayag ni Panganiban. Dagdag pa niya na wala naman silang kinalaman sa pagkasira ng tambol at tarpauline.

University Business Permit. Nang tanungin naman ng TC si Ga kung bakit walang tatak ng IA ang mga resibong iniisyu nila sa mga estudyanteng nag-order, sinabi nitong valid na ang resibong may tax number kahit wala nang tatak ng IA. “Hindi totoo na IGP ng SC-COC ang koleksyon ng COC Uniform. Ni hindi nga namin nahawakan ang pera at hindi rin kami nasangkot sa collection. Ipinagamit lang namin ang SC Room sa mananahi para magsukat at mangolekta ng bayad”. pahayag ni Ga. Dagdag pa ni Ga, ayon sa isang Memorandum of Agreement ( MOA ) sa pagitan ng SC at ng mananahi, nakatakdang tumanggap ang SC ng 16 na ceiling fans bilang donasyon. Ngunit magpahanggang ngayon ay hindi pa nila natatanggap ang naturang mga gamit.

AYAW MO MAGING DEAD KID? MAGING CATAKID KAPAG PUMASA KA SA:

THE CATALYST QUALIFYING EXAMS,

Jewel Alquisola Monica M. Presnillo

MAAARING MAGTUNGO SA 2ND FLR. CHARLIE DEL ROSARIO BLDG., MAGDALA NG KOPYA NG REGI O STUDENTS COPY AT 1X1 PICTURE.

104 PUP Foundation ipinagdiwang th

Ginunita ang ika104 na anibersaryo ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) sa pamamagitan ng pagdaos ng iba’t ibang programa noong Setyembre 29Oktubre 3. May temang PUP 104: Fair Under Protest, layunin din ng selebrasyon ang pagprotesta laban sa mga dagdag-bayarin at paghingi ng higit na mataas na badyet para sa pamantasan. Pormal na binuksan ang isang linggong selebrasyon sa pamamagitan ng isang parada na dinaluhan ng mga estudyante at college councils. Matagumpay ding ipinagdiwang ang taunang cheering competition kung saan nagwagi ang College of Office Adminstration and Business Teacher Education (COABTE). Inabangan din ang taunang

Marlon Peter N. Bermudez Fitz Gerald T. Romero

Paul Divina

Gabi Alipe ng Urbandub habang nagtatanghal sa October Revolution IV

Pylon Run na pinamunuan ng Alpha Phi Omega. Buhay na buhay ang PUP grounds kung saan iba’t ibang organisasyon ang itinayo sa pathways. Setyembre 30 nang ginanap ang PUP Jive’08 sa

PUP Freedom Park na nilahukan ng mga estudyante at nagpakita ng kanilang mga talento sa pagsayaw. Dinaluhan din ng mga student councilors, staff writers at estudyante ang Amazing Race. Samantalang naiuwi ni Rachelle Anne Aguirre ng COABTE ang unang gantimpala sa PUP Idol ’08. Nagpakitang-gilas naman ang mga banda sa PUP sa taunang October Revolution na ginanap sa PUP gymnasium gaya ng Urbandub, Chicosci, Datu’s Tribe at Valley of Chrome. Sa panayam ng The Catalyst kay Jan Paulo Austero, pangalawang pangulo ng SKM, sinabi niya na “Ang paggunita sa 104 na taon ng PUP ay ang pag-alaala rin ng kasaysayan ng mga iskolar ng bayan na patuloy ang pagguhit ng pakikibaka para sa edukasyon.” Kimberly Anne B. Salas


05

F

ascism, n: a political philosophy, movement, or regime that exalts nation and often race and stands for a centralized autocratic often militaristic government. (Source: Miriam-Webster Dictionary) Tagubilin ng mga maka-masang manunulat na gumamit ng mga salitang madaling maintindihan ng mga mambabasa. Kung ang isang paksa na tatalakayin mo ay naglalaman ng mga salitang madalang marinig at gamitin ng mga mambabasa, nariyan dapat ang kahandaan mong ipaintindi sa kanila ang mga ito. At tulad ng salitang binigyang-kahulugan sa itaas, tatalakayin ko ang fascism (pasismo o ang sistematikong paraan ng panunupil ng estado sa mamamayang lumalaban) sa paraang higit na maiintindihan ng nakararami. Hindi lamang sa pamamagitan ng diksyunaryo, kung hindi sa mga aktwal na pangyayaring magpapatunay na ang pasismo ay umiiral nga, maging ito’y sa loob ng mga pamantasan. Jose Rizal University Dahil sa pagiging isang pribadong unibersidad ng Jose Rizal University (JRU), hindi nakaligtas ang mga mag-aaral nito sa pagtataas ng matrikula nitong nakaraang pasukan. Kalauna’y nagbunga ito ng panawagan para sa refund ng sobrang halaga na siningil ng pamunuan ng unibersidad dahil sa umano’y ilegalidad ng proseso ng tuition fee increase. Noong Hulyo 8, nagprotesta ang mga magaaral ng JRU sa pangunguna ng mga progresibong organisasyon kung saan ang lahat ng dumalo ay nagsuot ng pulang tshirt. Ito’y sa kabila ng kahigpitan ng unibersidad sa pagbubuo ng mga militanteng organisasyon sa loob ng pamantasan. Matapos ang naturang aksyon, nagsimula nang makaranas ng iba’t ibang porma ng represyon ang mga mag-aaral. Ayon kay Jason Orioste, estudyante at dating tagapangulo ng Kabataang Artista para sa Tunay na Kalayaan (Karatula), isang pangkulturang organisasyon, isang mag-aaral sa kanilang unibersidad na nasa unang taon sa kolehiyo at aktibong miyembro rin ng Karatula ang nilapitan ng isang hindi pa nakikilalang lalaki habang nakaupo sa kanilang tambayan sa tapat ng JRU noong Agosto 11. Kinausap umano ang estudyante ng naturang lalaki at binantaang: “alam kong aktibista ka at kaya kitang patayin dito”. Ngunit imbes na magpadala sa takot, sumagot ang estudyante ng: “maraming tao rito kaya alam kong hindi mo ako kayang patayin dito”. Umalis ang lalaki ngunit nagsabing babalik ito. Matapos ang pangyayari, napansin umano ng estudyante na panay na ang pagsunod ng naturang lalaki hanggang bahay nila. Hanggang noong Agosto 18, habang papasok siya sa unibersidad, sinabayan siya ng lalaki sa dyip hanggang sa

pagbaba niya sa Kalentong, Lungsod ng Mandaluyong. Pagbaba nila sa naturang lugar, sapilitan siyang dinala ng lalaki sa tapat ng isang bangko upang doon muli bantaan. Sa pagkakataong ito, tinutukan na umano ito ng kutsilyo. Sumigaw ang estudyante para makuha ang atensyon ng mga tao sa paligid kaya mabilis na sumakay ng dyip ang lalaki. Ang naturang estudyante ay nakaranas din umano ng tuwirang pamumuwersa mula sa administrasyon ng JRU para sabihin kung saan ang staff house ng mga aktibista sa unibersidad. Bukod pa rito, dalawa pang estudyante na miyembro naman ng Anakbayan ang nakaranas na sundan din ng dalawa pang lalaki. Ang isang mag-aaral ay sinabayan umano sa dyip at binantaang papatayin dahil sa pagiging aktibista nito. Samantalang ang isa ay sinusundan maging hanggang sa bahay nito. Si Orioste, matapos ang naganap na protesta noong Hulyo 8, ay isa sa 19 na estudyanteng sinuspinde ng pamunuan ng JRU. Naniniwala ang mga mag-aaral at miyembro ng mga progresibong organisasyon na ang administrasyon ng kanilang unibersidad ang nasa likod ng mga nagaganap na pananakot sa mga estudyante. “Ayon sa dean ng Office of Student Affairs, nagbigay raw

ng utos ang Camp Crame sa JRU administration upang tugisin ang mga aktibista sa loob ng pamantasan. Ibig sabihin, admin talaga ang nangunguna sa pasismo na may basbas ng mismong militar,” pahayag ni Orioste. Agosto 3 nang isang forum para sa mga National Service Training Program (NSTP) students ang ginanap sa JRU na pinamahalaan ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Dito binanggit ang mga progresibong organisasyon tulad ng Anakbayan at League of Filipino Students (LFS) bilang mga rekruter umano ng New People’s Army (NPA). Ateneo de Manila University Dating manunulat ng Matanglawin, opisyal na pahayagang pangkampus ng Ateneo de Manila University (ADMU), miyembro ng Emman Lacaba Artist Collective at convenor ng Youth Act Now-ADMU si Tisha Nami Martinez. Nasa ikaapat na taon siya sa Ateneo. Buwan ng Agosto nang may makita siyang isang lalaki na nag-aabang sa labas ng kanilang bahay. Sinundan umano siya nito mula sa unibersidad hanggang bahay nila. Kalauna’y nagulat siya nang makita niya muli ang lalaking ito na security guard na mismo sa unibersidad ng Ateneo. University of the Philippines- Diliman Taong 2004 pa lang nang isang estudyante ng College of Fine Arts sa University of the Philippines-Diliman (UP-D) ang natukoy na kasapi ng Student Intelligence Network (SIN), sangay ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines

Joyce A. Llanto

(ISAFP) kung saan tuwirang ginagamit at binabayaran ang mga estudyante upang tiktikan ang kapwa-estudyante na miyembro ng mga progresibong organisasyon. Ayon kay John Francis Losaria, manunulat ng Philippine Collegian, ang opisyal na pahayagang pangkampus ng UP-D, at secretary general ng Solidaridad, isang alyansa ng mga pahayagang pangkampus, ginamit ang naturang mag-aaral ng Fine Arts upang makakuha ng impormasyon sa mga aktibista. “Naroon pa ang paggamit nito ng nakakahilong kemikal para lamang mapasagot ang isang aktibista sa mga tanong nito. Ito rin ang naglagay ng transmitter sa mga tambayan ng mga militanteng organisasyon bilang bahagi ng paniniktik sa mga ito. Nabugbog ito noon nang mahuli. Sa ngayon, graduate na ang naturang estudyante,” kuwento nito. Taong 2006 naman nang mapabalita ang pagpapakalat ng 10 miyembro ng Philippine Marines sa loob ng UP-D upang magpanggap na miyembro ng Special Services Brigade ngunit palagiang nakikitang nagrereport sa walkie-talkie sa tuwing may nagaganap na protesta. Sila rin umano ang tahasang kumukuha ng mga litrato sa mga aktibista. Hulyo 2007, bago maaprubahan ang Human Security Act, isang puting van na may plakang UDU 234 ang umaligid sa loob ng unibersidad. Gawain din umano nitong manguha ng litrato ng mga aktibista. Nahuli ito at dinala sa UP Police. Nitong Agosto 2008 naman nang isang miyembro rin ng SIN ang dumalo sa oryentasyon ng LFS sa College of Mass Communication. Inalok umano nito ang isang bagong miyembro ng LFS na sumali sa SIN upang maniktik sa naturang organisasyon. Kaparehong buwan din nang isang forum para sa mga Civil Welfare Training Service (CWTS) students ang ginanap sa College of Engineering sa pangunguna ng Reserved Officer Training Corps (ROTC) at AFP. Gaya nang naganap sa JRU, pinaratangan din dito ang mga progesibong organisasyon na mga rekruter ng NPA. Sa kasalukuyan, mayroong balita na magkakaroon ng AFP detachment sa loob ng komunidad ng UP-D pagsapit ng Nobyembre. Bahagi raw ito ng pagpapaalis ng mga komunidad sa paligid ng unibersidad at kampanya ng militar para sa anti-insurgency. Polytechnic University of the Philippines Balitang-balita sa telebisyon ang pagkakahuli sa apat na militar at miyembro ng ISAFP sa loob ng Polytechnic University of the Phlippines (PUP) matapos pumasok at maniktik sa mga nagpoprogramang estudyante sa Popeye noong Agosto 29. Pero bago pa ito naganap, ilang mga estudyante at (sundan sa P.14) September-October 2008 VOL.

Illustration: Paul Divina

XXIII No.04


06-07

S

a matagal na panahon kong pagsusulat, nadama ko ang sarap sa pakiramdam sa tuwing darating ang dyaryo lalo na kung kasama ako sa hirap, pagod at puyat. Ngunit kaalinsabay ng bawat yabag sa entablado upang kunin ang parangal bilang pinakamahusay na pahayagan, kasabay ng bawat pagkilalang nakakamit sa pagsusulat, kabalikat nito ang libu-libong pang-aalipusta at daandaang pang-aapi mula sa mga taong hindi naiintindihan ang prinsipyong dapat nakasandig sa masang-api ang panulat. Ang malawakang represyon sa mainstream media Hindi maikakaila na ang Pilipinas ay pangalawa sa pinakamapanganib na lugar para sa mga mamamahayag, ayon sa International Federation of Journalist (IFJ). Sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Arroyo, mayroon nang humigit-kumulang 1000 biktima ng pampulitikang pamamaslang, kabilang dito ang 18 kaso ng pagpatay sa mga manunulat at 1 0 3 kaso ng

silang hawak ay pluma

pagpaslang na kinasangkutan naman ng mga opisyal ng Arm Forces of the Philippines (AFP) Philippine National Police (PNP) at Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) – mga organisasyong naglilingkod umano sa sambayanan para sa kapayapaan at seguridad ng bansa. Hanggang sa kasalukuyan, mahigit 60 kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag mula noong 2001 ang hindi pa nareresolba. Kabilang dito ang pagpatay kay Dennis Cuestra, isang komentarista sa General Santos City.

s a gitna ng represyon at bala

manunulat ng kanikanilang unibersidad, pawang tinortyur at wasak ang mukha nang matagpuan.

Binaril si Cuestra ng mga hindi pa nakikilalang armadong lalaki. Ilang araw matapos ang pagpaslang kay Cuestra, sumunod naman si Martin Roxas na binaril ng dalawang lalaki sa likuran matapos ang kanyang programa sa Panay. Ang maaanghang na komentaryo sa mga isyu ng korapsyon, kasangkot ang mga politiko sa kanilang lugar ang itinuturong dahilan ng kanilang pagkakapaslang. Hindi rin mailalayo sa mga

Illustration: Edrick S. Carrasco

mamamahayag ang kasong libelo. Ayon sa National Union of Journalist of the Philippines (NUJP), ang libelo ay madalas gamitin ng mga nasa kapangyarihan upang maging instrumento sa pagsikil sa pamamamahayag. Dahil dito, maituturing na pag-apak sa malayang pamamahayag ang ginawang hakbang ni First Gentlemen Mike Arroyo nang magsampa ito ng 46 libel cases sa ilang mga journalists ng mga pahayagang Malaya, Newsbreak, Philippine Daily Inquirer, Bandera, Tribune at INQ7.net Ayon sa International Covenant on Civil and Political Rights (ICCPR), hindi maisasantabi ang naiaambag ng mga manunulat sa malayang pamamahayag at nananatiling tangan ng mga ito ang karapatang magpahayag ng sariling opinyon. “Receive and impart information and ideas through any media and regardless of frontiers, either orally, in writing or in print, in the form of art, or through any other media of choice,” ayon pa isang statement na kanilang inilabas. Labis ding nakaranas ng represyon ang mga mamamahayag makaraang iproklama ni PGMA ang Presidential Proclamation 1017 na nagbibigay dagdag

kapangyarihan sa kanya upang sikilin ang karapatan sa pamamahayag sa telebisyon, print media at radyo. Ang pagiging kritikal ng isang mamamahayag ang nagiging dahilan ng labis na represyon tulad ng nangyari sa ABS-CBN, isa sa pinakamalaking network pangtelebisyon na pagmamayari ng mga Lopez. Lumalabas umanong maaaring bahagi ng pagganti ni PGMA sa ABS-CBN ang isyung pag-take over nito sa Meralco na pagmamayari din ng mga Lopez. Kung matatandaan, isa ang ABS-CBN sa mga naging kritikal sa kanyang administrasyon sa gitna ng mga katiwaliang kinasangkutan nito mula “Hello Garci” hanggang NBN-ZTE deal. Mosquito Press Isang dekada na rin ang nakakalipas nang bansagang mosquito press ang mga campus publications dahil hindi nalalayo ang campus press sa nararanasan ng mainstream media. Naisabatas ang Republic Act 7079 o ang Campus Journalism Act of 1991 na naglalayong proteksyunan umano ang mga mamamahayag pangkampus, ngunit lampas ng isang dekada ang pagpapatunay na hindi ito epektibo. Patunay nito noong nakaranas si Frances Martinez, dating photographer ng The Catalyst, ng panunutok ng kalibre .38 ni Assistant Security Chief Ernesto Garcia noong 2003. Kinukunan noon ni Martinez si Garcia habang hawak-hawak

Bagong hamon Kasalukuyan na namang ang kanyang baril sa hinahamon ang mga publikasyon kasagsagan ng isang sa PUP. Ito ay matapos maglabas protesta. Matapos siyang ang Internal Audit ng panukalang tutukan ng baril, ikinulong kailangang dumaan sa bidding mga publikasyon sa pa nito si Martinez sa security ang pamantasan. office. “It is not clearly stated in the Hindi rin malilimutan ang libel case na isinampa noong student Handbook na ang mga 2006 ni Vice President for Finance publication ay kailangang magGloria T. Baysa sa apat na editors under go ng bidding” pahayag Orland Tubola, punong ng TC na sina Karlo Cusi, Katherine ni Garcia, Rheanne Camille Garcia patnugot ng Spectrum, opisyal at Rowena Cahiles. Ito’y dahil na pahayagan ng College of Engineering. sa isang artikulo Mariin ding na inilathala ng tinutulan ni publikasyon tungkol Higit pa sa Pamela Grace sa mga kontrobersya bawat takatak Saplan Associate at iregularidad Editor ng Ars sa sa pamantasan ng makinilya, College of Arts partikular ang human nauubos na tinta, ang panukalang rainbow project. k a i l a n g a n g Isa sa mga at nasasayang dumaan sa bidding taktika ng kahit na na papel ang process ang lahat sinong administrador ng publikasyon isinasakripisyo ang maniobrahin sa pamantasan. ang usaping nila. Silang Ayon pa sa pampinansya, sa mamamahayag kanya, ito umano pag-aakalang ay paglabag sa mapapatigil nito ang na kapag campus journalism. isa sa kanyang mga sumandig ang “ I s a n g kritiko. Nitong summer represyon din 2008, tinanggal ni Dr. panulat sa ang ginagawa Dante Guevarra ang masang-api ay sa pagtatanggal The Catalyst fee sa sistema ng enrollment waring nakabaon sa mga idinikit naming poems, at magpahanggang na sa lupa ang maging din sa mga ngayo’y hindi pa propesor na kapag nito ibinibigay sa isang paa.” nalamang taga-Ars publikasyon ang dalawang summer at 2nd semester ka ay sasabihan kang aktibista,” ani Saplan. fund. Para naman kay Jerome Philip Tunay na hindi nalalayo ang sitwasyon ng mga campus Ricamata, punong patnugot ng journalist sa mainstream media The Communicator sa College maging sa pagpaslang. of Communication, ramdam na Halimbawa na riyan ang brutal na ramdam nila ang represyon sa pangongolekta pagpaslang sa VP for Mindanao manu-manong ng College Editors Guild of the pa lamang ng kanilang pondo. Hindi lamang ang mga Philippines (CEGP) na si Benjaline “Beng” Hernandez at kamakailan publikasyon sa PUP main campus lamang, sa CEGP VP for Visayas na ang nakakaranas ng represyon. si Rachelle Mae Palang: parehong Naririyan ang kasong rebellion na

kinasangkutan ng limang magaaral ng PUP Lopez kabilang si Christine Rufo, punong patnugot ng The Epitome, opisyal na pahayagang ng mga mag-aaral ng PUP Lopez. Pinaratangan ni AFP 76th Infantry Battalion. Commanding Officer Lt. Romeo Telleo si Rufo at iba pa na miyembro at rekruter umano ng NPA dahil lamang sa pagiging kritiko nila laban sa administrasyong Arroyo. “Hindi makatarungan ang kanilang ginawa dahil mga estudyante kami, hindi mga NPA. Nakakatakot dahil maging ang mga campus press na tulad namin ay ramdam na ramdam ang pasismo ni Gloria. Sunod-sunod na rin yung mga natatanggap naming text message na kami na raw ang susunod. Ginagamit din ng mga militar ang mga ROTC cadets para manmanan ang mga ginagawa namin,” pahayag ni Rufo Lubusang inilahad ni Rufo sa isang panayam ng TC ang represyong nararanasan nito sa PUP Lopez. Ayon pa sa kanya, natakot umano ang kanyang mga magulang nang malamang nasa order of battle na sila. Iginiit niya na hindi siya kasapi ng NPA. “Basta ang alam ko lehitimo ang mga ipinaglalaban ko. Mamatay man ako, pinatunayan lamang nila na mali ang umiiral na sistema,” pagtatapos ni Rufo Higit pa sa bawat takatak ng makinilya, nauubos na tinta, at nasasayang na papel ang isinasakripisyo nila. Silang mamamahayag na kapag sumandig ang panulat sa masangapi ay waring nakabaon na sa lupa ang isang paa. Labis na ang nadaramang represyon at pasismo, mainstream man o sa campus press. Hindi malayong higit pa sa pangaalipusta at pang-aalimura ang kanilang gawin. Baka dumating ang panahong nagmamakaawa ang aking mga magulang sa paghahanap ng hustiya dahil maging ang pangalan ko’y nasa lapida na. Jeric F Jimenez Maria Karol P. Hernandez


S

a pag-alis ng mga Amerikano sa bansa, lumabas ang pagiging malikhain ng mga Pilipino. Nakabuo sila ng mga sasakyan na hango sa piyesa at modelo ng mga Kano. Pinangalanan itong Sarao, hango sa apelyido ng unang nakaimbento ng dyip sa Pilipinas. Paglipas ng panahon, dumami ang bilang nito at naging pangunahing paraan ng transportasyon na pangkaraniwang naghahari sa mga kalsada ng Kamaynilaan. Dekada nobenta nang nagsimulang humarurot sa rutang Stop and Shop hanggang SSS Village o Parang at balikan ang mga makabagong uri ng dyip. Makaagaw-pansin talaga ang mas mahabang sukat nito kaysa sa mga pangkaraniwang dyip. Meron din itong magagarbo at makukulay na mga disenyo sa tagiliran at malalaki at malalakas na speaker. Paglabas pa lamang dyan sa may kalye ng Teresa, makakakita ka na ng mga ganitong itsura ng dyip – ang PATOK. Ito ang mga dyip na may mabilis na pag-andar at pagewang-gewang kung magpatakbo.

Joy Ride

O

ws?” Iyon na nga lang ang naisip ko nang may makakwentuhang higher year na kakilala dito sa PUP. Sabi kasi niya na hindi magiging kumpleto ang college life mo dito kung hindi ka pa nakakasakay sa patok. Syempre, bilang isang freshmen, naintriga naman ako kung kaya’t sinubukan at nagustuhan ko ring sumakay sa humaharurot na dyip na ito. Noong unang sakay ko, nagkayayaan lang

talaga kaming magkakaklase. Isang dare na naging game naman ang lahat. Ang bilis ng tibok ng puso ko noon. Magkahalong takot at excitement. Noong umandar na ang dyip, napadasal talaga ko ng “Our Father”, kapangalan ng unang patok na nasakyan ko. Kakaibang pakiramdam noong ito’y bumabaling pakaliwa habang sumisigaw ang ilang pasahero na “banking pa!”. Tumatagilid pa ang dyip dahil sa pagdaan nito sa gutter at paminsan-minsan ay dumadaan pa sa island. Paulit-ulit ang pagbabanking, paggutter at pag-island. Ngunit sa bawat pagkakataon, lalo pa itong nagiging mas exciting kesa sa mga nauna. Nag-eenjoy na nga ako. Siguro mga sampung minuto lang ang tinagal ng byahe na siyang simula ng masasayang joyride ng buhay ko. Mula noon, pagpatak ng alassais, nakatambay na kami sa may V. Mapa. Hindi na rin kasi kami nakukuntento sa pag-aabang sa tapat ng Teresa. Sa dami ba naman ng mga “patok adiks” na kagaya namin, siksikan na lagi ang mga nakaupo, mayroon pang nakasabit at nakaupo sa flooring ng mga inaabangan naming patok. Ibang klaseng kasiyahan ang dulot nito sa akin. Mabisang pang-alis ito ng mga problema, sa pamilya man, pinansyal, nosebleed na acads at maging sa buhay-pagibig. Naging biruan nga naming magkakaibigan na hindi lang dahil sa mabilis na pag-arangkada nito kaya kami nakakalimot ng mga pasanin sa buhay. Kundi pati na rin sa untog na natatamo ko tuwing nagbabanking ang dyip. Hirit naman ng isa kong klasmeyt na matatalino nga daw ang mga nagpapatok dahil makakagawa na ng “patoktionary” o diksyunaryo ng mga terminong pampatok sa dami ng bagong salitang nauuso at ginagamit doon. Walang konsepto ng pagpreno sa munting mundo na mayroon kami sa loob ng patok. Kung kaya’t naging impresyon na rin na kapag patok-rider ka, cool at astig ka. Sinu bang ayaw tingalain sa hanay nating mga kabataan? Dagdag ito sa image na ‘always in’ na kailangan kong buuin ngayong kolehiyo, maging sa genre ng usong tugtugan ngayon. Napapasabay ang napapakabog kong puso sa dagundong ng Pinoy rap at hiphop

beats na pinapatugtog nila kuyang drayber at ng kanyang barker. Kung may dalang ka namang CD, pwede rin naman itong isalang. Makailang beses na rin akong nailigtas nito. Una, sa pagiging late sa mga major subjects ko na night offering sa B.S. Math. Puro pa kasi pre-requisite iyon kaya kailangan talagang pasukan. Pangalawa, sa sermon ng nanay ko. Sabi niya kasi, gumagala pa raw ako imbes na diretso uwi na lang pagkatapos ng klase. Dahil sa patok, kahit may konting gala, nakakaabot pa rin ako sa itinakdang curfew sa bahay dahil singbilis naman ng kidlat ang pagharurot nito paglagpas pa lamang sa V. Mapa. Isa pa nga pala, napatibay na nito ang samahan naming magkakaklase, ang mga una kong “patokmeyts”. Ang bawat araw na kasama ko silang nag-iintay ng patok ang nagsisilbing bonding time namin. May mga nabawas na rin dahil kapos sa pambayad ng matrikula o di kaya’y napangasawa ng mga drayber o barker ng patok. Marami ring nadagdag na mga bagong kaibigan. Daig ko pa ngayon ang kasali sa isang clan sa text. Tsaka may isa pang espesyal na alaala dito sa patok. Naalala ko pa noong una kong nakita si Kuya na laging nakastripes. Nagyoyosi pa siya noon habang nakaupo sa may estribo. Ang lakas ng dating. Natatakpan pa ng bangs yung mga mata niya kaya lalo akong naintriga. Yun nga lang, hindi ko na siya nakikita ngayon. Ang balita nga ay nasa probinsya siya. Pero hanggang ngayon, sa tuwing nagaabang ako ng patok, inaasahan ko pa ring makakasakay o makikita ko man lang siya. Dahil ang patok at siya ay naging bahagi na rin ng aking buhay. Sa pamamatok, nakakakaba talaga pero iyon na marahil yung binabalik-balikan ko dun. Yung pagiging unexpected ng mga susunod na pangyayari. Hindi talaga bilog ang korte ng mundo, para sa aming mga “patok adiks”, hugis ito ng dyip na kung tawagin ay patok. Ito na nga ang pampuno sa kakulangan ng naging araw ko. *Hango ang kuwento mula sa karanasan nila Shirley at Angie Angelie Marie F. Gardose

PAGTAHOL NG BARKER

M

alaking bahay, masarap na pagkain, mga kasambahay, masarap na buhay, mara.. “Hoy Jolas, gumising ka na nga dyan! Tirik na ang araw o!” Kay aga-aga, bunganga na naman ng misis ko ang almusal ko. Sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos ay laging pumapasok sa isip ko ang mga bagay na pangarap kong maranasan. Sa panaginip, nakakatikim ako ng masarap na buhay. Pero daig pa nito sa bilis ang pagharurot ng isang patok kung maglaho. Sa isang iglap, paggising ko, eto uli ako, mahirap. Katapat ang mesang mayroon lamang isang tasang kape at iilang pandesal na nangunat na. Eto na naman ako sa simula ng maingay at mausok kong buhay. Matapos magwisik,

Illustrations: Shirley Tagapan, Keizer Rosales // Page lay-out: Paul Divina

‘no

thanks’

B

awal ang mahina ang loob o may sakit sa puso. Kung first timer ka, matinding kaba ang mararamdaman mo na may kasamang takot. Sa pag-andar ng makina ay may kung anong pakiramdam na naiwan ang puso ko sa kung saan. Naninikip ang dibdib ko sa mabilis na takbo nito na para bang katapusan na ng aking buhay. Ganyan ang pakiramdam ko sa pagsakay sa Space Shuttle ng Enchanted Kingdom. Para naman sa mga parukyano, sa ilang beses na sumakay at sasakay pa din ay kung anong ligaya ang inihahatid. Dinadaan sa asaran at tawanan ang kaba’t takot at sa sigaw ang paninikip ng dibdib. Pero hindi ko na kailangang pumunta pa sa Laguna para lang muling maranasan ang ganitong pakiramdam. Salungat sa ligayang hinahatid ng mga rides sa amusement park, ang kabang kapalit ng pagsakay sa patok. Gabi-gabi, nakikita ko ang mga kapwa ko estudyante na inaabot ng hating-gabi sa paghihintay nito sa harap ng Teresa at minsan pa sa may V. Mapa sa harap ng Lumanog Music Store. Hindi ako panatiko ng Tungaw, Cable Splicer, Carpenters, Our Father at kung anu-ano pang pangalan nila. Pero bakit ko alam? Una, dahil bukambibig ng mga klasmeyt ko na sabay-sabay umuuwi at pangalawa, dahil ang mga tulad nilang pampasaherong dyip ang nakikita kong bumabanking o umaisland sa kalsada. Nakakakaba dahil pwede nitong mahagip ang mga naghihintay sa sidewalk sa kabila ng dalawang lanes lang ang kahabaan ng Aurora Blvd. “No, thanks.” Mahal ko ang buhay ko. Iyan ang paulit-ulit kong sagot sa makukulit kong kaklase na namimilit na sumabay sa kanila pauwi at magpatok. Pero hindi nila ako masisisi kung bakit ganoon na lamang ang sagot ko. Naalala ko noon napasakay ako sa patok (sa panahong ‘yun hindi ko pa alam na patok pala ang tawag sa mga ganuong dyip) mula Katipunan pabalik ng Stop and Shop, mabilis ang takbo kasabay ang malakas na saliw ng tinagalog na RnB. Biglang preno ang dyip dahil may patawid. Papunta sa unahan ang pressure kaya napausod ang lahat papunta sa likod ng drayber at

magmumog, at magbihis, handa na muli akong gampanan ang natatanging papel ko sa kalye – isang barker. Dalawampung taon ko nang binubuhay ang pamilya ko sa pamamagitan ng pagbabarker. Pilit kong tinataguyod sa pagaaral ang tatlo kong anak, huwag lang silang m a t u l a d s a ’ m i n ng asawa kong walang natapos. Kahit anong pilit namin ng asawa kong pagkasyahin ang kita ko sa arawaraw, tila suntok sa buwan na maging sapat pa ito para sa amin ng pamilya ko. Sa isang araw ng pamumuhunan ko ng boses para sa kakarampot na pera, matinding epektong pampisikal din ang

barker. Nagitgit ako dahil nasa likod ako ng passenger’s seat. Dinala ako noon sa UERM Medical Center sa sobrang sakit ng naipit kong mga hita at paa. Ilang araw lang ako nagpahinga sa bahay at gumaling na kaagad ang sprain ko. Pero ang takot, nanatili sa akin. Mula noon, namimili na ako ng dyip na sasakyan ko pauwi. Natrauma nga talaga ko sa nangyari. May isang pagkakataon pa nga, sumakay kaming magkakaibigan sa isang pangkaraniwang dyip. Wala kasi itong magagarang naka-air brush paint sa tagiliran ng dyip, ang trademark ng mga bumabanking na patok. Hindi talaga namin inasahan ang biglang pagbanking nito pagkalagpas ng stoplight sa V. Mapa. Napatili pa nga ako noon. Nagtawanan ang mga ibang mga pasahero ngunit wala akong pakialam kung isipin man nilang OA (overacting) ako. Ang sa akin lang, mahal ko pa talaga ang buhay ko at hindi ko isasaalang-alang ang kaligtasan ko para sa ganoong uri ng katuwaan. KJ (killjoy) na kung KJ pero dapat na talagang ipagbawal ang patok. Dapat pa nga ay magpatupad ng speed limit para sa mga sasakyan. Kapakanan kasi ng pasahero ang nakasalalay. Sabi ng kasama ko sa org, ‘conquer your fear’. Ang sabi ko naman, oo, takot talaga ko pero mas iniisip ko ang kaligtasan ko, ng mga kapwa pasahero, mga inosenteng pedestrian na maaaring madamay at maging ang mga drayber at barker nito. Kumbaga nga, nadaplisan na ako ni Kamatayan pero paano kung sa susunod na sakay ko nito, e matuluyan na ako? Ayoko pa mangyari iyon. Marami pa akong gusto at kayang gawin para sa pamilya ko at sa bayan. Hindi matutumbasan ng tinatawag nilang kaligayahan o thrill sa pagsakay sa patok ang timbang kapag ang buhay mo na mismo ang kinuha sa iyo. Ilang beses ko na ring ipinaliwanag sa mga kakilala ko ang pangamba ko sa mga maaaring mangyari. Kung gaano sila kapanatiko rito, ganon din ang antas ng pag-ayaw ko sa patok. Kaya sa tuwing may umaaya sa akin sumakay ng patok, isang magalang na “no, thanks” na lang ang nagiging tugon ko. *Hango sa salaysay nina Belia at Valen Joannes R. Alonsagay inaabot ko. Andyan yung mahihilo ako dahil sa sobrang init ng panahon pero hindi naman ako pwedeng sumilong dahil maraming pasahero ang maari kong makaligtaan. Iyong pananakit ng likod at binti dahil sa magdamagang pagtayo at iyong panunuyo ng lalamunan dahil sa walang tigil na pagsigaw ng “Cubao, Bao, Bao, Cubao!”. Pero mas kaya kong indain iyong mga pisikal na epektong ‘yun kaysa sa mga panghuhusgang nababasa ko sa mga mata ng mga pasaherong ‘yan. May mga pagkakataong tatawag ka ng pasahero at

Salpok SA patok

S

a tinagal-tagal ko dito sa PUP, naging self-confessed “patok adik” nga din ako. Kasabay ng pagkahumaling ko sa sport na track and field, naging bahagi na rin ng pagiging PUPian ko ang pagsakay sa patok. Naging bonding na rin namin ito ng mga tropa ko na pareparehong pa-Cubao ang daan pauwi. Ni isa sa amin, hindi naisip na ang isang gabi ng summer 2008 ang susubok sa pagiging patok-adik naming mga varsity. Pagkatapos naming mag-enrol, nag-abang kami ng dyip sa tapat ng maliit na gas station, sa pagtawid lang ng Teresa. Maya-maya, dumating ang lumang Tungaw o yung tinatawag nilang ‘kabaong’. Habang paparating, paliko pa lamang sa may motel zone, bumanking na ito kaagad. Wala talaga kaming balak magpatok noon dahil may kasama din kaming mga freshmen ng team. Pero dahil ito ang unang dyip na dumating, idagdag pa na pagod na rin kami dahil sa tagal ng enrolment, sumakay na kami rito. Paglabas pa lamang nito patungong Aurora Blvd., lagpas ng Santol, bumanking na naman ito. Napakapit na lang kami sa biglang pagpalo nito. Dahil nga mga patok-adik ang karamihan sa amin, kilala na rin namin ‘yung mga magaling bumanking na drayber. Sa pagkakatanda ko sa mukha ng nagmamaneho noon, bago lang ito. Ang alam ko nga, dati siyang barker. Ganoon din pala ang iniisip ng isa kong ka-tropa sabay sabi na “baka pagpraktisan lang tayo nito”. Hindi siya nagkamali. Pagkalagpas ng V. Mapa, humarurot na ang Tungaw. Isa, palo sa kaliwang lane. Dalawa, banking hanggang sa gutter. Tatlo, palo ulit pabalik ng kaliwa. Apat. Lima. Anim. Nawala na ako sa bilang kasabay ang pagpaikut-ikot ng dyip. Nang bumalik ako sa ulirat, nakataob na ito at nakadagan ako sa katapat ko. Sa may bandang Mercury, bago mag-SM, naganap ang aksidente. Kahit ganoon ang nangyari, mabilis pa ring nakapagisip kaming mga pasahero. Dalimapanghusgang tingin ang ibabalik sa’yo na para bang puro masama lang ang kaya mong gawin dahil nga taong kalye ka. Kala ata nila lahat ng barker ay snatcher din eh. Oo, aminado naman akong gusto kong makaranas ng masaganang buhay, pero hindi naman sa maling paraan. Aminado din ako na ilan sa mga kasama kong barker ay gumagawa ng ganun. Nangiisnatch, nanghoholdap, pero ‘yung iba hanggang pambabastos lang ng babae. Nakulong na rin yung iba pero ngayon nagbabagumbuhay sa pamamagitan ng pagbuhay sa pamilya bilang isang barker na tulad ko rin. Malaki na ang P200 na maiuwi ko sa isang araw ng pagtatrabaho. Depende pa ‘yun sa kung gaano karaming dyip ang mapuno ko ng pasahero. Limang piso bawat dyip na mapuno. Pag Miyerkules, matumal, dahil kaunti ang estudyante sa labas ng Teresa. Kung kakalkulahin, kapos na kapos ang P200 para sa isang araw ng isang pamilyang mayroong limang miyembro. Sisenta pesos para sa pamasahe ko balikan, P50 para

dali kaming naglabasan dahil na rin sa pag-iingay ng makina. Inakala talaga naming sasabog ito ngunit hindi naman nangyari. Ilang sandali pa, may dumating nang ambulansya at dinala sa Unciano ang mga nasugatan nang malubha, kabilang na ang konduktor ng dyip. Yung drayber naman, hinuli ng mga pulis. At ako, pilay lang sa kaliwang braso ang tinamo ko. Iyon kasi iyong ipinangtukod ko nang tumaob ang dyip. Swerte pa pala kami ng lagay na iyon. Nang ikinuwento ko ang naganap sa iba kong kaibigan, sumulpot ang kwento ng ilang aksidenteng nasaksihan at kinasangkutan mismo nila. Ayon sa kwento ni Kuya Rudy, drayber ng patok, ang pinakakalunuslunos na naganap na aksidente sa kanya ay noong may nakaladkad itong isang pedestrian. Na-hit and run na daw kasi iyon ng kotse. Noong nakahiga na sa gitna ang biktima, nasagasaan pa ito ng patok at nakaladkad. Mahabahaba rin ang tinakbo ng dyip na ganoon na pala ang sitwasyon. Walang kamalay-malay ang drayber at mga pasahero dahil sa lakas ng sounds at pag-eenjoy sa pagbabanking nito. Naalala ko pa iyong pandidiri sa mukha ni Kuya Rudy habang ikinukuwento iyon. Nahiwa raw kasi iyong hita nito at hindi na rin nagtagal ang buhay sa ospital. Hanggang ngayon nga raw, binabayaran pa rin niya ang danyos sa pamilya ng kanyang nabiktima. Ganun man ang nangyari saken, namamatok pa rin ako. Hindi alintana na hindi lang pilay ang aabutin ko sa susunod na salpok ng patok. Exciting e. Doon pa rin ako, maging ang mga kabarkada ko, humuhugot ng kasiyahan. Iba pa rin kasi yung thrill na may unexpected na maaaring mangyari. Pero sa totoo lang, kapag nakakakita ako ng patok, naiisip ko na isa itong sasakyan ni Kamatayan o isang malaking mass grave ng mga pasahero nito. Gusto ko pa ring sumakay, ngunit ngayon, naiisip ko na rin ang malungkot na katotohanan na maaari namang maiwasan ang mga aksidente

ngunit mas pinipili ng mga pasahero, katulad ko, na sumugal sa panandaling kaligayahan at pagtakas sa bagal ng pag-inog ng mundo kaysa sa isang diretso at pangkaraniwang daan na mas sigurado ang kaligtasan. *Hango sa karanasan nina Clint, Xha at Kuya Rudy Ma. Fatima Joy Villanueva

sa bigas, P90 para sa almusal at pananghalian. Paano pa ‘yung panghapunan? Yung pangbaon ng mga anak ko? Pambayad sa kuryente? Mahirap maging mahirap. Pero wala na akong ibang magawa kundi magtiis sa ganitong sitwasyon namin ng pamilya ko. Maigi na yung may kaunting pinagkakasya kaysa sa walang mapagkasya. Sa ngayon, unti-unti na’kong nawawalan ng pag-asa na aangat pa ang buhay namin ng pamilya ko. Araw-araw, pahirap nang pahirap ang buhay, pataas nang pataas ang pamasahe, paliit nang paliit ang pandesal, palubog nang palubog kaming mahihirap. At ako, nananatiling barker. Hindi matatapos ang kahirapan ng buhay hangga’t maliit ang kinikita ng mga drayber at ng mga magulang na nagbibigay ng pambaon sa mga estudyanteng parokyano namin. Pinapalala pa ito ng mataas pa ring presyo ng langis na nagpapahirap sa mga mamamayan. *Hango kay Jolas Janiz de Belen

Iba’t ibang mukha ang nagiging kabahagi ng pag-arangkada ng patok sa araw-araw nitong pagpasada. Hindi maitatanggi kung paano nito hinuhubog o binabago ang bawat isang katauhan ayon sa mga kalagayang nararanasan nila. Tunay ngang isa na itong kulturang bumabalot sa buong komunidad ng PUP at maging sa mga lansangan patungo sa pamantasang ito.


10

that hung solemnly on your rearview mirror. doughnut store with its rainbow lights, probably Perhaps it was right after I told you that if ever a cover-up to all the sad conversations over we come across our death on these dangerous bitter cups of coffee. “Most of the things that we want to say are roads, it would make me guiltier to stare at those little black beads as I gasp for breath. It always left unsaid. I wish I have the power to would even be scary. I will feel as if it is God’s read your mind during our coffee break sessions eyes looking straight down at me, laughing at so I would always know what you are thinking me and my hedonisms, synchronized with the during that pause before you take your next angry red glow of the ambulance. So for now, sip,” I said. “Do you really want to know? Besides, your mirror is empty. All I can see is the black leather of your backseat and the rushing lights I always think about random things. Paper works. That old lady on Sta. Mesa. of motorists driving behind us. The traffic and those damn traffic The dashboard is a collection of enforcers. And you of course.” receipts and rush love letters. You Most of the I glanced at you while you said it was all part of your attempts things that we drive. Everything was blurry. Trees, to woo a poet and I told you that want to say it is unnecessary. I told you, my are always left buildings, MRT stations. But you remained as clear as ever and that poems are not born because unsaid. I wish I of momentary rush of feelings. have the power thought made me feel safe. We were the only ones cruising along I told you, it was all because of to read your you. You nodded and smiled and mind during our the boulevard. The other side was empty as well. I knew that you understood. But coffee break “It’s scary. I feel like we were the this night, we were surprised to see sessions so I only human beings left on this world. that we were coasting along an would always empty street. I joked that we are know what you Why are there no people headed somewhere or people going home in a rerun of an X-Files episode. are thinking This is not a road but a tunnel during that at this time?” towards the unknown and you “Maybe they are now where pause before glanced my way and smiled. The they want to be at this moment. you take your lampposts are skeletal figures, an They are probably riding in their next sip.” exclamation on every curb. You, cars, taxis, buses and jeepneys and on the other hand, toyed with the idea that we they are all headed towards their destination. are inside a Palahniuk novel. And I glanced at They are either alone in their seat. Probably the last curb we passed, thinking that a hiding gathering up courage to start a conversation car will suddenly collide with us. with the passenger nearest to them. Maybe “Lampposts are sad. Just look at their they are just like you who dreams of having a yellowish glow.” I said out of the blue. nice, random conversation with a stranger just “They are sad because they know that like Natalie Portman and Zach Braff in Garden there are other lampposts but they can’t be State. Or maybe they are sitting side by side near each other. There is this distance before with a person they want to ride their entire you get to the next one.” life with. Their heads are probably rested on “The night is poetic,” I sighed. each other’s shoulders, dreaming of faraway Suddenly the posts began to have faces constellations, drifting in daydream nation.” in front of me. Long, sullen faces with “Just like this?” I asked as I drew closer to yellow floodlights, illuminating tired lines. you and rested my head on your shoulder and “You are sad just like them,” you said. closed my eyes as the cool Manila breeze blew “I’m not. I’m happy riding shotgun in on my hair. this little car of yours with cigarette as our air “Or maybe, they are just like me. They are freshener.” You gave my face a slight tap and already home,” you answered as you gently a little peck on the forehead. placed a kiss on my head. And at that moment, “Bavarian.” I was ready to go on forever like that. No roads “What?” will ever be lonely because we have this car “The air smells like Bavarian-filled and each other. doughnuts.” And as I look outside, I see the Rowena D. Cahiles

bav a VOL. XXIII No.04 September 2008

n a i ard v e rl o bu

W

e were aboard a car named desire and the roads were empty. Perhaps it was all a reflection of how life turned for us. As much as we try to put meaning to all the complications life bestows on twenty-somethings like us, we never expected to find the answers on a vacant Aurora Boulevard. After surviving the battlefield called EDSA, we turned right towards nowhere, up that fly-over, a concrete stairs to the stars. You knew how much I love being your passenger. I would always roll down the windows and ceremoniously light a cigarette and dangle my hands dangerously over the open windows. “I will miss the feel of your sweaty palms on mine,” you will teasingly tell me as you state the danger of my hands being cut-off by a speeding car. “Go and find a girl with dry palms, manicured pink nails and hold her hand until she breaks your grip.” “I can but you know that I won’t.” And I will be mad for a second and you will just laugh about it and you will play with my hair and everything will be forgotten. The buttons on your player are all positioned funny, perhaps from the thousand times that I have pushed it as we always look for the perfect song to our every night-time escape. It can be a random OPM song if we are in that playful mood and we would sing our lungs out and give each other a soft punch on the shoulders. Most of the times, it will be something mellow, melancholia love mood, Wong Kar Wai scenes in the flesh but instead of narrow hallways with flowing red curtains, we have our black and white pavement and asphalt as background. And during our drive home after a heated argument, we let violent car horns, screeching tires and tired collective grumbles as our soundtrack. And once in a while, it will be punctuated by my sudden outbursts, screams of hate and love. I am everywhere in your car. You discarded the rosary


11 Kalikasan

Prop. Liwayway Memije-Cruz Kalikasan, o kay ganda kung ating pagmamasdan lalo’t higit sa lalawigan pagaspas ng sariwa at mabangong hanging amihan na nagpapaindayog sa bawat sanga o dahon ng mga halaman saan man may mga matitinis na huni ng mga ibon na buong layang lumilipad na may dulot sa atin ng katiwasayan, at lamig ng pakiramdam mga maririkit at kay gagandang bulaklak na nagbibigay mandin ng kulay sa ating kapaligiran kasama na ang mga makukulay na paruparo na umaligid-ligid sa kanilang kariktan. malilinis na mga ilog at karagatang hitik sa mga makukulay na isda at iba pang mga yamang tubig at dagat lahat ng mga ito ay kay sarap balik-balikan dahil batid natin na ito ay handog ng ating mahal na maykapal. ngunit dahil sa ating kasakiman, unti-unti nating nararamdaman ang lupit ni Inang kalikasan sa ating bansa at mga mamamayan nariyan ang matinding usok mula sa mga pabrika at sasakyan na pagmamay-ari ng mga iresponsableng mamamayan mga basura ay kaliwat kanan na nagbibigay ng matinding amoy at sakit sa mga mamamayan may bukas pa kaya para sa ating lahat at darating pang mga bata sa kinabukasan? mayroon pa naman kung tayo’y magtutulungan simple lang naman mga kababayan. Magsimula tayo sa ating mga tahanan at ibalak natin ang mga kinagisnan na mga turo ni Tatang at ni Inang tayo ay magpakatao. Maging makakalikasan at higit sa lahat higit na maging mapasalamat sa ating maykapal.

Ina sa mapanglaw Ang pamamaalam Larry Biseño na buwan

Matagal na panahon na rin nang umuwi ka ng bahay hindi ko na nga maalala kung paano mo hinawakan ang locker kung naka ilang yabag ka papalayo sa akin kung ilang luha, yakap at pamamaalam ang iyong iniwan. Paano nga ba mamaalam sa tulad mong mandirigma na ang puso’y nakatanim sa pagbaliktad ng Tatsulok na ang kaluluwa’y nakatali sa lupa at ang diwa’y sumasamba sa bandilang pula. Tuluyan kang lumisan sa bawat hayok na sonata iyong tinalikdan ang nag-uumapoy na agunyas paano nga ba mamaalam sa iyong gatiting na anino paano pigilan ang luha sa pagpatak mga yabag na sana’y hindi sa iyo mga pagtatalik sa dapit hapon. Paano nga ba mamaalam sa tulad mong ang minahal ay bala.

Isang gabi Anonymous

Lubha kang lumubog sa masa Kasama ng ilan pang bitak ang Bola ng mga mata at Pus-pos ng hapis ang kulay ng balat. Kasing tigas ng bato ang iyong puso Habang binabagtas ang ruta ng kalaban Kasing tibay ng metal ang damdamin mong Pumatay para sa bayan. “Akala ko masarap maglingkod sa bayan Pero mas masarap palang pumatay para sa bayan” Labis mong minahal ang bayan Mataman kang nagsuri’t nag-aral ng lipunan Tangan ang ideolohiyang pinanday nang M16, at M14 Sa lansangan, sa kanayunan ikaw mandirigma sumuong sa pakikibakang matinis ang ningning sa bawat tama ng ilaw. “Mahigpit kong yayakapin ang armalayt habang Isa-isang tumutulo ang dugo nila sa lupa”

Jenry

Pinatay ng sinasabi mong ina ang demokrasya Kumitil ng buhay ng mga mamamayang lumalaban Binusalan ang bibig, Piniringan ang mata, Kinadena ang kaunting pag-asang makalaya. Yan ba ang sinasabi mong ina? Inabandona ang sektor ng agrikultura Inagawan ng lupa ang mga magsasaka Anong klase ba siyang ina. Pinabayaan ang mga dakilang manggagawa Hinayaang manamantala ang ganid na dayuhang kapitalista Matatawag mo pa rin ba siyang ina. Bumili ng bala, imbes na libro Tinatakan ng presyo ang ulo ng mga estudyanteng tulad mo Inang pabaya! Inang walang pakiaalam! Inang sunod-sunuran, sa dikta ng imperyalistang bayan Oo, isa ka ngang ina. Ina ng mga dambuhalang kumpanya Ina ng mga mapagsamantalang panginoong maylupa Ina ng mga Pasistang Militar At anak ng imperyalistang gahaman Sa ginagawa mo, Kaming mga anak mo’y binibigyan mo nang dahilang Tumungo sa kanayunan At maglunsad ng isang makatarungang digmaan.

Liyab Juan

Sa bawat tikatik ng orasan umiigting ang krisis panlipunan, kasabay ng paglala ng kahirapan dumadaluyong ang paglaban ng mamamayan. Huwag padadaig sa unos ng pagsasamantala sama-sama nating lagutin ang tanikala sa bayang inapi at inalisan ng laya pagliyabin ang puso ng masang dinalita. - imulat ang mga binulag ng sistema tipunin ang lakas ng bawat isa pag-isahin ang mga adhika Isa lang ang sagot sa abang kalagayan, ang lumaban ng sabayan doon sa kanayunan sa paglakas kukubkubin ang kalunsuran sa pananagumpay ng digma ay ang kalayaan.

Sa Dagat ng Apoy Ng Mga Bendita Prop. Rogelio L. Ordoñez

sa dagat ng apoy ng mga bendita tayo’y magmimisa habang iniluluwa ang may lasong ostiya sa mga simbahan at mga kapilya… ating itataas ang kalis na bungo at bubuhusan ng sariwang dugo ang santong rebulto at mukha ni kristo. sa dagat ng apoy ng mga bendita tayo’y magmimisa… pulpito natin ang puso ng masa bayaang magsermon tabak at pulbura papagkumpisalin lahat ang may sala piliting lumuhod ang pari at mongha pahaliking lahat sa paa ng indio himurin ang sugat ng mga anino. sa dagat ng apoy ng mga bendita titipunin natin ang namuong luha ng mga kandila bawat estampita’t mga kandelabra sa altar ng dusa butil ng rosaryo sa mga sakristiya malibag na kalmen sa dibdib ng masa at bibliya ng pera ang ipambabala sa nalikhang kanyon ng pakikibaka. sa dagat ng apoy ng mga bendita bayaang ang bungo’y mabiyak habang nagmimisa isabog ang dugo at utak sa mga kalsada sa bukid at lungsod sa burol at bundok sa lupang binaog ng salot na krus ng ubaning santo at ng mga ganid sa tubong kumbento. sa dagat ng apoy ng mga bendita bendisyon ng tabak at koro ng bala himno ng pulbura’t mga dinamita wawasaking lahat mga bartolina ng layang kinulong ng puting demonyo at magbabanyuhay lahing Pilipino. sa dagat ng apoy ng mga bendita dadasalin natin marahas na nota ng pakikibaka di na tayo luluhod na muli habang nagmimisa at maglalagablab ang mga bulaklak mga talahib ay iindak at sa basbas ng ngitngit ng lintik iwawagayway natin ang nagdurugong bandila sa bawat dampa ng mga inalila. bawat luha’y magiging punglo ng paglaya! -----------------------------------------September-October 2008 VOL.

XXIII No.04


12 sa akin dahil kulang daw ang mga requirement ko. Sinabi pa niya na hindi raw ako nakakuha ng midterm. Pero sa katotohanan, nakakuha ako nun at baka naiwala lang niya. Nung pinagpipilitan niya na kulang talaga ako sa requirement, tinanong ko kung anong alternative ang puwede kong gawin tulad ng research paper tungkol sa impeachment case laban kay PGMA o ‘di kaya ay tungkol sa global financial crisis ngunit sinabi niya na alam na raw niya ‘yun. Bigla siyang nagsalita na “Ibili mo ako ng sign pen”.

TED PYLON’S Kumembot Expose’ Half Man, Half Marble from Romblon

Enrolment Edition D

ahil mahilig sa late enrolment si Ted Pylon, hindi nararanasan ng ating marmol from romblon ang hirap ng pagpila nang pagkahaba-haba. Mas gusto kasi niyang magliwaliw at maglibot sa buong unibersidad habang ang ibang mga iskolar ng bayan ay nagkakanda-init na ang ulo dahil sa haba ng break time ng cashier at ARO. Saka na lang daw niya aatupagin ang pag-eenrol kapag hindi na uso ang mahabang pila. TED PYLON: Dito muna ako sa ARO tatambay. Mukhang masaya mag-abang ng mga mabilis mag-init ng ulo rito eh. Hehehe! ESTUDYANTE 1: Dyusme naman. Alas-kwatro y medya sila kung magbreak samantalang 5pm naman talaga iyong simula. ESTUDYANTE 2: Oo nga! Tapos imbes na 6pm sila magresume, 6:30 na. Grabe talaga. Dalawang oras sila kung magbreak. ESTUDYANTE 3: O tignan mo ‘yung isang employee, nagyu-YouTube pa o! Nang marinig ng isang empleyadong nagyoyosi sa labas ng opisina ang usapan ng tatlo, pumasok ito para buksan nang kaunti ang blinds. TED: Hehehe! Ayos ah. Mukhang naawa. Kaso kaunting awa lang ata, kasi kalahati lang ng blinds ‘yung binuksan. Nyahahaha! EMPLOYEE: O anong kailangan? ESTUDYANTE 1: Magpapasa lang po ng ACE form. EMPLOYEE: O sige, akin na. Eh ikaw? (habang nakanguso sa isa pang estudyante) ESTUDYANTE 2: Kukuha po ng regi. VOL. XXIII No.04 September-October 2008

EMPLOYEE: Ay! Ayan nga ba ang ayaw ko (sabay kuha ng resibo at talikod. In-exit ang YouTube at prinoseso ang regi). Samantalang ‘yung isang estudyante, dumiretso sa kabilang window. STUDENT ASSISTANT (SA): O sino pang hahabol dyan? ESTUDYANTE 3 : Ako! Ako! Kukuha ako ng regi! Nang iaabot na ng estudyante ang resibo, biglang sinara ng SA ang bintana.

ko sa Introduction to Political Science na si Dr. Isagani Sta. Maria sa kadahilanang pinapabili niya ako ng sign pen para bigyan niya ako ng grade. Lumapit ako sa kanya upang habulin ang grade ko dahil hindi niya pa na-eencode sa SIS ngunit sinabi niya sa akin na wala daw siyang maibibgay na grade

Sosy Expose’

Humingi ako sa kanya ng pambili ng sinasabi niyang sign pen ngunit sinagot niya ako ng “Sign pen lang ‘di ka pa makabili, paano pa kita bibigyan ng grade kung hindi mo man lang matulungan ‘yung college natin”. Sinagot ko siya na bilang isang Aktibista, mayroon akong prinsipyo at hindi ako bumibili ng grade kaya minarkahan niya na lang ako ng withdrawn. -Elvin, BSPE 1-1 TED: Hehehe! Sa mga nasangkot, tamaan na ang tamaan. Nyahaha!

Maybelle Gormate

ESTUDYANTE 3: **tulala** TED: Nyahaha. Nang magbuhos ata ng kasungitan ang Diyos, nasalong lahat ng ARO. Nyahahaha! Case no. 9 series of 2008 WANTED: Prof. Realin Aranza College of Economics, Finance and Politics (CEFP) Hindi po siya pumapasok sa mga klase. Madalas din po siyang hindi magturo. Nagugulat na lang kaming mga estudyante dahil kapag nagpapatest siya ay hindi namin alam. Sobrang dami niya kung magpatest. Isa pang reklamo namin ay iyong sobrang tagal niyang pumirma sa mga ACE form. Hindi naman kami makaangal dahil chairperson namin siya. Mayroon din siyang nasigawan sa room namin. Masyado niyang dinedegrade yung mga estudyante niya. Puro kwento siya ng buhay niya, wala tuloy kaming natututuhan sa kanya. -Anonymous Case no. 10 series of 2008 WANTED: Dr. Isagani Sta. Maria College of Economics, Finance and Politics (CEFP) Gusto ko pong ireklamo ang propesor

Mat Ching

Francis B. Biñas


13

1) hnd.mali bng ipglban ang krpatan?dsperado n clang idssolve lht ng 2tol s pmumuno nla pra mkontrol ang masa.hnd n safe ang mga s2dnts evn nsyd d cmpus. -639219245*** 2) hnd,malay bA NtN N GWN nla te0ng biHag tp0z cLA P Ang maGNG DhLN Ng gulo d2 s cMpuz,mgulo n nga d2 pala3in pa nla, -L0NELYGURL BSFT1-1D, 639206914*** 3) ISNG MLKING HND, DHL PGLBG YN S BTS NG PUP MLINAW N D CLA PWD

PUMSOK AT PMBBST0S I2 S MGA ISKO NG BYN DHL MISM0NG S2DENTS AY NKRRNAS NG HARASMENT S GATE KPG WLNG ID TP0S CLA MDLI MKPASOK, HOY GCNG PUP ADMIN MHIYA KAU S SARILI NYO ISAMA P UNG MGA TUTA NI PGMA N MILITAR, UMAYOS. -CAA, BSA 1-29, 639184611***

Q2

1) mtuto na tau s mga yn.mga trapo yn na ang gus2 lng eh umngat un mga pocsyon nla pra mgpksasa s ymn ng byan. -639063354***

Yano Jazul

Q1

TARANGKAHAN

1. Sang-ayon ka ba na malayang nakakapasok ang mga militar sa ating pamantasan? 2. Anong masasabi mo sa mga pulitikong nagpapasaring na ng kanilang pagtakbo sa 2010 Presidential election?

This Month’s Question:

Next month’s questions: 1.Anong masasabi nyo sa pagiging compulsory ng P300 PE uniform sa mga freshmen student noong enrolment samantalang second semester na at karamihan sa kanila ay may sarili nang PE uniform? 2.Sa tingin nyo ba ay totoong may sakit si Jocjoc Bolante o ginagawa niya lamang itong palusot para mataksan niya ang fertilizer scam issue?

Register once by typing KATA (space) REG (space) AGE, COURSE, YR. & SEC. then send to 2299. Text KATA (space) Q1/ Q2 (space) Your Answer (space) NAME, Yr.& Sec. then send to 2299. P2.50 lang ang bawat padala. Bukas sa lahat ng subscribers ng anumang network.

Ano ang masasabi mo sa negatibong imahe ng PUP na isinalarawan ng media kamakailan sa balita? Bilang mag-aaral masakit sa’kin bilang PUPian ang makatanggap ng masasamang salita lalo na tungkol sa mga naganap na pangyayari sa aming paaralan. -Liezel BSCS I-4 Of course, as a student, as a PUPian especially, parang nakaka-offend naman yon masyado kasi school natin to eh. Tapos sasabihan nila ng ganun. Siguro kahit naman sabihin na totoo ngang nangyari yong mga news na yon, tingan naman nila yung kabilang side nun ‘di ba? Hindi yung lagi na lang nila pinapasama ang PUP sa media ‘di ba? -Ritz BSCS I-4 E anu naman? At least sikat. Napag-uusapan. Okay lang, wala naman akong pakialam sa sasabihin ng iba. Alam naming mga taga-PUP ang totoo. Hindi totoo yung pinapalabas sa media na magdagdag-bawas factor. -Elaine ABE I-4 I was actually not that affected about the bad image of our school

because we, PUPians, can prove to them that they are wrong. -Catherine I-3D BSBA-MM

school. Because of the bad publicity students are also stereotyped as bad examples for our country. -Roche BSIOP II-4

In fact, the bad image of PUP now absolutely affects the PUPians. Our parents are not that confident if we will stay here long. -Josie Basasina I-3D BSBA MM

Masama ang dating, kasi nag-aaral ako sa PUP. Puro masama na lang ang ibinabalita nila tungkol sa PUP -Merry Gayle BTE III-3D

Natural, nakasasama ito, at ‘wag sana lahat ng tao ay maniwala dito, dahil alam naman nila sa media lang yan, laging may dagdag. -Ace BOA I-2N Nagpapahiwatig lang ito na hindi kayang pangalagaan ng PUP na pigilan ang media sa pagsisiwalat ng mga negatibong imahe ng paaralan. - Joan Tacuban ABTA I-I

Disappointed. -Jasmin BTE IV-4 Kasalanan ng school yun. Nakakahiya. Dala-dala natin yung negatibong imahe ng school. -Chase MM II-2S Para sa’kin, hindi maganda yung pinapalabas nila na ‘di maganda tungkol sa PUP. Madami na ang naapektuhan, pati mga estudyante. Puro kamalian ng PUP pinapakita nila. -Micah Sarmiento BSA II-I0

Ok lang. Kasi ginagawa tayo, kahit lang nila (media) yung Affected hindi tayo kasama sa trabaho nila. -Michael BSIOP I-3S issue nadadamay tayo. Ang pangit ng image ng As a PUP student, I feel school -Rina BAPR IV-N humiliated every time I see bad news about my

Lagi ka bang nauubusan ng cata?:’( 2:1 lang kasi yung ratio ng distribution ng diaryo natin at malamang di ka napapadaan sa opisina namin...ampff...

download The catalyst in Pdf www.pupthecatalyst.deviantart.com

League of Filipino Students-PUP Habang patuloy na lumulubog sa kumunoy ng kahirapan ang mamamayan, walang sawa naman sa pagpapakasasa ang mga dayuhan, higit ang Estados Unidos katuwang ang rehimen ni Gloria Arroyo sa yaman ng ating bansa. Nariyan pa rin ang mataas na presyo ng pangunahing pangangailangan (Langis, pagkain, kuryente at iba pa). Kung mag-rollback man paunti-unti at maliit lamang, hindi pa rin ito sapat sa presyo sa “World Market” lalo na ngayong papalapit na ang pasko, muli na namang magtataasan ang presyo ng mga pangunahing bilihin. Ngunit hindi man lang tumaas ang sahod ng mga manggagawa, wala pa ring sariling lupang binubungkal ang mga magsasaka sa kanayunan.

Maging ang mga kabataan at estudyante ay hindi na ligtas dito. Dito sa PUP pagpasok pa lang ng ikalawang semestre, samu’t saring bayarin ang ipinapasan sa mga Iskolar ng Bayan. Tulad ng P300 Uniform fee, P25 land bank fee, at ang SIS fee (Student Information System). Mga IGP (Income Generating Projects) ng administrasyon upang mapagtagumpayan ang Privatization sa lahat ng SUC’s (State College’s and Universities) kasabay nito, ang pagpapatindi pa ng komersyalisasyon at represyon sa mga kampus. Sa mga isyung kinakaharap natin. Sa kasalukuyan, malaki ang tungkulin nating mga kabataan, sa pagsasamasama ng lakas, talino at malikhaing kaisipan sa pakikipaglaban para sa ating demokratikong karapatan at kagalingan, maipagtatagumpay natin ang laban. Kasabay nito, ang pagsanib natin sa lakas at determinasyon ng masang manggagawa’t magsasaka at ng buong sambayanan, tiyak ang tagumpay ng pambansang demokratikong pakikibaka. Alain Mark Zamora LFS-PUP Chairperson September-October 2008 VOL.

XXIII No.04


14

M

ahal kong Mambabasa:

“Bumagyo man o umulan nang malakas talagang determinado kaming mga manggagawa na manatili sa piketlayn. Hindi namin alintana ang init ng sikat ng araw na pumapaso sa aming mga balat at bumbunan. Tinitiis namin ang lamig ng gabi at mga lamok na umuugong sa aming tainga, kahit napapalibutan kami ng sangkaterbang security guard at mga pulis, hindi kami natatakot dahil alam naming kami’y tama…” Narito na naman ako sa iyo. Lumiliham, ngunit sa pagkakataong ito inumpisahan ko sa mga salitang iniwan sa akin ng mga manggagawa sa Kowloon. Isang buwan na silang nagpipiket sa harap ng Kowloon, kaya’t wag ka namang uumayin sa pagbabasa ng liham ko sa iyo, alam ko na inaasahan mong magkukwento ako tungkol sa buhay ko, at inaasahan mo rin sigurong walang patid na mga salitang mabubulaklak ang iluluwal ko para sa iyo. Ngunit, nawa’y sa ikalimang sulat na inililiham ko para sa iyo, hayaan mong imulat kita sa mga nangyayari, hayaan mong maghabi ako ng mga salitang labis na makatutulong sa iyong pagkamulat. Ganyan kita pinahahalagahan. Naaalala mo pa ba si Diosdado “Ka Fort” Fortuna, lider ng Nestle Cabuyao Union, nang brutal siyang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang lalaki? Ibinuwis nito ang kanyang buhay para sa wastong sahod at benepisyo nilang mga manggagawa sa Nestle Philippines. Sa pag-inog ng taong ito, sunod-sunod na mga piket ang pumutok, nariyan ang welga ng mga manggagawa sa Advan. At nitong Setyembre 19, sumunod namang nagpiket ang mga manggagawa ng Kowloon. Isinisigaw ng mga ito ang pagpapatupad sa itinakdang batas na dagdag sa sahod. Isang taon ng naghihintay ang mga manggagawa kaya nang inabutan ang mga ito ng panibagong umento sa sahod napilitan silang gumawa ng hakbang upang pakinggan ang matagal na nilang

Paula Renee M. Reyes

Preludes and Nocturnes

M

atagal-tagal na rin mula noong huli kong ginamit ang aking bisekleta, dahil na rin sa papatinding pagtaas ng langis at pamasahe ay minabuti ko nang gamitin itong muli. Masaya sana ang eksperyensyan sa muli kong pagsakay sa aking bisekleta at pakikipag unahan sa mga rumaragasang sasakyan sa highway, ngunit sa pagkakataong iyon iba ang aking pakiramdam dahil ako ay papunta sa piket line ng mga manggagawa ng Bluestar. Malayo pa lang ay tanaw ko na ang mga mukang nakangiting sasalubong sa akin, tuwang-tuwa at naging mainit ang pagtanggap sa akin ng mga kasamang manggagawang naroon, pangatlong beses ko na itong pagdalaw sa kanila mula noong nabalitaan ko ang nagaganap na pagpipiket nila roon, kaya naman kahit paano ay naging malapit na rin talaga ang loob nila sa akin, parang anak na kung ituring nila ako, kahit na hirap at gipit sila sa pagkain, ay pilit pa rin nila akong hinahainan sa tuwing pupunta ako roon. Ang Bluestar Marketing, na pagmamay-ari ng isang pilipino-intsik na negosyanteng si Jimmy Ong, ang gumagawa ng sapatos at bota na ADVAN. At sa loob ng isang araw ay nakakagawa ito ng mahigit 5,400 pares ng bota at 2,700 pares naman ng sapatos. Ngunit sa kabila ng napakataas na produksyon ng mga mangagawa na syang nagpaunlad at nagtaas ng tubo nito sa loob ng mahigit 18 na taon, imbes na tugunan ang mga karaingan at kagalingan ng mga manggagawa, ay unti-unti pang binawi ang kakarampot na mga benipisyo nito gaya ng production incentives at ang pinakamatindi ay ang hindi pagbigay sa taunang bonus ng mga ito. Liban pa dito ay lubhang napakababa ng pasahod sa kanila na umaabot lamang sa P258 ang binibigay sa mga contractual at sa mga regular na mga mangagawa naman ay may patong lamang na P2 na seniority pay sa kanilang minimum wage. Kitang kita rito ang pagiging ganid sa tubo ni Mr. Jimmy Ong, halos 18 taon nyang binabarat at nilalapastangan ang mga manggagawa ng Bluestar. Habang sya ay patuloy sa magarbong pamumuhay, nalulunod naman sa kumunoy ng karalitaan ang VOL. XXIII No.04 September-October 2008

Liham sa mga iniibig kong Mambabasa kahilingan. Nagsagawa sila ng mapayapang piket protesta sa panahon ng kanilang breaktime upang sabihin sa management na hindi sila nasisiyahan sa ginagawa nilang pagbabalewala. Subalit, alam mo bang sa halip na ipagkaloob ang kanilang hinihiling agad tinanggal ang 73 manggagawang lumahok sa kilos protesta. Ilang beses nang sinubukang makipag-usap ng mga manggagawa sa Kowloon sa mga may-ari nitong sina Paul at Micheal Ng ngunit maraming beses na rin nila itong hindi tinugunan, ang masakit pa’y pinagtatanggal pa ang mga manggagawa nito. Kahit wala nang makain, patuloy pa rin ang mga manggagawa sa paghawak ng sakong bitbit ang kanilang panawagan, tinitiis ang maghapong init ng araw maipaliwanag lamang sa bawat kostumer ang kanilang kalagayan, hindi rin nila inaalintana ang panganib na baka masagasaan sa gitna ng kalsada habang natutulog. Kung tutuusin halos isang siopao lamang ang katumbas ng kanilang hinihiling na sa kasalukuya’y 7,000 pirasong siopao kada araw ang benta ng kowloon na nagkakahalaga ng P47.00 ang bawat isa, ngunit dahil sa ganid ang management tinanggal nito ang mga manggagawa na naging bahagi na nang pag-unlad ng kowloon at kung ano mang yaman mayroon ang mayari. Sa matagal ding panahon na inilagi ko sa piketlayn, nakita ko ang hapis sa mukha ng mga manggagawang naroon, naramdaman ko kung paano sila manghina at mawalan ng pag-asa. Lalo na noong isang gabing tinangkang sirain ng mga gwardiya ang piketlayn, gumamit sila ng teargas upang kami’y itaboy nadamay maging yung batang walang kamalay-malay, tinamaan

B is ikle ta kanyang mga manggagawa, dagdag pa rito ay ang mabigat na pasanin ng mga kababaihang manggagawa na nakaranas ng sexual harassment sa kamay ni Ong. Kaya naman sa ganitong kalagayan, sila ay natutong lumaban para sa kanilang karapatan sa pamamagitan ng pagtatayo ng unyon, buo ang loob na naglulunsad sila ng welga laban sa ganid at hayok na kapitalistang may ari nito. Makailang beses ding sinubukan ng may-ari na si Jimmy Ong na takasan ang kanyang responsibilidad sa mga mangagawa sa pamamagitan ng pag Runaway-shop o maglipat ng kumpanya, ngunit siya ay nabigo dahil sa pagakakaisa ng mga manggagawa, napigilan nila ang planong ito ni Ong. At bilang ganti’y magkaisang panig namang ibinaba ng management na tanaggalin ang kabuuang 43 na regular na manggagawang kasama sa pumigil sa paglalabas ng makina. Noong araw na ipinutok ng mga manggagawa ang kanilang welga, ay nagdeklara ng closure si Ong para takutin at hatiin ang paniniwala’t pagkakaisa ng mga ito. Ngunit hindi sila nagpasindak bagkos ay lumaban ang mga ito, sa kabila ng iba’t ibang porma ng panggigipit ng kapitalistang si Ong. Malakas ang loob ni Ong na gawin ito dahil hindi rin maitatanggi ang pagpabor at malinaw na

