The Chronicler Vol. 23 No. 1 June-August 2015

Page 1

The

TO BE FREE AND TO SET FREE

CHRONICLER The Official Student Publication of the Polytechnic University of the Philippines-Taguig Branch

Established 1992

HOW TO PROTECT YOURSELF FROM MALWARES Any person can be a victim if you don’t know how to protect yourself

on page 10

Volume 23 No. 1 | June to August 2015 INFOGRAPHIC: Student population rises 3.71%

page 2

Ano’ng nakain mo? page 6

IMPE WARS: Karangalan, Kayamanan, Karangyaan

page 9

In her lover’s blood page 12

Campus in numbers page 14


2

NEWS

FOUR MORE DIPLOMA SECTIONS OPENED, student population rises 3.71% this semester

Diana Jarogon, Kent Garcia

Maricel Molo and Kristine Louise Omiz

THE RISE of student population in PUP-Taguig is due to opening of two more sections for first year in Diploma in Information and Communication Technology (DICT) and Diploma in Office Management Technology (DOMT) courses, according to the data given by the Registrar’s Office. Overall, the population is 3.71% higher than the previous school year. Dir. Sharon Joy Pelayo, PUP-Taguig Branch Director, said that the addition of diploma courses are for those deserving youths yet did not qualified to the requirements set for bachelor’s degree.

the said course and special rooms to attain their academic needs. To account, PUP-Taguig now have two computer laboratories for those with computer subjects and typing room for those with typing subjects. Eight professors are also added to teach the diploma

course. Four for DICT and four for DOMT. Dir. Pelayo added that it is rest assured that students will still be academically-advanced since it is one of the campus’ goals to mold students to become more equipped after they graduate.

INFOGRAPHIC: student population rises 3.71%

DIPLOMA ON THE RISE Dir. Pelayo noted that the campus is ready for the influx of freshmen this year. “Kinonsider ang availability ng rooms, capability ng professor atsaka schedule [ng mga professor]. Ibig sabihin, nang makita na kaya pang magdadag ng additional sections sa DICT at DOMT,” said the Honorable. On the other hand, Diploma in Mechanical Engineering Technology (DMET) did not open more sections is due to no unavailability of teaching personnel for

ABOUT THE COVER

Graphic design of Lanz Christian Buyao Layout design of Roselle Geronimo

Source: Registrar’s Office

PUPTians ipinagdiwang ang wikang Pambansa PINANGUNAHAN ng PUPukaw at iba’t ibang organisasyong pangmag-aaral ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa noong ika-20 ng Agosto sa PUPT Gymnasium. “Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran” ang tema ng pagdiriwang ngayong taon kung saan naging panauhin si Dr. Jose Casimiro Rabe, pangulo ng South Superhighway Medical Center at aktibong tagapagtaguyod ng wikang pambansa. Sa kanyang talumpati, ipinagmalaki ni G. Rabe ang Filipino, kung saan isinaad na ito’y “mas mayaman pa sa wikang Ingles”. Nagbigay rin siya ng mga pangaral para sa mga estudyanteng dumalo sa programa. Matapos ay talumpati ng panauhin, nagsimula na ang iba’t ibang presentasyon ng mga magaaral. Ibinahagi ng bawat pangkat ang kanilang mga talento sa pamamagitan ng mga tradisyunal at makabagong uri ng pagtatanghal, katu-

lad ng sabayang pagbigkas, monologo, skit, stage play at pati na rin ang paggaya sa mga tumatak na eksena at linya pangpelikula’t pangteleseryeng Pilipino. Ang mga estudyanteng nagtanghal ay nanggaling sa una at ikalawang taon, na kasalukuyang kumukuha ng asignaturang Filipino at Speech Communication. Ipinaalala naman ng SIFRA o Students’ Inter-Fusion for Rock and Alternatives at PUP-Taguig Chanters ang musikang Pinoy sa pamamagitan kani-kanilang rendisyon ng mga sikat na kantang OPM.Isang dance presentation naman ang ipinamalas ng PUPT Titans Pep Squad. Taunang isinasagawa sa PUP-Taguig ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, na may layuning maipakita ng mga mag-aaral ang kanilang pagmamalaki at pagtangkilik sa ating sariling wika.

Infographic by: Roselle Geronimo Gathered by: Sandra Lavente

Kampus, nilooban sa unang araw ng Hunyo

A night to welcome PUPTian freshies held

HINDI PINALAGPAS ng mga kawatan ang PUP Taguig nang nakawan ang kampus ilang araw bago ang opisyal na unang araw ng pasukan. Ayon sa imbestigasyon ng mga opisyal ng kampus, maaaring naganap ang pagnanakaw gabi bago ang ika-1 ng Hunyo. Ninakaw ang ilang pera mula sa Cashier’s Office at isang sirang set ng computer sa opisina ng The Chronicler. Kasama rin sa nilooban ang Dental Clinic. Maaaring mga bata umano ang nagnakaw sa mga nasabing opisina dahil sa liit na ginamit na daanan ng mga kawatan. Sa incident report, sinabi na sa binasag ng mga kawatan ang salaming bahagi ng pinto ng Cashier’s Office para makapasok. Gayunpaman, hindi na napansin ng mga magnanakaw ang ilang mas mahahalagang gamit. Sa malayang paskilan

FULL OF FESTIVITY AND COLORS, freshmen were welcomed in PUP Taguig last June 9 at PUPT Gymnasium. The Central Student Council (CSC) headed the campus’ annual tradition of “Freshmen Night”. They incorporated rainbow colors as the theme this year. According to event head and Assistant Secretary of CSC John Dustin Santos, the theme means an expression of unity in diversity. “Mula sila sa iba’t-ibang lugar at may iba’t-iba rin silang ugali. Itong Freshmen Night ay isang paraan nila para magsama-sama at magkakilanlan,” Santos expressed. Games initiated to make freshies feel light about the event. Laughter and merriment soon filled the Gymnasium. However, concerns still rose over time. Parents of other freshmen asked the CSC during Freshmen Orientation to make the

Kristin Louise Omiz

naman na natatanggal ang ginawang pasukan at labasan sa The Chronicler. Ayon kay Branch Director Sharon Joy Pelayo, maaari sanang hindi naganap ang nakawan kung nagpa-patrolya ang mga gwardiya. Ipinunto ni Dir. Pelayo na binigyan na ng paalala ang mga guard na paigtingin ang pagmamatyag lalo na sa gabi. Para hindi na maulit ang nasabing nakawan, inirekomenda ni Dir. Pelayo na ilagay na lang sa bangko ang pera ng mga organisasyon sa kampus. Aniya, mas masisigurado ng mga PUPTian na ligtas ang mga pera ng kani-kanilang mga organisasyon. Hinihiling naman sa mga organisasyon na h’wag maglagay ng mga mahahalaga gamit sa kani-kailang opisina imbes ay iuwi na lang ito o itago sa mas ligtas na lugar.

Michelle Mendoza

event end earlier than the mention endtime. “We told the parents that it is not a requirement for their sons or daughters to attend,” Santos echoing CSC President Pareja’s answer during the questioning part of the orientation. He added: “Of course, mahirap din naman kung mabibitin ang mga freshmen kung paaagahin natin ang event matapos.” Despite the concerns, the Night proceeded to be a highlight for the freshies. One account from a student said that it is “proud to stay until the end. Fun and exciting!” Santos thanked the f r e s h m e n for their participation. “Hindi pa ito ang huli. Mula sa CSC, maraming salamat at maligayang pagdating mga Iskolar ng Bayan!,” ended Santos.


NEWS

Dir. Pelayo: ‘Organizational funds should now be highly secured’ Algwen Sahijuan

ALL ORGANIZATIONS will transfer all their accounts to the bank for ‘safe keeping’. PUP Taguig Dir. Sharon Joy Pelayo said that it is better to use bank as a depository of organization’s money for better account and audit. The call is a result of the robbing incident of several offices in the campus. Dir. Pelayo said that she understands that holding and

keeping large amount of money is one of the hardest, especially for the students. “What if, they’ll lose the money? Wouldn’t it be a burden for them to repay it all? After all, it is under their liability,” said she. However, same process will be followed for withdrawing money. Organizations will open bank account in any bank of their choice, Dir. Pelayo added.

Taguig nakilahok sa Metro-wide earthquake drill Melody Condeza, Dannette Grace Ejertima

MATAGUMPAY ang pakikilahok ng Lungsod ng Taguig sa kaunaunang Metro-wide Earthquake Drill noong ika-30 ng Hulyo upang paghandaan ang tinaguriang “The Big One” o ang paggalaw ng West Valley Fault na tumatagos sa buong Metro Manila. Hinudyat ng sirena ang ng pagsisimula ng drill. Ang mga establishimento, eskwelahan at mga ahensya ng gubyerno ay nagsagawa ng iba’t-ibang senaryo halimbawang nagkaroon ng isang Magnitude 8.0 na lindol sa Kamaynilaan. PUPTians, nakiisa! Ang mga mag-aaral, faculty at empleyado ng kampus ay tumungo sa Zonta Park sa pasimula ng drill. Ang Zonta Park ang magiging evacuation area ng kampus

sa panahon ng lindol. Nagpakita naman ng first aid skills ang ilang miyembro ng Emergency Response Group sa ilang injuries na maaaring makuha kapag nagkaroon ng lindol. Taguig tungo sa ‘zero percent casualty’ Ang disaster-preparedness ay isang prayoridad ng lokal na pamahalaan, ayon kay Brgy. B a g u m b a y a n Captain Delio “Dingdong” Santos. 12 sa 28 na kabuuang barangay sa Taguig ay nasa ilalim ng West Valley Fault. Isa rito ang Brgy. Bagumbayan. “Preparation is better than cure,” ayon yan kay Kap. Santos. Aniya, mas maigi na handa ang taumbayan sa lindol dahil walang nakakaalam kung kailan ito tatama.

Memorabilia Fee at Alumni ID Fee matagumpay na napatanggal Jeffern Dave Ando

OPISYAL na hindi sisingilin ang Memorabilia fee at Alumni ID sa mga Alumni dahil sa matagumpay na kampanya ng mga progresibong grupo kasama ang Office of the Student Regent ng PUP. Tinuldukan ng mga kasapi ng Board of Regents ang paninigil ng mga nasabing bayarin noong ika-5 ng Hunyo. Ayon sa Anakbayan-PUP, PHP 1,500 ang binabayaran ng isang ga-gradweyt na Iskolar ng Bayan para sa Memorabilia na simula 2008 ay hindi na nag-iisyu ang Pamantasan. Ang Memorabilia ang opisyal na yearbook ng PUP. Samantala, ang Alumni ID nama’y hindi na rin kailangang

bayaran. Ito naman ay sa harap ng reklamo ng ilang Alumni dahil ang ibinigay sa kanila ay isang RCBC card na walang laman samantalang binayaran nila ito. Gayunpaman, nais ng mga grupo ang pagkakaisa ng mga Iskolar ng Bayan upang ikondena ang patuloy na paniningil ng Other School Fees na nagkakahalaga ng P3,646 kada PUPian at napupunta lamang sa Student Trust Fund na P410Milyon na ngayon. Ninanais ng grupo na ibalik sa mga estudyante ang STF dahil hindi umano nakinabang ang mga mag-aaral bagkus kinukuhaan lang ng mga naglalakihang honoraria ng mga executive officials.

3

Basic seminar on first aid held to elevate students’ knowledge Michelle Mendoza

KNOWLEDGE TO HELP: that’s what Emergency Response Group (ERG) did as they held this year’s ‘basic first aid and life support seminar’ last August 7 at Multimedia Room. “Accidents are unpredictable. Nobody knows when it will happen or where it will happen,” said Rodesa Canaco, an ERG member, during an interview. Canaco also said that PUPTians must know basic first aid as accidents happens all the

time. She said: “what if you are the only person around and help from the proffesional still not yet there? Knowing the basics can save a life.” Basic first aids for sprain, fracture, fainted people and other minor injuries were explained in the seminar. “Timely due to the upcoming Quest for the Best,” added Canaco. Attendees did first hand application of basic first aid skills while being taught.

Dr. Reynaldo Lim, PUPT’s resident doctor was the resource speaker of the event. ERG also shared what they knew from their participation in Muntinlupa Rescue Team’s annual life support training. The event also created bond with the attendees and ERG members with a boodle fight to end.

COVER. PUPTians participated in the Metro Manila-wide earthquake drill last July 30 simultaneous with other offices and establishments. The drill will prepare the students what to do if West Valley Fault shakes. — Photographed by Luisa Sullivan

Habang patuloy na lumiliit ang badyet ng Pamantasan,

MGA EXECUTIVE OFFICIAL NG PUP, MAY PINAKAMALAKING SWELDO SA SUC Michelle Mendoza

APAT SA PITONG executive officials ng PUP ang napagalamang may napakalaking sweldo noong 2014 mula sa pagsisiyasat ng Kabataan Party-list. Ang mga nasabing opisyal ay sina: PUP Pres. Emanuel De Guzman -P2.98 million (ika-253); PUP Executive VP Manuel M. Muhi-P2.7 million (ika-310); VP for Academic Affairs Samuel Salvador-P2.66 million (ika-321); at, VP for Branches and Campuses Joseph Mercado-P2.4 million (ika362). Sa nasabing expose, ang apat na opisyal ay nakalikom ng sweldong mas malaki pa kay

CHED Chair Patricia Licuanan at sa UP Pres. Alfredo Pascual. Noong 2013, napabalitang pumalo sa P3.09 million ang sweldo ni PUP President De Guzman dahil sa dagdag P2.1 million na insentibo sa kanyang P947,000 basic pay. Ayon kay PUP Student Regent Jessica Ferrera, ang naglalakihang honoraria ay galing sa mga other school fees ng PUPian at pinagsasama-sama sa tinatawag na Student Trust Fund (STF) ng Pamantasan. Sa kasalukuyang tantya, ang STF ay nagkakahalaga na ng P410 million o P3,646 kada estudyante. Imbes daw na magamit

ng mga estudyante, 70% nito’y napupunta lamang sa mga bulsa ng mga opisyales bilang honoraria, dagdag ng Student Regent. MAY BUDGET CUT SA PUP May nakaamba pa ring budget cut sa PUP sa susunod na taon bagaman tumaas ang pangkalahatang badyet ng pamantasan. Sinabi ng Hon. Ferrera na P30.29 million ang budget cut sa pamantasan para sa capital outlay nito. Dito inilalaan ang pagpapatayo ng mga imprastraktura tulad ng mga klasrum. Hinimok ni Hon. Fereira na magkaisa ang bawat PUPian na labanan ang naka-ambang budget cut at ang pagpapabalik ng OSF sa bawat mag-aaral.


