Jeepney Press #117 May-June 2022 Issue

Page 16

ISANG ARAW SA ATING BUHAY ni Jeff Plantilla Paano natin titingnan ang pagbabago? Tatanggapin o pipigilan? Ikagagalit o pag-iisipan? May mga bagay na nagbabago sa gusto man natin o hindi. Maraming bagay ang nag-iiba na labas sa ating kapangyarihan at kakayanan. Sa mga pagbabagong ito, ano ang magandang gawin? May pagbabagong ating hinahangad – at ito ay hindi para sa ating sarili.

Freak o unique? Natatandaan ko noon sa peryahan pag may pista sa aming bayan, may palabas tungkol sa kakaibang uri ng tao. May ipinalalabas na tao na mukha daw palaka, may tao daw na mukhang hayop. At yun ay ikinatutuwa ng mga taong nanonood. Nguni’t sino nga ba ang mga taong itong ipinalalabas sa peryahan? Sikreto yan ng negosyo at kaya sila ay nakatago.

16

Yan ang tinatawag dati na “freak show.” Ginagawa nating kasiyahan ang kapansanan ng iba. Tinatawanan natin ang bagay na dapat ay inuunawa at tinatanggap na maaaring sakit na hindi karaniwan, o kapansanang hindi magagamot. Kung anuman ang kalagayan ng mga taong yan, hindi nila ito kasalanan at hindi dapat silang ituring na kakaiba o freak. Nguni’t sa ngayon nagbabago na ang tingin ng lipunan sa mga taong may kapansanan. Hindi na sila itinatago. Sila ay ipinakikilala na sa lipunan. Sila ay mas inuunawa na at sinusuportahan di tulad nung panahong nakalipas.

Music video para sa mga special children Masaya kong napanood ang music video ni Salvador Panelo na kinanta ang tanyag na kanta ni Sharon Cuneta,

May - June 2022

“Sana’y Wala nang Wakas.” Ang kantang ito ay isang composition ni Willy Cruz. Ang music video ay production ng Viva Records at mapapanood sa YouTube. Hindi galing sa pagkanta ang mahalaga sa music video na ito, kundi ang mensahe ng kanta. Ang orihinal na mensahe ng kanta ay tungkol sa pag-iibigan ng magkasintahang sumusumpang hindi mag-iiwanan. Ang mensaheng ito ay lalo pang naging makahulugan nang ialay sa mga special children. Kinanta ito ni Panelo bilang pagpapahayag ng pagmamahal sa anak niyang si Carlo na may down syndrome. Namatay si Carlo nung 2017 na 29 years old. Meron ding mga litrato sa music video ng marami pang special children kasama ang mga magulang na nagmamahal at nagmamalaki sa kanila. Nakakadala ng damdamin habang nakikita ang mga litrato ng mga bata at kanilang


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.