Chikalite

Page 1


2

ATA, LASPAG NA (sa petisyon) NI Sanrio Sotto

Laspag na ang Anti-Terrorism Act (ATA) matapos mahainan ng 36 na petisyon, and still counting. Ang Republic Act No. 11479 o ATA ay isang batas na naglalayong isawata at ipagbawal ang terorismo sa Pilipinas. Ang nasabing batas na kalalagda lang noong Hulyo 3 ni Pangulong Gong Di, ay kumalap ng maraming bashers dahil sa ‘di umano’y panganib na dala nito sa mga mamamayang Pilipino. Bukod sa rason na ifinile ito sa gitna ng krisis ng pandemya at mas inuna pa kesa sa mass testing, may mga parte rin ‘di umano ang batas na hindi sang-ayon sa 1987 Constitution at banta din sa karapatang pantao. Isa sa mga dumagundong na balita ukol sa petisyon laban sa naturang batas ay ang paglahok ng mga grupo ng mga bagets sa paghahain ng plea. Pinunasan ang gatas sa labi, nakialam, at lumahok sa pagtira ang mga youth groups laban sa ATA. Ang mga nasabing bagets ay mula sa iba’t ibang grupo at student governments sa mga bigtime na unibersidad. Pinangunahan ni Atty. DinoSaur ‘D Lion ang pagtutulak ng nasabing pitisyon. Rineal-talk din ng grupo ng bagets sa Cebu ang ATA, at nangatwirang ang probisyon ng ATA ay maaring magdulot ng ‘chillin’ effect’ sa mga kalayaan at karapatang ibinigay ng Konstitusyon, imbes na tukuyin ang talagang banta ng terorismo. Batid naman ng mga mamamayan sa Bangsamoro ang trahedyang maaaring ihatid ng ATA sa kanila kaya’t lumipad sila pa-Korte Suprema para lang tirahin ang ATA noong July 23. Pinangunahan at kinatawanan ito nina MahAlgamar LatiPh, Bantuas Luhmen, Musa Dimalaya at Dalomolang Paremen. Nakasaad sa kanilang petisyon ang kaparehong puna ng mga naunang petisyon at ang isyu ng personal preference at stereotyping. Pangdalawampu’t dalawa naman sa paghain ang isa pang grupo ng mga Muslim na pinangunahan nina MamiHilda Sangkapan, deputy speaker na si

Mamamatay-tao binigyang pardon ang kapwa mamamatay-tao NI Luningning Binay

LITRATO MULA Rappler

Mujiv Hitman, mga abogadong Muslim, isang religious preacher, at isang peace advocate. Anila, binabantaan ng ATA na isakripisyo ang kalayaan para sa seguridad. Tiniktikan at tinuktokan naman ng grupo ng Social media influencers ang ATA. On-fleek na rumampa suot ang dress at heels si TikToker Macoy labiDubs kasama ang iba pang online personalities na kasali sa grupong Concerned Online Citizens (COC) sa Korte Suprema upang ihain ang kanilang pitisyon. Tinira ng COC ang maaaring maidulot ng bagong batas sa online freedom at sa social media. ‘Di naman nagpahuli sa paghain ang isang grupo ng Indigenous People (IPs) para maghain ng pitisyon laban sa ATA. Punto ng grupo ang umano’y maling pagtrato ng gobyerno sa mga IP gaya ng mga Moro, na kapag ipinaglalaban ang kanilang karapatan tulad ng ancestral domain, sila naman ang maaatake. Binabantaan umano ng ATA ang karapatan ng mga minoridad, lalo na ang mga grupong nakararanas ng diskriminasyon. Ang mga iba pang nasa listahan ng mga naghain ng petisyon laban sa ATA ay ang buena manong si Att. Coward Halleluja, Albay 1st District Representative Edcel Anglagnaman, Malayong Silangan University Institute of Law, Panatang Makabayan Bloc., ex (Government Corporate Coun-

cil Chief) ni Pangulong Gong Di, mga abogado ng ATeNyo at Xavior University, SanAnglakas Partylist, labor groups, mga aktibista na kinatawanan ng National Union of People’s Lawyers (NUPL), Jose Ferrer Jr., ang magpinsang thunders na ex-justices na sina Antonio Curfew at Tita Conching Curfew-Morales kasama ang mga propesor ng Law sa Unibersidad na ‘di PiniliPinas, Free Legal Assistance Group (FLAG) sa pangunguna ni FLAG Chair Chel JokeNo, ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) at Concerned Artists of the Philippines (CAP), mga church workers at ng National Council of Churches in the Philippines, iba pang grupo ng Church leaders, at International law experts. Humabol na rin sa panlalaspag sa ATA ang Gabrieluh, Association of Major Religious Superior in the Philippines, Philippine Bar Association, Balay Rehab Center, Integrated Bar of the Philippines, Coordinating Council for People Development and Governance, at iba pang mga indibidwal at grupong nababahala sa maaaring isampal ng ATA sa mga Noypi. Isa sa pinakagamit na bala laban sa ATA ay ang ‘di klarong depinisyon ng terorismo, super powers ng Anti-Terror League, at ang pagiging ‘unconsitutional’ umano ng nasabing batas.

Matapos makulong ng anim na taon sa karumaldumal na pagpaslang kay Jennifer Louder, binigyang pardon ni Gong Di ang kapwa niya mamatay-tao na si Plumberton, isang sundalo mula Estados Unidos. Nagbigay respeto ang mga tuta sa biglaang desisyon ng tuta ng US at Tsina habang hustisya ang sigaw ng pamilya Louder. “I am not favoring anybody — neither Plumberton, nor the family. But you know if there is a time where you are called upon to be fair, be fair, be fair,” sabi ni Gong Di sa kanyang late night talk show. Naghinagpis naman ang pamilyang Louder sa absolute pardon na ibinigay nito sa good conduct time allowance (GCTA) umano nito sa loob ng kulungan.

LITRATO MULA Benar News

“Sabi niya [Gong Di] na hangga’t siya raw ang nakaupo, hinding hindi niya papayagan na makalaya si Plumberton,” masamang loob na sinabi ng ina ni Jennifer. Ayon sa pamilya, hindi nila inakala na gagawin ito ni tatay Gong Di na nagbigay raw ng tulong pinansyal upang ipaglaban ang kaso. Bilang tagapagsalita ng palasyo ng mga payaso, aprub naman dito ang dolphin-enthusiast na si HaLuH Roque. “I respect the wisdom of the President, which is grounded on a broader national interest,” Maalala na siya ang tumayong abogado ng pamilya Lauder si Roque noong 2015 bago ibenta ang kaluluwa sa administrasyong Gong Di.


3

EduCASHyon? Walang ganun Mars!

S

a gitna ng pandemya at rumaragasang numero ng mga kaso ng COVID-19, nagbukas ang klase ng Un-Holy Angel Winnieversity (UHAW) noong ika-5 ng Agosto. Sa pagbubukas nito, tila isang kalbaryo na naman ang lubos na ikinabahala ng mga estudyante dahil sa kawalan ng kagamitan upang malabanan ang pamantayan ng birtwal na klase at maging ang Mahalia Mendez na matrikula na ginivenchy sa unang semestre. “Hindi lahat ng students may wifi connection and gadgets para sa online class. If meron man, limited lang dahil na rin sa hirap ng buhay ngayong pandemya”, ani ni BongGolicious, ‘di niya tunay na pangalan, isang estudyante na umaapela sa bagong takbo ng edukasyon. Samu’t saring bersyon ang nagsipaglabasan mula nang ianunsyo ng UHAW ang pagbubukas nito ng klase. Marami ang nagulat dahil sa gitna ng pandemya ay nakuha pang magpost ng enrollment schedules. Kaya naman agad rumesponde ang mga Chikalites at ipina-trending ang UHAW gamit ang #UHAWsaVitaminD sa tweety bird. Dahil sa pangangalampag, napahinto ang Tuition and Other Fees Unlimited (TOFU) mga bHie pero ang sabi binawasan na raw ang mga bayarin pero bakit ganun? Bakit parang galit sila? Bakit parang kasalanan namin? Eh wala naman epek ang pagbaba ng matrikula. Bukod dito, marami na ang mga estudyante na nabalitang hindi muna mag-e-enroll dulot ng pandemya at sa kakulangan ng mga resources na gagamitin upang magpatuloy ang kalidad ng edukasyong dapat libre para sa lahat, #EducationForAll hindi #EduCASHyonForAll. Councils for Presidents. Vote Wisely! Dahil nga sa hindi sapat na tulong pinansyal ng UHAW, minabuti ng mga councils ng unibersidad na manguna sa malawakang programa na inilunsad ng kani-kanilang departamento upang maibsan kahit papaano ang mga paghihirap ng mga estudyanteng nais magpatuloy sa kanilang pag-aaral. Kayo na magaling councils! Kayo nalang kaya maging presidente! Charot! Sa panguguna ng UHAW Sa Change (USC) itinaguyod ang isang

NI Hopia Remulla proyektong pinangalanang Pantawid UHAW na layuning magbigay ng assistance sa mga 50 bonafide Chikalites na makatatanggap ng prepaid load ngayong semestre. Kalakip ng proyektong ito, ineksibit ng council ang mga artworks ng mga Chikalites sa kanilang social media accounts upang ibenta sa publiko na tinawag itong Every Color and Every Hue. Ang nalikom na pera rito ay idadagdag sa Pantawid UHAW Donation Drive para sa mas malawak na target na mabebenepisyuhan. Sa usapang komisyon, ang mga artists at project heads ay nagkaisa sa 70%-30% hanggang 50%-50% depende sa uri at midyum na ginamit. Sa ngayon, nakalikom na ng PHP23,486.37 na magsisilbing instrumento upang makapagbigay ng PHP600.00 load allowance kada buwan sa mga benepisyaryo sa loob ng isang semestre. Mayroon ng limang kwalipikadong aplikante at inaasahan pang mas lalawak ang maabot ng nasabing proyekto. Sabi nga ni Rufa Mae Quinto, “go go go, todo na to, to the highest level!” Samantala, ang council naman ng School of Coders (SOC) ay naglunsad ng proyektong naglalayong magbigay ng WiFi connectivity sa mga kapus-palad na Foxes, pinangalanan itong WiFi mo, WiFi ko, WiFi nating lahat. Inilunsad ang proyektong ito dahil sa nakalap na impormasyon ng council na 30.8% sa mga tumugon sa survey ay walang internet connections para sa implementasyon ng online classes. Ang mga donasyong nakalap ay ipapamahagi sa 15 na estudyanteng lubos na nangangailangan. Bawat isa ay makatatanggap ng WiFi device at monthly consumable prepaid loads sa loob ng isang semestre. Ani nga ni Lloyd Cadena, “Gusto mo yon? Gusto ko yon!” Kasama rin sa proyektong ito ay ang itinatag na tournament game ng council na tinawag na Resurrecting Soon. Sa loob ng apat na araw, nagkaroon ng Mobile Legends tournament game ang bawat manlalaro na nagparehistro sa halagang PHP250.00. Ang mga naipon na pera ay isinama sa WiFi mo, WiFi ko, at WiFi nating lahat campaign. Bukod dito, nagkaroon din ng tulong pinansyal sa mga daily winners na may PHP1,500.00 at kung sino man ang itinanghal na hall of famer na nakatang-

gap ng PHP12,000.00. Sa kabuuan, nakalikom ang council ng PHP42,200.00. Mula rito, nakabili ng 15 Pocket WiFi sa halagang PHP11,925.00 at makakatanggap naman ang mga benepisyaryo ng PHP500.00 na load sa buong semestre. Kaya naman let’s our response be: SANA ALL! Habang ang council naman ng School of Busy sa Adjusting entries (SBA) ay naglunsad din ng proyektong Small Business of the Day. Ito ay isang promotional strategy ng council upang makilala ang mga small businesses ng mga Dolphins at humakot pa ito ng malaking audience. Ang bawat Dolphin na may small business ay maaring humingi ng promotional posting sa lahat ng social media accounts ng council upang lumawak pa ang reach nito. Ayon sa estimasyon ng Chairman na si Kuya (Krissy’s panganay), umaabot hanggang 2,000 ang reach ng bawat posting at malaki ang naitutulong nito sa mga small businesses. Sa ngayon, mahigit 23 businesses na ang ibinida ng council sa kanilang online postings. Kaya naman Dolphins, products mo, show mo! Ibinida rin ng council ng School of House Tour and Mukbangers (SHTM) ang proyektong Sana Humupa na ang Agresibong Rehimen ng Epidemya (SHARE) na ang pangunahing layon ay magbigay ng internet allowance sa mga Peacocks. Wow sana all! Sa survey na isinagawa ng council, 71.6% ang walang stable internet connection sa bahay at 56.2% sa mga estudyante ang walang trabaho ang magulang. Kung kaya’t todo saklolo ang council at agad agad inarangkada ang SHARE Campaign. Sa buwan ng Agosto, nakapagbigay na ng PHP300.00 load sa mga limang kwalipikadong Peacocks sa tuwing ika-labindalawang araw ng buwan, simula Agosto hanggang Disyembre. Bukod pa rito, nagbigay din ng PHP300.00 ang council sa limang aplikante ngunit sa buwan lamang ng Agosto. Kaya sabi ng Chairwoman na si Pag-asa, bukas pa raw ang donation box ng council para mas matugunan pa ang pangangailangan ng mga aplikanteng hindi pa nabibigyan. Every coin counts daw, kaya G na! Tampok din dito ang proyektong Connection Impossible ng council ng College of Criminal inJustice Education and Fanatics (CCJEF). Ang proyek-

tong ito ay nagnanais na tulungan ang mga walang wala sa buhay ngunit gustong magpatuloy sa pag-aaral. Sa mga donasyong makakalap sa pamamagitan ng online donation/campus donation, solicitation, at fundraising, magbibigay ng load allowance ang council sa mga Panthers sa halagang PHP300.00 tuwing unang lunes ng buwan hanggang matapos ang semestre. Sa unang semestre ng taon, lima ang maaaring mag-apply sa nasabing proyekto. Bilang kapalit, inaasahan ang mga ito na tumulong sa mga aktibidad ng council. At kung gustong ipagpatuloy sa susunod na semestre, maaaring i-renew ang kanilang aplikasyon. Wow, kontrata ka gh0rl? Survivor PH: The Privileged Edition Sa pagbibida ng donation drives ng mga councils sa kani-kanilang departamento, bakas ang balde-baldeng kakulangan upang harapin ang online classes. Mula sa internet connectivity, gadgets, at mga bayarin para lamang ‘di mahinto ang isang semestre. Sa bawat isinagawang survey, may kalakip itong hamon hindi lamang sa laban ng pandemya kundi pati na rin ang hukom sa kung sino ba ang pwedeng mag-aral sa sitwasyong kinakaharap ng bawat isa. Sa proyektong UH@ WeQuench, senyales lamang ito na hindi sapat ang tulong ng UHAW sa mga estudyanteng may pangarap ngunit nahaharang ng katayuang sosyal ng lipunan. Isa lamang ito sa mga pamantayan na itinakda ng lipunan na ang edukasyon ay para lamang sa mga mayayaman at walang karapatan ang mga kapus-palad. Aray! Kaya ang panawagan ng nakakarami ay itigil muna ang semestre dahil hindi pa kasing handa ng eveready battery ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Bukod sa kakulangan ng mga resources, nagsipaglabasan na rin ang mga memes at ranting moments ng mga estudyante. Ito ay sa kadahilanan na ang mga requirements na hinihingi ay nakakapanlumo dahil sa kaliwa’t kanan na mga gawain at halos 24/7 na babad sa kompyuter or selpon dahil sa klase at maging sa pagsusumite sa mga deadlines. Naks! Dinaig pa ang 7-Eleven sa kabilang kanto. Kaya Pilipinas, kung Game KNB sa sistema ng edukasyon, doon palang aabante ang mga estudyante. Pero sa ngayon, aatras muna at sasayaw ng piruriury piruriury pirurirurypapaPAPAYA!!!


4

ARAW NG MAGNANAKAW, IGAGAPANG NA SA SENADO NI Mia Roque

(may sarili buhay, 1gb RAM, atbp.)

1000 Libreng Tablets with Libreng Isyu NI Luningning Binay

LITRATO MULA ABC News

PASADO na sa Bahay ng mga Representative ang special non-working holiday tuwing September 11 sa Ilocos Carne Norte para magbigay daan sa birthday honor keme ng dating DiktaDurang Ferdemand Marcos. Noong September 2, 197 legislators ang pumayag habang 9 lamang ang gumamit ng kanilang utak para hindi sumang-ayon sa panukalang batas. Isa naman ang nag-shut up na lang para mag-abstain ng boto niya. Nagbunga dito ang House Bill No. 7137 o ang President Ferdinand Edralin Marcos Day tuwing September 11 na igugunita lamang sa kanyang supportive province. Ang naturing na batas ay siya rin inihain ng 3 Ilokano na mambabatas, kabilang na dito ang pamangkin pa ni Marcos na si Ilocos Carne Norte 2nd District Representative Angelo Marcos Barba. “...Magmove-on na tayo kasi unti-unti namang napapatunayan na maganda ‘yong ginawa niya eh,“ sabi ni Barba sa isang interbyu ng 24 Oras. Kasama ni Barba sina Ilocos Carne Norte 1st District Rep. Ria Fariñas at Probinsyano Ako Rep. Rudy Caesar Fariñas, ang magkapatid na may on-and-off relationship kasama ang pamilyang Marcos. Maaalala na ng ama nila ay ang dating Ilocos Carne Norte

Rep. na si Rodolfo Fariñas na nanguna noon sa pag-iimbestiga ng mga anomalyang nangyayari sa Ilocos Corned Beef, na kalaunan ay siya ring nag-apela ng kaso laban sa kanilang dating Governor Eye Me Marcos. “For the people of Ilocos Norte, the young and promising Marcos has brought pride to the province and served as inspiration for young leaders to exemplify his leadership and governance administration,” ani ng magkapatid noong inihain nila ang batas noong nakaraang taon. Dagdag pa rito ang pagsipsip nila sa mga ipinagawang infrastracture, kalsada, ospital at social services na naitatag sa loob ng 21 taong termino ng kanilang panginoong pasista. PAKAPALAN NA LANG NG MUKHA Maliban sa kanyang birthday, nakapaloob sa buwan ng Setyembre ang pagdeklara noon ni Marcos ng Martial Law. Tikom naman ang kanilang mga bibig sa libu-libong naitalang kaso ng abuso ng karapatang pantao, wantusawa at napatunayan nang korapsyon, paglubog sa utang ng bansa, paglagapak pa lalo ng ekonomiya. Dagdag pa rito ang pagtaas naman ng poverty at unemployment rate, media oppression, at ang sama-samang pagkikilos upang mapatalsik ang pride ng Solid

North. Pikit rin ang tatlong nagpasimunong mambabatas sa Human Rights Victims Reparation Act at sa kabuuang kabastusan ng kanilang desisyon para sa buong bansa. Hinihintay na lang ang proseso nito sa loob ng Senado. “A bill of local application, when it comes to the Senate, usually is not really debated upon … It is for Ilocos Norte. I doubt if there will be objections to that,” sabi ni Senate President Vivente “Pepsi” Sotto III sa isang interview sa CNN Philippines. Personally, naniniwala pa nga raw si Pepsi na mainam ang nasabing batas dahil si Marcos ay “son of Ilocos Carne Norte” at nananatili siya hanggang ngayon na bayani hindi lang para sa probinsya nila kundi sa lahat ng mga Ilokano sa mundo. Kapag umakyat na sa Senado at naaprubahan na siya sa third at final reading, agad rin ito ipapadala kay Tatay Gong Di para lagdaan ito. Kung sa ilalim ng kanyang termino ay naaprubahan ng Kokote Suprema ang pagpapalibing kay lodicakes Marcos sa Libingan ng mga Bayani at siya rin itong galit daw sa mga korap pero kumukurap pag kaibigan niya sila, napapalapit na nga ang isa na namang sampal sa mukha ng inang bayan.

Speaking of online class, sa pamamagitan ng programa na “1,000 tablets” na pahiram sa loob ng 12 months ay nakatanggap na ang ilang magaaral na walang gagamitin na gadget para sa pasukan, ngunit sabi ng mga nakatanggap nito ay halos hindi na ito magamit dahil sa mga komplikasyon ng libreng gadget. “Nagha-hang talaga siya kasi no’ng minsan ano-ano na yung napipindot, pero ‘di ko naman pinipindot,” binahagi ni Biyaya* na nag-apply dahil walang gadget para sa online class. Ayon sa kanya, hindi sapat ang 8GB na memory at 1GB RAM para makapag-download ng Zoom para sa klase. Nag-aalangan si Biyaya* dahil baka mag-hang ito habang nagka-klase at hindi maintindihan ang sinabi ng professor. Sabi naman ng isa pang benepisyaryo na si Junjun*, mas mabilis pa ang regular na phone kahit bagong-bagong pa ang tablet. Giit pa ng estudyante, madali ito magasgas kahit brand new at expected na ganito ang per-

LITRATO MULA phonearena.com

formance ng gadget lalo na’t Myphone ang brand nito. “Nagwo-worry ako na baka magkulang yung GB n’ya? Kasi hanggang 8gb lang. ‘Di ko knows if sapat ‘yon or saktongsakto lang e,” dagdag ni Junjun*, na may kabuuang rating sa tablet na 9/10. Share lang naman daw nila ang kanilang na-experience sa paggamit ng Myphone tablet ngayon, at nag-aalala na sila kapag matagal na nilang ginagamit ito. Nagpapakita na ito ng symptoms mga cyst, kahit bago pa nga lang ito lalo na mostly ay sa videoconference nagaganap ang klase at malalaki pa naman ang files ng application na kailangan i-download. Ayon naman sa administrasyon ng Un-holy Angel Winnieversity (UHAW), p’wede naman raw ibalik ang mga tablet kung nakararanas ang mga estudyante ng isyu. Ang hatol naman dito ng mga big brain chikalite, “Ang tablet ang isyu!” *Hindi nila tunay na pangalan. Ipinatago ang pagkakakilanlan ayon sa kanilang kahilingan.


5 UHAW’s QUESTIONABLE NEW NORMAL BY Sugar Marcos

AFTER receiving a tremendous praise from their deleted post in their official social media page regarding a Student Guide on online classes. Un-Holy Angel Winnieversity (UHAW) showed once again that it is the right school for the students who have stable internet connection, quality gadgets and home. As shown in their latest advertisement, UHAW continues to show an excellent portrayal of their new normal. The video consists of advertisements about UHAW’s online learning system and shows other chikalite’s place with various learning tools and pleasing homes. Some of the netizens shared on their posts how insensitive the video was while others liked how the advertisement was aesthetically made. One of the chikalites commented, that it only proved education is indeed a privilege not a right accessible to everyone regardless of economic class. Others continued to share on their comments regarding the video that it showed toxic positivity and they find it so detached from reality. Many can’t afford the same learning tools and not everyone has the same comfortable home. Sir Kim Pie De Leon refused to answer regarding the interview. In an interview, Alex Not-Gonzaga shared her sentiments that she thinks this is coming from someone who refuses to accept that this should be normal. “I refuse to even acknowledge the fact we have this so-called new normal. Are we just expected to be complacent with the events laid out in front of us? are we not gonna clamor for everything to go back the way it is? because I’d rather it go back to normal that this be our new normal.”, she shared. She added that it was insensitive, that it glamorizes the idea of having to stay at

Face mask, face shield, at Facebook, kontrobersyal sa AC NI Mia Roque

home because of the pandemic. In which it undermines some of the Chikalites that cannot even enroll due to the fees imposed by the school. In an interview with Shaun ‘d sheep, he stated that people who have watched this that have the necessities to be capable of online learning would probably feel bad and anxious, but if they don’t have the resources. “You’re essentially studying on your own. You are your teacher; you’re basically left with materials that you teach yourself,” Shaun emphasized.

UHAW deleted posts about online classes

UHAW constantly receives comments about how insensitive their posts were regarding the online class since the summer started. Last April 17, 2020, the university posted a Study Habits Guide for online classes. The post contains 7 main points which in one of these points, the university stated that it will shift to “a combination of in-person classes physically held on campus and online classes delivered to your home”. One of the university’s recommendations is for students who have no Wi-Fi to ask their barangay officials to establish secure Wi-Fi services accessible to all, to go to the nearest internet café, or have a pocket Wi-Fi. It also featured that students must have cell phones and have a strong Wi-Fi signal and that students must be flexible. Many were quick to respond and share their dislike to the university’s proposal. Some labeled it as “insensitive”, “The right school for the privileged” and even made jokes about it which caused the university to delete the post. Following their new video advertisement, chikalites then again share their sentiments. They began to label it “idealistic”, “detached from reality” and many more.

LITRATO MULA SpotPH

NAGPATAW ang AngLihis City Tour ism Auxiliar y ng mga citation tickets laban sa mga indibidwal na ‘di umano lumalabag sa protocol na pagsuot ng face mask at face shield sa publiko, at ang paglabas nang walang dalang ID o quarantine pass. Bagama’t binibigyang-diin ni Mayor Caramel ‘Igop’ Lazatin Jr. ang kahalagahan sumunod sa mga ordinansa, sila ring mga kazams niyang tagapagpatupad mismo ng batas ang bumubutas ng mga nakasaad sa general quidelines. Daing ng maraming netizens ang mga magulong patakaran na kung minsan ay nagiging taliwas pa sa pino-post ng City Information Office AngLihis City (CIO), ang official Facebook page ng lungsod. May mga nagbibigay noon ng tiket sa mga indibidwal na katabi lang naman ang kanilang mga bahay. Base sa Ordinance Nos. 546 at 539, Series of 2020, ang sino mang mahuli na hindi nakasuot ng face mask nang maayos ay pagmumultahin ng PHP1,000 sa first offense, PHP3,000 sa second offense, at PHP5,000 naman sa third

offense. Ani ng mga netizen, marapat iklaro nila sa kanilang mga caption sa Facebook na ang hindi magsuot ng face shield ay maaari rin hulihin. Ayon naman sa titik M sa ilalim ng MGCQ general guidelines, ang sino man mahuli sa publiko na walang dalang authorized ID o quarantine pass ay ire-reprimand at agad rin pauuwiin sa kanilang mga tahanan. Hindi tiyak kung ano ang ibig nilang sabihin sa “reprimand” dahil wala rin namang nakalagay kung magkano ang bayarin sakali mang ito ay pagmumultahin. Subalit may mga kaso na tinitiketan talaga nila ang kanilang mga mahuhuling walang dala nito. Noong buong buwan ng August, basta-basta na lamang pinaskili ng CIO ang litrato ng mga binigyan nila ng ticket nang hindi binu-blur out ang kanilang mga mukha. Ito ay direktang lumalabag sa Data Privacy Act of 2012. Sa kasalukuyan nilang mga post, napagtanto na nga rin nila palabuin ang mukha ng mga violator kaso mukhang malabo rin na tanggalin nila ang mga naunang post na nagpapa-

kita pa rin ng mga mukha ng nahuli nila noon. Mula naman sa ulat ng isang netizen na kamakailan lang ay pumunta ng AngLihis City Hall, marami sa loob ng establishment ang binabalewala lang ang strict health protocols. K aramihan pa raw dito ay mga empleyado pa mismo ng city hall. Makikita na may iilan na hindi naman daw talaga maayos ang pagkakasuot ng kanilang mga face mask at wala ring suot na face shield ang iba. Habang hindi rin nasusunod ang physical distancing , kumpulan ang mga tao sa loob ng naturing na city hall. Paulit-ulit na suggestion ng mga netizen sa CIO ang kusang pagabot na rin dapat nila ng face mask o face shield sa kanilang mga nahuhuli, maaksyunan ang mga pasaway sa loob ng city hall, at maiklaro ang mga nakakalitong guidelines. Dahil panahon rin ng kagipitan, gayun din ang mungkahi ng iba bigyan na lang muna ng warning o ‘di kaya magpataw na lamang ng community ser vice sa halip na pagbayarin kagad ito ng libu-libong multa.


6 LOLO, TSINISMIS NA MAY COVID; BRGY., INI-LOCKDOWN? NI Rochelle Duque

HEARTBREAK DALA NG NO MORE XMAS NI Aira Panelo

LITRATO MULA Democratic Alliance

MGA MAKAKATING DILA ang naging sanhi ng matinding pangamba at pag-aalala ng mga residente ng isang barangay sa Sta. Rita, Pampanga matapos lumaganap kamakailan ang bali-balitang isa sa kanilang mga kapitbahay ang nagpositibo sa COVID-19, ang virus na siyang kumakalat ngayon at lubos na nagpabago sa buhay ng lahat. “Mahirap talaga ngayong may COVID, lahat takot dito,” ayon sa isang residente. “May narinig kasing sirena yung mga kapitbahay, e pinasa-pasa na.” Ngunit mukhang mas mabilis kumalat ang tsismis dahil matapos lamang makita ng marami ang pagdating ng isang ambulansya para kunin ang matandang sinasabing COVID-19 positive ay nagsimula nang lumipad ang pakpak ng balita. Ang problema nga lang, maling balita ang naikalat sa mga residente sa pamamagitan ng pagbubulong-bulungan maging pagpaparinig sa sosyal media

app na peysbuk. Naapektuhan na nito ang mismong pamilya ng matandang ang tunay na kondisyon pala ay maaaring kasinglala ng sanhi ng kasalukuyang pandemya—ang matagal na niyang pakikipaglaban sa sakit na kanser. Matapos lumabas ang katotohanan, iba naman ang pinuntirya ng usap-usapan ng ilan sa mga residente. Ang tsismis: plinano ang pagpapalaganap ng pekeng balita ng kung =-sino upang maipa-lockdown ang barangay nang sa gayon ay mabigyan ng relief goods ang mga residente. May spekulasyon din ng balak na korupsyon. Gayunpaman, walang pagpapatunay sa mga “pahayag” na ito. Ang pangyayaring ito ay isa lamang sa mga insidente ng pagpapalaganap ng maling balita ukol sa mga nagpopositibo sa COVID-19 na mga pasyente kuno. Sa dami ng mga taong nawalan ng pagkakaabalahan na nagpasyang gamitin ang mata at bibig sa pag-iisip imbes na

lohika, madali na lang ikalat ang ganitong uri ng tsismis. Lalo na at may iba’t iba na ring platform ang hinahandog ng Internet. Ngunit bilang hindi naman na mga caveman ang mga tao ngayon na kung kumain ng lason ang isa ay gagayahin na natin, matutong gamitin ang utak bago ipa-auction na lang sa OLX. Tandaang hindi lahat ng maingay na hirit ay dapat patulan at paniwalaan.

Ayon sa tagapagsalita ng Komisyon ng nakaka-Haggard na Edukasyon (KHEd), nararapat daw na tanggalin na ang Xmas breaks, at maging ang summer breaks ng mga stressed out na mga Pilipinong estudyante dala ng walang kwentang online class set-up. Kaagad naman ito binatikos ng Chikalites, nakatanggap ng mga masasakit na salita si Pulpol De vera kung saan siya ay tinawag na walang utak, walang puso at damdamin at tila out of touch sa nararanasan ng mga kabataan Pilipino. “Mamatay kami Lalo sa stress nato hayop Kayo ched mga putang Ina nyo.” sabi ni Hilda, isang galit na galit na chikalite. S a m a nt a l a ,

LITRATO MULA Occasional Dance

habang may ganitong pahayag ang tagapagsalita ng KHEd, kamakailan lang may estudyante mula sa Albay ang natulak magpakamatay dala ng depression dulot ng online na porma ng mga klase. Dagdag pa ng ilang Chikalites, nararapat lamang na bigyan ng break ang mga kabataan-estudyante. “May buhay pa kami sa labas, at BTW kaya may break ang school para ma ease ang mind ng mga estudyante sa mga activities at para nadin sa mental health ng mga estudyante,” sabi ng isang chikalite. Dagdag niya, kailangan din daw ng mga tister ng break at holiday mula sa kasuklam suklam, at super stressful na online classes.


7

Muling pagkabuhay mula sa hukay ng Dugyot partylist, kinundena ng mga grupong naliligo NI Luningning Binay Umani ng batikos ang muling pagkabuhay ng Dudirty Youth Partylist, o ang mas kilala sa pangalan na Dugyot, nang maglabas ang Commission on Electrocution (Comelec) ng certification of proclamation para sa party-list kamakailan lang. “Most unconstitutional act in its 80-year history,” kung tawagin ng grupo

ng mga abogado ang biglaang desisyon ng Comelec. Kabilang dito si Atty. Email Meganon na nilahad na hindi nakumpleto ng Dugyot ang registration process no’ng nakaraang halalan. Sa kanilang gurang na edad, patunay na olats na sa requirement na to ang naturing na partylist ng mga kabata-

an, giit ng grupo. Dagdag ni Atty. Meganon, pinayagan ng Comelec si Mcdonald Kadedma na i-substitute ang asawa oras bago ang eleksyon no’ng Mayo taong 2019. Shookt naman ang iba’t ibang organisasyon sa biglaang desisyong ng Comelec tulad ng Youth Act Now Na Laban Tiranya (YANAT) na naglabas ng

unity statement laban sa paglalapastangan ng Comelec at Dugyot sa partylist system. Si Dulche Kadedma, ang asawa ng former National Anti-Yo uth Commission (NYC) chair na si Mcdonald Kadedma, ang uupo bilang representative sa House of Clowns kung matutuloy ang proklamasyon na ito.

Ang masamang nararamdaman ng dalawang panig: may lagnat? O may galit? NI Louise Padilla

LITRATO MULA Philippine Star

HINDI mawari ang nararamdaman ng mga tao nang marinig nila ang anunsiyo mula sa Departure of Edu-occasion Scar ytar y na si Barnis noong nakaraan na magbubukas ang klase sa ika-05 ng Oktubre dagdag pa nito na “ WhaTever FoRm it iS”. “Hindi epektibo ang online classes dahil ang bahay ay ginawa para pagpahingaan at maraming distraksyon dito,” pahayag ni Ms. Mariah Carrey. Nagdiwang ang mga tao sa pamamagitan ng paggawa ng mga meme tungkol sa isyung ito. Ngayon ay nailunsad na ang online classes,

medyo #FeelingSad ang ilang freshie na hindi mararanasan ang college lyf sa Un-Holy Angel of Winniversity (UHAW ). Sa reklamo ng ating fresh na fresh na freshie na si Julius Mababaw “Marami issue sa gadgets and network then iba rin ‘yong may kasama ka physically sa hardships na mga kaklase mo.” Binahagi naman ng isang guro, na itatago natin sa pangalan na Bang-Bang na kinailangan pa niya magpakabit ng bagong internet para lang mahabol ang nagmamadaling DepEd. Parehong nahihirapan ang

mga mag-aaral at guro sa online na porma ng klase na dala ng samu’t saring komplikasyon sa internet, signal, gadget, at interaksyon. May magandang dulot pero mas higit ang lungkot Bukod sa mga negative energy tungkol sa back-to-the-future na online class may isang nagpahayag na may advantages ito. Sa Skul of Gingineering and Arkitexture (SGA), sinabi ni Piyuh Laglag, “Mas madami kang oras na magagawa sa plates kasi ‘di mo kailangan bumiyahe. Katulad ko na ang layo ko sa school.” Hassle sa kanya kung face to face dahil taga kabilang bundok pa siya. Pero add-ons nito ay iba parin ang feels ng magkaharapan kayo sa klase. Gayon pa man ay pinilit pa rin ng eskwelahan na tumulong tulad ng pagbibigay ng isang libo pero hindi nakakatuwa na tablets na madaming nakibaka dahil mas mabilis pa ang pagong sa kwento na ang pagong at kuneho. Sa isang pahayag ng late enrollee na si Mars yeah Obsessa na “Sa kabila ng sandamakmak na mga email ko sa mga staff ng UHAW ay hindi pa rin ako nabibigyan ng seksyon,” ani pa niya ay may nakalagay sa portal nito pero isa subject

lang ang papasukan. Reklamo niya na puno isya ng regrets kung bakit pa daw sya nag-enroll dahil sayang ang Kaching dahil dedmatology naman daw sya ng mga admin. #LigtasBalikEskwela Marami sa mga estudyante at mga magulang ang di sang-ayon sa panukala ng online class na ito. Base sa petition ng Y UPI na nayupi dahil dinedma lang ang kanilang #LigtasBalikEskwela maraming rants and words of hinanakit ang nilalabas ng mga netizen. Mungkahi ng mga madlang pipol na nag-aaral tayo upang masundan ang safeness bago magbalik sa iskul si Cassie pero bagkus bongga ang epekto nito sa mental health ng peeps base sa mga nagte-trending online na hindi na nila kinakaya ang bigat ng mga activity, kasabay pa nito ay may sarili rin silang responsibilidad sa kanilang humble homes. Ang ligtas na balik eskwela ay isa sa mga isinisigaw ng puso ng karamihan ngayon pandemya. Sa papalapit na pasukan sa ika-5 ng Oktubre, mukhang hindi pa rin pinapakinggan ng Eden Cheds at ng Ded-ed ang panawagan na ito.


8

APART from snatching the number one most cases of COVID-19 in Southeast Asia, the Philippines earned another title this pandemic. Department of Hell (DOH) Secretary Rebisco Dukki .03 recently won as the best data and word manipulator among all incompetent leaders in the world, #PinoyPride. Among all his accomplishments for the past 5 months of quarantine, his solid rendition and definition of pandemic jargons gave him a cut among the rest. From his Mass Testing extravaganza to his All Mighty Healing Spree, he proved that one can be incompetent and wise at the same time. In an in-exclusive and fictional interview with the Champ himself he stated that his biggest inspiration is CMP or better known as Connection, Money, and Power. “The needs of the Filipino people are merely white noise and while we wait for a miracle to happen let’s provide a false sense of security with my hybrid definition,” Dukki answered when asked about the real state of the country in this pandemic. MASS TESTING ARE FOR WINNERS In a televised meeting with Tatay Gong Di last July 21, Dukki was asked by the Tatay himself if it was feasible for the country to have Mass Testing. By Mass Testing, it’s likely that Tatay Dutz thought of the normal definition of the term as an act wherein one tests all possible contact of a COVID-19 positive patient. However, being the champion that he is, no word is im-

possible to twist, Dukki stated that it was impossible. “It is impossible to test each and every Filipino in the country. No one was able to do this” Dukki answered while silencing news on Vietnam and other nearby countries. According to Dukki, the word Mass came from the latin word Booboo which means everyone while Testing is derived from the Sakaar word Tanjihaka meaning each and everyone. Simply put, mass testing means testing each and every Filipino citizen in the country no matter the age, height, weight, and body odor even those without any Person Under Investigation (PUIs) contacts. In a normal case, countries such as Vietnam, South Korea, and Taiwan were quick to act on this pandemic. Aggressively testing their citizens prior to the declaration of COVID-19 as a pandemic has been their course of action and baseline of their plans afterwards. It’s a mystery to Dukki on how and why they did this though. Dukki is in an entire different universe than his critics because of his wit and rocket science definition. And, with every statement he has it’s like he’s saying “Keep Up” to everyone despite the fact that he’s one of the main leaders of the ship. SCHEDULED MIRACLES DO HAPPEN Almost every week, when phone notifications ding to the tune of delusion, the DOH schedule their miracles to happen: the mass recovery bonanza. In times where concerts and music festivals are not allowed, people can only look forward to the comical event the

health department has in place. To complete this delusion and fantasy, the public is waiting for the release of the full schedule. What is more appropriate? Mark your calendars or save the date? We have sent a fictional e-mail to the DOH to clarify which description fits the miracle best. Health workers, Local Government Units (LGUs), and the thinking public are at awe on how instantaneous and effective this recategorizing is. “Ang galing!” was the reaction of a fictional health care worker when asked regarding DOH’s action. Within minutes of retyping and recategorizing, Dukki healed 38, 075 people at the same time recorded as the highest recovery in a day for the country. He proved that miracles do happen if you’re brainy enough. The impact of this sudden and outside-the-box type of action is felt in Quezon City Local Government Unit as the new data hindered them from efficiently tracing the contact of a PUI and Positive patient. And, the World Hell Organization also raised alarm as the government manipulated ulated their data to show their progress in this pandemic. “A deluded public is a happy public”, is the mantra of every incompetent government. According to incredible sources, the Batikan, where saints are proclaimed, have reached out to Dukki in accordance to his ability to grant miracles. It was also said that enchantments and rituals are being choreographed and written to worship Dukki for his greatness.

Apart from Dukki’s quick wit and deteriorating state of mind, what’s more alarming is the fact that leaders agree to him as well. It might be that aside from being a Wordplay champ he might also win Most Charismatic Secretary in the world finals of this pandemic. As of the writing, the country is almost at the 200k mark of cases. With more consistency of incompetency, toxic positivity, and false information, our country can finally have our Gold medal and we can finally see our friends in two years. Every inexistent plan of action and paawa effects is a huge factor in our success on being on top of the SEA in most cases. We would not be able to be #1 without the help of our incompetent leaders and the daily suffering of Filipinos who are most affected by the economic recession.


9


10

My Husband’s Lover: Ang Pag-iibigan at Pagkamuhi

ng mga tao sa Angeles OR Anti-chaka NI Boobsie Marcoleta

ANG DINAMIKONG relasyon ng pag-ibig at poot ay batay sa kapwa paghanga at pagkagalit na siyang pinatutunayan sa relasyon ngayon ng mga tao at mga anghel sa Un-Holy Angel Winnieversity (UHAW), isang napaka-tanyag na institusyon na maging sa langit at impyerno ay kilala. Dahil sa mala-Unibersidad ng Pilipinas ang peg ng povernment, napakarami na ang nakikisablay at halos lahat ay sumahalimaw na rin na kinabibilangan din ng UHAW. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ay napaka demanding ng institusyong ito. Ang matamaan, huwag wawarlahin! Matatandaan noong nakaraang Abril 17, 2020 ay umani ng samut-saring batikos ang peysbuk peyg nito makaraang mag post at mga ilang oras lang din ay binura. Kalakip nito ang ang pitong (7) pangunahing punto para sa nalalapit na taong panuruan kung saan ipinapakita kung papaano makakasabay sa mala Mahalia Jackson na “new normal” na keribambam lamang ng maharlika ay ang mga sumusunod:

1. You must have the best learning tool – your cellphone! 2. You must have a strong wi-fi signal. 3. Study the online styles and requirements for each instructor. 4. Accept online instruction as the new normal.

LITRATO MULA Holy Angel University

5. Organize and keep track of all online tasks and assignments.

6. Remember, be flexible! 7. Lastly, have faith in the abiding presence of God and His Divine Bongga! Dedmatology naman itong si Precedent-papables ng mga anghel na si Lewis No Kalinga sa mga hinaing na mas pinalalagablab pa ang poot ng makaraang imungkahi ng administrasyon na humingi nang tulong sa mga opisyales ng barangay ang mga estudyante sa pagpapakabit ng WiFi. Anong anitch itetch? Kasiguraduhan nga sa kahihinatnan ng Pinas, pagpapalagay pa kaya kila Kap ng WiFi? Paglalahad lamang ng troolaloo, walang halong eklavoo. Sabihin na natin na may naganap na bigayan nang mga gadgets, ngunit hindi ito sasapat sapagkat, ang kawalan

ng kakayahan sa mga online na komunidad ng pagkatuto dahil sa sa kadahilanang may kinahaharap na pandemya ang mundo, hindi ito magiging epektibo puwera na nga lang kung majones talaga ang mga parental guardians ng mga bata, kaso hindi lahat inambunan nang grasya, tulad ng kakulangan ng personal na pakikipag-ugnayan at isang pagtaas ng pangangailangan para sa mga kasanayan sa pamamahala ng oras lalung-lalo kung nangangailangan ng abilidad ang isang kurso. Masyado na obvious ang pagiging anti-chupipay ng eskwelahan na ito kaya naman halos lahat nang hindi afford ang pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral ay napilitan na magpaliban muna ng isang taon Sa kabila ng pag-

sisikap ng UHAW, tila bagang hindi nakuntento ang mga mag-aaral nito sapagkat sa usaping matrikula pa lamang ay para ka nang lumaklak nang taba ng talangka, mahal na nga truly pang nakaka-highblood ang ganitong usapin lalo na’t malaman laman mong halos isang libo lamang ang binawas nito, jusq lorde, patawarin niyo sila sa kanilang katakawan sa pera ni hindi man lang tumatagal sa palad ng mga magulang ang salapi at padaplis lang kung ito’y dumating. Kahit tawagin pa ng lahat ang mga martir, santo’t santa ay walang pakundangan na ipagpapatuloy lamang ito ng nasabing institusyon. Panis ‘yang mission niyo na nagsasabing “to offer accessible quality education that

transforms students into persons of conscience, competence, and compassion, all for the glory of God”. Nasaan ang sinasabi niyong accessible quality education gayong sa katotohanan ay hindi niyo naman ito isinasakatuparan? Ano ‘yan, burloloy sa katawan? Kung tunay nga na iyan ang inyong hangarin, hindi lamang dapat kapag may tubig ang ilog, bagkus, maging sa kagutuman at kahirapan ay manatili niyong sinasakatawan. May mga inilatag ngang platapormat upang solusyonan ito ng UHAW, gaya na lang mga mga 1,000 tablets na ipinahiram ngunit kinalaunan ay halos hindi ito mapakinabangan dahil baba ng specs ng mga ‘to na dagdag pa sa pasakit ng mga estudyante ito dahil nagsimula na ang lahat ng klase makaraang ibalik ang mga ito. Lahat gusto ipagpatuloy ang pag-aaral sa kabila nang dagok na kinahaharap ng madami, pero bakit parang mas pinagpapasakitan niyo pa at ipinagkakait para lamang ito ay matamasa ng walang halong pakiramdam ng utang na loob?


11 Ni hindi magawa na mas babaan pa sa bewang ang halaga ng matrikula. Imbes na ginagasta ang tumataginting niyong singil para sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, tubig, at gamot, eh mas itutuon pa ang bayarin para lang sa napaka mahal na plataporma niyo sa pag-aaral.Sa ganitong pagkakataon, ang karamihan sa mga mag-aaral ay kulang sa wastong mapagkukunan ng mga gamit upang maitulak sa mga tagubilin sa online na sistema ng makabagong ngayon. Sa proyekto ng unibersidad na magpahiram ng 1,000 tablets, kung saan lubos na kinikilala, ang mga tablets na mayroon lamang isang gigabyte RAM na hindi sasapat para sa data at memorya na naubos lamang sa pag-set up pa lang na naka nakalaan para sa online classes. Ang layunin ng donasyon na ito ay upang tulungan ang mga mag-aaral na walang ,mga gadyet gayunpaman, ang donasyon na ito ay walang kabuluhan at kapupuntahan kung ang mga tablet ay hindi rin magagamit para sa nasabing online classes Sa sobrang accessible ng edukasyon na nakahain, pati langit hindi na kayo ma-reach. Sa panahong ganito ay dapat lang na maging balat sibuyas kayo, huwag lang puro feelings niyo, haler! Lahat naman apektado pero kung maka asta kayo akala niyo tumatae ng pera yung mga magulang na n nagkakanda kuba sa pagpapa-aral. Hindi naman na sa inyo kinakatas ang kuryente at kung ano pang anik-anik ang kailangan, bakit napaka mahal pa rin? Kaloka, ginawang parausan ng frustrations yung mga mag-aaral, kawawa naman. Feeling world class ang peg. Bago ka maging taong may konsensya, nararapat lang na alam mo ang nararamdaman at dinaranas ng iba. Bago ka maging taong mahabagin sa iba, dapat alam mo sa sarli mo ang pangangailangan at problema ng iba, nakadarama ka rapat ng simpatiya sa kanila, at gusto niyong makatulong. Pero kung hindi niyo rin maisabuhay at maisagawa ang pagiging mahabagin sa ating nasasakupan, baka hindi na rin kayo

maging masigasig at epektibo sa pangangaral. At kung para nga lahat ito sa Diyos, walang isa sa tatlo ang dapat mawala. Walang labis at walang kulang dahil ni minsan hindi siya nagmintis. Ano naman ang say ng ka-starlet nating si Luningning Binay na may reskak din sa Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon at Kagawaran ng Edukasyon? “Ganyan kasi ang siste ng neoliberal (privatized at commercialized) na edukasyon na mayroon sa bansa ngayon. Pinipilit na itong “new normal”, kahit ilang milyon na estudyante and hindi makakapag-aral ngayon. yung mismong Department of Entrapment Education (DepEd) at Commission on Higher Embarassment Education (ChEd) mismo, hindi man kayang bigyan ng solusyon ‘tong hindi safe na balik-eskwela” ani ni Binay. Ano ba kasi ‘tong pinuputok ng buchi niyo? Hindi naman ito matatapos hanggat walang kongkretong plano at kung may mananatiling may naiiwan. Eww, loss yang pa “no student left behind” niyo. Ginagawa lamang ito upang magsilbing band-aid solution, ni hindi mapakinabanagan nang maayos ang mga tablets dahil sa kakulangan at kababaan nito sa memory at mas lalo na ang mga 5th years ng School of Egotism and Apocalypticism (SEA) na hanggang sa ngayon ang mga asignatura nito ay nananatiling sarado pa rin at nasa kalagitnaan na ng unang semestre ay wala pa ring aksyon na kongkreto at tiyak, kung gusto niyo, tapalan niyo na rin nang vulcaseal para pangmalakasan na. Kaya nga isinusulong ang Academic Freeze sapagkat kahit ang isang pinaka mayamang institusyon ay walang kahandaan pa rito. Hindi sasapat ang 2 hanggang 3 buwan na preparasyon. Kukulangin at kukulangin pa rin sa mga materyales na kinakailangan at mas lalong bababa ang populasyon ng mga estudyante lalo na at anti-purita corales kayo at pro-manilyn reynes. Kung ihahalintulad kayo sa isang bagay, para kayong promodizer na napaka galing mag-advertise at sales talk ng kagamitan sa bahay tapos kapag nasubukan mo na, waley na, chakadal na. Walang quality control. Kemero niyo?

Mga mapipiling nilalang. Sana hindi rin kayo piliin ni lorde. Eme. Ana bet? Eto pa, makinig ka. Ang mga pamamaraan ng E-Learning na kasalukuyang isinasagawa sa edukasyon ay may posibilidad na gawin ang mga nakikilahok na mag-aaral ay sumasailalim sa pagmumuni-muni, pagkalayo at isang kakulangan ng pakikipag-ugnay. Bilang isang resulta, marami sa mga mag-aaral at guro na hindi maiiwasang gumugol ng maraming oras sa online ay maaaring magsimulang makaranas ng mga palatandaan ng paghihiwalay ng lipunan, dahil sa kakulangan ng komunikasyon ng tao sa kanilang buhay. Ang pagbubukod sa lipunan kasama ang isang kakulangan ng komunikasyon ay madalas na humahantong sa maraming mga isyu sa kalusugan ng kaisipan tulad ng pinataas na stress, pagkabalisa, at negatibong kaisipan. Ayon pa sa ating ka-starlet,”Nakatanggap ako ng report na hidi pa nakakapag-enroll mga 5th year student ng SEA, pero hindi sila pinapag-enroll kasi wala raw subjects. Siguro, isyu talaga hindi nabibigyan ng highlight yung mga concerns ng students, hindi malinaw yung guidelines talaga in entirety, at minimum bare pa rin yung naibibigay” dagdag pa nito. Kalerky, ipapasa na ni Ms. Jacklyn Jose sa inyo ang koronang kontra bida of all times. Imbyerna kayo mga mamser. Dahil sa kakulangan ng komunikasyon sa harap-harapan na pag-aaral sa pagitan ng mga kapantay, mag-aaral at guro sa isang online na plataporma, maaaring makita ng mga mag-aaral na hindi nila kaya maging epektibo sa ganitong pamamaraan. Ang pagpapabaya sa mga kasanayang pangkomunikasyon ng mga mag-aaral ay hindi maiiwasang hahantong sa maraming mga nagtapos na higit sa kaalaman sa teoretikal, ngunit nabibigo na maipasa ang kanilang kaalaman sa iba dahil na rin hindi nagagamit ang skill-based na pamamaraan. Sa kabilang banda, itanggi man o hindi, mayroon pa rin bahagi na ang sitwasyon ay madalas na nakapanlulumo. Halimbawa, sa mga katutubo, mayroon pa ring malaking puwang sa computer iliteracy

sa populasyon. Hanggang sa umiiral ang mga puwang sa lipunan, ang edukasyon sa online ay hindi maabot ang lahat ng mga mamamayan. Samakatuwid, napakahalaga na tingnan natin ang online na pag-aaral bilang karagdagan, sa halip na bilang kapalit sa tradisyonal na paraan ng edukasyon. Sa kasamaang palad, sa kasalukuyang punto ng oras, mayroon pa ring isang malawak na bilang ng mga platform sa pag-aaral sa online na hindi pa accredited at kung saan ang lahat ng mga materyales ay kalidad na sinuri ng walang sino man maliban sa mga guro. Dahil dito, ang mahinang kalidad ng katiyakan at isang kakulangan ng accredited na online provider ng pag-aaral ay patuloy na nagpapahina sa pagiging lehitimo ng online na edukasyon lalo na sa mga lugar kung saan ay malimit ang sikat ng araw dagdagan pa nito ang kawalan ng trabaho ng magulang at mabagal na internet. Oh, ano, kakasa ka pa? Sa suma total, Pagkatapos ng lahat, ang kawalang harap-harapang komunikasyon at pisikal na silid-aralan na gagamitin bilang isang training ground, ang pagpapatupad ng mga praktikal na proyekto sa isang online classes na kurso ay nangangailangan ng higit na paunang pagpaplano kaysa sa pagsasanay sa teoretikal. Bilang estudyante, tayo ay may karapatan na managhoy sa ganitong oras ng kagipitan, nararapat lamang sindakin ang mga manininiil sa ating karapatan na matarong na ipingakaloob sa atin. Ang edukasyon ay hindi isang pribilehiyo kundi isa itong karapatan. Lahat tayo ay may karapatan na magkaroon ng maayos at kalidad na edukasyon maging sino at ano man ang antas sa buhay, at sa anumang uri ng pagkakataon. Sulong kabataan, maninii ng karapatan ay sa huli’y may pagbabayaran.


12

Feeling depressed and unmotivated?

Sabihin mo na lang, Salamat White Sand! NI Boobsie Marcoleta

LITRATO MULA GMA Network

K

aliwa’t-kanang alingawgaw ang nabuo dahil sa pagsisikap ng administrasyong Dutae upang mapaganda ang naaagnas ng Manila Bay. Ito ay sumailalim sa rehabilitasyon upang maging mala-white sand kahalintulad ng Boracay dahil sa pagpapatambak nito ng tone-toneladang dolomite na ayon kay Harrieta Roqueta, tagapagsalita ng mga Dugong, ay may kaakibat daw umano na benepisyo kalusugang pangkaisipan ng mga Pinoy. Matatandaan noong katapusan ng Agosto, ang napakasariwang lukanot ng gobyerno para linisin ang isa sa pinakamarungis na katubigan — ang Manila de Bay — na nagkakahalaga lamang ng Php 389 milyon upang sugpuin ang tig-isang numero ng mga kaso sa bansa na may kinalaman sa usaping pangkalusugan ng kaisipan. Php 389 milyon lamang ‘yan, may utang pa ang Pilipinas na Php 9.05 na trilyon at ang bawat isa sa atin ay may ambag na Php 83, 239 — huwag kalilimutan. Isiniwalat ng grupong pangkapaligiran, Greenpeas Philippines, na ang proyekto ay hindi kinakailangan at isang kabuuang pag-aaksaya ng pera dahil malayo pa ang pagtatapos upang ito ay tuluyang maging malinis. Isang malaking palaisipan din kung bakit at paano nasasam-

bit ni Dugong na wala ng pera ang Pinas sa usaping ayuda, benepisyo, at karagdagang sweldo o kagamitan para sa pagresponde sa kasalukyang hinaharap na krisis ng bansa, ngunit ang walang kwenta at pipichugin na mga proyekto ay sila namang pinapatos ng mga ito. Gagamitin din ba ng Departamento ng mga Engot at kamangmagan Ni Roqueta (DENR) ang puting buhangin upang pagandahin ang iba pang mga lungsod sa baybayin sa Pilipinas? At tulungan ang mga hindi taga-lungsod ng Maynila na huwag magdulot ng labis na pagkalubha sa kalusugan ng kaisipan, o isang kalahating palusot lamang ito upang lustayin ang mga pondo ng publiko at ilayo ang pansin sa mga tunay na problema sa kapaligiran? Ano say niyo, mga pars at mars? Marami ang dapat isaalang-alang sa pagbuo ng mga programa na makapagbibigay ng pangkabuhayan sa maraming nawalan ng trabaho na masasabi mong kapaki-pakinabang. Ang sabi naman ni Dutae ay wala ng pera ang Pilipinas, wala nang maibibigay ang gobyerno na tulong at bahala na sa kanya-kanyang buhay. Oo nga naman, wala ng pera ang Pinas, may kanya-kanya na itong kinalalagyan tulad na lamang sa pagpapasweldo sa mga friends and

pals; mga berdugong magnanakaw sa dating kawani ng PhilHealth na si Francisca Dukesa, pagpo-promote sa Mañanita boy na si Deborah Satanas bilang National Capital of Sin Region Polish Office (NCRPO) Chief, at sa pangsustento sa monthly trip ni Spox Harrieta Roqueta, mabisita lamang ang kanyang mga kalahi, at sa mga kalahi niyang iyon ay tiyak na siya lamang ang mangmang sa mga ito. Isang malaking sampal sa mukha ng mga propesyonal sa larangan ng kalusugan ng kaisipan ang pagpabarang nito bilang solusyon sa stress, depresyon, at anxiety na nararamdaman ng karamihan sa panahon ng pandemya. Isa itong napakalaking dismaya dahil ginagamit ang kalusugang pangkaisipan bilang pangunahing rason para pagtakpan ang mga kamalian pagdating sa prayoridad sa panahon na kung saan lahat ng buhay ay nasa peligro. Sa halip ay hindi pinagtutuunan ng pansin ang malawakang kagutuman at kawalan ng trabaho sa lokal at maging sa internasyonal na anggulo na silang mga sanhi upang gatilhuyin ang pag-iisip ng tao. Pansin mo rin ba? Isa lamang itong panakip butas na solusyon ng gobyerno. Kung hindi ka pa galit sa mga bwitreng ito ay baka may tama ka na. Sa kabilang banda, ang kalusugan sa kaisipan ay masalimuot, komplikado at nangangailangan ng siyentipikong ebidensya at medico legal na pagsusuri. Kung nais talaga ng gobyerno na matutukan ang lumalaganap na sensitibong usapin ukol sa kalusugan sa pag-iisip, nararapat lamang nilang isama ito sa bibigyang-pokus kaakibat ng pagpapabilis sa pagsasabatas ng Mental Health Law. Dahil kung ang white sand lamang pala ang katumbas ng gamutan at mga eksperto na may kaugnayan sa isip, malamang sa malamang ay baka ipawalang-bisa na lamang nila ang kanilang lisensya at ang mga nag-aaral ng Sikolohiya ay labis na mahihiya sa kanilang makamundong pangangatwiran. Ang rehabilitasyon ay ang totoong layunin at walang katuturan

ang pagtakip sa mga itim nitong katotohanan gamit ang buhanging iligal na kinuha mula sa Cebu. Binibigyang katwiran pa ito bilang isang solusyon ng bawat isa sa problema ng bayan katulad ng kalusugang pangkaisipan na sanhi rin ng pandemya. Nasaan ang lohika, ‘di ba? Wala. Ang masa ay hindi mga bata na magtatampo sapagkat hindi puwede ang maglibang sa labas at magtampisaw sa mga dalampasigan. Alam naman ng lahat na mayroong krisis sa kalusugan at handa pa ring magsakripisyo ang publiko, ebidensya sa halos anim nang buwang pananatili sa kani-kanilang mga kabahayan. Ang makapagpapaginhawa sa pagiging balisa ng masa at magpapalakas sa kalusugan ng lahat — pisikal o emosyonal man — ay ang kaalaman ukol sa aksyong ginagawa ng gobyerno. Mga patunay na ginagawa nila ang kanilang makakaya upang matugunan ang pagkasira ng problema sa kapaligiran, kahinaan sa sistema ng ospital at pangkalusugan, kawalan ng pananagutan sa paggastos sa publiko, sa halip na binubudburan nang artipisyal na buhangin ang Manila de Bay na magdudulot lamang ng karagdagang suliranin. Samakatuwid, ang pagdaragdag ng puting buhangin sa dalampasigan ay hindi makakatulong sa ating kalusugan sa pag-iisip. Mas mainam pa kung bumaba ka na lang mula sa iyong posisyon, Harrieta, at hayaan na ang mga may kaalaman sa usaping panlipunan. Ang kailangan natin ay karagdagang pasilidad, propesyonal na may kasanayan sa pampublikong kalusugan, at maaasahan mga opisyales na nag-iisip nang lohikal. Kalurky mga marxe, pahingi nga akong white sand, pampaayos lang ng mental health ko. Charot! At para naman sa mga propesor at propesora ko sa kolehiyo, salamat na lang ho sa lahat-lahat. Dolomite naman pala ang sagot. Basta huwag natin kalilimutan suminghot ng white sand!


13

Hindi ka namin ma-feel, PhilHELP! NI Donita Tugade

INILAHAD ni Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera-Dy ang karanasan ng kanyang kapatid sa anomalya, as usual, ng FeelHELLth na binayad na nga niya ang kanyang COVID-19 test galing sa sariling bulsa, hinihingian pa siya ng FeelHELLth ID number para may reimbursement kuno. Dear FeelHELLth, it really hurts sa sistemang ganito. Kung baga, libre na nga nanghihingi pa ng sukli! Mabuti na lang mas matalino ito sa inyo at hindi siya bumigay sa issa prank niyo. Lingid sa kaalaman ng lahat,

may pa COVID-19 test package pala ang FeelHELLth na 3,409 pesos. Ang problema, hindi ito pinaalam sa publiko. Ganito pala ang ibig sabihin ng mass testing sa kanila, ang pag-test sa masa kung mahuhulog sila sa patibong sa pamamagitan ng Pilipino Chinacharot Rapidly (PCR) test. Kung aanga-anga ka at binigay mo ang ID number mo kahit binayad mo na sa sarili mong pera, napaaga ata ang pagbigay mo ng aginaldo sa mga alagad ng institusyon na ito. Habang masarap na hamon ang nakahanda sa

SPOLARIUM BY Jopay Revilla

In a certain period of our misfortune, there was a time where a certain party of wannabe rulers decided to flock on their own. It was year 1900 when the first political party was established and it was then the birth of all following idols. A notable figure in our history is a ruler that swiveled our kingdom into a coliseum, but no, he was not a roman soldier nor emperor. Days felt like years as our countrymen turned into gladiators, writers and poets were viciously killed and oppressed. A total of 34,000 tortures, 3,240 deaths and 70,000 prisoners—these were the numbers of people that were taken for granted and were the bleak outcome of abuse in authority by the idol-wannabe-god from 1972 to 1981. After years of oppression, corruption, abuse of power and control, countless bodies dumped into a spoliarium, resistance

was made in action by the oppressed plebeians, and even the religious sector. 1986 was a glorious year of revolution, it was when an abusive ruler or a “wannabe-god” became merely powerless and the resistance was held victorious. After the time of the “idolwannabe-god”, then came the yellow idol. The yellow idol received unfathomably high expectations during her term. The yellow idol gave her worshippers the democracy that they want, a life far from a coliseum-like environment. But life was far from a fantasy film that contains scenes of people dancing, singing, and living life vibrantly beautiful. The misfortune follows and one of the distressing memories is the ill-treatment of under-appreciated heroes that brings food into our tables. 13 heroes died and a peaceful assembly turned into a

mesa nila, ibang hamon naman ang nasa harap mo-hamon ng buhay! Gusto mo yon bes? Patawad po! Suhestyon ni Herrera na magpalagay ng “FeelHELLth members accepted here” sa mga accredited centers. Hayy talaga nga naman hindi lahat ay gusto ng label. Malabo ang ganito. Karapatan ng bawat Pilipino na may assurance ang kanilang kalusugan at kaligtasan at alam kung saan mahahanap ito. Make us feel the genuine love naman wag ‘yong Savage love. Tententen tenenen tenenen! Nagbibigay ang mga miyembro, lalo na ang mga OFW, ng kanilang contribution dito para masigurado na may mahuhugot sila kapag may emergency. Karapatan naman ng bawat isa na malaman kung saan napupunta ito ayon sa kanilang benepisyo at hindi sa mga bulsa ninyo. Tama na ang pangeechos. Baka akala mo nakalimutan ko na may utang ka pa na 15 bilyon. Wag ganon mars! Isa sa mga rason na pataas nang pataas pa rin ang bilang ng mga

nagpopositibo ay dahil takot ang tao pumunta sa mga ospital at magbayad ng malaking halaga. Kung kaya’t pinipili na lang na tiisin at ipagpaliban ito kaysa magkasakit sa bulsa. Ang mahirap pa dyan kailangan ng agarang COVID test lalo na kung may nakitang sintomas sayo kahit ibang sakit naman talaga ang iniinda mo. Ngayong may pandemic pinaka-inaasahan ang benepisyong manggagaling mula dito. Pero inabuso pa ito at nagkaroon pa ng CASHunduan na mas lalong pahirapan ang sitwasyon ng mga tao sa mga hidden agenda nila. Paki-remind naman kami na ang pandemic ay dahil sa COVID-19 at hindi KORAPSYON. Sana maaksyunan agad ito para hindi na lang basta sinasayaw ang “feeling good, like I should Went and took a walk around the neighborhood Feeling blessed, never stressed Got that sunshine on my Sunday best” kung ‘di nasasabi at nararamdaman na rin. Maging positibo tayong lahat ooops! hindi sa virus, kung ‘di sa pananaw sa buhay.