4

NEWS

STATE SCHOOLS SHORT BY P16-B SUBSIDY ANNUALLY Lalaine Aquino

AN AVERAGE of P16Billion loss of subsidy by the government to State Universities and Colleges (SUCs) was reported by a youthled partylist in the Congress deliberation of the 2016 National Budget Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon said that though the government gradually increased the SUCs budget over the years, it still falls short to the exact needs of the state tertiary institutions. According to Department of Budget and Management’s (DBM) Budget of Expenditures and Sources of Fundings, all 114 SUCs receives an average of P59Billion a year. Out of this, only P43Billion is government’s assistance, while, P16Billion comes from the school initiatives. One way to curb up the government’s lack of full subsidy, SUCs increase tuition and other fees and payment of school facilities, the partylist said. “Next year, DBM projects that SUCs will spend a total of P62.7 billion, of which P16.7 billion is expected to be financed by internal income,” Kabataan Party-list noted. MORE CUTS Despite a nominal four-percent growth in SUC subsidy, it was revealed in the deliberation last August 26 that 10 State schools will have net income cuts. 59 SUCs will have budget cut or no budget at all in mainte-

nance and other operating expenses (MOOE) while 40 SUCs will suffer capital outlay (CO) budget cuts for 2016. MOOE is a budget for building and supply maintenance while CO is a budget for infrastracture. Majority of SUCs who will be affected are those from farflung places and those who needs more infrastracture. For example, Mindanao State University-Tawi-Tawi College of Technology and Oceanography will have a 48% MOOE budget decrease from current P32-M to next year’s P16.6-M. Yolanda-stricken provinces of Western and Eastern Visayas are those greatly affected with 8 and 7 state schools to have cuts, respectively. Meanwhile, Cagayan State University, Marikina Polytechnic College and Bulacan State University will have no CO allocation next year. University of the Philippines (UP) will also have an impending P2.2-Million budget cut next year amids the dormitory crises in UP-Diliman. Kabtaan Party-list and the Makabayan Bloc vows to call for House Commission of Appropriation to increase SUCs budget instead of cutting it.

KAYO ANG BOSS KO. A total of 30 families were left without homes in Napindan, Taguig City when Taguig Ciy LGU ordered their houses to be demolished to pave way for the proposed Laguna Lake Expressway Dike. The proposed project is one of the flagship of PNoy’s Public-Private Partnership. — Photographed by Shela Mae Montinola

Quest for the Best 2015, pinaghahandaan na Kent Garcia, Dannette Grace Ejertima

PUSPUSAN na ang ginagawang paghahanda ng iba’t ibang organisasyon sa nalalapit na Quest for the Best (Q4B) 2015, na gaganapin mula Setyembre 1 hanggang Setyembre 9. Muling maglalaban-laban ang siyam na organisasyon, na kinabibilangan ng Association of Electronics and Communications Engineering Students (AECES), Computer Society (CS), Junior Marketing Association, Junior Philippine Institute of Accountants, Junior People Management Association of the Philippines, Junior Philippine Society of Mechanical Engineers, Mentors’ Society, Philippine Association of Students in Office Administration at Pro-active and Responsible Individuals for Mathematics Empowerment. para patunayan ang kanilang husay sa

larangan ng academics, sports, at arts. Magiging gantimpala sa mananalong organisasyon ang pagkamit ng Director’s Cup hanggang sa susunod na edisyon ng Q4B. Pinaka-tinututukan ang kampanya ng AECES na pinagharian ang dalawang huling edisyon ng Q4B. Misyon nila ngayon na kunin ang Director’s Cup sa ikatlong pagkakataon upang makamit ang kanilang ikalawang Grand Slam. Ayon kay Gerald Garcia, president ng AECES: “Kung ano yung ginagawa namin noon, tini-triple pa namin ngayon,” nang hingan ng panayam ng The Chronicler tungkol sa kanilang ginagawang paghahanda. Ngayong taon, pinakamaraming events na mangyayari

PUPT ranked 1st in best school for secondary teachers in PUP, 15th nationwide Michelle Olino

PUP TAGUIG OUTSTANDS other 12 PUP campuses who have Bachelor in Secondary Education course in a study of Licensure Exmination for Teachers (LET) passers which was released last March 17. PUPT got 83.98% for LET first takers from the said years. Meanwhile, second best PUP-San Pedro got 63.55%. Philippine Business in Education (PBEd) looked from the LET examination results of PRC which are done twice a year or nine LET from 2009-2013. Taguig Branch also gained 8th for Category D or Teacher Education Institutions (TEIs) who have 100-249 first takers nationwide. The campus surpassed schools such as PWU-Manila and Central Philippine University in Iloilo which are also in the same category. Not only that, the overall spot for best school for secondary education nationwide marked PUPT on the 15th place. On the other hand, PNU-Manila, UST and St. Louis University are three highest TEIs for secondary and overall performance (elementary and secondary levels).

The rankings were of schools with 80% or higher in the LET exams. However, PBEd noticed that only 10-12% of total TEIs have good results in LET. 66% are private TEIs and only 28% of the pie are State Universities and Colleges (SUCs). Teacher wannabes also decreased. From a two-million population in 2001-2008, only 500,000 Filipinos graduated as teachers in the same year of the study. The study also concluded a 16.7% completion rate. Meaning in every ten teacher education students, only one and half graduated with a teacher’s degree. PBEd recommended that schools with good performance should have an incentive. For government-backedschools, more finance should be given. LET mock reviews that is aligned to the K12 system and results of the mock test ready for student’s reach should also be mandated, according to the group. PBEd is a consortium of businesspeople who advocates reform in the Philippine education system.

sa kategorya ng academics, na mayroong sampung events. Sunod ang sports na may walong events. Bagamat ang arts category ang may pinaka-kaunting events, na may anim lang, ayon sa mga presidente ng mga kasaling organisasyon, ito ang pinaka-pinaghahandaan na kategorya sa Q4B. Sa huli, ayon sa mayorya ng mga president ng mga organisasyon, susi pa rin sa tagumpay ng organisasyon sa nalalapit na Q4B ang pagkakaisa ng mga miyembro nila. “Kasi kailangan sa organization, magkaroon ng iisang goal. Kasi kung iba’t ibang goal yung tinitingnan, hiwa-hiwalay ang magiging daan”, saad ni CS President Jerick Paul Patricio.

CSC Constitution, nirebisa Anne Maureen Bananola

TULUYAN nang narebisa ng mga opisyales ng Central Student Council ng Polytechnic University of the Philippines Taguig (CSCPUPT) ang kasalukuyang umiiral na konstitusyon na nanggaling pa sa PUP-Main. Napagkasunduan ng ¾ ng mga opisyales sa kanilang pulong noong ika-30 ng Mayo 2015, ang pagdadagdag ng ilang importanteng detalye, at pagbabago ng ilang bagay na hindi kapit sa PUPT. Ayon sa nakapanayam na si Rachelle Ann Seracarpio, Auditor, ang ilan sa mga bagay na idinagdag nila ay ang Mission at Vision at Logo ng CSC. Nakapaloob dito ang Article VIII-Academic Organization Student Council (AOSC), Article IX- Non-Academic Organization Student Council (NAOSC), at Article XIPowers, Duties and Responsibilities. Karagdagan pa, binago nila ang address na nakapaloob sa konstitusyon at ikinapit ito sa PUPT. Para tuluyang maipatupad ito, nakaayon din sa nasabing konstitusyon na kailangang pabor ditto ang karamihan sa mga estudyante ng unibersidad. Kaya sa nakalipas na General Assembly, ipinaliwanag ito ng CSC at nakuha naman nila ang pag-sangayon ng mga iskolar ng bayan.


5

NEWS

Student handbook revised, still repressive to students — ANAK

MAINIT NA SALUBONG. Simbulo ng mabagal at hindi maka-masang serbisyo ang sinunog na sirang MRT na sakay si Pangulong Aquino III sa kanyang ika-limang SONA. — Kuha ni Rykkashayne Asumbra

Jeffern Dave Ando

ALYANSA NG MGA NAGKAKAISANG KONSEHO ng PUP (ANAK-PUP) criticized the new student handbook as ‘not student-centric’ enough. The system-wide alliance of student councils of PUP said there is nothing almost new in the 2014 student handbook. Some issues proposed by the students weren’t stipulated and aging concerns are still left hanging. “Mas lamang pa rin ang side ng administrasyon sa bagong handbook. [Halimbawa ay] nariyan pa rin ang mga sanctions na may kasamang pera gayundin ang ilang concerns ng ilang campuses na mga probisyon sa 2007 student handbook na walang karampatang parusa kung napatunayang nilabag

ng administrasyon,” said ANAKPUP Deputy Secretary-General John Dustin Santos. According to ANAKPUP, these ‘campus concerns’ include compulsory uniform policy, professors discouraging students to join progressive groups, military bases inside the campus are among the list that isn’t properly discussed if those are violated. Santos declared that the idea that PUPians, as a whole, wishes to embody is not in the case of the student handbook. He said: “Nais kasi natin ng isang pamantasang 100% nakatuon sa pangngailangan ng mga estudyante sa gabay ng isang student-centered handbook.”

Students nationwide united against tuition and other fees increase The CHRONICLER news section

MORE THAN 130 student publications, student organizations, and student councils signed a manifesto to unify the studentry in fighting for their right to access quality and affordable education. National Union of Students of the Philippines (NUSP), the largest alliance of student councils in the Philippines, and Rise for Education alliance spearheaded the declaration amid the continuing tuition and other fees increase and other ‘anti-student’ and ‘anti-poor’ policies of the Aquino government. FIRST DAY FIGHT NUSP and other student and youth-led organizations initiated ‘First Day Fight’ campaign to protest the rise of tuition and miscellaneous fee both in private and public higher education institutions and the full implementation of K to 12 program next year. The campaign launched last June 1 in order to intensify the action against what they call, “bastardization of Philippine education” due to commercialization and privatization of education. “The odds in our education system are ballooning cost of

tuition and other fees and the K to 12 program among others. And these are not in our favor. These odd will never be in favor of the students,” said NUSP National President Sarah Elago. The group particularly noted K to 12 will only result to an additional one million dropouts because of lack of public high schools accepting Grades 11 and 12. In National Capital Region alone, only 2 out of 10 are public senior high schools (SHS), while, 9 out 10 are private SHS. SORRY NOT SORRY On May 29, NUSP announced a mistake in Commission on Higher Education’s (CHED) computation on tuition and other fees. CHED’s computation on the national tuition average per unit is only PHP31.61. NUSP recomputed and found out that it was really PHP37.47. The same scenario shows in national other school fees average. From CHED’s computation only of PHP169.04 went up to PHP213.03 of NUSP’s re-computation. LOCAL FIGHT A socio-political organi-

zation in PUP-Taguig says Iskolar ng Bayan still faces fights including the scrapping of other school fees and refunding of student trust fund. Samahan ng mga Magaaral para Sambayanan-PUPT (SAMASA-PUPT) said PUPTians must be united as one roaring against any student repressions and any disguise of the university administration to pass the burden to the students through tuition increase. SAMASA-PUPT and Central Student Council-PUPT are co-signees of the said manifesto. “Sa kabuuan, dahil sa sama-samang pagkilos ng mga Iskolar ng Bayan sa buong PUP system, hindi natutuloy ang mga naka-ambang tuition increase. Bakit ba sa atin ipapasa ang dapat ginagawa ng gubyerno? Hindi kasi solusyon na dahil hindi nagagawa ng gubyerno tayo na lang ang gagawa. Ang dapat, palitan ang nasa gubyerno,”according to the group. The signatories of the said manifesto have one thing on their mind: education is a right, not a privilege.

People’s SONA, ikinasa!

PANAWAGANG PATALSIKIN SI AQUINO UMIIGTING Kristin Louise Omiz

BULOK NA TREN ang paghahalintulad ng iba’t-ibang sektor na dumayo sa Commonwealth Ave. noong ika-27 ng Hulyo sa limang taong panunungkulan ni Pang. Aquino III. Sa isang programang tinawag na ‘People’s SONA’, dito inilahad ang mga kasinungalingan aniya ng gubyernong Aquino III. Ang People’s SONA ay ang ikinakasa tuwing State of the Nation Address upang ibahagi ang aniya’y tunay na boses ng mamamayan. TUNAY NA STATE OF THE NATION Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), isang whitewash ang naganap sa talumpati ng Pangulo sa kaniyang ika-limang SONA. Ayon kay Secretary-General Renato Reyes, kinalimutan ng Pangulo ang mga isyu katulad ng kasalukuyang kalagayan ng mga probinsyang tinamaan ng bagyong Yolanda, ang SAF 44, pati na rin ang kalagayan ng mga OFW na humaharap ngayon sa bitay. “These are the issues that have defined the Aquino presidency. These are issues that will haunt

Aquino even as his term ends. These issues among others, constitute his failed presidency,” dagdag pa ng grupong BAYAN. IISANG PANAWAGAN: AQUINO OUST NOW! Sa kulungan raw diretso ang Pangulo dahil sa kaniyang mga kapabyaan tulad ng kontrobersyal na DAP and PDAF, ayon kay Anakbayan National Chairperson Vencer Crisostomo. Ginawang punto naman ng NUSP at CEGP ang paglaki ng tuition and other fees at ang kawalang pakialam ng gubyernong Aquino upang pakinggan ang boses ng mga mag-aaral. Ang NUSP ay isang pambansang samahan ng mga konseho sa bansa samantalang CEGP ay samahan ng mga publikasyon sa kolehiyo sa buong bansa. Noong ika-75th National Student Press Convention ng CEGP sa Baguio noong Mayo 1418, 2015, naipasa sa bilang ng 35 sa 68 na publikasyong dumalo ang panawagang pagpapatalsik kay Pang. Aquino III. Ayon sa tala ng Philippine National Police, nasa 5,000 ang dumalo dito.


6

VIEWS

EDITORIAL

HINDI TAYO HIWALAY

Ang kasaysayan ng bansa kaalinsabay ng kasaysayan ng ating Pamantasan ay puno ng mga kwentong patriyotiko na nagpapakita na tayong mga kabataan at mag-aaral ay hindi hiwalay sa masang api. Kung hindi dahil sa sama-samang pagkilos ng mga mag-aaral ng Philippine College of Commerce o PCC (ngayo’y PUP) laban sa tangkang pag-isahin na lang ang UP at ang PCC noong dekada 50, wala na sanang Pamantasan ngayong kumakalinga sa mahigit 40,000 na magaaral mula sa pinakamahihirap sa bansa. Hindi katulad ng mga napapabalitaan na walang katuturan ang aktibismo sa ating mga mag-aaral, sa ating pamantasan pa lamang ay mapapatunayan kung hindi bukas ang isipan ng ating mga Iskolar ng Bayan sa bangin ang daang tutunguhin ng ating bayan. Bakit ba natin nais ihiwalay ang ating pagiging estudyante sa ating pagiging Pilipino? Bago pa man tayo pumasok sa pamantasan at paglabas din natin dito, tayo ay mga mamamayang Pilipino. Kahit sabihin man natin sa ating sariling estudyante lang tayo, ang mga saklaw ng ating pagiging mag-aaral ay konektado sa nararanasan ng sambayanan. Ang pagbubukas ng apat na seksyon sa diploma course dito sa kampus ay hindi isang isolated case. Ang buong PUP sytem ay ginagawang prayoridad ang diploma course dahil sa laki ng kaluwagang pampinansyal na dulot ng napakalaki nilang matrikula bagaman sila’y undergraduate pa rin at may mas maikli pang taon sa pamantasan. Ang hayagang paggatas ng mga administrasyon ay dahil sa kulang na badyet ng gubyerno sa State Universities and Colleges (SUCs). Sa susunod na taon nga’y may P30 milyong pagtatapyas sa Capital Outlay ng PUP na maaari sana makapagpatayo ng marami pang gusali at pasilidad sa Sintang Paaralan. Hindi ba’t karapatan ng mamamayan at serbisyo ng gubyerno ang magbigay ng edukasyong abot ng lahat ng antas? Kung sa ating mga Iskolar ng Bayan ay nagagawa ito ng pamahalaan, paano pa ang ibang sektor? Katulad ng sektor ng mga manggagawa tulad ng ating mga magulang na sa loob ng limang taong pamumumno ni Pangulong Noy ay 3.5% lang ang paglago ng kanilang sweldo habang lampas 337% ang itinaas na yaman ng mga 100 top corporation sa bansa sa tala ng IBON Foundation, isang research organization. Higit pa sa malaking marka ang hiling sa atin ni Inang Bayan. Bilang isang kabataan, ang maging bukas ang kaisipan sa mga isyung socio-pulitikal upang maangkin natin na tayo’y tunay na pag-asa ng bayan. Bilang isang mag-aaral naman, ang magpatuloy na saliksikin ang bayan para sa kinabukasan nito ang mahigpit na tagubilin sa atin. Walang katuturan ang ating tinapos na kurso o ang ating mataas na marka kung nagpapatuloy ang bulok na sistema sa lipunan na umaapi sa masang Pilipino. Dinala tayo sa ating Pamantasan hindi lang upang maging estudyante, kundi mga estudyanteng makabayan at mulat sa mga tunay na isyung panlipunan. Simple lang ang hiling sa atin ng sambayanan: paglingkuran ang masang api habang tayo’y may panahon at lakas pa. Mag-aklas sa kahit anumang paraan upang makamit ang kalayaang tunay para sa masang Pilipino. PARA SA SAMBAYANAN. ERRATA We apologize for the errors last Volume 22 No. 3 issue: -2015 PUPT Graduation Rites was on its 20th -Edgar Cris Catapangan is the Vice President of Academics of Computer Society. -MILF is the breakaway group of MNLF

THE CRACK BETWEEN STUDENTS AND DEMOCRACY Regine Benavidez

REFLECTOR’S PLUME

Ano’ng nakain mo? Irish Providal

Madalas ito naririnig sa isang advertisement ng isang seasoning mix. Habang may lumilipad na babaeng nakapaldang dilaw na pumipilantik ang kamay upang sabihin classy ang kanilang pagluluto. Ngunit, mas magandang sabihin ito sa mga pulitikong busog sa pagkamkam ng pera na para dapat sa buong serbisyo ibinibigay ng pamahalaan sa bayan. Ano nga ba ang nakain ng pamahalaan at tila may lakas pa sila ng loob at kapal ng mukha na iwanan sa ere ang taumbayan? Ang mga kabataan at estudyante, kasama ang sambayanan, ay buto’t balat na sa kapabayaan ng gubyernong dilaw. Ang ating pamantasan ay patuloy na naghahanap ng kahit anong butas para silipan ng katiting na tulong upang bigyang pansin ang kakulangan sa badyet na binibigay ng gubyerno. Kahit na ilagay sa pribatisasyon ang ilang serbisyo ng pamantasan, ihagis ang bigat sa mga estudyante sa pamamagitan nang tangkang itaas ang matrikula ng Senior High School o sirain ang pag-asa ng mahigit na 15,000 kabataang ipinasa para sa A.Y. 2015-2016 sa PUP- Manila bagaman walang idinagdag sa slot noong una ay ginagawa ng administrasyon dahil sa maling prespektiba ng gubyerno sa serbisyo. Hindi rin nilagpasan ang ating primyadong pamantasan ng mga patay-gutom sa pamahalaan. Dahil sa kulang na badyet, komersyalisasyon sa Unibersidad ng Pilipinas ang nanaig. Pilit na inilagay sa mas mahal na dorm ang mga mahihirap nating Isko at Iska. Ibinenta ang lupain ng UP Integrated School upang tayuan ang isang mall. Walang habas

“Kung ang pera lang ay nakakain, maaaring bundat na ang kanilang tiyan samantalang naghihikahos makahanap ng serbisyong inaasam ng bayan.” ang pagtaas ng matrikula ng mga taga-UP kahit hindi pa rin libre at kulang ang mga laboratory. Sinasabi ng ating Salingang Batas na ang edukasyon sa kahit anong antas ay dapat abot ninoman pero mismong mga trapo o tradisyunal na politiko na ang bumabalahura nito. Habang nagpapatuloy ang paglaki ng mga SALN ng mga mambabatas at ang ila’y kamakailan ay nasangkot ng gumagamit ng kaban ng bayan para sa sariling ganansya sa pamamgitan ng Disbursement Acceleration Program at pork barrel, pito sa bawat sampung Pilipino naman ang nagsasabing sila’y mahirap, ayon sa sarbey ng IBON Foundation noong Hunyo 2015. Kung ihahambing, isang kurot ng tinapay ang patuloy ibinibigay sa’tin ng mga trapo at sa kanila ang lahat. Sa panahon na ito, hindi na uubra ang tingi-tinging atensyon. Sa dami ng mga polisiya ng gubyernong Aquino III na sumasalamin sa hindi makamasa nito, bakit hindi natin isinisigaw sa kanila: ‘ano’ng nakain n’yo’?


7

VIEWS

UGONG

BEYOND THE WALLS

Pumalag, pumapalag, papalag

SECOND ACT OF KILLING Jeffern Dave Ando

“There are two ways of killing: one, actual killing of a person; second, killing a person’s character or belief through mind games— the worst is the latter.” The mind is the greatest weapon of mankind. What we have right now comes from our minds. In that matter, it is also being used in the most cynical ways ever imagined. It is also the mind that some uses to instill the idea of apathy. Contextualize it this way: apathy says that our status as student is different to our status as a Filipino citizen and should not care about what socio-political events are going-on in our country. Life is politics. Whatever we do has reason. We don’t talk to our professor because we just want to. We need them to enhance our possibility to pass. It is also true on the level of student activism. We are students of the Filipino nation, so, why exclude ourselves from the burning issues of the day? But there are people who will become crabs retracting from their shelves. And without other’s permission, they will also force them to retract, too. The worse of it, they personally attack a person to pleasure themselves that activism is wrong. Tell me (and to other people, too), aside from the overly subjective manner of the opinion, is there any reason why we students should not fight for our rights “dahil estudyante lang kayo, wala kayong magagawa?” Personal attacks are the worst. It kills you with a little chance of getting reborn instantly. This is worse than actually killing a person. In our campus, there is an ongoing stigma

of student activism. Some say activists are nation wreckers and know nothing but to shout on streets. If our fellow PUPTian is known as an activist, friends will obviously sense that your professor will pick on you. This will leave another level of stigma to others (especially in a competitive world we live in, the last thing we want is to be picked with people holding our grades). Why? Why pick on someone just because your ideology differs to another? Why silently oppress a student that the only fight is against the system? Is it because we don’t want other students to know to stand for our rights? They said that nothing came good from the people’s militant clamor to defend our rights. The Philippines has been a witness of different scenes where people’s struggle prevails. Militant actions of Andres Bonifacio and the KKK during 1898 Philippine Revoluiton, ousting of Marcos in 1989 and Estrada in 2001. These are manifestations that those we wish to die are those who ousted colonizers, dictators and oppressors. In PUP, without militant and united action, we and the following generations of Iskolar ng Bayan won’t feel the P12/unit. Never think twice to voice out our rights as students. We are the nation’s hope. Whatever we hear as personal attacks to our homegrown activists, remember it is not the group they are fighting for. It is the Filipino people, as a whole, who are continuously being feed by garbage of the anti-poor and anti-mass system. For those who wish to perform the second act of killing, remember that the heart cannot be contained. Whatever black propaganda you force our minds to believe, if the heart feels the burden of our fellow Filipinos, you cannot hold it. Like what the 16-year-old Pakistani Nobel Peace Prize winner Malala Yousafzai said: “They only shot a body but they cannot shoot my dreams.” As goes to us, they can only trick our minds but cannot trick our fervent spirit to revolt to this rotten society.

EPIGRAM

NEEDS VS. WANTS Elaiza Eusebio

Does our needs as students being supplemented by what the government wants as public servant? PUP is a great university. A university of intellectual professors and staff and students studying to meet their goals. But our first need as student (which is to be greater of what we think we are today) doesn’t add to what the government supplies yet forcing us to be greater than our goal. We need laboratories, affordable to free tuition and class-

rooms, but, they want us to have them on our own. What is the government’s mandate? It is to serve the people. Then, why are they serving are the elite ones but asking the mass to vote them? Commercializing State Universities and Colleges to generate self-income while backing down their financial responsibility as the first to lead accessible education. ******* It a no-brainer to differ-

entiate service and business. It is no service if we have to make adjustments. It is no service if we have have to pay taxes (even youths have to pay. Look at your receipt, there is VAT) for so-called services that still has an attached burden to the common Juan and Juana. Service is to the extent of creating a paradise for the people without costing a dime and patience. What we need now is a new system.

Ella Valdehueza

“The duty of the youth is to challenge c o r r u p t i o n . ” -Kurt Cobain Sa simpleng paglalahad, ang korapsyon ay isang sistema ng pagnanakaw o pagbubulsa ng pera. Dinudulot nito ay matinding kahirapan at daan ng kawalang hustisya. Ngunit hindi lang pera ang maaaring nakawin. Kahit ang karapatan at kalayaan mo ay na-kokorap. Hindi mo nga lang ito napapansin dahil maging ang iyong kamalayan ay nanakaw na rin. Ang karapatan ng mamamayan sa edukasyon, trabahong may nakakabuhay na sweldo, lupaing sarili, mapayapang pagtitipon ay ilan sa mga itinakda ng batas ngunit patuloy na yinuyurakan ng mga elitista at hindi makamasang perspektiba. Marami ang pumalag sa sistemang baluktot para ipagtanggol ang ating mga karapatan at makamit ang pambansang demokrasya. Subalit ipinantapat ng reaksyunaryong gubyerno ang panggigipit at paghaharas sa mga lider-aktibista imbes na tugunan ang mga hinain ng mamamayang kanilang pinaglalaban. Ang mga aktibistang sina Guiller Martin Cadano at Gerald Salonga na dinukot ng militar sa Gitnang Luzon at pinaratangan ng mga gawa-gawang kaso ang magpapatunay na hindi sang-ayon ang gubyerno sa pagpalag ng bayan bagkus nais na tayo’y manahimik na lang sa tabi. Masama ba talagang

“Ang kabataan ay papalag kasama ang sambayanan.” ipaglaban ang ating mga karapatan? o ipahayag ang ating mga pampulitikang pananaw at disgusto sa umiiral na sistema ng lipunan? Malamang ang sagot ay hindi. Ngunit bakit ganito ang sinasapit ng mga pumapalag sa sistema. Pumalag noon ang ating mga bayani laban sa mga mananakop kaya tayo ay naging malaya. Ngunit ang kalayaang inalayan nila ng dugo ay muling ninanakaw ng pahirap, mapanupil at pasistang sistema ng lipunang ito kung kaya’t patuloy na pumapalag ang masang anakpawis. Dapat tayong manindigan at paigtingin ang ating kampanya para sa agarang pagpapalaya sa lahat ng bilanggong pulitikal, pagtatanggol sa karapatang pantao at sibil, at panagutin ang pasista at anti-mamamayang rehimeng Aquino para sa paglabag nito sa mga karapatang pantao. Huwag mong hayaang patuloy na manakaw iyong karapatan, kalayaan at kamalayan. Ngayon ay alam mo na kung bakit may mga pumalag at patuloy na pumapalag sa ganitong sistema ng lipunan. Eh ikaw, papalag ka ba? Huwag mong hayaang patuloy na manakaw ANG...


8

FEATURES

Panulat nila: Neil Daryl Sulit | Franchesca Nicole Mozo

Ang larawan ng Laguna Lake Expressway Dike Project sa pagtanaw ng mga direktang apektado “Masasayang nimfas sa lawa ng Bai, sirenas ang tinig ay kawili-wili, kayo ngayo’y siyang pinipintakasi ng lubhang mapanglaw na Musa kong imbi.” - Kay Celia, Franciso ‘Balagtas’ Baltazar (Tal. 20 ng Kab.2, Florante at Laua 1838)

Larawan ng isang payapang pook ang Laguna de Bay o sa dating nito katawagang Lawa ng Bai. Sa mga panitikan ng ilang prominenteng Pilipino katulad ni Gat. Jose Rizal at Francisco Baltazar isinasalarawan ang lawa na isang paraiso para sa lahat. Ilang daang taon na ang lumipas at patuloy pa rin itong inaasahan ng anim na milyong Pilipino sa pangangailang sa pagkain at 22,771 na mangingisda (datos ng LLDA, 1999) para sa kanilang hanapbuhay at ng ilang daang Pilipino na umaasa sa payapang lawa sa gitna nito magulong siydad. Katulad ni Prinisipe Adolfo sa panitikang ‘Florante at Laura,’ isang larawan ng pagbabalat-kayo ang umuukit sa proyekto ng administrasyong Aquino, ang Laguna Lake Expressway Dike Project (LLEDP). UNANG LARAWAN Hindi sa panahon ni Pang. Aquino III nagsimula ang di umano mga proyektong makakatulong sa sambayanan. Sa panahon ni Dating Pangulong Marcos sa pagpapatayo ng Napindan Hydraulic Control Structure noong 1983 upang pigilan ang pagpasok ng tubig-alat mula Manila Bay Ngunit nagdulot ito ng mga hindi kaaya-aya na resulta tulad ng nababawas na bilang ng huli ng mga isda at pagdami ng mga peste. Malaki rin ang naging epekto

sa kalikasan dahil sa CALABARZON Project na naging paraan para dumami ang mga pribadong fishpen (sinakop ang 34,000 ekt. noong 1983) at mga pabrika na sa kasalukuyang datos ang umaabot na sa 1,572. Hindi lang ‘yan. Ang pagiging ligal na i-pinans ng gubyerno ang mga nais gawing proyekto ng mga pribadong kumpanya ay naisakatuparan sa panahon ng administrasyong Cory. Ang Laguna Lake Master Plan 1995 ni Dating Pang. Ramos na pinagpatuloy sa ilalim ni Estrada at ang maanomalyang P18.7 Bilyong dredging project ni Dating Pang. Arroyo ang mga huling larawan ng pagkabigong malutasan ang problema ng mamamayan, lalo na ng mga unang naapektuhan nito, at nagbunga pa ng mas malalaking problema. Sa pagsasabi pagpapaulad ng Laguna de Bay ay ang pagwasak sa kabuhayan ng mga mangingisda niot. Lumiit ang huling isda dahil sa mga peste katulad ng Knifefish, Janitor Fish, at ang Chinese Softshell Turtle.

Paano pa kaya ang LLEDP?

PAGSASALARAWAN Ang LLEDP o Laguna Lakeshore Expressway Dike Project ay isang proyekto umano para muling ibalik ang dating saysay ng pinakamalaking lawa ng Pilipinas, ang Laguna de Bay. 47 kilometro ang haba nito na magsisimula sa Los Baños, Laguna at magtatapos sa Bicutan, Taguig. Kinakailangan tambakan ng lupa ang 700 ektarya upang gawing reklamasyon. Aniya, makakatulong ito sa pagbawas ng trapik na nalilikom hanggang 35 minuto na lang sa ngayo’y 90 minuto.

Ang pinansyer ng P123 bilyong

proyektong ito’y mula sa loan o panibagong utang sa International Monetary Fund at World Bank. Ito’y ipipinansa ng gubyerno samantalang ang mga pribadong kumpanya ang gagawa ng proyekto. Sa kasalukuyan, apat ang kwalipikado upang gawing partner sa proyektong ito. Ang Team Trident (kasunduan ng Ayala, SMDC, Megaworld at Aboitiz), AlloyPavi-Hanshin (kasama ang kumpanya ng bisnesman at dating Sen. Manuel Villar), Rainbow Consortium at San Miguel Corporation. Ayon sa Built-Operate-Transfer na nature ng PPP, ang sinomang kumpanyang hahawak sa proyekto ito ay pagmamay-arian ang LLEDP sa loob ng 37 na taon. LARAWAN NG PAG-UNLAD (NINO?) Para kanino ba ang pag-unlad na ito? Ang panibagong utang gubyerno sa proyektong ito sa mga mga ‘American-backed’ loaning agencies na IMF-WB ay dagdag sa kasalukuyang utang ng bansa. Ayon sa Kabataan Partylist, 61,000 ang utang ng bawat Pilipino kahit ang mga nasa sinapupunan pa. Kasabay pa nito ang mga requirements ng mga loaning agencies at isa na rito ang liberalization ng merkado sa Pilipinas. Habang magpapakasasa sa biyaya ang mapipiling kumpanya, mahigit 300 namang mangingisda sa Taguig pa lamang ang mawawalan ng kabuhayan dahil dito. 3.9 milyong pamilya na nasa tabi ng lawa ang direkta ‘di direktang pwersahang gigibain. Magiibang ulam naman ang mga nasa Kamaynilaan dahil sa 40% ng pagkaing isda sa Kamaynilaan ay mula sa Laguna de Bay.

Wala pa rito ang isyu ng kalikasan kung saan may banta sa patuloy na naglalaho ng mga uri ng isdang nakikita sa lawa. Sa kasalukuyan, anim na lang sa dating 43 na uri ng isda ang matatagpuan sa lawa. LARAWAN NG NAMUUONG DALUYONG Para sa Save Laguna Lake Movement, grupo ng mga mangingisda at nangangalaga sa kalikasan, isang bangko kung maituturing ang Laguna de Bay. “Ang sabi nga ng matatanda rito tungkol sa lawa, ‘Bangko mo ‘yan, anak. ‘Kung lumusong ka lang, siguradong mayroon kang mawiwithdraw na pang-ulam, pambigas. Sigurado ‘yan,” sa panayam ng independent-filmmaker na Tudla Production noong Hulyo 25 kay Ronaldo Molera, tagapag-salita ng grupo. Nagpapatuloy ang mga mangingisda ng Laguna de Bay upang ipanawagan sa mga nasa posisyon na dinggin ang kanilang hinaing. Aanhin ba ng bansa ang pag-unlad kung mismong ang mga may unang nangangailangan sa biyaya ng lawa ay maitataboy sa alam nilang pagkakakitaan? Bukod pa ang di kaakit-akit na tanawin ng lawa na maaaring mangyari kung may isang napakahabang semento ang nakatabon sa paligid at ang epekto nito sa kalikasan. Hindi pa huli ang lahat. Maibabalik din sa larawang dating kinagisnan ang lawa. Isang larawan ng kasaganaan at kagandaan na para sa lahat.

‘Yan ay sa tulong ng bawat isa.

SANGGUNIAN: PAMALAKAYA-Pilipinas, Save Laguna Lake Movement, Anakbayan-Taguig, www.gov.ph

Ang mga larawan ay pagmamay-ari ng mga susunod: Kathy Yamzon (mga nasa itaas na mga ritrato); Bagong Alyansang Makabayan-NCR (ritatro blg. 1,3,4 mula sa kaliwa); Liga ng Mga Kabataang Propagandista (ritrato blg. 2 mula sa kaliwa).


