4 minute read
Isang Araw sa Ating Buhay
ni Jeff Plantilla
Kailan lamang ay nalaman ko na ang ating mga wika sa Filipinas ay mula sa wikang tinatawag na Austronesian. Ibig sabihin, kasama ang mga ito sa wika ng mga Melanesians, Micronesians at Polynesians sa Pacic, at pati mga taga-Madagascar sa Africa. Ito rin ang pinanggalingan ng mga wika sa Indonesia at parte ng Malaysia. Hindi nakakapagtaka na ang ating wika ay tulad sa mga taga-Indonesia at Malaysia, mga kapit-bansa ito. Ang medyo hindi ko inaasahan ay ang pagkakapareho ng ating mga wika sa mga taga-Pacic. Dati ko pang naisip na ang tono ng kantang pag-ibig ng mga tao sa Pacic (kasama ang mga taga-Hawaii) ay halos katulad sa ating awit ng pagmamahalan.
Advertisement
Nung 19th century sa Europe, sinimulan ni Jose Rizal na ungkatin ang kasaysayan ng Filipinas upang patunayan ang ating pagiging kaisang lahi sa mga taga-Indonesia at Malaysia. Gusto din niyang patunayan na may maayos tayong sibilisasyon bago pa dumating ang mga Kastila.
Dahil dito, kinilala si Rizal bilang pangunahing tagapagtaguyod ng Filipino bilang lahing Malay. Gusto niyang ipagmalaki natin ang ating lahing kayumanggi.
Kayumangging kaligatan
Sa salitang Tagalog, ang lahing kayumanggi ay nakikita sa kulay ng balat na tinatawag na kayumangging kaligatan. Ang mga salitang ito ay kadalasang ginagamit sa pagsasalarawan sa mga kababaihang Filipinang katutubo.
Kung susundin ang sinasabi ni Rizal na dapat nating ipagmalaki ang lahing kayumanggi, ang kulay ng ating balat na kayumanggi (brown) ang dapat nating pinahahalagahan.
Minsan, napanood ko ang isang TV program sa Filipinas at napansin ko na halos lahat ng mga nasa TV ay mapuputi – marami ay mestisuhin. Sabi ko sa kasama kong Filipino, bakit ganun, puro mapuputi ang mga lumalabas sa TV?
Kahit noong una pa, ang mga artista sa ating pelikula ay mga mestizo/mestiza. Matangkad, matangos ang ilong at mapuputi ang balat – at siyempre, mukhang mestizong/mestizang Kastila o Amerikano.
Ngayon, uso naman yung kamukha ng mga taga-Northeast Asia – Korean, Japanese at Chinese. Parehong mapuputi din ang balat.
At kaya din siguro nauso ang skin whitener sa Filipinas. Gusto nating maging kamukha ng mga K-Pop o J-Pop o Hollywood stars na may nakakasilaw na puti (mula sa lumang commercial ng sabon na panglaba).
Pagiging Filipino
Kailan lang ay napanood ko ang isang documentary ng isang Dinala siya ng kanyang pamilya sa Alaska noong siya ay 14 taon pa lamang. Dahil bahagi ng Amerika ang Alaska, sinikap niyang maging Kano. Sabi nga niya, siya ay “trying so hard to get rid of … my Filipino-ness” para maka-t in sa lipunang Amerikano.
Nguni’t minsan sa isang school event na bigayan ng mensahe ang mga estudyante sa bawa’t isa, may natanggap siyang mensahe na ito ang nakasulat: “You’re Filipino, act like it.”
Naisip niya na hindi siya kailanman magiging Amerikano, dahil hindi siya mukhang Amerikano – o mukhang Caucasian. Siya ay kamukha ng mga karaniwang Filipino na matatagpuan sa Filipinas. Ang napangasawa niya ay isang Athabaskan, kanyang girlfriend mula pa nung highschool, isang native Alaskan na “proud of her roots, of her heritage.” Naisip niya na kung ang kanyang asawang Athabaskan ay ipinagmamalaki ang kanyang tunay na lahi at kabihasnan, bakit hindi siya magmalaki bilang Filipino?
Filipino-Athabaskan family sa Alaska. Ito ay istorya ng isang Filipino migrant sa Alaska. Tatlo ang kanilang anak na pinangalanan nilang Malakas, Kalayaan at Kaluguran. Alam ng mga anak niya ang mga kantang
pambata sa Filipinas at marunong silang magsayaw ng tinikling. Ang lalaking anak niya ay nagsuot ng barong sa school event – bagay na hindi niya maisip gawin nung siya ay nag-aaral pa. Sa tingin niya, ang kanyang mga anak ay 100% Athabaskan at 100% Filipino – 200% ang suma tutal.
Kaya ang pamilya niya ay may malakas na identity bilang Filipino-Athabaskan family. Pareho silang mag-asawang malakas ang pagmamahal sa sariling lahi, kultura at isip. Hindi sila nahihiya sa kanilang tunay na pagkatao.
Ang video documentary na tinutukoy ko ay may pamagat na “Episode 004: Superpowers” pero sa Youtube may pamagat ito na “How a Filipino Raises his Kids with his Native Alaskan Wife.” Sa huli ng video ay nakasulat ito: How can we embrace our roots?
Filipino sa Japan
May isang istorya ang isang Filipina tungkol sa kanyang maliit na pamangkin. Sumigaw ito ng “Tita” habang nasa isang dumadaang sasakyan kasama ang mga Hapones na bata. Medyo napahiya daw siya dahil hindi Nihonggo ang sinasabi ng bata. Bakit kaya nahiya? Maaari kayang dahil malalaman na may halong dugo ang bata, hindi purong Hapones?
Hindi kaya ganun din ang ating karanasan na ayaw nating ipakilala hangga’t maaari ang ating pagiging Filipino sa harap ng mga Hapones kung tayo ay mapagkakamalian na Hapones din?
Pero marami din sa atin ay walang pakialam sa iisipin ng mga Hapones – malakas ang boses at tawanan habang naglalakad sa daan, nasa mga tindahan at kahit sa loob ng tren.
Paano nga ba tayo dapat magpakilala sa mga Hapones bilang Filipino sa paraang tayo ay igagalang at tatanggapin nang lubusan?
Malayan Race
Kinilala si Jose Rizal sa Malaysia bilang “The Great Malayan.” Itinuturing siya na modelo ng mga taong Malay. Sa Filipinas, siya ay binansagang “First Filipino” – dahil itinaguyod niya ang pagkakaroon ng isang bansa ng mga Filipino – mga taong may lahing Malay.
Panahon na para mas bigyan natin ng pagpapahalaga ang kapwa Filipino na may balat kayumanggi – kasama na rito ang ating mga kapatid na Ayta/Ita/Agta ang sinasabing unang tao sa lupang ngayon ay tinatawag na Filipinas.