Pahayagang pinoy sa japan Celebrating The Journeys Of Filipinos In Japan ジープニー プレス
在日フィリピン人 向 け マ ガ ジン
September-October 2019 2019年9月-10月
101 ISSUE
ジープニー プレス JEEPNEY PRESS welcomes articles of interest on Filipinos in Japan. Please email any photos, drawings, and other materials that you would like to accompany the article. Submissions can also be sent by postmail. Photos, drawings and other materials will not be returned unless sent with a self-addressed, stamped envelope. Deadline is one month before publication. We reserve the right to edit or omit any submissions. Disclaimer: Jeepney Press is not responsible for the transactions between its advertisers and their clients. Publisher does not endorse or make any representation or warranty, express or implied, with respect to any of the products or services advertised herein. We recommend that you independently evaluate all products/services before purchasing. Jeepney Press is not accountable for any claims on the articles in this magazine. They are purely the writer's idea and opinion. The views expressed herein are not necessarily representative of those of the publishers'. Public and private parties approached by those claiming to work for or on behalf of Jeepney Press should call our office to confirm truth of any such claim, especially where money may be involved. Jeepney Press is published online bimonthly by Asia Vox Ltd. All rights reserved. Copyright 2019
JEEPNEY PRESS A sia Vox Ltd.
Takadanobaba Bldg. 701, 1-26-12 Takadanobaba, Shinjuku-ku, Tokyo 169-0075 Tel : 03-5292-2340 Fax: 03-5292-2341 e-mail: jeepneymail@yahoo.com http://jeepneymail.wix.com/jeepneypress
publisher ASIA VOX LTD. IRENE SUN-KANEKO editorial & creative director DENNIS SUN editorial staff
ROGER AGUSTIN Tokyo MIRIAM SUN-ARENAS, MD Philippines MILES BORJA Tokyo RENALIZA CHAVEZ Tokyo GLEN GYPSY Tokyo FARAH TROFEO-ISHIZAWA Tokyo MICHELLE G. ONG Osaka JEFF PLANTILLA Nara ABIE PRINCIPE Nagoya MARK QUIJANO Kyushu MARILYN RIVERA Philippines NERIZA SAITO Osaka ELENA SAKAI Tokyo KAREN SANCHEZ Kanagawa ANITA SASAKI Tokyo WARREN SUN Tokyo WAYNE SUN Philippines SALLY CRISTOBAL-TAKASHIMA Osaka ALMA REYES Tokyo JASMIN VASQUEZ Nagano LITA MANALASTAS-WATANABE Tokyo
creative staff
Cover design and art: DENNIS SUN
ARLENE ESPERIDA Tokyo JERRY SUN-ARENAS Philippines VAL AMOR C. PALO Tokyo JOSE MIGUEL PARUNGAO Philippines CHINO MANDING CADDARAO Tokyo NICK SANTIAGO Tokyo DANNY DUNGO Tokyo MARISOL KUDO Oita MARK WARREN DE LUNA Tokyo
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
ISSUE 101
01
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
CONTENTS
“In three words, I can sum up everything I’ve learned about life: it goes on.” - Robert Frost
Painting by Dennis Sun
読む
よむ “YOMU” means to read in Japanese
editorial by Dennis Sun Moving On To The 101st Issue “There is no such thing as destiny; just men like you who, just when the world needs them, just answer the call.” - The Politician I’LL BE REAL HONEST WITH YOU; after publishing 100
issues of Jeepney Press, I got to the point where I don’t know what to write anymore. The more I want to squeeze my brain cells for creative juices, the less drops of ingenuity and imagination come out. What do you say after 100 issues? Well actually, it turns out, a lot! Life goes on, so they say.There are always new stories to say. New words to write. New tales to tell. New characters to cast in this always evolving Filipino diaspora in Japan. And yes, new issues to publish. I usually wait until I finish all the pages before I start writing. I make use of what available spare time I’ve got until the deadline in order to make a wonderful editorial. It could be from a few hours of writing to a few days of writing and rewriting to craft something that can inspire our readers, and, hopefully, entertain, as well.
To this end, our readers are always the inspiration. Each one of us learns new lessons every day in our fascinating Japan journey. In Jeepney Press, we share our stories to others.The struggles.The dreams. Realities. And hope. I am actually writing this in the middle of Typhoon No.19, Hagibis, in Tokyo. I have never seen so much panic buying in life since the March 11 Tohoku earthquake. People got scared as the media pictured Hagibis as the most powerful and violent typhoon to come to Japan. While people were very frightened and petrified experiencing the disastrous heavy rainfall and violent winds, suddenly, an earthquake further increased the anxiety of the already startled people. So, I was nervously checking on the condition of Mount Fuji. Please, not today. But in these times of crisis, beyond the suffering, shiver and suspense, we also experience a community that look
after each other, especially among us, Filipinos. We, in Tokyo, have prepared ourselves stocking on water, food, and other emergency supplies. Shops closed, and transportation curtailed, most people stayed at home. While most of my friends around Tokyo were bingeing watching the news on TV, and Netflix, I occupied myself trying to finish this issue. And as I wrap up drafting this piece, it grew eerily quiet outside. No sound of the wind. No drop of rain. The silence was deafening, but at the same time comforting. Hopefully, it would be a day that ends like any other day--simply, with a silent night! But there will be those who would have struggled with the wrath of the strongest typhoon in 60 years. We pray for them to overcome the challenges of the days ahead. We are always a resilient bunch. We will go to bed and we rise to a brand new day. And so, let us remind ourselves, that when endings come, these endings, whether good or bad, bring with them an opportunity for new beginnings, as well!
Dennis Sun
SEPTEMBER - OCTOBER 2019
07
Glen Gypsy’s
Sa sobrang sikip ng ating pang araw-araw na gawain, Madaling makalimutan na hindi tayo mga makinang walang kapaguran. Dapat tayong huminto at huminga paminsanminsan. Ibalik ang dating likas na sarili!
08
SEPTEMBER - OCTOBER 2019
Student? Just arrived in Japan? Lipat bahay? Bagong opisina? Moving company? Cable and internet connection?
“Our Mission is You! Let us support your life in Japan.�
English and Japanese OK!
03-5292-2340
Only 1-min. walk from Takadanobaba Eki (Yamanote Line or Tozai Line) Very near Big Box and Donki
1-26-12-701 Takadanobaba, Shinjuku-ku, Tokyo
www.asiavox.com
Nishimachi is... Academically rigorous. A Pioneer... in English and Japanese language education in Japan. Multicultural... with a student body of 390 children representing some thirty countries. Small and intimate... which enables us to promote the optimal well-being and growth of each individual. Co-educational and non-sectarian... Kindergarten through Grade 9. Accredited... by the Council of International Schools, Western Association of Schools and Colleges, and recognized by the Tokyo Metropolitan Government. Conveniently located... in a residential area of central Tokyo favored by the diplomatic and expatriate communities.
090-2908-5088(SB)
Visit our campus and experience the warm atmosphere of Nishimachi!
2-14-7 Moto Azabu, Minato-ku, Tokyo 106-0046, Japan Tel: +81-(0)3-3451-5520 Fax: +81-(0)3-3456-0197
www.nishimachi.ac.jp
Neriza Sarmiento - Saito's
On the Road to:
A Special Kind of Hospitality from the Amagasaki Catholic International Community There’s no denying that Autumn is my favorite season of the year. There’s calmness in the air because the temperature drops to 23-24 degrees in the morning and in the early evenings.
However, it will take some time for the beautiful autumn foliage to come out. Maybe after the World Rugby Games in Japan this year, the mountains and surroundings will be filled with hues of yellow, orange and brown. It’s also the time of the year when gourmets are on the look-out for fresh harvests of the season. A perfect time to enjoy delicacies from different prefectures. In my younger days, the aroma of
10 SEPTEMBER - OCTOBER 2019
champorado and inihaw na tuyo for breakfast were some of the memories that flash back in my mind whenever I smell grilled dried fish in the neighborhood. Perhaps, it was the aroma of homemade Filipino dishes that lured us to an event in Amagasaki City, a bustling industrial area in Hyogo Prefecture with a population of 463,256. Young Filipino trainees are part of the working force at textile and energy-related companies. Others are language teachers and researchers in some major corporations. The Amagasaki Catholic International Community celebrated their 14th anniversary on Sept. 22 with a mass officiated by Fr. Giovanni who was also celebrating his birthday on that day. He announced that the church is going to be renovated in the next few months. Thanks to the
baboy), Mathy de Guzman and Renz Betonio (adobo), Virginia Yap (menudo and bopis), Joseph Estefani (bicol express), Crisanta Kusumoto (pininyahang manok), Grace Matsushita (dinuguan), Shiela Domingo (pinakbet), Evelyn Ono (biko), Fe Harada and Shirley Suzuki (puto), Sonia Hirakawa and Rose Puno (vegetable salad and fruits). As it was still hot on that day, we really enjoyed Ms. Olive’s halu-halo. It was as though we went to a town fiesta in the Philippines. were drawn at the raffle including a round trip air ticket from Act Tourist, prizes from Metrobank, Chenvel Door to Door Services Inc and Ariba sari-sari store. The new manager of Philippine Airlines, Osaka, Mr. Raphael Romualdo attended the event.
support and devotion of the Amagasaki Catholic International Community led by Ms. Maritess Kita and Ms. Liberty Yasuda. Ms. Christmas de Guzman and Ms. Jasmine Mayo were in-charge of the program that featured the Amagasaki Healing Zumba Dance Group and the Star Girls, songs by Gerry and Ariel, Jelo, Mark and Mr. Bright. Several prizes
Ms. Christmas, the super-nice emcee acknowledged those who cooked the dishes at the all-you-can-eat buffet. Gina Macasaet (tokwa’t
SEPTEMBER - OCTOBER 2019
According to their leader, Ms. Maritess Kita, they will have a Thanksgiving Concert on Nov. 24 from 2-4 pm at the Sun Civic Amagasaki featuring the “Sabado Boys“. If ever you get homesick while in Japan, drop by the Amagasaki Catholic
International Community and experience a truly authentic Filipino hospitality.
11
TRAFFIC By Alma Reyes THE SHADOW OF OUR SMILE
There are a lot of acquired Japanese customs that grow inside us who have been living in Japan for many years, at least five to ten. In the past five years that I had often made trips back to the Philippines (sometimes, more than twice a year), this awareness had become more striking than ever. It’s no surprise, I’ve begun to conclude, that each time I am in Manila, doing and saying the usual local Filipinos do and say, I’ve started to feel strange when I’m confronted by a typical Filipino trait that I seem to have forgotten because it is not practiced in Japan. REGARD FOR OTHERS/”KI WO TSUKAU”
12
“Ki wo tsukau” or showing extreme regard or concern for others is one Japanese trait that I’ve actually learned to appreciate over the years. Japanese, by nature, are discreet about avoiding situations that provoke: offending others by language or action; making someone wait; causing someone inconvenience; imposing burden; putting someone at risk; or embarrassing someone (at least
publicly). Punctuality, for instance, is a globally known virtue of Japanese. Foreigners think it’s stemmed from Japanese being purely precise in time, when actually, the underlying reason is they don’t want to make someone wait for them, which is regarded as impolite. Of course, we cannot say the same thing about the Filipino trait that often finds excuses to be late—perhaps, a spin-off of Filipinos being too understanding and forgiving, so to speak, which sadly tends to be abused. I was surprised, as well, to notice that many Japanese do not customarily “volunteer” staying at relatives’ or friends’ homes when they travel. They would rather bunk in a hotel than impose a burden on others, even on their families. On the contrary, many Filipinos expect to be accommodated in homes of relatives or friends. If you are the host, saying “no” seems quite hard to do. You would be labeled as “unfriendly, indifferent, cold, or detached.” Have you experienced many times when a Japanese sets a meeting with you, and would give
SEPTEMBER - OCTOBER 2019
way to choose a place nearest to you or a less troublesome train route so as not to inconvenience you? Filipinos, on the other hand, love to say “Daanan mo nalang ako.” (“Just pass for me”) without feeling a heavy burden caused on the other party. On the other hand, some Filipinos consider making such a request as a gesture of the borrowed Spanish “cariño” trait of affection, or narrowing the gap of indifference. Other ways that Japanese practice “ki wo tsukau” may be like choosing a restaurant that the other party prefers (and also selecting an inexpensive meal if being treated); handing an o-kaeshi token or reciprocating by action in return for a present or a favor rendered (such as a job or a client introduction, help with a house move, payment for a meal, tour guide of the city, and others); and generally downplaying your priorities to adjust to the other party. TABOO ABOUT MONEY Money talk is considered taboo in Japan. You can hardly hear a Japanese ask someone about the amount of salary one is making, let alone ask
someone to pay for your train fare or meal (unless it’s your mother )—quite a stark contrast to the popular Filipino coy approach of “libre mo naman ako” (How about treating me?) without hesitance, even as a tiny joke. Speaking of which, does anyone know where the habit of birthday celebrants being expected to treat meals on their birthdays comes from? In other countries, the practice is quite the opposite. I began to understand why I tend to feel uneasy back home when either I am expected to pay for others’ meals or when others volunteer to pay for mine, since in Japan, the standard custom is each to his own. Only would you experience “free” meals when you are in the company of your boss or someone well above your senior. By the same token, borrowing money from someone is more of the exception than the rule in Japan (unless it is a person of very close affinity). I’ve often wondered why Filipinos love to “utang” (loan). Boundaries seem limitless, too. A domestic helper can liberally ask for money from the “employer” to cover costs
of their town fiesta, pay for a relative’s hospital bills, advance for the child’s schooling, and so on. Friends and families, likewise, do so at their own liberty as well, and occasionally neglect to pay their debts. Apparently, the perennial social status gap in Filipino culture tends to allow less privileged folks to exercise the right to receive or be taken cared of; thus, likewise making more privileged citizens to be consistently generous. Indeed, even during the wartime, it was not an uncommon scenario to see a mother ordering her child, “Go to Tia Linda’s sari-sari store and ask for two bottles of milk. Tell her it’s a loan.” Utang and utang ng loob (paying a debt) seem to go hand in hand in day-to-day Filipino life. I read some articles that hypothesized poverty as the root cause of borrowing money in our country. Statistically speaking, people back home are regarded as “poor”; therefore, they seem to be “forgiven” or accepted for seeking help. Certainly,
Catholicism also has influences—the forgiving, compassionate, and giving believer is often viewed as a person with a benevolent heart. Teamed with the “pakikisama” (camaraderie) trait, these “holy” virtues, more than we are willing to admit, are sometimes overrated, abused, and mistreated, unfortunately. OVERESTIMATED “PASALUBONGS” The gift-giving omiyage custom (gifts commonly handed out from a trip) in Japan can be quite overwhelming. Train stations, airports, souvenir shops, basements of department stores, and shopping arcades flood with presentably packed boxes of sweets, cookies and delicacies representing the region where they come from. It is such a practical marketing tool that many Japanese pick up these omiyage just before boarding the train or plane. Usually one to two boxes would be adequate for one person or a family, and the receiver, likewise, would expect nothing more. And, the Filipino style? Well, we prefer to splurge on boxes of ramen, chocolates, Hello Kitty, electronic gadgets, fashion brand items, and what-have-you. A huge
Winnie the Pooh stuffed toy has become a branded pasalubong (gift) sight in airport check-in lines. I am eternally amazed how Filipinos do not mind lugging enormous balikbayan boxes—sometimes, three boxes per person—and, willing to pay extra baggage fees as long as they can make their loved ones back home happy. Have Filipinos been blinded with material happiness and expectation, on top of spending more than we can afford, perhaps out of pride or embarrassment? On the other hand, they say that Japanese culture as well is clouded by a million contradictions; just like Filipino culture. The social standards are set so high by moral expectations that deviating from such is literally considered a character misfit, consequently being shoved off from job opportunities, social groups, and even family relations. In this regard, the Filipino approach can be more sympathetic, open-minded, and overall, “loving.” Nevertheless, above it all, when that sweet Filipino smile and pure hospitality greets you, everything else beneath its shadow becomes specks of dust.
ni Jeff Plantilla Sa isang research sa isang komunidad sa probinsiya ng Rizal nung 1976, ito ang nairecord ng sinabi ng isang tao:
“Ang mga tao dito sa amin mabilis tawagin kapag may bigas o pasine pero kung sa mga papulong, basag na ang kampana hindi pa dumarating.” (Children of the Lakeshore, 1976, page 161)
Hindi kaya totoo din ito sa ating mga komunidad at organisasyon dito sa Japan ngayon? Ito ang aking panimulang tanong sa mga dumalo sa isang leadership formation seminar na ginawa ng Philippine Community Coordinating Council (PCCC) nung August 31 - September 1, 2019. Ibig kong ipaalala sa kanila na meron tayong ugali na hindi pinapansin ang mga bagay na mahalaga para sa buong komunidad. Pero kung bagay na pangsarili lamang ang pinag-uusapan – hindi pa pinatutunog ang kampana nakapila na.
14
“Clean-up” Sinabi ko sa mga participants, na representatives ng iba’t-ibang komunidad sa Kansai at Okayama prefecture, na isipin ang paglilinis sa mga lugar na ito: - Boracay - Manila Bay - Maynila Anong mga bagay ang nakikita nating maganda sa mga halimbawang ito? Sa aking paningin, lumalabas na may - malinaw na pagbabago – physical change – kasi nalilinis ang lugar - magandang pagbabago – hindi basta binago – ginawang talagang magandang tingnan - pagbabago din sa isipan – “ang imposible naging posible” – nalilinis pala ang Manila bay, maibabalik pala ang Recto Avenue sa Divisoria - meron din bagong kaisipan – para sa susunod na generations ang pagpoprotekta sa kalikasan ng Boracay; sa Maynila naman may isip na maibalik ang nawalang ganda ng siyudad bilang kapitolyo ng Filipinas. Gustong maging model city ang Maynila dahil ito ay makasaysayang kapitolyo ng bansa. Sa mga nangyaring pagbabago sa mga lugar na
SEPTEMBER - OCTOBER 2019
ito, kahit hindi pa tapos, marami na tayong ikatutuwa. Ikinatutuwa natin na ang sinabi ng gobyerno ay ipinatutupad nang tuloy-tuloy. Hindi nakikita dito ang ating pagiging ningas kugon. Ang paglilinis ng siyudad ay naayon sa “Broken Window theory,” na kapag ang lugar ay pinabayaan at naging madumi, malamang na may mga gagawing masama sa lugar. Kaya nung nalinis ang kalye sa Divisoria at iba pang lugar, nawalan ng dahilan para mag-cutting-trip ang mga jeepney drivers. Kapag hindi masyado nagsisiksikan, maaaring makikita kaagad ang mga pickpockets at iba pang nangloloko sa kapwa.
Vision – Inspiration Sa isang interview, sinabi ng namayapang si Gina Lopez na “What drives you moves others.” Kung buo ang iyong loob sa iyong paniniwala at gawa, makukuha mo ang puso at isip ng iba. Nakikita ito sa mga ginawa ni Gina nung siya ay buhay pa. Napakaraming tao ang sumama sa mga green projects niya. Dahil sa karanasang ito ni Gina, maaari nating itanong ito: What should drive us so we can move others?
Ang sagot ay ito: dapat tayong magbigay ng vision of our common future sa ating komunidad o organisasyon. Ano ang gusto nating mangyari para tayong LAHAT ay magkaroon ng mabuting kalagayan sa kinabukasan? Ang vision ay hindi lang dream kundi isang “do-able aspiration” – a practical aspiration for a better future. Kaya kung ikaw ay isang leader sa isang komunidad o organisasyon - where would you like to bring your fellow members? - what changes are you looking for? Ang vision para sa komunidad o organisasyon ay - hindi dapat suntok sa buwan o sobrang imposible - hindi pagyayabang o sobrang galing naman - hindi pasikatan o papogi/porma lang – medyo mababaw ang nilalaman at mukhang walang kahihinatnan. Ang mahalaga ay ito: May magandang pagbabago ba na sinasabi ang vision na inyong iniisip?
Pagsasabi ng vision Kahit anong ganda ng vision, kung hindi ito maiintindihan ng mga kasama sa komunidad o organisasyon, mahihirapang matupad ang vision. Ang vision ng komunidad o organisasyon ay dapat pinag-iisipan at inaangkin ng mga miyembro. Kaya ang pagsasabi ng isang proposed vision ay hindi imposition – kundi pagbibigay sa mga miyembro ng panahon para makapag-isip at makapagpalitan ng ideya.
niya ang mga miyembro na makapagsabi ng kanilang naiisip sa proposed vision.
Halimbawa ng vision Sa PCCC leadership formation seminar, may isang vision na mahalagang banggitin. Ito ay ang vision na sanayin ang mga kabataan para maging handa bilang susunod na mga lider ng komunidad o organisasyon. Ang mga kabataan ang susunod na henerasyon. Kung gusto natin silang magpatuloy ng ating komunidad o organisasyon, sila ang dapat bigyan ng pansin at paghahanda. Sila ang kinabukasan at ang vision ay para sa kanila. Hindi mananatiling maganda ang Boracay kung ang susunod na lider ay hindi sumasang-ayon sa bagong vision ng Boracay. Babalik ang dating gusgusin at siksikang Maynila kung ang susunod na Mayor ay walang pagtanggap sa vision na maging modelong siyudad ang Maynila. Babaho at magiging tambakan uli ng basura ang Manila Bay kung hindi nakikita ang vision ng malinis na baybayin. Kaya, sana ay masanay tayo na kung tumataginting na ang kampana sa ating komunidad o organisasyon, tayo ay pupunta at magbabahagi ng ating kaisipan o mas magandang vision.
Dahil din dito, hindi dapat minamadali ng lider ang pagsasabi ng vision. Hinihintay
SEPTEMBER - OCTOBER 2019
15
Colors of the Rainbow
Brighter Sides of Things by Marilyn Rivera
“We believe the Rainbow is a sign from the spirit of all things. It is a sign of the union of all people, like one big family.The unity of all humanity, many tribes and people, is essential.� – Thomas Banyacya
16 SEPTEMBER - OCTOBER 2019
After a stormy chain of events, a promise awaits us in the sky. The non-stop rain did not only destroy houses, flood schools and establishments or kill people. For
some, this also killed their hopes and dreams. But amidst those who suffered, countless people still made time to volunteer and help those who needed it the most. Empathy and sympathy overpowers other things in their life. We may not feel the urgency to help someone we do not know. But for these people, this is a must. For them, it is something that you cannot turn away from. It is part of their system, of their well-being to help when they too needed help in their trying-times much worse than this. These unnamed heroes surfaces when disaster strikes. Even though these volunteers are not always mentioned in the paper, they are very well-known in their own little organization. They are not after the fame or fortune, but just after the chance to help and make a difference. I am not talking about politicians or their party who shows up in front of the cameras. Nor the showbiz groups who want random paparazzi
take their pictures to broadcast their good deeds. No, I am talking about those people who would choose to be in the line of danger to help victims of natural calamities rather than stay at home and stay safe. Life can be progressive even through a series of unfortunate events, these people proves it so. And selflessness plays a great role in this process. They do not get paid or get anything in return for the hours and conditions they are working with. Often, we overlook them and underestimate the impact of what they do. But in truth, the success of a nation is not far from what these volunteers are doing for us every time we are pushed down to the ground. What are the colors of your rainbow after a storm? As a rainbow's various colors gives life after a storm, people can be the same. These people came together from different places and sparked the smallest light of hope in our darkest hours. They are the wonderful colors who put more life and meaning to the word "humanity." Life can be ordinary, but some people make it extraordinary.
MOVING ON by Jasmin Vasquez
Tara! Kwentuhan tayo.
Nang nagsimulang pumasok ang “ber” months parang nagsimula na ring lumamig ang klima na para bang amoy pasko na. Ang iba nga nag patugtog na ng awiting pamasko tulad ng hit song ni Jose Marie Chan. Whenever I see boys and girls selling lanterns on the street, I remember the child and the manger as he sleep... Ako, una kong naisip ay ang puto bungbong na may ka ternong mainit na tsaa. Bibingka na may itlog na maalat at margarine sa ibabaw na sobrang bango na nagmula sa dahon ng saging na pinaglutuan nito. Ang sarap balikan ng mga nakaugalian na nating gawin noong tayo ay nasa Pilipinas pa. Noong wala tayong ibang iniisip kung hindi puro kasiyahan lamang. Subalit ngayon na andidito sa Japan, madalas nating daily routine ay trabaho at bahay. Palaging ganyan. Paminsan minsan lang makapamasyal kung may
sumobra sa sweldo mo.
Kailangan unahin mo silang mga nasa Pinas kesa sa sarili mo. Ikaw yung pagod na pagod pero sayo yung tira tira. Hindi pala habang panahon eh kaya natin na malakas ang pangangatawan. Eto ako ngayon... kakapasok ko pa lang sa trabaho ko. Ilang araw pa lang ako pero parang bibigay na yung katawan ko sa hirap. Halos di na ako makalakad sa tagal kong nakatayo at sobrang bigat ng trabaho. Idagdag mo pa yung napakalayong parking 10 mins walk. Kahit sobrang hirap titiisin. Dahil nga malapit na naman ang Pasko, kailangan ng mag-ipon para sumaya ang Pasko nila. Habang tayo dito sa Japan kahit na Pasko ay nagtatrabaho. Ang tagal ko ng hindi nagpapasko sa Pinas...sana naman sa susunod na taon ay nasa Pilipinas na ako. Gusto kong makapiling at makasama ang mga anak ko. Sa ngayon, malamig na ang simoy ng hangin. Magsisimula na ang autumn. Magpupulahan na naman ang mga halaman sa paligid pati na rin sa mga kabundukan. Ito ang paborito kong season dito sa Japan. Hindi na mainit. Tamang lamig ng klima. Ang sarap maka refresh sa ating mukha. Hindi katulad ng summer, nakaka init din ng ulo nakakadagdag stress. Maari na nating itago ang ating mga pangtag-init na damit at ilabas na natin unti unti ang mga pang taglamig. At dahil nga nag iiba na ang klima, nag uumpisa na rin ang sakit na “influenza”.
SEPTEMBER - OCTOBER 2019
Kailangan nating ingatan ang ating sarili. Ito ay malakas makahawa at napakatagal gumaling. Kaya para medyo makaiwas tayo, palagi tayong magsuot ng face mask dahil kahit sa hangin lang ay maari nating makuha ang virus ng influenza. Ang hirap pa naman mag kasakit. Dagdag pa dito palagi tayong maghugas ng kamay at gumamit ng alcohol, dagdag proteksyon sa mga bacteria sa paligid na nahahawakan natin. Ingatan natin ang ating sarili dahil sabi nga, kapag ikaw ay maraming binubuhay ay bawal magkasakit. Lalo na at nasa malayo tayong lugar. Walang mag aalaga sa atin kundi ang sarili din natin. Isipin din natin ang ating kalusugan dahil hindi na tayo bumabata. Kaya kung nais nating mabuhay pa ng matagal tayo rin ang dapat mag ingat sa ating kulusugan. Every year, magkaroon ng regular medical check up. Para kung sakaling magkaroon ng sakit ay agad na maagapan para hindi lumala. Napakasarap mabuhay. Almost half of my life, andito na ako sa Japan. Sa awa naman ng Diyos, medyo malusog pa naman ako at hindi nagkakaroon ng malubhang sakit, yun nga lang dahil sa sarap ng mga pagkain malaki ang dinagdag ng aking timbang. Kaya dapat ng mag workout dahil hindi na healthy yung sobrang taba hehehe sana makayanan ko ng mag diet. Hanggang sa muli kong kwento. Ingat po tayo palagi and don’t forget to pray to God para palagi Nya tayong magabayan sa ating buhay. Maraming salamat po!
17
Take It Or Leave It! by Isabelita Manalastas-Watanabe Dear Tita Lits, Sana po matulungan ninyo ako. Hindi po ako makatulog sa gabi dahil po sa aking nag-iisang anak na babae na kasalukuyan nasa senior high school. Minsan, habang nag-aayos ako ng mga gamit sa kwarto niya, meron akong nakitang mga condom sa bag niya. Nabigla po ako at sinabi ko sa asawa kong Hapon. Sabi po niya, mas maganda na iyon at gumagamit siya ng proteksyon. Kaya, binaliwala na lamang namin. Pero dumating yung araw na hindi na siya umuuwi ng bahay. Umabot na mga ilang araw na hindi kami nakarinig kaya’t nagpatulong na po kami sa school niya at pulis pero wala silang naibigay na impormasyon. Alalang-alala po kami at laging nagdarasal. Matapos ang tatlong buwan, siya po ay bumalĹk kasama ng kanyang boyfriend at lubos ang aming pasasalamat. Pero siya po ay nagdadalang tao.
18
Naranasan po nila ang hirap nung sila ay nagsarili at ngayon ay gustong bumalik sa dating pamumuhay at sa pag-aaral. Pero isang malaking pagsubok ang aming hinaharap ngayon dahil gusto nilang ipalaglag ang bata. Ito po ay sinang-ayunan ng magulang ng lalaki. Maging ang asawa ko ay hindi rin pumipigil bagamat mabigat sa kanyang kalooban. Napakalaking isyu ito sa akin dahil ako ay Katoliko at naniniwala ako na dapat pahalagahan ang buhay. Sinabihan ko ang anak ko na huwag niyang ituloy at may karapatan akong pigilan sya, pero ako po ay nag-iisa sa ganitong paniwala. Ano po ang maipapayo ninyo? Naghihintay, Nely Nagoya
SEPTEMBER - OCTOBER 2019
Dear Nely: Compromise position: 1. Kausapin mo ang anak mo at kumbinsihin mo na huwag ipalaglag ang batang nasa sinapupunan niya; 2. Pagkapanganak niya, ipa-adopt niya ang bata (pwedeng i-arrange ito bago pa siya manganak); 3. Solved ang problema nila ng boyfriend niya na ayaw munang magka-anak dahil gusto nilang magtapos muna ng pag-aaral; 4. Solved din ang iyong concern na kasalanan sa Diyos ang abortion (Thou shall not kill); 5. May isang mag-asawa na hindi magka-anak ang mapapaligaya din ninyo. Finally, magkaroon na sila ng anak na kanilang mamahalin at magmamahal din sa kanila.
Tita Lits
Ang Hello Work ay kalat sa kahit saang lalawigan. Pwede tayong lumapit sa “shiyakusho” o munisipyo na nasasakop sa ating lugar na tinitirhan. At hindi tayo mabibigo dahil gagawa at hahanap sila ng paraang makapasok sa arubaitong iyong gusto.
Go, Go, Go Arubaito! Konnichiwa, minnasan! Kamusta po kayo? Lumalamig na ang panahon pero nandirito pa rin tayo na walang sawang naghahanapbuhay at pumapasok sa ibat-ibang “arubaito”. Arubaito o pato or part-time worker ay ang karamihang pinapasok natin, ng ibang dayuhan at maging ng mga Hapon kung saan marami kang mapapasukan at mapagpiliang trabaho na naaayon sa gusto mo. Ibat-ibang arubaito mayroon ang Japan. Mula umaga hanggang magdamag ay hinde ka mabobokya o mazezero kung masipag ka lang maghanap. At hindi
2o
naman mahirap na makahanap ng trabaho kung gugustuhin natin. May mga ahensya ng Gobyerno na pwede nating malapitan kapag ninais nating makahanap ng trabaho dito kahit na ikaw ay hindi pa bihasa o magaling mag Nihonggo. Nandidiyan ang “Hello Work” na naglalayong makapagbigay ng trabaho sa kahit kanino maging ikaw ay lokal o dayuhan. Sila din ang maghahanap ng mga kumpanyang pwede mong pasukan ayon sa iyong kakayahan. At mayroon ding “hakken kaisha” or private agencies na pwede ding malapitan kung kinakailangan.
Kahit na tayo ay arubaito lamang o contractual o masasabing hindi regular, may pagkakataon tayong tumagal sa trabaho at kumpanya na ating napasukan. Iyon lamang ay naiiba ang ating “benefits“ na matatanggap sa mga “shain” or regular na empleyado pagkat sila ay may mga bonus at iba pang mga benipisyo nakakalamang sa tulad nating nag-aarubaito. Ngunit ganun pa man mapapansin natin na ang buhay dito ay mas “convenient” or mas magaan kesa sa bansang ating pinagmulan. Dito, nagagawa nating maglibang o ma-enjoy ang perang sinasahod natin. Nagagawa nating makapagpadala ng pera sa ating mga pamilya buwan-buwan at makapagpa-aral ng mga anak hanggang kolehiyo.
Hindi nating maiwasang ikumpara ang buhay natin sa buhay na ating pinagmulan dahil aminin man natin o hinde, mas marami ang nag nanais sa atin na dumito na lamang hanggat kaya pang mag-arubaito dahil sa laki ng deperensya ng kinikita natin. Masaya ang buhay arubaito. Marami kang makikilala, marami kang mararanasan. Mga hirap, pagod, galit o mapagsabihan na minsan nakakasama na din ng loob ngunit mapapawi ito kapag atin nang natatanggap ang ating mga sweldo at maibigay na ang mga pangagailangan ng ating mga mahal sa buhay at hindi matatawaran ang kaligayahang ating nararamdaman. Kaya mga kababayan kong masisipag dito sa Japan… Go, Go, Go Arubaito lang tayo sapagkat ang katumbas nito ay buhay at ang kinabukasan ng mga mahal natin sa buhay. Hanggang sa muli po! Huwag tayong magsawa at lagi nating ingatan ang ating mga sarili dahil ito ang puhunan natin tungo sa ating mga pangarap sa buhay at sa gusto nating marating. GOD bless us all Filipinos here in Japan!
SEPTEMBER - OCTOBER 2019
Isang Hakbang Sa buhay kailangan natin ang isang hakbang Sa anumang ating ngayong nararanasan Sapagkat ang buhay ay tuloy-tuloy lamang Na para kang umaakyat ng isang hagdanan Mga hamon, suliranin ay laging nandidiyan Huwag bibigay at dibdib ay iyong tibayan Dahil lahat ng nangyayari sa mundo ay may katapusan Na kahit sino ay hindi na ito mapipigilan Tiyakin na sa bawat hakbang atin itong pinag-isipan Upang balang araw ay wala tayong pagsisisihan Magkamali man ay ating itong harapin at panindigan Dahil tayo ang may gusto at atin na itong naranasan Tandaan na sa Diyos laging manawagan Dahil tiyak na hindi Nya tayo pababayaan At lagi Nya tayong gagabayan at babantayan Sa bawat hakbang at sa bawat nating patutunguhan Photo by Marisol Kudo
By Anita Sasaki
EVERY GISING IS A BLESSING! Waking up alive is already a great blessing. Mabuti at nagising pa tayo. Ilan sa mga natulog kagabi ang hindi na po nagising? Ilan ang mga hindi nakatulog kagabi dahil sa gutom? O ilan ang hindi nakatulog dahil sa masakit ang ngipin? Ilan ang di nakatulog dahil sa problema sa pera? Problema sa kalusugan? Problema sa relasyon? Kung tayo ay may problema, ano po ba ang ating ginagawa? Mag-mumukmok na lang ba tayo? Dapat tayo ay mag reach out. Manalangin tayo nang taimtim, mula sa puso at hindi mula sa nguso. Ayon sa Inang Maria, ang isang
ABA GINOONG MARIA na dinasal ng dahan dahan at mula sa puso ay higit pa sa 60-pung ABA GINOONG MARIA na dinasal nang mabilis at wala sa puso. First thing in the morning, let us kneel down and pray. Magpasalamat tayo at alam naman natin na ang lahat ng ating biyaya ay galing sa Panginoon. Pag tayo ay lumuluhod, tayo ay nagpapakumbaba. Maski yumuko lang kung di kaya ng katawan ang lumuhod. At sa gabi din, lumuhod din tayo bago matulog upang magpasalamat sa ating maghapon sa trabaho o ano mang ginawa natin sa buong araw. Ulitin ko ang sabi ng lolo ko... Ang mga kalabaw bago humiga ay lumuluhod muna. Sabi nga nila “What comes around goes around.” Nitong July, meron akong natanggap na tawag na nagpapatulong na nasa Pinas na at may dapat ayusin sa kanyang Report of Birth. Wala na silang pamilya dito o kaibigan na makapunta sa embassy natin. So, ginawa ko na lang ang dapat gawin.
22
Ganoon na lang ang pasasalamat nang nakiusap na kakilala ko. Yon pala, tatay niya ay abogado. Nang malaman ko
SEPTEMBER - OCTOBER 2019
ito, ako naman ang nakiusap sa kanya na meron akong kailangan sa Pinas pero hindi ako makauwi dahil sa kalagayan kong hindi makalakad. Abogado ang kailangan ko para lumakad sa kailangan ko at maging “representative” ko. Ako ay minsan nawawalan ng pag asa na hindi ko na ito magagawa dahil sa matanda na ako at walang makaka gawa nito kundi ang abogado. Laking tuwa ko na pumayag ang tatay niyang abogado. Dito ko naramdaman na hindi pala ako pinagsarhan ng pinto ng Dios. Ganoon pala ay pinagbuksan niya ako ng bintana. Nagulat ako sa bilis nang mga pangyayari at wala pang dalawang lingo ay may balita na ako sa ginawa ng abogado. Wala akong masabi kundi ang magpasalamat sa Dios at tinulungan NIYA ang matagal ko nang kailangan at binigyan niya ako ng abogado na napakagaling. Naiyak ako sa labis na tuwa. At dito ko napatunayan na kung ano ang ginawa mo sa iyong kapwa, ibabalik sa iyo nang higit pa. MARAMING SALAMAT PO PANGINON, ang tanging masasabi ko.
Nanay Anita
Facebook : Philip D. Torres Mobile (Philippines) : +63-91-7605-6366 Model: Irene Kaneko Photography: Borg Meneses Art Direction: Dennis Sun
2019
Tokyo, Japan
Emmanuel Feliciano Fukuoka Kailangan Kita
Mira C. Kunii Tokyo Kung Mahawi Man Ang Ulap
Arcelyn Sayson Iwate Nasa Puso
Jayne Marjorie Tipon Kanagawa Anak
November 16, 2019
Sev "Rino" Amorte Eleferia Nagoya Muling Buksan Ang Puso
Eva J. Takanashi Kanto Ikaw Ang Lahat Sa Akin
Kimi Faith Calamonte Shizuoka Buwan
Yuki Maeda Kyoto Isang Lahi
KAPATIRAN
Shake it off Hi Kapatid! Mahilig ka ba sa shake? Rich, thick and creamy, food guilt! Iyong sobrang sarap, nakakakunsyensiya kainin hindi dahil sa anu pa mang dahilan kundi dahil may kapalit na weight gain kapag di mo tinagtag ang kalories. Sabi ni
Taylor Swift, para sa mga haters niya ang kanta niyang “Shake it off”, magsawa na sila sa kaka-negative comment, i-shake off niya lang. Kay Mariah Carey din na may kantang “Shake it Off”, para daw iyon sa sakit ng break-up nila ng ex niya, kakalimutan niya na lang. May mga sakit na kaya din ma-shake off, sa tamang lunas! Sa Tagalog, ipagpag mo ang tsinelas o sapatos mong madumi bago ka pumasok ng bahay, ang kobre-kama bago mo ilatag muli, ang labada bago i-sampay, pagkain na nalaglag sandali, “bilis pulutin mo agad!”, sabi kase sa loob ng tatlong segundo dapat madampot mo o nakakakapit na ang nagtakbuhang mikrobyo kaya kung merong nakasabit, i-pagpag mo para
26
makabitiw! (Totoo ba iyon?) Pero pagkain na galing sa basurahan, pinapagpag din? “Pagpag”! Alam mo na ba ito? Mga pagkain sa basura, dinapuan ng mga langaw at bangaw, ginagapangan ng mga ipis at daga, minsan may uod din na kasama, nire-recycle, niluluto muli, kinakain. Kapag una mo itong makita, madidiri ka, magigimbal, maiiyak, magagalit, bakit naman nila kinakain iyon? Meron bang gustong kumain ng pagkain na binungkal sa napakaruming basurahan? Siguro kung pwede lang hindi nila iyon kainin, pero kapag kumalam na ang sikmura at wala ng ibang makain, ang nilutong pagpag, sasarap din. Sabi nga, si Mayor Isko Moreno daw gawain na ding mag-pagpag ng nabubungkal na pagkain noong basurero pa siya. Pero ngayon, hindi lang mga gutom ang nagbubungkal ng pagkain sa basurahan, mga negosyante din. Pinagkakakitaan na ang pagpag, isa na itong hanap-buhay para sa mga maraming tao sa slum. Parang tanggap na nga ang
ni Loleng Ramos
pagpag sa Pilipinas, naghanap ako ng artikulong ginagawa ng gubyerno tungkol dito pero paalala lang sila na maaring makapulot ng sakit mula dito. Siguro kung uunlad lang kahit konti ang buhay nila, iyong magkaroon ng sapat para sa palengke na lang kukuha ng mailuluto, hindi sa basurahan, sana sa malapit na panahon mangyari din.
pang-meryenda ko lang naman, limang tao na sa slum ang mabubusog mula sa katumbas na halaga ng isang pirasong ensaymada na pinaglalawayan ko, at marami din sa kanila, isang beses lang sa isang araw nakakakain.
Ang sabi sa ebanghelyo kahapon, isang mayaman ang walang pakialam sa pulubing madumi at galisin na si Lazarus na nasa may pintuan ng bahay niya Noong umuwi ako sa nakapirmi, gutom at atin noong nakaraang walang makain. Nang Agosto, feeling turista ako sa Bonifacio Global mamatay na sila pareho, habang na ba-barbeque City, sa tila lumiit na Makati dahil sa dami ng sa apoy ang mayamang ito, nasa paraiso naman nadagdag na gusali, si Lazarus. Nahahawig katulad din sa Quezon City, sa Ortigas at Pasay na ito sa sitwasyon ngayon sa mundo, mga City, sa marami pang rich and elite na walang lugar. Ang dami ding nakikitang iba kundi bagong restaurant, masasarap ang pagkain, ang mundong ginagalawan kung saan ang daming pagkain, mataas ang ang mamahal, ang gaganda ng hitsura, ang kumpetensiya sa karangyaan ng buhay. sososyal. Papaanong Kailangan makasabay o nangyari na sa di mataasan ang iba kaya kalayuan ay ang mga ang pagpaparami para taong walang makain mas yumaman pa ang kundi ang mga labi ng naiisip sa buhay. tinapong pagkain ng Walang oras para sa iba. Nakakakilabot. mga taong walang Nakakalungkot. importansiya, wala nang Nakakawala ng gana oras para mahabag sa pero maya-maya lang iba. Nakalimutan na na gutom na muli ako at gusto kong bilhin iyong wala silang madadala nakita kong ensaymada kapag oras na kundi ang na mahigit isang daang kaluluwang kinalumutan alagaan piso ang isa. Sabi sa noong buhay pa ang documentary ng katawang mortal. pagpag, beinte pesos ang isang bag nito, kung hindi ko bibilhin ang ensaymada na iyon na
SEPTEMBER - OCTOBER 2019
2019
Tokyo, Japan
An Invitation
November 16, 2019