![](https://assets.isu.pub/document-structure/200224024509-31429f75454943dae039d102a46a0a7e/v1/6003cf7592d9a51258d30baf224c0495.jpg?width=720&quality=85%2C50)
7 minute read
Pandayang Plaridel, pinagyaman ang pagiging kritikal ng mga mamamahayag pangkampus
CAL WEEK 2018 05 Upang mapalawak ang kaalamanan ukol sa kanilang gampanin sa pagprotekta ng press freedom, nagsamasama ang mga publikasyon kabilang ang The Communiqué, opisyal na publikasyon ng Kolehiyo ng Arte at Literatura (KAL), sa ika-9 na Pandayang Plaridel noong ika-3 ng Mayo sa BulSU Hostel. Pandayang Plaridel, pinagyaman ang pagiging kritikal ng mga mamamahayag pangkampus MARISOL GASPAR
Sa tema na Defend Press Freedom: Creating Critical Campus Press in Critical Times, pinangunahan ng Pacesetter, opisyal na publikasyon ng Bulacan State University (BulSU), ang taunang seminar para sa mga miyembro ng pahayagang pangkampus ng unibersidad na sinusundan ng press conference at ng Gawad Galing Plaridel (GGP), kung saan binigyang parangal ang mga mahuhusay na mamamahayag pangkampus.
Advertisement
Tinalakay ni Kevin Facun, isa sa Ten Outstanding Student of the Philippines at alumnus ng unibersidad, sa ginanap na seminar ang kaniyang proyekto kasama ang mga dating kaklase na tumutulong sa mga sanggol na nangangailangan ng breast milk. Binigyang diin din niya na dapat gamitin ng mga mamamahayag ang kanilang kurso at kakayahan para sa ikakabuti ng lipunan. “This particular era is also the highlight for us to translate what we have, the skills that we have as a campus journalist into creating an impact back in the society on what we say,” sabi ni Facun.
BETERANO. Ibinahagi ng photojournalist na si Vincent Go ang mga hindi pa nailalabas niyang mga larawang kuha mula sa kampanya kontra droga at ang kuwento sa likod ng mga ito. Photo by Christia Marie Ramos
Pinasilip naman ng beteranong photojournalist na si Vincent Go ang kanyang mga sariling kuha ng mga biktima ng kampanya ni Pangulong Rodgrido Duterte kontra sa ilegal na droga at ang mga kwento sa likod ng mga nasabing litrato.
Ibinahagi rin niya ang kaniyang reaksyon sa tuwing nakatatanggap siya PAGE 11
KAL, isinagawa ang kauna-unahang PASIKLAB ROCHELLE ACSE AT MIKAELA VICTA
![](https://assets.isu.pub/document-structure/200224024509-31429f75454943dae039d102a46a0a7e/v1/292ffcadbfd73ba57a8b8be9f78dc32e.jpg?width=720&quality=85%2C50)
Sa pagnanais na mahikayat ang mga mag-aaral ng unibersidad na may angking talento sa larangan ng sining at literatura na sumali sa kompetisyong inter-university, inilunsad ng Kolehiyo ng Arte at Literatura (KAL) sa kauna-unahang pagkakataon ang PASIKLAB: A Showcase of Talents, Mayo 2 sa Bulacan State University (BulSU), Valencia Hall. “This is an invitation, invitation to the participants at ang gusto nga namin full of talents from different colleges tapos ite-train namin sila,” pahayag ni Susana Galvez, literary coordinator ng KAL.
![](https://assets.isu.pub/document-structure/200224024509-31429f75454943dae039d102a46a0a7e/v1/dfb77d7a3a8ff5455ee54b0391edb8d9.jpg?width=720&quality=85%2C50)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/200224024509-31429f75454943dae039d102a46a0a7e/v1/59d0243945ad116a6c0b7020f86a5d99.jpg?width=720&quality=85%2C50)
FEATURES
![](https://assets.isu.pub/document-structure/200224024509-31429f75454943dae039d102a46a0a7e/v1/15825359f1f16c8e8f214dbd7bb22e6b.jpg?width=720&quality=85%2C50)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/200224024509-31429f75454943dae039d102a46a0a7e/v1/255c6dd10d141475e69c7b308fd379ef.jpg?width=720&quality=85%2C50)
PLAYGROUND PAGSILIP SA LARONG IMAHE NG IBA’T IBANG KWENTONG SINE ADAM ANGELO V. TIZON AT JASMINE GRACE RIVERA SCREENGRABS AND POSTERS FROM SIBUL VII FIL FESTIVAL ENTRIES
ras ng siesta, ngunit ‘di makuhang umidlip. Tumanaw sa labas mula sa siwang ng bintana, nakapapaso sa balat ang init ngunit ‘di alintana ng mga paslit na ‘di magkamayaw sa pag-iimbita ng iba pa sa magaganap nilang paglilibang mayamaya lamang, sa malawak nilang palaruan. Lansangan.
Hanggang may nagsimula nang bumilang.
Isa. Dalawa. Tatlo. Nag-umpisa na muling magpakitang gilas ang mga kabataang mula sa Kolehiyo ng Arte at Literatura sa paglahok sa taunang Sine Bulacan (Sibul) VIII na ginanap noong Mayo 3, sa Robinsons Place Malolos. Tulad ng dati’y pinangunahan ang nasabing patimpalak ng Bulacan State University (BulSU) Cinephilia na nilahukan ng apat na dekalibreng independent short films na mga pinamagatang ‘For Thy Life’ na binigyang direksyon ni Mark Justin Antonio, ‘Evadere’ ni Trisha Shaina Gatchalian, ‘Krusanto’ na katha ni Ronaldo Magsakay at ‘Sa Katapusan’ na obra ni Daireen Reena Casamayor.
Naaliw ang mga mata sa panoorin na nasasaksihan sa labas, nilikha ang iba’t ibang kwentong mukha ng kada laro. Nadarang sa bawat eksena. MATAYA - TAYA ‘Pag sapit ng ikatlo, kumaripas na ng takbo. Pigilin ang pagkaubos ng hangin, tumakbo nang tumakbo. ‘Wag pahuhuli sa kalarong kapag ika’y natapik – tapos ang buhay mo; at kung makabalik naman sa kampo ikaw ang panalo.
Katulad ng karerang gustong mapagtagumpayan ng mga karakter sa pelikulang ‘For Thy Life’ ni Mark Justin Antonio, kinakitaan ng mga kaganapan sa realidad na kung saan kahit pa para sa mabuti ang intensyon kung kinilala itong masama, wala ka pa ring kawala; hindi ka tatantanan ng tadhana.
“I’m a fan of social realism, that’s why I end up with this film. This is how we live now, ito ‘yong present at ito ‘yong kinakailangan malaman nila [manonood], kaya nag-focus talaga ako na as much as possible, maging natural, mas maging malapit sa tao. Naniniwala kasi ako na someone is believing in my story, someone is counting on my story, ani Antonio.
Kung hindi na sumasapat ang simpleng paglayo at walang tigil na pagtakbo; at kung hindi pa rin pumapanig O
![](https://assets.isu.pub/document-structure/200224024509-31429f75454943dae039d102a46a0a7e/v1/b1889ad3919f87ce0648891616e401e1.jpg?width=720&quality=85%2C50)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/200224024509-31429f75454943dae039d102a46a0a7e/v1/fe3914a588ccad88bb913f3b14f7d1fd.jpg?width=720&quality=85%2C50)
ang pagkakataon, piliin na lamang ang pagtago.
TAGU - TAGUAN Sa lugar na kubli, sa silid na lingid pilit na isinisiksik ang sarili. Walang ingay na naririnig kundi ang pagpintig ng dibdib; nagbabakasakaling matakasan ang repleksyon ng aninong kanina pa nakatingin.
Tinalakay sa gawang istorya ni Trisha Shaina Gatchalian na ‘Evadere’ ang multong paulit-ulit na bumibisita sa dalagang si Cecilia na patuloy na pi
natutuloy ito kahit na matapos magdesisyong limutin ang sarili at mamuhay ng naglilingkod sa Kaniya [Panginoon]. “I’m not a fan of cliché. I want a story that is full of irony. And as I observe things, we live ironically that’s why we do a lot of research, reading nun’s websites, and I can say we did not let the opportunity pass through when it comes for facts. And by the help of my production team we gathered all the facts that we need for the film,” saad ni Gatchalian.
Naglakas loob na gumawa ng mumunting galaw. Tinalikuran ang nakaraan, nilisan ang madilim na kinalalagyan at sinimulang maghanap ng panibagong langit.
LANGIT - LUPA “Langit, lupa, impyerno Im-im-impyerno Saksak puso tulo ang dugo, Patay, buhay…” Mapapaindak sa saliw ng himig na tila ritwal sa pandinig, sasabay sa daloy ng ritmo ang gunita, mawawala sa malawak na kasinungalingan ng mundo; ‘tsaka bubulong sa hangin, isang hiling. Panalanging biyaya mula sa langit,
![](https://assets.isu.pub/document-structure/200224024509-31429f75454943dae039d102a46a0a7e/v1/4c4b49b509e20e4c2db28e83f8b51c68.jpg?width=720&quality=85%2C50)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/200224024509-31429f75454943dae039d102a46a0a7e/v1/c86d257b10c7199c121a808d53f30459.jpg?width=720&quality=85%2C50)
masidhing pag-ibig sa tinubuang lupa at impyerno kapalit ng bawat maling dalangin ang pinatungkulan ng ‘Krusanto’ sa direksyon ni Ronaldo Magsakay, kwento ng tamis at pait ng buhay at kamatayan.
“Naging inspiration ko ‘yung pananalig ng mga Pilipino kaya nagpop-up sa’kin ‘yung idea na ‘yon [Krusanto], more on research and conceptualizing ng story ang ginawa ko at dine-bunk ‘yung facts para makagawa ng creative non-fiction out of that. Medyo challenging siya on my part as a writer and the director kasi I am narrating a story out of Filipino culture and customs,” pahayag ni Magsakay.
Ang paghinto ng musika na nagdudulot ng malamahikang nasa imahenasyon ang makapagpapabalik sa tamang pag-inog ng mga kamay ng oras na makapagsasabing nakauwi na. nakatawid ka.
HARANG - TAGA Linya ang siyang magsisilbing hati sa pagitan ng pagsugal at pagpili. Lulugar sa espasyong ‘di kayang abutin ng pagkakataon, susubuking marating ang kabilang dulo; tatakbo, magsasakripisyo.
Paglalahad sa kung paano naging madaya ang bawat pangako at ang araw-araw na pagbabakasakali na baka mabigyang katuparan ang bagay na pinakaaasam ng bida sa likhang obrang ‘Sa Katapusan’ ni Daireen Reena Casamayor.
“Ang bawat istorya naman ay istorya ng isa’t isa. ‘yong kwento mo, posibleng kwento ko rin. Pero pwedeng sa ibang paraan naman, ‘yan [Sa Katapusan] ‘yong reflection ng kabataan ko, kasi ‘yong idea ng paghihintay sa pelikula ay paghihintay ko rin sa parents ko every day, hanggang ngayon, na umuwi and makasama nila ako.”
At sa huli, sa kabila ng pakikipaghabulan sa ilalim ng tirik na arawan at sakaling hindi pa rin makarating, hihintayin ang susunod na bukas at aasang muli sa posibilidad na sa larong bibihira ang Manalo, hindi na mababansagan pang taya. Sana.
Masining na isinalaysay ng mga nagsipaglahok sa naganap na SIBUL VIII ang magkakaibang larong may parehong hangarin, ang imulat ang ‘sangkatauhan sa isyung panlipunan at magkaroon ng boses na ipagsigawan at ipamukha sa sanlibutan na sa kabila ng nagkalat na makasalanan, may mga aral na siguradong kapupulutan.