7 minute read

Jeepney Press / Isabelita Manalastas - Watanabe

ADVICE NI TITA LITS Take it or Leave it!

Dear Tita Lits Readers:

Advertisement

Wow! 20th year anniversary na ng Jeepney Press. Congratulations!!! Parang kailan lamang nagsimula ito.

Jan 2012

EARNINGS – EXPENSES = SAVINGS (No.)

EARNINGS – SAVINGS = EXPENSES (Yes!)

Feb. 2012, from Cora: I am now 45 years old. Gusto kong bumalik sa school to study. Hindi pa ba nakakahiya at my age?

Tita Lits: By all means, go for it!!! Walang age limit ang pursuit of knowledge.

May 2012

Tita Lits: Tita Lits is no superwoman. She has her own problems. She revealed in this issue her innermost feelings, about not having as much time as she wanted with her only son, with one sentence: Guilt, guilt, guilt. Tons of it. Tita Lits learned that it is not the length of time spent with your children but the quality time spent with them that is most important.

Sept. 2013, from Belinda: I don't feel happy working for my company anymore. People seem to be racing against each other even to the point of doing talking bad about other co-employees.

Tita Lits: Stay ka muna habang walang other alternative. Sometimes what happens to us have meanings which will not be very clear to us at the moment. Some time in the future, you will realize, “kaya pala…”. We just have to trust in the Lord.

2013, from Toto: How do you handle discrimination po when it happens to you? Naranasan na po ba ninyo sa inyong matagal na pag-stay ninyo sa Japan?

Tita Lits: Hay naku, Toto. Maraming-maraming beses na! (na na-feel ko din ang discrimination dito sa Japan, sa ating mga Pilipino). Sa awa ng Diyos, hindi naman niya ako pinapabayaan. Feel proud na Pinoy ka. Magaling tayo!

March 2015, from Lito: I just observed that despite the fact that Japan is a very rich and modern country, marami pa rin akong nakikitang mga homeless people.

Tita Lits: May Hapon akong tinanong bakit may mga homeless. Sabi sa akin, may mga homeless who chose to be homeless, instead daw of following the very rigid Japanese way of doing things.

July 2015, from Cecil (Osaka) Gusto ko sanang bumalik sa Pinas after 20 years in Japan, para magturo sa college. Problema ko po ay yung daratnan ko sa atin. Corruption, red tape, tra c, pollution, brown out, bagyo, oods, undisciplined people, kidnapping, hold-up...

Tita Lits: Kahit saang bansa ka pumunta, may maganda at may pangit doon sa bansa na iyon, kahit Japan, Pilipinas, Amerika, Europa, etc. Kailangan mo lang tanggapin right away ang reality na ito. And then try to see the better side.

Jan. 2016, from Mando (Kawasaki): Masama po ba ang mag-invest ng konting pera sa lottery? Pero nakaka enganyo naman ang malaking cash prizes dito sa Japan.

Tita Lits: Basta’t huwag ka lang magpa-addict (addictive lahat ng form of gambling), at disiplinahan mo lang ang sarili mo (like, bibili ka lang during summer and winter jumbo – twice a year, when the prize winning is huge), siguro OK lang. Pwede ka namang bumili rin siguro every month, kahit isa lang (JPY 300). Kung talagang para sa iyo, isang ticket lang ang kailangan mo para manalo.

Nov. 2019, from Minda (Tokyo): Tita Lits, umuwi man o hindi, grabe ang gastos. Tulungan po ninyo ako!

Tita Lits: Hay naku, ganyan talaga ang buhay. Kung mas masaya kang umuwi ng Pasko, ipikit mo na lang ang mata mo sa gastos. Isipin mo na lang na marami kang napaligayang mga kamag-anak at kaibigan. Smile, Minda. You are blessed, kasi binigyan ka ng Diyos ng grasya (good work and good earnings). Sharing with others your blessings will bring you more blessings.

Aug. 2020, from Liza (Nagoya): Dahil sa corona, nawalan po ako ng trabaho sa pabrika. Buti na lang po at huminto kami sa trabaho. Parang nakita ko na po ang tunay na tawag para sa akin. Gusto ko na pong gawin itong pagluluto at pagtatahe na maging main business ko sana. Ang problema ko ay hindi ko alam kung saan ako magsisimula para maging legal na business ang ginagawa ko. Saan po ako dapat pumunta at ano po kaya ang dapat gawin? Wala po akong alam sa taxes, resibo, accounting... Baka lusuban po ako ng Tax office dito.

Tita Lits: Tuwang-tuwa ako noong mabasa ko ang sulat mo. Subukan mo munang pumunta sa iyong local ward office para magtanong. May help desk normally, na mapapagtanungan. Meantime, i-record mo lang kahit sa isang notebook, and iyong gastos at ang iyong sales. Simpleng pag-re-record lang, basta’t intindi mo. Para alam mo magkano ang inilabas mong pera, at magkano naman ang pumasok na pera. Siyempre, kung ano ang difference ng sales amount mo, at ng iyong ginastos doon sa sales mo, iyon ang iyong tubo (gross income – kinita bago tax). Good luck and all the best sa iyo, Lisa. Am so very happy for you!

June – July 2021, from Misha (Yokohama): Minsan, pag labas ko po ng aking Yokohama condo with a view of Minato Mirai, nakita ko yung katabing neighbor ko nakabukas ang pintuan niya. Parang may bumulong sa akin na sumilip ng ever so slight. Paglapit ko ay bumulaga sa akin ang kakaibang smell. Well, kakaibang mabahong smell, madam! And then nakita ko po na ang daming kabundok na basurahan sa loob ng bahay niya. Na “na-shock po ako” is the understatement of this pandemic year! Nakakaloka. That day, sinabihan ko na agad ang building supervisor about my Smokey Mountain neighbor pero nganga lang and wala naman pong nagawa. Sayang kasi gwapo pa naman siya at type ko. Medyo natatakot ako pagdating ng summer at maglalabasan ang mga ipis. And I hate ipis! Or daga. Na mutant! Naku! Kung walang nagawa yung mga iba na tumira dati, ano pa kaya ang magagawa ko? At paano na ang future namin ni gwapong building supervisor!

Tita Lits: Nakakatuwang basahin ang sulat mo. Kasi ang style ay “bading”. Sorry, huwag kang ma-o-o end, pero ramdam ko, kabaro kita. Tingin ko din, hindi mo pangalan talaga ang Misha, kasi pangalan ito na hindi ma-determine kung ano ang sex ng nagsulat. Frankly, inulit-ulit kong basahin ang sulat mo, kasi parang naririnig kitang magsalita at right away, parang I felt close kaagad sa iyo. Hay naku, mag-concentrate ka na lang sa pagtanaw ng maganda mong view. Maraming mga condo na walang magandang view, so take it as a blessing na mayroon ka.

Spring 2022 , from Rosarito (Nagoya)

Sino po iboboto ninyo this coming May 2022 elections?

Tita Lits: This is the shortest ever question I have received in my many years of writing this advice column in Jeepney Press! Whoever wins, as long as it is a clean and clear win, we, Filipinos should do our best to support him/her, respect him/her, and do our duty to contribute, no matter how small, to the betterment of our beloved Philippines, so we could be out of being (again) the sick man of Asia. May the best candidate who can do the best for our country and our people win!!!

(P.S. Sorry, Rosarito – I have actually not answered your question! I, however, continue to pray for Divine Providence“Thy will be done”).

Isabelita Manalastas- Watanabe

Isabelita Manalastas- Watanabe

This article is from: