SPECIAL ISSUE february 2019 Vol. XXXII No.1
February Special Issue
Sa opisyal na pagbubukas ng 90-day period campaign ngayong Pebrero para sa paparating na 2019 National Elections, nagsimula na rin ang iba't ibang pamamaraan ng mga kandidato sa pangangampanya upang mahuli ang kiliti ng masa.
Kaugnay nito, mahalagang ang higit na maipatampok ang mga tunay na isyung nakaaapekto sa mga mamamayan at ang mga solusyon sa lalong tumitinding krisis pangekonomya at pampolitika sa bansa kasabay ng pagsusulong sa agenda ng kabataang Pilipino. Dapat na maging pamantayan sa pagpili ng susunod na lider ng bansa ang serbisyo publikong nagtataguyod ng alternatibong pulitika ng pag-asa, pakikibaka at pagbabago kasabay ng pagsusulong ng tunay na agenda ng sambayanan para s a disenteng trabaho, nakabubuhay na sahod, maayos na serbisyong panlipunan at progresibong pag-unlad. Hindi maisasakatuparan ito kung walang marangal na track record sa masugid na pagtutulak ng karapatan ng mamamayan. Nariyan ang matibay na pagsusulong ng libreng edukasyon para sa lahat at hindi lamang para sa iilan. Kinakailangan ng kabataan ang suporta ng mga makabayang representante sa kongreso sa pagpapalakas ng boses at pagpapaabot sa pamahalaan ng mga krisis na kinahaharap ng kabataaan sa kasalukuyan. Hamon sa kabataan ang pagsusuri sa konkretong kalagayan at kasalukuyang estado ng sistema ng edukasyon. Hindi nagtatapos ang laban ng kabataan hanggang tuluyan nang naipabasura ang lahat ng bayarin at makamtan ang batayang karapatan na makapag-aral nang libre. Hindi hiwalay ang mga suliranin ng kabataan at kabataang estudyante
PULS ng
K
abataan
sa ilalim ng malubhang krisis p a n g - e k o n o m y a na patuloy na nararanasan ng mga Pilipino sa porma ng kawalang trabaho at kontraktwalisyasyon. Kinikilala ng isang progresibong kandidato ang relasyon ng kawalang pagtugon ng pamahalaan sa mga panawagan at patuloy na pagkasadlak ng mamamayan sa kahirapan. Abanteng sinusuportahan ng mga dapat na susunod na lider ng bansa ang paglaban sa korapsyon at impunidad. Napakahalaga ng tungkulin ng isang mambabatas at lingkod-tao sa pagiging kaisa sa paghahanap ng hustisya sa mga walang katarungan pagpaslang at pagsikil sa karapatan ng mga mamamayan. Habang tumataas ang presyo, tumitindi rin ang hirap ng mga Pilipino dahil sa mga antimamamayang polisiya ng rehimeng Duterte. Isa na rito ang pagpapatupad sa TRAIN Law na tanging ang dulot ay lalong pahirap sa mahihirap at
pagyaman ng mayayaman kasapakat ng mga korporasyon at ng gobyerno upang patakbuhing tila isang negosyo ang pamahalaan na dapat ay nagsisilbi sa bayan. Sa datos ng Ibon Foundation, lalong lumubog ang utang ng Pilipinas sa P1.2 trilyon simula noong Setyembre 2018. Dahil hindi na makapagpasulpot ng nararapat na pondo at trabaho ang pamahalaan upang suportahan ang mga naghihingalong industriya ng bansa, kinakasabwat nito ang mga dayuhang bansa sa pagnenegosyo at paggaganansiya sa murang lakas paggawa ng bansa. Sa lalong tumitinding krisis, mas lalong dapat maging mapanuri ang mamamayan sa mga susunod na iluluklok sa pwesto at magsusulong ng tunay na progreso para sa ating bansa. Kung babalikan ang kasaysayan, makikita na ang masa lamang ang tunay na nakalilikha ng pagbabago sa kanyang lipunan. Kinikilala na tanging sa sama-samang pagkilos maisasakatuparan ang mithi ng bawat Pilipinong lumaya mula sa pahirap ng sistemang sakal sa kontrol ng dayuhan. Dahil hindi hiwalay ang laban ng sektor ng kabataan sa iba pang sektor na nasa laylayan, mahalagang sukbit ng mga kandidato ang perspektiba at posisyon sa mga panlipunang isyung kinakaharap ng bansa. Mahalagang ang mga polisiya ay diretso sa tao at lubog sa masa kasabay ng pagkakaroon ng konkretong kaalaman at kahusayan sa tinatakbuhang larang. Walang ibang magtutulak sa interes ng mamamayan kundi ang tao mismo na siyang lumilikha ng kasaysayan, kung kaya’t ang pagpapasya ay nasa kanyang mga kamay, mula sa pagpili hanggang sa pangkaloobang hangarin na isulong ang mga lehitimong pagbabago sa larangan ng ekonomya, pulitika at kultura. Ang kabataan ang pag-asa ng bayan at tagapaglikha ng kasaysayan.