4 minute read
Jeepney Press / Karen Sanchez
Tara Na! Bagong Salta
Maligayang araw at manigong bagong taon mga kababayan. Nawa'y ang lahat ay nasa magandang kalagayan at ligtas sa anumang karamdaman. At dahil sa pagbabago ng taon at nahaharap na naman tayo sa panibagong hamon ng buhay ay nais ko pong ibahagi sa inyo noong ako'y "bagong salta" dito sa Japan at napasabak agad sa Hokkaido, ang isa sa pinakamalamig na parte ng bansa kung saan ako ay naluha sa galak dahil " rst time" kong nakakita ng snow at gabundok na yelo sa paligid na dati rati ay sa mga pelikula ko lang noon ito nakikita. At agad-agad ang pumasok sa isip ko noong nahawakan ko ito ay ang kilala natin at in-na-in kapag panahon ng tag-init sa atin - ang halo-halo. Ngunit laking gulat ko nung medyo natunaw naging parang bulak at nangingitim ang mga ito at hindi talaga pwedeng gawing halo-halo.
Advertisement
Kilala ng ating mga kababayan maging sa Pinas ang Hokkaido kahit di pa sila nakapunta ng Japan dahil sa de lata. Ang hindi nila alam ay sobrang lamig kapag winter kung saan wala nang lumalabas na tubig sa gripo dahil nag yeyelo na ito at kinakailangan mo ng "built-in heater" para makagamit ng tubig. Kailangan mo din ng heater sa buong bahay dahil hindi ka makakagalaw o makakilos o makakagawa ng gawaing bahay sa sobrang lamig. Kinakailangan mo din ng nga warmers sa katawan or magdikit ng kairo sa iyong damit upang maibsan ang nararamdamang ginaw. At dahil taglamig masarap din kumain ng ramen at yakiniku at magbabad sa mga onsen o hot springs. Sa Hokkaido lang ako nakatikim ng Jingisukan (Genghis Khan) lamb or mutton yakiniku at sa Sapporo Beer Garden lamang; maliban doon ay wala na akong alam na naghahain ng ganoon. Maliban sa Yuki Matsuri o Snow Festival sa Suzukino, kung ikaw ay Kristyano maganda ding mabisita ang Kita Jo Church kung saan may Japanese at English Masses, may mababait na mga Pinoy na handang tumulong sa kapwa kababayan. Kung saan nabuo ang Samahan ng mga Pilipino sa Hokkaido (SPH) na may layuning makatulong na mapalapit at para hindi na kinakailangang lumuwas ng mga kababayan natin sa Tokyo o Osaka para sa mga papeles na ating kinakailangan mula sa ating Embahada. Sa simbahan din ay maaari silang magturo ng Japanese Language na libre at doon po ako natuto ng Basic Japanese o kaiwa at malapit din ito sa malawak na Odori Park. Sa panahon naman ng Sakura maganda ring dalawin ang Maruyama Park. At ang kilalang Lavander Flower Field sa Furano kapag summer. Kung yung tipong pang cultural ang peg natin ay pwede tayong pumunta sa Hakodate at i-enjoy ang fresh na fresh na Umi no sachi donburi or fresh seafoods bowl nila kung saan sariwang-sariwa ang hotate o clams, ang ikura at ang kani or crab. Ganun din ang Otaru, na naghahain ng steak at uminom ng Otaru Black Beer at busugin ang ating mga mata sa maganda, malinis at kaaya-ayang paligid. Kung ikaw ay magiliw sa mga hayop ay maaari din po nating puntahan ang Asahiyama Zoo.
Bagong salta, hindi ko man inaasahang doon ako mapadpad ay naging makabuluhan at marami akong natutunan sa lugar ng Hokkaido. Doon ay maraming nabuong pangarap at pagkakaibigan na hanggang ngayon ay baon-baon ko saan man ako mapadpad. Di man ako naglagi ng mas permanente at kailan man ay hindi tayo dito mananatili.
Hanggang sa muli po. lahat!
Oras
ni Karen Sanchez
Sa bawat oras sa ating buhay na dumadaan
Mula sa araw na tayo ay namulat, isinilang
Mahalaga bawat minuto na ating
nalampasan
Mayroon tayo ngayong tinatawag na kasalukuyan
Na umaasa sa maganda nating kinabukasan
Bigyan halaga ang bawat oras na tayo ay pinagpapala
At laging magpasalamat sa ating Diyos Ama na Maylikha
Sa biyayang bawat oras na sa ati'y pinagkakaloob Niya
Di man natin minsan ito inaalintana at binigyang halaga
Ngunit habang tayo'y naririto, ito ay isang malaking biyaya
Biyayang hindi mabibili kahit ikaw na'y maraming pera
Buhay na malusog, masigla, masaya at mapayapa
Kasama ng iyong mga minamahal sa buhay na pinakamahalaga
Dahilan kung bakit ika'y nagsisikap at nagpapalakas pa
Pinaghahandaan bawat oras na sila'y muli ating makakasama
Makakasama at maramdaman ang pagmamahal ng tunay na pamilya
Na sa ating mga Pilipino sadyang ito ay hinahangaang kakaiba
Mula pa sa ating mga ninunong sa atin ay pinasa-pasa na
Ang pagpapahalaga sa kadugo at pagmamalasakit sa isa’t-isa
Na sa ibang lahi ay hindi minsan makikita bagkus sila ay humahanga