Balita
Pagrerebisa sa PUP Student Handbook, naiurong Page 3
Panitikan
Editoryal
JUNE - JULY 2019 ISSUE
Magsalita, at magsalita nang nagkakaisa Page 4
HINDI ELEKSYON Page 2
02 EDITORYAL
“
The Catalyst
Unang-unang inaatake ng mga diktador at pasista ang kawing ng midya sa pagnanais nito na walang patumanggang yurakan ang lahat ng saklaw na karapatan ng mamamayan.
“
Magsalita, at magsalita nang nagkakaisa
“Hindi hiwalay ang laban ng media sa laban ng mamamayan.” Umabot na sa 12 ang bilang ng mga pinaslang na mamamahayag sa ilalim ng rehimeng Duterte. Ayon sa Committee to Protect Journalists (CPJ), isa ang Pilipinas sa pinakamapanganib na lugar para sa mga journalist kahanay ang mga bansang nasa ilalim ng mga giyera sibil tulad ng South Sudan, Iraq, Syria at Somalia. Sa sistematiko at kalkuladong mga pahayag ni Duterte, buhay ang nagiging kapalit habang ang pag-atake nito sa midya ay pagbubukas sa iba pang porma ng pangaabuso sa karapatang pantao at sa direksyon ni Duterte sa tiraniya’t pananatili sa pwesto. Intimidasyon at harassment ang ipinupukol sa mga mamamayang nagpapahayag ng pagtutol sa mga hindi makataong polisiya at pahayag ni Duterte. Sa Mindanao na kasalukuyang nasa ilalim ng Batas Militar, lantaran ang media censorship sa mga diyaryo at telebisyon. Naging target rin ang mga mamamahayag sa mga paratang tulad ng
“
pagpapakana ng tinaguriang ‘Red October’ at ‘Ouster Matrix’ na inilabas ng pamahalaan kasabay ng online at offline attacks ng mga ‘troll army’ at DDOS o Distributed Denial of Service attacks naman sa mga alternative media sites. P10.2 milyong piso ang ginagastos sa mga troll farm upang magpakalat ng fake news na ginagamit bilang political propaganda upang atakihin kahit ang maliliit na institusyong pangmidya. Sa ganitong mukha, makikitang bahag ang buntot ng administrasyon na isiwalat ng mamamayan ang kanilang mga hinaing at mga karanasan sa ilalim ng kanyang pamumunong diktador. Takot ang gobyernong ito na malaman ng masa ang masahol na kalagayan ng iba’t ibang parte ng bansa at tuluyang maghimagsik upang labanan ang kanyang tiraniya. Makakailang ulit nang sinampahan ng gawa-gawang kaso ang mga journalists tulad nina Maria Ressa at Margarita Valle, mga kilalang kolumnistang nagpapahayag ng opinyon at nagsisiwalat ng kalagayan ng mamamayan sa mga naturang lugar kung saan
The
TO WRITE NOT FOR THE PEOPLE IS NOTHING.
”
2nd flr Charlie del Rosario Building PUP Sta. Mesa, Manila 09069757455 MEMBER: Alyansa ng Kabataang Mamamahayag (AKM-PUP) College Editors Guild of the Philippines (CEGP) w w w.f
acebo ok.c pupth om/pupthec ecataly st@gm atalyst ail.com
talamak ang militarisasayon. Unang-unang inaatake ng mga diktador at pasista ang kawing ng midya sa pagnanais nito na walang patumanggang yurakan ang lahat ng saklaw na karapatan ng mamamayan. Inaatake ni Duterte ang malayang pagpapahayag at pamamahayag habang pinoprotektahan ang interes ng mga bansang pinagkakautangan niya ng loob. Aktibo nitong pinasisinungalingan ang mga balita’t naratibo ng mamamayan habang pinagtatakpan naman ang mga pakikipagkasundo nito sa ibang bansa na ibenta ang soberanya ng bansa. Imbes na pangalagaan ang interes ng bayan, nagmistulang tindera sa palengke ang administrasyong ito kung saan ang kayamanan ng ating bansa ang produkto. Hindi nito alintana kahit mapahamak ang ating mga kababayan, sa aktwal, nang banggain ng mga barkong Tsina ang mga mangingisdang Pilipino sa Recto Bank, tila ba naging masugid na tagapagtanggol pa ng gobyernong Tsino ang
Catalyst
presidente ng Pilipinas. Para kay Duterte, mas mahalaga ang pautang na ibinibigay ng dayuhang bansa, kasabay ng mga naibubulsa nitong pera, kesa ipagtanggol ang interes ng mga Pilipino sa West Phillipine Sea at buong bansa. “Tama na, sobra na!” ito ang tinig ng lumalaking bilang ng mga kababayan nating sawang-sawa na sa mga patutsada’t pasaring ng kasalukuyang administrasyon. Hindi kalayaan ang nararanasan ng mamamayan, bagkus, sa loob ng tatlong taon ay higit pang pagpapatahimik at sensura ang dinanas ng ating kababayan sa kamay ng isang tiranikong presidenteng nasa Malakanyang. Para sa ating mga kabataan at mamamahayag, nararapat lamang na tayo ay makiisa para wakasan na ito tulad ng mga naunang kabataang makabayan at propagandista sa kasaysayan, makikita ito sa anyo ng paglaban at paghihimagsik laban sa kaaway ng sambayanan. Ang tunay na kahulugan ng salitang kalayaan ay pagpapasya at walang sagkang pagsapol sa interes
ng mayorya ng mga Pilipino. Nangangahulugan ito ng pagtatakwil sa anumang anyo ng pagsasamantala at pangaapi. Sa sunod-sunod na atake sa kalayaan sa pamamahayag, kasabay rin nitong nayuyurakan ang malayang pagpapahayag ng mamamayan na siyang lumilikha ng boses na ipinahahayag ng midya. Hamon sa Iskolar ng Bayan na sa panahon kung saan direktang inaatake ang mga publikasyon at mamamahayag pangkampus upang hindi makapaglathala ng mga isyu ng estudyante at habang pasismo ang tugon ng estado sa pagpapahayag ng tunay na nangyayari sa lipunan, ay lalong marapat itaas ang panawagan at patuloy tayo na magsalita kasama ng malawak na hanay ng masang siyang tema ng paglilingkod sa sambayanan. Sa darating na SONA, sa kabila ng mga kasinungalingan at napakong mga pangako ni Duterte, titindig ang libulibong mamamayan upang iharap kay Duterte ang mga kasalanan niya sa taumbayan, sila nawa ang saksi.
Editorial Board 2019-2020
EDITOR IN CHIEF | Regina Tolentino | MANAGING EDITOR | Lorenz Martin Godoy | ASSOCIATE EDITORS | Aubrey Rose Inosante (Internal) | Nazaree De Los Santos (External) SECTION EDITORS | NEWS Dominic Gutoman | FEATURES Via Mae Tubal | LITERARY Rachel Cruz | COMMUNITY Marifher Cavan | CULTURE Nicholas Selwyn Jalea | ASSOCIATE SECTION EDITORS | FEATURES (Lalaine Ramos) | LITERARY Graciela Brequillo | COMMUNITY Marti San Juan | CULTURE Fritzjay Labiano STAFFS WRITERS | Maricho Tagailo | Charlote Marquez | Kyle Nicole Marcelino | Mariel Ann Puli | Angelo Abadilla | Bea Brudo | Liam Medina | Rean Bonus |Reyliene Malabayabas | Princess Lontoc | Shaira Titong | Abegail Delorino | Dominic Duquiatan ARTISTS | Michelle Lim | Ivy Sacdalan | Kristen Javier
BALITA 03
The Catalyst
Pagrerebisa sa PUP Student Handbook, naiurong | LIAM MEDINA
Naiurong ang pagsasapinal ng pagrerebisa sa PUP Student Handbook sa Hunyo 25 mula sa orihinal na petsa na Hunyo 4.
Kasama ang mga kinatawan mula sa Kasarianlan, SAMASA PUP, at League of Filipino Students,sa diyalogo kasama ang PUP admin, kinwestyon ng mga lider-estudyante ang ideya ng “kumbensyon ng maayos at malinis na paggayak” na nakasaad sa Section 5, Title IV ng panukalang revision sa student handbook. Sa ilalim ng naturang probisyon, ipinagbabawal ang pagsusuot ng short shorts, micro mini skirts, hanging blouses na nakalaylay sa pusod, spaghetti blouses, tube blouses, sando, at iba pang hindi pasok sa “kumbensyon ng maayos at malinis na paggayak” at pananamit nang “may dignidad” at “karespe-respeto.” Ayon kay Maya Santos ng SAMASA PUP at Gabriela Youth, ang nasabing probisyon ay sumasaklaw sa usapin ng demokratikong karapatan ng mga
Iskolar ng Bayan Tinutulan din ng lokal na konseho ng College of Communications ang iba pang nilalaman ng panukalang rebisyon nang maglabas sila ng infographics sa Facebook kaugnay nito. “Ang PUP- College of Communication Student Council ay mahigpit na kinukundena ang mga pinanukalang probisyon na hindi dumaan sa maayos na konsultasyon sa mga Iskolar ng Bayan,” ani nila sa mula sa pahayag sa kanilang Facebook account. Inisa-isa nila ang mga dapat tutulan tulad ng probisyon na Title 2, Section 3 na naglalayong tanggalin ang “free of charge” na kondisyon sa paggamit ng mga pasilidad ng pamantasan; probisyong Title 2, Section 6 na nagpapahintulot sa presensiya ng mga militar sa loob ng pamantasan tuwing araw ng ROTC; at iba pa. “Yung student handbook itself is repressive. We suggest na pangunahan ng mga liderestudyante at konseho ang public clamor para-uphold ang ating mga karapatan,” pahayag ng League of Filipino Students. ©
ANAK PUP Convenes, asserts student democratic rights LORENZ MARTIN GODOY
Alyansa ng Nagkakaisang Konseho ng PUP (ANAK-PUP) on its convention last June 15 at PUP Hasmin Building, released five resolutions to resolve issues concerning the democratic rights of the Iskolar ng Bayan in the PUP system.
According to the Office of the Student Regent (OSR), the first resolution addresses the members of Executive Committee, followed by the resolution about the priority campaigns of the Federation. The said campaigns, according to the Resolution are the (1) fight for free, quality, and accessible education; (2) fight against NPU Bill; (3) opposition against anti-student policies such as the Mandatory Random Drug Testing,
Mandatory ROTC; (4) fight against the current revision of the student handbook; and (5) fight for recognized and autonomous student councils and publications. The third resolution suggests proactive measures on part of the Federation to deal with branches and campuses that up until now are without student councils. The Federation vowed to take necessary steps to assert the democratic representation of the students in their respective campus. The last resolution states the unanimous decision of the Executive Committee to recognize all students who have garnered the highest number of votes as duly-elected council members in their respective college. ©
Dominic Gutoman
Pag-abante ni Arlene Brosas bilang kinatawan ng Gabriela Partylist sa unang programa ng #EndDependenceDay
Ika-121 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, sinalubong ng kilos-protesta
DOMINIC GUTOMAN
Nagsagawa ng kilos-protesta sa US Embassy at Chinese Consulate ang mga progresibong grupo, advocates at mga kabataan bilang pagsalubong ng ika121 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan upang kundenahin ang pagtalima ng kasalukuyang rehimen sa Tsina at US. Sa unang martsa sa US Embassy, iwinaksi nina Karra Taggaoa, tagapagsalita ng League of Filipino Students, at Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas, ang mga polisiya ng US na patuloy na umiiral sa bansa sa usapin ng ekonomiya, politika, kultura, at militar. Ayon kay Brosas, “Hanggang ngayon po ay nanghihimasok sa atin
ang bansang Amerika, hanggang ngayon, nakapagdidikta [hindi lamang po] sa usaping militar at pulis. Kaya ‘wag po tayong magtataka kung bakit ang mga pinapasok na mga kasunduan sa pagitan ng gobyerno ng Amerika at Pilipinas ay talaga namang lalong nagpahirap sa ating Bayan.” Nananatili pa rin ang pwersang militar ng US sa bansa at ang paglalabas-pasok nito dahil sa Visiting Forces Agreement at Balikatan Exercises. Sa ikalawang martsa sa Chinese Consulate, tinalakay ang usapin ng soberaniya sa pangunguna nina Bobby Roldan, tagapagsalita ng Pamalakaya Pilipinas Bataan at Former Bayan Muna Representative Neri Colmenares, ang mga implikasyon ng pagaangkin ng Tsina sa West Philippine Sea.
Inilahad ni Roldan ang mga suliranin ng mga mangingisdang Pilipino sa lumalalang pambabakod ng mga Chinese vessels sa West Philippine Sea. “Hindi na nga tinutulungan ang mga mangingisdang Pilipino, sila pa ang hinaharass.” Kinwestiyon ni Colmenares ang kalagayan ng kalayaan sa bansa habang nanghihimasok ang Tsina sa soberaniya at ekonomiya ng Pilipinas. Diin niya, hindi pa ganap na malaya ang Pilipinas kung kaya’t mayroong kilos-protesta na sinadya sa Araw ng Kalayaan. Sa parehong araw, naiulat ang “ramming” ng isang Chinese vessel sa bangka ng Pilipinas na naging dahilan ng paglubog nito at pagsasapeligro ng buhay ng 22 mangingisda. Nasagip naman ng Vietnamese vessel ang mga mangingisdang sakay ng lumubog na bangka. ©
HINDI
ELEKSYON
| Patrizia Starr Morados
I
tinakda ng nagdaang eleksyon kung gaano kabilis maibebenta sa mga dayuhan ang patrimonya ng bansa.
Sa kabila ng pagpalya ng may isanlibong makina sa pagboto, vote-buying, pag-malfunction ng mga VCMs at SD Cards, nagkalat na videos na naglalaman ng patunay na may pre-shading ng mga balota, kinilala pa rin ng COMELEC ang 2019 Midterm Elections. Naging kontrobersyal ang 7-hour technical glitch sa transparency server ng COMELEC noong gabi ng Mayo 13 hanggang Mayo 14 ng madaling-araw kung kaya’t naitigil ang pagbibigay ng resulta sa midya at mga watchdog. Samu’t-saring pambabatikos ang kinaharap ng nagdaang eleksyon dahil sa lantarang pandaraya at pagmamaniobra ng estado at sa patuloy na represyon at atake sa loob at labas ng paaralan, mapahalalan, pamamahayag at pagdodomina ng rehimeng Duterte. Ambisyoso ang rehimen na maging diktador dahil sa takot maaresto, makasuhan at makulong sa lahat ng krimen nito sa taumbayan kung kaya’t sa kabila ng mga aberya, anomalya, at samu’t saring kontrobersya, siyam na araw matapos ang itinakdang araw ng halalan, ganap nang naiproklama noong Mayo 22 ng Commission on Elections (COMELEC) ang panibagong grupo ng mga senador at party-list groups. 9 sa 12 na naiproklamang bagong mga mambabatas o ang tinaguriang Magic 12 ay mga kandidatong inendorso ni Duterte mula sa Hugpong ng Pagbabago (HNP). Ganoon din ang naging mukha ng kalakhan sa mga nagwaging kandidato sa lokal na mga posisyon na kung hindi direktang kaalyado ay na-endorso naman nito. Pinangunahan ng reelectionist na si Cynthia Villar (Nacionalista Party) ang karera sa pagka-senador na bagamat kilala
bilang tagapagtaguyod ng agrikultura at kalikasan, kamakailan lamang ay ipinanikula ang kontrobersyal na R.A. 11203 o ang Rice Tariffication Law at ang pagsangayon nito sa TRAIN Law. Pumangalawa naman si Grace Poe (Nationalist People’s Coalition), bitbit ang mga platapormang maka-mahirap tulad ng pagtutulak sa mga pansamantalang solusyon sa kagutuman tulad feeding programs. Pumangatlo si Bong Go (Partido Demokratiko Lakas ng Bayan PDP-LABAN), o mas kilala bilang dating Special Assistant to the President, na bagamat walang malinaw na platapormang inilahad ay nakakalap diumano ng 20,657,702 na boto. P u m a s o k din sa Magic 12 sina Pia Cayetano (Nacionalista Party) na nagpakila bilang isang pemenista, subalit nananatiling tikom ang bibig sa tuwing hihingin ng midya ang kaniyang panig ukol sa mga bastos na pahayag at rape jokes ng pangulo sa mga kababaihan. Bato dela Rosa (PDP LABAN), dating hepe ng Philippine National Police (PNP) na nanguna sa madugo at kontrobersyal na kampanya ng kasalukuyang administrasyon laban sa droga o Oplan Tokhang kung saan libo-libong kaso ng extrajudicial killings (EJK) at iba pang porma ng paglabag sa karapatang pantao ang naitala. Sonny Angara (Laban ng Demokratikong Pilipino), kilala bilang tagapagtaguyod ng mga reporma sa edukasyon at sa kabilang banda ay mayakda rin ng pro-commercialization at privatization na NPU Bill, maging ang kontrobersyal at pahirap na TRAIN Law
kung saan lubos na nagdulot ng pagtaas ng presyo ng petrolyo at iba pang mga bilihin at pang-araw-araw na gastusin. Lito Lapid (Nationalist People’s Coalition), na noon na ring umupo sa Senado sa loob ng dalawang magkasunod na termino mula 2004 hanggang 2016. I m e e
Marcos (PDP), anak ng yumaong diktador na si Ferdinand Marcos na kamakailan lang ay nasangkot sa isyu patungkol sa kaniyang pagsisinungaling ukol sa natamo niyang degree sa Princeton University. Nariyan din ang kontrobersiyang nakakabit kay Imee patungkol sa kanyang
koneksyon sa pagkamatay ni Archimedes Trajano, isang lider-estudyante at aktibista na kumwestyon sa posisyon ni Imee sa Kabataang Barangay sa isang open forum na ginanap sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila noong 1977. Matapos itong banggitin ni Trajano, sapilitan siyang pinaalis at dinahas ng otoridad. Dalawang araw matapos ang tagpong iyon, natagpuang patay si Trajano buhat ng matinding pambubugbog. Francis Tolentino (PDP), dating hepe ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa ilalim ni dating Pangulong Aquino at nakaraang Presidential Adviser on Political Affairs ng kasalukuyang administrasyon. Koko Pimentel (PDP), kilala bilang solidong tagasuporta ng pagtutulak ng Pederalismo sa bansa at kasapakat ng gobyerno sa pakikiisa sa Tsina. Bong Revilla (Lakas Christian M u s l i m Democrats), dating aktor na tumakbo bilang senador noong 2009. Kamakailan lamang ay nakalabas si Revilla sa bilangguan sa kabila ng nitong
nakabinbin kaso ng pandarambong
o plunder. Huli, si Nancy Binay (United Nationalist Alliance), parte ng isang political dynasty na patuloy pinamamahalaan ang lungsod ng Makati, ay nabanggit na kaniyang pagtutuonan ng pansin ang turismo, kontraktwalisasyon sa pamahalaan, at pagiging kritikal sa lumalaking bilang ng mga manggagawang tsino sa bansa. Sa kabila nito, isa rin si Binay sa mga mambabatas na pumabor sa pagpapatupad ng TRAIN Law. Sa kabilang banda, pareho namang makakukuha ng 3 seats ang Bayan Muna Party-list at Anti-Crime and Terrorism through Community Involvement and Support o ACT-CIS Party-list na itinaguyod
ng magkapatid na sina Raffy at Erwin Tulfo na kamakailan lamang ay nasangkot sa usaping nakawan ng pondo kaugnay ang kapatid ng mga ito na si Wanda Teo, dating kalihim ng Department of Tourism. Kaakibat ng naging resulta ng nagdaang halalan, kung saan kitang-kita na kalakhan sa mga nagtagumpay na kandidato ay kadikit ng Pangulo, mas lalo lamang nitong pinalakas ang kakahayan at posisyon ng kasulukuyang administrasyon na magpatupad ng mga polisiyang hindi magsisilbi sa lehitimong interes ng mga kabataan at ng sambayanan. Nariyan ang nagbabadyang banta ng pagratsada ng Pederalismo, pagbababa ng Minimum Age of Criminal Responsibility (MACR) sa 9 na taon, patuloy na paglawig ng madugong Oplan Tokhang, at iba pang tipo ng mga anti-mamayan at antiestudyante na mga polisiyang sasagka sa demokratikong karapatan ng mga mamamayan. Kaya naman higit pa sa hamon ay responsibilidad nating lahat, hindi lamang bilang mga Iskolar ng Bayan, kung hindi bilang mga Pilipino, na malalim na magsuri’t kumilatis, bantayan ang posibleng mga polisiyang maaaring ipatupad ng estado, at higit sa lahat, walang pag-iimbot na makiisa sa mga pagkilos na siyang layuning itulak pangangailangan at interes ng mamamayan. Mahalaga ring maunawaan na hindi nagsisimula at nagtatapos ang inaasam na tagumpay at pagbabago sa eleksyon. Itinutulak ng kalagayan ang kabataan na lalo pang igiit at irehistro ang mga panawagan sapagkat matagal nang napatunayan ng kasaysayan na hindi lamang sa pagboto ng mga susunod na lider natatapos ang reponsibilidad sa bayan at lalong hindi rin lamang dito nagsisimula ang pagbabago--bagkus, nakaugat ito sa tuloy-tuloy at sama-sama nating pagkilos at pagtungo sa lansangan, bilang mga Iskolar ng Bayan, kaisa ang mas malawak pang hanay ng masang napagsasamantalahan, upang ganap na mapagtagumpayan ang marami pang laban. Marahil nga’y mahaba pa ang digma, subalit walang duda, ang kasaysayan, tayo rin ang lilikha.
05 FEATURE
06 EDITORYAL VIA TUMBAL Ang sabi ng inay, edukasyon ang sagot sa kahirapan at ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Sa pagpasok ko sa Sintang Paaralan bilang Senior High School naaprubahan ang Republic Act 10931, isang tagumpay sa isa sa mga panawagan ng mga ate at kuya sa lansangan para sa libreng edukasyon. Isang taon mula nang maiplementahan ito, hindi pa rin naibibigay ang sinasabing de-kalidad na edukasyon na nakasaad sa R.A 10931. Una, hindi natatamo ng mga guro ang nararapat na sahod para sa kanila kapalit ng kanilang serbisyo. Paano magkakaroon ang mga estudyante ng sapat na
The Catalyst
Hindi Utang na Loob Sa huli, hindi ang batas na ito ang mapagpasyang magtatakda ng ating kasalukuyang kalagayan, kundi ang lakas ng ating mga panawagan.
kaalaman, karanasan at kasanayan kung hindi maayos at madalas ay delayed pa ang pasahod sa mga kawani at propesor? Sinasabing libre na ang edukasyon, pero ang totoo ay ginigipit naman tayo sa mga pasilidad at kagamitan. Sa huli ay kakailanganin pa rin nating bumili at gumastos upang magrenta ng pagsasanayan tulad ng mga teknikal na kagamitan, venues, at mga laboratoryo. Sa kabilang banda, hindi naisasakatuparan ang probisyong nakasaad sa Sec 11 “upon effectivity of this Act, it shall be unlawful for any person, SUC and state-run TVI to collect tuition and other school fees from qualified students..” dagdag pa ang sinasabi nitong ‘quality
education,’ dahil talamak pa rin ang mga bayarin sa PUP, kaugnay na rito ang inilabas na bayaring inaprubahan ng CHEDUniFast. Taun-taon ding pinoproblema ng mga nagnanais m aging estudyante ng PUP ang maubusan ng slots sa kursong nais nila, dahil bukod sa sinusunod na first-come-first-served basis, limitado lang rin ang tinatanggap ng pamantasan sa ilang libong kumukuha ng PUPCET kada taon na salungat sa nakasaad sa Free Education Law. B a g a m a n tinatamasa ng mga Iskolar ng Bayan ang libreng matrikula, pinatutunayan ng mga butas sa mga probisyong ito, pagtataas ng matrikula sa mga
pribadong pamantasan, at limitadong oportunidad ng kabataan na makapasok sa paaralan na hindi pa tapos ang laban para sa ating mga batayang karapatan. Sa huli, hindi ang batas na ito ang mapagpasyang magtatakda ng ating kasalukuyang kalagayan, kundi ang lakas ng ating mga panawagan. Hindi nakamit ng mga Iskolar ng Bayan ang mga batayang karapatan sa libreng edukasyon sa pananahimik, dahil sa ilang taon ko sa Sintang Paaralan, doon ko nalaman ang sagot sa kahirapan. “Pag-aralan ang lipunan at paglingkuran ang sambayanan,” binasa ko lang, pero totoo naman, sa pagiging mulat magsisimula ang paglaban.
#KolehiyoSeries DOMINIC GUTOMAN
Sa mata ng isang freshman, ang College of Communication ay isang malaking aktibong arena. Punong puno ito ng mga programa na hahasa sa kakayahan ng mga COCian tulad ng mga patimpalak sa paggawa ng music video, programa, magazine, newsletter, advertisement, pelikula at marami pang iba. Sentrong ng Midya sa PUP
Kawing
Ang pagiging isang COCian ay isang dangal at sagisag ng husay at talento mula noon hanggang ngayon. Mula sa mga pinalago nitong mamamahayag, mga akademiko, mga advertisers, mga direktor, mga manunulat, at iba pang alagad ng midya na patuloy na nagpapamalas ng galing sa kani-kanilang larangan hanggang sa mga kasalukuyang magaaral na nagtatamo ng iba’t ibang parangal sa labas ng pamantasan at pati na rin sa labas ng
Bukas na Liham mula sa isang COCian bansa.
Ngunit ang tatak na ito ay mantsa rin ng kakulangan ng pamantasan sa paghubog ng mga mag-aaral nito tulad ng mga equipments at laboratory spaces na kinakailangan ng mga maskom para magkaroon ng mas kumprehensibong kasanayan. Bunga ng nag-iisang TV studio na higit-kalahati lamang ng normal na silid-aralan sa COC, nagkakaroon din ng kakulangan sa pagsasanay sa teknikal na pangangailangan ng produksiyon tulad na lamang sa sinematograpiya, lalo na sa mga mag-aaral na wala pang sariling equipments. I s a n g kabalintunaan na ang sentro ng midya sa loob ng pamantasan ay kapos sa pasilidad. Bukod pa rito, hindi nahihiwalay ang pinagdaraanang suliranin ng mga COCians sa iba pang mga PUPian, Iskolar ng Bayan at iba pang kabataang estudyante na nasa ilalim
ng kasalukuyang sistema ng edukasyon. Hindi rin mawawala sa suliranin ng COC ang pagiging biktima nito ng defunding sa lokal na publikasyon na suliranin din ng iba’t ibang lokal na kolehiyo at kabuuan ng PUP. Ito ay bumabalangkas pa sa mas masidhing pagsagka sa demokratikong karapatan ng mga Iskolar ng Bayan . Kalayaan Pagpapahayag
sa
Isa sa mga tatak ng COCian na patuloy na umiiral hanggang sa kasalukuyan ay ang katangitangi nilang pananamit. Sa pananamit naka ang pinakamalikhain nilang paraan upang ipahayag ang kanilang mga sarili na balikwas sa kumbensiyunal. Naguugat ang mga ito sa malaking pagpapahalaga ng kolehiyo sa SOGIE dahil na rin sa kalakhan ng LGBTQ+ na bumubuo rito at nakikita ang kolehiyo bilang isang ligtas na espasyo.
Sila ay may kakakayahang lumikha ng dagundong — hindi lamang alingawngaw na papalipadhangin — mula sa pagkilos at pwersang kolektibo.
Kaya naman nang lumitaw ang isyu ng dress code policy sa ilalim ng proposed Student Handbook Revision, nakita at naintindihan ng mga COCian na hindi lamang ito isang simpleng koda na dapat pahintulutan. Kagyat ay nag-organisa ang mga student organizations ng mga forum, educational discussions, at kilosprotesta. Ang ingay na bumubuo sa kultura ng COC ay nakasupling sa samu’t saring uri ng sining tulad ng mga palabas sa teatro, pagkuha ng larawan, malikhaing pagsulat, pagbabalita, pananaliksik, pagdidisenyo at pagpepelikula. Ngunit alam din ng kolehiyo na ito ang hangganan ng ingay na bunga ng anyong sining at ang lugar nito sa pakikibaka sa mga represibong pulisiya. Sila ay may kakakayahang lumikha ng dagundong — hindi lamang alingawngaw na papalipad-hangin — mula sa pagkilos at pwersang kolektibo.
of basic services such as food and health inside the campus.
W
hile Manila rests in slump during the early cold days of the year, it is not the desire for a warm blanket nor a hot cup of coffee that shall appease their raging fist in calling for a humane working condition and just compensation.
“Ang ibang tema pa nga ay binebenta na ng gobyerno [ang mga serbisyo] tulad ng LRT natin. Ginagaratiya nila na ‘di malulugi, kahit magtaas yan, isa-suffer sa tao ’yan samantalang, magkano lang ang sahod.”
For Tatay Romil, in his 14 years of service as a janitor of PUP, fear of massive lay-off have always visited the workers of SJ since the university makes the agencies it hires undergo bidding.
In a commercialized and privatized institution, the goal of the entrance of big business in the university will not be genuine service but acquisition of profit.
“Wala namang nagbago [hanggang ngayon], nakaantabay kami lagi sa bidding every six months.” “binata pa nga ako noon eh, ngayon may asawa na” he jests as he lit his cigatrettes and recalled his early days in PUP. It was in 2012 when the Samahang Janitoral ng PUP launched their first strike against rampant contractualizaton in their ranks. ”Naglunsad ng bidding ang PUP noong Pebrero. Pagkatapos, tinanggalan na pala kami ng trabaho nang wala kaming kaalam-alam,” Tatay Gerry, one of those who lead the worker’s union at that time recollects. In a memorandum of agreement released by the PUP administration, it was stated that no janitor in their ranks will be retained. As their response, workers under SJ-PUP resolved to line up in their strike after their daily work. “Pagkatapos ng trabaho, sa picketline ang tuloy,” as they put it back then. Contractual workers were neither absorbed by the agencies nor the companies where they work. They were not subject to employment benefits such as healthcare, bonuses and thirteenth-month pay. The stand for just working conditions and security of tenure solidified the ranks of SJPUP. They launched a seventhmonth strike from February to September 2012. “Napakahirap ng kabuhayan noon. Karamihan sa mga kasama ay namamasura muna sa loob ng PUP, at umekstra rin akong mag-drive. Kapapanganak lang din ng
“Pag pumasok na ang mga Jollibee, McDo, atbp., doon na unti-unting babawasan ng gobyerno ang pondo ng pamantasan dahil magsasarili na, [dahil sa mga negosyo na kukunin ang pondo] .”
kumander ko, [ang asawa ko].” The strong campaign from the students who fought alongside them echoed the call of the workers, added Tatay Gerry, Many attempts were made to destroy the janitors’ picket--guards, BJMs, and even some of their fellow janitors were used against them. “Natatandaan ko sa harap mismo ng gate, hanggang sa tumindi na ang gulo, nagkakalaglagan na ng baril, nagkakahabulan na ng pulis,” Tatay Gerry recalled. “Talagang pinadlock na ang opisina, may kubol na sa harap, na pinipigil nila, ‘yung pinadlock [na opisina ng SJ] ay sinubukang buksan dala ang mga baril nila, [na kailangan namin depensahan],” Tatay Romil reminisced, whom through students found that another attempt to repeat such history is about to happen through the proposed PUP Charter, also known as the National Polytechnic University Bill.
Unfinished ‘business’ While there were doubts among some of the workers for fears of losing their livelihood and despite violent dispersal attempts and hopeless dialogues with the administration, they were able to win the fight to be restored to their jobs. But in the decades-long fight of SJ-PUP workers, there have been many attempts to steal their victory from them and to even worsen their condition.. “Diretsuhan na malaking sagabal ito sa mga manggagawa na magbabago ang sistema, at hindi lang sa’min, kun’di sa tulad niyo ring mga estudyante. Kung sa amin naman, maaaaring oraorada na kaming tanggalin,” said Tatay Romil. “Kung kami lang din, tutol kami riyan.” With too much power concentrated on the university admnistration and PUP’s president, the dire conditions of university workers will be aggravated by the privatization
The Duterte administration in its early days vowed to end contractualization among the ranks of workers, but throughout the recent years where there had been more that 50 recorded strikes from factories and manufacturing plants due to inhumane conditions of workers ranging from low wages to massive layoffs, the administration failed to protect the blood of the country’s economy. Contractualization masked in different forms remain rampant, even department orders from Department of Labor and Employment (DOLE) through the years remain incompetent and incompliant to workers’ demand. “Hindi tayo humihingi ng awa, humihingi tayo ng karapatan mabuhay!” Throughout history, the strength of the working class would always manifest given the conditions that pushes them to lose the chains that bind them.
06
The Catalyst