2 minute read

Jeepney Press / Anita Sasaki

Kwento ni Nanay

ni Nanay Sasaki

Advertisement

EVERY GISING IS A BLESSING

Nandito po tayo para mag kuwentahan po.

Bakit ang palaging usapan natin sa buhay ay ang walang kamatayan na problema sa PERA PERA PERA? Bakit laging ito ang problema? Hindi pa rin nabibigyan ng solusyon ang problemang ito.

Alam nyo ba ang solusyon? Ito ay ang tiwala natin sa DIYOS. Paulit ulit na sinasabi ng Diyos sa atin. Huwag kayong mag alala. Do not worry, and yet we have not learned this lesson. Kapag na solusyonan ang problema natin, sino ang pinapasalamatan natin? Di ba ang DIYOS? THANKS BE TO GOD! ALLELUIA!!!

Wala pa akong nakitang tao na kapag nasolusyunan o nagwagi sa problema ay nag papasalamat sa pera. THANKS BE TO MONEY. MY PROBLEMS ARE SOLVED. Wala di po ba? Kasi alam natin that there’s one reason that can solve all of our problems. That is money. And yet we keep chasing money. This is the trick of the devil. Hindi po ba ito din ang ginawang temptation ng devil kay Hesus. Sinabi kay Hesus, “I will give you all the possessions, all the kingdom, kung ikaw ay luluhod sa akin.”

Kapag mayaman ka, problema mo kung paano mo mapapanatili ang pera. Pag single ka, problema mo ang pang lakwatsa at pang date. Pag bata ka, problema mo ang pambili ng pagkain sitsiriya. Pag matanda ka na, problema mo ang pambili ng gamot at bitamina. Kapag buhay ka, problema mo pera kailangan mo pangtawid gutom. Kapag patay ka na, problema din ang pang kabaon at panglibing. Pero alam natin na hindi lang ang pera ang tanging solusyon sa lahat ng bagay.

Ngayon posible bang mabuhay sa mundo na walang pera? Posible. PAPAANO???

It is possible to live without money if we live like Jesus. With a heart like Jesus.

Kahit wala kang pera basta magtiwala ka kay Hesus. Hindi ka pababayaan ng DIYOS. Kung ang mga ibon nabubuhay, tao pa kaya? Ang tanong ay… do we trust God more than money?

“HINDI MO KAILANGAN MAGING MAYAMAN O MATAAS NA PINAG-ARALAN UPANG MAKATULONG SA KAPWA MO PILIPINO.”

Nanay Anita Sasaki

Jeepney Press

This article is from: