The Chronicler Vol. 23 No. 2 September-October 2015

Page 1

The

TO BE FREE AND TO SET FREE

CHRONICLER

The Official Student Publication of the Polytechnic University of the Philippines-Taguig Branch

Established 1992

PAGLALAKBAY SA MADILIM NA LANDAS Aniya, tayo ay nasa tuwid na daan. Ngunit, may ilaw ba sa tuwid na daan? on page 8

Volume 23 No. 2 | September to October 2015 BSIT, BSEDE hurdle pilot accreditation page 2

PUP-Taguig, humataw sa System-wide Academic Contests page 3

I Solemnly Swear

Paniningil sa Kadiliman pages 4

page 5

PUPTips: Anong pwedeng gawin kung walang internet connection? page 7


NEWS

2

The CHRONICLER

‘Candidate’ status gained

BSIT, BSEDE PROGRAMS HURDLE PILOT ACCREDITATION Kent Garcia

BACHELOR OF SCIENCE in Information Technology (BSIT) and Bachelor of Secondary Education major in English (BSEDE) successfully underwent the Preliminary Survey Visit for Level I accreditation held last October 27-28. Both programs gained ‘Candidate’ status for Level I accreditation, applicable for six months. Out of a maximum final rating of 5, the BSIT program got a final rating of 4.76, while BSEDE got a final rating of 4.31. With that results, the branch was able to be the first among PUP branches and campuses to be able to achieve a nearer goal towards Level I, ever since accreditation of programs were opened to all PUP units outside the Sta. Mesa (Main) Campus. Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities in the Philippines (AACUP) accreditors are composed of Prof. Yolanda C. Roberto of Bulacan State University and Prof. Gladie Natherine G. Cabanizas of Tarlac State University led the process, which concentrated primarily on inspection of documents prepared

ABOUT THE COVER

by the branch administration. Every program was assessed in its ten areas, namely: Vision, Mission, Goals and Objectives; Faculty; Curriculum and Instruction; Support to Students; Research; Extension and Community Involvement; Library; Physical Plant & Facilities; Laboratories; and Administration, according to the AACCUP survey instrument. PUP System President Dr. Emmanuel de Guzman and Vice President for Branches and Campuses Dr. Joseph Mercado graced the opening ceremony of the visit at the first day. Afterwards, the accreditors went on to the branch’s Accreditation Center at Room 307 to start the process. Results and recommendations were announced by the accreditors at the exit conference. Despite the lack of good facilities, the area of Laboratories and Physical Plant and Facilities garnered the highest rating among the areas accredited, while Community and Extension Services was pointed out as the area that needs improvement.

Dr. Gomez, itinalagang bagong VPAA Kent Garcia

PINAGALANAN ni PUP President Emanuel de Guzman si Dr. Milagrina Gomez bilang bagong Vice President for Academic Affairs (VPAA). Sa bisa ng Special Order No. 2290 na inilabas noong Setyembre 19, pinalitan ni Dr. Gomez sa posisyon si Dr. Samuel Salvador na nagretiro na sa serbisyo matapos hawakan ang naturang posisyon sa loob ng 22 na taon. Pormal siyang umupo

Graphic design by: Lanz Chrsitian Buyao Page layout by: Roselle Geronimo

Branch Director Asst. Prof. Sharon Joy F. Pelayo was satisfied with the results of the visit, saying that it was “very good”. She also states that the positive results were a product of the long and tedious preparation that the programs and branches undertook, which included two mock accreditations done by the University’s Quality Assurance Center which dates back to the past academic year. “I thought we just had a little bit of everything [mentioned in the requirements]”, Director Pelayo added. Regarding future plans about accreditation, Director Pelayo says that other programs such as Accountancy, Business Administration, and Mechanical Engineering, will be planned to undergo the preliminary survey visit, if the needs of each department such as more number of faculty and facilities, should be provided. For the BSIT and BSEDE programs, the branch administration will prepare for the next visit in six months’ time.

noong Setyembre 22. Si. Dr. Gomez ay naging dekana ng College of Education (CoEd) sa PUP Manila sa loob ng tatlong taon bago naitalaga sa pwesto Siya ay nagtapos ng Bachelor of Science in Business Education at Master in Business Education sa Philippine College of Commerce (PCC), ngayo’y PUP, at isang faculty member ng Pamantasan mula pa noong 1976.

September-October 2015

ECE students garner places in two competitions Algwen Sahijuan

Showing excellence in their field, students from the Bachelor of Science in Electronics Engineering (BSEE) Department bagged home awards from two competitions. Jurben Arines, Mark dela Cruz, Marlon Moscare, Renner Brian Bernabe, Gerald Garcia and Romel Ramos (all BSEE V-1 students), were able to finish third place in the 2015 IECEP (Institute of Electronics and Communications Engineers of the Philippines)– Manila Student Chapter Quizbowl held last September 23 at the Lyceum of the Philippines University.

According to Garcia, he never expected their team to come this far, as the other competitors had longer preparations for the aid competition. On the other hand, fourth year students John Dominic Abat, Luigi Sanchez, Christopher Ygot, Christelle Kaye Bisnar and Dan Anthony Cervas seized the second place in the Revolutionary Robotics Contest of the 2015 Synergy: Electrical and Electronics Engineering Summit last November 11 at the University of the Philippines. (with reports from Kent Garcia)

CALL HIM NERI. Bayan Muna Rep. Neri Colmenares filed his Certificate of Candidacy as Senator for 2016 National Elections at Commission on Elections in Manila last October 12. He promised to be the People’s Fighter in the Senate. | Manila Bulletin

Neri Colmenares files Certificate of Candidacy Kristine Louise Omiz

THE FIGHT FOR THE FILIPINO continues as Bayan Muna Representative Neri Colmenares filed his Certificate of Candidacy for Senator last October 12, Monday at the Commission on Elections (COMELEC) office in Intramuros, Manila. Colmenares aims to continue to fight for what he has started in Congress and was tagged as “Fighter ng Bayan sa Senado”. Supporters including former Bayan Muna Representatives Teddy Casiño and Satur Ocampo, actress Angel Locsin, and atress-activist Mae Paner also known as Juana Change accompanied Colmenares in the march from National Press Club to COMELEC Office. His platforms include the fight for salary and SSS pension increase as well as to lower water and electricity prices. He promised to propose

/puptchronicler

an independent foreign policy claiming the sovereignty of the country against United States and China. “Tatakbo ako sa pagka-senador para ipagpatuloy ang laban para itaas ang presyo ng sweldo. Tatakbo po ako sa pagkasenador para pababain ang singil sa kuryente at tubig. Tatakbo po ako sa pagka-senador para ang serbisyo publiko ay palawakin at palakasin at hindi gawing negosyo,” Colmenares said during the press conference at COMELEC. Colmenares, as a threeterm Bayan Muna Representative, has made contributions serving the Filipino people. He rallied against MERALCO power hike and pushed for the refund of overpriced power rates and criticized the privatization of MRT and LRT, are some of his actions as a “Fighter ng Bayan”.

@ChroniclerPUPT


NEWS

3

The CHRONICLER

September-October 2015

Mga propesor, PUP-Taguig, humataw sa System-wide Ayon sa COA Report, binigyang pugay Academic Contests Malaking porsiyento ng pondo Kent Garcia ng mga PUPTians IPINAKITA ng mga estudyante ng

long pwesto sa Basic IT Quiz Bee

PUP-Taguig ang kanilang angking

sina Paolo Chico (BSIT 1-1), Ra-

kahusayan sa larangan ng akademya

phael Anoñuevo (BSIT 1-1), at

sa ginanap na 2015 System-wide

Ara Emmanuelle Almirañez (BSIT

Academic Contests na ginanap sa

1-1).

PUP-Manila nitong Setyembre.

ng PUP-T galing sa mga nanalong

Nanalo ang PUP-T sa tat-

Kinuha ang mga kalahok

long patimpalak sa kompetisyon.

koponan sa Academic Competitions

Pinakain ng alikabok ng

noong nagdaang Quest for the

Basic Statistics Team na kinabib-

Best (Q4B) 2015, at mga special

ilangan ni Ralph Kenneth Orda

screening na ginawa ng mga propesor

(BSEE 1-1), Jonnie May Ignalagin

sa pangunguna ni Head of Academic

(BSA 1-1), at Ma. Reinalyn Isidro

Programs Prof. Laurence Usona.

(BSA 1-1) ang iba nitong mga na-

kalaban matapos humarurot tungo

demic Contests ay isinasagawa at

sa first place sa Basic Statistics

kasama sa mga tampok sa taunang

Quiz Bee.

Founding Anniversary ng Paman-

tasan.

Nakuha naman ni Harvey

Ang System-wide Aca-

Dave Abello (BSECE 4-1) ang

second place sa Kompetisyon sa

College of Social Sciences and

Dagliang Talumpati.

Development (CSSD) ang overall

title.

Tumapos naman sa ikat-

Ngayong taon, iniuwi ng

SMILES AND CONFETTIS. Professors put their smiling faces as students suprised them with confettis and tokens to appreciate ther love of teaching during World Teacher’s Day celebration at Buildig A quadrangle. | Rykkashayne Asumbra

ng unibersidad, nananatiling nakatago sa bangko Kent Garcia

NATUKLASAN na mahigit sa 293-milyong pisong pondo ng PUP ang matagal nang nakatago sa iba’t ibang bank accounts, ayon sa inilabas na taunang Audit Report ng unibersidad na galing sa Commission on Audit (COA) noong Setyembre 18. Nalaman din na ang pondong itinago sa bangko, na galing sa tuition fee na ibinabayad ng mga estudyante, ay itinatago lamang sa iba’t ibang account ng mga matataas na opisyal ng PUP, na tumatagal mula labing-isang buwan hanggang limang taon, na kontra sa layunin ng Higher Education Modernization Act of 1997 (Republic Act 8292). Ayon sa audit team na sumuri sa mga pondo ng unibersidad, imbes na gamitin ang napakalaking halagang ito sa pagsasaayos ng mga pasilidad, ay ginagamit ito sa mga pamumuhunan na makapagbibigay ng malaking kita, gaya ng income-generating projects (IGP). Dagdag pa nila, nangolekta ang unibersidad ng mga other school fees (OSFs) tulad ng cultural fee, sports development fee, laboratory fee, registration fee, library fee, medical and dental fee, at information technology development fee, ngunit hindi naman napupunta sa mga proyektong

dapat pondohan nito. Para sa taong 2014, mula sa 38.304-milyong piso na naaprubahang badyet na galing sa mga dagdag-bayarin na ito, nasa 17 porsiyento lang o 6.542-milyong piso lang ang nagastos ng administrasyon ng unibersidad. Ang mabagal na paggastos para sa mga proyekto ang isa sa mga napuna ng audit team. Inirerekomenda ng audit report na dapat ay pabilisin ng unibersidad ang pag-proseso nito sa mga proyekto at paggastos ng mga pondo nito. “Otherwise consider discontinuing collection of fiduciary fees to ease the financial burden of the students”, ayon sa report, na nagsasabing hindi na dapat singilin ang mga estudyante ng mga OSF kung hindi naman ito magagamit. Ayon sa mga progresibong grupo ng mga mag-aaral tulad ng Anakbayan at Sandigan ng mga Mag-aaral para sa Sambayanan (SAMASA) ang pagtatago ng pondo na lingid sa kaalaman ng mga Iskolar ng Bayan ay isang manipestasyon ng korapsyon ng administrasyon ng PUP. Dahil dito, mas pina-iigting ang kampanya para ibasura ang paniningil ng OSF at ibalik sa mga mag-aaral ang Php 3,646 na nakolekta mula sa kanila.

Maricel Molo

SINORPRESA ng mga PUPTian ang kani-kanilang mga propesor sa isang pagtatanghal na naganap noong ika-5 ng Oktubre sa pagdiriwang ng World Teacher’s Day ng Pamantasan. Hinandugan ng isang flash mob ang mga propesor habang may pasabog na confetti at rosas mula sa kani-kanilang mga estudyanteng dumalo sa programang ito. Ang programa’y pinasinayaan ng Mentor’s Society at DOMT 3-1. Pagkatapos ng programa’y nagkaroon naman ng isang salu-salo sa Teacher’s Lounge. ****** Binigyang-pugay ng Pamantasan ang ilang propesor na patuloy na nagsisilbi sa loob ng 20 at 15 taon. Para sa mga naglilingkod ng 20 taon, ito’y sina: -Prop. Cecilia Almirañez ; -Prop. Almir Almirañez; -Direktor ng Office of Student Affairs at Prop. Bernadette Canlas; at - Prop. Gina Dela Cruz Para sa mga naglilingkod ng 15 taon, ito’y sina: - Prop. Benedito Tabaquero; at -Prop. Edgard Vicente.

Dagat-dagatang baha kuha ni Rykkashayne Asumbra

SIPAHAY

Pagsipat sa pangaraw-araw na buhay ni Juan

SUBSCRIBE

TO

THE CHRONICLER

ON

ISSUU

AND YOU WILL NEVER MISS A BEAT

issuu.com/thechronicler


FEATURES

4

The CHRONICLER

September-October 2015

Traydor. Ibinenta ang Pilipinas sa halagang $20M sa mga kano. Isang katipunero na nag-utos sa pagpaslang kay Andres Bonifacio. Kung akala n’yo na si Marcos lang ang naging diktador na pangulo, pwes nagkakamali kayo! Dahil si Aguialdo ang inakaunang diktador na Pangulo ng Pilipinas. Ang ama ng wikang Pilipino naunti-unti nang pinapatay ngayon sa anyo ng CHEd Memo #20 s. 2013. Unang pangulo sa ilalim ng pambansang eleksyon. Naging pangulo siya matapos maisabatas ng Tydings McDuffie Independence Bill na maggagawad kuno ng kalayaan sa Pilipinas pagkatapos ng sampung taong pananakop ng imperyalismong US (pero naging malaya ba?) Galit sa US sa pagkupkop sa bansa ngunit tinangkilik ang pagkupkop ng Hapon. Naging Pangulo siya ng gobyerno ng Pilipinas sa ilalim ng kontrol ng Hapon. Ipinangakong giginhawa ang buhay ng mga Pilipino ngunit mas naging malala ang sitwasyon. Nagkaroon ng shortage ng bigas at binawasan ang rasyon nito... ngunit ‘di kasama ang mga nasa Malakanyang. Kasama si Osmena ni McArthur sa Leyte Landing noong 1945. Sabi niya, papalayain na tayo ng mga Amerikano. ‘Di lang niya alam, halos buong Pilipinas ay malaya na sa kaaway dahil sa mga Huk. Siya ay isang protege ng bansang Amerika na hinubog upang ipagpatuloy ang mga maka-Amerikang proyekto ng Komonwelt. Sa kanyang termino naging katuparan ang Batas Tydings-McDuffie. Naging malaya na raw ang Pilipinas sa kamay ng Estados Unidos. Ang katotohanan, binaba lang nila ang watawat nila. Hawak pa rin tayo ni Uncle Sam. Sa depensa patuloy ang base militar sa bansa (99years), sa ekonomiya, gora lang ang mga negosyong 100% hawak ng mga Amerikano.. Walang nagbago. Pormal na sinuspindi ang writ of habeas corpus. Naging mapang-abuso ang militar dahil dito. Naubos din ang reserbang dolyar ng Pilipinas pagkatapos ng gyera. Ito ang dahilan para lagdaan niya ang pagpasok ng mga Amerikanong namumuhunan imbes palakasin pa ang lokal na industriya. Tinanggal ang pagkatali ng piso sa dolyar. Ngunit wala itong naging epekto dahil ang ating ekonomiya ay labis na nakasandal sa monopolyo ng Estados Unidos (sa kanyang termino pinalawig ang monolisasyon na mas nagpahirap sa mga lokal ng industriya at manggagawa).

Pagkaupong-pgkaupo niya, binigyang laya niya na ipalit ang Piso sa Dolyar gaano man kalakit ang pagpapalit. Naging daan ito upang madaling maalis ng mga kapitalista ang tubo nila sa bansa upang walang maging habol ang pangkaraniwang Pilipino. Naging 2 Piso kada Dolyar sa noo’y 3.50 Piso dahil sa pagtaas ng presyo ng bilihin sa Pilipinas. Nagkaroon ng “Open Door Policy” na mas lumamon pa sa mga Pilipinong mangangalakal dahil sa pagpasok ng US at Hapon. Ibinaba ang Martial Law (1972). Naging dahilan ito ng mistulang killing spree sa lahat ng kanyang kritiko. Sa kanyang ideyang maging mapayapa ang bansa ‘sa ilalim ng bagong lipunan,’ walang pinagbago ang kinahinatnan ng buhay ng karaniwang Pilipino. Tutal, mas naging masalimuit pa dahil rin sa kawalan ng transparency sa kaniyang panunungkulan. Nahalal dahil sa pagkamatay ng kanyang asawa sa ilalim ng panunungkulan ni F. Marcos. “Ina ng Demokrasya” ngunit sa panahon niya nangyari ang Mendiola Massacre na kumitil sa ilang magsasakang nagpoprotesta malapit sa Malakanyang. Ayon kay Sen. Joker Arroyo, umalis siya bilang kainyang Executive Secretary dahil walang nagbago sa kanyang termino. Ang pasimuno ng “Philippines 2000”, isang grandyosong programa para gawin di umanong isang bagong industriyalisadong bayan ang Pilipinas sa pagtatapos ng siglo. Katulad ng mga naunang pangulo, iniasa ni FVR sa dayuhang pamumuhunan at ibayong pangungutang ang pag-ahon ng Pilipinas sa napakatiding krisis sa ekonomya. “Erap para sa Mahirap”. Ngunit kabaligtaran ito nang siya ay na-impeach sa isyu ng kurapsyon ($78 million to $80 million ayon sa 2004 Global Transparency Report). Binigyan daan muli ang pagpasok ng militar ng Amerika dahil sa pagratipika ng Visiting Forces Agreement. Tulad ni Cory, iniluklok ng pag-aalsa ng mamamayan ang rehimeng Macapagal-Arroyo. Pinag-ibayo n’ya ang medium term Philippine development plan (MTPDP) 2001-2004 na sa esensya ay pagpapahigpit sa tali ng liberalisasyon, deregulasyon, at pribatisasyon sa ekonomya ng Pilipinas.

Arroyo Siya ang pumalit nang namayapa si Pang. Magsaysay habang nasa opisina noonh 1957 at nanalo naman noong susunod na taon bilang pangulo. Naging tatak sa kanya ang “Filipino First Policy” na layong unahin ang lokal na mangangalakal. Sa kasawiangpalad, hindi ito naramdaman ng mga pangkaraniwang Pilipino.

Sa kanyang “Daang Matuwid,” lalong hindi naramdaman ng karaniwang Pilipino ang payaman ng GDP ng bansa. Habang yumaman lalo ang mayayaman, ang mahihirap naman ay kakarampot lang ang sahod. Naging mas malala din ang isyu ng edukasyon dahil sa taun-taong pagtaas ng matrikula ng mga erstudyante.

‘I SOLEMNLY SWEAR’

noy

Noy

panulat ni: Franchesca Mozo; dibhuo ni Lanz Buyao

Nangako, napako: ang kasaysayan ng pagkabigo ng mga pangulo sa pagsulong ng maka-Pilipinong layunin.


VIEWS

5

The CHRONICLER

September-October 2015

EDITORIAL PANININGIL SA KADILIMAN

SA ATING DEMOKRASYA, TILA BA’Y ISANG KONSEPTO NA KINALIMUTAN ANG ISA SA MGA PINAKAMAHALAGANG ASPEKTO NITO. Ngayong Oktubre 25, dumating sa Maynila ang daan-daang katutubong Lumad mula pa sa Mindanao. Sa kanilang pagdako tungo sa lungsod na tarangkahan ng kapangyarihan ay nais nilang imulat at ipaalam sa publiko ang impyernong kanilang dinaranas sa kanila mismong lupang tinubuan. Ang mga Lumad na binubuo ng mga etnikong grupo mula sa Mindanao, ay biktima ng matinding karahasan at represyon dulot ng militarisasyon. Ang marahas na hakbang ay naglalayong paalisin ang mga Lumad mula sa kanilang mga ancestral domain o lupang minana nila mula pa sa mga ninuno nila at ilako ang mga naglalakihang dayuhang mamumuhunan at kumpanya sa pagmimina upang magkamal ng malaking tubo. Para mapaalis ang mga Lumad, naglunsad ang mga militar ng sistematikong iskema ng represyon na tuwirang lumabag sa karapatang pantao. Karamihan sa mga walang kamalay- malay na mga Lumad ay inaakusahang miyembro ng New People’s Army (NPA) upang mabigyang-katwiran na magawan nila ito ng mga kaso, arestuhin, at maaari pang patayin.Gumawa din sila ng mga paramilitary groups na kinabibilangan din ng mga katutubo upang maging kasama nila sa paghahasik ng lagim sa lugar. Kinukumpiska rin ang kanilang mga kagamitan at pag-aari, habang ang mga alternative learning centers o eskwelahan na itinayo para sa mga Lumad ay ipinasara, habang ang mga guro sa mga eskwelahang ito ay binantaan at pinaalis. Sa isang iglap, ang lupang sinilangan ng mga katutubo ay naging kampuhan ng militar. Mas lumala pa ang represyon laban sa mga Lumad noong Setyembre nang itali, gilitan ng leeg, at patayin ng mga elemento ng pinagsamang puwersa militar at paramilitar ang mga lider-katutubo tulad ni Emerito Samarca, executive director ng Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development. Kabilang din sa mga ibang lider na pinaslang ay sina Dionel Campos at Datu Bello Sinzo, mga tagapagtaguyod ng karapatan ng mga Lumad Sila naman ay tinadtad ng bala sa harap pa mismo ng kanilang mga kasama sa pamayanan. Dala ang mga karanasan ng pagpaparusa tulad ng mga nabanggit, sila ay dumating dito upang ipahayag ang hangaring ipakita sa pamahalaan na sila’y handang magsakripisyo alang-alang sa kanilang mga karapatang pinagkait. Ang kaso ng mga Lumad ay panibagong kabanata na dumagdag sa napakahaba nang nobela ng paglabag sa karapatang pantao sa ating bansa. Isang malaking kabalintunaan na sa isang demokratikong sistema ay binabalewala ang mga kasong tulad nito, na sumasaklaw sa mismong teorya ng demokrasya na dapat ay rumerespeto sa karapatan ng bawat Pilipino. Ipinapakita rin nito ang patuloy na paggamit ng estado ng represyon para tutulan ang pag-usbong ng mamamayang tumututol sa pagsisilbi ng mga nasa itaas sa mga imperyalista, burgesya kumprador, at panginoong maylupa. Imbes na linangin ng mga Lumad ang sarili nilang lupain para sa kanilang kapakinabagan, mas pinili ng gobyerno natin, na patuloy na nagpapakatuta sa mga dayuhang imperyalista at kumpanya, na ihandog ito sa kanila na para bang isang “bargain sale” sa mall ang nagaganap. Ang sitwasyong ito ang nagpapaliwanag ng patuloy at lumalalang kabulukan ng ating sistema at lipunang ginagalawan sa kasalukuyan. Tuluyan nang lumihis sa landas (CONT ON P.6.. Paninigil) ERRATA

-AECES is the abbreviation of Association of Electronics Engineering Students on a news article in p.4. Association of Electronics Communications Engineering is its former name. If you have seen some errors in this issue, message our editorial board thru: thechronicler.publication@gmail.com

STOP SHOOTING! Regine Benavidez

REFLECTOR’S PLUME

BACK TO THE PRESENT Elaiza Marie Eusebio

THE DAY COMES FOR MARTY MCFLY’S VISIT ON OCTOBER 21, BUT AS WE ALREADY KNOW, HE NEVER CAME. In 1989, the year that “Back to the Future 2” was broadcast, they must’ve expected so much in year 2015. Or considerably hoping something they predicted would’ve come true. But it didn’t. This, however, made me realize that expectations are quite a waste. Expectation or predictions of what will happen to the future is a nuisance of being naïve of what is surrounded around us. We, as people, have such innocence in what we call reality. Even though, I, myself is quite a dreamer. We hope. We predict. And we expect. And we fail to notice the big picture of it all. We choose. We choose what will happen in our future. Not make imaginative space cars and hover jets. We start

We, as people, have such innocence in what we call reality. the act of what we want to happen. Not expect. The future is places I haven’t quite imagine me, because I stop believing in predictions. Zodiac signs, Chinese superstitions and random quizzes on social media that define what you call your “future.” We rely on what other believes what we will be. But do people from different places know you better than yourself? Since the day when all I believed and things I had no clue about came into light, I started to see the world as whole different planet. It is as if my 17 year old

mind suddenly matured and I see whole new reality that has always been there for a long time. I came to believe that not everything is based on what we believe since we were seven. That’s not everything is so neat and simple. And we are not all good people. It’s hard to see a future if there isn’t a clear present. Believing in superstitions and wild predictions is just an excuse to not see the reality that we are all scared of. A reality we are all afraid to face and a reality that we wish didn’t exist. But believing is taking one step closer to the future. And a step closer to the future is step closer to a new better world-- a world where we stop believing in predictions and just act on the present. And a present which I see is getting clearer in my sight and others. Are we all ready to be ‘Back in the Present?’

EDITORIAL BOARD: KENT GARCIA, acting Editor-in-Chief | BLANCES

The

to be free and to set free

CHRONICLER

The Official Student Publication of the PUP-Taguig Established 1992

SANCHEZ, Managing Editor | MARICEL MOLO, Assistant Managing Editor | DANNETTE GRACE EJERTIMA, Board Secretary

SECTION EDITORS: KRISTIN LOUISE OMIZ, News Editor | John David

Laureta, acting Literary Editor | ELLA VALDEHUEZA, Opinion Editor | ROSELLE GERONIMO, Creatives Editor

WRITERS: SENIOR: Jullia Nicole Herrera, Neil Daryl Sulit, Shela Mae Montinola | JUNIOR: Michelle Angelika Mendoza, Elaiza Marie Eusebio Franchesca Nicole Mozo, Melody Condeza, Janmel Po, Danielle Angela Inobio, Noah Giray, Mary Madel Colango, Lovely Anne Solano, Algwen Sahijuan, Diana Jarogon ARTISTS: SENIOR: Andrew Velarde | JUNIOR: Lanz Christian Buyao, Regine Benavidez, Allely Salamanca, Luisa Sullivan, Rykkashayne Asumbra, Phoebe Grace Gran, Angelica Cainag, Jonalyn Garcia CONTRIBUTOR: Jeffern Dave Ando

TECHINAL ADVISER: PROF. JONATHAN MARQUEZ OFFICE: Ground Floor, Building A, Polytechnic University of the Philippines - Taguig Branch, Gen. Santos Avenue, Lower Bicutan, Taguig City

MEMBER: College Editors Guild of the Philippines, Alyansa ng mga Kabataang Mamahayag-PUP


NEWS

6

The CHRONICLER

September-October 2015

‘STOP KILLING US!’

Lumads blame paramilitary, AFP on recent attacks The CHRONICLER news section

AT LEAST 700 LUMADS or indigenuous people from Mindanao will bring their protest from the southern island to the Capital for peace and food in their lands. Dubbed as Manilakbayan, lumads with other ‘lakbayanis’ from the surrounding provinces in Luzon will walk to echo their stand against militarization in their lands, protection of their environment and corruption. For peace and security Kerlan Fanagel, a lumad leader, astonished by the government’s actions in their ancestral lands. Fanagel asked the government on bullying them with their weapons and accuse those who are staunch critic of ‘environmentalist plunderers’ as agents of the Communist rebels. “We have no weapons, we are civilian organization defending our environment, land, communities and life. Why should they attack us?” Fanagel said posted in bulatlat.com, an alternative news portal. One of recent attacks were the death of ALCADEV school director Emerito Samarca and indigenous leaders Dionel Campos and Bello Sinzo from the hands of paramilitary group last September 1. According to the investtigation of Panalipdan, a Mindanao-based human rights group, the

three were killed because they are accused as Communist agents. Katribu Kalipunan ng mga Katutubong Mamamayan (Katribu) noted other 71 people, 57 are lumads, killed due to false accusations. Also, some 400,000 lumads were internally displaced due to intensive military operations in the area. These, according to Katribu, human rights advocates and Farangel, are because of PNoy’s Oplan Bayanihan. Oplan Bayanihan is a military operation to so-call eradicate ‘Commnunist infestation’ in areas strongly held by the rebels. Most of them in Mindanao. However, for Farangel and other lumads, Oplan Bayanihan is just a farce to continue plundering some 500,000 hectares of land that are used for mineral extractions, mostly in Ancestral Domain. Farangel pleads the governmen that instead of military operations, Malacanang should go back to negatiation table in order to stop brutality and false accusations of their brothers. It is the second time that the Lumads together with human rights advocates and militant groups formed Manilakbayan. The first time was 2012. However, for the Manilakbayanis, they will continue the call until justice for their fellow Lumads is be given.

PUPTAAI unveils new officers, logo Dannette Grace Ejertima

PUPT ALUMNI ASSOCIATION (PUPTAAI) once again convened to mark new set of officers last September 6 at PUPT Gymnasium. Fifteen names were introduced as new set of officers that will hold their position for two years or 2015-2017. Officers-elect include former CSC Pres. Neil Ambrosio,PUPT Librarian Charolyn de Luna, Professor Felix Uy, and former Mentors Society Pres. Harold Taguba. The officers-elect will convene to formalize the set of officers. They will vote between themselves to occupy the seat of

president, vice president-internal and external, secretary, treasurer, auditor, and public relations officer. PUPTAAI also released the winner of their logo-making contest. According to a post in their social media page in Facebook, Mr. Mark Kevin Alampay won a PhP 5,000 cash and a certificate. Alampay is an alumnus of BS Entreprenuerial Management, Batch 2011. The winning logo will be the official logo of the association.

ONE MORE YEAR. PASOA President Ellen Ormita and PASOA VP for External Affairs Raymond Clarin signed a renewal contract with Rotaract Club-South Signal Chapter. | Ellen Ormita

PASOA ties up with Rotary Club South Signal

No Barriers by Lanz Buyao

Diana Jarogon

A CAMPUS’ ORGANIZATION for office administration students entered another year as it renewed their contract with a world-renowned in service, Rotaract Club, last October 4. Philippine Association of Students in Office Administration (PASOA)-PUP Taguig along with the different organizations of different universities such as University of Makati (UMak) and Asia Pacific College (APC), a year worth of contract with Rotaract South Signal Chapter, represented by President Richie Alpio, held at Makati Rotary Club Foundation. “Yung event na iyon ay para sa pagrerenew ng PASOA ng kanilang contract sa Rotaract o

Rotary Club,” PASOA President Ellen Jane Ormita said in an interview with The Chronicler. She also added that after the renewal of contracts, PASOA and Rotaract South Signal Ville will be involved in activities which includes team building, outreach programs, feeding programs, amongst others. Rotary Club or Rotaract is a service, leadership and community service organization for young men and women between the ages of 18-30. Rotaract focuses on the development of young adults as leaders in their communities and workplaces and PASOA yearly renews its contract with Rotaract

(CONT FROM P.5.. Paninigil) ng demokrasya ang pamahalaan na wala nang nagawang maigi kundi parusahan ang mahahalagang sektor sa lipunan sa pamamagitan ng

ang hinihingi, dahas at bala ang sa kanila’y sinusukli. Bilang mga estudyante at bahagi ng intelekwal na populasyon ng bansa natin na nakakaintindi ng tunay na sitwasyon sa ilalim ng bulok na sistema, patuloy ang pagtawag sa atin ng masa at ni Inang Bayan upang tugunan at tapusin na ang matagal at malawak nang pang-aapi sa atin ng mga nasa itaas. Dumating na ang pagkakataong itatag natin ang isang matatag na pambansang demokrasya na siguradong itataguyod ang interes ng mamamayan, isusulong

pagsampal ng mga hindi makamasa at hindi makamamayang polisiya. Ipinagkakait ng maliit na porsyento ng naghaharing uri ang kayamanang nararapat sa nakararami, at sa bawat kumpas ng namumuno, ay handa nitong supilin ang mga mamamayang humihingi ng kahit mumo man lang. Sa bawat pagkakataong lupa at karapatan

KROMIKS

Mga komiks na may pinahuhugutan

ang tunay na repormang agraryo at pambansang industriyalisasyon, at hindi na isusuko ang ating mga kayamanan at karapatan sa mga dayuhan. Wala nang mas nararapat na panahon upang tumindig at lumaban sa kanila kundi ngayon. Sa sama-sama nating pakikibaka, ay libo-libong kandila ang ititirik upang singilin sa pasistang rehimen ang idinulot nilang kadiliman. Sa sama-sama nating pagkilos ay makakamit natin ang matamis na tagumpay.


COMMUNITY AND CULTURE

PUPTips:

U SPEAK!

Ano ang pwedeng gawin kung walang internet connection?

mula sa mga panayam ni Maricel Molo

Ano sa tingin mo ang hindi pwedeng nakawin sa’yo bilang isang kabataan?

written by: Jullia Nicole Herrera

1 Tumulong ka sa mga ga-

waing-bahay. ‘Di lang ikaw ang nagdarasal para mapansin ka. Nagdarasal na rin ang mga gawain-bahay para mapansin mo sila. Magwalis ng kwarto mo (para sa susunod na selfie, ‘di mo itutulak gamit mo para malinis kuno) o ‘di kaya maglaba.

“Freedom, because that's the only thing why we can give and share our thoughts and ideas which play a vital role and has a big impact in our society. Ang mga kabataan ngayon, nànanakawan na ng karapatan, ‘wag na sanang pati kalayaan ay nakawin pa.” Mary Bautista BSE-E 4-1 “Ang kabataan ko. Hindi lang isang pribilehiyo ang [maging isang] kabataan. Ito ay isang karapatan. Kawawa mga kabataan ngayon.” Ellaine Sante BSAM 4-1

Calendar of Events for 2nd Semester NOVEMBER 3 Second Semester Classes Start 30 Bonifacio Day DECEMBER 22-Jan 3 Christmas Vacation JANUARY 2016 4 Classes resume MARCH 14-19 Final Examinations for Graduating and Non-Graduating Students 21 Second Semester Ends University calendar is available online at www.pup.edu.ph Dates of events are subject to change.

REPLAY To celebrate The CHRONICLER’s 23 years of committed journalism, let’s look back to some qoutable qoutes from our feature articles in the past.

7

The CHRONICLER

September-October 2015

2 May isang lugar na nakikita

Almost every schools have confession page in social media. Mostly are famous, while others struggle to survive. In our campus, there was once PUPT Secret files that became the online “freedom wall” of PUPTians. However, these confession pages sometimes become a way for heated environment, sometimes center of controversy. In the case of the campus’ confession page, it was shut down in 2014. Social media sites such as Facebook and Twitter said that the content of any sites/pages are the responsibility of the site managers. However, one can still ‘report abuse’ before these social media hubs make a move.

BARED SOULS

written by: Jeffern Dave Ando

>

image from salon.com

“Man is not what he thinks he is, he is what he hides.”

Reading -André Malraux confession stories often times make you less entertained and more stressed. Stress, according to psychologists may trigger high blood pressure or heart-related diseases. It can also make you uneasy of yourself as some may have similar stories like the one you are experiencing, and, when comments bashed the story, you may feel depress and stressed. We have been warned that though confessions are good as to make aware that we are humans; vulnerable to feelings. Confessing is still better done face to face; between the involved people.

Dumako ang mga paa sa kinatataguan ng lapis at papel. Tumambad ang malaking bulto ng katawan at ang mukhang natatabingan ng bonnet. Inilabas ang dragong nagbubuga ng punla. Nanlilisik ang mga mata. Nagbabanta. -- Andrew Velarde, Rurok, Vol. 22 No. 2 Nov. 2014-Mar 2015

mo lang kung walang internet connection: ang nature. Ito ‘yang lugar na may puno at maraming hayop. Mas maganda ang connection dito. Walang rant ng mga friends. Magkakaroon ka pa ng peace of mind. ;-) 3 Speaking of pagdarasal. Why not dumako ka rin sa simbahan? Well, masarap ang ambiance d’on at may matutunan ka pa! #WalangNabubuhaySaTinapayLamang #Amen Answers on Word Hunt! Asean edition Across: 1.Bangkok Declaration

4 Habulin mo tulog mo!! 97%*

na mga tao ngayon ay nagrereklamo dahil ‘di nakakatulog kaka-internet. *Charot lang ang statistics pero totoong matulog ka rin.

5 Magbasa. Makakakuha ka

pa ng learnings dyan (in a hard way). Buklat-buklat din ‘pag may time ng mga libro sa bahay. ‘Pag nagbabasa ka, ikaw bahala sa imagination. Mas amazing ‘yon!

6 Isipin ang mga gawain sa in-

ternet. Baka isa ka sa mga taong stalker ni kras? O ‘di kaya isang troll sa mga comment ng Facebook. Pa’no kaya kung magagawa mo ‘yan sa totoong buhay.. mapapayapa ka ba? Isipin mo mga 100x. Down: 1. Pearl 2. Brunei 3. Plus Three

4. Indonesia 5. ASEAN Way 6. Thailand

Hail Hydra! A PUPTian alumnus placed 2nd on the 2015 Electronics Technician (ECT) Licensure Examination. Kim Kenneth Villacorta, rose above 3,033 ECT examiners. This is the second timePUP-Taguig placed in the said exam. The first time was on October 2012 ECT Exam through Ms. Kriselda Cartro Bernas who poised 6th. Overall, PUPT Electronics Engineers garnered a national passing rate of100% for ECT Exam and 66.67% for ECE Board Exam.

2

A BSBA-Markerting student made its way to be one of the 25 lucky students who will undergo an exclusive bootcamp. Ms. Marjorie Anne Lopena, senior marketing student, has been chosen to be one of the 25 MarkProf Foundation bootcamp scholars. According to their website, the 25 chosen student will undergo 7 straight weekends of learning high-level skills from the country’s most respected practitioners, 100% free of charge.

25

September 16 was a wonderful day for the Taguigenos as our very own Medical and Dental Clinic, Emergency Responnse Group and Junior People Management Association of the Philippines-PUPT in partnership with Taguig LGU paved way for Medical and Dental Mission at PUPT Gymnasium. Participants availed free health checkups and laboratory examinations such as complete blood count, urinalysis, and blood typing. Free medicines were also provided to patients.

16


FOCUS

The CHRONICLER MAAALALA NG SAMBAYANG PILIPINO ang pamamahala ni Pangulong Noy (PNoy) sa katagang ‘daang matuwid.’ Sa anim na taong panunungkulan, patuloy ang pagsambit ng mga katagang ito kasabay ng mga nagawa nitong kabutihan sa bansa base sa ideya ng ‘in good faith.’ Sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA), tila naging isang kwentong epiko ang naganap nang ipinagmalaki niya ang mga proyekto at repormang nagawa umano ng kaniyang liderato. Ayon kay PNoy, “nanggaling tayo sa sitwasyon kung saan tila nababalot ng kadiliman ang ating bansa; ni hindi natin masigurong may liwanag pang paparating. Binabati na tayo ng bukang-liwayway ng katarungan at pagkakataon.”

Priority Development Assistance Fund (PDAF) at Disbursement Acceleration Program (DAP) scam noong 2013. NAIA ‘laglag bala’ scam ngayong 2015. Tinatayang mahigit 10 bilyong piso ang nahuthot sa pamahalaan sa kabuuan ng scam ng nasa lehislatibo (5 senador and 23 kongresista) kasama na dito si DBM Secretary Florencio Abad na dating kongresista. Ayon sa The Ateneo Assembly, ito ay katumbas ng 58% ng kabuuang badyet ng Pilipinas.

Sa pangkaraniwang Pilipino, puno ba ng kalinawagan ang daang matuwid o baka nasa isang daanang sa bawat kanto’y nag-aabang na mga taong halang ang sikmura sa panggagantso?

58% ang nanakaw sa atin ng mga buwaya na maaari sana makatulong sa halos 8 milyong walang trabaho (2015, IBON), 23.4 milyong Pilipinong naghihirap (2015, IBON), 110 State Universities and Colleges na hindi nabigyan ng sapat ng badyet para sa 2016.

NAHULOG NA KAKARAMPOT, KAILANGANG KAPAIN ANG DAAN Naranasan na ba ninyong kumapa sa dilim dahil may napaka-importante kayong hinahanap? Ang hirap, ‘di ba?

Kaya’t sumigaw ng saklolo ang taumbayan. Nagkaroon ng malawakang mga protesta (isa na ang Million People March) para ipanawagan ang pagbuwag ng mga ito. Naging mas mapagmatyag ang taumbayan, hindi naisakatuparan ang masamang balak.

Ganyan ang nararanasan ng apat sa sampung Pilipino nagsasabing sila’y mahirap. Noong 2012, 25.2% naitalang poverty incindence ng bansa. Wala itong pagbabago kung ikukumpara sa 26.6% noong 2006 at 26.3% noong 2009. Ito ay taliwas kung sinasabing lumago ang ekonomiya ng bansa simula ng naluklok si PNoy noong 2008. Ito ay dahil sa bawat estatistikang ipinalalabas ng administrasyong Aquino III, sinasabi nitong mararamdaman din ito ng mga pangkaraniwang Pilipino dahil ang 6-7% na paglago ay may ‘trickle-down effect’. Pero teka, sa’n ba nag-trickle-down o bumuhos ang paglago ng bansa? Ayon sa IBON foundation sa mga mayayaman. Samantalang nagkakanda-sunog ang balat ng karaniwang Pilipino para sa kakarampot na sweldong P481 kada araw (minimum), ang sampung pinakamayayamang Pilipino nama’y pumalo sa 2.2 trillion Piso ang halaga ngayong 2015. Ito’y katumbas ng kita ng 70 milyong Pilipino. Ayon pa sa IBON, tumaas lamang ng 2-3% ang sweldo ng mga mangagawa sa 6 na taong pamumuno ni PNoy, ngunit, mahigit 300% ang paglago ng 10 pinakamayayaman sa bansa. Kahit pa tumaas ng PhP15 ang sweldo ng ating mangagawa, hindi ito ramdam dahil sa mga nakaraang taon, patuloy na tumataas ang mga pangangailangan upang masabing disente na ang buhay mo dito sa Pilipinas. Hindi rin maiisantabi na sa iilan, ang kakarampot ay ang edukasyon lalo na sa mga maralitang kabataan. Pero kahit sila, nangangapa rin. Nariyan pa rin kasi ang taun-taon na pagtataas ng matrikula na kahit sa pampublikong paaralan (elementarya man o kolehiyo) ay binabakuran na rin ng mga taas-matrikula. Hindi pa kasama dito ang patuloy na pagliit ng badyet sa mga Pambansang kolehiyo kaya’t ang sinasabing quality and accessible education ng ating konstitusyon ay hindi na rin nagagawa. Kaya nga’t dahil sa dilim ng daan, nawawalan na ng pag-asa ang ilan sa mga sana’y makakatulong sa paglago ng ating ekonomiya. Nariyan ang 7.82% na dropout rate sa sekondarya at mga nawalan ng buhay na mga Iskolar ng Bayan tulad nina Kristel Tejada (UP-Manila, 2012), Rosanna Sanfuego (Cagayan State U, 2015), and Jhoemary Azaula (EARIST, 2015) dahil hindi na makayanan ang mataas na matrikula ng mga eskwelahang dapat sana’y nag-aaruga sa mga hindi kaya sa mga pribadong paaralan. Sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies noong 2012, pinaka-kritikal na dahilan ng pagpapaliban ng edukasyon ay kahirapan.

WALANG MAANINAG SA DAAN, NGUNIT MAY SUMISIGAW.. Unang ginagawa ng mga nanakawan ang sumigaw. Ito ay para makakuha ng atensyon sa mga nasa paligid.

Patuloy na kinakapa ang dilim upang makalabas dito.

PAGLALAKBAY SA MADILIM NA LANDAS

Panulat nila Neil Daryl Sulit at Ella Valdehueza | Dibuho ni Lanz Christian Buyao

MADILIM NA LANDAS, LIWANAG KAY UNCLE Simula ng unang pagyapak ng mga bota ng tropang Amerikano noong 1900 sa ngalan ng ‘benevolent assimilation’ hanggang sa pagbaba ng watawat nila sa flagpole lang ng Malakanyang noong 1946 hanggang sa panahon na ito, mapapansin nating tila hindi naman nawala ang impluwensya ni Uncle Sam sa buhay natin. Halimbawa ang Enhanced Defense Cooperation Agreement ng US-PHL. Kahit na sa dami ng tutol at kahit ayaw isangkot ng Amerika ang sarli para ipagtaanggol ang Pilipinas, nagawa pa rin itong ilusot ng administrayong Aquino III. Ayon nga sa isang opinyon ni Gina Apostol sa pahayagang The New York Times, ang paulit-ulit na pagkakamali sa isyung pulitikal ng bansa ay dahil sa isang sumpang gawad ng matagal na ‘pakikipagkaibigan’ sa Estados Unidos (In the Philippines, Haunted by History, April 28, 2012). Sa pahayagang Wall Street Journal isinulat ni Trefor Moss na ayon kay Zachary Abuza, U.S.-based consultant on Southeast Asian affairs, ang galaw ng Tsina sa sigalot sa West Philippine Sea ay para malaman ng Beijing kung hanggang saan ang responde ng Washington sa Pilipinas (U.S., Philippines Vow to Strengthen Military Alliance, Jan. 21, 2015). ANG IKINAKAHARAP NG MGA TULAD KAY ‘LANDO’ Sinong nakakaalala ng awit ng rapper na si Gloc9 na ‘Lando’? Kwento ng dalawang magkasintahan na halos nas “sinunog ng araw ang kulay ng balat” sa kakatrabaho. Ngunit, bagama’t dukha rin, isang araw ang kasintahang babae’y sinaksak at pinagnakawan pa ng mga magnanakaw. Iyan din ang nararansan ng mga pangkaraniwang Pilipino. Kahit sunog na ang balat, kahit na ilang galon na ng pawis ang napuno, tuloy pa rin para maka-ahon para bukas. Ngunit sa t’wing uuwi dala ang kinitang sahod, may nag-aabang sa dilim. Mga kurap na lider, mga ganid na negosyante, o mga patakarang hindi maka-masa. Nasa tuwid na daan tayo dahil ito ang pinili ng mayorya noong eleksyon taong 2008. Ngunit, hindi ibig sabihin na wala na tayong magagawa. Nasa atin ang solusyon kung iilawan natin ang ating sarili upang makita na ang daan ay salamin lang pala ng nakaraan-walang pagbabago. Nasa sa atin din ang simula ng paggawa sa bagong daan, sa bagong simula na ang perspektiba’y nakatingin sa pag-aangat ng mga pangkaraniwan.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.