Randy T. Nobleza
Ika-13 ng Disyembre 2014
11481161/ 2nd term 2014-15 (Multidisiplanari)
AFL 606d: Teory at Kritika
Panimulang Anotasyon ng mga kalipunan, sekundarya at iba pang batis tungkol sa Dalumat at Kritikang Postmodern, Postmodernidad at Postmodernismo tungo sa transdisiplinaring Araling Pilipinas Masalimuot ang anumang ideya na hindi naguugat at nagsasanga sa sariling kultura, kaisipan at karanasan. Eurosentriko at Anglo-Amerikano ang dalumat ng Postmodern, ang saysay lamang nito sa Araling Pilipinas ay kung mailalapat ito batay sa sariling danas sapagkat hindi naman insuladong penomeno ang kaalaman at maging produksyon/ konsumpsyon nito. Sa konteksto ng mga institusyon kung saan pinapalaganap ito katulad ng mga produkto na maaaring mabili sa merkado, ang mga teorya at ideya ay mga produkto ng kapitalistang kalakalan. Pero imbis na ikonsumo ito nang buo, maaaring pumasok tayo sa proseso ng postproduksyon. Ito ang yugto ng produksyon kung saan tiwalag at kritikal sa pagkonsumo, ayon sa isang kritiko ng sining at curator na si Niccolas Bourriaud. Sa mundo ng sining, kagaya ng konteksto ng postmodern sa Europa at Amerika, ang mas mahalaga ay ang nirerepresenta nito kaysa sa mismong ideya. Kung kaya imbis na mahumaling sa ideya ng bagong teorya, maaari itong pagmulan ng kritisismo upang makabuo ng sariling dalumat na hango sa sariling sensibilidad at pangangailangan. Kagaya ng mga pangkalinangang diskurso na umusbong noong dekada 1960s sa porma ng pagsasakatutubo o kilusang indihinisasyon. Nagbunga ito sa tatlong tungko ng Araling Pilipino: Pilipinolohiya sa larangan ng antropolohiya, Sikolohiyang Pilipino sa larangan ng Sikolohiya at Pantayong Pananaw sa larangan ng Kasaysayan. Ngunit sa pangangailangan ng bagong proyekto ng Araling Pilipinas, may pangangailangan pagitawin ang tagpuan ng wika, kultura at midya. Mainam na pasimula ang kambal na libro ng
2 Kritisismo ni Soledad Reyes at Kilates ni Rose Torres-Yu tungo sa transdisiplinaridad. Mga Reader/ Kalipunan ng Babasahin Madalas na pagsimulan ng anumang pag-aaral ang mga antolohiya o reader tungkol sa isang paksa. Ang Postmodern, Postmodernidad at Postmodernismo ay ay hindi naiiba. Maraming mga nailimbag tungkol sa nabanggit na paksa, kagaya ng Routledge Companion. Nahahati sa dalawang bahagi: mga sanaysay at diksyunaryo. Ang unang bahagi ay binubuo ng 19 na mga sanaysay na nagtatalakay ng mga batis at naging bahagi sa pagbabago ng mga piling disiplina tulad ng pilosopiya. Critical theory, politika, peminismo, kasarian at sekswalidad, pamumuhay, relihiyon, postcolonial na mundo, agham at teknolohiya, mga organisasyon, arkitektura at iba pa. Samantala ang kasunod na bahagi ay binubuo ng mga susing salita, kontemporaryong gamit ng mga konsepto at kritikal na dating nito batay sa mga salalayan ng postmodernismo. Gayundin mainam na balikan din ang tambalan ng Modernismo at Postmodernismo sa antolohiyang inedit ni Cahoone. Nahahati sa tatlong bahagi nakasentro sa Europa at Englightement sa ilalim ng kategoryang Modernismo. Ang unang bahagi ay tumutukoy sa Modernong Sibilisasyon simula ng ika-19 na siglo at kaugnay nito ang mga kritiko nito. Ang kasunod na bahagi ay ang pagsasakatuparan ng proyekto ng modernidad o ng Enlightement. Bagamat hindi naman maaaring ipagpalit ang mga termino ng Enlightenment at modernidad o kaya naman mas masaklawa na kategorya ang Modernidad na siyang pwedeng paglagyan ng Enlightenment, malinaw na inilihaw ni Cahoone sa kanyang panimula ang mga detalye ng pagkakaugnay imbis na pagkakaibaiba nito. Ang huling bahagi ng antholohiya ay ang pagtatasa ng Modernidad bilang
Randy T. Nobleza
Ika-13 ng Disyembre 2014
11481161/ 2nd term 2014-15 (Multidisiplanari)
AFL 606d: Teory at Kritika
pangunahing imperatibo ng Postmodernismo. Samantala sa ginawang reader ni Docherty, bilang tugon sa pangangailangan na maipaliwanag ang Postmodernismo, ang salalayang theorista ng kaisipang ito si Jean Francois Lyotard ang siyang sinipi. Matatagpuan dito ang kabalintunaan ng Postmodernismo. Para kay Lyotard bago maging Moderno sa diwa nito bilang bago at kontemporaryo, ang isang bagay ay kinakailangang maging postmodern muna, “In amazing acceleration, the generations precipitate themselves. A work can become modern only if it is first postmodern,” buhat sa Answering the Question: What is Postmodernism? ni Lyotard. Ang paliwanag ni Docherty ang Postmodernismo ay hindi nangangahulugan ng pagtatapos o hudyat ng katapusan ng Modernismo kundi nasa proseso ng pagiging pa lang nito. Sa salita ni Lyotard, “postmodernism thus understood is not modernism at its end but in the nascent state and this state is constant.” Ngunit naiiba naman ang naging diskarte nina Natoli at Huctheon sa kanilang kalipunan. Imbis na si Lyotard ang pambungad, mas pinili nina Natoli at Hutcheon si Jurgen Habermas upang ipaliwanag ang relasyon ng modernidad at postmodernismo na matatagpuan sa kanyang konsepto ng “The Enlightenment Project.” The project of modernity formulated in the 18 th century by the philosophers of the Enlightenment consisted in their efforts to develop objective science, universal morality and law, and autonomous art, according to their inner logic. The 20 th century has shattered this optimism. The differentiation of science, morality and art has come to mean the autonomy of the segments treated by the specialist and at the same time letting them split off from the hermeneutics of everyday communication.” (Habermas, 1981 sinipi nina Natoli at Hutcheon)
4 Interesante ang simula ng libro ni Niall, bagamat nakasentro sa panitikan at problematisasyon nito ang kalipunan ng ibang akda, ipinaliwanag ang etimolohiya ng antolohiya. Mula sa Griyegong salita sa bulaklak (anthos) at koleksyon (logia), ang antolohiya ay literal na tumutukoy sa isang punpon ng mga bulaklak. Pero ang argumento ni Niall ay higit pa sa punpon ng mga bulaklak ang kasalukuyang antolohiya kundi, kung gagamitin ang konsepto ng rhizome nina Deleuze at Guattari, ang antolohiya tulad ng postmodern ay punpon ng mga sanga o damo. Anumang pagsusumikap na inorganisa ito sa struktura, taliwas sa imahe ng punong may sanga at ugat, ang rhizome ay tumutubo tulad ng damo o network ng mga ugat, sanga. Pinoproblematisa ang ‘genre’ o klasipikasyon ng panitikan tulad ng maituturang modernong nobela ni James Joyce na Finnegans Wake bilang pananda at krisis ng representasyon. Kung kaya lahat ng sumunod ay problematiko, lalo na ang postmodern na panitikan. Mas malapit naman at kaugnay ng transdisiplinaridad ang ginawang kalipunan nina Brooker. Ang ideya nito ay imbis na magsimula sa mga hiwahiwalay na mga punto o isla ng mga ideya tsaka pagdudugsongdugsungin, tumatawid sa paggitan ang transdisiplinaring kaisipan. Lumilipatlipat at hindi naglulunoy sa mga pribilisadong paksa na nagsasantabi naman sa ibang ideya. Mula sa mga kanonikong teksto ng Postmodern, pinagsumikapan na padaluyin ang mga kategoraryang nabuo mula sa larangan ng cinema at telebisyon. From the start ‘postmodernism’ has been elastic and somewhat nomadic term. It has ranged across the arts and culture on the one hand spotlighting particular texts, artists, buildings, and environments as conspicuously postmodern. While on the other hand, claiming to describe the whole contemporary period of advanced consumer society by naming either its dominant socioeconomic trends or its prevailing sensibility. (Brooker and Brooker, 1997)
Randy T. Nobleza
Ika-13 ng Disyembre 2014
11481161/ 2nd term 2014-15 (Multidisiplanari)
AFL 606d: Teory at Kritika
Mga sekundaryang batis Maliban sa pagkulekta ng mga pangunahing teksto ng mga theorista at pilosopo ng Postmodernismo, ang kasunod na antas ng transdisiplinaridad ay ang pagpoproseso at paghahain ng mga kritika. Imbis na pagsasama ng mga ideya sa iisang aklat ay kinakailangan din makapaglatag ng mga tanong upang hindi man masagot lahat ng ito ay magbibigay ito ng daan sa mga bagong libro. “All of these ‘post’ terms function as sequential markers, designating that which follows and comes after the modern. The discourse of the postmodern this involves periodizing terms which describe a set of key changes in history, culture and thought. (Best at Kellner, 1991) Kaugnay nito, ang ginagawa ni Bertens na bersyon ng Postmodernismo. Matatagpuan ang kritikal na panimula sa kasaysayan ng ideya ng Postmodern bilang pluralidad o pagkakaiba-iba. Susi sa pag-unawa ng konsepto ng Postmodern ang pagbibigay ng paliwanag ng mga nauna o precedent ng Postmodern tulad ng Modermismo at Modernidad. Gayundin, ipinaliwanag ni Bertens ang resulta ng Postmodern sa disiplina mismo ng Kasaysayan at Politika. Ang sentral na usapin sa libro ang ay ang tungkol sa pagbuo ng mga subheto mula sa yugto ng Enlightenment sa Europa bilang isang proyekto. Mas direkta naman ang kritika ni Malpas tungkol sa mga ubod ng ideya ng paksa ng Postmodern. Panimulang paglilinaw din ito tungkol sa tatlong magkakaugnay na mga termino: Postmodernismo, Postmodernidad at Postmodern. Sa paliwanag ni Malpas, ang Postmodernismo ay tumutukoy sa istilo o genre ng art o kaisipan. Samantala, ang Postmodernidad naman ay tumutukoy sa pangkasaysayang yugto o epoch na nakabaling sa Europa. At panghuli, ang Postmodern na tumutugon sa
6 pangangailangan maresolba ang krisis sa representasyon. Tinalakay ni Malpas paano sa likod ng pagkakaiba-iba, maipapaliwanag ang Postmodern sa maraming paraan buhay sa iba’t ibang disiplina. Nanalaytay naman ang ideolohikal na pusisyon at polemika sa libro ni Meynell. Marami pang aklat tungkol sa relihiyon at theolohiya ang matatagpuan sa learning commons, ngunit hindi na pinagtuonan ng atensyon. Maliban sa aklat ni Meynell kung saan polemiko ang pagkakasulay o tahasang kritikal sa ilang sangay ng Postmodernismo partikular ang Deconstruction ni Derrida. Bagamat ito ang maiiwan sa isipan ng magbabasa, hindi naman dito nagsimula ang talakay ni Meynell kundi sa proyekto ng englightenment. May relihiyoso at teolohikal na tuon ang aklat kaya ang paliwanag sa Bagong Enlightement ay nakasentro rin sa usapin ng diyos at relihiyon. Bagamat maraming iba’t ibang saray ang Postmodernismo, dalawa lamang sa larangan ng pamimilosopiya ang pinagbuntunan ni Meynell ng kanyang kritika. Ang isang sangay ay tungkol sa mga ginawa ni Foucault at Derrida at ang kasunod na saray ay may kinalaman sa mga trabaho ni Lyotard at Rorty. Problematiko ang pag-uugnay ng mga pilosopo na mas nakaklaskipika sa Continental Philosophy kaysa Anglo-American na tradisyon. Sa apat, maliban kay Rorty ay bahagi ng Eurosentrikong kilusan sa ideya ang napili upang talakayin. Komiks Para sa akin ang pinakamataas na antas ng transdisiplinaridad ay ang malikhaing produksyon ng mga ideya kagaya ng komiks nina Appignanesi at Garrat. Pinakamagaan na lapit sa Postmodernism, imbis na mga salita at konsepto lang ay sa paraang komiks ang ginamit nina Appignanesi Garret. Bagamat walang listahan ng mga paksa tulad ng kumbensyonal na libro, ang komiks ay nahahati sa
Randy T. Nobleza
Ika-13 ng Disyembre 2014
11481161/ 2nd term 2014-15 (Multidisiplanari)
AFL 606d: Teory at Kritika
4 na bahagi. Walang tiyak na simula ang panimula kundi sa isang listahan ng mga pusibleng kahulugan ng Post (bilang resulta ng modernism, aftermath, afterbirth, pag-unlad ng modernism, pagtiwalag at pagtaliwas sa modernidad.) ang unang bahagi ay pagbibigay ng mga susing kilusan sa larangan ng sining tulad ng impressionism, cubism, abstract at magkakasabay o kotemporaryong eskwelahan ng kaisipan (Dutch De Stijl, Weimar Bauhaus, Italian Futurism, Russion Constructivism, American Abstract Expressionism, Dada at Surrealism). Sinuma nina Appignanesi at Garrat ang Postmodernismo sa tatlong baytang ng pag-unlad sa sining ang Postmodernism. Ang unang yugto ay krisis sa pananagisag ng realidad, ang kasunod ay paglalatag (presentation) ng hindi maaaring ilahad (unpresentable) at ang huli ay hindi-representasyonal (conceptualism) o pagaabandona ng anumang estetikong proseso.
Mga Sanggunian: Appignanesi, Richard at Garrat, Chris. Introducing Postmodernism. (1995) Totem Books: New York, United States. Bertens, Hans. The Idea of the Postmodern: a history. Routledge: London, UK at New York, US. Best, Steven and Kellner, Douglas. (1991) Postmodern Thoery Cirtical Interrogation. MacmillanEducation: Hampshire, London. Brooker, Peter and Brooker, Will (editors) Postmodern after-image: A reader in film, television and video. Arnold Hodder Headline Gorup. London: UK Cahoone, Lawrence (editor) From Modernism to Postmodernism: An Anthology (1996) Blackwell Publishers: Massachusetts: United States. Docherty, Thomas (editor) Postmodernism: A Reader. (1993) Columbia University Press: New York, United States. Lucy, Niall (editor) Postmodern Literary Theory: An Anthology. (2000) Blackwell Publishers: Oxford, United Kingdom
8
Malpas, Simon. The Postmodern (2005). Routledge: United States of America at Canada. Meynell, Hugo (1999) Postmodernism and the New Enlightenment. Catholic University of America Press: United States. Natoli, Josepth and Hutcheon, Linda (1993) A postmodern Reader. State University of New York Press: New York, USA Sim, Stuart (editor) The Routledge Companion to Postmodernism. (2011). New, York. United States and London, United Kingdom.