6 minute read

Jeepney Press / Anita Sasaki

KWENTO NI NANAY ni Nanay Anita Sasaki

EVERY GISING IS A BLESSING TO ALL!! Ayan po ang palagi kong sinasabi pagkagising ko.

Advertisement

Mayo na po! Buwan ng May Flower - mga batang araw araw nagproprosisyon po may mga dalang bulaklak para sa ating mahal na Inang Maria. Sa bandang gabi naman ang ating Santacruzan - mga naggagandahang mga dilag sa kanilang mga magagarang gowns.

Ito ang mga pinag kakaabalahan natin sa ating mga kanya kanyang barangay. Ngunit ngayon na meron pandemia, ay bigla po nabawasan ang mga kinasanayan po natin. Meron po itong mga kadahilanan. Baka binibigyan lamang po ng kaunting pag aaral. Kaya naging UNLIMITED STAY AT HOME po naman. Ngunit lahat ng bagay ay meron simula at katapusan. Kaya sa ating mga dalangin ay matapos na sana itong pandemia.

Isa pang malaking ganap sa buwan ng Mayo ay ang ARAW NG MGA INA! Isang araw lang po ito na ibigay natin ang araw sa ating mga INA, NANAY, MAMA, MOMMY, INANG, MUDRA, at kung ano ano pang tawag natin sa kanila. Ngunit ang pinakadakila sa kanila ay ang ating Inang Maria! Siya ang nagbigay sa atin ng mga anghel sa lupa. Bago pa tayo isisilang ay meron na tayong mga ANGHEL SA LUPA.

Ako, ina na rin ako, lola at lola sa tuhod pa, ngunit hinahanap ko at na mimiss ko pa rin ang aking MAMA. Pag siya ang pinag usapan hindi matatapos ang istoriya. Malimit kong marinig sa aming Papa kung gaano niya purihin ang aming ina. Natatandaan ko palagi niyang sinasabi The Best ang aming Mama.

Dalhin mo sa kusina, at ipagluluto ka niya ng masasarap na pagkain. Dalhin mo siya sa salas or living room, hindi ka mapapahiya sa angking ganda, marunong makiharap at makihalubilo, “ nesse“ ang kilos at magaling pa tumugtog ng piano. Siya ang nagturo sa amin magpiano. At dalhin mo siya sa inyong tahanan, the best wife and mother po siya at ang pinakamagandang katangian niya ay she is also the best daughter. Dahil hindi po niya iniwan ang kanilang sariling ina na may karamdaman upang sumama sa kanyang asawa sa Mindanao nuong gyera. Ayan po ang lagi kong nadirinig sa Papa namin. Very loving daughter po siya! Kaya po the best po siyang ASAWA, INA, ANAK at KAPATID. I WILL Ang pinaka highlights po natin ngayon buwan nang Mayo ay ang ating National Election. Dahil botohan na po nang ating Presidente, Bise Presidente at ang ating 12 senadores. At sa local government po naman ang ating bawat Mayors, Governors, Councilors at Board members ng ating mga lalawigan mula Luzon, Visayas at Mindanao.

Kaya napakasayang panoorin ang bawat kampaniya, mga rallies, motorcades na meron pang mga kasamang artista. Nandiyan ang mga siraan dito siraan doon lalo na sa media. Nagkakagalit na mga magkakamaganak, at mga mag kakaibigan. POLITOKO DITO AT DOON. Ngunit hindi po dapat ganito. Masakit marinig, mapanood sa telebisyon, radio at lalo na sa media. Laganap ang mga siraan sa media lalo na mga blogs at iba ibang issues po. Kung minsan masasabi mo na sana wala nang mga cyber news o kahit na anong bagay na nababasa o napapanood sa internet, mga vlogs at iba pang nasa internet.

Maski dito sa overseas. Sa amin Overseas Absentee Voters. Kung tama kaya ang amin mga address para sigurado makatanggap ng aming mga balota. Halos lahat ay excited bumoto. Kailangan ilabas ang boses ng mga Pilipino. To vote is our right. Manalo man o matalo ang ating napipisil na kandidato, at least inilabas natin ang ating gusto at may paniwala tayo sa kakayahan ng kandidatong gusto natin at sa kanya po natin ipagkakatiwala ang ating Inang Bansa.

Kaya dapat ay ipag DASAL natin ang malinis at mapayapang halalan. May kasabihan “The Philippines and the Filipinos deserves the BEST“. Dito sa amin nasa overseas, nagumpisa na kaming bumoto mula April 10 hanggang May 9, 2022. Ipinadala ang aming mga balota. Punong abala ang aming embahada. Sila po ang pagod na pagod.

Nang sumapit na ang last day May 9, 2022 nang botohan, excited at labis na pangamba ang halos lahat sa pag abang sa television, internet kung sino kaya ang nangunguna sa bilangan. SINO KAYA ANG MANANALO? Salamat sa Diyos wala namang marahas na naganap. Ngunit ang naging problema ay ang mga ibang tao sa parti ng mga talunan ang hindi matanggap ang kanilang talo. Dahil meron mga nagrally at pilit ang kanilang paniniwala. Pero ang boses ng nakakarami ay maliwanag. Matatalino na ang mga Pilipino. Gusto na nila ang pagbabago at pagkakaisa para sa lahat. Pagkatapos marinig ang boses ng mas nakakaraming Pilipino dapat lahat ay mag samasama para sa ikauunlad nang ating Inang Bayan.

Tapos na ang pa momolitika. Magkaisa, Magtulungan, Magmahalan. Tapos na ang awayan sa politika. Alisin na ang galit, puot, inggit sa ating mga puso. Gawin na ang nararapat na solusyon para bawat Pilipino ay maging maayos at maihaon sa kahirapan.

Umpisahan natin sa ating mga sarili ang kailangang pagbabago para sa maunlad na hinaharap nang bawat isang mamamayan, para sa ating mga susunod na generasyon.

Wala sa kulay… pula, berde, pinklawan, asul o puti. ANG PAGKAKAISA isigaw at gawin natin lahat para sa ating BANSANG MINAMAHAL AT BUBUHOS ANG BIYAYA NG DIYOS SA ATING LAHAT.

At sa buwan ng Hunyo, atin din ipagdiriwang ang 124 taon ng ating KALAYAAN or The 124th ANNIVERSARY of the PROCLAMATION OF THE PHILIPPINE INDEPENDENCE sa June 12 at ang FATHER’S DAY.

Kung meron ARAW NG MGA INA ay meron din tayong FATHER’S DAY OR ARAW NG ATING MGA AMA, TATAY, ITAY, PAPA, DADDY, DAD.

Ang AMA, INA at ANAK ay para itong hinahambing sa isang TRIPOD Pag wala ang isa hindi ito tatayo nang maayos. The most common method for holding a pencil -- the same one you probably use for writing -- is the basic tripod grip. The thumb and fore nger form a triangle with the middle nger, with the form being supported by the ring nger and pinkie.

At ang pinakahihintay ay ang pagpasok ng bagong naihalal na Pangulo ng Pilipinas sa June 30, 2022 na si President-elect, PRESIDENT FERDINAND R. MARCOS JR And vice-president-elect Sara Duterte-Carpio.

“HINDI MO KAILANGAN MAGING MAYAMAN O MATAAS NA PINAGARALAN UPANG MAKATULONG SA KAPWA MO PILIPINO”

Anita Sasaki

Jeepney Press

This article is from: