Special Election Issue

Page 1

CATALYST SC ELECTIONS 2016

The

Go out and vote on September 29-30!

EDITORYAL

MANINDIGAN AT BUMOTO Sa kasalukuyang panahon, patuloy pa rin ang pag-iral ng mga polisiyang siyang lumalabag sa demokratikong karapatan ng mga mamamayan. At sa patuloy na pagiral nito ay nararapat na patuloy rin tayong lumaban at manindigan upang supilin ang mga polisiyang ito. Kaya naman, sa nalalapit na eleksiyon, kinakailangan natin ng mga pinunong siyang handang itaguyod at ipaglaban ang karapatan ng mga iskolar ng bayan ukol sa edukasyon. Isa sa pangunahing problemang kinakaharap ng masang Pilipino sa ngayon ay ang patuloy na pagpapatupad ng mga neoliberal na polisiya sa edukasyon. Pinasimulan ito noong kasagsagan ng rehimeng US-Marcos na siya namang nagpapatuloy pa rin hanggang sa kasalukuyang administrasyon. Isa na nga ang K12 sa pangunahing mukha ng mga neoliberal na atake sa edukasyon. Ang patuloy na pag-arangkada nito ay nagpapatunay lamang na ang edukasyon ay pormang negosyo ng mga administrador. Sa katunayan, naglaan ang gubyerno ng P23.9 bilyon na nagmula sa 2017 National Budget para sa vouchers ng mga Grade 10 completers. Ang sandamakmak na perang ito ay dumidiretso lamang sa bulsa ng mga negosyanteng administrador ng mga pamantasan. Ang pagpapatupad

nito ay magluluwal lamang ng semi-skilled workers na siyang kailangan ng mga naglalakihang korporasyon para sa sobrang kita. Ang mga ganitong isyung kinakaharap ng kabataan ay isa lamang sa dahilan upang lalo nating igiit ang ating mga demokratikong karapatan. Tanging sa ating lakas lamang makakamit ang higit pang paglaban upang tutulan at tuluyang mapabasura ang mga ganitong klaseng polisiya. Kaya naman sa kabila ng mga suliraning kinakaharap ay marapat lang na ang mga susunod na lider ay handa at matapang na lumalaban para sa mga karapatan ng estudyante’t buong buong komunidad. Ilang dekada nang pinatunayan ng mga iskolar ng bayan na tanging sa kanilang pagkilos makakamit ang mga tagumpay na tinatamasa ngayon. Ngunit hindi pa tapos ang laban ng komunidad sapagkat napakarami pang hamon na siyang kinakailangang harapin ng bagong henerasyon. Ang makasaysayang paglaban ng pamantasan ay hindi lang magtatapos sa simpleng pagluluklok ng kanilang mga lider, bagkus sa tuluy-tuloy pang paglaban kasama nila upang higit pang pagtugampayan ang mga laban. Ang eleksyon at pagboto ay hindi lamang nakatali sa ideyang ito’y karapatan ng bawat isa. Isa itong responsibilidad na dapat natin tanganan ng mahigpit sapagkat nasa atin ang lakas at kakayanan na itala ang kasaysayang guhit ng sama-samang pagkilos para sa tunay na pagbabago.

Ang eleksyon at pagboto ay hindi lamang nakatali sa ideyang ito’y karapatan ng bawat isa. Isa itong responsibilidad na dapat natin tanganan ng mahigpit sapagkat nasa atin ang lakas at kakayanan na itala ang kasaysayang guhit ng sama-samang pagkilos para sa tunay na pagbabago.

Panahon na naman upang tayo’y magluklok ng mga panibagong lider na siyang magiging tagapamandila at tagapagtanggol ng akademiko at demokratikong karapatan ng bawat iskolar ng bayan sa Sintang Paaralan.

SEPTEMBER 2016


TALENT FLARE. Maglunsad ng mga tradisyonal at makabagong aktibidad na huhubog, susuporta at magpapakita ng iba’t ibang mga

BRAIN TRAIN. Kaisahin ang mga iba’t ibang organizations upang pasiglahin ang mga tutorial services sa mga iskolar ng bayan sa iba’t ibang akademikong kurso at extra-curricular na larangan.

PRE-LOVEDBOOKS. Magsagawa ng programang maghihikayat sa mga Iskolar ng Bayan na idonate ang kanilang mga lumang libro na maaari pang magamit ng mas nangangailangan na mga kapwa isko at iska.

MEDIA HYPE. Ang Publicity and Documentation Committee ang pangunahing magtataguyod sa sariling pahayagan ng SKM na, “Ang Konseho” at iba pang daluyan sa social media para sa mabilis na pagpapalaganap ng mga anunsyo, aktibidad, at kampanya ng SKM.

CAMPUS PRESS BOOST. Kaisahin ang mga student publications at makipagtulungan sa mas epektibong paglilingkod sa mga iskolar ng bayan. Tulungang buuin ang mga student publications sa mga kolehiyong wala pa nito.

ng tunay at mahahalagang datos sa loob at labas ng PUP na magpapalakas at magpapatibay sa ating mga aktibidad at kampanya.

YOUTH ACT NOW! Palawakin ang alyansang magtitiyak ng

RISE FOR EDUCATION! Buuin ang alyansa ng mga student councils at organizations para sa tuluy-tuloy na laban ng PUP para sa makabayan, siyentipiko at makamasang porma ng edukasyon.

STOP K-12! Agad na buuin ang kaisahan sa buong komunidad sa ating panawagan na pagpapatigil sa makadayuhang K-12 program sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga educational fora, Stop K-12 Alliance at iba’t ibang asembliya.

JUNK AND REFUND OSF! Palawakin at lalong palakasin ang panawagang Junk and Refund All Other School Fees. Kasama rin ang panawagang ibalik sa mga estudyante ang daan-daang milyong Special Trust Fund na ninakaw sa mga iskolar ng bayan.

PALABANG KONSEHO CANDOR, DAUNTLESS: STOP TUITION FEE HIKES! Kaisahin ang lahat para labanan ang anumang banta ng tuition increase sa kolehiyo, Senior High School, maging sa branches at campuses ng PUP; para sa pagpapanatili ng militanteng tradisyon ng pagtatanggol sa dose pesos per yunit na edukasyon sa PUP.

talento ng mga estudyante ng ating Sintang Paaralan.

WE ARE THE 99%. Patuloy na kaisahin ang mga iskolar ng bayan upang tumugon sa mga kampanya ng iba’t ibang ng sektor ng lipunan. Patuloy na makiisa sa panawagang genuine land reform sa mga magsasaka. Maging kabahagi rin ng pagpapalakas ng kampanya ng mga manggagawa para sa pagpapabasura ng kontraktwalisasyon at ang

MAKABAYANG PAMUMUNO ABNEGATION PAARALANG MA. PS DE LEON. Tiyaking tuluy-tuloy ang paglulunsad ng mga lecture series, programa ng alternative classes, at mga forum upang tugunan ang tungkulin ng konseho na pataasin ang kamalayan ng mga iskolar ng bayan. Layunin nitong patalasin ang pagsusuri ng mga mag-aaral sa mga isyung panlipunan na magbibigay-linaw sa tungkulin ng iskolar ng bayan na makiisa sa pakikibaka ng sambayanang Pilipino.

NO TO CAMPUS MILITARIZATION! ABOLISH ROTC! Patuloy na palakasin ang kampanyang Abolish ROTC! at patuloy na paglaban sa tumitinding militarisasyon sa loob at labas ng ating pamantasan.

pagkakaisa ng mga student councils at organizations sa palagiang pagtugon sa mga isyung kinakaharap ng sambayanang Pilipino sa buong bansa.

ONE PUP SPIRIT. Sa kabila ng magkakaibang paniniwala, kailangan ng Inter-Faith Relations Committee na pangunahan na tugunan ang mga isyu sa loob at labas ng ating pamantasan; at ilantad at kondenahin ang lahat ng porma ng paglabag sa karapatang pantao.

LGBTQ+ FRIENDLY UNIVERSITY. Palakasin ang Gender Desk Committee upang palaganapin ang mga programa na magpapataas sa pagkaunawa sa pakikibaka ng mga kababaihan at bahagi ng LGBTQ+ Community; at maging bahagi ang mga iskolar ng bayan sa pagtataguyod ng kanilang pakikibaka laban sa diskriminasyon at karapatang pantao.

UNITED COMMUNITY. Pagtibayin ang Community Relations and Welfare (CRAW) Committee na siyang magiging instrumento ng pakikipagkaisa ng mga iskolar ng bayan sa lahat ng sektor ng PUP Community. Patuloy na makipagkaisa sa mga panawagan ng mga guro at kawani, sa mga manggagawa sa loob ng PUP, sa mga manininda ng PUP at iba pang mga espesyal na grupo at sektor sa loob ng pamantasan.

pagkakaroon ng nakabubuhay na pambansang minimum na sahod.

Catalyst

THE CATALYST (TC): Ano ang isa sa main/major campaign ng inyong partido? Student Handbook sa ating unibersidad kaya naman dapat tayong manindigan para sa ating mga karapatan. REJHON MODESTO (RM): Isa sa major campaign ng SAMASA ay ang pagpapabasura pa rin ng Other School fees na patuloy na binabayaran ng TC: Ano ang pagtingin niyo sa K+12?

FACTS AND FIGURES. Titiyakin ng Education And Research Committee na regular na kumalap

UPHOLD DEMOCRATIC RIGHTS. Patatagin ang STRAW (Students Rights and Welfare) Committee na tututok sa mga karaingan ng mga iskolar ng bayan. Mula rito ay buuin ang mga kongkretong aksyon bilang tugon sa mga nalilikom na hinaing ng mga estudyante.

ELEVATE ORGANIZATIONS. Tiyakin na kaisa sa mga kampanya at programa ang mga student organizations. Kasabay nito, patuloy na igiit ang karapatan ng mga organisasyon laban sa panghuhuthot at panggigipit ng admin sa porma ng rental fees at iba pa; at ang pagkakaroon ng opisina ng mga organizations para sa pag-unlad nito.

TUNAY NA PAGLILINGKOD ERUDITE, AMITY: SYSTEMATIC BOARD. Patatagin ang istruktura ng konseho ng mag-aaral upang pahigpitin ang pagkakaisa ng mga iskolar ng bayan. Tiyakin ang ugnayan ng Sentral na Konseho ng Mag-aaral at College Student Councils hanggang sa Year-level Assemblies at SHS Student Councils. Titiyakin nitong mahusay na napaglilingkuran at natutugunan ang interes ng mga iskolar ng bayan hanggang sa kada klase.

GENERAL PROGRAM OF ACTION

The


CATALYST

1 Hanapin ang presinto ng COMELEC.

2

Ipakita ang iyong Registration Card o I.D. o RAS Form ngayong school year. Kung walang I.D. o regi o RAS, magdala ng dalawang tao na magpapatunay na ikaw ay enrolled.

PAANO BUMOTO?

Para sa Sentral na Konseho ng Mag-aaral, itsek lang ang hugis kahon sa tabi ng pangalan nito.

3

Bibigyan kayo ng balota para sagutan at maiboto ang gusto niyong maihalal na kandidato. Para sa College Student Council, kailangan lang na isulat ang pangalan ng partido kung Block Vote.

4

Ibigay ang balota sa COMELEC Commissioner na nagbabantay ng presinto. Ihulog ang balota sa ballot boxes at opisyal ka nang nakaboto sa eleksyon.

Muli, ang pahayag na ito ay inilabas ng The Catalyst upang magbigay linaw sa lahat hinggil sa nilalaman ng Election Issue. Ang election issue na ito ay inilathala para magbigay gabay sa lahat, at naniniwala ang TC sa kakayanan ng mga Iskolar ng Bayan na magluklok ng kanilang mga lider na handang maglingkod at lumaban para sa ating mga karapatan.

Napagdesisyunan ng buong publikasyon na maglabas ng issue kahit pa kulang ang nilalaman. Ito ay sa dahilang kinakailangang maglathala ng dyaryo na hindi nagawa noong nakaraang eleksyon dahil sa parehong isyung kinaharap. Nakikita ng publikasyon ang kahalagan nito upang ipaalam sa mga estudyante ang paparating na SCE kadikit ng kanilang karapatan at responsibilidad na maghalal ng mga lider na tunay na maglilingkod sa kanilang interes.

Ngayong taon, ang SAMASA Alliance at PUP SPEAK ang muling maghaharap sa darating na eleksyon. Ngunit tanging ang SAMASA lamang ang nakapagbigay ng kanilang GPOA at interview magmula noong nagpaabot ang publikasyon noong nakaraang Paralegal meeting nitong Setyembre 15, 2016 at request letter noong Set. 16. Pinilit ng TC na hingin ang mga ito hanggang 8AM noong Set. 24 ngunit hindi na nakapagbigay pa ang SPEAK.

Bilang Opisyal na Pahayagang Pang-mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP), ang The Catalyst ay naglalathala ng Special Election Issue kasabay ng Student Council Election sa pamantasan. Layon nitng magbigay impormasyon sa buong pamantasan hinggil sa nasabing eleksyon. Naglalaman ito ang ng panayam mula sa mga kandidatong partido sa Sentral na Konseho maging ang kanilang General Program of Action (GPOA) na esensyal na malaman ng mga estudyante.

Opisyal na Pahayag ng The Catalyst Hinggil sa Special Election Issue

RM: Pinapatunayan ng SAMASA party na sa loob ng 34 taon na sa kolektibo o sama-sama nating pagkilos ay magkakamit tayo ng RM: Ang paninindigan natin diyan sa Academic freedom at Student Democratic higit pang tagumpay. Napatunayan na ito sa mahabang kasaysayan Rights, dapat tayong mga lider ang pangunahing nagsusulong ng mga ito kung ng alyansa, sa mga napagtagumpayang mga isyu tulad ng tuition saan hindi dapat nilalabag ng pamantasan ang mga demokratikong karapatan fee hike, hanggang sa pakikilahok nito sa mga isyung labas pa sa ng mga estudyante. Halimbawa na lang ay ang pagpapatupad ng represibong pamantasan.

TC: Ano ang iyong tindig sa academic freedom at student democratic rights?

mga estudyante sa ating pamantasan katulad ng Laboratory fee, Energy fee [sa CTHTM] at iba pang fees na kinakaharap ng bawat kolehiyo. RM: Hindi dapat ipatupad o ipagpatuloy ang pagpapatupad ng K12 sa ating bansa. Ang K12 ay hindi tunay na naglilingkod sa TC: Paano dapat mamuno ang isang council? Ano ang kanyang mga tungkulin? mga estudyante maging sa buong sambayanan dahil makikita kung paano ito naging tutungan upang lalong palalain ang RM: Kung sa usapin ng kung paano dapat mamuno ang isang council ay komersyalisasyon, pribatisasyon, at deregularisasyon sa usapin hindi lamang sa pagbubuo o pagko-conduct ng mga personal activities tulad ng edukasyon. Layunin lamang nito na magluwal ng semi-skilled ng pageant, o mga seminar. Isa sa mga mayor na responsibilidad o tungkulin workers na siyang kailangan sa ng mga naglalakihang korporasyon. ng isang Student Council at mamuno doon sa mga kampanya at mga isyung kinakaharap ng mga estudyante. TC: Bakit ka/inyong partido ang dapat Manalo?

The


04

OFFICIAL LIST OF CANDIDATES CENTRAL STUDENT COUNCIL Sandigan ng Mag-aaral para sa Sambayanan (SAMASA) President: Rejhon Modesto, COED Vice-President: Diether John Millete, CE Coucilors: Jenilyn C. Manzon, CAL Aira Marielle S. Biares, CBA Marjorie Dela Cruz, COC Veronica Tillo, CAF Edison Viray, CS Alyssa Jasmine Lapira, CSSD Kristopher Avelino, CPSPA Israel Escobedo, CHK Kemberly Claustro, CBA John Kenneth Contreras, CE Joie Ang Sayen, CE Students’ Party for Equality & Advancement of Knowledge (SPEAK) President: Jonald Bagasina, CPSPA Vice-President: Elijah San Fernando, CSSD Councilors: Vallery Claire Amador, CPSPA Rohany Mimbalawag, CPSPA Melanie Calimlim, CAFA Nico Librojo, CTHTM Rosalie Dena, CTHTM Karen Bonjoc, CTHTM Marynelle Carreon, CAFA Deanne Trinidad, CAL Gerrimar Mindana, COED Ernesto Jesus Bautista, COC LOCAL STUDENT COUNCIL College of Accoutancy (CAF) SAMASA President: Sittie Sharine Amerol, BSA 2-B Vice-President: Ronald Adrielle Cantojos, BBF 2-5 College of Business Administration (CBA) SAMASA President: Alexis Diane Danday, HRDM 2-1D Vice-President: Shyra Mae Geronimo, BSBA MM 3-15

2nd flr Charlie del Rosario Building PUP Sta. Mesa, Manila 09069757455

MEMBER: Alyansa ng Kabataang Mamamahayag (AKM-PUP) College Editors Guild of the Philippines (CEGP) www

.face

b o ok pupth .com/pu pth ecata lyst@ ecatalyst gma il.com

SPEAK President: Jefferson Sejalvo, BSBA MM 4-2D Vice-President: Bea Jesusa De Leon Villareal, BSBA HRDM 4-1D College of Education (COED) SAMASA President: Elizabeth Santos, BSED EN 2-FS1N Vice-President: Janssen Hans Pascual, BBTE BTL 2-2D SPEAK President: Ray Allen Tolentino, BBTE-BTL 2-3D Vice-President: Alvaro Joaquin Esquivias, BSEDSS 3-1N College of Science (CS) SAMASA President: Mary Evans Oris, BSB 3-1 Vice-President: Stephen Gilbert Rosales, BSFT 4-1D College of Social Sciences & Development (CSSD) SAMASA President: Leodegario Calixatero II, BSP 3-3 Vice-President: Angel Curib, BSP 2-0 SPEAK President: Marc Angelo Sanchez, BSS 2-1 Vice-President: John Israel Buentiempo, BCBM 3-2 College of Human Kinetics (CHK) SAMASA President: Diosry Martinez, BPE 3-1 Vice-President: Christine Henson, 4-6 SPEAK President: Paul Marix Reyes, BPE 3-2N Vice-President: (No Candidate)

Catalyst

The

TO WRITE NOT FOR THE PEOPLE IS NOTHING.

The

Catalyst

College of Computer & Information Science (CCIS) SAMASA President: Elijah Bagio, BSCS 2FS-1N Vice-President: Lhander Miranda College of Tourism & Hospitality Transportation Management (CTHTM) SAMASA President: Alyssa Baguino, BSTM 3-2D Vice-President: Alexis Aguirre, BSTM 2-3D

Public Administration (CPSPA) SPEAK President: Clarissa Mendoza, BPS 3-1 Vice-President: Justine Ronald Maala, BPS 3-1 Alliance of Brave & Nationalist Students towards Excellence (ABANTE) President: Bianka Antiporda, BPA Vice-President: Ivan Anthony Guison, BPS 3-1

SPEAK President: Donariz Cristino, BSTM 2-1 Vice-President: Allyson Brenda Cruz, BSHM 2-2

College of Architecture & Fine Arts (CAFA) SPEAK President: Robinson Galo Robediso, BSA 3-2 Vice-President: Anne Louise Lintag, BSA 4-3

College of Arts and Letters (CAL) SAMASA President: Renegade Limpin, ABF 3-1 Vice-President: Pretty Queen Cañamales, ABP 2-1

INDEPENDENT President: Maria Rosario Argote, BS Arch 5-2 Vice-President: (NO CANDIDATE)

College of Arts & Letters (CAL) SPEAK President: John Rey Magbanua, ABE 2-4 Vice-President: Ernest Oliver Yap, ABTA 2-1 TINIG President: John Michael Oliveros, ABF 2-1 Vice-President: Trisha Angela Maningas, ABP 2-1 Institute of Technology (ITECH) SAMASA President: Jay-Ar Pedralvez, DCET 3-3 Vice-President: Christian Gerard Delos Reyes, DCET 2-4

College of Engineering (CE) INDEPENDENT President: Johnson Domingo, BSCE V-3 Vice-President: Franchette Suzzaine Buray, BSCPE 4-3 LEGEND President: Mharielle Logatiman, BSIE 5-2 Vice-President: Yvan Oliver Reyes, BSEE 5-1 College of Communication (COC) LABAN President: Gauden Albert Reyes, ADPR 4-3D Vice-President: Christine Anne Alvarez, BACR 2-1

College of Political Science &

Editorial Board 2016-2017

EDITOR IN CHIEF Abigael de Leon | MANAGING EDITOR Kurt Russel Sosa | ASSOCIATE EDITORS Denisse Dizon (Internal) | Eisle Coryn Daye Singson (External) | SECTION EDITORS | NEWS Jonathan Christian Condes | FEATURES Denise Ann Florendo | LITERARY Pia Cyril Ramirez | COMMUNITY Jenny Papasin | CULTURE Zacharie Kate Esmeria SENIOR STAFF

WRITERS Stella Marie Maragay | Maya Santos | Xeane Izec Atienza | Reiven Lopez | Brandon Neil Sison | Rhyan Villaruel | Trisha Obejas | Arianne Joy Gardon | Ghelmari Escudero ARTISTS Gerardo Ocampo, Jr. | John Paul Huerto | Leandro De Asis | Lowell David Timbang JUNIOR STAFF

WRITERS Edrian Morales | Joshua Regalado | Christina Pamittan | JV Andrew Morales | Adlai Rosh Papa | Lalaine Ramos | Keneth Pelegrino | Geraldine Rocio | Justine Patricio | Johnlloyd Nagera | Michelle Mabingnay | Johanna Kelly Seras | Vanessa Williams | Aaron De Guzman | Jericha Del Mundo ARTISTS Teressa Colas | James Anthony Ortiz | Chris Louise Vencio | Joachim Santos | Rose Ann Lopez


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.