6 minute read

Advice ni Tita Lits/Jeepney Press

Take It Or Leave It!

by Isabelita Manalastas-Watanabe

Advertisement

Dear Tita Lits,

Magandang araw po sa inyo.

Meron po akong mabigat na dinaranas ngayon sa aking biyenan. Nang ikinasal po ako sa aking asawang Hapon, tutol na po ang mga biyenan ko sa akin dahil isa akong dayuhan at isa pang Pilipina. Sabi pa nga ng nanay ng asawa ko na sana ay galing ako sa mayaman na bansa sa Amerika o Europa, mas maganda pa sa tingin ng mga tao. Nahiya po siya na ang pinakasalan ng kanyang anak ay isang pobreng Pilipina po lamang. Mahal po ako ng asawa ko at buntis na rin po ako ng kinasal kami. Gusto rin pong ipalaglag ng aking biyenan na babae ang anak na dinadala ko pero tinutulan ko po. Abort the child and no wedding needed ang utos ni biyenan. Bibigyan na lang daw ako ng maraming pera. Simula pa lamang, mabigat na drama na ang dinanas ko po.

Buti na lamang at sa probinsiya po sila nakatira at kami naman po ay sa Tokyo. Malaking pagtitiis at pagdurusa na lamang ako kapag binibisita namin sila sa probinsiya tuwing Obon at New Year taun-taon.

Namatay po last year ang biyenan kong lalake. Nagiisang anak po ang aking asawa kaya sinabihan ako na aalagaan niya ang nanay niya at titira po sa aming bahay dahil meron naman isang kwarto na hindi ginagamit. Alam kong wala naman pong masamang tumulong lalo na’t kung ito ay para sa magulang.

Ngayon, isang taon na po ang nakalipas. Punung-puno na po ako. Hindi ko na po kaya. Feeling ko, ako na yata ang mauunang mamamatay kaysa sa kanyang ina. Utos dito, utos doon. Sinasabihan ko naman ang asawa ko, pero sabi niya lagi sa akin na konting tiis dahil matanda na ang nanay niya. Kahit matanda naman ay malakas pa po.

Gusto ko pong umalis sa bahay at pansamantalang umuwi sa Pilipinas at iwan ang asawa ko dahil hindi ko na kayang magsama kami sa bahay ng kanyang ina. Ang asawa ko po ay laging nasa kaisha. Umuuwi lang para matulog. 24 oras ko pong kasama ang kanyang ina. Ayaw din ng ina na tumira sa mga tahanan para sa matatanda.

Hindi pa rin po ako matanggap hangang ngayon ng kanyang nanay kaya parang pinaparusahan niya ako, at parang gusto rin kaming ipaghiwalay. Sinisiraan niya po ako sa aking asawa. Lagi na po kaming nag-aaway at lagi niyang kinakampihan ang kanyang ina. Kung uuwi ako at iiwan ang aking asawa, parang nanalo ang kanyang nanay.

Ayoko ko namang lumaban sa biyenan ko. Hindi po ako masamang tao. Alam niya iyon. Kahit magkasakit siya, tinutulungan ko siya. Pero wala pa ring epekto sa kanya ang mga kabutihan kong ginagawa. Pagkalipas na mahigit na 20 taon, hindi pa rin nagbabago ang trato sa akin.

Pinagdarasal ko lagi pero parang meron akong kasamang demonyo sa bahay. Ngayon, ang pag-uwi ko na lang sa Pilipinas ang naiisip kong gawin at baka mag-ibang isip ang aking asawa.

Ano pa po kaya ang magandang gawin? Tulungan po ninyo ako.

Magdalena, Tokyo

Dear Magdalena:

Inulit-ulit kong basahin ang sulat mo. Talagang sa simula pa lamang ay mukhang mababa na ang tingin sa iyo ng iyong biyenan na babae. Pero parang ang bait naman ng napangasawa mo – hindi ka niya iniwan noong nabuntisan ka niya at pinangatawan niyang pakasalan ka at ituloy ang iyong pagbubuntis kahit kontrang-kontra dito ang mother-in-law mo. Wala akong narinig about your father-in-law. Mabait din siguro tulad ng iyong asawa.

Kapag O-bon at New Year taon-taon kayong dumadalaw sa iyong mga biyenan. Mga around isang linggo lang iyon taon-taon, pero parang kahit ilang araw lang kayo sa kanila, ay mukhang nahirapan ka pa ring makisama sa biyenan mong babae. Wala rin akong nakitang amor ng iyong mother-in-law sa kanyang apo. Malimit, ang apo ay mahal ng mga lolo at lola, kahit na hindi pa gusto ng biyenan ang napangasawa ng kanyang anak.

Mga isang taon ka ng sobrang nagtitiis na kasama na ninyo ngayon sa Tokyo ang iyong biyenan. Sa basa ko sa iyong sulat, dapat mga at least 20 years old na rin ang anak mo – either nasa unibersidad siya, or natapos ng mag-aral at nagta-trabaho na. Kung wala na sa bahay ang anak mo, talaga namang laki ng sakripisyo mong makisama sa bruha mong biyenan.

May ikukuwento ako sa iyo na true story. May kaibigan akong magandang Pinay na nakapag-asawa ng Hapon na solong anak din. Tawagin natin siyang Mercy. From the start, nakatira sila sa isang bahay lang, kasama si mother-in-law. Nasa second oor nakatira ang biyenan, at sa rst oor naman sina Mercy, asawa niya at anak na lalaki. Hindi rin gusto si Mercy ng kanyang biyen dahil Pinay, at mababa rin ang tingin sa kanya. Minsan, lumabas si Mercy sa bahay at binuhusan ba naman ng tubig from second oor nitong kanyang biyenan! Pero mahal si Mercy ng asawa niya. Nagtiis ng maraming taon si Mercy dahil mahal din niya ang kanyang asawa at anak. Noong magkasakit ang mother-in-law, inalagaan ni Mercy. Doon nag-umpisang lumambot ang puso ng kanyang biyenan sa kanya. At naging mabait-na-mabait na sa kanya.

Pero sa sulat mo, kahit noong magkasakit ang biyenan mo at tinulungan mo, wa epek pa rin. At talagang trying hard pa ring ipaghiwalay kayong mag-asawa.

Gustung-gusto ko ang sinabi mo sa sulat mo, and I quote: “Kung uuwi ako at iiwan ang aking asawa, parang nanalo ang kanyang nanay.” Tama ka diyan! Dapat hindi ka magpapatalo!

Ayaw ba ng asawa mo na mag-part-time job ka? Kahit sa mga kombini – nagha-hire na sila ng mga foreigners. Noon, mga Chinese lang karamihan. Ngayon, marami ka ng makikitang dark skinned na foreigners na noon ay hindi iisiping iha-hire. Sa malapit na grocery shop sa aking train station, may isang babaeng cashier na nakatakip ang ulo (mukhang Indonesian Muslim). Siguradong ang galing ng iyong spoken Japanese, at kahit ilang oras lang sa isang araw, or ilang araw sa isang linggo, makakakuha ka ng trabaho. Maraming job fair na ina-advertise ang Pinoy Gazette. Mayroon sa March 1, 2020, Sunday, from 13:00-16:00, Akihabara Convention Hall, sa harap lang ng JR Akihabara station. Libre ito. Pwede mong tawagan si Jhun, 03-3549-7718.

Church goer ka ba? Sali ka kaya sa church choir? Para mayroon kang maging bagong crowd, at bagong mga kaibigan. Dahil church goers ang mga ito, at member pa ng choir, walang masasabing paninira sa iyo ang biyenan mo kapag lumabas ka ng bahay para makisali sa practice ng choir. Wala rin siyang masasabi kung

magsisimba ka regularly. At least, once a week, kahit kalahating araw lang, maiba ang iyong environment. At dagdagan mo na rin ng dasal. Sabi nga ng biblia, hindi daw ibibigay sa atin ng Diyos ang isang pagsubok kung hindi natin kaya. At sa bawa’t hirap na dinadanas mo, i-oer mo na lang kay Lord, at hinding-hindi ka niya papabayaan.

Kung ayaw ng asawa mo na mag-trabaho ka, siguro naman ay papayag siyang maging aktibo ka sa church. Kapag talagang desperate ka na at parang pag-uwi lang sa Pilipinas ang makakalunas sa iyong problema, umuwi ka, pero huwag masyadong matagal. Basta’t tandaan mo, kahit mahikayat pa ng loko mong biyenan na hiwalayan ka ng anak niya, HUWAG KANG PIPIRMA sa divorce papers. Wala silang magagawa kung hindi ka pipirma. E-di ikaw ang panalo!!!

Tita Lits

This article is from: