4 minute read

Moving On by Jasmin Vasquez

Simula sa aking pag kabata, lumaki ako na palagi kong naririnig sa mga nakakatanda tuwing sila ay nag aasaran, laki nilang bukang bibig “tuloy laway intsik beho”. Napa-isip ako bakit ba nila palagi sinasabi yung ganon. Ang tawag nila sa mga chino ay “intsik” (in chiek a hokkien chinese word meaning my uncle). Isang araw tinawag ko ang classmate ko ng intsik pero sya ay nagalit sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Instead tawagin ko daw syang chino or tsino. Talaga ba tuloy laway sila? Na curious lang kasi ako. Palagi nilang sinasabi na ganito ang mga intsik. Nag-aral ako ng 3 taon sa isang Chinese school sa may Tondo, Manila. Ok naman sila. Mas marami pa ngang bully na Pinoy kesa sa Chinese. At napaka istrikto doon compare sa mga ibang school. Masyadong conservative. Yun lang, di ako nagtapos doon. Sayang nga eh karamihin ng mga nag graduate doon, mga successful na sa buhay ngayon. Napakaraming activities doon na gusto ko sanang salihan ngunit mas priority nila kunin yung mga mapuputi lalo na pag dating sa cheering squad. Kayumanggi kasi ang kulay ng aking balat. Palagi kasi ako nabibilad sa araw gawa ng training ng citizen army training (CAT). Idagdag mo pa ang paglalaro ng volleyball outdoor. Totoong may discrimination pero meron din namang mababait. Parang sa ating mga Pinoy na hindi naman lahat ay mababait, meron din namang masama ang pag-uugali.

Lumilipas ang panahon, ibat-ibang mga pangyayari o kaugalian saan mang parte ng mundo partikular sa sarili nating bayan. Nag-iiba na halos lahat ng bagay at pag-uugali ng mga tao. May mga bumabait, mayroon namang nagiging masama. Maraming naiimbentong bagay. Maraming sinusubukang kainin ang mga tao tulad ng mga exotic foods. Sa Pilipinas, meron din isang lugar na kainan ng mga pagkain na di pangkaraniwan. Pagkain ng mga hayop na di pangkaraniwan. At dahil dito, ibat-ibang klase ng sakit ang lumalaganap sa ating kapaligiran.

Advertisement

Masyadong nakakaalarma ang huling sakit o virus na kumakalat ngayon na tinatawag nilang corona virus, dahil umano sa pagkain ng paniki ng mga Tsino na dinarayo pa nila sa isang lugar sa China. Mayroon din sumubok na kumain na dalawang Pinoy na nai upload pa sa You Tube. Napakatindi ng virus na ito dahil mabilis syang kumalat at ilang araw lamang ay maari mong ikamatay. Pinalock down ang ilang bahagi ng China para maiwasan na ang pagkalat sa ibang lugar. May mga na rescue naman na iba dahil ang Japan ay nagpadala ng eroplano para sa mga Hapon na hindi makalabas ng lugar na iyon.

Maraming nahawa papunta dito sa Japan, sa Pinas at sa iba pang bansa. Hindi maiwasan na magkahawa-hawa ang mga tao. Nitong huli, lulan ng isang barko ang napakaraming tao na dito sa Japan bumaba na syang dahilan na mas dumami pa ang naapektohan o nahawa sa naturang sakit.

Wala kahit na sino ang gustong mahawa pero nangyari na. Dapat tayong maging maagap kung alam nating delikado na talaga. Hindi ko lang maintindihan na bakit parang sumosobra naman ang iba sa pagtrato ng hindi maganda sa mga Tsino na nakakasalamuha natin. May damdamin din silang nasasaktan. Hindi naman lahat ay masama. Ang gawin nalang natin ay mag ingat ng doble. Sa isang banda ay hindi ko rin masisi ang iba dahil may mga Tsino pa rin na pasaway hanggang ngayon. Pero palagi nating tatandaan na kahit saang bansa, may mababait naman at masasamang tao. Oo sa kanila nagsimula ang virus pero hindi naman nila ginusto lahat na mangyari sa kanila iyon. Ang iba ay nahawa lang din. Patuloy na dumarami ang bilang ng mga nagkaroon ng virus dito sa Japan.

Ang dapat nating gawin ay mag ingat at gumawa ng paraan para maproteksyonan ang sarili kung alam natin delikado na sa isang lugar. Iwasan natin gumawi sa lugar na apektado ng corona virus. Palaging mag hugas ng kamay mag alchohol sa kamay. Gawin mong lahat para protektahan mo ang iyong sarili at pamilya pero hindi iyon dahilan para maging masama ang ugali natin at mapanghusga sa mga tao. Halimbawa na lang nung minsan na may mga kumain sa isang food chain na mga Tsino, sobrang panlalait ang ginawa ng ilang mga tao doon, na minabuti na lang nilang ipagpatuloy ang pagkain sa labas para lamang tumigil ang mga tao sa pangungutya sa kanila. Kung talagang may mga ilan na masasama ang ugali na kalahi nila, hindi iyon sapat na dahilan para gayahin o gumanti sa kanila. Naniniwala akong mas marami pa ring mabuti ang kalooban sa kanila.

Kaya kung ayaw nating magkaroon o mahawa sa kumakalat na sakit na iyan, tayo na lang ang umiwas o gumawa ng paraan para ma proteksyonan ang ating kalusugan ng wala tayong inaapi o inaapakang tao.

Saan mang panig ng mundo, may mababait, mabubuti at masasama. Ikaw kaibigan, saan ka ba nabibilang? Ikaw kaibigan, saan ka ba nabibilang?

This article is from: