2 minute read
Jeepney Press / Jeff Plantilla
ISANG ARAW SA ATING BUHAY
Meron na tayong bagong ritwal na dulot ng teknolohiya. Pag nasa restaurant, photo muna sa nakahain bago kumain. Minsan, photo muna bago prayer before meal.
Advertisement
Nguni’t gawain ko na yan nung wala pa ang smartphone o kahit cellphone na may camera. Photo muna bago inom.
Bago yan, may iba pa ako sasabihin.
Kailan lang sa isang supermarket ay nakita ko ang banana chips na mula sa Pilipinas – “Thins! Banana Slices.” Maganda ang packaging at may malinaw na tatak Pinoy. Ganyan dapat ang ating mga produkto.
Natuwa din ako sa isang canned drink na may pangalang “Sparkling Calamansi.” Mula sa Korea. Nalaman ko bago mag-pandemic na nagiging popular ang kalamansi bilang juice o avor sa shake sa Seoul. Kaya siguro nagkaroon ng “Sparkling Calamansi.” Pero matagal na ring may “Calamansi Juicina” na gawa naman sa Japan.
Tungkol sa photo bago inom, isang produktong Pinoy ang aking hinahanap nung late 1980s pa. Ito ang San Miguel beer. Hinahanap ko ang SMB sa Indonesia, Hong Kong, Vietnam, Thailand at Nepal. Meron din sa Spain. Kaya ayan ang aking collection ng global SMB – gawa mismo sa mga bansang yan.
Ang katotohanan, maraming bagay ang nagkakapareho sa mga bansa dahil sa komersiyo. Halimbawa, dala ng mga negosyante ang ating mga produkto dito sa Japan mula 16th century o mas maaga pa.
Kaya sa ika-20 taon ng Jeepney Press mabuhay kayo at tagay!!!