11 minute read

Jeepney Press / Isabelita Manalastas-Watanabe

Take it or Leave it!

ADVICE NI TITA LITS

Advertisement

ni Isabelita Manalastas-Watanabe

Dear Tita Lits:

Nabasa ko po iyong column ninyo about Pangkabuhayan. Akala ko po ay magbibigay kayo ng payo tungkol sa covid, kaya lang parang ayaw ninyo.

Ang aking tanong po ay hindi naman tungkol kung ano ang pinsala sa ating lahat ng covid o kung dapat bang magpabakuna, o hindi. GUSTO KO LANG PONG UMUWI at baka naman during the pandemic ay nagkaroon kayo ng pagkakataon na makauwi, at magbigay ng payo kung ano ang dapat gagawin o dapat hindi kalimutang gawin.

Tatlong taon na po akong hindi nakakauwi. Kasi normally once in two years lang po ako nakakauwi, dahil po sa gastos, di-lang sa ticket ng eroplano, pati na po ang paglabas-labas sa mga restoran kasama ang pamilya. At kung tumama pa sa Pasko ang pag-uwi, mga regalo pang dapat bilhin at bibitbitin. Pero sobra na po akong nalulungkot. Parang napa-praning na ako dahil sa pag-aalala na baka magka-covid ako, ma-ospital dito sa Japan, at di-ko man lang makita ang mga magulang ko at mga kapatid.

OK lang po akong gumasta, dahil pinag-iipunan ko talaga ang twice a year kong pag-uwi. Ano po ba ang aking mga preparasyong gagawin para smooth naman po ang pag-uwi ko?

Cris Chiba

Dear Cris:

Naku, parang pinagtiyap ng panahon ang sulat mo! Nasa Pilipinas ako ngayon – bigla akong umuwi ng walang pasabi sa aking asawa, nanay at ibang mahal sa buhay (na nasa Pilipinas, at ako naman ay katulad mo ring parang napa-praning na sa pagkakulong ng dalawang taon sa Japan dahil sa covid).

Actually, hindi naman ako nagkulong sa aking super liit na mansion (bakit kaya mansion ang tawag ng Hapon sa ating tiny, tiny condos, ano?) – hindi lang ako kumakain ng dinner sa labas. Breakfast at dinner, sa mansion. Lunch, always late lunch, para hindi na marami ang tao sa restaurants na malapit sa aking opisina. Araw-araw akong nag-ko-commute sa train, at siyempre, takot ding mahawa o makahawa, kaya naka-mask palagi, pati sa loob ng office. Kapag naha-hatching ako, or uubuhin sa loob ng train, naku, pigil na pigil ako, dahil praning din siguro mga Hapon, lalo na at medyo sumikip na ulit ang mga densha natin sa pagbalik ng mga office workers sa kanilang mga kaisha.

Uuyyy… lumayo yata ako sa pagsagot sa tanong mo! Sorry!

Around the middle of December 2021, sabi ng asawa ko, green na daw ang classification ng Japan, per advisory from the Japanese Embassy in Manila. So ang mga international travelers from Japan, maikli na lang ang hotel quarantine – hindi 10 days; hindi na 5 days; but mga 3 days na lang, then swab test sa quarantine hotel, at kung mabilis ang labas ng resulta, on the 4th day, pwede ng mag-check-out.

Sus, mabilis pa ako sa alas kwatrong nag-book ng pinakamurang ticket at nakakuha ako ng Dec. 21, 2021 na flight to Manila. Dati, umuuwi akong malimit derecho sa Clark, kasi 10 minutes lang ang layo ng Clark Int’l Airport, sa retirement house namin sa Angeles City. Ang mahal pa rin ng ticket, kahit ito na ang pinakamura compared to other airlines (hindi direct flight sa Manila kasi – may lay over sa Seoul/Incheon).

Illustration: International Travel during covid by Dennis Sun

Heto ang experience ko, kung saan, hopefully, ay makapulot ka ng valuable lessons:

1. I-check mo ang bus or train schedules for your flight from Narita or Haneda.

• Dahil sanay akong mag-limousine bus from TCAT (Tokyo City Air Terminal) at malimit akong umuwi before the pandemic, memoryado ko na halos time table for my bus to the Haneda or Narita;

• Dumating ako sa TCAT ng may palugit na 20 minutes para sa bus ko;

• Pagdating ko, may umalis na na limousine bus – nagpalit na pala ang time schedule dahil sa pandemic! Sabi ko, next bus na lang – e, another 1 ½ hours or so pa daw, ang next bus - ma-le-late ako sa flight ko;

• Bilis-bilis akong nag-taxi for Tokyo station, para mag Narita Express train na lang ako. All cancelled daw, at ang next train ay early evening na!

