Jeepney Press #117 May-June 2022 Issue

Page 24

DONDAKE

LAKAS NG BAWAT PAHINA Magandang araw mga kababayan. Kamusta tayong lahat? Sa mga oras na ito ay nakakabahala at nakakakaba ang mga pangyayaring nagaganap sa bansa. Maraming agam-agam, alinlangan at mukhang mas maraming natutuwa sa mga kababayan natin dahil nanalo ang mga binoto nila. Ang bawat araw sa buhay natin ay parang isang pahina na tayo ang magsusulat at tayo din mismo ang magdadala ng kwento sa bawat pahinang ito. Nasa ating mga isip at kakayahan kung paano natin ito isasalarawan at isasabuhay. Kaya kung nais nating bigyang halaga at ipamana o

24

ipasa ang kwento ng buhay natin ay nasa atin ang papasya kung nais mong maalala ka sa kabutihan o sa masamang pamamaraan. Kung paano ka nanindigan sa prinsipyong iyong pinaniniwalaan na maaaring makakapagbigay inspirasyon sa iba. Isang paalala lang po na nawa sa bawat pahina ng buhay natin ay taglay niyo ang lakas na pwede nating maipagmalaki sa ating sarili, sa kahit kanino, sa buong mundo, habangbuhay maging sa ating pagwalay at mananatiling paalala sa susunod na mga henerasyon. Hanggang sa muli po. GOD bless us all.

May - June 2022


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.