Pagbawi ng Muni Transit

Page 1

Transit Recovery

14 Point Plan Pagbawi ng Muni Transit Fall 2020 San Francisco, California


Pagbawi ng Muni Transit Sa mahigit 100 daang taon, ginampanan ng Muni ang isang napakahalagang papel sa kaayusan ng lipunan ng San Francisco. Iniuugnay namin ang mga tao sa pamilya, komunidad at oportunidad. Isinusulong ng Muni ang San Francisco, ngunit ang pandemyang COVID-19 at ang epekto nito sa aming badyet ay makakaapekto sa transportasyon sa mga darating na taon. Kung ano ang takbo ng krisis sa kalusugan na ito ay hindi pa alam. Marami sa aming mga kostumer ang nais malaman kung ano ang nasa hiniharap ng Muni. Nakikibagay kami sa sitwasyon upang maaabot ang mga nagbabagong pangangailangan sa transportasyon ng mga taga-San Francisco. Ilan ito sa mga bagay na dapat mong malaman tungkol sa ginagawa namin at kung paano gumamit ng Muni.

2


1

Pagpapanatiling Malusog ng Aming mga Tapat na Manggagawa Ang pinakamataas naming priyoridad ay bawasan ang panganib na mahawaan ang aming masisipag na mga kawani. Gumagamit kami ng harang upang paghiwalayin ang aming mga operator mula sa mga kostumer, namamahagi ng kagamitan na pamprotekta sa sarili, tulad ng mga mask at guwantes, at nagbibigay ng dagdag na mga opsyon sa pagliban sa trabaho para sa lahat ng kawani kabilang ang mga operator na masama ang pakiramdam nang sa gayon ay manatili sila sa bahay. Patuloy kaming nakikipagtulungan nang mabuti sa San Francisco Department of Public Health at ginagabayan ng pinakamahuhusay na gawi mula sa ibang mga ahensiya ng transit upang maprotektahan ang aming mga kawani.

2

Pagpapaigting ng Sanitasyon Pinaigting namin ang sanitasyon sa aming sasakyan at istasyon upang sundin ang pinakamahuhusay na gawi para bawasan ang pagkalat ng COVID-19. Ang mga tagalinis ng sasakyan ng Muni, katiwala ng istasyon, at mga tauhan ng paratransit ay naglilinis at nagdidisinfect ng mga sasakyan at mga lugar na nahahawakan nang madalas. Kasama sa sanitasyon ng sasakyan araw-araw ang ligtas at matapang na disinfectants pagkatapos ng serbisyo. Ibig sabihin, ang bawat Muni operator ay sisimulan ang kanilang rilyebo gamit ang sasakyang nasanitize mula ng huli itong ginamit. Tapos na ang maiging paglilinis ng Muni Metro subway bago pa ang pagbubukas ng riles sa Agosto.

3


3

4 5

Pag-isipan na Maglakad, Magbisikleta, Sumakay sa Ibang Pumapasada o Bumiyahe sa mga Oras na Di-gaanong Abala Bago Sumakay ng Muni Habang ang pananatili sa bahay ay ang pinakamahusay na paraan upang ihinto ang pagkalat ng COVID-19, naiintindihan namin na maraming mga tao ang kailangang maglakbay sa labas ng kanilang bahay. Tulungan makatipid ng puwang sa Muni para sa mahahalagang manggagawa at nakasalalay sa transit na San Franciscans sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang kung maaari kang kumuha ng bisikleta, magbahagi ng paggalaw, maglakad o maglakbay nang hindi gaanong abala bago sumakay sa Muni. Ibibigay din ang data sa SFMTA.com/ COVID sa hindi gaanong masikip na mga oras sa iyong linya ng Muni upang tulungan ang mga customer sa pagpaplano ng kanilang mga paglalakbay. Nagsusumikap kami upang gawing ligtas, komportable at mas magagamit ang mga kahalili. Matutulungan ka ng mga kahaliling ito na ilipat ang tungkol sa San Francisco nang hindi nag-aambag sa pagbabago ng klima at kasikipan ng trapiko na maaaring makapagpalit sa aming paggaling sa ekonomiya.

Mga Pantakip sa Mukha: Kinakailangan Para Sumakay Kinakailangan ang mga pantakip sa mukha na nagtatakip sa iyong ilong at bibig para sa mga indibidwal na dalawang taong gulang o higit pa habang nahihintay o sumasakay ng Muni. Gawin mo ang iyong bahagi para mapanatiling ligtas ang mga operator namin at ang mga kapwa mong kostumer: magsuot ng pantakip sa mukha.

Sumakay Nang Tahimik at Walang Kontak Upang Tumulong na Mabawasan ang Panganib Para sa Lahat Walang Kontak na Pagbabayad: Isaalang-alang ang paggamit ng iyong Clipper Card o MuniMobileÂŽ para magbayad ng iyong pamasahe. Ang paggawa nito ay tutulong na mabawasan ang pannganib para sa sarili mo at sa aming mga operator. Sa paggamit ng iyong Clipper Card o MuniMobileÂŽ ay makakatipid ka rin ng $0.50 sa pamasahe mo na pang-adulto. Maaaring kumuha ang mga kostumer ng Clipper Card online o sa mga kalahok na tindahan ng Walgreens. Ang MuniMobileÂŽ app ay makukuha sa mga iTunes at Android store. Ang Clipper START, isang eksperimental na programa na panrehiyon, ay nag-aalok ng mga diskwento sa isang sakay para sa mga adulto na mababa ang kita. Nag-aalok din ang SFMTA ng diskwento sa pamasahe para sa mga adulto at nakatatanda na mababa ang kita, sa kabataan at sa mga taong may kapansanan. Sumakay Nang Tahimik: Sa loob ng sasakyan, ang mga pasahero ay pinapayuhang huwag mag-usap, kumanta o ibang pagsasalita na maaaring maging sanhi ng pagtilamsik ng droplets dahil ito ay napag-alamang tumutulong sa pagkalat ng virus 4


6

7

Pagbabalik ng Serbisyo Ayon sa Makakaya ng Aming Badyet Ang pandemyang COVID-19 at ang epekto nito sa aming badyet ay makakaapekto sa transportasyon sa San Francisco sa mga darating na taon. Bumagsak ang kita ng SFMTA para sa lahat ng bahagi nito. Kasabay nito, ang gastos sa pagbibigay ng mga serbisyo ay tumaas nang husto. Ang mga resultang ito ay maaaring lumikha ng katakut-takot na pinansyal na pananaw para sa SFMTA na mangangailangan ng mahirap na desisyon kung aling mga serbisyo ng ahensiya ang maaaring magpatuloy. Uubusin namin ang aming pondo upang matustusan ang aming kasalukuyang serbisyong nabawasan nang malaki.

Pagbibigay-priyoridad sa Aming Serbisyo at mga Limitadong Mapagkukunan Upang Suportahan ang Pagkakapantay-pantay at Umaasa sa Transit na mga Taga-San Francisco Sa pagpapasya kung paano ibabalik ang serbisyo, kami ay nakapokus sa: • Pagtugon sa pangangailangan ng masasakyan na natukoy sa panahon ng pandemya; • Pagbibigay-priyoridad sa serbisyo para sa mga taong pinakanangangailangan nito Dapat kaming maging matalino sa aming mga limitadong mapagkukunan. Obligasyon namin ang paglingkuran ang mga taong umaasa sa transit araw-araw upang makaraos. Itutuloy namin ang pagbibigay-priyoridad sa serbisyo upang isulong ang pagkakapantay-pantay at sa pinakamahihinang komunidad sa San Francisco. Ang mga pinto sa harapan ay inireserba para sa mga pasahero na kailangang gumamit ng rampa o kneeler. Para sa lahat ng ibang pasahero, mangyaring gamitin ang mga pinto sa likuran.

5


8

Paglilingkod sa San Francisco sa Limitadong Kapasidad ng Aming mga Sasakyan Ipinagpapatuloy namin ang pagsunod sa payo ng San Francisco Department of Public Health tungkol sa kapasidad ng aming mga sasakyan. Hinihikayat ang mga customer na panatilihin ang distansya mula sa ibang mga pasahero hangga’t maaari upang bawasan ang panganib ng hawaan. Minsan, kung nagsisiksikan na sa mga sasakyan, maaaring laktawan ng mga operator ang mga hintuan o hindi na tatanggap ng pasahero upang protektahan ang kaligtasan ng lahat ng nakasakay. Hinihiling namin sa aming mga pasahero na maghanda sa mas matagal na biyahe, magpasensiya at maghintay ng susunod na bus kung puno na ito.

9

Paggamit ng mga Transit Lane para Mas Padalasin ang Biyahe, Bawasan ang Siksikan Ang paggawa ng mga pansamantalang transit lane na pang-emerhensya ay tutulong na protektahan ang pampublikong kalusugan sa pamamagitan ng pagbawas sa siksikan at pagpapahusay sa mga oras ng biyahe ng customer ng Muni. Gamit ang mga transit lane ay makukumpleto ng mga bus ang ruta sa maikling oras at makakabalik sa biyahe nang mas mabilis, kaya makapagbibigay kami ng mas maraming serbisyo sa parehong bilang ng bus. Dahil sa aming limitadong mapagkukunan, tutulong sa Muni ang mga transit lane na magpasakay ng pasahero nang mas madalas, na babawas sa siksikan at mas magpapaluwag sa loob ng sasakyan para mapanatili ang distansya. Mababawasan din ng mga kostumer ang posible nilang pagkahantad sa COVID-19 kapag pinaikli ang oras ng kanilang biyahe. Ang mas madalas na serbisyong ito ay mas mainam sa pisikal na pagdidistansya sa mga rutang maraming sumasakay para sa mahahalagang biyahe. Nagagawa namin ang mga pagbabagong ito dahil sa mas marami na ang empleyado at may mga karagdagang programa sa paglilinis ng bus. Ang mga desisyon kung saan mas padadalasin ang Muni service ay batay sa datos ukol sa dami ng pasahero..

6


10

Pagiging Tapat Ukol sa Aming Datos Upang Tulungan ang Publiko na Maintindihan ang Aming mga Desisyon Lumikha kami ng isang dashboard kung saan makikita mo ang data na nagpapaalam sa aming paggawa ng desisyon sa SFMTA.com/COVID19 bilang bahagi ng aming pangako sa transparency, kabilang ang pampublikong pang-araw-araw na pagsakay, kita at iba pang data na magagamit..

11

Pakikipagtulungan sa Komunidad Upang Hubugin ang Aming mga Hakbang na Pang-emerhensya Ang krisis ng COVID-19 ay hinihiling sa amin na gumawa ng agarang mga pagkilos. Isinasagawa ang pakikipag-ugnayan sa pamayanan upang maunawaan kung ano ang gumagana at kung ano ang maaaring mapabuti, na tinitiyak na ang mga tradisyunal na mga marginalized na komunidad ay inuuna sa pagpapasya. Ang SFMTA ay nakikipagtulungan sa mga samahang batay sa pamayanan, mga lokal na negosyo, kapitbahay at iba pang mga stakeholder upang kumuha ng puna tungkol sa balangkas ng pagsusuri at proseso para sa pagsusuri, pag-aayos o potensyal na kahit na alisin ang mga hakbang sa emergency sa real-time. Ang mga hakbanging ito para sa emerhensiya ay pansamantala at mangangailangan ng isang karagdagang proseso ng publiko at pag-apruba kung sila ay gawing permanente pagkatapos na ang estado ng emerhensiya ay tinanggal. Nakikipagtulungan kami sa komunidad upang suriin at ayusin ang mga hakbang sa emerhensiya tulad ng pansamantalang mga linya ng pagbibiyahe sa real-time. Kasama sa mga lugar ng pagsusuri: mga benepisyo sa kalusugan at kaligtasan, equity, mga epekto sa kapitbahayan, pagganap ng transit at marami pa.

7


12

Pagpupuno ng mga Kakulangan Alam naming naging mahirap para sa mga kostumer ang mga pagbabago sa Muni service, lalo na sa matatanda at mga taong may kapansanan na hindi posible ang paglalakad pa papunta sa hintuan ng Muni o para sa mga taong umaasa sa aming serbisyo sa dis-oras ng gabi. Dahil pinangangasiwaan din namin ang mga kalsada, mapapalawak namin ang mga opsyon para sa ligtas na paglalakad, pagbibisikleta, mga taxi at scooter. Upang punan ang mga kakulangan, may ilang programa kami para tumulong: Ang Essential Trip Card Ang Essential Trip Card ay tutulong sa matatanda at mga taong may kapansanan sa pamamagitan ng pagbabayad ng bahagi sa limitadong mga biyahe sa taxi para sa mahalagang pamimili, appointment sa doktor at iba pang pangangailangan. Gamit ang Essential Trip Card, magagawa ng mga kalahok ang mga mahahalagang biyahe sakay ng taxi na 20% lamang ng metro ng pamasahe ang babayaran. Paratransit Kung sa pakiramdam mo ay hindi mo magawang gumamit ng Muni nang mag-isa sa ilan o lahat ng pagkakataon dahil sa kapansanan, maaari kang magsumite ng aplikasyon para sa ADA Paratransit service. Ang mga paratransit van at taxi service ay patuloy na tumatakbo para magawa ng mga customer ang mahahalagang biyahe. Kinakailangan ang pantakip sa mukha kapag sumasakay ng anumang van o taxi at nililimitahan namin ang bilang ng pasahero sa mga van upang mapanatili ang sosyal na distansya. Hinihiling namin sa mga pasaherong mag-iskedyul at gumawa lamang ng mga mahahalagang biyahe. Mababagal na Kalsada Ang Mga Mababagal na Kalsada na programa ng SFMTA ay idinisenyo upang limitahan ang trapiko sa partikular na mga residensyal na kalsada para gawing kanais-nais at madaling gamitin ang mga ito para sa mga taong nais maglakad, magbisikleta, mag-scooter, mag-skateboard o ibang mga paraan ng micromobility. Sa buong lungsod, higit sa tatlumpung pasilyo ang nasa plano o nailagay na. Programang Essential Worker Ride Home Ang programang Essential Worker Ride Home (Sakay Pauwi Para sa Mahalagang Manggagawa) ay sumusuporta sa mga mahahalagang empleyado sa San Francisco. Nag-aalok ang programa ng pagsakay sa taxi pauwi ng bahay mula sa trabaho para sa mga kwalipikadong kalahok. Upang maging kwalipikado, ikaw ay dapat isang mahalagang manggagawa na bumibiyahe papunta sa trabaho gamit ang uri ng transportasyong hindi nakakasira ng kapaligiran. Dagdagan ang kaalaman tungkol sa pagiging kwalipikado at kung paano mag-aplay sa website ng SF Environment. 8


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.