
2 minute read
Jeepney Press / Karen Sanchez
DONDAKE!
LAKAS NG BAWAT PAHINA
Advertisement
Magandang araw mga kababayan. Kamusta tayong lahat? Sa mga oras na ito ay nakakabahala at nakakakaba ang mga pangyayaring nagaganap sa bansa. Maraming agam-agam, alinlangan at mukhang mas maraming natutuwa sa mga kababayan natin dahil nanalo ang mga binoto nila.
Ang bawat araw sa buhay natin ay parang isang pahina na tayo ang magsusulat at tayo din mismo ang magdadala ng kwento sa bawat pahinang ito. Nasa ating mga isip at kakayahan kung paano natin ito isasalarawan at isasabuhay. Kaya kung nais nating bigyang halaga at ipamana o ipasa ang kwento ng buhay natin ay nasa atin ang papasya kung nais mong maalala ka sa kabutihan o sa masamang pamamaraan. Kung paano ka nanindigan sa prinsipyong iyong pinaniniwalaan na maaaring makakapagbigay inspirasyon sa iba.
Isang paalala lang po na nawa sa bawat pahina ng buhay natin ay taglay niyo ang lakas na pwede nating maipagmalaki sa ating sarili, sa kahit kanino, sa buong mundo, habangbuhay maging sa ating pagwalay at mananatiling paalala sa susunod na mga henerasyon. Hanggang sa muli po. GOD bless us all.
LABAN NG LABAN
Laban ng laban para sa iyong kapakanan
Tanging sarili lang ang mapagkakatiwalaan
Lalo na kung alam mo ang iyong kakayahan
At kung para rin ito sa iyong kabutihan

Ano man ang iyong mga dahilan
Kung dapat mo itong ipinaglalaban
Lalo na kung ito ay katotohanan
Siguradong wala kang katatakutan
Laban lang ng laban ang labanan
Sa mundong ito na puno ng kaguluhan
Marami pang pagsubok ang pagdadaanan
Kaya dapat manindigan at di ka panghihinaan
Dahil kapag mahina ka ay talo ka
At maari ka pang maninipula ng iba
Lalo na ang mga taong mapagsamantala
Kaya dapat may alam at lagi kang handa

Karen Sanchez
Jeepney Press