Lutas II: In the Face of Crises

Page 1




LUTAS LITERARY FOLIO Karapatang-ari © 2021 Ang Lutas Literary Folio ay pampublikong publikasyon ng sining at panitikan ng Holy Angel University (HAU), sa ilalim ng awtoridad ng The Angelite, ang opisyal na pahayagang pangestudyante ng nasabing unibersidad. Ang mga kumento at mungkahi ay maaaring ipahatid sa:

The Angelite’s Office Mamerto G. Nepomuceno Bldg., Gr. Flr., Holy Angel University, Sto. Rosario St., Angeles City Landline no.: [045] 322-6372 local 1490 E-mail address: theangelite.hau@gmail.com Website: theangelite.com Facebook: fb.com/theangelite

Nananatili sa indibidwal na may akda o may-dibuho ang karapatangari ng bawat piyesang ipinalimbag dito. Hindi maaaring ipalathala muli o gamitin sa anumang paraan ang alin man sa mga nilalaman nang walang karampatang pahintulot sa may-akda o may-dibuho. Ang tomong ito ay hindi ipinagbibili. Ang pabalat ay likha ni Angela Manaloto.


Mula sa EIC Isang taon na tayong isinumpa sa loob ng ating kabahayan nang walang trabaho, walang pagkain, walang pag-asa at higit sa lahat, walang ginagawang aksyon ang gobyerno para masolusyunan ito. Nananatiling kakarampot at hindi sapat ang araw-araw na sinasahod ng ating mga manggagawa, kung saan mas mataas pa ang presyo ng isang kilong baboy. Habang sa kanayunan, tuloytuloy ang pangangamkam ng lupain sa mga magsasaka kahit buhay pa nila ang magiging kapalit. Dugo ang nagsisilbing pandilig sa kanilang pananim. Sa hanay naman ng mga kabataan, talamak ang red-tagging at pananakot sa gitna ng lumalalang pandemya. Sa kabila ng lugmok na krisis pang-ekonomiya, ano ang tugon ng administrasyong Duterte?— patayan, karahasan, at panunupil sa ating batayang karapatan. Kamakailan lamang, nagsagawa ng masaker ang mga kapulisan at pinaslang ang siyam na aktibista sa Timog Katagalugan matapos bitawan ni Duterte ang salitang “kill,kill,kill”. Malinaw na ang mga salita ni Duterte ang nagsisilbing batas para sa hanay ng mga pulis at militar. Kaakibat niyan ang nagbabadyang banta ng Anti-Terrorism Law na nagbibigay ng kapangyarihan kay Duterte at kanyang mga alipores na nagtatakda kung sino ba ang mga terorista at hindi. . Alam naman natin na ang numero-unong kalaban ng mga pasista ay ang lumalawak at lumalakas na kilusang masa. Kung kaya’t kahit mga masang aktibista at tumitindig laban sa katiwalian ng estado ay basta-basta na lamang pinapatay at tinatawag na terorista. Malatokhang style na gawain, patay dahil nanlaban.


Isang taon na tayong isinumpa sa loob ng ating kabahayan nang walang trabaho, walang pagkain, walang pag-asa at higit sa lahat, walang ginagawang aksyon ang gobyerno para masolusyunan ito. Nananatiling kakarampot at hindi sapat ang araw-araw na sinasahod ng ating mga manggagawa, kung saan mas mataas pa ang presyo ng isang kilong baboy. Habang sa kanayunan, tuloytuloy ang pangangamkam ng lupain sa mga magsasaka kahit buhay pa nila ang magiging kapalit. Dugo ang nagsisilbing pandilig sa kanilang pananim. Sa hanay naman ng mga kabataan, talamak ang red-tagging at pananakot sa gitna ng lumalalang pandemya. Sa kabila ng lugmok na krisis pang-ekonomiya, ano ang tugon ng administrasyong Duterte?— patayan, karahasan, at panunupil sa ating batayang karapatan. Kamakailan lamang, nagsagawa ng masaker ang mga kapulisan at pinaslang ang siyam na aktibista sa Timog Katagalugan matapos bitawan ni Duterte ang salitang “kill,kill,kill”. Malinaw na ang mga salita ni Duterte ang nagsisilbing batas para sa hanay ng mga pulis at militar. Kaakibat niyan ang nagbabadyang banta ng Anti-Terrorism Law na nagbibigay ng kapangyarihan kay Duterte at kanyang mga alipores na nagtatakda kung sino ba ang mga terorista at hindi. . Alam naman natin na ang numero-unong kalaban ng mga pasista ay ang lumalawak at lumalakas na kilusang masa. Kung kaya’t kahit mga masang aktibista at tumitindig laban sa katiwalian ng estado ay basta-basta na lamang pinapatay at tinatawag na terorista. Malatokhang style na gawain, patay dahil nanlaban. Karaniwan lang na malungkot, magalit, o kahit matakot sa


lumalalang sosyo-pulitikal na klima sa bansa. Tinatawag na tayo ng daan-daang taong pakikibaka ng masang-api na tumindig sa kung ano ang nararapat. Kung hindi tayo pipili, ito ang pipili sa atin. Bawat porma ng paggawa ay may malaki at mabigat na kontribusyon sa pagpapalaya sa mamamayan mula sa tanikala ng opresyon at pananamantala. Nasa gitna na tayo ng kasaysayan, ang mga desisyon natin at galaw ang siyang huhubog sa ikabubuti o ikasasama ng ating kinabukasan. Sa paglapat ng mga sulatin sa papel hanggang sa pagsigaw ng ating mga panawagan sa lansangan; marapat na manatili tayong totoo sa ating prinsipyo na paglingkuran ang sambayanan. Ang ating kamao na kahugis ng puso, sa kabila ng lupit ng panahon, ay nananatiling kuyom at umiibig—malaya at mapagpalaya.

Klenia Ern B. Mendiola Punong Patnugot


Mula sa Project Heads Akala ng lahat, hiram lang ang oras na gugugulin nitong pandemya. Na mababawi rin natin ang mga araw na tila linalaktawan na lamang natin. Na maaaring bumalik din agad sa dati matapos ang isang buwan ng pagtitiis. Isang taon na ang ninakaw sa atin ng estado dahil sa kanilang kapabayaan. Sinasanay tayong magtimpi at mag-abang para sa wala habang sanay na sila sayangin ang panahon ng taumbayan. Saan nga ba makahahagilap ng mapagkakapitan sa krisis na hindi lamang sakit ang kalaban? Walang dapat ikagalak sa katatagan ng mga Pilipino kung walang pulitiko ang mananagot sa lalong tumitinding hirap na dinaranas ng maralita. Sa pamamagitan ng iba’t ibang istilo ng sining, ang lathalaing ito ay isang paanyaya maging bukas ang ating mga isipan. Nang sa gayon ay matamo natin ang hustisya laban sa walang patid na paniniil ng kasalukuyan nating sistema. Mandato ng bawat isa sa atin ang mabigyang-pansin at tutulan ang kasinungalingang gumigimbal sa ating lipunan. Layunin din nito ang kilalanin ang bawat sakripisyong inialay ng mga manggagawang Pilipino, lalo na sa sektor ng pangkalusugan. Walang kaparis ang dedikasyon ng ating mga medical frontliners na patuloy na nagpupursige sa kanilang mga larangan upang


paglingkuran ang ating lipunan. Hindi lamang magtatapos ang kamulatan ng tao sa pagbabasa ng mga aklat gaya nito. Tungkulin natin ihatid ang ating diwa tungo sa katotohanan; sa tagumpay kasama ang piling ng masa na ating patuloy na ipinaglalaban!

Erica Clare B. Garcia Project Head, LUTAS McGiorge S. David Asst. Project Head, LUTAS


Talaan ng Nilalaman Poetry 20/20

.........................................................

1

........................................................

3

Blinding Lies ........................................................

4

Poetry

Maingay

Artwork Artwork

Hero’s Fight ........................................................

Poetry Ilog

5

........................................................

6

Takbo ng Buhay .........................................................

7

Poetry

Short Story Jeep

.........................................................

Artwork

Seat of Power .........................................................

Poetry

Malinaw

9 13

.........................................................

14

.........................................................

15

Ang Talinhaga Sa Katotohanan Ng Pandemya .........................................................

17

Photo

Hanggang Alaala na Lang

Poetry


Photo Take a break

.........................................................

21

.........................................................

23

..........................................................

25

Recipe for Life .........................................................

27

Photo

Mapanlinlang

Poetry

The Blind Side

Poetry

Artwork Your Equal

.........................................................

30

.........................................................

31

Batas .........................................................

35

Poetry

Sipi ng Isang Palabas

Photo Photo Take a shot

Poetry

Sixty-Nine

Photo

Sigla at Diwa

Artwork Hinagpis

.........................................................

37

.........................................................

39

..........................................................

42

.........................................................

43


POETRY

20/20 Arlin Salonga

After three months, the sun is a blessing on your skin. During these months, the sun scourges the next harvest. The following week, something spreads within… “Run!” they shouted, but cover half of your face. Some followed the correct way, others flipped and shielded the upper half. Later in the year, the rain lulls you softly to sleep. But for some, on those nights,

1


fear settles as the water starts to rise. In those moments, you tried to ignore, remaining optimistic about tomorrow. You hold on to the nation’s strength, but what about the missed accountability? the response that was expected? Lives are at risk, but we are left to save each other. onto a boat, riding the waves. This is one large ocean, and perhaps, we could only remain floating by drowning out the wrongdoings.

2


POETRY

Maingay Jericah Orquia

Sa ilalim ng talampakan, ramdam ang buhanging unti unting nilulubog sa pagkakautang ang ninanakawang karapatan. Sunod sunod na trahedya, kasali ang mga sunod sunurang, tahol nang tahol, nagpapatahimik ng balita, hindi nakikinig sa nagsisigawan. Maingay na bagong taon, Gising na ang mga nakatulog. Hindi panaginip ang nasaksihan, bagkus katotohanang malalim ang pinag-uugatan, naibunyag lamang ng maliit, hindi nakikitang kalaban.

3


Blinding Lies By: Angela Manaloto It is them to blame for covering up the truth, but is it you who chooses not to look?


Hero’s Fight By: Circe K. Winchester It’s the fight of every Filipino doctor and nurses during the COVID-19. The woman symbolizes the lady in the lamp with her lamp necklace. The wings and the sword is the symbol of a doctor. Amidst the dark and exhaustion, they continuously keep fighting to finish the war.


Ilog

Arlin Salonga

POETRY

Sabihin mong hindi diktador ang nakaupo Kung hawak ng kamay niyang bakal Ang marahas at walang-awang batas. Bata, matanda, buntis, inosente... Sa dilim, may takot. Sa liwanag, may kaba. Walang takbuhan, Walang matakbuhan Sa arkipelagong hati ang paniniwala At bulag ang hustisya. Sa panaginip, walang pighati. Sa pag-asa, patuloy na mananalig. Sana sa susunod na paggising, Mulat na rin ang kaisipan at ating Mga prinsipyo’t katotohanan

6


Takbo ng Buhay Shot By: Pinipilas


Sumigaw ka ng saklolo, lolokohin ka lang ng mga gago. Palamangan at palakasan lang ang dahilan kung ba’t sila may mga titulo. Kung tutuusin, sila pa ang kusang maghahatid sayo patungo sa huling hantungan mo.


SHORT STORY

Jeep Princess Payumo

Hating gabi na nang matapos ako sa aking duty. Nag-abang ako sa isang madilim na kalye ng masasakyan pauwi. Isang jeep ang papalapit kaya’t humudyat ako ng, “Para po!” Sa pagsakay ko ng jeep, dalawang pasahero ang bumungad sa akin. Sa likot ng aking imahinasyon, pinangalan ko sila sa aking isip. Yung lalaki si Jordan. July naman si ate. Ang cute! Natawa ako sa aking naisip. “Bayad po!” ang aking sabi habang inaabot ko ang pamasahe. Walang umimik kung kaya’t bumigkas ako ulit ng, “Pasuyo naman po ng bayad!” Sa pag-abot ko ng bayad kay Jordan , tila ako’y nakaramdam ng kilabot. Mga galos at kalyo ang bumunyag sa aking mga mata, at bakas sa kanyang mga mata ang pagod sa buong araw na ito. Posible sa buong nagdaan pang taon.

9


Si July, mukhang isang kolehiyalang may daladalang naglalakihang mga bagahe. Naglalaman sila ng mga sari-saring paninda. Baka pangdagdag lamang sa kanyang matrikula. Kita rin sa kanyang mukha ang pagod ngunit mukhang nagpapatuloy pa rin siyang kumakayod nang hindi siya matigil sa kanyang pag-aaral. “Yung sukli daw po sa bente,” mamaos-maos niyang naisigaw. “Ay, pasuyo po,” ang aking sabi habang dahan-dahang kong inabot ang aking kamay. Nag-aalangan man ngunit inabot pa rin nito sa akin ang sukli. Marahil siya ay napaos dahil sa buong araw na panghihikayat sa mga tao para bumili ng kanyang mga paninda. Biglang nakaramdam ng kirot ang aking puso. Sa pagtitig sa kanilang mga mata ay may masasaksihan ka talagang malungkot na kwento. Alam kong hindi rin naging madali sa kanila ang naging epekto ng pandemyang ito. Umaalingasaw ang kawalan nila ng pag-asa.

10


SHORT STORY Sino ba namang hindi? aking naisip. Maging ang tsuper ng jeep ay lubhang apektado. Buong araw ba namang bumabyahepero kakaunti pa rin ang kanyang kinikita. Mukhang bilang lamang talaga sa dalawang kamay ang sumasakay na mga pasahero sa kanyang pasada. Pumarada ang jeep sa tabi nang sinigaw ko, “Para po!” Nang ako ay bababa na, tila nakarinig ako ng tinig mula sa aking likuran. “Salamat,” sabi ng isa sa mga pasahero. Isang salita lamang ngunit napaka-makahulugan nito para sa akin. Sa aking pagharap, bigla na lamang pumatak ang mga luha sa aking mga mata. Bumuhos sa akin ang saya at lungkot, ang pag-asa sa ating mundo ngayon. “Pasensya na po kung nag-aalangan kami kanina,” agad na sinabi ni July . “Saludo po kami sa buwis-buhay na trabaho

11


ninyo,” sambit ni Jordan . Nakatakip man ang bibig, ipinakita ko pa rin ang ningning sa aking mga mata. Mga kumikislap at ngumingiting mata dahil sa sayang bumabalot sa akin. “Kakayanin natin ito! Walang susuko dahil lahat tayo ay magkakasama sa laban! Makakaraos rin tayo,” sabi ko sa kanila. Sa sandaling iyon, nakaramdam ako ng aliwalas sa aming mga isipan. Parang bang nabunutan ng tinik ang mga pusong nahihimlay. Lumitaw pa lalo sa kanilang mga mata ang determinasyon na magpatuloy at lumaban sa buhay. Magkalayo at hindi man magkakilala, iisa lamang ang ating hangad: umaasa tayong bumalik na sa normal ang lahat, nang maging malaya at magkaroon ng panibagong simula. Sa aking tuluyang pagbaba, naghabol ng mensahe ang tsuper ng jeep, “Mabuhay kayong mga nars! Mabuhay ang lahat ng mga frontliners!”

12


Seat of Power By: Circe K. Winchester The art aims for empowerment and awareness: to wake the Filipino people from the long slumber of crisis regarding the true owner of the throne. The rattan symbolizes the seat of power, gold for leadership and the lovely Aeta is all of us. The rightful owner of the gold rattan is the Filipino people.


Malinaw Jericah Orquia

POETRY

Malabo ang face shield na suot mo, Sumakay ka sa jeep, loob ay balot ng plastic, Dumungaw sa bintana, marami ang nabago, Sarado ang paboritong pagbilhan ng pasalubong, Para sa uuwian mong bahay na may aircon. Malabo ang face shield na suot mo, Inabot mo ang bayad, “para!”, spray agad, Bumaba ka na at naramdaman, May bata pa ring kumakalbit sa’yo, Nakatapak, walang mask, gutom... Katotohanang napagiwanan ng “pagbabago”. Malabo ang face shield na suot mo Pero kitang kita mo... Mas mahirap para sa mga mahihirap Ang sitwasyong ito. Malabo ang face shield na suot mo Ngunit, ang malinaw– inaabot ang iyong kamay ng nagpapasaklolo.

14


Hanggang Alaala na Lang Shot By: Pinipilas


Walang nakakasiguro kung kailan magtatapos ang pandemya pero siguradong hindi na mababalik ang lahat ng oras na sinayang lang ng mga pulitiko natin. #OustDuterteNow


POETRY

Ang Talinhaga Sa Katotohanan ng Pandemya Nathalie Rose Bigtas

Ang ulap sa lupa ay iyo ng tinatawid Hindi na batid kung luha ba ay bumagsak sa himpapawid Sa magaslaw na kalsada ika’y maglakad ng tuwid Panghawakan mo ang pag-asang sa dulo ay may mapagpalayang lubid Sa paghingi ng pagsuyo sa hangin, tayo lamang ay sampid Mga kamay ng orasan na kulang sa pagikot ay lagi lang nakamasid Pagsilong sa ulan ay iyo ng ginawa ngunit sa huli ay iniwasan ka pa rin ng kamulatan Sapagkat katotohanan ay iyong nilisan sa pagsunod mo sa agos ng dagat na walang buwan Sa pagiyak mo ng rosas ay nakikisimpatya ako sa iyong kalagayan Mariin mong bilin na hindi dapat ako manahimik sa mga perpektong kamalian

17


Isang umaga, sa ilalim ng mga bituin ako’y iyong pinagmasdan, binulong sa akin na tanging kahapon lang posible ang kinabukasan Sabi mo pa’y ang pagtanaw ko sa hangin ay hindi makahulugan, kung ang aking mukha ay nakaharap lagi sa kawalan Sa mundong matalinhaga, siya’y isa pa ring matalim na hiwaga Liwanag na kanyang pinapasikat ay dala niya sa isang basag na lampara Siya ay walang sawang naghahanap ng lunas sa kapintasan ng mga engkantada Pero bakit sa huli, siya rin ang sumunog sa mga pakpak nila? Literal na literatura ang sagot sa siyensya ng pagmamalasakit sa nagdurusa Ngunit ang tanging tanong ko sa taas ng hagdan ay may nakikinig ba? Halika, samahan mo kong sumayaw sa ibabaw ng mga basag na relo

18


POETRY Ginto man ay nalulusaw din kapag naiinitan ito Sabayan mo ng pagpadyak ng mga paa ang pintig ng aking puso Sapat ba ang pangako niya sa panghabang buhay na paglalaro natin ng tumbang preso? Sagutin mo ito, giliw, at ang ginto ay ihuhulma kong maging kawangis mo Kahit na isa pa ring palaisipan na kung sa mga mata ba na nakapikit, ito ay kikislap para sayo? Ang pagsikat ng mga bituin ay mas maliwanag pa sa sikat ng araw Kung bibigyan mo ‘ko ng kapiraso ng iyong sinag, tayo’y walang tigil na magsasayaw Sa tempo ng tugtugin ng sistema ng timbangan na walang pruweba kung tayo nga ba ay sabay gumalaw At sa paghinga kong nabibilang at sa pag-ngiti mo sa pagtigil ng awiting ninakaw

19


Tama ba ang narinig ko na ang ating kinang ay kanyang tuluyang naagaw? Para saan pa, kung siya na ang sa lahat ng bagay ay sumasapaw Oh, liwanag, may kamalayan ka ba na iyong pinapalalim ang kadiliman? Sana pala ay hindi na lang ako naniwala sa sinungaling na katotohanan Sabihin mo, ikaw ba ang aming pinanggalingan o ang patutunguhan? Sa pagikot ng tatlusok ay laging nasa ilalim ang mga walang kalaban laban Tulungan mo sana ang aking giliw na dagdagan pa ang kanyang mga katanungan At bukas, susubukan kong sagutin ito at ipapadala sa hangin ng karunungan at kamangmangan

20



Take a break Shot by: Marienel Calma

Taken while my cousin Kim was taking a break from working at home. She finds ease through scrolling on social media, looking at memes and tagged posts. Sometimes, she would cook and bring us all together on a table of laughter. While it may assume different forms, this serves as a reminder that we should take our time to take a break in the face of great crises.


Mapanlinlang Shot By: Pinipilas


The system cannot fail if it was built accordingly: to protect the fascist state and preserve the status quo. The pandemic only revealed the truth.


POETRY

The Blind Side

Precious Medina They have been warned about the threat The coming of a great war and dryness

But they chose to light up the cigarette with fire And burned down the city with their evil desire A countless number of souls were harmed An endless fight of territory and possession They had become disarmed Their remains thrown to the grave of rejection A plant living in peace have withered Stoop by a giant monster with no heart The sound of weapons they have heard Grieving the souls for being torn apart We heard thee myriad cries for help A long silent response, we get No one, for the multiple leaders we felt Choosing them is now your biggest regret

25


The gold of treasure were stolen By the greedy powerful thieves Now the fishes swam back into the ocean Slipped down right through our sleeves The questions for justice will remain For no one can answer fairly And seeking for truth will leave you in vain The rightness will now come, but just barely We have opened a new chapter in life Hoping the world shines on its bright side Removing the wounds caused by a knife And setting our worries aside We must fight from drowning We must stand for goodness To cease the evil from controlling And to fight for righteousness

26


POETRY

Recipe for Life Princess Payumo

Twenty-twenty What a tough year Was covered with darkness, indeed But stars shine brighter in the dark. Isolated, productive Just to describe the lockdown life For the people who strive To find the light, any light. Lockdown recipes were introduced: Dalgona coffee, baked sushi and ube pandesal But what I find the most significant is Banana bread—baked or steamed. Brown sugar, melted butter, flour plus Sour cream or yoghurt, Whatever to make it moist and fluffy, But the banana itself is the key.

27


Overripe, soggy, bruised, and brown As inedible and unappetizing as it looks It is without a doubt the best component For a naturally sweet and moist bread. This year has taught us that The most beautiful things, The most important elements of life Come from what we least expected. An overripe banana Is unpleasant to the eyes But what is important is its purpose, Its potential to be the best. More often than not, The ones that are overripe are discarded andthrown Without realizing its vitality and Unraveling its endless possibilities.

28


POETRY For once in our lives, We, too, have neglected and Took advantage of things which We realize now as precious. We were, and probably still, at our worst state Shattered and hopeless, But like an overripe banana, In vulnerability, we find our strength.

29


Your Equal

By: Angela Manaloto Can’t drift off of the public’s piercing gaze. What’s wrong? We’re just your equal anyway.


POETRY

Sipi ng Isang Palabas mcgd

Masarap ang buhay sa palasyo; May haring nakaluklok at tila ba’y nanonood; tangan ang kanyang mga hayop na tinuruan upang sumunod sa kanyang wangis Palakaibigan ang hari; Pinapasok ang mga bisita’t sinabihan ang soberanya na manahimik muna’t magtiwala sa kanya; Lumipas ang mga araw may sanggol na isinilang at lahat ay nakaabang, ito’y mala pistang itinuring

31


at iba’t ibang ingay ang narinig. Umalingasaw ang selebrasyon sa nayon; Pag-indak sa dapithapon kasama ang mga bisitang may tangan pang mga pasalubong Walang humpay ang selebrasyon subalit hindi natuwa ang mga taga nayon ang iba’y nabalisa sa ingay at depresyon. At sumigaw ang hari; Buhusan ng kristal ang tanaw ng silangan at kanluran! Sumunod ang kanyang mga hayop; Pumalakpak ang mga panatiko’t namangha ang mga bisita; Patuloy ang selebrasyon;

32


POETRY Halika’t pumasok pa sa tanghalan Pasayahin natin ang hari, itali mo sila’t bigyan ng pangalan, ilabas ang larawan; pikit-mata mong isabit ang banderitas, walang oras para matakot sundin mo ang kamahalan. Mga bisita’y tuwang tuwa tangan ang pabaon ng kamahalan; tangan ang pabalot mula sa yaman ng nayon Lumipas ang araw at buwan humupa ang ingay mula sa mga halakhak, tumila ang dagundong sa mga sayawan;

33


Sumigaw ang katahimikan at ang hari ay nabingi. Umulan ng mga pailaw; Nag martsa ang mga payaso; At tanaw muli sa hari ang pag hanga, ang kislap ng kanyang mga mata’y walang kasing ganda. Masarap ang buhay sa palasyo, may masokistang nakaluklok at tila ba’y nanonood; tangan ang kanyang mga hayop na tinuruan upang sumunod sa kanyang wangis.

34


Batas By: Pinipilas


Higit na mas kailangan natin mabago ang bulok at baluktot na sistema.



Take a shot Shot by: Marienel Calma

Taken while my cousin Jett and I were having a good shot of brandy after a long tiring week of online classes. Out in the garage with a few chips beside a candlelight, we exchange stories, module-free. This proves that even just at home, we should not forget to celebrate our small victories in the face of great crises.


POETRY

Sixty-Nine mcgd

Tanaw mula sa liwanag ang mga aklas na sakal sa kalabit ng gatilyo, subalit walang imik ang paligid – at ang kadiliman ay nanaig; Ako nga pala si taga-bantay! Taas noong sambit ng poon ang tindig niya’y sa itaas ngunit ang tingin ay sa purgatoryo ng mga hiling na dapat dinggin; Dagsaan ang mga tinig sa lupang ang anino ng pula’t asul ay kadiliman, at ang pag apaw ng dugo ay di hamak na mas malakas pa sa tubig.

39


Hindi ko piniling gahasain, maging pain sa tawag ng laman para sa kanilang pansariling kalayaan; Hindi ko piniling dumanak ang dugo sa estero na parte ng aking pinagmulatan, para sa batong ginamit ko lamang bilang enerhiya’t pag-bigay tulak sa buhay na usad-pagong patungong kinabukasan; Hindi ko piniling lumisan, matanaw ang aking mga naiwanan, dahil lamang sa lecheng sakit na di kayang malunasan; Mahalaga ba tayo sa kung sino man ang may linlang at ang itinakda’y kadiliman sa kamay ng mga mapang-abusong nilalang?

40


POETRY Likha niya’y makapangyarihan ngunit sino nga ba’ng pinagmulan? Sa kanyang imahe ba tayo iginuhit sa ating mga landas o tayo ang may likha ng kanyang samu’t saring imahe upang makapang-lamang? Mga sigaw at tanong ng mga umaasa, hindi sa pag ibig, kundi, sa sinag ng karimlan.

41


Sigla at Diwa By: Pinipilas

Kilala bilang “Three Women Sewing the First Filipino Flag,” ito ay nililok ni Napoleon Abueva. Isa ito sa mga makahulugang sining na matatagpuan sa University of the Philippines - Diliman. Pagpupugay para sa mga kababaihan at sa lahat ng mga may makabayang prinsipyo!



Hinagpis By: Claudine B. Capati

This artwork is inspired by The Scream, a painting of Edward Munch. In this artwork, the artist aims to highlight the social issues that we are currently facing in our society. The more I read about the news in this unprecedented times, the more I realize how our government has yet to fix many problems. The apathy of the government was exposed and we could see their incompetence in serving the nation properly. In the middle we can see a man who represents the Filipinos; it shows their complete distress and agony because of the maltreatment and minimal aid we are receiving from the government. The lack of discipline of Filipinos is not the reason why these are happening but it is from having a government that does not accept constructive criticisms and only sees their ideas as better plans.


Maging Malikhain

Sumulat o gumuhit nang nakaayon sa salitang “SOLUSYON“.




Maging Malikhain

Sumulat o gumuhit nang nakaayon sa salitang “ORAS“.


Maging Malikhain Sumulat o gumuhit nang nakaayon sa salitang “BUHAY“.






Pasasalamat Batid ng The Angelite ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging kasapi sa pagbuo ng lathalain na ito. Ang inyong mga tula, kwento, dibuho, at litrato ay magsisilbing sinag sa dilim ng ating kasalukuyang lipunan, higit kailanman. Lubos naming pinapahalagahan ang nilaan ninyong tapang at tiyaga sa inyong mga likha. Nawa’y patuloy ninyong bigyang ilaw ang hindi pansin na suliranin ng madla. Pagpupugay din para sa lahat ng mga bayaning walang sawang naglilingkod para sa bayan, kahit pa sa kalagitnaan ng mapaminsalang pandemya. Walang katumbas na kahit anuman ang kanilang mga sakripisyo at alay para sa kanila ang lathalain na ito. Mabuhay ang mga health workers! Mabuhay ang mga manggagawang Pilipino! Ating lulutasin ang mga umiiral na suliranin. Sa gitna ng dilim, sama-sama tayong titindig. Sa may Likha ang lahat ng kaluwalhatian.


Lutas II Team A.Y 2020-2021 ERICA CLARE B. GARCIA Project Head

McGIORGE S. DAVID Assistant Project Head

ARTISTS Maria Angela T. Manaloto Winston Adam L. Lejarde Ian Rodney G. Songco Fercy Ehdzon O. Lancion Dian Soliman Yajde Reyes

WRITERS Justin P. Basco Princess Payumo Hannah Rica L. Pineda

PHOTOJOURNALISTS Russel Espinosa Brandon Nicolas



In its 83rd year, The Angelite, the official student publication of Holy Angel University, remains committed in serving the masses in the means of critical and responsible journalism, and purveying the truth. Highlighting sociopolitical unrest, The Angelite’s literary folio Lutas tackles the never-ending adversities of the Filipino people. Lutas II: In the Face of Crises, the second installment of the literary folio, features a collection of artworks, literature, and photographs that creatively depict the already existing plight that has only been worsened by the pandemic.

G/F MAMERTO G. NEPOMUCENO BUILDING, HOLY ANGEL UNIVERSITY, STO.ROSARIO ST, ANGELES CITY HOTLINE:(045)322-6372 888-8691 LOC. 1490 EMAIL: THEANGELITE.HAU@GMAIL.COM

KLENIA ERN B. MENDIOLA EDITOR IN CHIEF • JAY-AR M. TURLA MANAGING EDITOR • JOHN MARCO D. MAGDANGAL ASSOCIATE EDITOR • CATHRIONA JENE D. RAMOSO SENIOR EDITOR • ARLIN G. SALONGA SENIOR LITERARY EDITOR • MARIENEL C. CALMA ARTS EDITOR • JUSTIN P. BASCO HEAD PHOTOJOURNALIST • ERICA CLARE B. GARCIA NEWS EDITOR • FERCY EHDZON O. LANCION EXCHANGE EDITOR • HANNAH RICA L. PINEDA CIRCULATIONS MANAGER • CALVIN KENEDY Q. TUAZON, ANDREA FELLER, PRECIOUS JOY MEDINA, PRINCESS PAYUMO, McGIORGE S. DAVID STAFF WRITERS • BERNARD T. DOMINGO, AMBER DAWN D. DEL ROSARIO, JON AIKEN A. FERNANDEZ, IAN RODNEY G. SONGCO, SHARA P. COMULLO,AYESSA AGUSTIN, HEDY HAZELENE VASQUEZ, MARIA ANGELA T. MANALOTO, WINSTON ADAM L. LEJARDE, YAJDE REYES, DIAN SOLIMAN GRAPHICS ARTISTS • KAREN C. SALUNGA, ALESSANDRA D. VALENCIA, RUSSEL ESPINOSA, BRANDON NICOLAS PHOTOJOURNALISTS • CARL JAY A. CUNANAN EDITORIAL CARTOONIST • GLENN CARLOS B. DANTING CONTRIBUTOR


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.