• So ano pa ang choice ko if I have to be on time for check-in sa 1:20 pm flight ko? Taxi! (Lumipad ang aking almost JPY30,000 in the air, bayad sa taxi at sa toll fees!)

2. Bago flight, siyempre required ng Pinas ang RT-PCR test. So nagtanong naman ako sa aking kapatid na magpa-fly sa US, at sa isang Hapon na kaibigan ko na uuwi sa Pinas ang Pinay na asawa. Entonses, nakuha ko name and tel. no. ng clinic at nag-reserve na ako. Nong nire-review ko ang requirement ng airline ko (dapat within 72 hrs ng flight ang RT-PCR test required ng Pinas), I decided to call the clinic and postpone a little ang test. Noong nag-uusap kami ng receptionist, by chance ko lang nalaman na hindi pala acceptable sa Pilipinas yong ni-reserve kong test! Nakapag-bayad na pa naman ako in advance by credit card sa clinic. Clinic referred me to another clinic and I made another appointment;

3. Noong mag-tse-check-in ako, nasaan daw iyang QR code na kailangan before I can check in. Sabi ako, ano iyon? Dala ko naman hard copies ng aking vaccine certificate (issued by my ward office), and the negative RT-PCR Test result, and my confirmed flight/hotel quarantine booking sa Manila. Ang bait naman ng isa nilang ground stewardess, itinabi ako sa isang corner (para naman maka-check in na iyong nakapila behind me), at sabi, tulungan akong mag-download ng QR code where you will input all pertinent information, including uploading of your vaccine certificate and your negative RT-PCR test results;

4. Buti na-delay ang flight, kung hindi, hindi ako makakahabol sa boarding. Ako na lang ang last passenger sa check-in counter. Kasi ba naman, 4 times kaming nagta-try matapos ang pag-fill up ng data to get the QR code, pero nagha-hang, and then ulit na naman kami. Finally, hay, lumabas din ang QR code at tumakbo kami ng ground stewardess para mag-immigration na ako at makasakay sa eroplano ko.

5. Pagod at gutom ako ng lumapag ang eroplano sa NAIA after lay-over sa Seoul/Incheon. Parang sementeryo halos ang Incheon airport na dati ay napaka-lively. Sarado kasi halos lahat ng shops pati yong 2nd floor na nandoon ang ibat-ibang restaurant. Impressive pa rin ang airport sa Seoul/Incheon at may sign pa na “This is a Covid-free Airport‘’;

6. Lumapag ang eroplano sa NAIA, mga 11 pm local time na. Nakarating ako sa aking quarantine hotel sa Ortigas ng 2:00 am, kasi 3 hours bago ako nakalabas sa NAIA. Not because may covid testing, but because super malas din siguro ako noong Dec. 21, at super grabe ang proseso sa NAIA;

7. Paglabas sa eroplano, may alcohol for arriving passengers. Siyempre, tayong nasa Japan, sanay na sanay ng makita kahit saan pumunta, ng mga alcohol disinfectant. So punta ako and pressed the container – empty! Hay, naku, ano lang ang magiging impression ng mga arriving passengers, particularly non-Filipinos sa bansa natin?

8. Then, may isang young female airport employee, para i-check ang QR code ko (na pinag-hirapan naming i-download ng ground stewardess sa Narita). So I showed it – hindi daw tama iyong QR code ko! Sabi ko, hindi pwedeng hindi tama, kasi ground staff mismo ng airlines ang halos gumawa at nag-kompleto ng pag-download. At hindi ako i-a-allow magcheck-in/board my flight without that QR code;

9. Sana nakuha ko ang pangalan ng NAIA lady employee – kasi ang bait-bait. I would have written a commendation letter sa NAIA airport authority. Nakita niyang senior citizen ako, pawis na pawis, at siguro mukhang lantang bulaklak na sa pagod at maraming malas na nangyari. Nag-volunteer na siya na lang gagawa ulit. After she downloaded it successfully sa kanyang mismong cellphone, sabi, I should just take a photograph as the QR code will be checked prior to immigration.

10. So pumila na ako for checking of that QR code. I was asked to show my QR code sa cellphone ko, my passport, hard copies of my vaccine passport and negative RT-PCR test;

11. Then, immigration na, and then, customs. Smooth naman;

12. Only to find out after exiting customs, pipila na naman, for checking of Tourism Authority, OF SAME DOCS I HAVE ALREADY PRESENTED before immigration PLUS proof of my confirmed hotel quarantine reservation;

13. Natapos ang pila sa Tourism, at lalabas na sana ako, when I was told, I need to queue again para naman sa Coast Guard. Coast Guard? Bakit? At ang dami nila, naka-uniform ng coast guard, nagku-kwentuhan. So pila ulit si Tita Lits, for checking naman ng Coast Guard. They asked me TO SHOW THE SAME DOCS AS THOSE ASKED BY TOURISM;

14. Kung hindi ako pagod at gutom, baka nagtaray na ako doon. In a weak voice, I asked one of the idle coast guards what is the use of having that QR code? Dapat ipasa na lang nila sa iba’t ibang departments, as all necessary info are there. Smile lang siya. Sabi ko, magkatabi lang ng upuan ang Tourism at Coast Guard, and checking same docs, sana isang pila na lang – after tourism, tuloy na sa coast guard, imbes na pipila ulit sa dulo ng pila for coast guard checking;

15. Hay, alas dos na ng umaga. Uhaw at gutom na si senior citizen Tita Lits. Nagmadaling pumunta sa exit to follow the direction of my hotel on where to find the hotel driver. Hinarang ako ng guard – sabi, dapat nasa harap na ng exit ang hotel car, bago ako palabasin.

Naku, baka wala ng space si Tito Dennis, the ed-in-chief of Jeepney Press, i-conclude ko na.

Ganda ng Marco Polo Hotel (I chose it kasi next door lang sa condo ng anak ko. Kahit hindi siya pwedeng dumalaw sa akin during my quarantine, psychologically healthy that I know malapit siya, kung ano mang emergency na mangyari sa akin). Sarap ng pagkain; ganda ng view (38th floor); very efficient service. Siyempre, at a cost (my pocket!). The swab test was done on the 3rd day of my stay, and I got the results on the 4th day, so I could go home to Pampanga for the Christmas dinner with my husband, my son, my mother, and the rest of the family. THANK GOD!

Heto na finally advice ko:

1. Make sure tama ang kind of RT-PCR test mo, and it is the one acceptable sa Pilipinas. My original booking was acceptable for travel to Hawaii and the US, but not to the Philippines;

2. Mahal mag-travel during the pandemic, kasi siguro, may social distancing din and airlines, so hindi nila pweding punuin seats ng airplane. So search kang mabuti. Sa akin, I normally use Expedia.com;

3. Check the current schedules of buses and trains for the airport;

4. Make sure you upload/take screen shots of copies of your vaccine certificate and your negative PCR test sa iyong cellphone;

5. Download ONE HEALTH PASS, and complete the information, and make sure you get that QR code, which means, successful ang iyong proseso;

6. Have hard copies of proof of your confirmed quarantine hotel and car pick-up from NAIA.

7. Make sure you check on the updated rules and regulations of both the Philippine Government and Japan. (As of this writing, yellow na ulit classification ng Japan, so mas mahigpit kaysa noong nauwi ako.)

8. Of course, make sure you have your mask and some extra, at least for use during the flight, the quarantine duration, and almost everywhere after you are released from quarantine.

Happy trip!

Sana, mas maganda ang iyong maging experience sa pag-uwi. Sa akin, kahit ang daming abala at gastos na nangyari, sulit pa rin, noong makita ko ang nanay ko, shedding tears of joy, when she found out that at least one of her 4 children overseas was finally able to join her and the family during our traditional Christmas and New Year’s eve gatherings.

Tita Lits

PS: As of January 30, 2022, no more facility quarantine required for fully vaccinated arriving international passengers to the Philippines who could show proof of being fully vaccinated. Self quarantine at home, instead, will be required and other safety protocol in the place/s to be visited.

Isabelita Manalastas-Watanabe

Jeepney Press

This article is from: