3 minute read
Jeepney Press / Jasmin Vasquez
MOVING ON ni Jasmin Vasquez
Bully sa Japan
Advertisement
Hindi lamang sa mga school dito sa Japan ang maraming bully. Marami din sa loob ng kaisha kung saan ka nagtatrabaho. Lalong lalo na sa mga dayuhan katulad ko. Huwag nating hayaang apihin tayo ng mga sakang na yan, kahit pa sarili nila itong bansa nila.
Katulad nila, tayo din ay mga taxpayer ng bansang ito. Mapa trainee ka man o may asawa, deborsyado o anu pa man, kabilang tayo sa mga residenteng naninirahan dito. Kung ang binabayaran nila sa gobyerno ay binabayaran mo rin at kung ang trabaho nila sa loob ng kaisha ay ginagawa mo rin ng tama? Aba! Eh, wala silang karapatang api-apihin ka at asarin ka.
Karamihan sa atin, lalo na tayong mga Pilipino ay matiisin tayo. Tama naman iyon, kaya lamang eh huwag hayaang mamihasa ang mga ganyang klaseng pag-uugali. Lalo silang dumadami, lalong lumalala ang sitwasyon kapag palagi lamang tayo nag titiis na tayo ay saktan nila, masasanay na silang parating ganon. Hindi lamang sa pisikal maging sa berbal o pananalita lamang ay huwag nating hayaang gawin sa atin ang mga iyon. Wala ni isa man sa kanila ang may karapatang kawawain tayo sa trabaho.
Kamakailan lamang ay may napabalitang mga trainee dito sa Japan na sinasaktan ng kanilang mga kasama sa trabaho. Mabuti ngayon at nagkaroon na ng lakas ng loob at nagsampa ng kaso. Ilang taon na pala syang nagtitiis. Kaya para maiwasan ang mga ganitong pangyayari, magsumbong agad sa iyong leader o sa agency na may hawak sa inyo. Kung hindi ka nila pakikinggan, maari kang lumapit sa Labor O ce. Marami kang pwede lapitan.
Ilan sa mga sumusunod ay makakatulong sa inyo kapag kayo ay naka encounter ng kahit anong problema tungkol sa trabaho. Kung may mga katanungan, dyan nyo malalaman ang mga kasagutan.
Japan Institute for Labour Policy and Training JETRO – Information about Japanese Labour Laws translated into English for investors (useful for you, too).
Hello Work – This is the office to go to if your company is doing something illegal and you need to report it. (Japanese) Japan Law Translation – An invaluable source if you want to look up specific laws to cite when you think your company is doing something illegal. Ministry of Justice PDF of Civil Code – Very useful, English and Japanese.
Kailangan natin manindigan sa ating mga karapatan kahit saan man tayo sa lupalop ng mundo mapunta. Huwag tayong mag pa-api dahil yan lang mayroon tayo. Hindi man tayo mayamang katulad nila. Kailangan may prinsipyo ka sa iyong buhay.