VOLVOL XXX No.69 Kunuary 2009
INDITOREAL:
NOISE:
FEET-TURES:
Alternatibo
PUPCET dinaig
Cha2x bira
audition fage 2
Bandalismo ni Foul Tuli-na
ang PBB fage 3
The Ultimate
Dance Showdown
fage 6
02
“ An Impotent Agent of Change” Ediot Board 2008-2009 Ediotor in Chief Chicken Joys Paellanto Mamasang Ediotor Kimbakling An-an Salat Assong Ediotors Puting Ita Vinaleualla Malangness Aning-aning Pot-session Ediotors Noise Ediotor Markie “Batang Tambo” Bastarda Feet-tures Lashua Panata Litterary Ediotor Tirik “Prinxes” Chumenes Communist Ediotor Mekulani Toyo Cult Ediotor Crispituna Puto Gwapings Ediotor Adik Crushko
Alternatibo
S
a mga tumutuligsa sa amin at nagsasabing masyadong pulitikal at seryoso ang mga nakaraan naming isyu, eto ang para sa inyo. Sa ikaapat na pagkakataon ay buong-puso naming ipinagmamalaki ang Duh! Chakalyst (DC) o ang lampoon version ng The Catalyst (TC). Ang lampoon ay nangangahulugang satirikal na pag-atake sa pamamagitan ng pagsulat. Bagama’t ang DC ay naglalaman ng mga nakakatawang mga artikulo, karamihan sa mga ito ay ibinase pa rin sa mga totoong pangyayari. Ibig sabihin, hindi pa rin mawawala sa DC ang pagkakaroon ng militante ngunit komprehensibong oryentasyong tinatanganan ng TC sa loob ng napakahabang panahon. Nitong mga nakaraang buwan ay sinikap ng aming patnugutan na makapaglabas ng mga isyung magbubukas sa isipan ng maraming iskolar ng VOLVOL. XXX No.69 Kunuary 2009 Bandalismo ni Francois Girbaud Sardinas
kami’y paratangang hindi sumusunod sa panuntunan ng mainstream media. Ika nga ng aming dicta, bayan ukol sa mga kaganapan sa lipunan. Mula sa Pangulo ng “to write not for the people bansa hanggang sa presidente is nothing” at “pro-students, Sumusulat ng unibersidad, at maging sa pro-masses”. mga hamong kinakaharap ng kami upang imulat ang mga mga PUPian, nagsilbi ang TC kapwa naming iskolar ng na mata, bibig at tainga ng bayan sa bulok na sistema ng lipunan. Hindi kami lahat. Inilahad nagpapadikta namin ang mga magpapatuloy sa panuntunan impormasyong sa pagsulat na hindi basta-basta pa rin ang ang gumawa ay ipinapakalap ng ganitong ang iilan lamang mga mainstream oryentasyon ng naghaharing uri. media. Bilang Kaya sa mga alternative TC hanggang nagsasabing puro media ay sa mamulat na lamang pulitikal tungkulin naming ang mga iskolar ang nilalaman ipagbigayng pahayagang alam sa mga ng bayan ito, magsawa na estudyante na ang pagkayo kung sa ang tungkol magsawa. Ngunit sa kalagayan alam ay isang ng lahat ng paraan upang magpapatuloy pa rin ang ganitong sektor, maging makisangkot.” oryentasyon ng ang korapsyon, TC hanggang sa anomalya at iregularidad na nagaganap mamulat ang mga iskolar ng hindi lamang sa loob ng bayan na ang pag-alam ay isang pamantasan kung hindi maging paraan upang makisangkot. Pansamantala, kami’y sa buong bansa—maging ito man ay magbunsod upang magpapatawa na muna.
“
Tagatimpla ng Kape Getluck Villanuewalla Alaxan Choktong Sirana Ma. Kuy Amoy Suka Jowel Toreh Anak ni Janice Mocina Sepilyo Nairita Sakanto Lotlot and Monching Anghit May Overdose Okoi Withcheese Hertardiness Fitzapie Bumbero Marlulong Boy-tulog Bedmuna Forchristsake Sagingging Herbert “Bistek” Batista Senior Vandalists Pawla Ponsi Xha I. Ginapang Junior Vandalists Maybilbil Garote Francois Girbaud Sardinas Cashier Posales Mc MacDouglas Punyemas Pornoganist Exhibitionists Disgrasya Goma Reachhard Payless Lay-out Activist Foul Chicolust Tuli-na
22nd floor Charmie Del Rosario Building, PUP Sta. Semilya, Maninila Telefucks: 7167832 loc. 69 Send your comments, suggestions, messages, death threats, and love quotes to duh_chaka@owyeahbeybe.cum Visit us offline at www.duhchakalyst.tk (cannot find server) MEMBER Alyansa ng mga Kabataang Makakaliwa (AKM-PUP) College Ediotors Gays of the Philippines (CEGP)
03
PUPCET dinaig ang PBB audition Dinumog ng mga nangangarap na maging susunod na Kim Shew at Gerald Underworld ang Pagalingan Umarte at Pagalingan magpa-Cute Entrance Test (PUPCET) kung saan humigitkumulang 42,000,000,000 ang bilang ng mga nagaudition noong Peb.8 at 15. Ayon kay university regi-star Melva Abrilata, sobrang “in” na sa mga kabataan ang PUPCET kung kaya’t ganoon na lamang kadami ang bilang ng mga dumumog dito kahit pa may P350 fee ito. “Alam mo ‘yun. Kitang-kita sa mga kabataan ‘yung kagustuhan nilang sumunod sa yapak ng mga idolo nila kaya kahit may bayad, go pa rin sila.
Nyahahaha,” ani Abrilata. Dagdag pa ni Abrilata, dumaan sa butas ng karayom ang mga nagnais na makapasa sa nakaraang PUPCET dahil nagkaroon ng polisiya na bago sila makakuha ng application form ay dapat mayroon silang hindi bababa sa 82% na average sa dance at theater class noong high school. “Actually, ayaw talaga namin silang pumasa kaya kung anuanong iskema ‘yung pinapauso namin tauntaon. Last year, tinaasan namin ‘yung passing grade. This year naman, tinaasan namin ‘yung average sa high school. E syempre loyal fans kami nila Kim at Gerald kaya ayaw naming may tumalbog sa kanila ‘no!”
kuwento ni Abrilata. Nang kapanayamin ng Duh! Chakalyst (DC) ang ilan sa mga istupyante at kabataan na kumuha ng PUPCET, sinabi ng mga ito na kahit ano pang hirap ay kanilang susuungin para lamang makapasok dito. “Kasi sabi ni nanay, ito raw ‘yung sagot sa kahirapan namin. Kaya kahit gaano pa kahirap ‘yan, ayos lang. No choice kumbaga,” pahayag ng isang estudyanteng ayaw magpakilala. Kaugnay nito, sinabi ni Abrilata na sa darating na Abril 4 malalaman ang tatanghaling the ultimate PUPCET passers sa The Fourth, Yanig City. “ G o o d l u c k ! ” pagtatapos ni Abrilata habang nakangiting aso. Jowel Tore
Bilang paghahanda sa clowncil election
Pula, dilaw na art paper nauubos na Magkakaubusan na naman ng kulay dilaw at pulang art paper dahil sa nalalapit na Istupident Clowncil Election, Pebrero 26-27. Ito ay matapos mapagdesisyunan ng Konsumisyon sa Eleksyon (KONELEK) na ang partidong mananalo ay iyong may pinakamaraming confetting maisasaboy sa darating na eleksyon. Ayon kay Seaman Carlo Naglayag, konsumisyuner ng KONELEK, dahil dilaw
at pula ang tema ng mga pangunahing partidong lalahok sa eleksyon, ang Tilos Party at ang Samahan ng mga Magaaral na Maaangas (SAMAMA Alliance), ito na rin ang mga kulay na gagamitin ng mga partido sa paramihan ng confetti. “Masasampolan na tayo ng kanilang gagawing paramihan sa gaganapin na meeting de abante sa Pebrero 24. Siguradong mahihirapan na naman ang mga dyanitor sa paglilinis. Bwahahaha!”
ani Naglayag. Nang kapanayamin ng Duh! Chakalyst (DC) si Aling Syoni (‘di niya tunay na pangalan), tindera sa isang school supplies shop sa wist weng, pinatotohanan nitong nagkakaubusan na nga ng mga art paper at maging specialty paper. “ I n a a s a h a n na talaga naming magkakaubusan ng mga art paper kasi kitang-kita ‘yung kagustuhan ng mga tatakbo na manalo. Ang hindi lang namin (sundan sa fage 04)
Patalsikin si Pang. Gloria Makapal Aray-ko! Ito pa rin ang laman ng mga tili ng mga binabaihang miyembro ng Gabrielata kasabay ng panawagan para sa tunay na reporma sa lupa.
PeeYuPeean wagi sa Art Faketron ’08 “Ang hirap palang gumawa ng painting gamit ang langis.” Ito na lamang ang nasambit ng alumnus ng PeeYuPee na si Rommel Sisid Ramota, matapos makuha ang unang pwesto sa paggawa ng likhang sining gamit lamang ang langis sa nakaraang Art Faketron 08’ na ginanap sa Fakeyun Megaplaza, Makati si Siti, noong Agosto 27. May temang “Alay sa mga Pilipinong naghihirap sa papamahal na langis”, ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang unibersidad ay lumangoy sa nanlalapot at mabahong langis. Este. Nagsumite ng kani-kanilang likhang sining para sa taunang paligsahan sa pagguhit
gamit lamang ang langis. Samantala, naiuwi rin ng isa pang alumnus ng Peeyupee na si Ronald Mc Donald ang ikalawang pwesto para naman sa Oil Painting division. “Grabe! isang malaking karangalan ‘to sa’min kasi pinaghirapan talaga namin ang pagkuha pa lang ng materyales pan-drawing. Biruin mong talagang sumisid pa kami sa kailaliman ng karagatan para lamang makakuha ng maraming langis,” ani Mc Donald, habang tuwangtuwang tinatanggal ang mga malalapot na langis sa kanyang mukha. Naungusan ng dalawa ang mga unibersidad na lumahok sa nasabing paligsahan tulad (sundan sa fage 04)
Kunuary 2009 VOLVOL.
XXX No.69
04 Kahit walang bola, iba pang kagamitan
Atliita ng PeeYuPee umariba
Mag-ingat. Dahil sa kawalan ng maayos na pasilidad sa loob ng PeeYuPee, pati upuan ng sasakyan ay target na ng mga fishkolar ng bayan na kasapi ng Bukas Kotse Gang (BKG)-PeeYuPee chapter.
Flower 8 nagpapar t y
Nagpaparty sa buwan ng Pebrero ang walong mabubulaklak na kolehiyo na kilala sa tawag na Flower 8 (F8) sa PeeYuPee kabilang ang tatlong anak sa labas na kolehiyo para sa Fundation Weak. Kabilang sa limang nagpaparty sa loob (F5) ng PeeYuPeeMain ay ang College of Laging Lumalandi (CLL), College of Ants (CA), College of Over Acting and Bitchness Taughters Engot (COABTE), College of Cave Men and Idiot Technicians (CCMIT), at College of Bitchness (CB), habang ang tatlong salingpusa sa F8 ay ang College of Tortourism and Hot and Rich Mamasan (CTHRM), College of Engginiling and Anghitektur (CEA), at College of Nonsense and Fool Sayang (CNFS). Sabay-sabay na nagpalakadlakad sa main campussy ang F5 para sa opening ng college weak noong Pebrero. Hindi naman nangumbida
ang tatlong kolehiyo sa labas sapagkat nagsarili na lamang sila ng pagpapaparty sa kanikanilang campus. Bilang pampagana at pantanggal ng boredom ng college weak, nagkaroon ng iba’t ibang aktibidad ang F8. Kabilang sa mga aktibidad na ito ay ang old school na mga dance competition, booth, at programa na matamlay na nilahukan ng mga istupidyanteng napadaan lamang. “Ayos lang naman yung College Weak namin. Masaya kasi buong linggo ako nakapag-DOTA ngunit malungkot din kasi di ko nakita yung crush ko na 2nd year *singhot* dahil sa buong linggo kaming walang pasok,” ani Mc. McDo Nueve ng COABTE habang ginugunita ang mga alaala nila ng crush nya. Sa kabila ng pagpapaparty, may ilang hindi naman nasiyahan sa kaganapang ito sapagkat muli na naman silang
PeeYuPeean wagi... (mula fage 03) ng TinUPi (TUP) –Manila, Chasse Arteskwela Tarlac, Western Visayas College of Science & Technology.
“Ang saya-sayang magtampisaw at gumawa ng drawing sa malapot na mundo ng mga langis!
VOLVOL. XXX No.69 Kunuary 2009
naholdapan ng kanilang mga kolehiyo dahil sa dami ng nagastos. Nalimas ang kayamanan ng ilang istupidyante dahil sa mga requirements na hinihingi sa kanila para sa party. “Nakakaasar nga yung college weak namin eh. Biruin mo nagbayad kami ng mahal para sa t-shirt na walang man lang print?! Tapos may binayaran kaming I.D lace na worth Php.100. Ginto? Hindi pa nga namin nakukuha eh…Nagulat na lang ako ng biglang wala na kaming gamit sa bahay dahil sa pati ariarian namin ay natangay nila,” siwalat ni Atchara Pareho. Sa kabuuan, wala namang naitalang krimen (liban na lang sa mga katakot-takot na bayarin) sa party ng F8. Masaya namang hindi pumasok ang mga istupidyante at mga taughters na nakisabit sa party dahil sa feeling nilang sembreak ng kanilang kolehiyo. Maybilbil Garote
Pero wait muna hindi birong gamitin ito lalo pa’t pamahal nang pamahal ang presyo ng mga langis,” pangangaral ni Ramota. Tirik “Prinxes” Chumenes
Abot hanggang batok ang ngiti ng mga atliita ng PeeYuPee matapos iuwi ang 1st running-up overacting title sa nakaraang Squatter Colleges and Universities Athletic Angasan (SQUAA) Nasa Centrong Rehiyon (NCR) Meet, Pebrero 9-14. Ito ay sa kabila ng ilang buwan at taon nang pagsasanay ng mga atliita ng PeeYuPee nang walang ginagamit na bola, shuttle cock, raketa, yantok at iba pang kagamitan sa kanikanilang sinasalihang isports. “Biruin niyo ‘yun, wala na ngang sports materials na magagamit dito sa PeeYuPee pero pangalawa pa tayo sa mga nanalo. Astig ‘di ba? Partida! Hehehehe,” masayang kuwento ni Prof. Estelitanya Riles, dekadena ng College of Physical Embarassment and Supots (CPES). Ang naturang pagpuwesto sa ikalawang posisyon ay bunga ng pagkapanalo bilang over-acting champion ng PeeYuPee sa Bastedball (mhin), Goodminton (m), at Lone tennis (m & we-mhin); 1st runningup sa Atis (w), Athliitics (m&w), Goodminton (w), Bastedball (w), Tubol
Tennies (m), Bitch Baliball (m&w), Swamming (w), Putball (m), Puksal (w), Hardball (m&w), Taguang-baseball (m); at 2nd running-up sa Atis (m), Cheese (w), Tubol tennis (w), Bali-ball (m&w), Tae-kwan-mo (w), Sepak Tokwa’t baboy (m), Shetdance (m&w) at Field Demolition. Nakuha naman ng no-Reason to be Talo University (RTU) ang over-acting champion title. Nang kapanayamin ng Duh! Chakalyst si Ay M. Isporti, isa sa mga star player ng PeeYuPee, sinabi nito na ibang klase ang training sa kanila kaya sila humusay sa paglalaro. “Kapag nagsasanay kami, laging sinasabi ni Coach na ‘okay guys, paganahin na natin ang ating mga imagination at isipin na may hawak tayong bola’. Tapos ayun, sabay-sabay na kaming aarte na parang may mga hawak kaming bola. Ang mahirap lang sa praktis namin ay ‘yung ring. Madalas kasi iba-iba kami ng iniimagine na puwesto ng pagsyu-syutan ng bola. Pero all in all, it was fun,” pagmamalaki ni Isporti. Marlulong Bedmuna
Pula, dilaw... (mula fage 03) talaga inasahan na pati ‘yung mga specialty paper na mababango at mamahalin eh papatusin nila. Grabe, ganun na sila ka-desperadong manalo,” paglalahad ni Aling Syoni. Binalaan naman ni Naglayag na hindi maaaring makisaboy ng mga confetti ang hindi kandidato.
“Bawal ang hindi kandidato. ‘Yung official confetti na may tatak lamang ng KONELEK ang puwedeng isaboy para masiguro nating walang magaganap na dayaan. Mahirap na. Baka masabihan na naman kaming bias eh. Suntukin ko na sila,” pagtatapos ni Naglayag. Ma. Kuy Amoy Suka
05
M
ga taong-bahay lang sila. Lumalabas kapag Kunuary 9. Na nakikipagsiksikan, nakikipaghatakan at nakikisigaw sa lansangan. Hindi sila mga aktibista. Hindi rin mga rakista at lalong hindi mga punkista. Sila ang mga deboto ng Napapreno sa Quiaho, o mas kilala bilang mga Napaprenista. Taunang idinaraos ang isang konsyerto tuwing Kanuary 9 kasabay ng pagdiriwang ng Pista ng Napapreno sa Quiaho, Maninila. Kamakailan lang ay nakapagtala ito ng mahigit 2.8 bilyong debotong nakirakenrol sa nasabing pista, isa sa pinakamalaking bilang sa kasaysayan ng bansang Kilikinas. Ayon sa mga bulungbulungan (shhhhh, secret lang natin to’ ah), matutupad daw ang kahilingan ng sinumang naniniwala kay Napapreno. Sa katunayan, marami sa mga sikat na personalidad ang napagbigyan ang kahilingan. Isa si Gloria Makapal Arayku (GMA), na nagnobena at maghapong lumuhod (kaya hindi lumaki), sa biniyayaang makaupong parang prinsesa sa palasyo. Ganoon din ang nangyari kay Burak Obama, na naging prinsipe ng bansang Ununited States (U.S). Marami pang halimbawa ang magpapatunay sa kadakilaan aniya ni Napapreno na sa kabuuan ay patungkol sa paghihimala. Hindi man tiyak kung kailan talaga nagsimula ang debosyon kay Napapreno, maraming nagsasabing nagsimula ito bago pa man mauso ang mga pirated cd at dvd sa Quiaho. Teorya ng Pinagmulan Tatlong lalake ang uusap:
nag-
L1: Wala kayo sa lolo ko. Bata pa lang siya e’ deboto na siya ng Napapreno. L2: Sus! Wala yan sa lolo ko. Nasa tiyan pa lang siya ng nanay niya e’ deboto na siya sa Quiaho.
Sa katunayan, ito ay naisalba sa iba’t ibang kalamidad na siyang naging dahilan kung bakit ito pinaniniwalaang naghihimala.
Isang Pahid Katumbas ng
Isang Hiling
L3: Ang yayabang niyo naman, eh wala namang sinabi yang mga lolo niyo sa lolo ko eh! L1: E’ bakit, ganoo na ba katagal na deboto ang lolo mo? L3: Hindi pa man ipinapanganak sa mundong ibabaw ang mga lolo niyo e’ deboto na ang lolo ko sa Quiaho.
L2: Oooowwwwssss???? Imposible yan! Paano mo naman nasabi? At ilang taon na ba yang lolo mo? L3: Ewan! Basta ang alam ko alien ang lolo ko. Hindi siya tumatanda. Kamag-anak nga niya si Kokey e’. hahaha. K a n y a - k a n y a n g kuwentong barbero ang mga deboto kung kailan talaga nagsimula ang debosyon sa Napapreno. Maging ang mga historyador na gumamit na ng scientific process ay
nabigo sa bagay na ito. Kaya minabuti ng karamihan na maniwala na lang sa mga tsismis. May isang tsismosong nagsabi na ang imahe ni Napapreno ay nililok ng isang astig na karpintero at inanod sa Kilikinas nang umapaw ang Lagoon. Inilagak ito sa sikat na Plaza Miryenda at mula noon ay naging panata na ng mga deboto ang mag-gig tuwing Imbiyernas. At tuwing Kunuary 9, ipinagdiriwang ang kapistahan nito, kung saan itinuturing itong isa sa mga bonggang-bonggang pista sa Kilikinas.
Dagdag naman ng isa pang tsismoso, pirated na lamang ang kasalukuyang imahe ni Napapreno na nakalagak sa Quiaho, gaya aniya ng mga pekeng cd at dvd na inilalako sa lugar na iyon. Samantala, tinutulan naman ito ng ikatlong tsismoso, tunay pa aniya ang imahe nito.
It’s a Miracle Sa ginanap na konsyerto nito kamakailan lang ay nakilala namin si Aling Bebang. Abala siya noon sa pakikipagislaman sa gitna ng maraming tao. Bagaman siksikan at nagtutulakan ang mga tao, makikita kay Aling Bebang ang determinasyong makalapit sa idolong si Napapreno. May hawak siyang panty, kaiba sa hawak na bimpo ng karamihan. Bakas sa mga luha niya ang pagnanais na maipunas ang kanyang panty sa idolong si Napapreno. Naikuwento sa amin ni Aling Bebang ang mga himalang naganap sa kanyang buhay simula nang naging deboto siya sa Quiaho. Aniya, malaki ang pasasalamat niya kay Napapreno dahil natupad ang pangarap nila ng kanyang mister na magka-anak. “Animnapung taon na kaming mag-asawa ng mister ko pero hindi pa kami noon nabibiyayaan ng anak. Halos araw at gabi na naming sinusubukan. Nangayayat na nga ang asawa ko. Pero hindi pa rin kami tumigil. Lahat na ng prusisyon sinubukan namin pero wala pa rin,” paglalahad ni Aling Bebang habang kitang-kita ko sa kanya ang pagkakilig sa kanyang kuwento. “Hanggang isang araw narinig ko ang balitang naghihimala itong si Napapreno. Nagbasakali ako noon. Nagdala ako ng lumang panty at iyun ang pinangpahid ko sa kanya. Ilang taon ko iyun naging panata. At sa edad na 80, sa wakas ay natupad na ang pangarap namin. Dinaig pa ni Napapreno ‘yung santo sa Obondat. Menopausal baby ang tawag nila sa anak ko. Kamukha man siya ni Dagul eh ayos lang. Atleast may magmamana ng aming lahi.” Marami pang kuwento (sungan sa fage 09) Kunuary 2009 VOLVOL.
Bandalismo ni Xha I. Ginapang
XXX No.69
06
G
loria MakapalArayku: Maestro, play it. ►►► (sabay bukas ng spotlight. Nasa gitna ng dance hall si GMA at Falaging Ginagamot pag pinatawag ng Shitnado (FG) Mic Arayku) #cha-cha-cha.. chachachachacha.
cha-
Umaalingawngaw na naman ang CD ng pagsasamantala ni GMA at mga alipores niya, sa pangunguna ng track 1, ang pagsusulong ng Chakang Chabwatan ng makapangyarihan o ChaCha. Nangalay na sa kakasayaw sa makalumang tugtugin ng Cariñosa ang mga ito. Kaya naman, ayun, nagpumilit nang mapalitan ang “body language” ng gobyerno. Ibinigay na alibi ni GMA na ang pagiging oldfashioned daw ng moves at costume ng Cariñosa ang pangunahing dahilan kung bakit ito dapat palitan. Makati sa balat at jinajabar din umano siya tuwing suot ang costume nito. “Cariñosa is so old school
already. Dapat ChaCha na ang dance natin ngayon because it is so ‘beneficial’ to all of us.” (evil grin) Try and try and try some more Batay sa nakasaad sa Ponstipusyon ng 1987, may tatlong paraan upang maaprubahan ang pagsasabatas ng ChaCha. Una, ang pagkakaroon ng people’s initiative o pangunguna ng mga mamamayang binabayaran ng mga pulitiko upang maging sunud-sunuran sa kanila. Pangalawa, ang pagsusulong ng CONtsabahan ng Shitnado at Congrishew, mga ASSh*le o CON ASS sa mataas at mababang kapulungan. Ikatlo, constitutional convention o CONgrishew lang ang magbubotohan at magkoCONtsabahan o CON CON. Taong 2005 nang isinulong ang people’s initiative na pinangunahan ng Singaw ng Bayan, isang organisayon ng mga bayarang pasosyal at poserong nagsasayaw ng ChaCha. Ayon kay Atty.
VOLVOL. XXX No.69 Kunuary 2009 Bandalismo nina: Foul Tuli-na at Francois Girbaud Sardinas
S i r a u l o Lambingo, tagapangulo nito, “Pakinggan niyo kaming mga singaw ng bayan, masakit man sa bibig pero kami pa rin ang tunay na kumakatawan ng boses ng whole wide madlang sambayanan. At ChaCha ang dapat maging pambansang sayaw. It’s so cool kaya!! It’s like we’re so rich and everything pa. Mabuhay ang ChaCha”. “Mabuhay!” sagot ng mga bayaran niyang tauhan habang pumapalakpak. Sinalubong sila ni Madamn GMA sabay handshake na may nakaipit na P1kiaw. Last year ay kinati na naman sa costume niya si Madamn. E ‘di ayun, megasulsol naman siya kay Juicy de Venetian blinds, House Spitter ng Kongrishew noon, na i-go na ang CON ASS. Pinangakuan pa siya ni Madamn na maging chief Dayaan Instructor (D.I.) kapag ChaCha na ang pambansang sayaw. Nagkataon naman na emo’ siya noon, ayaw makisawsaw sa trip ni Madamn GMA. Nahurt naman ang bruha. “Parang wala tayong past. Huhu. Lagi pa naman tayong magkasabwat noon. At ngayon.. Ngayon..
Huhuhuhu. Ayaw mo sumayaw, e ‘di wag! Get out of my dance troupe! Huhu,” habang tumatakbotakbo sa ulan. Ganito rin ang dinanas ni Madamn GMA nang ginapang niya si Manny Billiard, big time na D.I. ng shitnado noon. As usual, tinanggihan siya kaya pinaalis niya rin sa kanyang dance troupe. Mga dekalidad pa rin naman ang ipinalit sa kanila. Dinagdagan pa ang task, ngayon ang mga D.I. ay Dayaan and doglike Instructor na rin ng Palashu. Nang kinapanayam ng Duh! Chakalyst (DC) ang bagong mga D.I. ng Kongrishew at Shitnado na sina Posporo Negroles at Buang Alasonse Engengriles, as usual, pawang mga ‘Aww! Aww! Aww!’ at ‘Arf! Arf! Arf!’ ang kanilang naging tugon. (mga tuta kasi) GMA to Puto: Next ka na. Harhar Next in line na ngang manipulahin ng Palashu ang Sogo Court (SC). Inilabas sa isang press statement na lagi na lang biglang liko ang mga dance steps ng SC kung kaya’t pinaplano ni Madamn na gawing doghouse ng mga tuta ang naturang posisyon. Sa katunayan, majority na ng members nito ay inappoint ng Panggulo, tanging si Nireto Puto, Chief D.I., na lamang ang natitirang sumasaliwa. “Next na’ko? Keber lang. Bitter talaga yang si Madamn dahil alam niya na nasakin ang lahat ng qualities to be the star dancer. Ilang beses na rin kasi siyang nakabog ng mga dating Chief D.I. dito sa SC kaya gusto niyang gumanti,” taas-kilay na pahayag ni Puto. Matatandaang noong taong 2006 nang kineme ng dating Chief Dance Instructor Artemo
07 Pangbanban ang people’s initiative na pinangunahan ng Singaw ng Bayan. Pagkokonsolida ng Cariñosa Party People Ang sitwasyon na mismo ang humubog ng isang makapangyarihang dance troupe na pumuno ng 10,000 audience sa ginanap na dance concert sa Ayala noong Disyembre, ang Cariñosa Party People (CPP). Binubuo ito ng mga progresibong dance group tulad ng Amuypawis, Kilusang May Udoh at Bagong Alkansyang Makabagay (BAYAN). Nag-uumepal din sa mga magpapakita ng dance moves ang ilang kilalang D.I. mula sa oposisyon tulad nila Herap Estirada at iba pang mga nakikisawsaw sa isyu. “The arroyo regime is sorely mistaken if it thinks her ChaCha cannot be stopped. People are more vigilant now against any moves to extend Arayku’s term in office,” pahayag ni Nireto Riles, secretarygeneral ng BAYAN, habang pagod na pagod sa daily rehearsal ng Cariñosa Dance Troupe.
naging pagtatanghal nila Rihanna at Chris Brown). Isa itong kritikal na tunggalian sa dance floor dahil ito ang magpapasya kung ano ang dapat umiral na pambansang sayaw, ang Cariñosa ba o ang ChaCha. Hanggang sa moment na ito, todo effort pa rin sa pagpapraktis ang dalawang nag-iinit na grupo. Ang Cariñosa Party People ay nagfofocus sa pagpaparami ng mga supporters. Strategy diumano nila ang maghakot ng maraming manonood ng nasabing concert para sa matinding moral support. Ang ChaCha Dance Troupe naman, sa pangunguna ni GMA at FG Arayku, ay patuloy rin sa pangongontak sa mga alyado nilang gahaman din sa kapangyarihan tulad ng U.S. (too bad nga lang dahil wala na si Bush sa pwesto)
Mamamayan ang mapagpasya! Malalaman kung sino ang panalo ayon sa lakas ng pilantik ng palakpak at hiyawan ng crowd na dadalo sa event na iyon. Magiging abot-kamay lamang ang tagumpay ng Cariñosa Party People kung makakabog nila ang performance at bonggang dance steps laban sa may bahid-Amerikanong ChaCha. At kayo, oo, ikaw nga, walang iba, kayong nagbabasa nito. Iparinig ang boses ng sambayanan! Makialam! Makisangkot! Makipalakpak na! Kaya anu pang hinihintay niyo, TAWAG NA! You can call Ticketnet 666 66 66 for ticket reservations. O kaya
ay itext ang iyong nanay at humingi ng pera pambili ng ticket.(wag kalimutan ang KICKBACK!=)) Nang kinuha ng DC ang pulso ng mga mamamayan, sabay-sabay nitong sinabi na “Mga p#+@na niyo. Chacha kayo ng Chacha dyan, ba’t hindi nyo unahin yung mga mamamayang nagugutom at mga squatter sa sariling bansa? Imbis na pagbabago ng pambanasang sayaw, baguhin nyo ‘yung mga pagmumuka ninyo. Ayusin nyo na buhay nyo. SOCIAL CHANGE tol. Unahin niyo yun. Mga bakanangshets na to.” Puting ita Vinaleualla Anghit May Overdose Herbert “Bistek” Batista
Ultimate showdown… Go! Go! Go! This is it! Magaganap sa ika-30 ng Pebrero ang bonggang-bonggang ultimate showdown na lalahukan ng Cariñosa Party People at ng ChaCha Dance Troupe, sa The Fort (target nitong kabugin ang dami ng crowd sa
Kunuary 2009 VOLVOL.
XXX No.69
08
TED
Pylon. Wasak na tuloy ang mga pangarap ko.
PYLON Santino edition
M
insang mainit ang panahon, nautusan ng kanyang ina si Ted Pylon na bumili ng yelo para pampalamig sa tinimplang sago’t gulaman. Masyado atang cool at in ang yelo kaya umabot si Ted sa isang tindahan malapit sa Baclaran para bumili. Nang biglang…
MAHIWAGANG BOSES: Ahem! Ahem! TED PYLON: Hala! Kaninong boses ‘yun? Nagliwanag ang buong kapaligiran ni Ted hanggang sa wala na siyang makita. TED: Owsyet! Himala. Wala akong makita. Bulag na ata ako! Dumating na ang araw ng paghuhukom! MAHIWAGANG BOSES: Ahem! Ahem! Teka iho, huwag kang OA. Magpungas ka ng mata mo. Nabigla lang ‘yan sa sobrang liwanag. Mainit lang talaga. TED: Sino ka ba? At bakit boses mo lang ang naririnig ko? Bakit hindi kita makita? Teka. Bro? Bro? Ikaw ba ‘yan, Bro? MAHIWAGANG BOSES: Ha? Sinong Bro? Ah oo! Ako nga si Bro. Hehehe. Kamusta ka na Santino? TED: Ha? Santino? Ako? Ayos lang Bro. Narito ka ba para tulungan ang sangkatauhan? MAHIWAGANG BOSES: Oo. Palagi akong naririto upang tumulong sa nangangailangan. Ako ang tagapagligtas ng sanlibutan ! Bwahahaha ! Hehehehe ! Nyahahaha ! VOLVOL. XXX No.69 Kunuary 2009
TED: At naririto ka ba para gawin akong daan para sa pagtulong mo ? Ako ba ang magiging paraan para makatulong ka sa mga nangangailangan ? Hindi mo na kailangan hingin ang permiso ko. Oo ! Pumapayag na’ko. Taos-puso kong tatanggapin ang ipagkakaloob mo para makatulong sa kapwa. Gamitin mo ako Bro!
Ang sabi doon sa reklamo, nagpapabayad daw ako sa isa kong istupidyante para ipasa ko siya. Totoo namang nagpabayad ako. Pero my God, bolpen lang naman ‘yung hiningi ko. Ano ba naman sa kanya ‘yung magbigay man lang ng isang Paker na bolpen?
lang pubic apology ay makakuha ako. Alam mo naman ang mga katulad ko, mataas ang antas ng dignidad at paninindigan. Kaya hinding-hindi ako papayag na mayurakan ito (Pero in a lighter slide, ookey na’ko basta ma-feature ‘yung lifestory ko sa Duh! Chakalyst kasama ang isandaan sa mga achievements ko. Exposure rin ‘yun). -Prof. Hut Hotero
Kinausap ko pa nga ‘yung dating ediotor in chief nila kaso ‘di ko na talaga nahabol ‘yung reklamo sa’kin. Balak ko sanang magsampa ng libelo sa present ediotor in chief para kahit man
TED: Para sa inyong mga reklamo and other concerns, magconcentrate lamang at makipag-usap nang mind to mind kay “Bro”. I-maximize natin ang powers of telepathy. Hehehe.
Bwakanang Pervert
Foul Chicolust Tuli-na
Handog Edukasyon
Kimbakling An-an Salat
MAHIWAGANG BOSES: Hehehehe! Ayos! At mula rito, ginamit nga ni “Bro” si Ted bilang tagapagligtas ng mga naaapi at pinagsasamantalahan. Siya’y naging sumbungan ng sanlibutan.
Case No. 1 series of 2009 WANTED: Ediotor in chief, Duh! Chakalyst Gustong-gusto ko nang ireklamo noon pa man ang ediotor in chief ng Duh! Chakalyst pero dahil sa takot na paulit-ulit nilang ilagay sa dyaryo ‘yung pangalan ko, nanahimik na lang ako sa loob ng mahabang panahon. Paano ba naman, na-Ted Pylon kasi ako. Isa pa naman ako sa mga aspiring na maging susunod na de-ano sa kolehiyo namin kaya linis ako nang linis sa matagal nang madumi kong imahe. Tapos bigla na lang akong mate-Ted
Monkey Brain Sushii
Cashier Posales
Foul Tuli-na
09 Reachhard Payless
Kambing ba ‘to?
“Bukod sa kambing, aso, pusa, manok at palaka na naglipana dito sa PUP, ano pa ang gusto mong madagdag sa animal friends list nila?” Uh. Siguwo, ungGoy na laNg p0h! Si jOhnnY the MonkeY na nGbabasketbOl.pAra ma-chaLLenge uNg mga bUtiki-bOdies dun sa cOurT! hEhE -Bibi Gandalalaki BS I LOVEYOU -4ever, +639198045***
sa kahirapan ang Isang Pahid... umahon bansang Kilikinas. At mula pa (mula fage 03)
ang talaga namang umantig sa aming puso. Gaya naman ni Mang Jose, natupad ang kanyang pangarap na magdalaga gaya ni Maxim O. Liveros. “Bata pa lang ay idolo ko na si Maxim. At nang lumantad sa publiko si Bebe Gandangreyna ay lalong umigting ang pagnanais kong maging ganap na babae. Hanggang isang araw ay nagising na lang akong may tagos sa bandang likuran,” aniya habang nakatingin nang malagkit sa akin. Ngunit sa lahat ng kuwentong narinig ko, hindi ko makakalimutan ang naibahagi sa akin ni Huwan dela Crus. Matagal na pala niyang pangarap na
sa ninuno niya ay deboto na sa Quiaho. Nagtataka nga siya, bakit parang kahilingan na lang niya ang hindi natutupad. Malungkot ang mga mata ni Huwan. Mayamaya pa’y bumalik na siya sa gitna. Muling ngumiti. Muling nakipag-rakenrol habang nakataas ang kaliwang kamay. Matatapos na noon ang concert. Isang taon na naman uli ang kailanganng hintayin ng mga debuto. Muling sumagi sa aking isip ang sinabi ni Huwan. Aniya, hindi iyun kuwestiyun ng paniniwala o anupaman. Pero ika nga, ‘nasa Kanya ang awa pero nasa tao pa rin ang gawa’. Nina: Marky Bastarda Okoi Withcheese Hertardiness
Dolphin na lng. Para may bagong pagkakitaan ang admin dun sa university pool. Dolphin show. Syempre, may bayad yun. Sana affordable. At pag hindi nagustuhan, pwedeng i-refund yung ibinayad. -Mike Kulangot BS KaBio 8-333333, +639999999*** SHARKKKKK! Ilalagay yun sa Lagoon tapos dun ipapakain ang mga opisyal na anti-estudyante! -Dylah Ng. Kambing ISBN 00026875-908644-00-564, +639111111*** Yung prof ko na lang. Professoreating-eagle. Sa laki ng bunganga, kasya ang Philippine eagle! PEACE, MA’AM! P.S. Papasok po ako mamaya sa klase nyo, may dala kong hawla. -Angelina Chongkeys BSE-Marijuana, +630123456***
Madaming ibong adarna. Lahat ng puno ay may ibong adarna tapos magiging Totoy Bato yung maiiputan. -Johnny Okraseed BS-USB 1000G, +639143444*** DUH?!Animal? Dinosaur na lang.Yun ang ipapalit kay Mabini. Overpopular na kasi si Mabini. Tsaka para hindi na gawing studio ang Obelisk. Nyahahaha! -Pol “Santino” Fakehealer RSVP 09126745-35, +639232323*** PASOK na PASOK sakin yung tanong ah. Pwede bang ako na lang o kaya yung tatay ko? Kasi nung pinagalitan ako ng Nanay ko at nag-away sila ng Tatay ko, sabi ng Nanay ko, “Mga Hayop Kayo!” Pwede bang kami na lang ni Tatay? -Ina A. Peepalagi, Acct. # 2k7-890125647-0001, +63987654*** Kuliglig na lang. For more inquiries, EB me @ Sampaguita Canteen, wearing orange uniform. -Gina Jabar ABE (Anghit Baho Eew) 2-2 Graveyard shift, +639160000***
Ito lang ang tanging seryoso sa dyaryong ito: Naghahanap ang Duh! Chakalyst ng mga taong may kakaibang talento (hal. kayang magdrawing habang tulog, kayang isulat ang mga magaganap sa future...) Magtungo lamang sa 2nd flr. Charmie Del Rosario Bldg. at kindatan ang unang makikita mong tao sa opisina. Magdala din ng photocopy na iyong Regi at isang 1x1 picture. Kunuary 2009 VOLVOL.
XXX No.69
10 Creative Flush Malangness Aning-Aning
M
ay magkapatid na nag-uusap, itago na lang natin sila sa pangalang Pol at ang kanyang nakababatang kapatid na si Edrick. Edrick: Kuya, may kakilala ka bang Salas ang apelyido. Student teacher kasi namin sya. Pol: Mmm..(nag-isip) Oo. Naging klasmeyt ko sya nung hayskul. Nag-e-ST na pala sya. Anong subject? Edrick: Mapeh. Pol: Talaga!? (nagulat!) pasaway sa Mapeh yun nung hayskul ah..(blah..blah..blahh..) **End** Hindi ko na pinakinggan ang sumunod na pag-uusap nila baka sabihin nakikinig ako. Sa pag-uusap nila naalala ko tuloy yung propesor ko noong first year sa Business Math. Apat na
K
elangan ko na yata ng galon-galong tubig at maraming paracetamol. Parang ilang araw na’tong tama ng hang-over ko. Ilang linggo ko na ring pinag-iisipan kung ano ang isusulat ko sa kolum na ito pero wala akong maisip na maganda. Siguro e magkukwento na lang ako. Humigit-kumulang 50 beses ko na rin sugurong sinabi na ayaw ko nang uminom tuwing gumagapang na’ko pero paulit-ulit pa rin ako. Ang sama ng tama ng alak pero masarap sa kwentuhan. Lalu na pag madaldal yung kaharap mo. Yun bang tipo ng nagsasalaysay ng talambuhay niya pag may amats na. Meron nang nagkwento sa’kin na nakapatay siya nung 1st year college sya sa probinsya. Nasaksak daw niya yung laging nantitrip at nambubully sa kanya simula pa nung elementary sila. Bunga siguro ng emosyon kaya ‘di niya napigilan at pinagsasaksak yung taong yun. Nakulong siya ng pitong buwan. Tapos nun ‘di na raw nya alam kung may tsansa pa syang makapag-aral. Ayos ‘no? Pang telenobela yung dating. Marami pang kahindikVOLVOL. XXX No.69 Kunuary 2009
Teacher’s Pet
beses lang kasi sya pumasok sa klase namin at nung ikalawang araw pa nagbenta sya ng libro. Ayos ‘di ba? Business Math talaga. Naalala ko din yung propesor ko sa Human Resource Management na kalog, medyo dibdiban yung pag-uusap namin nun e. Sabi nya, “Hindi matatawaran ang pakiramdam na makita na grumadeyt yung mga estudyante namin. At dumating yung panahon na babalik sila, pupuntahan kami at magpapasalamat”. Nakakaiyak kaya yung moment na yun.*singhot* Kung iisipin hindi matatawaran ang dedikasyon na ibinibigay ng mga propesor at kawani ng sintang paaralan natin. Hindi nga nila natatamasa ang mga karapatan, benepisyo at pribilehiyo na nakapaloob sa Collective Negotiations
Agreement o CNA kung saan naaprubahan mahigit tatlong taon na ang nakakalipas. Ngunit hindi pa rin inaaprubahan ng BOR ang CNA sa kadahilanang nakasaad dito ang isa sa mga benepisyo ng mga guro na ‘demokratikong pakikilahok ng mga kawani sa pagpili ng opisyal ng unibersidad’ na tinututulan kahit pa ang karapatang ito ay nakasaad sa Konstitusyon. Isa pang magpapalugmok sa kalagayan ng mga kawani at guro ng ating sintang paaralan ay ang inihain ni House Speaker Prospero Nograles noong Set. 16, 2008 na Salary Standardization Law 3 o ang Resolution no. 24. Nakasaad dito na ang isang simpleng empleyado ay makakatamo ng P1,800 na pagtaas ng suweldo makalipas pa lamang ng apat na taon sa kanyang
Kwentong Kanto hindik at kagila-gilalas na kwento. Merong isa na may kaibigan daw syang duwende na magaling sa matematika kaya daw siya nakakapasa sa mga exams. Pero biro lang pala nya ‘yun. Ang tinutukoy pala nyang duwende e yung katabi nyang matalino sa upuan na kinulang lang pala sa height. Meron naman na nananaginip ng mga numero. Lima. Tatlo. Akala niya ay kumbinasyon sa lotto pero pagdating ng class card niya ay puro singko at tres pala. Meron ding nakabuntis, muntikang makabuntis, nabuntis, at kung ano pang may kinalaman sa sanggol. Yung nakabuntis ‘di siya sigurado kung siya nga ang ama. Yung muntikang makabuntis akala lang pala niya, ‘yun pala delayed lang. Yung nabuntis, ayun humihingi na lang ng sustento sa ama para sa kanyang anak. Meron pang problemado sa lablayp, brineak ng tatlong taon na nyang girlfriend dahil sa nalamang may iba pa siyang girlfriend;
natotorpe at nabububulol sa nililigawan kaya hindi ito sinasagot; nahihiyang sabihing mahal niya ang kanyang bestfriend kasi natatakot na baka sabihin nitong kaibigan lang ang turing sa kanya. Hay! Pag-ibig nga naman. May problemado din sa pamilya; binubugbog ng tatay, binubulyawan ng nanay, nambubugbog ng tatay at nambubulyaw ng nanay. Meron pang adik ang kuya, adik sa lalake ang ate, adik ang ate at adik sa lalake ang kuya. Iba’t ibang tao, iba’t ibang kwento at problema pero iisa ang pinupunto. Andaming problema sa mundo. Kung siguro may katumbas na pera ang problema baka mayaman na tayo ngayon. Pero kung mapapansin niyo, ito ay mga pansariling problema lamang— sa pagibig, sa pera, sa pamilya, sa akademiks, sa hangover at madami pang iba na madali lang masolusyonan. Sabi nga nila, andaming problema ng lipunan kaya ‘wag
pagseserbisyo. Samantala, ang isang mataaas na opiyales ng gobyerno ay makakatamo ng 100% na pagtataas. Pinapakita lamang nito ang hindi pantay na pagtingin at nagsusulong ng pansariling interes. *grrrr* Ngayon, dahil sa pinatupad na grade requirement na 82% general average ng 1st3rd high school, kalakhan ng mga anak ng mga kawani at guro ay hindi makakapagaral sa sintang paaralang pinagsisilbihan nila. Kahit man lang ang hinaing nilang ito ay hindi maibigay. Ang lahat ng ito ay nag-uugat pa pa rin sa mababang badyet na binibigay ng gobyerno sa edukasyon. Sa bawat pagkakataon na kakantahin o maririnig ko ang Himno ng PUP, naiisip ko ang mga guro at kawani sapagkat bahagi sila ng bawat iskolar ng bayan. At sa kanilang laban ang iskolar ng bayan ay hindi dapat na nagdadalawang isip na makibahagi rito.
Forever the Sickest Uthought Adik Crushko
nang magdrama sa pansariling kalungkutan. Andyan ang mga magsasakang walang lupang masaka, mga manggagawang hindi sapat ang sahod batay sa lakas paggawang inaatang nila, mga kabataang hindi makapagaral, tuition fee increases na ang dinudulo ay ang kulang na badyet sa sektor ng edukasyon, nagtataasang presyo ng bilihin at produktong petrolyo, ang militarisasyon na ang resulta ay extra-judicial killings at enforced dissappearances, at ang ugat ng lahat ng problemang ito na imperyalismo, burukrata kapitalismo at pyudalismo. Ang mga problemang ito ay hindi masusulusyonan ng sarili lamang kundi ng pagsasamasama ng lahat ng mga uring pinagsasamantalahan. Ika nga nila, sa sama-samang pagkilos ay makakamit natin ang tagumpay. Pero bago ang lahat poproblemahin ko muna ang sakit ng ulo ko sa pamamagitan ng pag-tick tock ng paracetamol ala John Llyod. Ingat!
11
Payo ni Papa Bear ni Charing Que Pavian
H
ng sukat na pambabae dahil malalaki nga ang kanyang mga damit. Natuwa ako dahil nang nag-birthday ako ngayong taon, isang magandang pink blouse ang ibinigay niya sa akin. “Ayan Sis, bonggang-bonggang sakto na yan ah. Expert na ko sa mga size size chenes eclavu na ‘yan kasi halos magka-size na tayo ngayon!! Hahaha!!!”, nakakatouch, at nakakalungkot din na dugtong niya nang ito’y iniabot niya sa’kin. Mukhang wala na ngang pag-asang matuwid ang dati kong si Gerald, ngunit nasa puso niya pa rin ang mga alaala ng tuwid naming nakaraan. Nanguluntoy na nga ang bakas na pagkalalaki nitong si Tanya, ngunit kahit kailan ay wala raw siyang balak makisama sa isang lalaki. Ang katwiran niya, siguradong kung sino man raw ang makikisama sa kanya na boylet, ay maaaring vaklushi rin, at ayaw niya ng ganu’n. “Ay naku Sis, mas gugustuhin ko nang hindi mag-asawa kesa mahulas lang ang beauty ko sa mga boys na ‘yan. I will stay beautiful alone forever, at ako ang magiging pinakamagandang ninang ng mga kiddies mo!!! Da’va?!?, ‘yon ang sinabi niya nang minsang mapag-usapan naming ang pag-aasawa. Ang hindi niya alam, siya sana ang gusto kong maging ama ng aking mga anak. Pero maaaring siya ang maging isa sa mga fairy godmother ng magiging sleeping beauty ko. Nakakalungkot talaga si Papa Bear. Siya na noon ang matatawag na boyfriend material, at dream man, pero sadyang malupit ang tadhana. Ano ang gagawin ko? Para siyang si Rustom, na ngayon ay si BB Gandanghari na. Pero, hindi ako tulad ni Carmina na nakapa- move on. Imposible ko ‘yong magawa dahil araw-araw ay magkasama pa rin kami. Hindi nabawasan man lamang ang aking feelings para sa kanya. Ganoon pa rin siya ka-sweet sa
Umaasa sa wala, Cherry.” Hindi ko napapansing nacarried away pala ako sa aking napakinggan at halos ako’y maluha-luha na. Hindi ko naman narinig ang payo ni Papa Bear dahil nakuha ng isang malakas na sigaw at tapik, ang aking atensyon. “Hoy!!! Bruha ka!!! Ikaw pala yan!!! Kasasakay ko lang.. Pauwi ka na ba????” Hindi ko nasabayan at nasagot ang tanong ng bestfriend ko sa akin. Hanggang napansin na lang niya ang aking mamasa-
masang mata. “O bakit? What’s your problem Sistah?!?!” Natuloy na ang aking pagiyak, sabay sandal sa kanyang balikat. at wala akong nasabi kundi.. “Kasi.. Tanya…” Nag-tsunami ang aking mga luha at niyakap na lang ako ng dati kong si Gerald. *Madalas masabihang tibo, si Charing ay isang batang pinapakain ng Wowowee sa Teresa at isang kaliweteng estudyante na natutulog sa oras ng klase. Isa siya sa mga walangsawa na nagpapadala ng artikulo para sa Zipped pero ayaw naman magDuh! Chakalyst.
NOW SHOWING!
Foul Tuli-na
indi ko ininda ang matinding traffic sa Aurora dahil sa pagkalibang sa pakikinig ng radyo ni mamang drayber. Isang liham ang binabasa ni Papa Bear mula sa napaka-open na letter sender. “Dear Papa Bear, matagal ko na pong itinatago ang aking nararamdaman para sa aking kaibigan. Simula pagkabata ay magkakilala na kami, magkasundo ang aming mga magulang, at tila gusto na rin kaming ipagkasundo. Subalit, nang dumating ang college, nagiba ang ihip ng hangin. Gumanda siya, mas maganda pa sa akin, at ang dating tabachoy na si Gerald Tan, ay isa na ngayong slim, at kay bonggacious na Geraldine Tan, a.k.a “Tanya”. Naging masakit iyon para sa kanyang mga magulang, ganu’n din sa aking ama’t ina na umaasa na siya na ang kanilang mamanugangin sa akin. Ngunit, naging pinakamasakit iyon para sa akin. Ang dating pinakamamahal ko, na crush ng madla, na si Gerald, ay mas banidosa at mas maarte pa ngayon sa aming lahat. Ang maganda, hindi nagbago ang pagiging malapit namin sa isa’t isa. Kung dati ay binabanggit niya sa malambing na paraan ang aking pangalan, ngayon ay isang malanding “Sistah” na ang tawag niya sa akin. Kung dati ay nasuntok niya ang lalaking bumastos sa akin habang naglalakad kami pauwi sa aming bahay, ngayon ay nananampal na siya ng mga bumabastos sa kanya. Ang laki ng kanyang pinagbago. Halos nabura na nga ang kilala kong Gerald, ngunit hindi pa rin nabubura ang aking nararamdaman para sa kanya. Tuwing birthday ko noong mga nakaraang taon, binibigyan niya ako ng t-shirt, at laging hindi eksakto ang sukat nito. Laging malaki sa akin ang kanyang nabibili, ang katwiran niya, wala siyang talent sa pagtantya
akin, ‘yun nga lang, may halo nang lansa. Papa Bear, kailangan ko ng isang matinong payo. Salamat!!
Kunuary 2009 VOLVOL.
XXX No.69
Pakshet, antanda ko nang graduate, alaws paring trabaho!
12
Estudyante 1: Huhuhu. Isusumbong kita sa teacher ko. Bakit mo sinasabing hindi ako yayaman pagkagraduate ko? Estudyante 2: Naku. Huwag mo ‘yan sasabihin sa teacher mo, kasi baka pati sila maiyak. Maaalala lang nila na hindi sila yumaman kahit pa nakagraduate sila. **Ehem. Ehem. Para sa mga naka-relate, ituloy niyo pa ang pagbabasa hanggang ibaba para maging enlighten one kayo.
Kasi ‘di ba sabi ni Pangulong Aray-ko na gagawin niyang 2M jobs ang dating 1M para sa mga Kilikino.
Dahil maliwanag ang buhay ika nga ng Meralmo, may nag-aabang pa rin na bright future sa mga fresh graduate ngayong summer.
Echos lang ‘yun. Hindi nga umabot sa 1M gagawin pang 2M. 999,999 jobs lang kaya ‘yung nagawa. Kulang pa sa effort!
Naku. Meron namang bright future dito sa bansa ah. Look at the tall and fullof-light buildings ng call boy center agencies sa Tumigas Center. Hindi lang brain drain at moral abuse ang aabutin mo dun. Pati na rin “katas” drain.
Hehe. Madali kasi akong mauto. Itatapon daw kasi tayo sa ibang bansa. At dahil biggest dream natin ang makakita ng snow at makapunta sa Dish-ni Land, go ako!
O sige. Arya lang nang arya. Ayan tuloy napunta ako sa ibang bansa na uso pala ang paluan ng latigo at pugutan ng ulo. Tapos illegal wreckerter pa ang nagdala sa’kin dito. Pero ayos lang, baka makakuha pa ako ng benefits mula sa pamahala-hala. Yun ay kung maawa pa sila sa akin.
Kasi wala namang bright sa future ni Pangulong Aray-ko. Biruin mo 1M jobs pero ni isa hindi pala rito sa Sintang Bayan.
Magulo ang utak ko kaya huwag niyo na rin akong guluhin. Bunga kasi ito ng kapapanood ko kay Bekki La Peya at Luga Misskita. At saka aminado naman akong bulok na ang upuan namin sa klase. Pero ‘di ko lang sure kung totoong bulok ang sistema ng edukasyon ha. Medyo pasibo kasi ako eh.
Hindi ko pinangarap ang magpaalila sa mga dayuhang mahilig magf*ck you at ‘you brown monkey’ kaya mananatili kang isa sa milyun-milyong skinless longganisa sa bansa. Kung maging professional man ako na nagtitiyaga sa trabaho kong may maliit na suweldo, tiyak na may sideline akong nagtitinda ng panty at bra sa officemate ko.
Kung karamihan sa mga sagot mo ay oo, pumunta ka sa pulang kahon. Kung hindi naman ang karamihan dito, basahin ang nakasulat sa itim na kahon.
Yep, yep, hooray!
Dahil puro oo ang sagot mo, nakikini-kinita na namin na habambuhay kang magpapaalipin sa soon-to-be mong amo na ang pinakaamo naman ay si Ungkel Sum. Buong akala mo na yumayaman ka pero higit palang nagpapakayaman ang taong pinagsislbihan mo. Ayos ba?
VOLVOL. XXX No.69 Kunuary 2009
Nope JanPool de Ap
Dahil may paninindigan ka at marunong kang humindi, puwes ikaw ay hindi yayaman. Pero huwag kang malungkot. Hindi naman ibigsabihin noon na wala nang magandang kinabukasan na naghihintay sa’yo. Matuto ka lamang na palalimin ang iyong panindigan at lumaban para sa karapatan ng nakararami, hindi lang ang sarili mo ang mapapayaman mo kung hindi ang buong sambayanan. Naks!