3 minute read
Jeepney Press MOVING ON
ni Jasmin Vasquez
Isang taon na mahigit simula ng magkaroon ng corona virus sa ibat-ibang panig ng mundo. At magpasa hanggang ngayon, patuloy itong kumakalat at pumapatay ng mga tao lalo na sa mga mahihina ang resistensya ng katawan.
Advertisement
Sino nga ba ang may gustong magkaroon nito? Kahit sino po ay walang may kagustuhan na magkaroon na salot na virus na ito. Napakalaking pinsala ang naging sanhi nito sa ating pamumuhay.
Maraming tao ang binale wala ang ang pangyayaring nagaganap. Na hindi man lang inisip na maaring madamay ang ating buong pamilya kung tayo ay hindi mag-iingat.
Maraming nagpanic buying ng mga pagkain, tissue, alcohol, face mask at iba pa. Ngunit ng lumaon ay dumami na ang supply at agad naman natugunan ang kakulangan ng mga ito. Nang sumapit ang tag-init ay pansamantalang bumagal ang pagdami ng mga nagpositibo sa virus na ito. At ng dahil sa gustong bumawi ng mga ibat-ibang establishment at mga ahensya ay nilunsad nila ang Go To Travel upang muling palakasin ang turismo. Halos kalahati ang bagsak presyo nito upang marami ang makapamasyal sa iba ibang lugar. Ang ganda ng dating ngunit may nag iintay na panganib.
Pagpasok ng October, unti unti na naman dumagsa ang mga nagpositibo at dahil lumalamig na, napakabilis ng pagkalat nito hanggang sa kasalukuyan. Dahilan para magkaroon ng State of Emergency ulit. Sobrang nakaka alarma na araw araw isang libo, dalawang libo, tatlong libo parami ng parami ang mga nag positibo.
Tama, walang may gusto na magkaroon ka nito pero, pwede kang mag ingat para huwag magkaroon nito. Pag sinabing bawal, sumunod ka. Pag sinabing mag ingat, mag ingat ka. Hindi para sa sarili mo lang kundi para din sa pamilya mo na kasama mo. Maging responsable tayo. Kung alam nating masama na ang pakiramdam natin, tayo na po ang lumayo o mag ingat. Agapan natin kaagad upang wala ng madamay pa. Hindi natin nakikita ang virus kaya tayo na hanggat maari ang iiwas. Hindi tayo mamamatay kung hindi tayo mamamasyal o mag paparty party. Hanggat maari kung hindi importante, huwag na lang lumabas. Para ng sa gayon hindi tayo mahawa at hindi tayo makapanghawa. Kung sakali hindi mo mapigilang lumabas, pag uwi mo dapat may nakahanda kang aapakan na may alcohol para kung may nakadikit man sa iyong sapatos na virus ay maalis kaagad, derecho hubad ng damit lagay sa washing machine labhan at maligo agad agad.
Isa yan sa mga napapansin ko na maaring magdala ng virus sa bahay natin, yung mga damit na paulit ulit ginamit sa pagpasok at iuuwi sa bahay. Kung magiging maingat lamang tayo ay maagapan natin ito.
Hanggat maraming tao ang matigas ang ulo at ayaw mag-ingat ay hindi matatapos ang salot na covid na ito. Katulad ngayon na may malala pa at bagong virus na naman. Hindi pa nga natatapos yung dati ay may bago na naman. Mag-ingat po tayong lahat. Kahit sino po ay pwedeng kapitan nito, kaya maging maagap tayo kapag tayo ay lumabas ng bahay. Wastong pag iingat at gawan agad natin ng solusyon kapag masama po ang ating pakiramdam ay manatili na lang tayo sa bahay. Pakiramdaman natin ang ating sarili kung dapat na bang ikaw ay tumawag ng assistance. Kung mahal mo ang iyong pamilya, ito ay gagawin mo para sa ikabubuti ng lahat. Huwag munang tumanggap ng mga bisitang galing sa malalayong lugar. Hindi masamang mag ingat lalo na kung ito para sa nakararami.
Palagi po tayong magdasal ng buong puso para gabayan tayo ni Lord. Mas laliman pa natin ang pakikipagrelasyon natin kay Jesus dahil sya lang ang higit na makapangyarihan sa lahat na magliligtas sa atin. Maaring isa itong senyales na kailangan na natin mas manalig at mas lumapit pa tayo sa Kanya. Hinihintay lang po tayo ni Jesus.