4 minute read
Jeepney Press / Jeff Plantilla
Isang Araw Sa Ating Buhay ni Jeff Plantilla
Paano natin titingnan ang pagbabago? Tatanggapin o pipigilan? Ikagagalit o pag-iisipan?
Advertisement
May mga bagay na nagbabago sa gusto man natin o hindi. Maraming bagay ang nag-iiba na labas sa ating kapangyarihan at kakayanan. Sa mga pagbabagong ito, ano ang magandang gawin?
May pagbabagong ating hinahangad – at ito ay hindi para sa ating sarili.
Freak o unique?
Natatandaan ko noon sa peryahan pag may pista sa aming bayan, may palabas tungkol sa kakaibang uri ng tao. May ipinalalabas na tao na mukha daw palaka, may tao daw na mukhang hayop. At yun ay ikinatutuwa ng mga taong nanonood.
Nguni’t sino nga ba ang mga taong itong ipinalalabas sa peryahan? Sikreto yan ng negosyo at kaya sila ay nakatago. Yan ang tinatawag dati na “freak show.” Ginagawa nating kasiyahan ang kapansanan ng iba. Tinatawanan natin ang bagay na dapat ay inuunawa at tinatanggap na maaaring sakit na hindi karaniwan, o kapansanang hindi magagamot.
Kung anuman ang kalagayan ng mga taong yan, hindi nila ito kasalanan at hindi dapat silang ituring na kakaiba o freak.
Nguni’t sa ngayon nagbabago na ang tingin ng lipunan sa mga taong may kapansanan. Hindi na sila itinatago. Sila ay ipinakikilala na sa lipunan. Sila ay mas inuunawa na at sinusuportahan di tulad nung panahong nakalipas.
Music video para sa mga special children
Masaya kong napanood ang music video ni Salvador Panelo na kinanta ang tanyag na kanta ni Sharon Cuneta, “Sana’y Wala nang Wakas.”
Ang kantang ito ay isang composition ni Willy Cruz. Ang music video ay production ng Viva Records at mapapanood sa YouTube.
Hindi galing sa pagkanta ang mahalaga sa music video na ito, kundi ang mensahe ng kanta. Ang orihinal na mensahe ng kanta ay tungkol sa pag-iibigan ng magkasintahang sumusumpang hindi mag-iiwanan. Ang mensaheng ito ay lalo pang naging makahulugan nang ialay sa mga special children.
Kinanta ito ni Panelo bilang pagpapahayag ng pagmamahal sa anak niyang si Carlo na may down syndrome. Namatay si Carlo nung 2017 na 29 years old. Meron ding mga litrato sa music video ng marami pang special children kasama ang mga magulang na nagmamahal at nagmamalaki sa kanila.
Nakakadala ng damdamin habang nakikita ang mga litrato ng mga bata at kanilang magulang at kinakanta ang mga salitang ito:
Sa mga magulang na walang hinahangad kundi ang kabutihan ng mga anak, tagos sa puso ang mga katagang ito:
Ito ang isang mensahe sa music video: “Special children need special parents.” At iniaalay ang music video sa mga ito: ”Dedicated to all children with disabilities and their heroic parents and Hindi madaling mag-alaga ng special children. Ang mga magulang ay hindi lamang nag-aalala sa paglaki at pag-aalaga sa kanila. Mas inaalala nila ang panahong sila ay wala na. Sino ang magbibigay ng “walang hanggang pagmamahal” sa kanila? Saan sila pupunta? Ano ang mangyayari sa kanila?
Kaya mabuti at nagbabago ang pagtingin ng lipunan sa kanila. Mabuti at maaari nang ipakita sa bayan ang anak na special child. Makakatulong ang pagbabagong ito, kahit hindi lahat ng problema ay malulutas.
May mahalagang impormasyong kasama ang music video tungkol sa mga special children:
In 2018, Philhealth estimated that 1 out of 7, or 5.1 million Filipino children are living with disabilities (CWDs). Special education and therapy for CWDs are costly and inaccessible. 60% of CWDs were out of school in 2019, and therapy costs at least 15% of the monthly household income of CWD families, per studies of DSWD and PIDS. If CWD parents pass away or lose the abilities to provide care for their children, there are no public nursing homes or facilities dedicated to the care of the orphaned or abandoned CWDs.
Ang mga special children ay nangangailangan ng special care. At maraming magulang at guardians ang handang magbigay ng ganitong pagmamahal at higit pa, sabi nga ng kanta:
Para saan pa ang pagmamahal kundi para sa ikabubuti ng minamahal sa buhay.