No Gun, No Entry (mula P.5) miyembro ng mga progresibong organisasyon ang pinadalhan ng sulat sa kanilang mga tirahan upang ipaalam sa mga magulang nito ang pagiging aktibista at pagsama sa mga pagkilos noong Agosto 23. Ayon sa mga estudyanteng ito, walang palatandaan kung kanino nagmula ang mga sulat ngunit tahasan sila ritong pinaratangang mga miyembro ng NPA. Agosto 26 naman nang makatanggap ng subpoena ang mga miyembro ng Anakbayan at LFS mula sa korte dahil sa isinampang kaso

Jeric F. Jimenez

Persona Non Gratta siya sa mata. Nakita ko rin sa kanilang mga mata ang hirap, kung saan sila kukuha ng kakainin, kitang-kita sa kanilang humpak na pisngi ang pagpupursiging ipagpatuloy ang pagpipiket, ramdam ko rin kahit hindi nila sabihing pinanghihinaan na sila ng loob. Sa pagbabasa mo ng liham ko sa iyo sana’y hindi mabawasan ang pagmamahal na iyong inilalaan para sa akin lalo na ngayo’t lubos kong minamahal ang mga manggagawa. Labis kong pinahahalagahan ang pakikibakang hindi rin naman ako ang makikinabang, ngunit palagi mong tatandaan na kahit saan mang pagawaan, mayroong dumaraing ng pamamaga ng kamay, paa at tuhod, araw-araw bugbog sa gawain, silang kahit nagsasakitan na ang katawan, at halos sumuka na ng dugo ay hindi pa rin sapat ang sahod at benepisyong natatanggap, silang tunay na lumalahok sa produksyon. Imulat mo ang iyong mga mata at naway matapos mong basahin ang liham ko para sa iyo samahan mo akong lumubog sa kung ano ang kanilang ginagawa, nang maintindihan mo na higit ka nilang kaylangan. Sa susunod na magkikita tayo, o sa susunod na pagbabasa mo ng liham ko, wag ka sanang magtaka kung bakit ako may hawak na plakard sa tapat ng kalsada sa Kowloon o sa kahit saan mang pagawaan. Alalahanin mong pawis at dugo ng mga mangaggawa ang pinangyari sa mga produktong tayo ang nagpapakasasa, silang labis na pinagsasamantalahan ng mga amo nilang gahaman sa pera. Lubos na Gumagalang.

pakikipagsabwatan ng ahensya ng gobyerno, ang Department of Labor and Employment (DOLE), sa kapitalistang si Ong. Isang patunay lamang sa saligang katangian ng estado na pinamumunuan ngayon ng pamilya Arroyo, na higit na pinangangalagaan ang interes ng mga kapitalista, kayang-kaya nitong baluktutin ang batas, para lamang maibigay ang luho ng kagaya ni Jimmy Ong. Kamakailan lamang ay nabalitaan kong napagtagumpayan na ng mga manggagawa ng Bluestar Workers’ Labor Union pagkaraan ang mahigit na 73 araw ng determinadong paglaban upang maintindig ang kanilang unyon, maibalik ang mga manggagawang iligal na tinanggal sa trabaho, kinilala ang karapatan nilang magsulong ng mga pagbabago at sa di makatarungang kalagayan sa paggawa at pangaabuso sa mga kababaihang manggagawa. Hindi naging madali ang kanilang pakikipaglaban, ngunit hanggang sa huli ay matapang silang tumindig para ipaglaban ang kanilang karapatan. Isang patunay lamang na ang mamamayan pa rin ang mapagpasya sa gitna ng kontradiksyong dulot ng mapagsamantalang estado. Ang mga manggagawa ng Advan ay tulad ng marami pang manggagawa at maralita sa kalunsuran. Pasan-pasan ang napakabigat na krisis sa kabuhayan. Ngunit pinatunayan nila na ang paninindigan para sa kanilang mga karapatan ay wasto at makatarungan. Totoong hindi madali, ngunit tiyak ring ito’y hindi imposibleng mapagwagian kung sama-samang kumikilos para sa kolektibong interes. SULONG! ni Prof. Leonard Coquilla, chief ng PUP Security Office. Ang naturang kaso ay may kaugnayan umano sa naganap na alitan sa pagitan ng mga militanteng organisasyon at ng ROTC matapos mangampanya ang una laban sa sapilitang pagpapapasok ng mga estudyante sa ROTC. Bukod sa PUP main campus, tahasan ding nakakaranas ng pasismo ang mga liderestudyante mula sa PUP Lopez, Quezon. Setyembre 3 nang sampahan ng kasong rebelyon ang dating pangulo ng konseho ng mga mag-aaral, ang tumatayong punong patnugot ng Epitome (opisyal na pahayagan sa PUP Lopez), ang tagapangulo ng Kaeskuwela


15

Ang kalokohan sa hinihinging

Magic word: Estudyante

I

Ni Sherren Que Fabian

sipin mo muna kung sa’n mo madalas marinig ‘to: “Estudyante po…” O pwede ring mas malakas na “ESTUDYANTE!” Sa’n pa nga ba umaalingawngaw ang mga simpleng salitang ito, kundi sa mga jeepney o bus tuwing may isang proud na kabataan na nagbabayad at ipinamamagara ang kanyang estado sa buhay. Isang salita na magbibigay sa iyo ng kaunting barya – “estudyante”, other term for discount. Kung hindi mo ‘to sasabihin, sisingilin ka ng tsuper o konduktor ng mas mahal na pamasahe, ‘yung tipong hindi discounted (take note, hindi kasama sa may mga mapagbigay na puso ang mga fx, taxi, at syempre, LRT at MRT). Nauso kasi ang fare discount nang tumaas ang singil ng pamasahe sa jeep mula P4.00 na naging P5.50 na patuloy na yumabong, lumobo, at lumago hanggang sa P8.50 sa kasalukuyan. Hindi ba’t kabikabilang diskusyon ang inabot ng mga pagtaas na ito? Kaya napagkasunduan na papayag ang gubyerno sa hiling na dagdag pamasahe ng mga drayber, pero may 20% discount ang mga estudyante at senior citizens, basta merong ID at sasabayan pa ng “Introduce yourself portion” na pagsasabi ng “estudyante” o “senior”. Isa nga ako sa mga pinagpalang kabataan na hindi nakaranas mamasahe mula elementary hanggang high school dahil sa lapit ng eskwelahan ko. Masaya! Kasi tipid sa baon, pero malungkot rin kasi hindi makagala pagkatapos ng klase. Kaya naman, ‘nung nagsisimula na akong mag-apply para makapasok sa kinatatakutang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas ay doon ko pa lang narealize na karamihan sa baon ko ay sa pamasahe talaga mapupunta. Habang ako’y nagpapabalik balik sa bahay ni Ted Pylon ay doon ko pa lang nai-internalize ang kahalagahan ng pagsasabi ng “estudyante” sa bus, dahil magugulangan ako ng limang piso ng konduktor kapag nakalimot ako. At ngayon, kahit siguro tulog ako sa mahabang biyahe, nakatatak na sa mga labi ang magic word ng mga Pilipinong mag-aaral. Minsan, nakakapanglait at nakakabadtrip din ang pagbabayad at pagsasabi ng “estudyante”. Meron kasing mga drayber at konduktor na hindi makuntento sa face value ng pasahero. Hinahanapan pa nila ang ibang estudyante (na mukhang kaya ng bumuhay ng limang anak) ng ID para makasiguro na hindi sila magtatapon ng ilang barya para sa hinihinging discount ng kaawa-awang pasahero. Lalo na sa mga walang uniform, minsan matinding kilatisin muna bago discount. Nakakatuwa naman kapag may schedule kang Sabado o kaya Linggo. Wala kasing diskwento kapag weekends at holidays. May mga ilan, na kagaya ko, bayad pa rin ng discounted kahit alam na hindi dapat, malay mo kasi baka makalusot. Buenas ang araw kapag may mga drayber na hindi na pumapayag sa mga ganitong modus, pero merong iba na naninira talaga ng pagkatao para lang magdagdag ka ng dalawang piso. Thrilling talaga ang pagko-commute habang nag-aaral. Maraming kwento, maraming experiences. Sasakay ka sa patok, minsan sa bulok. Pero sa bawat sakay ng mga estupidyanteng tulad natin, kaakibat ng sampa sa estribo ng jeep, ay ang salitang “estudyante.” Si Sherren ay estudyante ng BSA H1-1D (alyansa ng mga progresibong organisasyon), at dalawa pang estudyante. Ito ay matapos silang paratangang mga rekruter umano ng NPA. Naroon ang pagdanas ng mga estudyante ng iba’t ibang porma ng paniniktik sa tulong ng mga ROTC cadet at pananakot mula mismo sa AFP. Tulad ng mga naganap sa JRU at UP Diliman, isang forum ang ginanap sa PUP Lopez at maging sa PUP main campus sa pangunguna ng ROTC at AFP kung saan paulit-ulit na pinaratangan ang mga progresibong organisasyon na rekruter ng NPA.

Masteral degree

Ni Underground Boyband

Staff ni VPEE, Vice President for Everything and Everything

I

sa sa pinakanakakaasar na bagay sa PUP ay ang pambubusabos sa ating mga guro (wag kang tumigil sa pagbabasa, problema ito ng prof mo). Bukod sa pagiging sukdulan ng baba ng sahod nila, inuunggoy pa sila ng iilang opisyal dito. Ano ba itong mga pang-uunggoy na ito? Isa na rito ang hindi pagpapatupad ng kanilang Collective Negotiation Agreement (CNA). Matagal nang nakabinbin yan, hindi ko alam kung walang pera ang PUP o sa ibang bagay inilalaan ang mga benipisyong hinihingi ng mga guro (o baka inilagay lahat sa imprastruktura?). Ang gusto nating bigyang-pansin dito ay ang isa sa pinakanakakainis at nakakabanas sa lahat, ito ay ang tungkol sa “tenure”. Kapag gusto mong ma-permanent o maging regular na faculty dito sa PUP, hihingan ka ng requirement, dapat makatapos ka muna ng M.A. (masteral degree) mo. Laging ito ang bukambibig at laging hinihingi sa sinumang faculty na gustong ma-regular. Dati’y hindi naman kailangan nito, pero ngayo’y may bagong ‘ruling’ ang mga boss natin dito sa PUP. Kaya sumunod naman ang marami. Yun nga lamang, nitong mga nakaraan parang nagkakaungguyan na. Nabalitaan ko, maraming mga faculty ang nagtapos na ng kanilang M.A. na umaasa sa wakas na magiging at least tempo na sila (semiregular). Syempre marami din ang umaasa na kagaya nila, naniniwala na kapag nakapagtapos ng M.A. ay baka ma-permanent na sila. Ang kasumpa-sumpa dito’y kahit nakapagtapos ka na ng M.A. na hinihingi nila ay hindi pa rin sila ma-permanent. (Basahin: Marami sa PUP ang nakapagtapos ng M.A. pero hindi permanent sa di malamang dahilan).Tinitipid na nila ang mga guro? Meron pa nga dito Ph. D na (doctoral degree) hindi pa rin ma-promote, assistant professor pa din, asi ang tawag nila, in short. Hindi siya maging associate professor, aso, in short. Biro nga ng ilan, bago ka maging ASO (associate professor), kailangan mo munang maging TUTA! Dito pumapasok ang papel ng PALAKASAN. Kailangan mong magpalakas para ma-promote ka! Sumipsip ka, mamulitika ka, makipag-inuman ka, sumali ka sa brotherhood nila, humimod ka sa puwit nila, sumawsaw ka sa diskurso nila at kung anu-ano pa at tiyak na mapopromote ka. Di pa kasali dito kung kamag-anakan ka nila. Tiyak yun, kung kamag-anak at incorporated ka nila, mabilis ang pag-andar ng papel mo. Ang punto dito, kalokohan ang pagre-require ng M.A. Hindi nito titiyakin na ikaw ay mareregular. Niloloko lang nito ang mga faculty na nag-aasam na ma-tempo o ma-regular. Hindi rin nito titiyakin na ang masteral degree ng prof ang maghahatid ng quality instruction sa akademya. Panlilinlang ang lahat ng ito, matapos mong mag-comply sa requirement, wala pa rin naman palang mangyayari sa iyo. Bukod pa riyan, ang pinakasusi sa pagkakaroon ng quality education ay ang pagpapataas ng budget ng PUP at ng sahod ng mga guro. Okey lang sana kung tapat ang hangarin ng mga nagrequire ng M.A., ang kaso hindi. Kaya marami din ang nagmamasteral hindi para matuto at tumalino, kundi para sa simpleng dahilan na lang na ma-promote. Ang resulta, bulok na Pagpapalawig Ang pagkuha ng litrato, paglalagay ng mga, bugging device sapilitang pagkuha ng impormasyon, pagsunod hanggang tirahan, pagpapadala ng sulat sa pamilya, paglalabas ng black propaganda, pagbabanta sa buhay, pagpaparatang na miyembro at rekruter ng NPA, pagsasampa ng kaso, at kung anu-ano pang paniniktik at pananakot ay porma ng tinatawag na pasisimo. Ito’y malalang tipo ng represyon kung saan sistematikong sinusupil ng mga nasa katungkulan at posisyon ang mga mamamayang lumalaban sa mga ito. Lahat ng dinanas ng mga lider-estudyante

pagtuturo. Magbebenta na lang ng ticket, libro, damit, insurance at tocino. Kawawa ang mga Iskolar ng Bayan. Nakakademoralisa ito sa hanay ng mga guro. Pinababayaan na nang estado, inuunggoy pa ng lokal na administrasyon ng PUP. Walang paggalang sa karapatan ang mga taong ito. Dapat ay wala sila dito sa akademya. (Ilublob kaya natin sila sa Ilog Pasig?) Sa totoo lang, maraming guro dito na walang masteral ni doctoral pero mas matalino pa sa mga nagpapanggap na “academician”. Damn! Hindi ko sinasabing wag mag-masteral o doctoral, maganda yan. Yun nga lamang ay kung sa PUP nating mahal ngayon e, tiyak na walang mararating yan. Galit ba ako? Oo, ngunit hindi ito suhetibo, obhetibo ang lahat ng ito. Galit na galit na ang mga guro dito, gusto na kayong kotongan (mga matataas na opisyal!). Sinasamantala ninyo ang pagmamahal ng mga guro sa PUP! Naiinis ako kapag nalalaman ko na hindi makapasok ang guro ko dahil walang pamasahe, o nakapasok nga at nakapagturo, hindi naman makakain at hindi rin alam paano uuwi dahil walang pamasahe pauwi! May isang faculty room dito sa PUP na kung saan ang bukambibig ng mga guro kapag nag-uusap ay ang problema nila sa kanilang day to day survival, andyan na yung nabaon sa utang, walang maipakain sa anak sa probinsya (3 araw na!), naisanla ang ATM (kay tangkad!), rumaket, etc.etc. Alam kong ito rin ang problema sa iba pang mga faculty room. Para bang walang katapusan ang kanilang problema. Nakakaawa naman. Iniisip ko tuloy na tama din si Prof. Danilo Arao ng UP (University of the Philippines). Ang sabi niya sa Pinoy Weekly noong nakaraang taon ay “kailangan ng isang uri ng kabaliwan para makapagpatuloy ang isang guro sa pagtuturo sa isang sitwasyong pinababayaan ng estado ang sektor ng edukasyon”. Mabuhay ang mga baliw! Balang-araw ang mga baliw na ito’y magsasama-sama at kikilos bilang iisa at kukunin ang dapat na nasa kanila. Mahirap magpakatino sa isang sitwasyong ikaw ay binabaliw. Sa ultimo, estado ang dapat singilin dahil sa kapabayaan nito sa akademya. Sa partikular, ang mga kawangis na nasa estado dito sa PUP ang dapat din nating singilin at pagbayarin sa mga kasalanan nito sa atin, panlilinlang, pang-uunggoy at pagtapak sa ating karapatan. Sa nakalipas na pagdiriwang ng pandaigdigang araw ng mga guro, gusto kong batiin ang bawat guro na nagmamahal at nagmamalasakit sa mga estudyante, kahit pa binubusabos ang kanilang kalagayan at mga karapatan. Mabuhay po kayo! (Pahabol!) Walang mangyayari sa atin kung wala tayong gagawin. Madali ang konklusyon. Kumilos tayo at magkaisa, ipaglaban at kunin ang karapatang matagal nang ipinagkait sa atin! IPAGLABAN ANG MATAAS NA SAHOD, CNA, MATAAS NA BADYET NG PUP AT DISENTENG PAMUMUHAY! Ang Unzipped ay bukas sa lahat ng estudyante o kawani ng PUP. Ipadala lang ang inyong mga sanaysay sa TC office.

at aktibong miyembro ng mga progresibong organisasyon ay reaksyon lamang ng mga institusyong ang nais lamang gawin ay patahimikin mula sa paglaban ang mga mag-aaral. Lantad ang pasisimo, lalo na sa mga lugar kung saan naroroon ang mga umaangal at lumalaban. Sa puntong ito, sapat na ang mga karanasan para maintindihan ng bawat isa ang pakahulugan ng pasismo. Huwag na lamang sanang mangyari na hindi na lamang karanasan ng iba ang nagpapaintindi sa’yo ng ibigsabihin nito. Kumilos laban sa pasismo. Dahil baka sa susunod, ikaw na rin ang makaranas nito. September-October 2008 VOL.

XXIII No.04


16

Assorted Siopao Sa m u ’ t s a ring l a s a ,

sa iisang porma ng pananamantala

indi gaya ng dati, tila iba na ang lasa ng itinitindang siopao sa Kowloon House. Kilala ang Kowloon House sa siopao at siomai na mga pangunahing produktong inilalako nito sa publiko. Ngunit ngayon, alam ng mga manggagawa nito na hindi na gaya ng dati ang lasa ng mga pagkaing binabalik-balikan ng kanilang mga kustomer. Sapagkat sila, na dating mga nasa loob ng kusina ay matatagpuan na sa labas ng nasabing restawran. Hindi bilang mga tagaluto o mga simpleng empleyado kundi bilang mga welgista.

H

Lagpas isang buwan na mula nang itinirik ng mga manggagwa ng nasabing establisimyento ang kanilang piket sa paligid nito sa West Ave., Quezon City. Ang sa kanila: ibigay ang dagdag-sahod na matagal nang ipinagkakait sa kanila. Pagdadamot Taliwas sa sarap na ipinagmamalaki ng siopao sa Kowloon House, tila kabaligtran naman ang nilalasap ng mga manggagawa nito. Sa kasalukuyan, sumasahod lamang ang mga manggagawa ng Kowloon ng mababa sa P400.00

kada araw sa average at halos higit pa sa 15 taon nang nasa serbisyo ang karamihan sa kanila. Kung tutuusin, hindi naman talaga kalabisan ang hinihingi nila. Gaya ni Mang Artur, 43 taong gulang, at 16 anim na taon nang naglingkod sa Kowloon, hindi aniya sila humingi ng sobra-sobra. Una nang nilabag ng manedsment ng Kowloon ang nakasaad sa kanilang Collective Bargaining Agreement (CBA) sa pagitan nito at ng kanilang unyon. Nakasaad sa nasabing CBA na dapat ipagkaloob ng manedsment ang anumang dagdag-sahod na itinakda ng batas. Agosto noong nakaraang taon, naglabas ang RTWPD (Regional Tripartite and Wages Productivity Board) ng National Capital Region ng Wage Order no. 13 na nagkakaloob ng P12 dagdag-sahod at ang integrasyon ng P50 ECOLA (Emergency Cost

VOL. XXIII No.04 September-October 2008 Dibuho ni Paul M. Divina

of Living Allowance) para sa mga 14, na pawang mga kasamang noong Hunyo. manggagawa. At dahil naabutan nagprotesta na uli ng panibagong Wage Order Kinabukasan, nagsampa ng Notice no. 14 na P20 dagdag-sahod nitong of Strike ang unyon sa DOLE dahil sa Hunyo, napagpasyahan na ng mga union busting at unfair labor practices manggagawa na kalampagin ang ng pamunuan ng Kowloon. Sinimulang itayo ng mga manedsment ng Kowloon. Hunyo 20 at 21 nang manggagawa ang kanilang piket sa magsagawa sila ng roving picket sa paligid ng Kowloon noong Setyembre oras ng kanilang breaktime. Ayon 15. At bilang suporta, ilan sa mga kay Edmund Navaroso, pangulo katrabaho nilang hindi napabilang ng GLOWHRAIN (Genuine Labor sa listahan ng mga tinanggal ang Organization of Workers in Hotel, umalis at nakiisa sa kanilang mga Restaurant and Allied Industries)- kasama. Kabilang na dito si Prudencio KMU (Kilusang Mayo Uno), iyon ay de Leon, 30 taon nang chief cook mga mapayapang pagkilos. Wala sa Kowloon. Subalit, ilan naman aniyang natigil na produksyon sa mga tinanggal ang napabalik at malayang nakakapasok ang ng manedsment sa pangakong dagdag-sahod, mga kostumer ng pero bilang restawran. Ngunit sa k o n t r a k t wal halip na pakinggan Taliwas sa sarap na na lamang. sila ay nagsampa pa ipinagmamalaki Pinagbabawalan ang manedsment pa aniya ang ng illegal strike sa ng siopao sa iba pang mga NLRC (National Labor Kowloon House, tila manggagawang Relations Commission) kabaligtaran naman nasa loob na laban sa kanila. Namagitan ang ang nilalasap ng mga makipag-usap sa kanila. Marahil National Conciliation manggagawa nito.” ay natatakot na and Mediation muling makumbinsi Board (NCMB) ng Department of Labor and para makiisa sa kanila. “Laban kung laban!” paniniguro Employment (DOLE) sa suliranin sa pagitan ng mga manggagawa at ng ni Mang Artur. “Sanay na kami sa manedsment. Mula sa dapat na P62 hirap kaya hindi kami bibitiw sa na itinakda ng Wage Order no. 13, laban.” Ngunit gaya ng iba pang manggagawa, aminado pumayag ang mga manggagawa mga na tumanggap na lamang ng siyang nahihirapan ang kanyang halagang P37 (binubuo mula sa P12 pamilya dahil sa nawala niyang wage hike at P25 mula sa ECOLA), hanapbuhay. Sa maintenance ang hindi pa kasama ang Wage Order trabaho niya noon sa Kowloon, kaya no. 14 na nagkakahalagang minsan ay nakakapag-extra siya sa P20. Bagaman nagkasundo mga kakilala niya para kumita. “Hangga’t karapatan namin na, hindi pa rin tumupad ang manedsment at sinabing ang nakataya, hindi kami titigil!” nalulugi aniya ang kanilang dagdag pa niya habang nakatingin kumpanya, dahilan upang sa asawa at bunsong anak niya na hindi mapagbigyan ang kasama noon sa piket. Kung susumahin, katumbas kanilang mga kahilingan. ‘Di naglaon, napilitan ang lamang anila ng 11 araw na benta manedsment na ipagkaloob ng siopao ang hinihingi ng mga sa mga manggagawa ang manggagawa. Sa mahigit 7,000 halagang P37 dagdag- siopao na naibebenta ng Kowloon sahod. Hindi rin nila inasahan araw-araw na nagkakahalagang na ibibigay sa kanila ang P47 bawat isa, aabot ang halaga karagdagang P20 mula sa nito sa P3,619,000 na sapat na sana Wage Order No. 14. Ngunit upang bayaran ang P3,498,000 na hindi nila inasahan na iyon na pagkakautang sa kanila. Ngunit tila pala ang huling sahod nagmamatigas ang manedsment. nila. Gayunpaman, tinitiyak ni Mang Artur at ng mga kasama niya na hindi sila Tanggalan susuko sa laban. Setyembre Kasabay ng laban ng mga 12, idineklara manggagawa ng Kowloon, ni Labor Arbiter humihingi sila ng suporta sa publiko Aliman Mangandog na pansamantalang iboykot ang na illegal strike ang anupang produkto nito hangga’t ginawang protesta hindi nareresolba ang kanilang ng mga manggagawa problema. Dahil sa huli, higit pa sa noong Hunyo. Kasabay nito masarap na lasa ng siopao ang ay naglabas ng termination matitikman natin sa tagumpay ng order ang manedsment ng ating laban. Kowloon. Pitumpu’t tatlong (73) manggagawa ang Makiisa sa laban ng mga hindi na pinapasok ng mga manggagawa ng Kowloon! gwardya noong Setyembre Boykot Kowloon!

Mark P. Bustarga


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.