Dibuho nina Fritz Jimeno at Gail Kathleen Pilapil
“ If only we buy their produce at a non-beggar price of P20-22 per kilo we will enable them to regain their dignity in rice farming. DR. TEODORO MENDOZA
“
Simula nang maisabatas ang RLL, pinatay nila ang sektor ng agrikultura. Kawawa ang mga magsasaka natin puro mura at galit ang naririnig mula sa kanila dahil sa murang presyo ng palay. JOSEPH CANLAS, Alyansa ng Magbubukid sa Central Luzon
AYUDA HINDI UTANG. Nagtungo sa ginanap na “Grand Mañanita” noong July 12, 2020 sa University of the Philippines ang mga magsasakang miyembro ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas upang igiit ang kanilang mga karapatan at nanawagan ng ayuda mula sa estado. Kuha ni Santino Quintero
RTL, patuloy na nilulugmok ang buhay, kabuhayan ng magsasakang Pilipino Xyrone Joshua Pelayo at Stella Marcos
News Writers
ahigit isang taon na simula nang pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11203 o mas kilala bilang Rice Tariffication and Liberalization Law (RTL o RLL) na naglalayon umanong pag-ibayuhin ang sigla ng agrikultura at gawing abot-kaya ang presyo ng bigas sa Pilipinas, ngunit ang huwad na pagpapatupad nito ay siya ring sanhi ng pag-usbong ng kaliwa’t kanang suliranin sa sektor ng mga magsasaka at produksyon ng palay at bigas sa bansa. Napaglipasan na ng panahon ang layon ng batas na proteksyunan at gawing “competitive” ang mga lokal na magsasaka sa merkado at ang hangarin na mapababa ang presyo ng bigas sa P25 hanggang P27 kada kilo ay hindi kailanman nakita ng mga konsyumer sa pamilihan dahil sa walang limitasyong dami ng mga kalakal na inaangkat sa bansa. Sa katunayan, ang P27 na NFA rice na tinatangkilik ng mga maralitang konsyumer ay hindi na muling nasilayan matapos maipatupad ang RTL. Ayon sa datos ng Bantay Bigas, mahigit 10 milyong mahihirap na pamilya ang umaasa sa bigas ng NFA, kung kaya’t napakalaking dagok ito kung paano maigagaod ng mga maralitang konsyumer ang pangaraw-araw lalo na’t kinakain ng pambili ng bigas ang malaking bahagdan ng kanilang sweldo. Base sa pinakabagong Suggested Retail Price (SRP) na inilabas ng Department of Agriculture (DA), nasa P52 kada kilo ang presyo ng imported na special rice, P43 ang premium, at P38 naman ang well-milled. Samantalang mas mataas ng piso o nasa P53 naman ang bawat kilo ng lokal na special rice, mas mataas ng dalawang piso o P45 at P40 ang lokal premium at wellmilled na bigas. Sa kasong ito mas tinatangkilik ng mga konsyumer ang imported na bigas dahil sa mas mababa nitong presyo na nagtulak upang lubos na maapektuhan ang presyo ng palay sa bansa. Sa pahayag ng Federation of Free Farmers (FFF), kasalukuyang bumaba sa P11 hanggang P13 kada kilo ang presyo ng basang palay habang nasa P14 hanggang P16 naman ang tuyong palay; lubhang mas
M
mababa kumpara sa P20 noong bago pa maipatupad ang batas. Pilit namang pinabulaanan ng DA, ang hinaing ng mga magsasaka, ito raw ay walang katotohanan at pagmamalabis lamang ng alegasyon upang maisulong ang pag-amiyenda ng mga probisyon ng RTL. Habang ang mga pesante sa bansa na walang sariling lupain ay nagdurusa sa kahinaan sa presyo ng lokal na palay, ang ilan naming mayroong kakarampot na sakahan ay namimiligrong mawalan ng lupain dahil sa pagkabaon sa utang. Ang tanging naging tugon ng DA sa mga magsasaka ay ang programang pautang din na pinaganda ngunit huwad na aplikasyon, ang Expanded Survival and Recovery Assistance for Rice Farmers o SURE Aid Program kung saan pahihiramin ng P15,000 ang mga magsasaka. Mababayaran umano ito nang walang kolateral at interes sa loob ng walong taon. Ngunit iginiit ng mga magsasaka na hindi ang pagpapapautang ang sagot sa kanilang suliranin kung hindi subsidyo o suportang pinansyal mula sa gobyerno. “Saang sasapat ‘yang P15,000 na ‘yan? Samantalang ‘yong puhunan mo lang sa pagsasaka ay dito palang sa mga input, halos P10,000 plus na,” wika ng magsasakang si Narcing Manalad sa panayam niya sa ABS-CBN. Ang sagot sana ng pamahalaan dito ay ang pangakong P10B pondo mula sa programang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na tutugon umano sa serbisyo at pangangailangan ng mga pesante sa bansa ngunit hanggang sa kasukuyan ay hindi pa rin ito maramdaman. Dagdag pa ng Bantay Bigas, tinatayang nasa P75B hanggang P80B o katumbas ng P28,000 hanggang P30,000 kada magsasaka ang nalugi sa higit isang taong pamamayagpag ng mapanlinlang na RTL; mas malaki pa ang pagkakautang na ito kumpara sa halagang kinikita ng isang magsasaka sa kanilang ani. Maski sa kasagsagan ng pandemya, lantad at nagpapatuloy pa rin ang interes ng pamahalaan na mag-angkat ng tone-toneladang bigas sa pandaigdigang merkado sa halip na palaguin at bigyang pansin ang lokal na produksyon.
Residente ng Kalye Dose, bigo pa ring makabalik sa kanilang mga tahanan; banta ng demolisyon, pinangangambahan Avriel Fernandez at Maui Ann Tentoco Associate Community Editor, News Writer
atatandaang noong ika-2 ng Nobyembre, tinupok ng apoy ang kahabaan ng Road 12, Brgy. 628 sa Sta. Mesa, Manila at maging ang bahagi ng PUP College of Communications building ay nadamay sa insidente. Mahigit-kumulang 615 pamilya ang nawalan ng tirahan at ang 200 katao sa kanila ay nagtayo na lamang ng kani-kanilang barung-barong sa gilid ng kalsada dahil hindi nabigyan ng pagkakataong pansamantalang manuluyan sa mga evacuation sites. Hindi pa man din nakararaos ang mga mamamayan mula sa nagdaang delubyo, muli silang sinubok ng panahon matapos manalasa ang Bagyong Ulysses noong ika-12 ng Nobyembre sa Luzon na lalong nagpalubha sa kanilang sitwasyon. Napagalaman ding matagal nang may banta ng demolisyon sa kanilang lugar kaya hindi rin maalis sa kanilang isipan kung ang sunog ba ay aksidente lamang o sinadya. Ayon sa mga residente, nagkaroon na ng verbal agreement sa pagitan nila at ng barangay kasama ang Local Government Unit (LGU) na magkakaroon sila ng bahagi sa lupa sa naturang lugar ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring inilalabas na papeles ang barangay at LGU bilang patunay sa kanilang napagkasunduan. Pakiramdam din ng mga residente, wala nang pakialam sa kanila ang barangay dahil ni isang
M
opisyal ay walang nagpapakita sa kanila. Samantala, karamihan sa mga batang naapektuhan ng sunog ay walang ibang nagawa kundi tumigil muna sa kani-kanilang mga klase dahil maging ang mga modules nila ay natupok ng sunog at ang mga nasa online naman, imbis na ipang-load ang natitirang pera para sa klase, ay kanila na lamang itong ilalaan sa pangkain. Tatlong linggo na matapos ang naganap na sunog kaya bilang na lamang ang mga nagpapaabot ng tulong para sa mga residente ng Kalye Dose. Ang lokal na pamahalaan naman ay hindi na tuluyan naramdaman matapos makapamahagi noong ika-5 ng Nobyembre ng tig-sampung libo kada pamilya pambili ng mga materyales pangayos sa kanilang mga tirahan at pambili ng pagkain upang unti-unting makaraos; ngunit hindi lahat ay nakatanggap ng nasabing halaga. Maging ang programa ng rehabilitasyon ay mabagal ang pag-usad kaya naman nangangamba ang mga residente dahil may mga evacuation centers na hindi na tumatanggap ng mga bakwit tulad ng Pio Del Pilar Elementary School. Dahil sa naging sitwasyon, ilan sa mga residente ang nagdesisyong umuwi na lamang sa kani-kanilang probinsya, mayroon ding naghanap ng mauupahan, at ang iba naman ay nagtatayo na lamang ng barung-barong sa kahabaan ng Kalye Dose dahil ayaw nilang mawalan ng matitirahan sa lugar.
SUNOG SA KALYE DOSE. Tinatayang 200 katao ang napinsala ng sunog na tumupok sa mga kabahayan sa Kalye Dose noong Nobyembre 2, 2020. Bukod sa sunog, ang mga residente rin ay lubusang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo sa ating bansa. Kuha ni Ericson De la Calzada
Pressing the Press: Impunity Timeline under the Duterte regime Kenneth Basilio News Writer
ven before being seated as the 16th President of the Republic of the Philippines, strongman Rodrigo Roa Duterte has already hurled expletives towards the press, and media general. In a speech a month before his proclamation, Mr. Duterte, in his controversial speech, went as far as to justify the killings of previously-fallen journalists; stating that assassinated media men were corrupt, and that the journalists deserved to be murdered. Then President-elect Duterte, once again before his proclamation as the country’s leader, lambasted the press. This time, cursing out a journalist for asking a question related to his health and well-being. In the same speech, Mr. Duterte also incorrectly named a Phillipine Daily Inquirer journalist, resulting in him venting out, criticizing, and wrongfully lambasting the wrong person. Not even a month into his presidency, the Duterte administration recorded the first case of media killing. Apolinario Suan, a local broadcastjournalist, was murdered by van-riding henchmen, firing upon his vehicle. Local police stated that his murder was work-related. In his first State of the Nation Address (SONA) as president, Duterte hurled strongman remarks against human rights’ defenders, the church, and the media for publicizing and bannering a photo of a “tokhang” victim’s wife cradling the body of her slain husband. Duterte, on October 11, 2016, mandated the creation of the Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), an agency tasked to investigate and conduct inventories against cases of harassment and killing of media men. It is headed by the justice secretary, co-chaired by Presidential Communications Operations Office secretary, with chairpersons of the Commission on Human
E
Rights (CHR), National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP), Publishers Association of the Philippines (PAP) and the Philippine Press Institute (PPI) serving as the task force’s observers and resource persons. Though, while Duterte may have spearheaded the creation of the media task force, his stance on the freedom of the press reflects otherwise. Additionally, the PTFoMS’ effectiveness as a task force remains in question. Given that the continuance of relentless attacks and killings against press members remain a common occurrence under the Duterte regime. Likewise, Duterte’s administration also recorded the closure of ABS-CBN, a media conglomerate owned by the Lopezes. Journalist and media advocacy groups highly regard the closure of the media giant to be politicallymotivated and a direct attack against the freedom of the press. Primarily, the station’s critical reportage on the War on Drugs drew the ire of Duterte, prompting the president to deny its legislative franchise, forcing the station to shut down and cease its broadcast operations. In the same vein, Rappler’s unwavering critical coverage of the War on Drugs and developments under the current administration also attracted the interest of fascist and strongman Rodrigo Duterte. This untoward attention to the media outfit made them a target of coordinated trolling, mis- and disinformation campaigns led by rabid supporters of Duterte. Like ABS-CBN, Rappler faced multiple legal charges from proxy entities of the current administration. On June 15, 2020, Ressa and company were charged with cyberlibel, a controversial ruling given how politically significant the verdict was to the
DEFEND PRESS FREEDOM. A week before the implementation of the draconian terror law, a student activist joined the mobilization on July 11, 2020 in UP Diliman to condemn the law that could be weaponized in hunting dissenters of the government. Photo by Santino Quintero freedom of the press. Since Duterte sat to power, 19 journalists had been slain with utmost impunity. Moreover, several media outfits, such as ABS-CBN, Rappler, and alternative news outlets, and journalists have been subject to attacks. Likewise, the press continues to be maimed relentlessly by trolls, paid hacks, and apparatuses of the government, muddying the people’s access to truthful and accurate information. Regardless of the attempts perpetuated
by the regime to muzzle the press; journalists are continuously standing, valiantly holding, and courageously sharpening the line of truthful, accurate, and contextual reportage. With the gripe of fascism tightening day by day, the media stands resolute in fulfilling the duty of being the government’s “fourth estate”. This is done in part by the efforts exerted by the media, dominant and alternative alike, to raise the consciousness of masses in realizing the sordid socio-political climate enveloping the nation.
Dalawang mamamahayag, napaslang sa loob ng isang buwan Mikko Ofiaza at John Robert de Castro News Writer, Associate News Editor
a loob ng isang buwan, habang umiiral pa rin ang General Community Quarantine (GCQ) sa maraming parte ng bansa, dalawang kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag ang naitala sa Pangasinan at Masbate. Patay sa pamamaril ang mamamahayag na si Virgilio “Vir” Maganes, isang kolumnista ng lokal na publikasyong Northern Watch at miyembro ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa Villasis, Pangasinan, Martes, Nobyembre 10. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, pauwi na si Maganes sa kaniyang tahanan nang tambangan ito ng hindi pa nakikilalang ridingin-tandem. Nagtamo ang biktima ng anim na tama ng bala sa kaniyang katawan at ulo na naging sanhi ng kaniyang pagkamatay. Ito na ang pangalawang beses na inatake si Maganes ng riding-in-tandem matapos makaligtas noong Nobyembre 2016 sa kaparehong insidente. Malapit sa pinangyarihan ng naunang insidente ang naiwang karatulang may nakaukit na ‘’Drug pusher, huwag pamarisan’’. Sa isa pang kaso, patay rin sa pamamaril sa isang checkpoint sa probinsya ng Masbate ang lokal na manunulat ng Dos Kantos a
S
ITIGIL ANG PAMAMASALANG. Si Virgilio Maganes, isang mamamahayag mula sa Northern Watch at radio commentator ang Ika-18 na mamamahayag na namatay sa ilalim ng rehimen ni Pangulong Duterte. Litrato mula sa Facebook ni Virgilio Maganes
ng tabloid na si Ronnie Villamor noong Nobyembre 14. Ayon sa Bulatlat, pinaghinalaan umano ng mga sundalo na miyembro si Villamor ng New People’s Army kung kaya’t pinatay ang biktima, taliwas sa pahayag ni Milagros Police Chief Major Aldrin Morales na bumunot umano ng baril si Villamor kaya siya napatay. Ngunit pinabulaanan ito ng NUJP at anila’y nagco-cover di umano si Villamor ng isang away sa lupa sa isang barangay sa munisipalidad ngunit hinarangan ng mga sundalo na nagresulta sa madugong insidente. Mariin ding kinakastigo ng NUJP ang pamamaslang na ito sa kanilang mga miyembro at nananawagan ng hustisya sa hanay ng mga mamamahayag na nasawi sa ilalim ng rehimen ni Duterte. Ang patuloy na pananakot at pamamaslang sa mga mamamahayag ay isang bigwas sa malayang pamamahayag at dapat tuldukan ang kultura ng pamamaslang at impyunidad sa bansa. Noong ika-23 ng Nobyembre naman, inalala ng mga grupo, lokal na pahayagan, at maging mga publikasyong pangkampus ang Maguindanao Massacre, tinaguriang single deadliest event for the press, na kumitil sa buhay ng 34 na mamamahayag.
Ang Paniningil ng Sambayanan
A Time of Fraught or Fight for Press Freedom?
What Goes Beyond Survival
A Strongman’s Meltdown
Another Oppressor but Less Evil
Dibuho ni Fritz Jimeno
Dibuho ni Jay Ann Comillo
Litrato mula sa The Urban Roamer
Litrato mula kina Aaron sa COC at Princess sa CTHTM
Litrato mula sa GMA News
WAKASAN ANG PAHIRAP, PABAYA, AT PASISTANG REHIMENG DUTERTE. Sa paggunita sa buwan ng mga pesante, ang mga magsasaka, kasama ang iba’t ibang sektor ng lipunan ay nagsagawa ng kilos protesta sa Mendiola upang ipanawagan ang pagpapatalsik sa diktator na si Pangulong Duterte. Kuha ni Santino Quintero
Kalburo: ang nagpapahinog sa masang umaalsa John Erbel Borreta
Associate Culture Editor
umasalamin ang kalburo sa mga krisis at sakunang naglalantad sa makasariling interes ng mga naghaharing-uri, at mga hinog na sitwasyong sinasalamin ang mga materyal na kondisyong nagluluwal ng marami pang pag-aalsa ng masang bumabalikwas. Kasabay nang pagpasok ng “Bermonths” sa bansa ay ang sunod-sunod ding pagbulusok ng mga kalamidad na lalong nagpadapa sa kabuhayan ng sambayanang Pilipino. Sa loob lamang ng isang buwan, apat na bagyo ang nanalasa sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan sa Pilipinas. Ngunit sa kabila ng mga suliranin, nariyan ang nagkakaisang mamamayan para tugunan ang kapalpakan ng administrasyon. Bakit puro pagpupugay sa katatagan ng mga Pilipino ang bukang-bibig ng administrasyon sa halip na maglatag ng komprehensibong plano at agarang tugon sa mga nasalanta?
S
Kabataan sa gitna ng sakuna Maraming pamilya ang nawalan ng tirahan, kabuhayan at mga mahal sa buhay nang humagupit ang apat na magkakasunod na Bagyong Quinta,
Rolly, Siony at Ulysses sa Timog Katagalugan, Catanduanes, Bicol, Marikina at Rizal sa loob ng isang buwan at maging ang malawakang pagbaha sa Cagayan at Isabela dulot ng pagpapakawala ng tubig sa anim na dam. Kalakip nito, kaliwa’t kanang mga relief operations ang inilunsad para tulungan ang mga naapektuhan. Tampok ang “Akap Kapwa PH” at “BLOCK ONE” facebook page, naglunsad ng magkakasunod na donation drive ang mga kabataan sa inisyatiba ng mga mag-aaral mula sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas para makatulong sa mga lugar na nasalanta. Nabuo ang organisasyong ito sa pangunguna ng mga mag-aaral mula sa BS Psychology 2-3 at mga estudyante ng BA Broadcasting 3-1. Sa ganito ipinakita ang pagkakaisa at pagmamalasakit ng bawat isa subalit hindi dapat iasa sa mga ganitong inisyatiba ang dapat na tungkuling ginagampanan ng gobyerno. #NasaanAngPangulo? Kabataan ang pagasa ng bayan Sa iba’t ibang bansa, nasaksihan ang pagtindig ng mga kabataan at
makikita ang kakayahan, enerhiya at pag iisip ng mga kabataan na makapagpapakilos at makapupukaw sa malawak na hanay ng masa. Sa Thailand, nagtungo sa lansangan ng Bangkok ang mga kabataan para wakasan ang pamumunong militar ng bansa at simulan ang bagong konstitusyon. Sa Hongkong, napanitili ang pagiging militante sa pagkakasa ng mga demonstrasyon laban sa karahasan at panunupil ng estado sa ilalim ng National Security Law. Sa bansang Belarus, Lebanon, at Nigeria ay umusbong din ang mga pagkilos na pinangunahan ng mga kabataan laban sa pananamantala at opresyon ng reaksyunaryong estado. Sa sitwasyon ng komunidad sa PUP, nariyan ang mga pangmasang organisasyon katuwang ng Tulong Kabataan Sta. Mesa na lumulubog sa mga komunidad ng PUP para mamahagi ng tulong sa mamamayang naapektuhan ng pandemya at sakuna. Bitbit ang katagang “Mula sa’yo, para sa Bayan,” pinaglilingkuran ng mga Iskolar ang interes ng mamamayang inaapi. Ang Akap Kapwa PH at ang BLOCK ONE ay ilan sa mga halimbawa ng pagtindig para sa kapwa
dahil ramdam ng mga kabataan ang pagpapabaya ng gobyerno. Organisadong paglaban ng kabataang Pilipino Ipinapakita ng mga pagkilos sa iba’t ibang bansa ang diwang palaban ng mga kabataan para sa pagbabago ng lipunang hinulma ng mga kapitalistang bayan. Pinahihinog ng mga nagdaang krisis at kalamidad ang pagkamuhi ng mamamayan sa kapabayaan at pagpapahirap ni Duterte. Wala nang iba pang dahilan para manatili sa posisyon ang pabayang rehimen.. Hinahamon tayo ng mga materyal na kondisyon, sa sinapupunan ng malakolonyal at malapyudal na lipunan, na bitbitin sa lansangan ang panawagan kasabay ng pagpupukaw at pagsandig sa masang inaapi. Ang tunay na papel ng mga kabataan ay sa pagsusulong ng makauring produksyon, pambansang industriyalisasyon at pagpapalaya sa lipunang malakolonyal at malapyudal. Mapagtatagumpayan ito kung lulubog tayo sa batayang masa at kaisahin ang iba pang sektor at uring pinagsasamantalahan.
Litrato mula sa NNARA-Youth
Dibuho nina Fritz Jimeno at Gail Kathleen Pilapil