3 minute read

KAPATIRAN by Loleng Ramos

PUSONG PUTI by Loleng Ramos

Happy Valentine, kapatid! May kabiyak ba ang puso mo? Biyak ba ang puso mo? O sa ilang parte ito nabibiyak? Pwede bang biyakin ang puso? Siguro sa dalawang paraan pwede, mabigo sa pag-ibig at maging broken heart o kaya katulad ng kay kawawang si porky, bibiyakin, hihiwain, tatadtarin at gagawing bopis! Ayoko na nga kumain nyan! Pero ang ibig sabihin ko naman ay kung kani-kanino nahahati ang puso mo? Kay irog, nanay, tatay, lola, lolo, pinsan, kaibigan, katrabaho, kapit-bahay, karelasyon (oooops) mas marami kang minamahal ibig sabihin din, marami ang nagmamahal sa iyo, tama ba iyon? Basta, huwag mong kalimutang isama si Lord, ha?

Advertisement

Pero sa totoo lang at hindi kwentong kuchero, nahahati sa dalawang bahagi ang puso, ang kanan na parte ang tumatanggap at magpa-pump ng dugo na kailangang ma-recharge ng oxygen at matanggalan ng carbon dioxide na nasagap nito sa loob ng katawan. Sa pagtibok ng puso pina-pump nito ang dugong ito papunta sa baga kung saan nagaganap ang palitan ng hangin. Bumabalik ang dugong ito papunta naman sa kaliwang parte ng puso na may taglay ng nutrisyon o pagkain (oxygen) at dadaloy na sa ating mga ugat sa buong katawan para maghatid ng kalakasan at kalusugan sa bawat kalamnan. Kaya hindi lang “love” ang nagpapatibok ng heart, trabaho din pala niya ito sa ating katawan!

Kapag “head over heels in love” ka, iyong tipong nasa sakong mo ang ulo mo sa sobrang kilig at sirko, ang daloy na dugo papunta sa utak ay bumibilis din, pati tibok ng puso bumibilis din. Di ba? Pero kapag naman sumagot ang puso sa sobrang kalungkutan katulad halimbawa ng pagkawala ng minamahal sa anumang kadahilanan, humihina ang puso at ang kaliwang bahagi nito ay lumalaki na katulad ang hugis sa panghuli ng pugita, o iyong parang palayok na tabo (tsubo) na pambitag para pasukin ng mga tako (pugita). Dahil nga sa Japan unang na-itala ang obserbasyon na ito, pinangalanan itong Takotsubo Cardiomyopathy o tinatawag din na Broken Heart Syndrome. Mag-ingat ka kapatid, may mga namamatay din dito!

Bakit kaya ang simbolo ng pag-ibig o heart shape ay hindi naman kahugis ng puso? Sabi ang pinanggalingan daw nito ay ang hugis ng buto ng halamang extinct na ngayon, ang “Silphium”, merong mga barya na gawa pa noong ika-anim na siglo na nagpapakita ng hugis nito. Sa Cyrene o Libya na ngayon daw ito tumubo at hindi naitatanim kaya ng naubos, hindi na tumubo pa muli. Ito ay kasing halaga ng ginto noon at ang bawat parte ay nagagamit, masarap na pagkain at gamot na panlunas sa napakaraming sakit. Ang pag-inom nga daw ng juice nito ay isang aphrodisiac o pampalakas ng sexual desire at pinakamabisang gamot para hindi mabuntis ang isang babae at sinasabi nga na dito nag-umpisa ang kaugnayan ng heart at ang heart shape ng Valentine.

Sa loob ng tiyan pa lang ni nanay, ang puso din natin ang isa sa pinakaunang nakukumpleto mabuo, sa ika-apat na linggo pa lang ng ating buhay ay nag-uumpisa na itong tumibok at pwede pa rin ito mapanatiling tumitibok kahit natanggal na sa loob ng katawan. Nakakamangha ang puso at napaka-importante, responsibilidad natin na alagaan ng mabuti ang nasa sa atin. Hala kapatid, mag-ehersisyo ka na, saka ingat sa kolesterol. Pero kung hindi lang extension ng mortal life ang hangad mo at everlasting life din, dapat paputiin mo din, sabi, “Blessed are the pure in heart, for they shall see God”. Sa pagpili ng tama mula sa napakaraming tukso sa mundo. Pero katulad ng tempting valentine chocolate, ikaw ang pumili ng pwede at ang tama mo lang kainin. Isipin mo palagi ang health ng heart mo habang buhay tayo sa mundo at kaputian nito para mabuhay pa tayo ulit.

This article is from: