June 2009
Vol. XXIV No. O1
The Catalyst
, l o o h c s s t n o e t d u k t Bacel‘komég’psasukan,
yon s a s i l ersya
w
on n g kom a t g n lo n i t s i Bago g lan
a pinal
Sa pagsisimula ng school year, imbis na ‘welcome’ ay wel‘komé’ ang isinalubong sa mga mag-aaral, hindi lamang sa PUP kundi maging sa ibang paaralan dito sa bansa.
A
ng komé o komersyalisasyon ay nangangahulugan ng “to exploit or spoil for profit”. Kapag iniugnay natin ang salitang komé sa kasalukuyang sistema ng edukasyon, ito ay nagiging katangian na nagdidikta sa pagbebenta o
Inside:
Article: Ma. Fatima Joy B. Villanueva Illustration: Paul Divina
Balita
PUP Pres. Dante Guevarra
pagnenegosyo ng kalidad ng edukasyon. Kumbaga nga, pera-pera na lang ang labanan.
SIStematikong komé Lokal na mukha komersyalisayon sa PUP
ng ang
pagpapatupad ng P250 Student Information System (SIS) o ang hitech na pagsasamantala sa mga mag-aaral. Sa pangalawang taon nito, patuloy itong naging madulas na daluyan ng mga dagdag-bayarin at iba pang pagmamanipula. Una na rito ang pagtataas ng matrikula ng College of Technology (CT, dating Voctech) na hindi aprubado ng Board of Regents (BOR). Ang kabuuang binabayaran ng isang freshman ng CT ay nagkakahalaga ng P5184-5400. SIS din ang naging daan upang makalusot ang mga iligal na bayarin noong
Lathalain
Panitikan
Guevarra, iba pang opisyales balik PUP
Statement of the rePRESSed
Suntok sa Mamamayan
Pahina 02 ►
Pahina 03 ►
Pahina 06 ►
Vol.XXIV No.01 June 2009
Sundan sa pahina 07 ►
Dapithapon Pahina 05 ►
Balita
The Catalyst Matapos ang 90 araw suspensyon
Guevarra, iba pang opisyales balik PUP ▲
Matibay na panawagan ang pinantapat ng mga raliyista sa ginanap na dispersal sa isang kilos-protesta sa Morayta, Maynila noong Hunyo 4. Bahagi ang naturang pagkilos ng kanilang mariing pagtutol sa naganap na CARP extension. R i c h a rd R e y e s
inaksyunan Maari nang makapagenrol ang 52 regular na estudyanteng hinainan ng honorable dismissal (HD) matapos ang pakikipagdayalogo ng Sentral na Konseho ng Mag-aaral (SKM) sa administrasyon ng unibersidad, Hulyo 18. Sa nabuong kasunduan sa pagitan ng SKM at ni Vice Pres. for Academic Affairs Samuel Salvador, ipapawalang-bisa ang nakasaad sa Student Information System (SIS) account ng mga estudyante na “0 units required” o hindi na maari pang makapag-enrol matapos na makakuha ang mga ito ng withdrawn, dropped o incomplete na grado. Ayon kay SKM Pres. Donnavie Pascual, dahil automatic sa SIS ang pagbibigay ng “0 units required” kapag nakakuha ng withdrawn, dropped o
incomplete na marka ay nagiging automatic na ring hindi nakakapag-enrol ang mga estudyante. “Karamihan sa mga nagreklamo ay second year regular at waiver students na nakapaloob sa SIS. Kung mga estudyante itong hindi under ng SIS, hindi sila agad mapapatawan ng HD. Iyan ang isang epekto ng SIS,” ani Pascual. Nauna nang inilapit ng SKM ang mga kaso ng HD kay University Registrar Melba Abaleta ngunit sinabihan lamang umano ang mga estudyante na sa dean ng bawat kolehiyo dapat magpa-evaluate at hindi sa kanya. Kaugnay nito, ang mga waiver students naman na binigyan ng HD ay irereevaluate upang malaman kung maari pa rin silang makapag-enrol o tuluyan nang madidismiss. Jeric F. Jimenez
Anunsyo:
Sa darating na Hulyo 22 ay gaganapin ang The Catalyst Editorial Board Examination. Inaanyayahan ang mga interesadong bonafide PUP students na may isang taon nang pamamalagi sa unibersidad na dumalo sa nasabing pagsusulit. Ang lugar at oras na pagdadausan ay ipapaabot na lamang.
resulta ng isinampang kaso kay Pres. Guevarra at sa iba pang sangkot. Sinikap ng The Catalyst hingin ang panig ni Pres. Guevarra hinggil sa kanyang suspensyon ngunit tumanggi siyang magsalita sa kadahilanang dinirinig pa umano ang kaso at dapat hintayin ang resulta bago siya magsalita. Jewel O. Alquisola
PUP Pres. Dante Guevarra
Admin umalma sa ‘kaso’ ng swine flu
NEWS
52 HD cases
Pormal nang nakabalik sina PUP Pres. Dante Guevarra, Vice President for Administration Augustus F. Cesar at Accounting Division Chief Adriano Salvador noong Hunyo 16 pagkatapos silang patawan ng tatlong buwang suspensyon ng Sandiganbayan sa kasong 12 counts of graft. Matatandaang sa pangunguna nina Prop. Zenaida Pia at Cresencio Gatchilian ay sinampahan ng kaso noong Pebrero 1, 2002 sina Pres. Guevarra
hinggil sa paggasta ng pondo ng unibersidad noong 1989 kung saan Vice President for Finance pa lamang ang pangulo. Nakapaloob sa isinampang kaso ang sobrang pagbabayad para sa terminal leave benefits ng yumaong pangulo ng unibersidad na si Nemesio Prudente; overpricing sa pagpapagawa ng walong paaralan na nagkakahalaga ng P20.91 milyon; ang hindi maipaliwanag na pagkawala ng P10.65 milyon para sa mga mangungutang; sobrang pagbabayad sa mga biniling lupa; unauthorized payment fees at honoraria sa public works at iba pa. Sa kasalukuyan ay patuloy pa ring dinidinig ang kaso sa Sandiganbayan. At sa katapusan ng buwan, ay malalaman na ang
Itinanggi ng pamunuan ng PUP ang pagkalat ng balitang pitong Koreano umano ang tinamaan na ng kumakalat na A(H1N1) virus o kilala bilang swine flu. Kumalat ang nasabing
balita matapos suspendihin ng Commission on Higher Education (CHED) ang klase sa mga kolehiyo ng isang linggo. Sa opisyal na pahayag na inilabas ng opisina ni Executive Vice Pres. at noo’y Officer-in-Charge Pres.
Victoria Naval, sinabi nitong walang katotohanan na mayroon nang kaso ng A(H1N1) dito sa PUP. Wala ding katotohonan na ang lahat ng empleyado ay for testing na.
Mark P. Bustarga
7,000 freshmen admitted Estimated 7,000 freshmen students were admitted by the university this academic year 2009-2010. This is considered lower than
the previous year which is ranging to 8,000. A c c o r d i n g to Admissions and Registrations Office (ARO) Dir. Elena Abeleda, allotted
605 slots will still be admitted this whole academic year, including transferees. Marlon Peter N. Bermudez
Duh! Chakalyst wagi Muling pinarangalan ang The Catalyst matapos masungkit ng Duh! Chakalyst, ang lampoon version ng TC, ang ikalawang puwesto sa Gawad Ernesto Rodriguez Jr. (ERJ) sa kategoryang alternative form.
Ito’y naganap sa natapos na College Editors Guild of the Philippines (CEGP) 69th National Student Press Convention sa Ouan’s Worth Farm and Resort, Lucena City, Quezon noong Mayo 16-20. Ang nasabing parangal ay ibinibigay sa mga
natatatanging publikasyon at taunang ginaganap sa kumbensyong pinangungunahan ng CEGP, isang malawak na alyansa ng mga pahayagang pangkampus sa buong bansa.
Francis B Biñas
Vol.XXIV No.01 June 2009
Lathalain Statement of the The Catalyst
rePRESSed
Ang pagtatasa’t pagtutuos sa kalagayang pinansyal
S
a personal na karanasan, napakahirap maging “accountant” lalu pa’t ang kurso naman talagang kinukuha mo ay Broadcast Communication. Totoong karamihan sa mga kumukuha ng kursong may kinalaman sa salita at letra ay mahina sa mga numero. Kaya nga’t isang napakalaking hamon ang paggawa ng liquidation report at financial statement, labas pa ang katotohanang wala naman akong karanasan dito. At syempre, ang malaking dagdag na presyur mula sa administrasyon ng unibersidad at kung paano nila ginagamit ang aspetong pinansyal upang gipitin ang publikasyong ito.
Manu-manong paniningil Abril 2008 nang direktang tawagan sa cell phone ni PUP Pres. Dante Guevarra ang dati naming editor in chief (EIC) upang ipaalam sa amin na hindi na isasama ang The Catalyst (TC) fee (P20.00) at Student Council (SC) fee (P15.00) sa sinisingil na miscellaneous fees na binabayaran ng mga estudyante. Ayon kay Pres. Guevarra, ang kahinaan ng mga nasabing institusyon sa pagpapasa ng financial statement ang naging batayan nila upang gawin ito. Ngunit nang magkaroon ng pagkakataon ang TC kasama si PUP Student Regent Ma. Sophia Prado na personal na makausap si Pres. Guevarra, nagkaroon ito ng pahayag na sinabihan umano namin (TC at SC) siya sa isang pagkilos na huwag mangingialam sa mga nasabing institusyon. Bukod pa rito, minura raw namin ang kanyang ina. Dahil sa mga naging pahayag na ito ni Pres. Guevarra, lumalabas na hindi lamang ang kahinaan sa pagpapasa ng financial statement ang naging batayan upang alisin ang TC at SC fees sa miscellaneous fees kung hindi maging ang mismong mga personal na basehan nito. Nanindigan naman kami na hindi dapat pinapasan ng buong institusyon ang kahinaan ng
Vol.XXIV No.01 June 2009
isang indibidwal. Ang nakaraang termino ay hindi dapat sinasalo ng kasalukuyang termino. Dahil sa mga naging hakbang na ito ng administrasyon, napilitan ang TC at SC na magdaos ng manumanong paniningil bawat semestre. Ngunit hindi ito nakasapat upang makuha ng mga institusyon ang
100% ng pondo. Mula sa halos dating P700, 000 na pondo ng TC ay umabot lamang sa P446, 820 ang nasingil noong unang semestre. Samantalang P406, 100 naman sa ikalawang semestre at P61, 240 noong nakaraang summer. Nagbunga ang mababang pondo sa pagliit ng bilang ng mga dyaryo na nailabas ng TC. Naging sanhi din ito upang maging abala ang mga manunulat ng publikasyon sa paniningil at mapabayaan ang paggawa ng dyaryo. Repressed Isa sa naging pangunahing instrumento ng administrasyon ang Internal Audit Office (IAO) upang supilin ang kalayaan ng TC sa pamamahayag. Hindi pa man tinatanggal ang TC fee ay dumanas na ang publikasyon ng mga “kakaibang” paghihigpit mula sa IAO. Ang IAO bilang opisina na may tungkuling mag-audit sa mga student organizations and institutions ay siya ring nagtitiyak na tama ang bilang ng dyaryong inilalabas ng TC. Ngunit noong Pebrero 2008, laking gulat ng publikasyon nang
Ta b l e 1 . 0
The Catalyst Partial Liquidation Report Editorial Board 2008-2009 Naakumulang pondo ng The Catalyst
Nakuhang pondo mula sa paniningil ng administrasyon Semestre Halaga Summer 2007-2008 P183, 400 Nakuhang pondo mula sa manu-manong paniningil Semestre Halaga P446, 820 1st Sem 2008-2009 nd P406, 100 2 sem 2008-2009 Summer 2008-2009 P61, 240 KABUUAN **P1, 097, 560.00 *mga isyu ng dyaryo mula sa nakaraang termino na hindi nabayaran dahil sa kakulangan sa pondo. **mayroong deficit na P9, 995 na kinuha mula sa pondo ng kasalukuyang semester (binawas ang halagang P1, 097, 560 mula sa P1, 107, 555 upang makita na higit pa ang kabuuang ginastos kesa sa kabuuang pondo ng naunang taon).
ipadala ng IAO ang 15 bundles (1000 piraso ng dyaryo kada bundle) ng dyaryo sa kanilang opisina sa 2nd floor upang isa-isang bilangin; samantalang naging kagawian na isang IAO auditor ang pumupunta sa TC office para magbilang. Ang higit pa na nakasama ay nang putulin nila ang dulo ng dyaryo bilang “bahagi daw ng auditing process”. Ang IAO din ang isa sa mga pangunahing kumukwestiyon sa mga financial statement ng TC. Sa ipinasang liquidation report ng dati naming EIC na si Jesse Kristoffer Aspril, halos lahat ay kinuwestiyon kahit ang mga maliliit na bagay. Maging ang pagkonsumo ng publikasyon ng tubig ay hindi pinalagpas. Ang mga official receipt na hindi naman sakop ng kanyang Sundan sa pahina 04 ►
Lathalain rePRESSed Ang pagtatasa’t pagtutuos sa kalagayang pinansyal ◄ Mu l a P ahina 03 termino ay pinaghahanap. Nito lang Pebrero 2009 nang maglabas ang Student Disciplinary Board (SDB) ng memo upang i-hold ang credentials ng lahat ng estudyanteng nakalagay ang pangalan sa TC staff box (ibigsabihin maging ang section editors, staff writers, at iba pang nasa mababang posisyon). Ito’y naging hakbang ng SDB matapos sumulat ang IAO dito para aksyunan ang mga unliquidated fund ng TC na umabot na umano sa P2.4 M. Samantalang
‘‘
..at kung paano nila ginagamit ang aspetong pinansyal upang gipitin ang publikasyong ito.
malinaw naman sa constitution and by-laws ng publikasyon na ang apat na Editorial Board members (EIC, managing at dalawang associate editors) lamang ang liable sa paghawak ng pinansya ng TC. Liquidated Dahil public document ang financial statement, inilalathala ngayon ng TC ang aming partial liquidation report para sa Editorial Board 2008-2009. Ito’y upang ipakita sa mga estudyante, na siyang pangunahing nagpopondo sa opisyal ng publikasyon ng PUP, kung paano ginagasta ang beinte pesos na kanilang binabayad. Personal man o hindi ang atake ng adminstrasyon, tiyak naman na may kinalaman dito ang pagiging kritikal ng mga progresibong institusyon. Sa paglabas ng lathalaing ito, maaring may umalma
Ta b l e 1 . 1 Kabuuang halaga na ginastos mula sa pondo ng The Catalyst
Pinagkagastusan Halaga Isyu ng dyaryo *Lampoon, January 2008 P96, 000 *Lozada special issue, P86, 000 February 2008 *Summer issue, April-May P96, 000 2008 Freshmen kit, June 2008 P35, 800 June issue P96, 000 July issue P96, 000 August issue P86, 000 Sept.-Oct. issue P106, 000 Nov.-Dec. issue P106, 000 Lampoon, January 2009 P70, 000 Summer issue, April-May P35, 000 2009 Contingency fund 2 Desktop computers Official receipts, 1st sem General Assembly Official receipts, 2nd sem
P35, 800 P17, 500 P3, 000 P17, 500
Cash prize for Mabini Sessions II Literary Contest winners General cleaning and repainting of The Catalyst office Alyansa ng Kabataang Mamamahayag Convention and Congress
P13, 000 P5, 000 P5, 000
Operational Expenses (food, supplies, etc.) May 2008-May 2009
P65, 000
KABUUAN
**P1, 107, 555.00
*mga isyu ng dyar yo mula sa nakaraang termino na hindi nabayaran dahil sa kakulangan sa pondo. **mayroong deficit na P9, 995 na kinuha mula sa pondo ng kasalukuyang semester (binawas ang halagang P1, 097, 560 mula sa P1, 107, 555 upang makita na higit pa ang kabuuang ginastos kesa sa kabuuang pondo ng naunang taon).
mula sa mga reaksyunaryo. Sabi nga nila, pagod na raw sila sa responsibilidad na habulin ang mga indibidwal na may financial liabilities kaya’t hinahayaan na nila kaming maningil ng sarili naming pondo. Pagod na silang maghabol, ngunit hindi sila napapagod na supilin ang TC at SC. Samantalang kami ay hindi mapapagod na ipaglaban ang aming kalayaan sa pamamahayag.
‘‘
Pagod na silang maghabol, ngunit hindi sila napapagod na supilin ang The Catalyst at Student Council.
‘‘
Statement of the
The Catalyst
Article: Joyce A. Llanto Illustration: Maybelle Gormate s | Photograph: Joannes Alonsagay
Vol.XXIV No.01 June 2009
‘‘
Panitikan
The Catalyst atulad ng anupamang pelikula, alam kong ang dapit-hapon ay katumbas ng pagwawakas..” Lagi kong naaalala ang linyang ito mula sa akda kong tula tuwing nadadaan ako sa Baywalk. Araw-araw kong binabagtas ang kahabaan ng Roxas Boulevard mula eskuwela hanggang makauwi ako sa amin. Mula doon tanaw ko ang sunset. Mula sa saglitang pagsulyap ay unti-unting bumabalik ang lahat ng alaala ni Ana. Dahan-dahan. Hanggang sa muling nagiging malinaw sa akin ang lahat. Sadyang may kakaiba sa araw na iyon. Parang lahat ng bagay ay may nais na ipahiwatig sa akin. Mahiwaga ang paglubog ng araw. Alas singko y medya na pala. Ganitong oras din noon. Parehong sitwasyon. Parehong senaryo. Sandaling panahon lang nang magkakilala kami ni Ana. Pareho kaming irregular student at naging magkaklase kami sa Logic. Paano ko nga ba siya mailalarawan? Well, she drinks alcohol every other night. Chain-smoker. Hip-hop kung pumorma. Madalas kaming magkasama sa group projects dahil kami lang iyung strangers sa klasrum. Strange individuals. Strange personalities. And strange emotions. But that strangeness was the same reason why we got closer to each other. Noong una, tipikal lang naman ang lahat sa aming dalawa. Natutunan ko siyang hangaan sa mga negatibong katangian na meron siya. Isa siyang babaeng punongpuno ng bisyo. Some people dislike a person for those reasons. Pero iba ako. Dahil ang mga bagay na iyon ang nagpakita sa akin ng kahinaan niya, mga kahinaang sumalamin ng sarili ko sa kanya. Madalas kaming magkasama kaya nasanay akong l a g i
Dapit-hapon
(unang bahagi)
ni Mark P. Bustarga
siyang nasa tabi ko. At sa sobrang dalas ay parang na-immune na ako sa usok ng sigarilyo niya na kapag di ko siya kasama ay hinahanap-hanap ko din. Ika nga nila, expect the unexpected. Napansin ko na lang na malaki na ang pinagbago ko dahil sa kanya at kasabay nito ang pag-igting ng paghanga ko. Alam kong hindi normal pero binigyan ko ng kahulugan ang lahat para sa amin.
‘‘
Tulad ng inaasahan, kung gaano kami naging kampante sa relasyon namin ay ganoon din kahinahong nagbago ang lahat sa amin.
‘‘
K
“
Mula sa mga pinagsaluhan naming usok sa tuwing magkasama kaming manigarilyo, sa ilang boteng Redhorse na nainom namin, sa mga tulang isinulat niya para sa akin, sa mga pagkakataong hinayaan niya kong hawakan ang mga kamay niya at sandalan ang balikat niya: lahat ng mga bagay na iyon inisip ko bilang katumbas ng paghanga ko sa kanya. Masaya ako kapag magkasama kami. At alam kong masaya din siya. At that time, I can’t totally say that she
was already my girlfriend then because we never talked about the status of our relationship. Mutual understanding as she called it. Pumayag ako sa gusto niya. Tulad ng lagi’t lagi niyang sinasabi, “Ayoko muna itali ang sarili ko sa isang commitment. Kung sakali man na may magugustuhan ako, tama nang sigurado kami sa nararamdaman namin sa isa’t-isa para walang masasaktan sa oras ng hiwalayan o pamamaalam”. Perhaps, she was right. No commitment. No expectations. No separation. I made myself feel contented for what we have though I know that I’m holding nothing but a selfish feeling. Pero alam kong kalokohang sabihin na hindi ako naghangad ng higit pa sa mutual understanding. Sino bang may ayaw malagyan ng label ang relasyon ng dalawang tao? Hindi ako naniniwala na kapag nagmahal ka ay wala kang hihinging kapalit. Kalokohan. Dahil makasarili ang magmahal. Lahat ay naghahangad ng katumbas para sa sarili. Pero kahit ganoon, pinaniwala ko pa rin ang sarili ko na hangga’t buhay ang nararamdaan ko para sa kanya sapat na iyon para makumbinsi ako na nandiyan siya sa tabi ko. “Masaya ka ba sa ganito?”, ani Ana na para bang sa sitwasyon naming dalawa ay siya ang mas higit na nahihirapan. I paused and think for a few seconds. I confidently stared at her eyes, and then I made my answer. “Sa tingin mo ba magtatagal ako kung hindi ako masaya?” Nakita ko siyang yumuko. Wala akong maisip na puwede kong maisagot sa tanong niya dahil alam kong iba ang nais niyang ipahiwatig. Oo, nagagawa ko pang magsaya sa sitwasyong katulad ng
sa amin. Just her mere presence is enough para kunan ko ng dahilan para maging masaya. Sabi ng barkada ko hindi sapat na mahal mo lang ang isang tao dahil kailangan masaya ka din. Kung pagmamahal lang ang namamagitan sa inyong dalawa, darating ang panahong mapapagod daw ako lalo na kung hindi na kami masaya sa isa’t isa. Naisip kong tama sila. Sa aming dalawa, pareho naming mahal ang isa’t isa pero parang ako na lang ang nagsasabing masaya pa kami sa isa’t isa. Tulad ng inaasahan, kung gaano kami naging kampante sa relasyon namin ay ganoon din kahinahong nagbago ang lahat sa amin. Sa unang pagkakataon naghiwalay kaming dalawa. Pumayag ako. She was the one who decided to give it up. Lumaban ako noon dahil natatakot akong muli kong baguhin ang sarili ko pero binigyan niya ako ng dahilan para bumitiw sa laban. Gusto ko siyang sumbatan dahil nakita ko kung paano niya hinayaang tangayin ng hangin ang lahat. Sabi ko, “Bibitiw ako hindi dahil sa sumusuko na ako, hindi dahil sa napagod akong magmahal at umasa. Bibitiw ako dahil ikaw ang bumitiw sa akin. Ikaw ang sumuko at napagod magbigay ng pag-asa.” Nasabi ko ‘to sa kanya nang may pagmamalaki sa sarili ko. Give and take sabi nila, but it seemed I was the only one who’s doing my part. She has always been unfair to me. Hindi ko na tinangkang magsalita dahil ayokong ipakita sa kanya kung gaano kababaw ang luha ko. I did not demand much of her explanations but I hoped she made me understand her. Tanging nakita ko mula sa kanya ay isang masayang ngiti, ngiti na ipinagkait niya sa aking ipakita noong magkasama kami, a smile that hurt me deep within dahil binigyan ako nito ng pag-asang isang araw ay maaari siyang bumalik…
Itutuloy... Illustration: Shirley D. Tagapan
Vol.XXIV No.01 June 2009
K
Lathalain
umbaga sa boxing, bugbog na bugbog na ang taumbayan sa mga isyung kinakaharap nito. Hindi na siya maka-upper cut sa A (H1N1) na nagpaalma sa kanya. Hindi na siya makasuntok sa hagupit ng global na krisis. Hanggang sinabayan pa ng hindi niya pag-ilag sa mas malalang hagupit: ang pagpapalit ng Saligang Batas na nagkubli sa House Resolution (HR 1109) o ang Constituent Assembly.
Ilang termino na rin ang nag tangkang baguhin ang konstitusyon. Nariyan ang banta ng Charter Change ni dating Pangulong Fidel V. Ramos kung saan isinulong niya ang panukalang pagpapalit ng sistema tungong parlyamento at pagpapalawig ng termino ng mga opisyal ng gobyerno at maging sa lokal na pamahalaan. Nariyan din ang CONCORD o Constitutional Correction for Development ni dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada kung saan aamyendahan ang ilang probisyon sa Saligang Batas ukol sa mga kasunduan sa pagitan ng bansang US at ng ating bansa. At ngayon, hindi na rin nagpatalo ang kasalukuyang pamahalaan, sa ilalim ni Pang. Gloria Arroyo kasama ang mga kaalyado sa kongreso, na nagsulong upang maisakatuparan ang Constituent Assembly o Con-ass. Hating gabi ng Hunyo 2, inihabol ang pagpapasa ng HR1109 ni Speaker Prospero Nograles. May pamagat na: “A resolution calling upon members of Congress to convene for the purpose of considering proposals to amend or revise the constitution, upon a vote of three-fourths of all the members of the congress”, nilalaman ng HR 1109 ang pagpapatawag sa Senado at kamara de representante para sa Con-ass na mag-aamyenda o magbabago ng Saligang batas. Ang naturang resolusyon ay ginawa ni Camarines Sur Rep. Luis Villafuerte na nakapailalim sa Partidong Kabalikat ng Malayang Pilipino (Kampi) na itinatag ni
Pangulong Arroyo. Lumala ang isyu ng HR 1109 na nagdulot ng kabi-kabilang protesta ng pagtutol. Samu’t sari namang pagtatakip sa tunay na nilalaman ang iginiit ni Villafuerte. Layunin lamang umano ni Villafuerte na lumikha ng justiciable controversy upang maiakyat sa Supreme Court ang
‘‘
Ang usapin ng pagpapalit sa ating Saligang Batas ay usapin na ng ating kalayaan.
‘‘
Ang HR 1109
usapin kung dapat bang magkasama o magkahiwalay ang pagboto ng mga kongresista at senador sa mga aamyendahang probisyon sa Saligang Batas.
Ang HR 737 Habang pinipilit na palitan ang Saligang Batas, isinabay din ni Nograles ang pagsasabatas ng HR 737 na naglalayong baguhin ang mga economic provisions sa kon s t it u s yon u p a n g
The Catalyst luwagan ang mga dayuhan na nais maglagak ng puhunan sa Pilipinas. Sa naamyendahang HR 737, tuluyan nang mawawalan ng karapatan ang mga maliliit na negosyante sa ating bansa na paunlarin ang kanilang mga negosyo. At mahihirapang makaagapay ang mga lokal nating produkto at makisabay sa mga produktong banyaga. Bukod dito nakapailalim din sa HR 737 ang pagkakaroon ng kalayaan ng ibang bansa na magkaroon ng 100% ownership dito sa Pilipinas. Idudulot din nito ang kalayaan na magtayo ng mga base militar ang US sa ating bansa. Ani Villafuerte, naniniwala siyang kailangan lamang ng 197 pirma o three-fourths vote ng pinagsanib na bilang ng 261 kongresista at 23 senador para amyendahan ang Saligang Batas sa ilalim ng HR 737
Ang Galit ng Mamamayan Naniniwala ang marami na ang pangunahing layunin ng pagkakasulong ng HR 1109 ay hindi upang mapabuti ang sistema ng gobyerno sa bansa, kung hindi upang mapalawig ang termino ni Pangulong Arroyo. Nauna na niyang ipinahayag na hindi siya tatakbo sa darating na 2010 Presidential elections, ngunit naging malakas na ugung-ugong na tatakbo siya bilang congresswoman ng Pampanga. At kung mapalad siyang manalo ay maari siyang maupo bilang prime minister ng bansa. Ginagawa na ngang iskema ng mga kaalyado ni Pangulong Arroyo ang pagtakbo
bilang mga representative sa darating na eleksyon upang maging tiyak ang pag-okupa ng puwesto sa parlamentaryong pamahalaan. Halimbawa nito si Boxing champ Manny Pacquiao na nagsumikap pang lumipat mula General Santos City patungong Saranggani province para lamang matiyak ang panalo. Dahil dito, hindi na mapipigilan pa ang galit ng mamamayan laban sa Con-Ass. Ayon nga kay Louie Vinegas, tagapangulo ng League of Filipino Students (LFS-PUP), kontra mamamayan ang Con-ass na isinusulong ng administrasyon ni Arroyo. “Mga dayuhan ang siguradong makikinabang sa mga yamang kalikasan ng Pilipinas. Maaapektuhan ang demokrasya, at lalong lulubog sa kumunoy ng kahirapan ang bansa,” aniya. Dagdag pa niya na kailangang magsama-sama ang sambayanang Pilipino sa kalsada bilang protesta at pagtutol sa sinusulong na Con-ass ng kasalukuyang administrasyon. Ang usapin ng pagpapalit sa ating Saligang Batas ay usapin na ng ating kalayaan. Iisa lang naman ang idinidikta ng mga nakaupo sa poder: ang mapalawig pa ang kanilang termino, matuto tayo sa kasaysayan at mula roon pagwagiin natin sa ring ang ating sariling pagpapasya dahil sa huli ang taumbayan pa rin ang magtatakda. Article: Ma. Quey Ann Eliza A. Solano Illustration: Edrick Carrasco
Vol.XXIV No.01 June 2009
Lathalain Back to school,
wel‘komé’ students Bagong taon ng pasukan,
pinalalang istilo ng komersyalisasyon ◄ M u l a P ahi na 01
nakaraang taon kagaya ng P300 P.E. uniform at P25 service charge fee na mapupunta sa Landmark. Matatandaan na naging matagumpay ang laban ng mga iskolar ng bayan para sa kampanyang refund ng SIS. Ngunit tahasan itong binawi ni CHED Commissioner Emmanuel Angeles; maaari diumano na kasuhan ang administrasyon ng PUP ng breach of contract ng Pinnacle Corporation dahil sa pinirmahan nilang kontrata upang pondohan ang SIS sa loob ng limang taon. Maituturing na galamay ng administrasyon ng PUP ang SIS upang magpatupad pa ng ilang patakaran na hindi ikinukonsulta o inaaprubahan sa BOR. Mahigit 200 na incoming second year students ang naantala sa pag-eenrol dahil honorable dismissal o HD ang lumalabas sa kanilang SIS account. “Kapag klinick mo, ang lumalabas e ‘0 units available’ at ‘registration is not open’. Ang status ko naman ay may tatlong withdraw at isang incomplete. Ang sabi pa sa ICTC (Information and Computer Technology Center), scholastic delinquency na raw kasi kapag ganon,” pahayag ng isang freshman na may HD na kaso. Ito ay taliwas sa isinasaad ng Student Handbook section 12.1.3 (Scholastic Delinquency) “Not compulsory but mandatory” Usong-uso yan. Raffle ticket, textbooks, tatlong bondpaper na limang pisong test booklet, id lace. I-click mo man ang Shift+F7 sa MS Word, makikitang synonyms ng mandatory ang compulsory. Ibaibahin man ang termino, sapilitan pa rin itong binibili o tinatapatan ng halaga ang grades o attendance na nakukuha natin. Para sa mga ganitong kaso, malinaw na isinasaad sa Student Handbook section 3.9 na “No compulsory collection of fees on books, manuals, modules, tickets, and the like which are not approved by the Board of Regents”.
PUP Mall Vol.XXIV No.01 June 2009
Mas convenient ang pagiging mala-mall ng PUP pero kung tutuusin, matingkad na pagpapakita ito ng komersyalisasyon. Mula sa mga mas mura at mas mahanging pwesto nila sa catwalk dati, napilitan silang okupahin ang mga stall sa North at East wing. Parang nasa oven kapag tanghali at tumutulo rin ang tubig sa loob kapag umuulan. Nadagdagan din ito ng school supplies/computer shops sa West at buwanang tiangge sa South. Andito sila upang magnegosyo ngunit sa laki ng upa at tindi ng kompetisyon, kakaunti na lang din ang kanilang kinikita kung kaya’t hindi maiwasang ipasa ang mataas na mahalaga sa mga bumibili, sa ating mga estudyante. Mga malakihang income-generating projects na nagpapalala sa pagnenegosyo ng edukasyon.
Komé sa buong bansa Patuloy ang pagtataas ng singil para sa dekalidad na edukasyon sa bansa. Ayon kay Kabataan Partylist representative Raymond Palatino, mula sa P230.79 kada yunit na average tuition fee sa buong bansa noong 2001-2002, tumaas ito ng 52% o P437.10 ngayong 200809. Sa datos ng National
‘‘
Ang pagbabalikeskwela ay dapat pagbabalik-aral din sa mga aral ng ating lipunan.
Capital Region, ang dating average na P439.59/yunit ay umabot na sa P855.20/yunit. Maiuugat na ang CHED Memorandum Order 13 ang sanhi ng paglobo ng average na matrikula kada yunit. Wala itong nakatakdang ceiling rate (limitasyon ng tantos ng maaaring pagtataas). Nakaayon din ang ganitong iskema sa Long Term Higher Education Development Plan of 2010 na naglalayong pakontiin ang bilang ng mga State Colleges and Universities (SCU) sa bansa. Bilang solusyon sa patuloy na pangongomersyal sa edukasyon, nagpasa ng House Bill no. 2440 “An Act Imposing a Three-Year Moratorium on Tuition and Other Fee Increases on All Educational Institutions” na sinulat ni Bayan Muna Rep. Teodoro Casiño Jr. at co-authored ni Kabataan Partylist Rep. Palatino. Naglalayon itong makatulong upang maibsan ang pasanin sa mga pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin sa loob ng tatlong taon, tantsang
‘‘
The Catalyst
panahon ng itatagal ng epekto ng krisis sa bansa.
P12/yunit pa rin Ang pagbabalik-eskwela ay dapat pagbabalik-aral din sa mga aral ng ating lipunan - ang pagpapaigting pa ng militanteng kasaysayan ng ating sintang paaralan. Nananatiling P12 kada yunit ang tuition fee ngunit patuloy ang pagtaas ng miscellaneous fees. Walang masama sa pag-unlad o pagpapaganda ng panlabas ng PUP pero hindi dapat ang mga iskolar ng bayan ang papasan ng ganitong mga bayarin. Ang edukasyon ay mananatiling isang karapatan na dapat tinatamasa ng bawat isa at hindi kalian man pera, estado sa buhay o pagmamanipula ng mga nakakataas na tao ang makahahadlang sa pagkamit natin dito. Illustration: Shirley D. Tagapan Page Design: Paul Divina
Illustration: Shirley D. Tagapan
Editoryal
The Catalyst
Pila
M
Defied
H
indi na inabot pa ng tinatayang 7,000 freshmen students ang murang matrikula sa PUP. Mula sa humigit-kumulang na P700 ay umabot na sa P5,000 ang pinakamahal na matrikula sa kasalukuyan. Para sa itinuturing na mga iskolar ng bayan, negatibo ang pagtaas ng matrikula sapagkat ipinapakita lamang nito na tunay ngang hindi na libre ang edukasyon. Ngunit sa 7,000 freshmen students, nag-aabang pa rin ang malaking hamon upang baguhin ito. Nang maaprubahan ang Student Information System (SIS) at ipatupad sa mga freshmen students noong nakaraang taon, nagkaroon ng pagtutol ang mga mag-aaral dito. Pangunahin kasi nitong ibinunga ang pagdagdag ng halagang P250 kada semestre sa miscellaneous fees ng mga first year. Naging daluyan din ito ng illegal fees at sanhi ng pagdami ng honorable dismissal cases. Nagbunga ang inisyal na paglaban ng mga iskolar ng bayan
‘‘
Sa 7,000 freshmen students, malugod kayong sinasalubong ng buong komunidad ng PUP.
at halos maibalik ang P500 ibinayad ng mga estudyante. Ngunit dahil hindi naging mapagbantay ang bawat isa sa pag-apila ng administrasyon, nagpatuloy ang SIS. Dalawang taon na lamang at lahat na ng mga PUPian ay papaloob na sa SIS. At kapag nangyari ito, paniguradong hindi lamang P250 kada semestre ang ipapasan ng mga mag-aaral. Hindi malayong mangyari ang pagpapatupad ng iba’t iba pang porma ng income generating projects (IGP’s) ng administrasyon upang tuluyan nang magkaroon hindi lamang ng miscellaneous fee increase kung hindi maging ng tuition fee increase. Mapagtatagumpayan ng administrasyon ang mithiin nitong gawing Total University ang PUP kung saan mawawala na ang esensya ng pagiging state university nito. Sa 7,000 freshmen student, malugod kayong sinasalubong ng buong komunidad ng PUP. At kasabay nito ang pagbibigay ng hamong maging kritikal at aktibo sa paglahok sa mga kampanya laban sa lumalalang komersyalisasyon sa loob ng pamantasan. Kasama ng 7,000 freshmen ang humigit-kumulang 20,000 pang mag-aaral ng PUP sa labang ito. At kapag kolektibo tayong kumilos, magpapatuloy pa sa matagal na panahon ang libreng edukasyon.
adalas akong maiinip pagdating sa mga pila. Pero dahil sa sinanay ako ng PUP na pumila ng napakahaba bago makaraos sa enrollment process, kinailangan kong sanayin ang sarili ko sa pagpila sa iba pang bagay. Lalo na kung ito ay pila para sa NFA rice. Nakaraang taon pa simula nang mauso ang pagrarasyon ng NFA rice. Sa halagang 18.25php may isang kilo ka na. At sa ganitong mga pagkakaton nakikita natin kung gaano kadiskarte ang mga Pilipino. Diskarte para makaraos sa buhay. Nandyan iyung sumingit sa pila makaabot lang sa huling rasyon ng bigas, pumila nang paulit-ulit dahil sa limitadong kilo na maaaring mabili, at meron ding halos dalhin na ang buong angkan makarami lang. At sa tuwina’y laging may nagaganap na siksikan. Gitgitan. Hanggang sa magkatulakan. Ang lahat ng iyun ay para lang sa iilang kilo ng bigas. Pila para sa pagkain, kumbaga. Ganoon din parati ang eksena sa tuwing mag-eenroll ako dito sa PUP. Pila Ulit Pila ika nga nila. Naranasan mo na bang pumila sa cashier mula 6th floor? Sanayan lan yan. Kung tutuusin, naging bahagi na ng kultura ng ating unibersidad ang sistema ng pagpila, na kapag di mo naranasan anila’y hindi mo maiintindihan ang esensya ng pagiging iskolar ng bayan. Naaawa tuloy ako sa mga Sophomore at Freshmen students dahil bukod sa hindi na nila nararanasan ang masayang pagpila,
Mark P. Bustarga
Espasyo ang Student Information System (SIS) naman ang naabutan nila. Literal mang nabawasan ang kanilang pagpila, inuunti unti naman nitong butasin ang kanilang bulsa dahil sa sistematiko komersiyalisasyon mayroon ang nasabing iskema. At kung magpapatuloy ito ay tuluyan nang magiging prebilehiyo ang makapagaral. Pila sa edukasyon, kumbaga. Naiisip ko tuloy, malaki pala ang pagkakatulad ng ginagawa kong pagpila tuwing enrollment at tuwing pumipila ako para bumili ng bigas. Higit sa anupaman, malaki ang pagkakatulad ng dalawa sa usapin ng pagpapabaya ng estado sa obligasyon nito para sa edukasyon at kabuhayan ng mga nasasakupan nito. Malinaw ang manipestasyong ito na humahaba ang pila ng kahirapan. At hindi na nakapagtataka, na baka isang araw ay kailangain na nating pilahan ang lahat na mga batayan nating pangangailangan. Sigurado akong malayo pa ang lalakbayin natin sa pagpila. Naniniwala akong hindi tayo mapapagod sa anumang pila lalo na kung nakataya ang pangangailangan natin sa buhay. Kaya alam kong darating ang panahon na pipipila ang lahat kasabay ko para tumungo sa lansangan at mananawagan para sa mga batayang karapatan ipinagkakait sa atin. Isang pila na higit sa lahat ay hahantong sa isang matuwid na sistema ng lipunan. At kapag nangyari iyun, handa akong magpasingit sa pila.
Pssssst! Pogi!!! Ang The Catalyst ay kasalukuyang naghahanap ng mga magpaparami ng kanilang lahi. At nangangailangan kami ng mga sumusunod:
Writer | Graphic Artist | Photographer | Web Designer Sumugod lang sa aming opisina at maghanda sa iyong katapusan! Este sa iyong qualifying exam.Ü Magdala lamang ng 1x1 picture at kopya ng itong registration card. Kita-kits!ÜÜÜ
‘‘
Editorial Board 2008 - 2009
Editor in Chief: J oyce A . L lanto | Acting Managing Editor: Ma. Fatima Joy B. Villanueva | Associate Editors: Jeric F. Jimenez (Internal), Edrick S. Carrasco (External)
Section Editors
“A potent agent of change” 2nd flr. Charlie del Rosario Building, PUP Sta. Mesa, Manila |Telefax: 7167832 loc. 637 | Send your comments, suggestions and messages to da_cata@yahoo.com, Visit us online at www. pupthecatalyst.deviantart.com | Text KATA and send to 2299.
News: Mark P. Bustarga | Features: Jewel O. Alquisola | Literary: Ma. Quey Ann Eliza A. Solano | Culture: Monica M. Presnillo | Community: Narisa Caranto | Sports: Mc Macky Nieva | Circulation Managers: Maria Karol P. Hernandez & Marlon Peter N. Bermudez | Graphics: Shirley D. Tagapan | Layout: Paul Nicholas M. Divina
Staff
Writers: Angelie Marie F. Gardose, Christzaine Saguinsin, Fitz Gerald T. Romero, Ramoncito G. Felarca | Artists: Francis B. Biñas, Maybelle Gormate, Keizer Rosales | Photographers: Grace F. Gonzalez, Richard Reyes MEMBER : Alyansa ng Kabataang Mamamahayag (AKM-PUP), College Editors Guild of the Philippines (CEGP)
Vol.XXIV No.01 June 2009
Opinyon
The Catalyst Freshman Confessions
Ni bgkc_nard
W
ala na ngang mas hihigit pa sa karanasang ito ng mga kamo’y bagito pero masasabi kong wala ng mas hihigit pa ang pangarap na naging katotohanan nang makapasa sa prestihiyo at kilalang palabang unibersidad sa Pilipinas, ang PUP. Tahanan daw ng mahihirap, maraming aktibista, aktibong mga kabataan pero mayaman sa karunungan, tahanan din ng pinakamatatapang na manunulat sa buong Pilipinas. Lahat ng yan di ko malalaman kung hindi ako nakapasa sa PUPCET. Iyong entrance exam na pinakaaasam at pinakakakabang yugto ng pagpasok sa pamantasan ng mga PUPian. Hayskul pa lang yata ako narinig ko na ang kaklase ko magtetest daw sa PUP. Ako naman ayun petiks-petiks lang. Malay ko ba dun. Para bang excited sila na magtest ke mababa daw tuition kung makapasok sila at makakapag-aral dito. Reaksiyon ko, wala lang. Wala kase sa isip ko yung buhay kolehiyo. Paano ba kase mag-aral kung wala ka namang pera? Nung mga panahon na yun (at kahit hanggang ngayon) ay wala talagang kakayahan ang mga magulang ko upang papagaralin ako. Wala naman kasi silang trabaho at wala ding negosyong maipagmamalaki. Kaya sa tuwing maririnig ko sa mga kaklase ko, pikit-tainga lang ako. Sa isip ko, titigil muna ako kahit isang tao. Magtatrabaho ako. Para may pang-entrance exam ako next inquiry. Dun tumatak sa isip ko yung PUP. Sabi ko, “Sayo lang ako aasa, sana makapasa ako sa PUP”. Paulit-ulit tumitimo sa inosente kong kaisipan ang pamantasang tangi kong inasahan sa pagpasok sa kolehiyo. At iyun na nga hanggang sa dumating ang araw para sa resulta ng mga nakapasa, di talaga ako umasa ng sobra dahil baka masaktan lang ako. Pero nakakagimbal din pala ang mga kataga ng
The Mass Media Code
W
Ni The Undertaker
ika ng isang proverb, “The most powerful form of mass communication is mass media”. Sinasabi nito na ang mass media ang mahalagang sangkap ng kimunikasyon ng tao. Sa pamamagitan ng mass media, nakatutulong ito upang ang mga uri ng palabas; maging ito man ay balita, musika, ”entertainment”, at iba pa; ang maihayag sa madla nang malaya sa radyo o telebisyon. Magmula noong napatalsik ang Diktaduryang Marcos noong 1986, ang lahat ng uri ng mass media ay lumaya sa kuko ng rehimen. Sa panahon ni Corazon Aquino, lumago ang mass media at nakatulong sa pagpapahayag muli ng malayang komunikasyon at pagpapahayag. Ngunit ngayon, sa paglago na ng teknolohiyang nakatulong sa mass media upang lumkas,ay nakakaranas na ng problema...problemang hindi masagot ng ilang tao dahil na rin sa pagkakabahagi at pagkakampi. Anupat sa ibang bansa ay maayos at mapagkakatiwalaan ang mass media nila roon, dito naman sa Pilipinas ay puro ”digmaan” at pang-
Vol.XXIV No.01 June 2009
marinig ko mula sa mga kaklaseng kasabayan ko na pasado pala ako. Laking tuwa ko dahil ni hindi ako nagreview. Umasa lang talaga ako sa ”Stock Knowledge” ko at siyempre kay God. Isang bagong yugto ang dumating sa buhay ko. Na yun pala’y isa ring panibagong dagdag unos na naman sa mga problema ko. Unang araw palang nawindang na ako dahil kakaiba ang buhay dito. Hindi tulad sa hayskul. Napakadali lang. Hawak nila oras mo. Pero ngayon, ikaw ang masusunod. Bahala kung ayaw mong pumasok. Nasa iyo yun kung gusto mong matuto. Buti nalang hindi ako tamad. Pero sa pagsulat ng sanaysay na ito’y kinatatamaran ko pa. Ilang araw ko ring pinagpaguran ito at para lang matapos ay kailangan ko pang pilitin ang sarili ko bago man lang matapos ang taon. Noon pabalik-balik ako sa Catalyst Office. Nagtatanong kung paano sumali. Nabigyan na rin ako ng form, pero ilang buwan na ang lumipas hindi parin ako bumabalik. Para kasing lebel nila ay hindi ko kakayanin dahil alam ko bawal ang tatamad-tamad. Isa pa mahirap atang maging tatlo ang responsibilidad dahil sa presidente pa ako ng klase. Ibang usapan na yun. Pero kahit isang semestre palang ang lumipas, lalo’t patapos na rin itong pangalawa, na bubuo sa isang taon kong pamamalage sa unibersidad, masaabi kong lahat ito’y napuno kaagad ng napakaraming alaala. Dahil sa bilis ng dikta ng panahon, parang isang iglap lang, di ko pa masasabing ako’y ganap na PUPian. Dahil sa isang tulad kong bago lamang dito, hindi pa ako sanay. Pero ngayong meron na akong handbook, (na matagal din sa aming muntikan pang ipagkait) feeling ko matagal na ako dito. Lalo’t lagi ko pang suot ang aking ID na ”proud-to-be” kong suot mula bahay hanggang PUP pati PUP hanggang pauwi. Sa kanya at kung aabusuhin lang nila kami at tatapak-tapakan ang aming mga karapatan habang kami’y nananahimik na nag-aaral at nagsusunog ng kilay, BAKIT HINDI?...
Si bgkc_nard ay estudyante ng Industrial Engineering. aaabuso sa madla at walang malay. Ang gumagawa nito...mass media rin. Maliban sa pornograpiya na sumisira sa dignidad ng indibidwal, may roon na ba kayong naririnig na pang-aauso tulad ng ”network wars”? Natuklasan niyo na ba ang pinapaknggan ninyong radio, maging FM man o AM, ay may pang-aabuso at pambabastos; maliban lang sa pagiging mapagkunwari? Nabatid niyo na ba ang pinapakinggan ninyo sa sa radio rin na puro “dagdag problema” ang ginagawa nila sa kasalukuyang problema natin ngayon? Nakapakinig na ba kayo ng balita, sa telebisyon man o radyo, na sa halip na makabuluhang pagbabalita ay puro may singit at pabalbal na pasaring na pananalita? Sa dami-dami ng mass media propaganda na nilikha nila magmula noong 2003, parang nakakaranas na tayo ng ”World War III of the Media again the Media”. Nakakabahala pa rin hanggang ngayon ang mga ginagawa ng mga station networks sa pagpapalaganap na kbalintunaan sa tao. Magulong isipin na ang isang ,alayang pagpapahayag ay ginagamit rin sa paglabas ng masamang ehemplo at paninira sa mga walang-malay na hindi naman nila kilala (minsan na rin silang nagsalita ng kabastusan sa radyo na hindi naman magandang pakinggan ng mga bata) ,mga napakaraming patalastas na ipinapabiswal ng networks para mapatunayan nila ang pagiging numero uno kahit hindi naman, at mga hindi mabilang
Letter to the
EDITOR
Dear Editor, Lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng mga manunulat at sa bumubuo ng The Catalyst sa inyong matapang at malakas na paninindigan para sa kapakanan ng mga iskolar ng bayan. MABUHAY KAYO! Sana ay lagi niyo itong ipagpatuloy at gisingin ang mga natutulog na diwa ng ibang mga nagsasawalang bahala. At kay Bb. Joyce Llanto, maraming salamat dahil nakakita ako ng taong tulad mo na may ganun ding pag-iisip. Bitter din ako dahil maski ako’y hindi pa nakapasyal sa mga naggagandahang mall. Sa madaling salita, mangmang ako sa Maynila, hahaha. Pero bumilib talaga ako sa artikulo mong iyon. ”Mabubuhay tayo kahit wala niyan”. Tama ka! Mapanlinlang talaga sa mga mahihirap ang mga mall. At sa lahat ng mga manunulat, wala akong pinalalagpas na artikulo. Lahat binabasa ko ng buongbuo. Sana mabasa ko rin ang sarili at kaisaisa kong gawa. Hehe. Sana patuloy pa kayong makapaglabas ng mga diyaryo at balitang masarap basahin nang paulit-ulit. Muli, ito lang masasabi ko, NEVERSAY-DIE! Maraming salamat sa Catalyst at sa buong patnugutan nito! Mula kay, bgkc_nard, Ginebra DiEhArDfAn BSIE 2-2 Sa’yo bgkc_nard, maraming salamat sa patuloy na pagbabasa ng The Catalyst. Ang mga iskolar ng bayan na gaya mo ang tunay na pinagsisilbihan ng publikasyong ito. -Editor na mga survey ng mga networks ng pagiging una sa lahat; kahit ayaw na nila pakinggan ang katuwiran ng mga nagsasabi ng totoo. ”Alam mo na iyan”, ”Kailangan pa bang i-memorize yan?”, ”Balitang walang kinikilingan at walang pinoprotektahan ”... sandamukal na propagandang ginagawa ng mga networks, maging TV man o radyo, ang ginagawa nila para makaengganyo. Subalit sa likod naman ng mga panghalina ng mga walang-malay. Buti pa nga ang ilang neworks ay nagpapakababa at gumagawa ng paghahanap sa katotohanan nang may kabuluhan at kabutihan. Nawa’y magising na sa katotohanan ang mga mamamayang Pilipino sa totoong pangyayari sa media ngayon. Nang sa gayon ay malibing na sa bukas na hukay ng sementaryo ang maling propaganda ng media laban sa mga inosenteng kagaya nating lahat. Kaya mambabasa, ikaw, tama ba ang pinapanood o pinapkinggan mo sa radyo at TV nang hindi mo isinusuri ang katotohanan nito sa kalaunan? Makinig! Sumainyo ang katotohanan!
Si The Undertaker ay isang mysterious student mula sa C.A. Ang Unzipped ay bukas sa lahat ng estudyante ng PUP. Ipadala lang ang inyong mga sanaysay sa TC office.
Kultura
The Catalyst
Ted Pylon’s Kumembot Expose’
Half-man, Half-marble from Romblon
Gu Jun Pyo Edition
P
anonood ng Boys Over Flower ang pinagkaabalahan ni Ted habang bakasyon dahil sa pagka-adik (natapos na nya ang 25 episodes). Kaya ngayong balik-eskwela ay excited na siya pumasok hindi lamang upang tumanggap ng mga bagong reklamo kundi pati mairampa ang bago nyang hairstyle. Pagpasok sa gate.. **Almost Paradise. A-chimbuda to numbushin..♫..♪** Erming gard: Annyông haseyo? (hello/kamusta?) Ted Pylon: **Natulala. Pati pala si Erming gard koreano na!** Ne. Annyông haseyo! (mabuti!) Sa catwalk. Feel na feel ni Ted ang paglalakad na animo’y nasa runway. Estudyante1: F4!!! Si Gu Jun Pyo!! Napaligiran ng mga estudyante si Ted. (kalakhan ay freshmen dahil hindi pa siya kilala nito) Kaya deadma sa paglalakad. Naisip niya na mag-room to room sa main campus upang makakuha ng fresh na fresh na reklamo. (at syempre magpapansin)
Silencio
Nursery Crimes
Agaw-atensyon talaga si Ted, kahit sa mga propesor ay napapalingon habang sila’y nagkaklase. Pagdating sa 6th floor pawis na pawis si Ted at hinihingal pa. Humanap sya ng klasrum na may electric fan upang magpahinga pero dahil sa kulang ang budget ng PUP, karamihan dito ay wala kung meron man ay isa lang at may klase pa. Tumambay muna si Ted sa 4th floor westwing sa parteng medyo mahangin (detalyado talaga). May isang freshie girl ang tumatakbo at nang madulas ito.. **slow-motion** tumapan sa sapatos ni Ted ang hawak nitong ice cream. Freshie girl: (Nagulat. Pipikit-pikit ang mga mata. Hindi alam ang gagawin) I am SOoory! Ted Pylon: Para saan ang pulis kung lahat nadadaan sa sorry? Freshie girl: (Umiyak) ibibili ko na lang kayo ng bagong sapatos katulad nyan. Ted Pylon: Ha? Hindi ako tulad ng ibang propesor na nagpapabili ng kung anu-ano para makapasa
Shirley D. Tagapan
Edrick S. Carrasco
ang isang estudyante. Hindi naman ako galit e. **Sabay kuha sa kamay ni freshie girl at pinunasan ang ice cream sa kamay nito** Freshie girl: **Kinilig** Case no. 02 series of 2009 WANTED: Prof. Andrada, College of Office Administration and Business Teachers Education (COABTE) Irinereklamo ko ang aming propesor sa subject na Math in Business. Madalas siyang absent, tuwing papasok siya ay laging mainit ang ulo at leyt. Ilang ulit na naudlot ang aming midterm dahil hindi siya pumasok. Nagmidterm kami ng hindi inaasahan kung kaya ang iba ay hindi nakakuha ng midterm exam. Sa kabila ng pagkakaroon ng SIS ay matagal parin niyang ilinagay ang aming mga grado kayat nagpabalik-balik pa ang iba sa amin sa paaralan noong bakasyon upang hagilapin siya. -coabte boys Ted Pylon: Andami pa rin talagang pasaway na propesor sa PUP pero hindi naman papatinag sa kanila ang sumbungan ng bayan. Kaya kayong mga presyi! Tama na muna yang panonood sa Boys Over Flowers. Andito naman ako este maging mapagmatyag. Huwag kayong pumayag na apihin kayo ng mga prop ninyo o kung sino pa mang kawani ng unibersidad. Ok? **sabay kindat at hawi ng kulot na bangs** Annyông! (bye).
Vol.XXIV No.01 June 2009
Komunidad
The Catalyst
Campus Lyf T an o ng : Sa tingin mo may kredibilidad pa ba si Guevarra bilang pangulo ng PUP matapos ang kanyang 90 araw na suspensyon? Wala na, napakarami ng anomalya ang kinasangkutan nya at isa pa ang mga proyektong sinusulong niya ay hindi naman talaga makaistudyante. -Glenda Santos BAPR 2-3D Sa tingin ko lahat naman tayo ay nagkakamali kaya kailangan ng due process kay Pres. Guevarra. Patunayan lang niya na magagampanan niya ang kanyang tungkulin para maibalik sa kanya ang tiwala. -Brian Hernandez BSTP 4-4 Hindi na, kasi diba nung Vise for Finance palang siya nambubulsa na agad siya ng pera. -Dona BBF 2-3 Hindi na dahil may nangyari na nagpapatunay na hindi siya karapat dapat. -Angel BPS 2-1 Hindi kasi kung meron kang violation na nagawa tapos napatunayan pa ito ay ano pang credibility mo nun. -Jomar BSECE 5-3 Hindi
sapagkat
hindi
gawain ng isang mahusay na pinuno ang mga ginawa niya. -Charles Fener BOA 3-7D Hindi sapagkat nakikita naman natin na wala talaga siyang credibility para sa unibersidad na ito. -Secret46 BSFT 1-1N Sa tingin ko wla na, dahil katulad na din siya ng mga pulitiko na hindi nakukuntento sa sahod na tinatanggap nila. -Dex BS MATH 4-irr Well, if he was suspended there must have been a valid reason for it. Even if he was proven not guilty, still, there is a doubt created by his suspension. -Alicaya BSCE 5-2 Meron, kasi hindi naman dapat pagkakamali ang tinitingnan sa kanya dapat fair din na tingnan yung mga positive na nagawa niya sa unibersidad. -Draco BSA 4-11 Pwede pa naman, bigyan natin siya ng chance. -Den Den BpE 4-1
meron pa naman kahit papano dahil hindi bat may kasabihan tayo na “everybody deserves a second chance”. Pero sana ngayon na bumalik na siya sa kanyang panunungkulan ay gawin niya ng tama at malinis ang trabho niya bilang pangulo para naman wala ng magduda sa kredibilidad niya. -Billy Mar Kenneth S. Antonio BSM 3-irr Wala na kridibildad! Sinusuka na siya ng lahat ng estudyante ng PUP! -JJER BOA 2-3 Wala, sa bilang pa lang ng araw ng kanyang suspension ay malalaman agad na anging napakabigat ng kasalanan o pagkakamali na nagawa niya sa ating pamantasan. -Veronica BBA-MK 4-15 Wala, dahil sa dami ng kanayang kaso na di pa nareresolba ang pangugnurakot niya sa kaban ng bayan na dapat nakalaan sa edukasyon sa pamamagtan ng mga karagdagang bayarin sa freshman. -Crimson BHS 4-1D
Kung ako ang tatanungin,
This Month’s Question: 1.Anu-ano sa tingin mo ang nagiging epekto ng financial crisis sa US sa mga bansang malakolonya nito tulad ng Pilipinas? 2.Anong masasabi mo sa digmaang nagaganap sa Gaza sa pagitan ng mga Israeli at Palestine?
1) Naka2takot kasi ung mga ma3yan ng parehong bansa naaapektuhan. – bellaswan, CEFP, 09238956***
3) apektado un ekonomiya ng Pilipinas. bagsak.:( - Kiko, pogi ng 4thflor, 09173825***
2) Hindi naman kelangan magkaroon ng digmaan dahil sa relihiyon. Parepareho naman tayong anak ng Diyos. – Yuna, BLIS, 09218956*** 3) Udyok un ng US, alyado nya un Israel. – Ariel, 3rdflor, 09194659***
Vol.XXIV No.01 June 2009
P2.50 lang ang bawat padala. Bukas sa lahat ng subscribers ng anumang network.
2) magsa2ra yung mga dayuhang kumpanya. Kwa2 namn yung mga mata2nggal sa trabaho. – Nicole, ECE, 09226453***
Next month’s questions:
1) syempre mRmi ang mTa2nggal sa trabaho resulta nun mas da2mi pa ang mhirap n Pilipino. – Raymond, Psychology, 09276864***
1. Sa mga freshmen, ano ang inaasahan ninyong matutunan at maranasan dito sa PUP? 2. Sa tingin mo wala na bang pag-asa na matutulan ang CON-ASS?
Q2 Register once by typing KATA (space) REG (space) AGE, COURSE, YR. & SEC. then send to 2299. Text KATA (space) Q1/Q2 (space) Your Answer (space) NAME, Yr.& Sec. then send to 2299.
Q1
Student Christian Movement -PUP Habang tumatagal sa pamumuno si Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang pwesto ay patuloy ang kahirapan at karahasan na nararanasan ng sambayanang Pilipino. Mula sa kanyang pagkakaupo noong 2004, lalong umigting ang pasismo ng kanyang estado na nagpapatunay sa mga paglabag sa karapatang-pantao. Isa ang Student Christian Movement san a mahigpit na tumatangan na ang kristiyanong kabataan ay may malaking bahagi sa pagbabago ng ating lipunan. Isa rin itong ecumenical ibig sabihin isang sambahayan, dahil naniniwala ang SCM na nagmula tayo sa iba’t ibang relihiyon, ito ang magbubuklod sa atin sa hangaring pagbabago dahil nasa iisa pa rin tayong lipunan, lipunanng marahas at mapanupil. Mula sa pagkakatatag noong Disyembre 28,1960 sa pangunguna na rin ng mga taong simbahan, nakita ng SCM kung paano sikilin ng rehimeng Marcos ang karapatan ng mga mamamayang Pilipino. Sunud-sunod ang pampulitikang pamamasalang, sapilitang pagkawala ng mga lider-estudyante, magsasaka at mga manggagawa. Ganito ang naging hakbangin ng rehimen upang tuluyan ng patahimikin ang mga kritiko ng kanyang administrasyon. At hindi na rin nalalayo ang kasalukuyang kalagayan ng ating lipunan ngayon. Sa panahon ng panunungkulan ni Gloria Macapagal-Arroyo, mas lumaki ang bilang ng mga pinapaslang at dinudukot na aabot ng 1,000 mahigit. At kalakhan sa bilang na ito ay mga progresibong kabataan, magsasaka o manggagawa, mga mamamahayag na tuwirang
ORG
kumokondena sa kanyang pamumuno. Kahit ang PUP ay hindi na rin ligtas sa inaabot ng pasismo ni GMA. Kung matatandaan ang PUP 12 kung saan labindalawang estudyante ang sinampahan ng mg bogus na kaso gaya ng attempted murder, direct assault at robbery. Sa kaganapan na 4 na military intelligence officer ang nahuling naniniktik sa mga lider-estudyante na nagsasagawa ng programa sa Popeye. Maging ang administrasyong Guevarra ay hindi man lang naipagtanggol at nanindigan para sa kanilang karapatan. Malinaw na ang pagsasampa ng kaso ng AFP ay isa lamang hakbangin ng Oplan Bantay Laya upang tuluyan ng busalan ang mga tao na hindi natatakot isiwalat ang katotohanan. “Faith without action is dead” kaya nararapat lamang na ating patunayan na ang paniniwala natin ay mabubuhay lamang kung lalahukan ito ng paggawa. Mananatili ang SCM na nakasandig sa lakas ng mamamayang lumalaban at maninindigan na tayo ay mabuhay sa isang ganap at kasiya-siyang lipunan. Hindi hadlang ang relihiyon sa paghahangad ng pagbabago ng lipunan. Itigil ang pampulitikang pamamaslang! DEFEND PUP 12! Follow Christ, Serve the People! Kimberly Anne Salas Chairperson SCM-PUP
Visit us On-line! http//:www.pupthecatalyst.deviantart.com http//:www.pupthecatalyst.multiply.com
Banta R ichard
R e y es
Kultura
The Catalyst
She’ll never
gonna dance again Hulagpos ng kababaihan, ni Katrina at ng kultura
S
ex video scandal. Ito lang ang keyword at sa isang click sa youtube ay tiyak na lalabas ang samu’t saring mahahalay na palabas. Ilang minuto pa ay makikita na ang listahan ng mga most-viewed videos. Hindi lang sa youtube kung hindi pati sa iba pang sulok ng mga website sa internet; maging sa cd’s, dvd’s at cellphone ay kalat na ang mga ito. At ang uso: ang iskandalo ni Katrina Halili at Dr. Hayden Kho Jr. ng kaseksihan na ipinapakita niya sa kamera. Sino bang makakalimot sa kanyang alindog na ipinakita sa mga palabas at pelikula gaya ng “Marimar”, “Gigil” at “One Night Only”? Sino nga bang hindi naakit sa balingkinitan niyang katawan habang nakalarawan ang kanyang kahubdan sa mga panlalaking magazine gaya ng FHM? Ngunit sa isyu ng pagkalat ng mga sex videos ay nananatiling malaking usapin ang pagtingin kay Katrina, isang
‘‘
..samantalang ang isyu ng sex video scandal ay sumasalamin sa kultura ng mga Pilipino na may mababang pagtingin sa maraming ‘Katrina’ ng bansa.
‘‘
Paano ko nga ba makakalimutan ang nakakaindak na mga linyang “I’m never gonna dance again, Cause guilty feet have got no rhythm, Though it’s easy to pretend, I know I’m not a fool” ng awiting Careless Whisper na naging laman ng iskandalo na kinasangkutan ng mga nasabing personalidad? Paano nga ba mawawala sa isip ko ang paggiling ni Katrina kung sa bawat eksena ay nasasalamin nito ang pagsasamantala sa kababaihan? Malinaw sa kasong ito ang matagal nang pagtingin sa kababaihan bilang isang komoditi, kung paano sila ipinagbibili bilang sex objects. At malinaw din sa usaping ito kung paano nagiging kasangkot ang teknolohiya bilang mekanismo sa pagsasamantala sa kababaihan. Patunay ito ng kakayahan nitong baguhin ang mga “babaeng hinugot sa tadyang” bilang pantansya ng bayan.
Show [your] Business “Artista po ako. Trabaho ko ang maghatid ng tuwa. Pantasya ng telebisyon at pelikula. Pero tulad ng iba, may pribado ring buhay ako gaya ng lahat. Sa pagkakataong ito, dangal ko at dangal ng pamilya ang pinaguusapan dito.” Ito ang naging pahayag ni Katrina sa pagdinig ng senado sa kasong isinampa niya laban kay Dr. Kho Jr. Paano nga ba maihihiwalay ang imaheng nai-project niya sa harap ng kamera sa realidad ng kanyang pribadong buhay? Si Katrina ay bahagi ng indusriya ng “showbiz”, isang mundo na ang puhunan ng mga indibidwal ay ang kanilang mukha at katawan. Nakikilala siya sa imahe
artistang nalinlang at isang babaeng napagsamantalahan. Ganito ang naging pagtananaw ng Gabriela, isang organisasyong lumalaban sa pagsasamantala sa kababaihan, sa nasabing iskandalo. Sa isang pahayag ni Emmi de Jesus, pangkalahatang kalihin ng Gabriela, sinabi nitong ipinapakita lamang ng pagpapakalat ng sex videos ang mababang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. “Sa panahon ng matinding krisis, lumalala ang komodipikasyon sa babae bilang sex object. Napapabilis at napapalawak pa ng information technology ang ganitong pang-
aabuso sa kababaihan.” “Sa mga nakaraang taon, dumarami ang natatanggap ng Gabriela na kaso ng pag-video ng sexual acts na ipinakakalat sa midya. Sa ilang mga kaso, may pagpayag ng babaeng biktima ang pag-video. Pero mahalagang tandaan na ang akto ay ginawa sa pribado at sa konteksto ng isang relasyon, kaya’t ang pagpapakalat ng video ay isang matinding paglabag sa karapatan ng babae,” dagdag pa ni de Jesus. Ayon pa sa Gabriela, habang patuloy na itinuturing ang kababaihan bilang bagay para sa sex at aliw, patuloy din ang pagdami ng mga kaso ng paggamit ng teknolohiya sa pang-aabuso ng kababaihan.
sumasalalim sa kultura ng mga Pilipino na may mababang pagtingin sa maraming “Katrina” ng bansa. Kung susumahin, ang isyung ito ay hindi lamang literal na tumatalakay sa kalaswaan na laman ng mga videos. Sapagkat sa malalim na pagtingin, bukod sa usaping moral sa inilalahad nito, ay nasasapul din ang tuwirang pag-iral ng patriyarkal na kultura ng lipunan, ang patuloy na pagsasamantala sa hanay ng mga kababaihan at ang pagiging kasangkapan ng teknolohiya sa ganitong pagsasamantala. I should have known better that to cheat a friend, And waste the chance that I’d been given, So I’m never gonna dance again, The way I danced with you. Markado man sa isip ng mga tao ang mga linyang ito, isa lang ang sigurado: kasabay ng paulit-ulit na pag-indak ng awiting Careless Whisper ay ang patuloy na paghulagpos ni Katrina at ng maraming Eba tungo sa kanilang paglaya. Article: Mark P. Bustarga Illustration: Francis B. Biñas
Si Katrina bilang Babae at bilang Pilipino
Sa kabilang banda, ibang aspeto naman ang naging batayan ni Boy Villasanta, isang manunulat ng pahayagang Pinoy Weekly, sa kanyang pagtanaw sa isyu. Iniuugnay niya ang buhay na pinagmulan ni Katrina sa kasalukuyang nararanasan nito. Sa kanyang kolum sinabi nitong, “Bakit sa lahat ng ito ay hindi maisipan na halughugin o imbestigahan ang tunay na larawan ng buhay ng pamilya ni Katrina sa Palawan at mula roon ay masisinagan at masisilayan natin ang tunay na kondisyon ng buhay ng aktres at kung paano siya nais makaalpas sa klase ng pambababoy ng kahirapan sa lalawigan tungo sa ibang klaseng pambababoy sa lunsod?” Ano ang nag-udyok sa kanya na magpababoy sa showbiz sa gitna ng mga kutitap at kinang ng larangan? Hindi ba’t ambisyon na makalaya sa putik ng paghihikahos sa anumang paraan? Sa malawak na aspeto, si Katrina Halili ay tila naging larawan sa kabuuan ng mga kababaihan samantalang ang isyu ng sex video scandal ay
Vol.XXIV No.01 June 2009