2 minute read

Jeepney Press / Jasmin Vasquez

MOVING ON

Happy 20th year Jeepney Press

Advertisement

Year 2010 was when I first joined Nagano Utawit singing contest. Nakilala ko si Ms Irene Kaneko and also Ms Editha Fujimaki. Sayang nga lang, 3rd place lang nakuha ko that time. They told me to join again after a year. And luckily I got the 1st place and then I started to meet people from different places. Lalo na nung mag grand nals na. Dati sa You Tube ko lang napanood. Parang feeling ko na para kaming mga artista na hehehe.

After Utawit, Ms Irene asked me if can write something about our Filcom group na ilalagay daw sa Jeepney Press. That was December 23, 2011 para daw sa issue ng month of January/February. Sumunod naman meron parang comic character na ikaw bahalang maglagay ng dialogue kung paano mo interpret yung drawing. Minsan naman sa mga joke nagbibigay din ako. Ito rin yung year na unang nalagay name at picture ko sa Jeepney Press hehehe.

Dati may hard copy pa ang Jeepney Press parang dyario meron nga akong mga naitabi pang ilang copies. Kasi palagi ako pinapadalhan para ikalat sa mga omise.

One day parang meron yatang umalis na isang writer so nag karoon ako ng pagkakataong pumalit hanggang sa nagtuloy tuloy na. Nakailang years na din ako mula 2011 till present. Enjoy naman magsulat para ka lang laging nagkukuwento ng mga nangyayari sa paligid mo. Kung di lang siguro nagka pandemic gusto ko din try mag travel ng mag travel then maishare dito sa Jeepney Press maiba naman hehehe. Pero dahil taga Nagano ako puro dito na lang muna ang maikwento ko.

Last month, may nagtanong sa akin kung ano daw napapala ko sa pagsusulat dito. Sabi ko ok lang naman ako. Ang alam ko gusto ko lang din magsulat. Lalo na kung may free time naman ako. Mababait naman ang mga taong bumubuo nito. Kaya no problem sa akin.

This article is from: