Take It Or Leave It! by Isabelita Manalastas-Watanabe Dear Tita Lits, Magandang araw po sa inyo. Meron po akong mabigat na dinaranas ngayon sa aking biyenan. Nang ikinasal po ako sa aking asawang Hapon, tutol na po ang mga biyenan ko sa akin dahil isa akong dayuhan at isa pang Pilipina. Sabi pa nga ng nanay ng asawa ko na sana ay galing ako sa mayaman na bansa sa Amerika o Europa, mas maganda pa sa tingin ng mga tao. Nahiya po siya na ang pinakasalan ng kanyang anak ay isang pobreng Pilipina po lamang. Mahal po ako ng asawa ko at buntis na rin po ako ng kinasal kami. Gusto rin pong ipalaglag ng aking biyenan na babae ang anak na dinadala ko pero tinutulan ko po. Abort the child and no wedding needed ang utos ni biyenan. Bibigyan na lang daw ako ng maraming pera. Simula pa lamang, mabigat na drama na ang dinanas ko po.
18
Buti na lamang at sa probinsiya po sila nakatira at kami naman po ay sa Tokyo. Malaking pagtitiis at pagdurusa na lamang ako kapag binibisita namin sila sa
probinsiya tuwing Obon at New Year taun-taon.
kasama ang kanyang ina. Ayaw din ng ina na tumira sa mga tahanan para sa matatanda.
Namatay po last year ang biyenan kong lalake. Nagiisang anak po ang aking asawa kaya sinabihan ako na aalagaan niya ang nanay niya at titira po sa aming bahay dahil meron naman isang kwarto na hindi ginagamit. Alam kong wala naman pong masamang tumulong lalo na’t kung ito ay para sa magulang.
Hindi pa rin po ako matanggap hangang ngayon ng kanyang nanay kaya parang pinaparusahan niya ako, at parang gusto rin kaming ipaghiwalay. Sinisiraan niya po ako sa aking asawa. Lagi na po kaming nag-aaway at lagi niyang kinakampihan ang kanyang ina. Kung uuwi ako at iiwan ang aking asawa, parang nanalo ang kanyang nanay.
Ngayon, isang taon na po ang nakalipas. Punung-puno na po ako. Hindi ko na po kaya. Feeling ko, ako na yata ang mauunang mamamatay kaysa sa kanyang ina. Utos dito, utos doon. Sinasabihan ko naman ang asawa ko, pero sabi niya lagi sa akin na konting tiis dahil matanda na ang nanay niya. Kahit matanda naman ay malakas pa po.
Ayoko ko namang lumaban sa biyenan ko. Hindi po ako masamang tao. Alam niya iyon. Kahit magkasakit siya, tinutulungan ko siya. Pero wala pa ring epekto sa kanya ang mga kabutihan kong ginagawa. Pagkalipas na mahigit na 20 taon, hindi pa rin nagbabago ang trato sa akin.
Gusto ko pong umalis sa bahay at pansamantalang umuwi sa Pilipinas at iwan ang asawa ko dahil hindi ko na kayang magsama kami sa bahay ng kanyang ina. Ang asawa ko po ay laging nasa kaisha. Umuuwi lang para matulog. 24 oras ko pong
Ngayon, ang pag-uwi ko na lang sa Pilipinas ang naiisip kong gawin at baka mag-ibang isip ang aking asawa.
Pinagdarasal ko lagi pero parang meron akong kasamang demonyo sa bahay.
Ano pa po kaya ang magandang gawin? Tulungan po ninyo ako. Magdalena, Tokyo
JANUARY - FEBRUARY 2020