Jeepney Press #110 March - April Spring Issue 2021

Page 22

KWENTO NI NANAY Anita Sasaki

EVERY GISING IS A BLESSING! Bagong Hinaharap. Nakikita mo ang mga ningning sa kanilang mga mata. Kaligayahan. Ngiti sa kanilang mga labi. EVERY GISING IS A BLESSING TO ALL! Ang bati ko po sa mga mambabasa ng Mga Kuwento Ni Nanay dito po sa ating JEEPNEY PRESS. Hindi na gaanong malamig ang panahon ngunit paiba-iba pa rin ang temperature at mahangin. Kaya dagsa naman ang meron “kafun” or allergy dahil sa pollens. Unti-unti na ring mamulaklak ang mga Sakura. Pag namulaklak ang mga yan... Hay! Anong ligaya ng mga tao, hindi lamang mga Hapon, lahat po! Ngayon nga palang na halos sumisilip palang ang mga bulaklak, tuwang tuwa na sila. Ngayon pa lamang wala na silang pinag uusapan kundi ang pamumukadkad ng Sakura. Parang sa pakiwari mo, meron silang inaantabayanang bagong bukas, bagong buhay, bagong pag asa. Parang yon mga bulaklak meron dalang BIYAYA.

Ganyan ang mga napapansin ko sa aking pinupuntahang “Day Service.“ Parang pangyayari sa ating buhay. Dumarating ang panahon sa buhay natin minsan okay tayo, pag dumarating ang mga problema o pagsubok sa buhay parang maihahambing natin sa mga puno nang Sakura. May panahon na napakaganda ang tindig ng mga puno, green na green ang mga dahon. Pagdating ng autumn, dahan dahan nag iiba ang kulay ng mga dati berdeng dahon, maya maya ang mga dahon ay nag kulay orange, yellow gold at magiging brown na parang lantang mga dahon na mag uumpisa ng malagas. Ang dating matipunong punong kahoy ay biglang wala nang natirang dahon. Parang ang tingin natin sa puno ay nalanta na. Napakalungkot na tanawin. Biglang walang kabuhay buhay ang mga puno. At ito ay panahon na nang tag lamig o “winter.” Malungkot na tanawin ang mga punong nalagas na ang mga dahon. Parang wala nang buhay.

sanga ng puno. Sa bandang kalahatian ng Marso hangang katapusan, ayun meron nang namumulaklak na mga puti or light pink na bulaklak. At, wow biglang sunod sunod na halos sabay sabay ang mga nag gagandahang mga Sakura o ang Cherry Blossoms na mamamangha ka sa GANDA. At masasabi mong “God made all things beautiful.” Napakaganda po talaga. Parang milagro. Ang sa tingin mo’y parang patay na puno ay biglang makikita mo ang mga bulaklak naggagandahan sa iyong paligid na napaka gaganda. Ayan ang dulot sa ating nang mga naggagandahang SAKURA O CHERRY BLOSSOMS! Parang ganitong Mahal na Araw or Holy Week. If there is GOOD FRIDAY for sure we have EASTER SUNDAY. May the meaning of Easter reflect in your life and you along with your family, experience the renewal of love and happiness! May we all rise to glory with Christ!

At pagdating ng buwan ng Marso, dahan dahan meron tayo nakikita mga bubot na nasa mga

22

March - April 2021


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.