ni Jeff Plantilla Kailan lamang ay nalaman ko na ang ating mga wika sa Filipinas ay mula sa wikang tinatawag na Austronesian. Ibig sabihin, kasama ang mga ito sa wika ng mga Melanesians, Micronesians at Polynesians sa Pacific, at pati mga taga-Madagascar sa Africa. Ito rin ang pinanggalingan ng mga wika sa Indonesia at parte ng Malaysia. Hindi nakakapagtaka na ang ating wika ay tulad sa mga taga-Indonesia at Malaysia, mga kapit-bansa ito. Ang medyo hindi ko inaasahan ay ang pagkakapareho ng ating mga wika sa mga taga-Pacific. Dati ko pang naisip na ang tono ng kantang pag-ibig ng mga tao sa Pacific (kasama ang mga taga-Hawaii) ay halos katulad sa ating awit ng pagmamahalan. Nung 19th century sa Europe, sinimulan ni Jose Rizal na ungkatin ang kasaysayan ng Filipinas upang patunayan ang ating pagiging kaisang lahi sa mga taga-Indonesia at Malaysia. Gusto din niyang patunayan na may maayos tayong sibilisasyon bago pa dumating ang mga Kastila.
TV program sa Filipinas at napansin ko na halos lahat ng mga nasa TV ay mapuputi – marami ay mestisuhin. Sabi ko sa kasama kong Filipino, bakit ganun, puro mapuputi ang mga lumalabas sa TV? Kahit noong una pa, ang mga artista sa ating pelikula ay mga mestizo/mestiza. Matangkad, matangos ang ilong at mapuputi ang balat – at siyempre, mukhang mestizong/mestizang Kastila o Amerikano. Ngayon, uso naman yung kamukha ng mga taga-Northeast Asia – Korean, Japanese at Chinese. Parehong mapuputi din ang balat. At kaya din siguro nauso ang skin whitener sa Filipinas. Gusto nating maging kamukha ng mga K-Pop o J-Pop o Hollywood stars na may nakakasilaw na puti (mula sa lumang commercial ng sabon na panglaba).
Pagiging Filipino Kailan lang ay napanood ko ang isang documentary ng isang
Dinala siya ng kanyang pamilya sa Alaska noong siya ay 14 taon pa lamang. Dahil bahagi ng Amerika ang Alaska, sinikap niyang maging Kano. Sabi nga niya, siya ay “trying so hard to get rid of … my Filipino-ness” para maka-fit in sa lipunang Amerikano. Nguni’t minsan sa isang school event na bigayan ng mensahe ang mga estudyante sa bawa’t isa, may natanggap siyang mensahe na ito ang nakasulat: “You’re Filipino, act like it.” Naisip niya na hindi siya kailanman magiging Amerikano, dahil hindi siya mukhang Amerikano – o mukhang Caucasian. Siya ay kamukha ng mga karaniwang Filipino na matatagpuan sa Filipinas. Ang napangasawa niya ay isang Athabaskan, kanyang girlfriend mula pa nung highschool, isang native Alaskan na “proud of her roots, of her heritage.” Naisip niya na kung ang kanyang asawang Athabaskan ay ipinagmamalaki ang kanyang tunay na lahi at kabihasnan, bakit hindi siya magmalaki bilang Filipino?
Dahil dito, kinilala si Rizal bilang pangunahing tagapagtaguyod ng Filipino bilang lahing Malay. Gusto niyang ipagmalaki natin ang ating lahing kayumanggi.
Kayumangging kaligatan Sa salitang Tagalog, ang lahing kayumanggi ay nakikita sa kulay ng balat na tinatawag na kayumangging kaligatan. Ang mga salitang ito ay kadalasang ginagamit sa pagsasalarawan sa mga kababaihang Filipinang katutubo. Kung susundin ang sinasabi ni Rizal na dapat nating ipagmalaki ang lahing kayumanggi, ang kulay ng ating balat na kayumanggi (brown) ang dapat nating pinahahalagahan.
14
Filipino-Athabaskan family sa Alaska. Ito ay istorya ng isang Filipino migrant sa Alaska.
Minsan, napanood ko ang isang
JANUARY-FEBRUARY 2020
Tatlo ang kanilang anak na pinangalanan nilang Malakas, Kalayaan at Kaluguran. Alam ng mga anak niya ang mga kantang