Randy T. Nobleza Ika-13 ng Disyembre 2014 nd 11481161/ 2 Term 2014-15 AFL 606d: Teorya at Kritika (Multidisiplanari) TRANSDISIPLINARING PAMAMARAAN SA ARALING PILIPINAS: PAGUUGNAY NG MGA DISERTASYON, MASTERADO AT ANDERGRAD NA THESES SA IBA’T IBANG DISIPLINA (HUMANITIES, CREATIVE WRITING, WIKA AT PANITIKAN) Mga paksa ng Araling Pilipinas sa mga problematisasyon at layunin Para sa programang Araling Pilipinas ng Pamantasang De La Salle, pinili ko ang disertasyon ni Rowell Decena Madula na isinumete noong Mayo 2012. Ito rin ang taong natapos ko ang Masteradong digri ko sa Araling Pilipino sa Unibersidad ng Pilipinas kung kaya maituturing hindi aksidente ang pagpili ko ng pag-aaral para sa doktorado sa pilosopiya sa Araling Pilipinas, medyor sa wika, kultura, midya. Personal na mayroon akong kinalaman sa sensibilidad ng ganitong klase pagaaral bilang marhinalisadong sektor ng lipunan na nagsusulong ng adbokasiya. Halos apat na taon na ginawa ang disertasyong “Rampa sa Paglaya: Paglalakbay ng mga Bakla sa Sangandaan ng Pag-ibig at Pakikibaka.” Mahigit sa 600 pahina ang kabuang pag-aaral, katumbas ng 4x mas mahirap sa andergrad (3 units) at 2x na mabusisi kung ikukumpara sa masteradong thesis (6 units). Inabot din sa 10 taon ko bago ko natapos ang pinagkumbinang andergrad at masterado sa UP sa programang Araling Pilipino. Bagamat nakatutok ang AFL 606d sa Teorya at Kritika ay kaakibat nito ang interdisiplinaring pananaliksik, matatagpuan ito sa nakakulob sa parentikong multidisiplinari. Pinagtuonan ko ng pansin ang ibang bahagi ng pag-aaral maliban sa methodolohiya o pamamaraan, bilang mabisang pagsasalikop ng teorya at kritika ang kabuoang pag-aaral. Makikita sa Unang kabanatang magkapisan ang suliranin at mga layunin: Pangkalahatang Sulirananin: Paano nabuo at ano ang kasalukuyabg anyo at estruktura ng espasyong bakla sa rebolusyong Pilipino?
2
Mga tiyak na suliranin: 1. ano ang kasaysayan ng CPP-NPA-NDFP kaugnay ng pagkilala nito sa usapin ng kasarian at sekswalidad 2. ano ang karanasan ng mga baklang miyembro ng CPPNPA-NDFP bago at habang sila ay kumikilos at nakikibahagi sa pambansa-demokratikong rebolusyon? 3. Ano ang mga karanasan at disposisyon sa iba’t ibang larangan ang dinaranas ng mga baklang miyembro ng CPP-NPANDFP sa loob ng pambansang demokratikong kilusan?
Naalala ko rin ang dalawang bersyon ng andergrad thesis ko UP, ang objektib ko ay makagawa ng isang libong pahinang thesis ala Deleuze at Guattari na A Thousand Plaeatus. Kung tinuloy, malamang hindi ako nakatapos at nakatungtong ng Masterado, kaya nagpasa ako ng isa pang mas katanggaptanggap na bersyon. Ang ginawa ni Lakangiting Garcia na disertasyon ay nakapaloob ang dalawang layunin, isa para mailapat ang mga kategorya sa gawa nang diksyunaryo pangmatematika. Ang layunin ng pag-aaral na matatagpuan sa kabanata 1 ay mayroong tatlong magkakaugnay na tunguhin: makagawa ng diksyunaryong pangmatematika na nasa mini disc na ang mga salita’tnauuri bilang labi (residual), umiiral (dominant) at sumisibol (emergent); matiyak ang opinyon/ atitutd ng mag piling mag-aaral (elemetarya, mataas na paarlan at kolehiyo) at guro (nagtuturo sa Filipino at matematikoa) hinggk sa diksyunaryong ginawa; at maipakita ang kakayahan ng Filipino sa pag-angkop sa mga pagbabagong panteknolohiya. Gayundin, memorable din ang ginawa ng kababata kong si Josepth Saguid, parang parallel ang tinahak naming landas sa kanyang masteradong digri sa Malikhaing Pagsulat. Malikhain din ang kinakailangan awtput, hindi ko man nabasa ang unang dalawang kinalabasan ng kanyang 11 taon na produksyon, mapalad ako nakadalo ako sa paglulunsad niya ng ikatlong koleksyon, yun pala ay resulta ng kanyang masteradong thesis at mini grant mula sa Bienvenido Santos Creative
Randy T. Nobleza Ika-13 ng Disyembre 2014 nd 11481161/ 2 Term 2014-15 AFL 606d: Teorya at Kritika (Multidisiplanari) Writing Center. “Bagong loob: bagong tula, mga tala patungo sa poetika ng pakikipagkapwa” ipinanganak at lumaki ako sa probinsya ng Marinduque. Dahil nakahiwalay ang islang ito sa mas malaking bahagi ng Luzon, nakahiwalay rin kaming nakatira rito sa galaw ng bansa at lipunan. Magatatapos ako sa ikalawang baytang sa mataas na paaralan noong 2000 nang ibalita ang pagdeklara ni Erap ng all-out war laban sa Moro Islamic Liberation Front. Ang balitang iyon ang naging impetus ng “Mindanaw” ang unang tilang isinulat ko na tumutugon sa isang kontemporaryong pangyayari sa ibang lugar. Sa sanaysay na ito, isa-isa kong tatalakayin ang tatlong koleksitong nabuo ko sa loob ng labing-isang taon: pagsilip sa bunganga ng araw, kantilaho at loob, ang konteksto ng pagsulat sa mag ito ang mga pormal na katangian ng mga koleksyon ito. Ang mag pagbabago sa estetika ng aking pagtula sa paggalaw ko mula s aisa patungo sa kasunod na koleksiyon at kung ano ang pinaniniwalan kong gampanin ng makata sa kasalikuyang panahon.
Hindi ko mapigilan hanapin ang sarili kong mga tungohin sa suliranin at mga layunin ng disertasyon ni Madulla at gayundin ang masteradong thesis ni Roland Tolentino. Gayundin, nakakalula ang paggamit ng mga kapitalisadong akronim ng Partido Komunista ng Pilipinas Bagong Hukbong Bayan Pambansang Demokratikong Prente ng Pilipinas. Naalala ko ang ginawang pag-aaral ni Tolentino sa antas na Masteral na mahigit sa dalawang dekada ang agwat. Batbat din ang masteradong thesis na ito sa retorika ng lihim na kilusan ng CCP-NPANDFP. “Ang Andergrawnd sa Andergrawnd: isang pagsusuro tungo sa Pagsasateorya ng Panitikang Andergrawrnd (1968-1990) na iniharap sa Kolehiyo ng Sining noong June 1991. Bagamat iba ang saklaw at limitasyon ng dalawang pag-aaral na hindi maaaring ikumpara maliban sa ugnayan ng mga paksa, mga sekretong kilusan. Nakikita ko ang sarili kong pusisyon bilang anarkista. Malamang ay marami akong mapupulot sa parehong pag-aaral. Nais kong magteorya ng anarkismo sa konteksto ng Pilipinas kaya lamang nais kong palawakin pa ang ideya hindi tiwalag sa pangkaraniwang ideya na tungkol ang
4 anarkiya sa kaguluhan at pagbabasabog. Kaakibat nito ang paglalatag ng espasyo sa rebolusyon, palagay ko ay walang monopoloyo ang nabanggit ang tradisyunal na kaliwa. Ngunit, mayroong ugnayan ang Araling Pilipinas at Araling Pilipino, masusumpungan ito sa pagiging interdisiplinari ng parehong programa. Iba lang ang espasyo o lawak, pero hindi naman nakukompromiso ang lalim ng mga paksa dahil sa pagpili ng akmang mga layunin. Kagaya ng pagtatakda ng lalim at lawak ng mga suliranin, gayundin ang pagtatakda ng delimitasyon ng disertasyon. Sa ginawang disertasyon ni Madulla, ang pangkalahatang layunin ay nagsisimula rin sa katanungan: Mayroon bang espasyonng baklang kinikilala sa rebolusyong Pilipino? At tumuloy ito sa pagbibigay ng mga tunguhin ng pag-aaral: bibigyan hugis sa pamamagitan ng pagtukoy ng lawak at lalim ng pagtanggap? pagkilala at pagpapahalaga ng CPP-NPA-NDFP. Nilinaw din niya ang espasyong bakla sa rebolusyon ay abstraktong kosepto ng espasyo na nangangailangan ng atensyon ng mag iskolar. Samantala, para mabigyan ng mas tiyak na porma at struktura, inisa-isa din ang mga partikular na layunin: 1.
mailahad ang pangkasaysayan ng CPP-NPA-NDFP at ng mag baklang miyembro nito 2. mailahad ang mag karanasan ng mga bakla sa mga pangunahing lihim na organisasyon sa ilalim ng CPP NPA NDFP na nakikilahok sa parliamentaryong pakikibaka at sa armadong pakikibaka. 3. mailahad ang mag larangan, tunggalian at mga kapital na sangkot sa espasyong bakla sa pambansa-demokratikong pakikibaka.
Mga Transdisiplinaring Pamamaraan sa pangungulekta ng datos, interpretasyon Natatangi din ang pamamaraan para sa Masteradong thesis ni Saguid na nahahati sa dalawang bahagi, ang mga kalipunan ng malikhaing awtput at ang poetika o
Randy T. Nobleza Ika-13 ng Disyembre 2014 nd 11481161/ 2 Term 2014-15 AFL 606d: Teorya at Kritika (Multidisiplanari) malikahaing proseso. Ang pamagat ng ikalawang yugto ng mahigit sa 70 pahinang poetika ni Saguid ay “Ako ang tula at ang sariling tiyak at tama sa pagsilip sa bunganga ng araw.” Habang kumukuha ako ng malikhaing pagsulat sa UP ay sa UST pumasok si Joseph. Pareho kami ng eskwelahan hanggang elementary, bumaba lamang ako sa ng hayskul. Ang kasunod na naming pagkikita ay sa taunang UP Writers Night. Nanalo na siya sa Maningning Miclat Poetry Contest at nakapaglunsad na ng unang aklat. Pareho lang naman pala kmi ng interes at mga sirkulo ng mga manunulat. Hindi lang talaga kami nagpapangabot. Ani niya, “tuluyan lamang lumawak ang ideya ko ng tula nang lumuwas ako sa Maynila noong 2002 para mag-aral ng kolehiyo at magsimulang makabasa ng iba’t ibang akda at makasalamuha ang iba pang makata sa pamamagitan ng Thomasian Writers Guild.” Si Angelo V. Suarez ang pangulo ng TWG nang sumali ako rito noong unang taon ko sa kolehiyo. Siya rin ang pampanitikang patnugot ng The Flame, ang opisyal na lathalain ng Faculty of Arts and Letters ng Unibersidad… Isa pang kapansing-pansing katangian ng mag tula ng mag miyembro ng TWG ay pagiging retorikal ng mga ito. Madalas ang paggamit ng anapora, litany at paguulit ng mag mahahalagang bahagi ng tula. Mga ingles na tula ang una kong naisulat pagkasali sa TWG dahil siguro lahat ng nakakasama ko sa lingguhang palihan noon ay nagsusulat sa Ingles at wala pa akong gaanong nababasang mga aklat ng tula sa Filipino. Nagsimula lamang akong magsulat ng tula sa Filipino nang isang araw ay bigla akong sinabihan ni Gelo nang “palagay ko, mas magaling kang tumula sa Filipino.” Sabay pahiram sa akin ng Tinik sa Dila ni Cirilo Bautista at Edad Medya: mga tula sa katanghaliang gulang ni Pete Lacaba.
Habang siya ay kasali sa mga lingguhang palihan sa TWG, ako naman ay nahumaling sa UP Ugat (Ugnayan ng Galing at Talino ng mga Manunulat sa Filpino) at UP Quill. Iba’t iba ang mga interes namin, hindi man ako nakapaglabas ng aklat ay buwanbuwan naman kami naglalabas ng mga zine (mga photocopy ng mga sulatin tungkol sa pulitika at aktibismong anarkista) hanggang sa magsimula akong makahalubilo ng iba pang indibidwal at kolektibo naniniwala sa anarkismo.
6 Tulad ng proseso ni Saguid sa pagtula sa panahon na iyon, “lungsod ang pangunahing lunan ng mga tula sa pagsilip sa bunagnga ng araw. Namayani sa mga tula ang mga squatter’s area, aksidente sa lansangan, mga pulubi at basura. Dahil tumatak ang mag imaheng ito sa aking isipan bilang mag bagong karanasan na wala o hindi kapansin-pansin sa probinsya.� Sa ikatlong kabanata matatagpuan ang pamamaraan kung saan magkasama ang talakay ng pangungolekta ng datos at pagbibigay ng interpretasyon. Bilang guro sa probinsya ng estado kolehiyo sa Marinduque, maraming andergrad thesis na ang dumaan sa akin, palagiang puna ko ang methodolohiya. Ganito din ang oryentasyon ko sa UP, kung saan kasing halaga ng paksa at problematisasyon nito ang pamamaraan ng pagkuha ng datos at interpretasyon nito. Masusukat ang isang pag-aaral sa magiging ambag nito sa produksyon ng kaalaman. Bagamat maaari magkaiba ang pamantayan dahil sa angking hirarkiya ng mababa, mataas at higit na mataas na pag-aaral, para sa akin, anumang antas ay mayroon nang kontribusyon dapat ang akda sa pagpapayabong ng disiplina. Gayundin sa Araling Pilipino na may sariling paksa, kagaya ng matutunghayan sa unang kabanata sa mga sulirarnin at layunin. Kagaya ng nabanggit ko, ang methodolohiya at kasing halaga ng paksa. Ang disiplina upang maikonsidera na may saysay ay kinakailangan may kakanyahan din ang pamamaraan at lapit o dalumat. Nakikita ko, sa Araling Pilipinas ay mayroong ganap na mga paksa at pokus sa wika, kultura at midya. Hindi kagaya ng Araling Pilipino na bagamat hindi rin bababa sa tatlong disiplina ang kinakailangan ikumbina mula sa tatlong kolehiyo ng Arte ng Letra, Sentrong Asian at maging sa Sosyal Sayans at Pilosopi, masyadong bukas at malawak ang pusibilidad upang makapag-ambag sa disiplina. Nakita ko ito sa
Randy T. Nobleza Ika-13 ng Disyembre 2014 nd 11481161/ 2 Term 2014-15 AFL 606d: Teorya at Kritika (Multidisiplanari) andegrad na thesis nina Patrick A. Flores at Cir Ann A. Labitoria. Kahit pa nasa andergrad at mas kalitatibo ang pag-aaral, mainam itong preparasyon sa mas mataas na antas ng pag-aaral. “A research study on the music preferences among selected teenage students in Metro Manila” ay isang iniharap bilang kahingian sa Humanities Department noong April 1995. Medyo pormularyo ang kanilang lapit at pagkuha ng datos, descriptive-evaluative study ang disenyo ng pananaliksik na may kinalaman sa “popular” music, lipunang Pilipino at nasyunalismo. Nagagap naman sa pag-aaral nina Flores at Labitoria ang interdisiplinariti sa pananaw ng primarya at sekundaryang datos. Bagamat kumbensyal ang sarbey ng mga kabtaan mula sa iba’t ibang mataas na paaralan: St. Paul College, Ramon Magsaysay High School. De La Salle University at Mapua Institute of Technology, ay may inobasyon pa rin ang andergrad na thesis. Ginamit sa pag-aaral ang mga sekundaryang batis matatagpuan sa mga libro, dokumento at iba pang nakalimbag na materyal. Matutunghayan ang inobasyon sa kanilang kwestyuner. Detalyado at masinop ang ginawa nilang talatanungan para sa 400 na mga estudyante. Mayroong 30 Original Pilipino Music. Labing-isa ang maituturing na makabayan mula sa kabuang 30, kumbinasyon ng luma at kasalukuyang kantang OPM ang pinagpilian. Ang mga respondent ay inasahang pumili ng sampung kanta na palagay nila ay makabayan at pinakanagustuhan nila. Gumamit din sila ng skalang Likert na mayroong tumbasang VN (very nationalistic) 8-10 na kanta sa top 10, N (nationalistic) 3-7 na kanta sa top 10 at NN (non nationalistic at all) 0-2 na kanta sa top 10. Nagawan ng pagtatatsulok ang nakalimbag at kwestyunar nang magsagawa sila ng impormal na mga panayam sa mga susing kalahok, 12 piling estudyante mula sa apat na institusyon, tig-tatlong respondent ang pinili upang magbahagi ng mga ideya at ugnayan ng kanta sa pagiging makabayan.
8 Kaugnay nito ang pag-aaral na ginawa ni Lakangiting Caparanga Garcia noong Setyembre 2001. “Dijitalisasyon ng diksyunaryong pangmatematika pagpapalakas sa wika sa pamamagitan ng sumisibol na teknolohiya� ay disertasyon sa Wika at Panitikan: medjor sa Filipino. aklat ng terminolohiyang pangmatematika nina accalajado at Garcia
paglalagay sa kompyuter ng mag entri (enkowding) pagklasipika ng mga salita batay kay Raymond Williams
pagprogram pagdisenyo ng format prototype ng diksyunaryong dijital paggawa ng kwestyuner pagpili ng mag respondent
pagsusuri sa diksyunaryong dijital ebalwasyon ng mag resulta pagsasangkap ng mag resulta diksyunaryong dijital ng pagsusuri Parang balangas ng programa sa kompyuter ang kabanata 3 metodolohiya ni Garcia na mas kalitatibo. Hindi kagaya ng mas kwalitatibong lapit ni Madulla, una sa pangangalap ng datos: gumamit siya ng arkaybing at panayam para sa primaryang sangguniang gianamit. Mula sa mga dokumento ng CPP NPA NDFP na
Randy T. Nobleza Ika-13 ng Disyembre 2014 nd 11481161/ 2 Term 2014-15 AFL 606d: Teorya at Kritika (Multidisiplanari) nailathala at maaaring i-akses ng publiko. Samantala ang mga sekondaryong batis ang mga pakikipanayam sa mga matatagal ng miyembro ng partido at mga susing miyembro nito sa may kaugnayan sa paksa. Ang kalitatibong bahagi sa pananaliksik ay matatagpuan sa pagkakagamit ng kwentong buhay/ talambuhay. Ayon kay Madulla, ang kwentong buhay na sa kasalukuyan ay patuloy na pinauunlad sa larnagan sikolohiya. Clemen Aquino, pagbabahagi ng kuwentong buhay: isan panimulang pagtingin.� Gayundin sa pag-aaral ni Rosalinda Pineda ofroneo – mga kababaihang manggagawa sa bahay. Kwentong buhay ng mga sumusunod na mga baklang rebolusyunaryo: Ka teddy (30, halos 11), Ka Piolo (28, halos 9), Ka Karlo (29, halos 12), Ka Julio (32, halos 13), Ka Eden (40, halos 20), Ka Nayon (31, halos 12) at Ka Totoy (29, halos 9). Pinagmulan na pamilya, petibi, maralitang tagalungsod, panggitnang uri, katutubo. Bakgrawnd sa edukasyon, may kolehiyo, MA digri, lisensyadong guro. Hindi natapos sa elementary at hayskul.
mga lapit, dalumat at teorya ng transdisiplinaridad Malayo rin ang agwat at pagkakaiba ng ginawa ni Madulla at Garcia sa kanikanilang disertasyon. Kagaya ng proseso at pamamaraan, mas kalitatibo ang balangkas ni Garcia samantala mas kwalitatibo ang ginawa ni Madulla. Naalala ko rin ang teknolohikal na bahagi ng disertasyon ni Garcia na siyang sinubukan kong gawin sa masteradong thesis ko tungkol sa independent media center sa marinduque. Gumawa muna ako ng awtput tsaka ko pinasubukan sa mga taong pusibleng gumamit nito. Nagtagal ako hindi sa pagbubuo ng awtput kundi sa pagpapasubok nito. Bagamat gumamit ako ng mag instrumento tulad ng kwestyuner, gumamit ako ng mga teoretikal na balangkas na nagsimula pa noong andergrad ako. Mula sa bokabularyo nina Negri at Hardt, maging sa systems
10 theory ni Niklas Luhmann, ang mas mahirap na parte ay ang pagsubok ng naimbentong teknolohiya. Dijitalisasyon/ balangkas konseptwal Pagsulong ng teknolohiya Pagpaplano Sa wikang Filipino Filipino sa larangan ng matematika
Dijial na diksyunaryo sa matematika
Labi (residual)
umiiral dominant)
sumisibol (emergent)
Sa kabilang banda, sa pamamagitan ng malinaw na teoretikal na balangas, naipaliwanag ni Madulla ang kanyang paksa. Ang Bakla sa loob ng CCP-NPA-NDFP ay tumutukoy sa kasamang may piniling kasarian (bakla at lesbiyan). Malalim rin ang pinaghugutan ng mga dalumat at lapit mula kay Pierre Bourdieu, isang pranses na sociologist, anthropologist, philosopher at aktibista. Kilala sa larangan ng ethnography, arts, literaryure at mass media. Sinipi ni Madulla ang talakay ni Demeterio tungkol kay Bourdieu, ang habitus ay naituturing na isang system ang disposisyon sa pagkilos, pakiramdam at pag-iisip ng isang tao na hinubog ng obhetibong estruktura ng kanyang konkretong disposisyon.
Randy T. Nobleza 11481161/ 2nd Term 2014-15 (Multidisiplanari)
Ika-13 ng Disyembre 2014 AFL 606d: Teorya at Kritika
Kilos Damdamin isip Habitus
Estrukrturang panlipunan
Paghubog Pagpatibay Dagdag pa ni Madulla, ang field o larangan, na sinipi naman ang salin kay Bourdieu, “a field is a seprate social universe having its own laws of functioning independent of those of the politics and the economy.� Dagdag pa ni Demeterio, isang espasyo sa loob ng lipunan kung saan ang mga tao at institusyon ay dumidiskarte at nakikipagpaligsahan upang matamo ng mag kanais-nais na bagay. Kapital – isang kukunang-yaman o kasangkapan na maaaring gamitin ng isang tao o instiuston upang makamit ang mga minimithing-bagay o karangalan sa loob ng isang larangan. Capital ni Bourdieu (economic, cultural, social at symbolic). Mula sa presentasyon: introduction to pierre borudieu ni Demeterio.
Ekonomiko
kultural
Social
simbolikal
Hindi sa teoretikal na balangas matatagpuan ang ambag sa produksyon ng kaalaman kundi ang maaaring maimbentong mga bagong ideya at konsepto. Kagaya ng paliwanag nina Deleuze at Guattari ano ang pisolopiya? Para sa kanila, ang pilosopiya ay hindi pag-aaral ng mga konsepto at ideya kundi ang paggawa, pagpabrika at pag-imbento nito. Ito rin ang mahalagang ambag ni Saguid sa
12 Araling Pilipinas, bagamat nagsimula siya mas nihilistiko at pesismistikong pananaw sa Marinduque. Hindi naman natapos sa una niyang koleksyon. Sa paggitan ng pinaka-una at pinakahuli niyang koleksyon ay napilitan siyang bumalik sa kanyang kinalakihan at kinasanayan. Pinaliwanag niya ito sa ikatlong bahagi ng kanyang poetika nang magsimula siyang magpabasa sa kay Allan Popa ng mga trabaho niya. ang sarili ng iba sa kantilaho Kapwa kami humanga ni Gelo sa husay ng Morpo at Kami sa Lahat ng Masama at siya ang nagpayo sa akin na magpabasa ako ng mga tula kay Allan. Unang itinuro sa akin ni Allan ang ekonomiya ng salita sa pagtula, ang pagpili lamang ng pinakatumpak na mga salita para hulihin ang isang dramatikong tagpo. Naging isang proyekto ng depamilyarisasyon at re-imahinasyon ng lugar na kinalakihan ko ang kantilaho. Ang totoo, kinailangan kong gawin ang koleksiyong ito pagkatapos na tatlong taong pamamalagi sa Maynila dahil mula nang masanay ako sa kaabalhan at nasasaksihang walang tigil na pag-unlad at pagbabago ng lungsod, naging karaniwang reklamo ko nga sa aking mga magulang na “patay ang marinduque� na walang pangarap ng pag-unlad ang mga nanatili rito, ng kontenyto na ang mag tao sa simple nilang pamumuhay. Iyo ang sarili kong mas magaling at mas mulat kaysa kbabayang hindi pa nakatutuntong sa lungsod.
Kung babalikan ang pag-aaral ni Tolentino tungkol sa panitikang andergrawnd, mahalaga ang kritikal na panunuri ng ilang representatibong akda at porma ng panitikan. Ayon sa paglalarawan sa pag-aaral, matutukoy ang proseso ng pamamayani ng panitikan at kritisismo, partikular ang romantisisimo at bagong kritisismo. Kanon at pormalistikong panunuring tradisyong namamayani ay koersibo, pasista at nihilista. Ang paraan ng kirytikal na paniniro naman ng ilang piling akda at porma ay inaasahang makapagluwal ng bagong representasyon ukol sa panitikang andergrawnd. Matagal at kumplikado ang pangangalap ng materyales. Mula sa mga taong nakapagtipon ng mga isyu ng publikasyon, dokumento at manuskrito ng panitikang andergrawnd. At panayam ng mga peronaheng may kinalaman sa pangkultura at panitikang gawain ng kilusang
Randy T. Nobleza Ika-13 ng Disyembre 2014 nd 11481161/ 2 Term 2014-15 AFL 606d: Teorya at Kritika (Multidisiplanari) andergrawnd. Kaakibat nito ang mga tanong tungkol sa pulitikal na kasapian at gawain, panlipunang imbestigasyon, relasyon ng panitikan at lipunan, manunulat at lipunan, paksa at anyo, proseso ng produksyon at konsumpsyon ng panitikan at pamantayan ng bisa ng panitikan. Ibang klase ang nagawa ni Madulla, kung ang teoretikal na balangkas ay parang ehersisyo ng paggamit ng dalumat at lapit galing sa labas, ang kritika at nakalapat sa sariling danas at karanasan. Mula sa mga konsepto ni Bourdieu ng Field, Kapital at Habitus ay nakabuo ang mananaliksik ng sa transdisiplinaring lapit.
Baklang Aktibista’t
organisasyo n
ideolohika l
politikal
aktibista’t
Komunista epsasyo/larangan
Habitus kapital
kasamang
Pambansang demokratikong rebolusyon
komunista
habitus kapital
Nasa ibaba ang Teorya nang pagrampa bilang lente sa pagsusuri ng paglika at pag-angkin ng espasyo ng mga bakla ni Madulla. Malapit dito ang nauna kong pagtatangka sa andergrad sa thesis sa paggalaw na siyang literal na binubuo ng 1,000 pahina ay nauwi sa 100 pahina na lamang bilang flipside na bersyon ng nauna. Ang kasunod na pagtatangka ko ang Indymedia Marinduque bilang alternatibong kasangkapan sa pananaliksik at komunikasyon. Buhat sa kolaborasyon nina Deleuze at Guattari sa Anti Oedipus, ginamit ko ang ideya nila ng rhizome upang makabuo ng thesis sa paggalaw kahit ang flipside bersyon nito. Samantala, sa antas gradwado ang Indymedia Marinduque ay paglalapat ng mga lapit at teorya ng multitudes nina Negri at Hardt. Maging ang 1 st at 2nd order
14 observation ni Luhmann ay nagamit ko upang makabuo ng dalawang lente: ang ekontradiksyon (para sa pangungulekta ng datos) at blindspots ng pag-unlad (para sa interpretasyon at re-interpretasyon ng nakakuhang datos) RAMPA Tulay Kwento Buhay
Paglalakbay espasyong bakla
paglikha at pag-aangkin ng espasyo
Bilang paglalagom, ang kinalabasan ng thesis ni Saguid ay hindi na lamang isang koleksiyon ng tula kundi deklarasyon ng saysay ng mga makata sa kontemporaryong panahon: ang tula ay ang pakikipagkapwa ng makata. Para sa akin ito ang binhi ng transdisiplinal na Araling Pilipinas, na malaya sa pagpapalipatlipat ng mga paksa, pamamaraan at dalumat nang hindi nasasagkaan ng disiplinal, pulitikal at estetikong limitasyon. Matatagpuan sa transpormasyon ng Loob ang pinakahuling koleksyon ni Saguid ng tulad ang manipesto niya ng pakikipagkapwa ng makata. Ang epekto nito sa akin ay ang paggawa ng transversal na mga linyang matatagpuan sa karagatan at tubig, parang mga isla ang mga ideya at paksa tulad ng arkipelago. Kung kaya ang gagawin kong kasunod ay mapa ng asya pasipiko gamit ang transdisiplinal na pamamaraan sa paggitan ng mga university-based na mga studies center eg. Cordillera, Kapampangan, Bulacan, Cavite, Cebuano, Mindanao, Tayabas, Bulacan, Central Luzon, Batangas, Mindoro Studies center at mga nasa laylayan ng mga komunidad na mga info shop tulad ng Etniko Bandido, Onsite, Non Collective, Bahay Anarkulay, Balay Likhaan Tuklasan, Maharlika Integral Emergence, Greenhouse, Organic Minds, Mutual Aid not Charity, etc.