Jeepney Press #110 March - April Spring Issue 2021

Page 14

ISANG ARAW SA ATING BUHAY

ni Jeff Plantilla

Sa panahon ng COVID-19 pandemic, ang borders ng mga bansa ay nagsasara. Pinipili ang pinapapasok. Sa ilang bansa, kailangan ng certificate ng negative result ng test para sa COVID-19. Ganun din sa Filipinas. 500 Taon ng Kristiyanismo Ipinagdiriwang ng simbahan ang ika-500 anibersaryo ng pagkakaroon ng Kristiyanismo sa Filipinas sa taong 2021. Ang 500 na taon ay binilang mula 1521 na taon ng pagdating ni Ferdinand Magellan sa Visayas. Isa sa mga naitulong ng simbahan sa mga tao sa Filipinas ay ang pagtatayo ng mga ospital, na gumagamit ng gamot at uri ng panggamot mula Espanya o Europa. Halos lahat ng mga grupo ng relihiyosong misyonero ay may kaugnayan sa pagtatayo ng ospital sa Filipinas. Ang mga Kastilang Pransiskanong misyonero ang unang nagtayo ng European-type na mga ospital sa Japan. Itinayo ito sa Kyoto nung 1594-1595 - isa ay ang ospital Sta Ana para sa mga may Hansen disease (leprosy), at pangalawa ang ospital San Jose para sa mahihirap.

14

Sa Maynila, nagtayo ang mga Kastilang Pransiskanong misyonero ng ospital para sa may sakit kasama yung may Hansen disease. Nagtayo sila nung 1578, pagkarating na

pagkarating nila sa Maynila, ng isang maliit na bahay para sa mga mahihirap. Ang unang ospital ng mga Pransiskanong pari ay tinawag na Hospital de Naturales sa loob ng Intramuros na itinayo nung 1580. Ito ay pinupuntahan hindi lamang ng mga tao sa Maynilad kundi ng mga taga-ibang bansa tulad ng mga Hapones, Chinese, Thais, Cambodians, Borneans, at Africans. Sinasabi na bago pa dumating ang mga Kastila, maraming tao na ang may sakit ng Hansen disease sa iba't-ibang lugar sa Filipinas. Paghiwalay ng mga may Hansen disease Sinabi din na ang mga may sakit ng Hansen disease bago dumating ang mga Kastila ay pinatitira sa mga malalayong isla na para lang sa kanila. Dahil nakakahawa ang Hansen disease, dapat ilayo ang mga may sakit ng ganito sa karamihan ng mga tao. Nung dumating ang mga Kastilang misyonero, dala nila ang panggagamot na ginagamit sa Espanya nung 16th at 17th centuries. At sinasabi na nung mga panahong yon sa Europa, ang mga Pransiskanong pari ang may pinakamaraming ospital para sa may Hansen disease. Nung 1630s, 150 Hapones na may Hansen disease ang ipinatapon sa Maynilad. Sinasabing ipinatapon sila sa Filipinas, malamang sa utos ni Ieyasu Tokugawa, dahil sila ay mga Kristiyano. Ito ay panahon na

March - April 2021


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.