Dekada | The Communiqué

Page 5

CAL WEEK 2018

05

Pandayang Plaridel, pinagyaman ang pagiging kritikal ng mga mamamahayag pangkampus MARISOL GASPAR Upang mapalawak ang kaalamanan ukol sa kanilang gampanin sa pagprotekta ng press freedom, nagsamasama ang mga publikasyon kabilang ang The Communiqué, opisyal na publikasyon ng Kolehiyo ng Arte at Literatura (KAL), sa ika-9 na Pandayang Plaridel noong ika-3 ng Mayo sa BulSU Hostel. Sa tema na Defend Press Freedom: Creating Critical Campus Press in Critical Times, pinangunahan ng Pacesetter, opisyal na publikasyon ng Bulacan State University (BulSU), ang taunang seminar para sa mga miyembro ng pahayagang pangkampus ng unibersidad na sinusundan ng press conference at ng Gawad Galing Plaridel (GGP), kung saan binigyang parangal ang mga mahuhusay na mamamahayag pangkampus. Tinalakay ni Kevin Facun, isa sa Ten Outstanding Student of the Philippines at alumnus ng unibersidad, sa ginanap na seminar ang kaniyang proyekto kasama ang mga dating kaklase na tumutulong sa mga sanggol na nangangailangan ng breast milk. Binigyang diin din niya na dapat gamitin ng mga mamamahayag ang kanilang kurso at kakayahan para sa ikakabuti ng lipunan.

BETERANO. Ibinahagi ng photojournalist na si Vincent Go ang mga hindi pa nailalabas niyang mga larawang kuha mula sa kampanya kontra droga at ang kuwento sa likod ng mga ito. Photo by Christia Marie Ramos

“This particular era is also the highlight for us to translate what we have, the skills that we have as a campus journalist into creating an impact back in the society on what we say,” sabi ni Facun.

Pinasilip naman ng beteranong photojournalist na si Vincent Go ang kanyang mga sariling kuha ng mga biktima ng kampanya ni Pangulong Rodgrido Duterte kontra sa ilegal na droga at ang

mga kwento sa likod ng mga nasabing litrato. Ibinahagi rin niya ang kaniyang reaksyon sa tuwing nakatatanggap siya PAGE 11

KAL, isinagawa ang kauna-unahang PASIKLAB ROCHELLE ACSE AT MIKAELA VICTA

Sa pagnanais na mahikayat ang mga mag-aaral ng unibersidad na may angking talento sa larangan ng sining at literatura na sumali sa kompetisyong inter-university, inilunsad ng Kolehiyo ng Arte at Literatura (KAL) sa kauna-unahang pagkakataon ang PASIKLAB: A Showcase of Talents, Mayo 2 sa Bulacan State University (BulSU), Valencia Hall.

PAGPAPAKITANG GILAS. Isa si Dean Carlo Ventura ng BAJ 3A sa nagpamalas ng kanyang talento sa pagbigkas ng talumpating ‘di handa sa naganap na Literary Festival. Photo by Andrelyn Deb Domingo

“This is an invitation, invitation to the participants at ang gusto nga namin full of talents from different colleges tapos ite-train namin sila,” pahayag ni Susana Galvez, literary coordinator ng KAL. PAGE 10


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.