3 minute read

Jeepney Press #121 January - February 2023

EVERY GISING IS A BLESSING

Congratulations to Jeepney Press on its 20th Anniversary!!!

Advertisement

Ang bilis nang panahon, parang kailan lang na binisita ako sa o ce namin noon ni Dennis sa World on Demand. Twenty years na pala ang nakaraan!

Mga KUWENTO ni Nanay ay kuwento nang journeys ko sa Japan. Kung papaano po ako nakarating dito sa Land of the Rising Sun.

Hindi ko alam kung ano ang purpose ko pagpunta sa Japan. Unang-una, sa edad ko ay hindi na po ako bata. Lola na po ako nang 10 apo ngayon. Ang physical features ko ay hindi naman pang entertainer. Kaya ano kaya ang gagawin ko sa Japan?

Dahil yon mga panahon na pumunta ako ay usong uso ang mga entertainers, mga talento tinatawag. March 1995 po ako pumunta dito.

Dinadayo po nila ako ng mga kababayan natin nang malaman nila na ang mama san sa CASTLE Resto Bar ay isang Pinay na matanda. At mga unang araw ko ay naging word of mouth, na meron silang nadadaingan na ina sa CASTLE. Kung kaya yon mga Pilipina na may problema sa kanilang buhay dito bilang asawa at ina ay sa CASTLE restaurant sila pumupunta para mag unload. Mga asawang sinasaktan ng asawa o iniwan, mga sari saring suliranin sa buhay nila. Ganito ang naging buhay ko at dinadayo nila ang mga lutong bahay ko.

Dinarausan ng mga ibat ibang pagtitipon gaya nang birthdays, binyagan at pati kasalan. Dito din po tinatag ang samahan nang ating mga seafarers na kasama si Attorney Rey Regalado nang ating Labor Office nuon. Ayan po ang aking naging buhay dito sa bansang Hapon.

At ang isang naging trabaho ko ay kinuha ako nang pinakaunang Yochien (kindergarten school) po dito sa Hirai, at kaunaunahang English teacher po nang tatlong sections nang mga bata. Once a week, tuwing Biyernes po ay meron akong turo sa Koiwa Yochien nang English.

At ang isang nakamamangha po ay sinilang ako nang taong 1947. At ako po ay dumating dito 47 taon gulang na meron nang 10 mga apo. Nakita po ninyo ang “numerals“. At December 2014 ito po ang nakita kong dahilan bakit ako dinala sa bansang Hapon, dahil sa puso kong Nanay at Lola. Lahat po ay biyaya nang ating Panginoon.

Kahit na ngayon nakaupo na lang ako sa wheelchair, patuloy pa rin ang aking misyon na ginawad sa akin ng DIYOS. At hangang sa huling hibla nang aking hininga, iniaalay ko po nang buong puso sa DIYOS at sa kapwa ko ang regalong bigay nang Diyos sa akin. Ang regalo nang paglilingkod.

Sinabi ni Hesus, “Ano man ang ginawa mo sa kaliit-liiran mong kapatid ay ginawa mo sa Akin.“ At ganoon din po, “I will pass this world only once. So whatever good things and deeds that I can do in my humblest way, I don’t let them pass by without raising even a nger.”

“HINDI MO KAILANGAN MAGING

MAYAMAN O MATAAS NA

This article is from: