P
U
P
Catalyst
Pro-Students, Pro-Masses
The
‘‘To Write not for the People is Nothing.’’
Para sa 3 bilyong badyet ng PUP,
The Catalyst
The Official Student Publication of the Polytechnic University
of the Philippines
March as One Campaign, inilunsad VOL. XXVIII NO. 3 MARCH-MAY 2014
EDCA: Mga Sangkap
02
BALITA
ng Lason sa Mensahe sa mga Pilipino League of Nakahanda na ang lahat. Nakasabit na ang mga banderitas pati na rin ang mga bandila. Tumutugtog na ang banda at nagsimula na ang pagtatanghal sa pistang pansalubong sa amo.
Editors for a Democratic Society
04
KOMUNIDAD
Lathalain p.8
Silang nagpapanday
11
LATHALAIN
Nagrekrut na naman ng Rebelde ang Estado
08
LITERATURA
02
BALITA
VOL. XXVIII NO. 3 MARCH-MAY 2014
The Catalyst
March as One Campaign, inilunsad
International Women’s Day, idinaos sa lansangan
ABIGAEL DE LEON
DENISE FLORENDO
Para sa 3 bilyong badyet ng PUP,
Sa pagkakaisa sa panawagang P3 bilyong badyet, matagumpay na inilunsad ang March As One ng buong komunidad ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) noong Marso 12 – 14. Ang March as One ay bahagi ng tatlong araw na strike sa pangunguna ng Ugnayang Multisektoral para sa Karapatan sa Edukasyon (UMAKSYON). Bagama’t kalagitnaan ng Finals week, hindi napigilan ang mga estudyanteng lumahok sa unang araw ng Strike kung saan idinaos ang AKLAS o Alternatibong Klase sa Catwalk. Ang Cybercrime Law at Neoliberalismo ng Imperyalismong Estados Unidos ay ilan sa mga tinalakay sa nasabing teach-ins. Samantala, sinimulan ng bandwagon mula 6th Floor hanggang Popeye ang ikalawang araw ng strike.
Itinakda ring Black Shirt Day ang Marso 13 bilang simbolikong protesta sa paggunita nang unang taong anibersaryo ng pagkamatay ni Kristel Tejada. Nagsagawa rin ng noise barrage sa Popeye kung saan nagsalita ang mga representante ng mga organisasyong nakapaloob sa Sandigan ng Mag-aaral para sa Sambayanan (SAMASA) Alliance, Unyon ng mga Guro sa PUP (UGPUP) at Samahan ng mga Janitors-PUP (SJPUP). Bitbit ang panawagang March as One for P3 billion budget, nagsagawa ng bandwagon mula 6th Floor ang mga Iskolar ng Bayan sa huling araw ng strike na idineklarang Walkout at Red Shirt Day. Isang programa sa Freedom Park ang nagbigay suma sa tatlong araw na pagkilos. “Makatarungan ang ating panawagan sa ating isasagawang STRIKE, buong lakas nating ipapanawagan
at ipaglalaban ang Tatlong bilyong pondo para sa PUP. Ang 3B budget para sa PUP ay nararapat upang matustusan ang pangangailangan ng mga estudyante, guro, kawani at iba pa. Tanging sa sama-samang pagkilos lamang makakamit ng mga Iskolar ng Bayan ang panawagan para sa mas mataas na badyet sa edukasyon. Umpisa lamang ito nang ating mga pagkilos at asahan pang dadaluyong ang mga isko mula sa PUP upang ipaglaban ang karapatan sa edukasyon at kundenahin ang pagaabanduna ng gubyernong Aquino sa sektor ng kabataan,” pahayag ni Jessica Ferrera, Bise-Presidente ng Sentral na Konseho ng Mag-aaral (SKM). Bilang pormal na pagtatapos ng kilos protesta, nagmartsa patungong Mendiola ang mga Iskolar ng Bayan kasama ang iba’t ibang unibersidad at sektor ng mga guro.
UGNAYAN 2014, matagumpay na idinaos SHIENA MAE VILLAS “Aklas!” Ito ang tema ng Ugnayan 2014: PUP Systemwide Convention and Congress na matagumpay na ginanap sa Manila Room, Hasmin Building Main Campus noong Marso 29-April 4. Dinaluhan ito ng mga publikasyon mula sa iba’tibang campus ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa ilalim ng Alyansa ng Kabataang MamamahayagPUP (AKM-PUP). Sa unang araw, tinalakay ang kasaysayan ng pagkakatatag ng AKMPUP. Nagkaroon naman ng dalawang araw na Journalism Skills Training at Workshop upang paunlarin ang kakayahan at talento ng mga
delegado. Bilang bahagi ng programa, nagpunta at nakisalamuha sa piketlayn ng mga manggagawa ng Pentagon Steel Company ang mga mamamahayag pangkampus. Isinagawa ang konsultasyon ng AKMPUP sa huling araw kung saan nagbahagi ang mga publikasyon ng kanilang dinaranas na represyon. Ilan lamang sa mga naitala ay ang hindi nakukuhang pondo na naging dahilan ng delayed at hindi paglalabas ng dyaryo at pagpapasara o pagpapalit ng patnugutan na aayon sa administrasyon. Upang pagtibayin ang Alyansa ng mga publikasyon, naghalal ng mga opisyal ng Executive Committee na kinabibilangan nila
Abigael De Leon ng The Catalyst (Chairperson), French Kim Bernales ng The Communicator (Vice Chairperson, Internal), General Butley Oganiza ng The Paradigm (Vice Chairperson, External), Shiena Mae Villas ng The Catalyst (SecretaryGeneral), Ma. Rosario Argote ng The Freehand (Education and Research Officer) at Mark Anthony Deogracias ng The Paradigm (Finance Officer). Tinapos ang Ugnayan 2014: Aklas! sa pagbubuo ng mga resolusyon upang itaguyod ang malayang pamamahayag, tutulan ang mga represyon at patibayin ang Alyansa ng mga publikasyon sa PUP System. Ang AKM-PUP ang pinakamalawak at opisyal na Pederasyon ng mga publikasyon sa PUP System.
Sa patuloy na pagbangon at paglaban ng kababaihan para sa kanilang karapatan, muling ginunita ang International Women’s Day sa lansangan na pinangunahan ng Gabriela Women’s Party noong Marso 8, 2014. Tinatayang 12,000 mula sa iba’t-ibang sektor ang dumalo sa naturang pagkilos upang ipagdiwang ang ika-103 anibersaryo nito. Nagsagawa ng martsa mula Liwasang Bonifacio patungong Mendiola na bitbit ang panawagang wakasan ang karahasan at pang-aabuso
bilang pagtatapos sa kilosprotesta. Bahagi din ng pagkilos ang pagkundena ng mga biktima ng Bagyong Yolanda sa “criminal negligence” ng administrasyong Aquino. Nagpahayag din ng disgusto at galit ang sektor ng kababaihan sa programa ng nasabing aksyon. “The lives of women, especially those from the marginalized sectors have worsened rather than improved belying the Aquino’s government claim of exclusive growth,”pagdidiin ni Joms Salvador, Tagapagsalita ng Gabriela.
Dahil sa panggigipit ng administrasyon ng EARIST,
Defend EARIST Technozette, ikinasa VICTOR VAN ERNEST VILLENA
Dumagsa ang mga mamamahayag pangkampus sa harap ng Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) noong May 13 upang tutulan ang tangkang pagbuwag sa EARIST Technozette, ang opisyal na pahayagang pangmag-aaral ng nasabing pamantasan. Ang College Editors Guild of the Philippines, pinakamalawak na alyansa ng mga publikasyon sa bansa, ay nagpahayag ng pagkundena sa aksyon ng administrasyon ng EARIST. Ito umano ay tahasang panggigipit at represyon sa naturang publikasyon sa pamamagitan ng tahasang pagpapatigil ng
operasyon nito. “Defend Earist Technozette! Mananatili itong panawagan ng publikasyon ng EARIST dahil ang publikasyon ay boses ng mga estudyante. Sa ginawa ng administrasyon ng EARIST, sinisikil na rin nila ang boses ng mga estudyante at inaalisan sila ng karapatang maka-alam at magpahayag,” paggigiit ni Charina Claustro, CEGP-NCR Chairperson. Matapos ang pagkilos ng mga estudyante kasabay ng dayalogo sa pagitan ng patnugutan at ng administrasyon ng EARIST, matagumpay na natutulan ang pagbuwag sa EARIST Technozette. Sa kasalukuyan, tuloy pa rin ang operasyon ng nasabing publikasyon.
PARA KANINO? Napagtibay ang dahilan ng pamamahayag ng kasapian ng AKM-PUP sa kanilang integrasyon sa mga manggagawa ng Pentagon na isang taon nang naka-piket upang ipaglaban ang karapatan sa paggawa
BALITA
The Catalyst
Upang itaguyod ang kalayaan sa pamamahayag,
NSPC 2014 at 37th Biennial Congress, ginanap VICTOR VAN ERNEST HUGO
Sa pangunguna ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP), matagumpay na ginanap ang ika-74th National Student Press Conference at ika-37th Biennial Congress na may temang Dasig Manunuwat: Uniting Campus Journalists for Genuine Press Freedom noong Mayo 19-23, 2014 sa Brgy. Catalunan Grande, Davao City. Layunin ng naturang convention na bigkisin ang mga publikasyong pangkampus sa buong bansa para sa pagsususulong ng Campus Press Freedom. Tampok na bahagi ng
NSPC ay ang pagtatanghal ng mga kabataang Manobo sa unang araw. Sa Basic Masses Integration na isinagawa sa ikalawang araw, nagtungo at nakipamuhay ang mga manunulat pangkampus sa iba’t ibang komunidad sa Davao .Sa ikatlo at ika-apat na araw naman inlunsad ang Journalism Skills Trainings at Socio-Political Discussion na aktibong nilahukan ng mga delegado. Ipinamalas rin ng mga mamamahayag pangkampus ang kanilang talento sa pagsayaw,pag-awit at pag-arte sa isang Cultural Night. Bahagi na rin ng taunang convention ang pag-alam sa kalagayan ng mga publikasyon
kung kaya’t isinagawa ang caucus upang talakayin ang mga represyon at iba pang isyung kanilang kinakaharap. Nagkaroon rin ng resolution building at kaisahan ang mga publikasyon upang patuloy naisulong ang kalayaan sa pamamahayag. Sa pagtatapos ng NSPC 2014,isinagawa ang eleksyon ng mga bagong opisal ng CEGP na sina: Marc Lino Abila (National President), Ian Harvey Claros (ExecutiveVice President); Athena Gardon (Nat’l Secretary General); Jian Carlo Gomez (Deputy Secretary); Claudine Buenaagua(VP Luzon);Franel Mae (VP Visayas); Rocha Mae Bihag (VP Mindanao).
Pagbisita ni US President Obama, sinalubong ng protesta ABIGAEL DE LEON Bilang pagtutol sa ibayong interbensyong US sa bansa, sinalubong ng protesta ng mga progresibong organisasyon sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) ang pagbisita ni US President Barrack Obama noong Abril 28 – 29. Sa pahayag ng BAYAN, bahagi diumano ito ng kanyang pag-iikot sa Silangang Asya upang itulak ang interes ng US sa usapin ng ekonomiya, pulitika at militar sa pamamagitan ng mga ‘di pantay na kasunduan. Tulad ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na umano’y minadaling pirmahan ni
Benigno “Noynoy” Aquino at ang Trans-Pacific Partnership Agreement (TPPA). Sa ilalim ng EDCA, magkakaroon ng mga permanenteng base ang mga sundalong Amerikano at papayagan ang pagkakaroon ng mga pasilidad at pag-iimbak ng kagamitang pandigma sa bansa. Magiging lunsaran ng digmaang agresyon at operasyong militar ng US ang Pilipinas sa pagsusuma ng BAYAN. Ang TPPA naman ang pagbubukas sa ekonomiya ng bansa para sa pagpasok ng produkto at kapital ng US. Kaugnay din nito ang panukalang Charter Change na umano’y magiging daan sa 100% ownership ng mga dayuhang kumpanya sa likas-
yaman ng bansa. “Kung wala tayong pakinabang sa armadong panghihimasok ng US, lalong wala tayong pakinabang sa pandarambong ng kanilang mga dambuhalang korporasyon. Walang pakinabang ang taumbayan sa pagdalaw ni Obama at pagmamanikluhod ni Aquino. Lalo lamang hihigpit ang imperyalistang tanikala ng US sa Pilipinas,” pagpapaliwanag ng BAYAN. Sa kabila ng marahas na dispersal ng mga pulis sa unang araw, matagumpay na nakapagmartsa mula Liwasang Bonifacio hanggang Mendiola ang mga nakiisa sa naturang protesta sa pagtatapos ng dalawang araw na pagkilos.
ESPASYO
Ikaw na ang pupuno sa kakulangang ito. Ikaw na. Pramis. Ikaw na ang hinahanap ng The Catalyst! Dala ka lang ng Registration Card o kopya ng schedule at “1 x 1” ID picture. Takits sa opisina ng TC sa Rm. 206,2nd Floor Charlie Del Rosario Building.
03
VOL. XXVIII NO. 3 MARCH-MAY 2014
04
OPINYON
VOL. XXVIII NO. 3 MARCH-MAY 2014
The Catalyst
Black and White Abigael de Leon
Perspective Almost two years have passed since I joined the student publication. The time frame of my existence in the university that seemed so fast-tracked yet, reminiscing the days, many have already happened. I got free lessons that I would never learn from a four-sided class room even if the best professor is teaching me. Education is not sinking in the academe, I guess. I’ve been chased by a police, slept outside the Supreme Court, almost dropped out of class and even intoxicated by tear gas. Being a campus journalist is like driving the whole world insanely – writing for the sole purpose of changing the system. And in order to write, you must experience your topic yourself. The recent Agham Road Demolition was the last time I covered an event, or perhaps a riot. We arrived in the morning and waited for things to happen. The residents there were already geared and vigilant. At first, i took clear and calm shots of persons speaking in the program. Just by looking in their faces, one could really say that they are the urban poor; they are the most deprived of the right to decent living.
Around 9 am, the first wave of the police and SWAT Team bashed the area. I was lucky that I wasn’t there. I didn’t have to wet a face towel with tooth paste for the effects of tear gas.
In our present economic and political situation, what the youth needs is not a graduation or a mere diploma. Our time demands for something on the context of revolution – that is uprising. It’s already high noon when both sides stayed still. A media conference was held at the area. I learned that the demolition that day was illegal – no court order was issued. What the police have is an expired notice. The community along the road is more willing to defend their
Walang Pangalan Stella Marie Maragay Mayo Uno, araw ng mga manggagawa. ‘Double pay,’ naibulong ko sa sarili ko. May pasok ako noon, at nagpapasalamat pa ako sa scheduling manager namin at may pasok ako. Kagaya nang iba kong mga katrabaho, iyon ang isa sa mga inaabangan namin. Mga araw na pista opisyal—kung kailan double pay! Mayroong pagkilos noon. Sinubukan kong makahabol—ngunit hindi na ako nakahabol. At nanghihinayang ako. Isang araw ng pagkilos na laan sa mga manggagawa sa buong mundo. Mga manggagawa na bihirang magawaran ng karapat-dapat na sa kanila. Kagaya ng walong oras na pagtatrabaho lamang sana sa isang araw, at ang wastong pasahod na katumbas nito, na napakababa pa kung tutuusin, kumpara sa napakataas na halaga na ng mga bilihin ngayon. Minsan, naiiisip ko kung bakit nga ba ginusto ko na magtrabaho na kahit pa nagaaral pa ako. Marami akong katulad dito sa Sintang Paaralan. Silang mga working student din kagaya ko. Mga tingin ko ay hindi naman na gugustuhin pang magtrabaho pa kung hindi lang dahil sa komersyalisado ang edukasyon. Masuwerte nga ba tayong mga Isko at Iska at tinatamasa natin ang P12/yunit na tuition dito? Kung tutuusin, karapatan ang makapagaral. Lagi at lagi ay mapapansing ito ang iginigiit ko. Kung may sapat na badyet lang sana ang pamahalaan para sa edukasyon, disin sana’y walang kabataan sa mga pagawaan, kabukiran at kung saan-saan pa kung saan sila madalas mamamataan. Ibinebenta ang sarili at lakas sa napakamurang halaga. May mga pagkakataon na huli na akong dumarating sa klase dala ng panggabi
homes. But the government allowed the big businessman Ayala to buy the land as part of the aspired Quezon City Business District (QCBD). No wonder why the residents no longer believe on Noynoy Aquino. I was setting the camera when suddenly stones rained down. Thanks to a fellow media men for taking me under the roof. Then everything happened so fast. So fast that even I could not believe what’s going on. The SWAT Team is agile and they moved rapidly to clear the area. At their command, the police advanced and the demolition team started destroying the houses. Residents at the barricade were forcefully pushed. They were thrown tear gas. I was standing there. At that moment, I realized one thing. The perspective of a journalist is different from them who are fighting. At my resolve, I decided to follow and stay at the side of the residents. It’s like watching a war game. And the people are over killed not only in number but also in weapons. What could a stone and bottle do to tear gas and bullets? I can’t accept the fact that I’m just watching. I witnessed the police brutality
in arresting illegally. They are just playing mini-maini-mo and whoever is selected gets a free punch and smash. At that very moment, I concluded that in every experience, you will soon get tired of being a journalist; because it is not enough to write and report people’s issues. Social change demands greater costs but secures greater future more than what is offered to graduates. In a protest action, the view from the camera lens is different from the eyes of the protester. Same thing goes with the passer by. Only a portion of the bigger picture is seen. By being one with them, by marching with the red flags and placards, and by shouting the genuine calls of the people, you could get a gist of everything – the why and how of the very existence of activists and leftists. In our present economic and political situation, what the youth needs is not a graduation or a mere diploma. Our time demands for something on the context of revolution – that is uprising. To draw the line between the ruling and oppressed class is like putting yourself at the core of the society. There are only two perspectives, the view of the observers and the view of the builders of change.
Double Pay hanggang pangmadaling-araw kong pasok (para sana mas malaki ang sasahurin ko), ngunit may mga kaguruan pang hindi ito maunawaan, at nagagalit ng wala na sa lugar. Ayaw ko na kasing umasa pa sa mahal kong ina. Alam ko naman na may hangganan ang lahat. Maging ang pambubusabos ng mga halimaw. Masarap sa pakiramdam kapag nakakapagaral ka, nakakapagtrabaho at nakakapagsulat— lahat nang sabay-sabay. Ngunit sa palagay ko, mas masarap sa pakiramdam ang magkaroon tayo ng edukasyon bilang karapatan, at hindi pribilehiyo. ‘Yung hindi ka na hihingi pa sa mga magulang mo ng pang-tuition na minsan ay pinapatungan pa (panggala ba?). Mga libro na ibinebenta, ay katanggaptanggap sana, kung alam mong may matutunan kang talaga at mabubuklat mo kasabay nang sa iyong guro. Ngunit, hindi ganito ang nagaganap. Bumibili ka na lamang ng aklat, kapalit ng ilang puntos sa quiz, o kung anupamang kapalit ng pagbili ng naturang aklat. Minsan naman, tiket ang ibinebenta, o kaya’y produkto ng isang direct-selling company. Marahil, hindi rin naman makatuwirang husgahan agad ang ating mga propesor sa kanilang mga pamamaraan upang magkaroon ng dagdag-kita. Napakababa ng kanilang sinasahod, partikular na ang mga part-time na guro. Kumikita lamang sila ng humigitkumulang P150 kada tatlong oras na klase, kung kaya ganoon na lamang kasakit sa bulsa ng mga kagaya natin ang kanilang pamamaraan upang madagdagan ang maiuuwi sa kanikanilang mga pamilya. Mapapansing hindi naman talaga kasalanan ninuman sa atin kung bakit tayo nagtitiis sa
napakahirap nating kalagayan. Kasalanan ito ng sistemang umiiral sa ating lipunan. Marahil, hindi mo ako mauunawaan sa ngayon. Kagaya
Kung nailalaan lang sana ng pamahalaan ang tamang badyet para sa edukasyon, edi sana’y walang kabataan sa mga pagawaan, kabukiran at kung saansaan pa kung saan sila madalas mamamataan. Ibinebenta ang sarili at lakas sa napakamurang halaga. nang hindi ko maunawaan ang mga bagaybagay noon. Ngunit, ngayon na paunti-unti kong pinag-aaralan at pinag-iisipang mabuti ang mga ito, lalo akong nangangalit. Oo, nangangalit ako sa kasalukuyan nating lipunan. Sa lipunang binubulok ng malakolonyal at malapyudal. Maraming beses na na sinubukan kong
ipaliwanag ito sa mga kamag-aral, kaibigan, katrabaho, at maging sa pamilya ko, ngunit aywan ko ba, kung bakit tila nagbubulagbulagan, nagbibingi-bingihan at ang masama pa sa lahat, ay pinili na lamang na itikom ang mga bibig at magsawalang-bahala na nang tuluyan. Ano, ganito na lamang tayo? Kuntento ka na sa kasalukuyan mong kalagayan? Malamang ay may sasagot ng ‘oo, kuntento na ako.’ O, siya, sige. Kuntento na, hihingi na lamang naman kasi ng panggastos kina mommy at daddy, para sa mga katulad kong mga mag-aaral na nakakulong sa apat na sulok ng silid-aralang bagong pintura naman lagi taun-taon; at para naman sa mga manggagawa na, kuntento na na pagdating ng araw ng sahod ay ipambabayad na lamang din ito sa utang, kulang pa. ‘Ika nga, dumaan lang ang perang pinaghihirapan upang bilangin. Mamaya, papasok akong muli sa pinapasukan kong restawran. At doon, ay titiisin muli ang sakit ng binti, bunga ng pagtayo ng mahabang oras, para lamang kumita ng kaunting halaga upang matustusan ang mga pansariling pangangailangan. Mamaya, mamaya, mamaya, ay magiging manggagawa na akong muli. Ngayon kasi, ay isang nangangarap maging mamamahayag ng katotohanan sa hinaharap na sinisimulan na ngayon. Paalam muna, mahuhuli na ako sa pasok, e. Sa susunod muli, mga kapwa ko Isko, Iska, at mga kapwa ko manggagawa! Tiyaga lang? Sige lang. Hanggang sa isang araw ay naisin mo na lamang din na magtungo sa kagubatan.
05
KULTURA
The Catalyst
VOL. XXVIII NO. 3 MARCH-MAY 2014
TED PYLON’S KUMEMBOT EXPOSE
Half-man, half-marble from Romblon
SUMMER CUT EDITION Hindi makontrol ni Ted ang init na nararamdaman. Parang alam na niya ang pakiramdam ng tinapay sa loob ng pugon. So hot!!!! Hindi naman siya kandila para malusaw ngunit nararamdaman niyang konti na lang at bibigay na siya. “Ang init.. sobrang init. Huwaaaaaaaahhh! O inang kalikasan! Ano ba ang ginawa kong mali? Bakit mo pinaparamdam ang impyerno ngayon? I’m still alive and kicking! Pero bakit ang init?” Tumingala si Ted gamit ang buong lakas niya para i-bend ang kanyang matigas na likod. Sa sobrang effort, nagka-crack na ito at pira-pirasong nalalaglag. Sa sobrang sakit at pangamba na baka unti-unting mabasag ang kanyang likuran, nag mala-oblation ng UP ang pose ni Ted. At sabay sigaw ng.. “Aaaang saaaaaaaaaakkkkkkkiiiiiiiiiiiiiiiitttttttttt ng liiiiiiiiiiiiiikoooooodd koooooooooo!” Nag-panic ang buong komunidad ng PUP sa narinig na sigaw. Akala nila nadapa na ang pinakatanjuber na kung sino man. Yun pala si Ted. Si Ted. Si Ted nga. *Loading… EEMERGAAAAAAAAAHD!!!! SI TED!!!!! So ayun aligagang-aligaga ang lahat ng Iskolar ng Bayan, kawani, guro at empleyado na bahagi ng fans club ni Ted. Kahit ‘yung mga sobrang fresh at cute pang nag-e-enroll ay na-i-i-stress din. Dali-daling binuhat ng mga ermingard si Ted para mabigyan na ng paunang lunas sa Clinic. Pero wait, naalala nilang hindi nito kakayanin ang laki ni Ted. At hindi rin nila madadaanan ang Catwalk o anumang walk yan dahil sa sobrang daming nag-wowalk ng papeles at first year enrollment. Kaya lalong uminit ang kapaligiran dahil sa dami ng bibig, paa, kamay, balikat at tenga na sabay-sabay nagpapanic kay Ted, namumrublema ng pantuition at nag-e-emo dahil bumagsak sa PUPCET ang crushes nila. Mukhang konti na lang mahi-heat stroke na si Ted. Nangingintab na ang marmol niyang mukha at
tila ang bawat molecule ng mantika at pawis niya ay nagsusumigaw ng “ANG INIT NA TALAGA! SUPER !” Hinang-hina na siya. Ngunit biglang.. *shing* Owmaygahd! Tinatawag si Ted ng Inang Kalikasan . Hindi banyo o puting background ang nakita niya kundi isang magandang dilag sa paningin niya dala ng init na nararamdaman. Agad siyang lumapit, dumikit, ngumiti at nagpakyut dito para lang maenjoy ang airconed room ng dilag. “Para masolusyunan ang iyong nararamdaman, kailangan mo lang magbawas!” “As in, jejebs na ako ngayon?” “Hindi!!!!! Magbawas ng buhok!” “Oh no! why o why? Mas maganda ng mamamatay nang naiinitan kaysa may bawas ang tatlo kong noo!” Sobrang gulat na gulat si Ted. Ibang solusyon pala ang hatid ni Madir Nature. Kaya naman napa-center of attraction si Ted. “Babawasan mo ang malapad kong tatlong noo? Bakit? At bakit!! Now tell me? Gusto mong bawasan ang buhok ko para less shampoo? Ayoko rin namang mag-Rejoice e! I’m a Dove girl, tapos gusto mong bawasan yung noo ko?” “Summer cut na ang uso ngayon!” “Summer cut? Ha! Every day I felt like dying.. and every day I wish I did! Kung ipagpapalit ko ang long shiny hair ko, isang bagay lang ang mawawala sa akin.. trust.. trust ng mga iskolar ng bayan na ang noo ko ang sumusimbolo sa sintang paaralan.. na ipaglalaban ko sila hanggang sa dulo nang walang hanggan!” “Edi hindi ka malalamigan!” “Ok lang. Mahilig ka sa summer cut dahil alam mong madaming nag-eenroll sa panahong ito! Ay hindi lang pala cuts, pati add-ons pinapatulan mo na para lang dumami ang customer ng Private Parlor School ng Amo mo! Para lang makapag-ipon ka ng pera para sa padrino mong foreigner na taga-Estados Unidos!” “Lumaklak ka ng realidad! Alam mong naaadik ka
na naman sa pag-asa!” “Pagasa? Pag-asa?! Naniniwala ako. Hindi umaasa. Alam kong hindi papayagan ng mga isko’t iska ang pagsasummer cut ko! Dahil alam nilang kyut at shiny,silky straight na ang marmol kong buhok! At hindi solusyon ang pagbabawas, dapat nga dagdagan e para mores ang pambili ng electric fan, air con at kahit samalamig!” Hindi na lang nag-iinit si Ted. Ngayon ay sobrang nag-aapoy na siya sa pagka-imbyerna kay Inang Kalikasan. At napansin niyang hindi pala ito isang dilag. Siya ay may edad na, nakasalamin at may puti na ang buhok. May kasama rin siyang nakasalamin na walang buhok sa tuktok ng ulo na nakadilaw. Aaah.. alam na. Sa imbyerna ni Ted, nagwalk-out siya sabay talikod with matching talsik ng pawis sa paligid-ligid. At taas noo niyang pinagsigawan, “Malagkit man ako, mahal pa rin ako ng mga Iskolar ng Bayan dahil mainit man, tuloy pa rin ang laban!” Like us on Facebook: facebook.com/TedPylon facebook.com/pupthecatalyst Follow us on Twitter: @ted_pylonofficial
Mula sa Pixel Offensive
The Catalyst
VOL. XXVIII NO. 3 MARCH-MAY 2014
: A EDC
“
Wala tayong maaasahan sa pinuno ng bayang patuloy tayong isinasadlak sa pagkaalipin at pagkamatay.
a k g n a S a Mg
simula g banda at nag an a n g to g mutu Barrack ng among si ga bandila. Tu ya m n g ka an sa n ri a a ar n p i anderitas pat i ni BS Aquino na ang mga b e, na minadal h it ta ab u p as a ak n N . ap ar a ang lahat g pinakamas Nakahanda n inihain na an at p ng EDCA: an ka g ay n sa am n g ki an g ag in al al d ah iDal akamah gl tahan ng pin os Unidos an Narito ang lis han ng Estad u ta n a tio g m ca g Lo n ed awa oryo nasabing Agre as upang mag si a in g p ili m ro P th g sa Lupa at Terit n r es o ta in ili ry g gawaing m of the Philipp g lupa at terito ma at iba pan Government ni Noynoy an ig e d ay th an y ig p b ib n in ed ib ita d g vi gam Buong puson s that are pro an ng mga ka of aircraft; b ilities and area awing imbak ac g “f g s, an n p u tio es; refueling iti sa ca iv Lo ac ed d ng ban re te g la A re d n sa Art.III p isyon ng sit; support an iel;”, sang-ayo er . an t” at tr Ayon sa depin ; m en g d in em an in re ra es sa “t hit anong pa forc uant to this ag g magagamit iel; deploying gamitin ang ka er g an n at ay ila m al n and use purs d i m ar an ay aa s, M plie ar na ito ang Pilipinas. uipment, sup a ito. Ang mga lug r ng Amerika tioning of eq ta si ak nila sa mg ili o g m p la inagsilbihan e re ila p as g b s; n a n g ita io m at am g ic g n n na galak na p u n ka o m a ak g sy al m G en com . g st p o an ek g ak in sisilbin eksyun g mga manan Kumbaga, mag itatakda nilang base at insp s na bukas an ka u b g n a g so m ra b sa ng dalawang na pumasok a, sinalubong Sa ibang salit digma. gamitang pan ka a g m g n i mga teritoryo g bahag tektahan’ ang g mga tauhan ro Militar an ‘p at ay n ito ta u g Pilipinas sa palib duan mibot-libot sa naglalayong kap ng kasun lu a g a n n n t sa o a g iv ik P er an ic ag g am ng Pilipinas ahal Strate tar ng ng mga batas Isa sa pinakam ivot to Asia o p g ito ang mili P o an S ak u U d as n sa as su A m C i ka issible und g ED Hind ya ng e extent perm ating bayan. Kalangkap an th g binibigyang la n , to o n d ik la an n ip , ri as sa ith -p g maaalala g ka ce w g asya nduang ito an tala. Kung atin rs in accordan su an te pangdigma an ka at am g m n an ch in an d p su g t a ou lan laban sa mg rs may carry Isinasaalang-a g militar. g mamamayan es contracto n at n St yo d ks ite te a Amerikanon n g U ro p m g g n an a al sy w n intent that ka bilyan sa prese lugan ito ng Nangangahu atay sa mga si p ag p at al w ng seks pang-aabuso nomiya. a iy saganang eko m g o an n – Agreem o a k E am b t c Partnership ifi Barrack O ac si P Yaman a g s n o an Tr am a g tan iya n ga dayu egosyo ng m i ni Imperyalis pangekonom g en ag n an ah u ag b d p g n a n n su to ri ka ag a apabo ikal. itan ng maluw as malawak n Ito ang pinak sa pamamag iya at geopolit lamang ng m i m an o ag u n d gamita ah n ko b su -e ay g ka A an g ahagi n syang p iko ng mga ka Ang EDC b ip an g as n an g sa -p g ya an n b as ya a g kan uon agamitin an sa mg masiguro ang ibutan ang b ng bansa at g al g p an pamumuhun an s p m o u p ya a ta g ik n ka er ag as ng Am ic Pivot na p akasasa sa lik pangseguridad ito ng Strateg yang magpap si ay w n g ili u g g ka n a o n u B Mahipit sa loob nito. g mga bansa e ekonomiya n na ito. harter Chang C : p pampasarap a g k an g l n o a ab S ih ng mga da aling Sikretong mga negosyo ito. Minamad g g n in yo tu ta lu ta sa ag p at mang ng ka pleto pagkakaroon papaigting la ning o kukum ag o sa p n as a n se yo g ks aw ri an st in al re g Kumbaga, ito unan. Ito ay m e na alisin an g mamumuh harter Chang C an h g u n ay in d n g yu in La a malalak ansya ng mg pa rin sa gan ynoy. Th s a in tuta na si No ip g il n P to ri a o s ab n p g a ang kanyan EDCA: Laso han ni Obam ta n u in ibigay n p g lin busang pagb r last. Hu lu fo t ay A es b C e ED th g n Ika nga, Save ynoy kay Obam nduang ito. A unuran ni No pinas sa kasu angulo nito. -s p ili d P g u n g n g pa ra su an u a g n u in sy -s ig sunud kinailangan an ang pag ang ganan ar ito al n w ag a n -s at i d ad ig g in an h sa p g sa Maka-isang CA kung kaya ang EDCA ng saalang-alan ement” ang ED walang pagsa a nito. Patunay g re sy ag an an n e an ta tiv g is a b cu n labis a “exe ng importante , itinuturing n nito. galo sa kanya re g Sa katunayan n ila b mamamayan ito sa g at an u an d ay n b su sa ka pagpirma sa n na papatay ang itoay laso u d n su ka g n A kamatay. n kaalipin at pag o s ag p la sa g k n la a ad inas ayanan sa Itapon uloy tayong is ala ang samb at p tiw g ag an m i ay d b in g gh on lahan nila ahan sa pinun ng bayan upan agsasamanta as a in p aa am g m g g an n an ab g yo h n os Wala ta uta ng tinuri amayan. Estados Unid g pagpapakat ayanan at mam eryalismong b p m im sa g n sa a ay sy sagad-sagarin at an m is-labis na gan kumalat at pu pon bago pa lamang sa lab ita a ay ito a n mga tunay n lason anya. Bilang nararapat sa er b so g in at g astanganin an ahayaang lap an. in h an ay in b at m n sa at para sa indi dap an ab m lu at Kailanma’y h indigan y tayong man bayan, patulo
”
LITERARY
The Catalyst
o n i p i l i P a g m a s n o s a L g n p a
, 2014. o. noong Abril 28 lubong sa am t sa en an p em g re n g A ta n pis tatanghal sa se Cooperatio a na ang pag hanced Defen En g n o ad m g pir k Obama, an n sa interes anais sang-ayo
ng paggamit
an ang libre apagkasundu
asama sa n
ng Amerika. K
reed, shall as mutually ag
“
sa teritoryo t to access
have the righ
ng nin lahat ng kanila ; , and others of personnel S Contractors ). U .3 , ar es p rc III fo . rt comodation es A ac at ns( St ry d ra o ite p n m U and that d aircraft; te ough the AFP les, vessels, an ic h ve f ng karapatan o ce ang wala tayo maintenan ab h ry n ra ai o p aw m g te a vessels; ang-militar n bunkering of ran ng mga p sa n lu ag p g . A an par. 1 ng EDC agustuhan up na kanilang m as in p ili P g n arte ritoryo. ari sa ating te h g n ta as -a g mag g mga bisitan ni Noynoy an itan ndalo at kagam su a g m g n n iyang palibuta on. Sa estrateh ta g n are an u p m sa loob ng “The Parties sh . sa .5 en ar o im P ik h ip .IV re as rt g A n -p n asya g nakasaad sa inahihintuluta kinin ng US sa akabahala an resence na p ak p N al . o na nais ang n o usyon o tio an ik ta er ro pang Am ukha ng protit o increased m tr sa g sa n n an yo yo h -a ta ai g an bab s na ita . lar sa mga ka reed location and policies.” antao partiku s, p n g s ang mga ag tio an la at u p g ra re ka ates laws, g-aabuso sa der, United St bilang ng pan g in ak al m g a, naitatala an
yong ent na naglala em re ag e d ra isang free-t totohanan ay Ang TPPA ay ipiko. Ang ka as p asy A ment (TPPA). sa ng mga bansa uhan sa loob peryalistang aghari ang im ap ak ak m g maluwag nan an pandigma, res. kanyang inte n ito para sa
syon ay o ng Konstitu ag ab b ag p g wid, an sa. Samakatu listang US. ayuhan sa ban iya ng imperya m o n ko -e g an p s apit sa intere
Bilang mga tunay na Pilipino na may maalab na pag-ibig sa bayan, patuloy tayong manindigan at lumaban para sa sambayanan. VOL. XXVIII NO. 3 MARCH-MAY 2014
”
kalan at ano ang kala pataasin dium sg ito ng kilo bahagi laman kapangyarihan
sa
para
man at sa i ng likas na ya am d sa il ah d as ansang Pilipin he best ang b para sa labisay sa Amerika al g an is g n bila ng ating bayan g i ni Noynoy an ma. ado. Minadal n se g n n yo ag-sang-a sambayanan. kapakanan ng
ahala at sasawalang-b ag p g an a n a para . Sapat ay malinaw n A C ED g n A . ito. Ang a kanya amamayan n m at as in p Ili ang P pag-ibig sa ay maalab na m a n o in p ili P
Artikulo nina: Denise Ann Florendo Aprille Joy Atadero Dibuho ni: Cristian Henry Diche Sources: official gazette ibon.org, lfs.com
08
LITERATURA
VOL. XXVIII NO. 3 MARCH-MAY 2014
Kadete
RICEniSMUGGLING Daniel Dumahog Kalahating kilong bigas ang pagkakasyahin, para sa isang buong maghapon.
ng basura't nagbabakasakaling makabingwit ng pagpag. Kahit na panis. Kahit pa inaamag.
Sa kalderong mauling, kakainin kahit na ang tutong. Gamit ang marungis na kamay na pansubo sa bibig, sisimutin ang pinggan hanggang sa ito ay masaid. Nang isang pamilyang sa pagkain ay uhaw, mapagtyatyagaan na maski ang kaning bahaw. Na kapag walang laman ang hapag ay mangangalkal
Silang ang bawat butil ng bigas ay tinuturing nilang ginto, mula sa mga magsasakang pangdilig sa lupa ay dugo. At sino kayong mga gahamang kontrabandista na nagpupuslit ng bigas? Hindi niyo ba alam na napakaraming nagugutom sa Pilipinas?
Nagrekrut na naman ng Rebelde ang Estado ni JessicaFerrera
Dalawang hanay na Pinagsasabong ng bulok na lipunan Ang isang hanay ay armado Ng mahahabang baril at kamagong Armado ng utos ng hari at Ng pahintulot na manakit at pumatay Dahil kailangang palayasin ang taongbayan Hawanin ang daan Dahil mangangapital ang mga dayuhan Ang armas ng kabilang hanay ay Inipong mga bato Plakard na sumisigaw ng panawagan At mga hiyaw na hinugot mula Sa puyos na damdaming Binalot ng paghihimagsik Totoo pala ang labanan ni David at Goliath. Ngunit wala ngayong mahiwagang kapangyarihan Na nagtanggol kay David kaya Nakapanaig sa mga bato ang mga punglo Ngunit hindi natibag ang paninindigan
Parang sementong lalong nagpatibay Sa paghihimagsik ang Nakakasulasok na karahasan ng estado Sa huli, ngingising parang ulol ang mga armadong alipin ng hari Ngunit lalong rurubdob ang galit Ng mga David ng bulok na lipunan Matindi na ang pananabik sa muling pagtutuos Kapag nahawi na ang mga kalat ng sagupaan Kapag nawalis na ang mga piraso Ng kahoy at yerong kanina lang ay mga dingding at bubong Kapag humupa na ang mga abo Mula sa mga pinulbos na semento Lalong magiging malinaw ang tanaw Ng mga David ng lipunan Maghahalinhinan ang hiyaw at pagtangis At isisigaw ang mas matibay na pasya: 'Tang ina ninyong mga pulis! Mag-e-NPA ako!"
The Catalyst
ni Abigael de Leon
“Sir. Yes. Sir.”
“Sir! Yes! Sir!”
Hinampas ang ulo.Pinalo ang hita. Bumagsak ang riple.Pati mga pangarap.
“I said I don’t need empty words!”
Hinampas ang ulo. “Nagmamayabang ka ba? Ano? May ipagyayabang ka na ba?”
“Naiintindihan mo ba ang simbolong ‘to?!Ha?!”
“Sir. Yes – No S-Sir!” “Sir! Truth! Honor! Justice! Sir!”
Isang sikmura.Tumigas ang kalamnan. Nanginig ang tuhod.Ngunit matikas pa din ang tindig tulad ng pangkaraniwang bantayog na naging tanglaw ng mga bayani.
“Magmadali ka na diyan at maniktik ka na nang maubos na yang mga putnaginang aktibistang ‘yan!”
Pinalo ang hita. “Aangas-angas mo diyan? Alam mo ba kahulugan ng simbolong ‘to?! Ha!” “Sir! Yes! Sir!” “Paalala mo nga sa kin, gago ka!Alam mo na lahat?!”
“Ang lambot-lambot mo ! Baka simpleng propaganda mapaniwala ka nila agad!” “Sir! N-no – Yes! Sir! Walang mali sa hangarin nila, Sir!”
Umikot ang paningin patungo sa dilim. Ngunit tila makinang bumalik ulit sa dating matikas na tindig. Tulad ng pangkaraniwang bantayog na nagging tanglaw ng mga bayani. “To serve and protect, Sir! Truth! Honor! Justice! Sir!” “Handa ka bang mamamatay sa serbisyo?” “Sir! Yes! Sir!
Bumagsak ang riple. “Putanginang gago ka.Magsamasama kayong mga komunista!” “Sir! No! Sir! Nais lang naming maglingkod sa bayan, Sir!” “Gago ka talaga! Sasagot ka pa?! Gusto mong maghirap ang mga boss natin?!” “Sir! Y-yes-No! Sir!
“I don’t need empty words --!” “Sir! Yes! Sir!” “Patunayan mo pag may nareport kang mga pangalan ng mga putangina!”
Bumagsak pati mga pangarap. Hindi na matikas ang tindig tulad ng pangkaraniwang bantayog na naging tanglaw ng mga nais maging bayani. Tulad ng pangkaraniwang bantayog na isa palang huwad na bayani.
Gasera
ni Lionelle Duque Tan Naputulan kami ng kuryente kanina, Kaya inilabas ko ang gasera, Ipinatong ko sa lamesa, At nagbasa. Kay lalim na ng gabi, Pero gasera pa rin ang nasa tabi, Mga aklat na akin pang binili, Makapag-aral lang nang mabuti. Nagsusunog ako ng kilay, Para i-ahon sila nanay, Sa aming hikahos na buhay. Hanggang sa abutin ng antok, At paupong nakatulog. Kinagat ako ng lamok. Gasera'y natabig at nahulog. Gasera'y sumabog, At pinagmulan ng sunog. Kung nakabayad lang sana si Nanay, Kung hindi lang kami hirap sa buhay,
Kung hindi lang pinatay si Tatay; Dahil sa pagsigaw sa pagkapantaypantay, Kung hindi ko lang kailangan magsunog ng kilay, Nang makatapos at may, Maihaing konting tinapay. At makasabay, Sa mga pagtaas ng presyo na walang humpay. Hindi ko na sana kailangan ng gasera. Hindi na. Ngayo'y alam ko na, Ang kailangan na, Ay bala.
09
KOMUNIDAD
The Catalyst
Cata Post
VOL. XXVIII NO. 3 MARCH-MAY 2014
The Catalyst January - March 2014
1. Anong plano mo sa bakasyon? 2. Anong masasabi mo sa unang regular issue ng The Catalyst?
ORG Voice Student Christian Movement of the Philippines “Speak up for the people who cannot speak for themselves. Speak for them and be a righteous judge. Protect the rights of the poor and needy.”—PROVERBS 31:8-9 BASIC COMMITMENTS “What he requires of us is this: to do what is just, to show constant love, and to live in humble fellowship with our God.” —MICAH 6:8
FAITH: Follow Christ
CAMPUS LIFE 1. Hindi, kasi part din ito ng NSTP na kailangan natin. 2.Siguro meron syang kapit sa gobyerno kaya mabagal ang pag-usad ng kaso nya. Medyo nakakainis lang isipin na mismong gobyerno pa marahil ang nasa likod nito. -Eloisa Grace Divinoto BSOA 1-1D 1.Hindi, kasi disiplina lang naman ang kanilang pinapatupad. 2.Di pantay ang hustisya sa Pilipinas dahil marami sa ating gobyerno ang nadadaan sa pera kaya mismo kaso ni Napoles ay walang nangyayari. -Anonymous BSIT
Ecumenical Movement
1. Payag ka ba sa pag-abolish sa ROTC? 2. Anung masasabi mo sa mabagal na pag-usad ng kaso ni Napoles?
1.Hindi, kasi para sakin, sistema lang dapat ang babaguhin. Hindi na dapat tanggalin ang ROTC. 2.What’s expected? Malamang ganun pa rin. -Jen Computer Engineering 1.Ok lang, payag ako kasi wala naman silang natutulong. 2.Hindi na ko nag-aasume na makukulong si Napoles eh wala namang bago sa kaso nya eh. -Tin HRDM
Faith is our foundation to righteousness. God puts us right through our faith in Christ (Romans 5:22) by living His way of life. As Christ’s followers, we should abide by His example of social involvement to build the foundations of truly just and humane society as God has promised. Because we live in one inhabited world, our interfaith unity can create an ecumenical movement that will bring forth the good news of salvation: a genuine change reflective in the lives and struggles of the Filipino people.
LOVE: Love thy neighbor Mass Orientation Love is Christ’s main commandment; it is the most basic act to show our faith. Our society is in need of more love: a selfless, justice-seeking and compassionate kind of love for the poor and oppressed, seeking to resolve its dismal and worsening conditions. The love for other people is our Christian mission and imperative, next to our love for God and His love for us (1 John 4:21). This mass orientation highlights the need to be
in union with the suffering majority – the basic masses, composed mainly of farmers and workers – toward national liberation and democracy.
STRUGGLE: Serve the people! National Democracy Struggle is our form of action as expression of faith (James 2:14-17) and manifestations of love (1 John 3:16), especially in the present semi-colonial and semi-feudal set up of our society. All oppression and exploitation are caused by the social evils of imperialism, bureaucrat capitalism and feudalism. In this context, the realization of life in all its fullness entails the fight to attain in all human rights with the aspiration for national democracy as the first and concrete step to a better society. To struggle for the democratic rights and interests of the Filipino people is to live life in God’s service, heeding His call for social justice, genuine freedom and lasting peace.
ACTIVITIES Biblico-Theological Reflections Carlos Tayag Lecture Series Advocacy and Campaigns Social Action Basic Masses Exposure / Integration Ecumenical Fellowships International Solidarity Work
Join SCMP! Contact: 09352590877
10
KOMUNIDAD
VOL. XXVIII NO. 3 MARCH-MAY 2014
The Catalyst
MENSAHE SA LEAGUE OF EDITORS FOR A DEMOCRATIC SOCIETY Mula sa Struggle for National Democracy ni Prop. Jose Maria Sison
Ang Peryodismong Pangkampus sa Rebolusyon Sa paggunita sa magiting na pakikibaka ng Enero 26 at 30, 1970, mahalagang kilalanin ang papel na ginampanan ng mga pahayagang pangkampus sa pananawagan sa masang estudyante na manindigan para sa pambansang demokrasya laban sa imperyalismong US, pyudalismo at burukrata kapitalismo. Sa kanilang sarili, ang mga aksyong masa ng Enero 26 at 30 ay malinaw na ekspresyon ng pambansa-demokratikong adhikain ng mamamayan. Ang mga talumpati sa publiko, teach-in, mga klase sa protesta, awitin, pag-iislogan, poster, polyeto, plakard at maging ang pisikal na paglaban sa mga pasistang buhong, ay mahahalagang paraan ng pagpapalaganap sa mga prinsipyo ng pambansa-demokratikong rebolusyon. Ngunit hinding-hindi natin dapat kaligtaan ang malalim at tuluy-tuloy na pagpapalaganap ng pakikibaka para sa pambansang-demokrasya ng mga pahayagang pangkampus bago, sa panahon at pagkatapos ng mga pangyayari ng Enero 26 at 30. Sa pag-unlad na nagluwal ng isang rebolusyong pangkultura o Ikalawang Kilusang Propaganda, ang peryodismong pangkampus ay maaaring gumampan ng nangungunang papel sa paglilinaw ng mga batayang isyu ng pakikibaka at sa pagmumulat at pagoorganisa ng malawak na masa ng estudyante para sa rebolusyonaryong pakikibaka. Sa kanilang bahagi, maipararating naman ng mga estudyante ang mensahe ng rebolusyon sa malawak na masa ng sambayanan labas ng mga pader ng kampus sa buong kapuluan.
malalaking kumprador, mga panginoong at burukrata kapitalista. Kailanman ay walang at walang-pinapanigang” pahayagan sa kamatayang pakikibaka sa pagitan ng ng rebolusyon at mga pwersa ng tiyak na mga patakaran ang mga adbertayser at editor. kara sa bahagi ng mga na tinatalikdan nila ang interes at tumpak na mga rebolusyonaryo.
maylupa “malaya buhay-atmga pwersa reaksyon. May tagapaglathala, Pagdodoblereaksyunaryo na igiit kanilang makauring inilalahad ang panig ng
Mula’t sapul, malaki ang iniaambag ng ang mga pahayag ugutan pinamamatn o ng at pinatatakb Kailangang magkaroon ng sariling mga e t pahayagan ang mga rebolusyonaryo n a y d mga estu p a r a ipahayag ang mga pambansa at ng ng makauring interes ng mga api at sa pagsusulo pinagsasamantalahan. g kratikon mahigpit na hawakanKailangang o m e ng mga -d a s n a pamb rebolusyonaryong estudyante ang g n o u b a mga pahayagang pangkampus at rebolusyon s
gamitin ang mga ito para itaguyod at alan ang ipagtanggol ang interes ng progresibong mga estudyante, ang interes ng g malawak na masa nggayundin in t a g n n sambayanan. a y a kasays Mula’t sapul, malaki ang iniaambag ng mga pahayagang pinamamatnugutan klasin ang Kung magkakaisa at lalaban para sa at pinatatakbo ng mga estudyante sa pagsusulong ng pambansa-demokratikong bayan at tu oryentasyon ang lahat rebolusyon sa buong mundo. Pag-aralan ang kasaysayan ng ating bayan at a ngrebolusyonaryong n n a g a mga editor ng kampus, tiyak na magiging y a h a tuklasin ang mga pahayagan na nagbuod ng mga problema at nagpanukala ng mga p makapangyarihang pwersa sa pagbubuo ng mga rebolusyonaryong solusyon ng panahon. Alalahanin ang Kalayaan, ang a upinyong publiko para sa rebolusyon ang kanilang mga rebolusyonaryong pahayagan ng Katipunan. Pinamatnugutan ito ng gbuod ng mg pahayagan. a n Maaaring maging mas makapangyarihan rebolusyonaryong estudyanteng si Emilio Jacinto. Sa bagong a l a k pa ang mga ito kaysa sa reaksyunaryong mga pahayagan u n a p g tipong demokratikong rebolusyon, ang mapanlabang na sa kalunsuran. Maaaring lampasan ng pinagsamang problema at diwa ng editor at estudyanteng ito ay nananaig sa sirkulasyon ng lahat ng mga pahayagang estudyante sa g hanay ng peryodismong pangkampus. aryon n o y s mga hayskul at kolehiyo ang pinagsamang sirkulasyon ng lahat ng u l o b e r ng mga mga pahayagan sa kalunsuran. Ang pagkilala sa mahalagang papel na . n o h a n a p g ginampanan ng peryodismong pangkampus solusyon n Ang magkahiwalay na sirkulasyon ng Dawn at Advocate pa lamang sa mga pangyayari ng Enero 26 at 30 at yaan, ang
-ar mundo. Pag
ay hamak na mas malaki sa bawat labas kaysa sa sirkulasyon ng alinmang ng Kala Alalahanin a g n n ultra-reaksyunaryong pahayagan ng malaking kumprador gaya ng Philippines a g a g pahay n o y r a Herald, Manila Daily Bulletin at Evening News. Alam ko na sa ngayon ay n o y s rebolu ito ng daig ng pinagsamang sirkulasyon ng mga pahayagang pangkampus na nasa n a t u g u n t a inam pamumuno ng League of Editors for a Democratic Society ang pinagsamang Katipunan. P anteng sirkulasyon y d u t s e bawat labas ng Manila Times at Manila Chronicle. g n o y r g n rebolusyona o ip t g n Napakahusay ng kalakaran ng League of Editors for a Democratic Society to. Sa bago g n si Emilio Jacin a , n sa paglalathala ng pinagsamang mga editoryal at artikulo sa mga pahayagang o y s g rebolu n o ik t a pangkampus. Ito ay epektibong paraan ng pagtataguyod ng pakikibaka para sa r k o m de ditor at pambansang demokrasya. Mabilis nitong mapauunlad ang pagkakaisa sa ideolohiya e g n a iw d g at layuning pampulitika. Makakatulong ito sa pagpapatatag ng rebolusyonaryong mapanlaban nananaig papel y a o it ng masang estudyante, gayundin ng mga guro, sa pakikibaka para sa g n e t estudyan pambansang demokrasya. g n o m peryodis f o r sa hanay ng Hinahangad namin ang ganap na tagumpay ng League of Editors for a Democratic m a i t u turing . s Society sa militante nitong pagsisikap na isulong ang pakikibaka para sa pambansang pangkampu
gayundin sa iba pang rebolusyonaryong pangyayari sa nakaraan at kasalukuyan ay pagkilala sa kawastuan at pangangailangan na magpatalas ng pluma bilang mahalagang sandata sa lahat ng nalalapit pang mga sagupaan laban sa reaksyon at sa buong takbo ng rebolusyon.
Mga Tungkulin ng LEADS
Ang League of Editors a Democratic Society ay bilang konsolidasyon ng kontemporaryong pagsisikap ng peryodismo sa mga kampus sa Pilipinas laban sa imperyalismong US, pyudalismo at burukrata kapitalismo. Ang pagbubuo nito ay nangangahulugan ng pagpapatalas ng rebolusyonaryong sandata sa serbisyo ng sambayanan, laluna ng naghihirap na masang manggagawa at magsasaka.
Malaki ang maitutulong ng liga sa pagpapalaganap ng pakikibaka para sa pambansang demokrasya. Malalabanan nito ang kontra-rebolusyonaryong paninira at pambabaluktot ng reaksyunaryong pahayagan na sa katunayan ay panig sa interes ng mga imperyalista,
demokrasya. Kasama ng masang estudyante at mga guro, dapat matatag na makibaka ang mga myembrong-editor ng liga para sa pambansang kalayaan at demokrasya sa loob at labas ng mga kampus. Kailangang gamitin ang pahayagang pangkampus bilang mahalagang kawing sa pagitan ng lahat ng estudyante sa rebolusyonaryong kilusan. Mga mamamahayag ng kampus, magkaisa para sa rebolusyonaryong layunin! Tuhugin ng inyong mga pluma ang mga kaaway ng pambansang demokrasya! Mabuhay ang League of Editors for a Democratic Society!
The Catalyst
LATHALAIN
Silang nagpapanday
VOL. XXVIII NO. 3 MARCH-MAY 2014
11
Sabi nila “money is the root of all evil.” Nagnanakaw si Juan dahil kailangan ng pera, nang-i-i-snatch ng mamahaling cellphone para maibenta at magka-pera, nagpuputa si Maria tuwing gabi sa kanto para kumita ng pera, nagbebenta ng kakanin si Manang tuwing madaling araw para magka-pera, ngunit higit sa lahat, nanggigipit ang mga boss sa pabrika sa ngalan ng pera – ng tubo at ganansya. Dahil umiiral ang pandaigdigang sistemang kapitalismo, hindi na nakakapagtaka kung ang buhay ng mga karaniwang tao ay dinidiktahan ng kung paano kikita ng pera. Ang sistemang kapital ay sistemang nilikha para paglingkuran ang gahamang interes ng iilan, para walang preno sa pagtubo ang kanilang yaman kahit hindi nagpapagod. Sa ganitong batayan, naging negosyo ang lahat ng bagay. Kahit ang kabataan, hindi ligtas dito dahil sa lumalalang komersyalisasyon sa edukasyon. At may mga taong naging alipin na ng kapital dahil sa sistemang umiiral.
Bisig at Kamao Sa gabi’t araw, yaman ang iniluluwal ng kanilang magagaspang na kamay dahil sa paggawa. Sa dikta ng puhunang inilagak sa kanilang produkto, walang kapaguran silang nagtatrabaho para dumoble o maging triple ang kikitain ng mga boss nila. Silang pilit na binabarat ang benepisyo at tinitipid ang sahod sa ngalan ng kasiguruhang sobrasobra ang tutubuin ng kapital. Sila ang mga manggagawa. Sila ang mga bisig at kamaong pinanday ng karanasan. Ang mga manggagawa ay bumubuo sa 15% ng lipunang Pilipino. Sila ang uring proletaryado na mulat sa pagsasamantala ng mga ‘may kapital’ o ‘may pera.’ Sila ang mga lumilikha ng produktong binibili natin sa pamilihan ngunit sila ay walang kakayahang bilhin ang mga ito. Nananatiling hindi nakakabuhay ang sahod nila habang abot-langit ang tubo at ganansya ng mga amo nila. Sa pagtatala ng Kalipunan at Saligan ng Manggagawa – Indepent (KASAMA – Ind.) sa Hoya Glass Disk Philippines, pagawaan sa Tanauan, Batangas, hindi nababayaran ng tamang halaga ang produktong nalilikha nila. Sa kanilang komputasyon, sa loob ng isang oras, nakakagawa sila ng 300 discs (dahil ito rin naman ang quota nila) na magbibigay ng P4500 sa kanilang amo kada oras kada manggagawa kung P15 kada piraso ang presyo nito sa pamilihan. Dahil sa walong oras na paggawa, aabot sa P36,000 ang kikitain ng kapitalista sa isang manggagawa pa lang sa isang araw. Samantalang nasa P245 lamang ang sahod ng isang manggagawa sa isang araw. Inaalisan sila ng emosyon, at tinuturing na kasangkapan lamang upang magkamal ng napakalaking tubo. Kaya naman hindi na rin isinaalang-alang ang kanilang kalusugan at seguridad sa paggawa. Papatotohanan ito ng kasalukuyang sitwasyon ng mga manggagawa ng Foxconn, kontraktor ng kumpanyang Apple sa China. Ayon sa China Labor Watch, dumaranas ang mga manggagawa dito ng 100 hanggang 130 oras ng overtime na umaabot pa sa 180 oras, mapanganib na kondisyon sa loob ng pabrika dahil umano sa metal dust exposure na maaring pagmulan
ng mga sakit at ang pagtatanggal sa karapatan nilang mag-unyon. Kaya’t hindi nakakapagtaka kung dumadami ang bilang ng mga manggagawa nitong nagpapakamatay. Dumaranas ng matinding pagsasamantala ang mga manggagawa saan mang bahagi ng daigdig. Pinapatay sila ng sistemang kapital, dahil sa konteksto ng mga negosyante, ang manggagawa ay kasangkapan lamang para sa kanilang negosyo. Sila ang mga tagapaglikha ng yaman at karangyaan. Sila ang mga lumikhang walang natatamasa. Silang manggagawa na itinulak ng kalagayan para lumaban at magkaisa upang palayain ang kanilang uri sa sistemang kapital na tanging iilan lamang ang nakikinabang.
Katapat ng Kapital Ang pinagsanib na lakas ng bisig at kamao ang papawi sa pagkakaalipin ng mga manggagawa sa sistemang kapital. Nabuo ang mga unyon sa proseso ng paglulunsad ng mga manggagawa ng pakikidigmang gerilya laban sa mga kapitalista. Ayon sa isang sulatin ni Karl Marx, ang mga unyon ang nagsisilbing sentro ng pakikibaka laban sa mga pananakal ng kapital – ang hindi makataong sampung oras na paggawa, kawalan ng seguridad sa loob ng pabrika at ang pagkakait ng mga batayang karapatan ng mga manggagawa tulad ng benepisyo at nakakabuhay na sahod. Kaya naman, nagsimulang magtayo ng unyon ang mga manggagawa na handang magprotesta at ipaglaban ang kanilang batayang karapatan hanggang sa mapawi ang pagiging alipin ng uring proletaryado sa kapital. Nagsimula na ring magkasa ng tigiltrabaho ang mga manggagawa para magwelga sa loob man o labas ng pabrika sa diwa ng militanteng unyonismo. Hanggang sa taong 1890, sa pahayag ng American Federation of Labor bilang pagkilala sa tagumpay na makakamit ng kampanyang 8-oras mula 10 oras na paggawa sa lahat ng bansa, itinakdang ang Mayo Uno ay Araw ng Paggawa at magiging araw ng pandaigdigang protesta ng manggagawa para sa kanilang karapatan. Dito nagsimula ang sinkronisadong pagkilos ng mga obrero tuwing Mayo Uno hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa mga dayuhang bansa rin. At noong 1903 sa ilalim ng Union Obrera Democratica (UOD), kauna-unahang pederasyon ng mga unyon sa bansa, ipinagdiwang ang Araw ng Paggawa sa pagmartsa ng mahigit isang daang libong manggagawa patungong Malacañang upang ipaglaban ang makataong kondisyon ng
Dahil ang Mayo Uno ay naging simbolo na ng kanilang makasaysayang tungkulin. Dahil ang mga manggagawa ay lalaya lamang kung mapapabagsak ang sistemang sahuran sa buong daigdig. paggawa sa bansa. Nagkaroon na rin ng mga binhi ng unyonismo ang mga Pilipino na maghuhudyat ng pagsibol ng kilusang manggagawa. Kung gayo’y ang unyon ng mga manggagawa ay kilusang mayo uno. Dahil ang Mayo Uno ay naging simbolo na ng kanilang makasaysayang tungkulin. Dahil ang mga manggagawa ay lalaya lamang kung mapapabagsak ang sistemang sahuran sa buong daigdig.
Sa huling paglalaban Walang mawawala sa mga manggagawa sa kanilang pag-aaklas sa umiiral na sistema kundi ang kanilang mga kadena ng pagkaalipin sa kapital. Ito ang huling laban na magtatakda sa kinabukusan ng kilusang paggawa. Hakbang-hakbang na itatayo ang sosyalismo kung saan wala nang iilang
kikita kahit walang ginagawa. Lahat ay magtatrabaho, at ayon sa ambag sa produksyon ibabatay ang sahod. Samakatuwid, kikitain ng isang manggagawa ang tunay na halaga ng kaniyang produktong nililikha. Babaguhin ang depinisyon ng paggawa. Dahil hindi na para sa ganansya at tubo ang layunin ng mga pabrika, hindi gagamitin ang mga makina sa pagsasamantala at hindi na ituturing na ‘makina’ ang mga manggagawa. Sa huling paglalaban, itatanghal na bayani ng kasaysayan ang mga manggagawa, ang uring proletaryado, sa kanilang tutunguhing tagumpay. At ang kabataan kasama ang iba pang sektor sa lipunan ay mapagpasyang sasanib sa rebolusyong ito. Artikulo nina: Shiena Mae Villas Abigael de Leon Dibuho ni: Cristian Henry Diche
112 2
EDITORYAL
VOL. VOL.XXVIII XXVIIINO. NO.33 MARCH-MAY MARCH-MAY 2014 2014
The Catalyst
Kinabukasan sa Tuwid na Daan
Editoryal
Libo-libong Iskolar ng bayan ang nagtapos ngayong Mayo. Hindi matatawaran ang pagtityaga ng bawat estudyante sa mga bulok at kulang na pasilidad, mga dagdag bayarin at lalong higit ang walang humpay na panawagan at paglaban para sa karapatan sa edukasyon. Katumbas ito ng dami ng panibagong lakas paggawa na may angkop na kahusayan, na karamihan ay mapapabilang sa underemployed, unemployed, iilang tataguriang masuwerte na maagang matatanggap sa trabaho at mga makikipagsapalaran sa ibang bansa. Pagkatapos ng labing-anim na taon ng paghihirap at pagsisikap sa pag-aaral, kanino magsisilbi ang kaalaman at kahusayan ng kabataan? Patuloy na inihahanda ang mga kabataan para magsilbi sa interes ng dayuhan at iilang naghaharing uri sa mukha ng K12, RPHER, at kontraktwalisasyon. Sa K12 program, pilit na iniaangkop ang kurikulum ng Pilipinas ayon sa pangangailangan ng international market. Ang pagdadagdag ng dalawang taon sa highschool upang magsanay ng mga technical at vocational courses at pagtanggal ng mga basic subject tulad ng Science sa Grade 1-4 at Kasaysayan ng Pilipinas sa Junior Highschool ay paghahanda ng mga kabataan sa paggawa sa murang edad. Maagang iniaalis ang diwang makabayan at kagustuhang paunlarin ang bayan. Lalo pang tinalikuran ng rehimeng US - Aquino ang kabataan gamit ang polisiyang Roadmap on Public Higher Education Reform na may layuning bawasan ang mga State Universities and Colleges. Bahagi ng programang ito ang pagtutulak sa mga SUCs na magkaroon ng mga Income Generating Projects upang sustentuhan ang kanilang mga sarili at tuluyang abandunahin ng estado ang kabataan. Iniaalis ng rehimeng ito ang ating karapatan sa edukasyon at isinasadlak tayo sa maagang pagpapaalipin sa mga amo nitong dayuhan at kapitalista. Ang kagalingan ng tinaguriang pag-asa ng bayan ay iniaalok sa mga dayuhang kumpanya at industriya sa loob at labas ng bansa kapalit ang barya-baryang sahod. Murang lakas paggawa ang pang-akit sa mga namumuhunan ng estado. Itinatali ang mga manggagawa sa kontraktwalisasyon na bibigyan ka lamang ng tatlo hanggang anim na buwan para magtrabaho na may kakarampot na sahod at kawalang benepisyo. Dahil umiigting ang unemployment at underemployment, iniiwan tayong walang pagpipilian sa pagitan ng magpapasamantala o mamatay. Sa ganitong paraan tayo hinuhubog ng kasalukuyang sistema para maging taga-sunod at taga-silbi sa imperyalismong Estados Unidos na amo ni Noynoy Aquino. Matututo pa lamang tayong mangarap ay winawasak na nila ito, iniaalay na tayo sa amo niyang tanging gusto lang ay tumubo at gumanansya ng sobrasobrang lakas. Sa puntong aabutin na natin ang mga pangarap, papaniwalain tayo na sa ating pagsisikap ay magbubunga ito ng tagumpay para sa atin at sa pamilya pero ang katotohanan sa bawat pawis at paghihirap natin ay limpak-limpak na yaman ang kakamalin nila. Pagkatapos ng labing-anim na taon ng paghihirap at pagsisikap sa pag-aaral, buong buhay ka namang magpapakahirap at magtatrabaho, ibibigay mo ang pinakamagaling mong makakaya sa pag-asang kapalit nito ay mataas na sweldo at pagpapaunlad sa bayan. Ang lahat ng ito ay umaangkop sa mga neoliberal na polisiyang pinaiiral at pinapanatili ng kasalukuyang rehimen sa kumpas ng Estados Unidos. Mariing naninindigan ang The Catalyst kasama ang malawak na hanay ng sambayanan laban sa mga hindi makatarungang polisiyang sumisikil sa ating mga karapatan. Naniniwala ang TC na ang buhay, lakas, talino at kagalingan ng kabataan at mamamayan ay nararapat na patuloy na magsilbi para sa pagpapaunlad ng bayan. Ang kawastuhan ng pag-aalay ng buhay at kahandaang lumaban para sa bayan ay dapat maagang ikinikintal sa kamalayan ng kabataan. P
U
P
Catalyst
Pro-Students, Pro-Masses
The
‘‘To Write not for the People is Nothing.’’
The Official Student Publication of the Polytechnic University
A p r i l l e Jo y A t a d e r o
Ι
of the Philippines
Acting Editor-In-Chief
Senior Staff Ι Blessie Peñaflor
Ι
Ι
EDITORIAL BOARD 2014
Abigael de Leon
Ι
Acting Managing Editor
Crisby Delgado
Ι
Arwilf Samudio
Ι
Ι
Stella Marie Maragay
A r i a n n e Jo y D o l a r
Ι
Ι
”
Acting Associate Editor
Ι Abigael de Leon Ι Staff W r i t e r s Ι S h i e n a M a e V i l l a s Ι D e n i s e A n n F l o r e n d o Ι Je n n a Z u ñ i g a Ι V i c t o r Va n E r n e s t H . V i l l e n a Ι A i r a Ja n e S . L e i d o Ι M a r y A n n e M a e E . B a l a d j a y Ι M a r i a Ly r a D . Va l d e z Ι J a a z e e l E s p i r i t u Ι R o d r i g o D e A s i s Ι A r t i s t s Ι Je a n M e a g a n V. B u r i e l Ι Jo h n P a u l o H u e r t o Ι L e a n d r o V i l l a s i s Ι G e r a r d o O c a m p o J r . Ι C o n t r i b u t o r s Ι C r i s t i a n H e n r y D i c h e Ι C h r i s t o p h e r S o r i a n o Ι L i o n e l l e A n d r e w D u q u e Ta n Ι D a n i e l D u m a h o g Ι Je s s i c a F e r r e r a Janica Agpaoa
Ι
“
Pagkatapos ng labing-anim na taon ng paghihirap at pagsisikap sa pag-aaral, buong buhay ka namang magpapakahirap at magtatrabaho, ibibigay mo ang pinakamagaling mong makakaya sa pag-asang kapalit nito ay mataas na sweldo at pagpapaunlad sa bayan.
Layout Artist
MEMBER: Alyansa ng Kabataang Mamamahayag (AKM-PUP) College Editors Guild of the Philippines (CEGP)