show of firecrackers. Succeeding the “yellow idol” is a war veteran that was previously linked with the “idol-wannabe-god” but then turned his side with the yellow idol. This lieutenant Dan look-alike came after a season of economical adversities. He succeeded a tribe who were challenged by a couple of coup d’état attempts. This Forrest Gump star look-a-like reinvigorated the death penalty, bringing the judgement of God in his own hands. When the reign of lieutenant Dan came to an end, he was succeeded by an ambitious pop star. The pop star’s supremacy was short, but in his time being, he stole gold from the people. It was then the time of another revolution from mankind who were aggravated and furious because of their stolen treasures. After a revolution, the idol next-in-line was from the land of the infamous sisig, where its race is raged from the thought of adding mayonnaise to their one of a kind treasure. 9 years have passed, nomination for the next idol occurred. It was then when the yel-

low tribe once again rose into power. The anticipated return by 15,000,00 evaluated followers of the yellow tribe with their new gen idol was followed by controversies on barrels of meat, misuse of collection, and a warfare that killed 44 heroes, 18 villains, and 5 audiences. This new tribe of yellow people came like wizards, seedlings in a form of metal were scattered and a life-threatening potion was invented and used towards humanity. It has been 4 years now since the claim of power of the newest sovereignty that made promising plans to our kingdom, only to end up like a masochist that shows obnoxious love for profanity. A seem-to-be reincarnation of the “idol-wannabe-god” of 1965 has bloomed. A contemporary ruler has set our kingdom into a coliseum once again. Countless bodies were dumped like slaughtered pigs and labeled as criminals. Blood shed from his hands as he turns the streets into a spoliarium. Wisdom was despised by his disciples, as poets and writers are once again treated as enemies by his worshippers and himself.


14

KABIT FEELS

It rlly hertz ang may sistemang ganito. Kung sino pa ang binoto mo, walang serbisyong totoo. Hanggang gan’to na lang ba? Kaya mo ba ‘tong tanggapin? Na sa bansa natin, ang madami ang umaangkin. Alam na rin natin lahat na kahit tayong mga Pilipino ang original, ang kabit na sina Yues at Tsina ang priority. Nangunguna diyan si Tsina na mapangapi at mapang-akin, wapakels naman si tatay diyan kasi ganyan daw ang tunay nag pag-iibigan. Habang si Yues, ani mo’y white knight na tagapagligtas ngunit sa totoo pala’y mapagsamantala rin. Salamat na lang sa lahat, hindi namin kailangan ang iyong big guns. Isang take-and-take relationship ang namumukadkad sa pag-iibigang ito. Kung saan mine lang nang mine ang Tsina at Yues sa mga hilaw na materyales, natural resources, at maging mga politikal na pabor sa ating bansa. Ang West Philippine Sea? Yours. Infrastructures that are set to displace thousands of Indigenous Peoples? Yours. Our land as your military playground? Yours. Mahaba-haba na rin ang wishlist at bawat isa yes na yes ang sagot ng ating strongman from Malacanang. Speaking of strong man, hindi ‘yan halata sa pisikal na kaanyuan ni Gong Di pero patuloy pa rin ang atake ng kanyang mga ali pores sa masang lumalaban \Kung minsan agaw-tingin din ang kaanyuaan niyang tila inaagnas, K ka pa teh? Pero sa edad na 75 ay kaya pa makipagsabayan ni tatay sa puyatan. Ang kaso lang, ang mga late night talk with tatay ay lubos ng nakakaumay lalo na’t walang konkretong plano o kaya naman aksyon ang inilalatag dito patungkol sa pandaigdigang krisis na kinakaharap natin ngayon.’Yong nagpuyat ka para tapos taamng rant lang si matanda. Paki-off na lang ang TV! Sa isyung pang-ekonomiya, mapapabuntong-hininga ka na lang. Lahat

tayo may kakilala na nawalan ng trabaho, tumigil sa pag-aaral, o kaya naman namatayan ng kamag-anak. Habang patuloy tayo nagdurusa, tiis-tiis na lang hanggang may bakuna para sa veerus ayon kay Gong Di. Survival of the fittest ba kamo? O survival of the richest? Basta ang alam ko kapag ang masa na ang naningil, walang pasista, oportunista, o payaso ang makaliligtas. Tunay na nakasasama sa kalooban na mayaman ang Pilipinas pero naghihirap ang sambayanang Pilipino. Lalo na’t nasa gitna tayo ng pandemya, ang mahihirap lalong naghihirap habang ang mga naghaharing-uri tulad nina Gong Di and friends ay hitik sa yaman at ganansya. Ayon sa Executive Director ng BIRD na si Southy Africa, inabot ng 188 taon bago humantong ang utang ng ating bansa sa 6.1 trillion noong 2016. Habang ang the beast and the brightest administration ay inabot lamang ng anim na taon para doblehin ito sa higit kumulang 13.7 trillion sa taong 2022. Isipin mo na lang na ang mga anak ng henerasyon na ‘to, kahit hindi pa naisilang ngunit may utang na naghihintay sa kanila. Ang hamon sa ating mga Chikalite, maliban sa pagpursigi na hindi tayo masiraan ng bait, ay ang itaguyod at pagyamanin ang sensibilidad natin sa lipunan. Makabuluhan ang papel natin ngayon bilang mga kabataan, hindi rin sapat na alam natin ang mga bagay-bagay. Dapat ay nakikilahok tayo sa agos ng kasaysayan. Nakaka-stress man isipin na ganito ang kalagayan natin ngayon ay may magagawa naman tayo para dito. Hindi dapat tayo manahimik kahit sa panahon ngayon kung saan ang pagsasalita ay isa ng krimen. Hindi na rin ito usapin ng kulay, kung d3lawan ka ba o kom0ne$ta, usapin na ito ng buhay natin bilang mamamayang Pilipino. Makiisa tayo sa pakikibaka ng masang-api’t pinagsasamantalahan. Kasi nga it rlly hertz pa rin talaga mabuhay sa mala-pyudal at mala-kolonyal na lipunan!


15


16

HORRORSCOPE NI Rochelle Duque

Aries (March 21 – April 19)

Magdala ng extrang damit kapag magproprotesta laban sa Anti-Terror Law. Maaari rin itong magamit kapag nahuli at nakulong (kahit walang warrant). Taurus (April 20 – May 20) Sarap-buhay habang stay at home? Gising-gising, galaw-galaw. Marami pang utang ang babayarin mo at ng mga anak mo... at ng mga anak nila, at ng mga anak ng anak nila, at ng mga anak ng anak ng anak... Gemini (May 21 – June 20) Ngayong Sabado, mababayaran mo na lahat ng nasa Add to Cart mo. Sa Linggo, sardinas ang ulam of the day. Pati sa mga susunod na araw. Happy 09.09! Cancer (June 21 – July 22) Haluan ng luha ang gasolinang ipanghuhugas sa face mask. Subukang amuyin at tikman habang nakikinig sa jokes ni Tatay PDutz para sa dagdag proteksyon. Leo (July 23 – August 22) Nais mo bang malaman kung isa kang leon o isang tuta? Humarap sa salamin at subukang tumahol. In Chinese.

DIBUHO NI Sanrio Sotto

ang mga ito at gawing halo-halo para mai- Aquarius (January 20 – February 18) benta online. Uminom ng tubig kada may makikitang Virgo (August 23 – September 22) taong naka-facemask nang hindi natatakUmiwas sa mataong lugar. Lalo na kung ilang araw ka nang walang ligo kakapanood sa Sagittarius (November 22 – December 21) pan ang ilong. Mag-ingat at baka hulihin Kausapin ang Bato sa tabi ng garden niyong para lang isama sa iba pang nahuli. Waw, Nyekflix. Baka ma-regulate ka pa… puno ng bagong bonsai. Hintaying sumagot. crowd ebriwer! Libra (September 23 – October 22) Pisces (February 19 – March 20) Ma-obsess sa mga bagay na hindi pantay. Capricorn (December 22 – January 19) Tulad ng tingin sa babae at lalaki. O trato sa Sumigaw sa direksyon ng Malacañang tat- Para gumaan ang kalooban, makichief at jeepney drivers. O utak ng mga na- long beses sa isang araw. Baka sakaling ma- pag-flame wars sa comment section ng dinig na tayo at magka-Mass Testing na para Tulfo in Action habang bina-block ang kaupo sa jokevernment. Enjoy! sa mga higit na nangangailangan nito. Mass mga DDS mong friend sa Peysbulok. Good Testing, ha? Hindi Mass TASTING. Sharawt. luck kung may matira pa. Scorpio (October 23 – November 21) Uulan ng niyebe bukas nang umaga. Ipunin


17 KOMIKS NI Bugoy Cayetano

KOMIKS NI DJ Briones

HAUno na?

KOMIKS NI Kyo Pimentel


18


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.