FEATURES

9

ANG PILIPINAS AY

may mahabang kasaysayan na nagiging tila isang palaruan ng dalawang malalakas na bansa upang ipamalas kung sinong higit sa isa. Inokupa ng Ingglatera ang Maynila noong 1762-1764 resulta ng pangingialam ng Espanya sa Pitong Taong Gyera. Ang pagiging kolonya ng bansa sa kamay ng Estados Unidos simula 1900-1946 at ng Hapon noong 1941-1945 ay dalawang magkaibang pangyayari ngunit iisa ang dahilan: ang pagkatalo ng isa at pagkawagi ng kabila sa labanan ng dalawang naghaharing imperyalista. Ang kanilang tunggalian ay dahil sa iisang layunin: para sa karangalan; para sa kayamanan ng mga kolonya ng natalong bansa, at; sa karangyaan na sila’y nakatalo ng kanilang kauri upang katakutan sila at pagharian ang mundo sa bawat sangay ng nagpapaikot nito. Ayon sa eksplenasyon ng Mount Holyoke College, ang imperyalismo ay ang pagukit ng isang bansa ng ‘status quo’ mula sa kanilang kagustuhan. Ang isang impe, sa maikling pagpa-

IIMPE

*

pangalan, ay direkta o di-direktang nagiimpluwensiya sa tatlong salik ng isang mas maliit na bansa: ekonomiya, kultura at politika. Isa muling tunggalian ang namumuo. Sa pagitan naman ni Uncle Sam at ng Dragon. Ang isa’y nangangailangan ng tyansang maipanalo ang laban at ang isa’y nangangailangan naman ng panalo. Sino ba ang dehado at sino ang makikinabang? Nalilito na si Juan. Kailangan niya ng liwanag sa gitna ng naglalakiha’t nagbabanggaang pader. COMEBACK TO UNCLE Malaki ang pangangailangan ni Uncle Sam upang panatilihin ang trono sa kanya. Sunod-sunod ang pagkatalo nito sa bawat aspekto ng kanyang pagiging dakilang imperyalista. Isa na rito ang 2008 Financial Meltdown na naging dahilan ng World Recession at ang pagkwestyon sa katatagan ng Amerika. Hindi rin maisasantabi ang lumalakas na boses ng mga lumalaban sa pagbihag ni Uncle Sam sa kanyang mga ‘ka-alyado.’ Patuloy ang pag-arangkada para tanggalin ang kadena ng pagkaalipin sa pamamagitan ng pagkontrol sa ekonomiya (free trade at pribatisasyon para maka-utang sa kanila), pulitika (pagsigurado na ang kanilang back up ang maluklok) at kultura (pagpapakain sa mamamayan ng kultura ng pagwawalang-bahala).

WARS:

KARANGALAN, KARANGYAAN, KAYAMANAN

Ang EDCA ay direktang dahilan ng kaniyang kagustuhang ipakita na siya’y may asim pa. Ang polisiya ng US na “Pivot to Asia” na nagresulta sa Pilipinas ng Enchanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ay layong itayo muli ang bandera ng imperyalismo sa ngalan ng US. Tahasan nang pinabulaanan ni US Pres. Barack Obama ang partisipasyon ng Amerika para depensahan ang Pilipinas sakaling sakupin ang bansa ng Tsina noong siya’y nasa bansa para sa isang State Visit. Taliwas ito sa dahilan ng Malacañan kung bakit kailangan ang EDCA (at US). Sa katotohanan, walang balak ang US na awayin ang Tsina. Ang panghihimasok nito ay para lang ipakita sa Tsina kung bakit siya ang naghaharing impeyalista at sa mga taliwas upang takutin na huwag mag-aklas.

Amerika. Tunay na tinalikuran nito ang konseptong paglilingkod ng buo sa sambayanan na tinuro ni Mao TseTung, isang lider ng Partido Kumonista ng Tsina. Handa na siya makipagkompetensya sa mga imperyalistang bansa. Kaya hindi na kataka-takang kahit ang pang-aapi sa mga maliit na bansa’y nagagawa na nito.

IN THE RED CORNER Ang Tsina ay tulad na ng Amerika sa kanilang mga unang taon. Nakapagtala ito ng 14.4% market share sa global market noong 2010 na kahawig ng 15% share ng Amerika noong 1900 ayong sa foreignpolicy.com. Kasabay rin ito ng mga pagkilala bilang pangalawang pinakamayamang kapitalista, may pinakamalaking sakop sa ekonomiya at pinakamaimpluwenyang ekonomista. Lahat ay kasunod lang ng USA. Hindi rin maitatanggi ang US $ 17.4 Milyong utang ni Uncle Sam sa Beijing — ang pinakamalaking utang ng

HOY PINOY AKO(?) Sa gitna ng laro nito ng mga imperyalista, hindi na dapat manaig pa ang pagkakawatak-watak. Kung ang mga dating inaakalang kaaway ay buong sumuporta sa laban ng bayan, hindi ba’t ito ang pinakamatamis na tagumpay ng demokrasya? H’wag na nating hayaan pa na maipagpatuloy ng mga imperyalistang bansa na gawin tayong isang palaruan upang malaman kung sinong mas nakakaangat at kung sinong maghahari sa Asya at Pasipiko. Hindi ibang lahi ang tinawag ni Inang Bayan para palayasin ang mga kolonyalista noong 1898. Kung ‘di si

Pagsusuri sa pagkamkam ng Tsina sa West Philippine Sea at panghihimasok ng Estados Unidos sa soberanya at kalayaan ng Pilipinas. Panulat ni Neil Daryl Sulit | Guhit ni Lanz Christian Buyao *pinaikling salita sa imperyalista. Nangangahulugan ng pagkamkam ng malalaki at mas makampangyarihang bansa sa mga mas maliit at/o mas mahinang bansa.

Bonifacio, Sakay, Luna, Del Pilar, Jacinto at iba pang mga bayani ang tinawag nito.

Tayo nama’y tinatawag ngayon muli upang tindigan ang imperyalismo upang makamtan ang tunay na kalayaan.


10

FEATURES

HOW TO PROTECT YOURSELF FROM MALWARE FEATURES

Written by: Jeffern Dave Ando| Graphics by: Lanz Christian Buyao 65% of internet users became victims of malware attack in 2012, according to Norton Security. How much we know to protect ourselves from this so-called “malware attacks?” Malware attack becomes one of the most problem of the internet generations. This can slow your work, fraud your identity or, worse, crash your system. We also feel a malware-like attack in our daily life as students. Like computers, we love to work hard, insert many information as possible and . So, it also not possible for us to be threatened with this “malware.” Apparently, it’s not your technological jargon. Our malware is the campus represions. Policies whose ideas aren’t consulted or analyzed by the students, but, forced by the officials for the so-called ‘professionalism.’ Policies such as compulsory uniform, haircut or proper grooming, even the dos and don’ts of students like questioning professors about their attitude towards the students. These are our malwares. Like all malwares, nothing came out as weed. It was polished in a way we can’t figure out between the edges and the marks. If you wish to continue this article, please know that you’ll be aware on how to be protected after.

THE THREAT

It crashes your freedom. The reason behind the repressive campus policies is the uncompromise prespective between the administration and the students. Administration officals are forced to comply with the state policy of apathy or else, if tagged, will lose significant amount of money that runs the institution. The political system, which we are all entangled, promotes the youth to stop critical analysis of everything. As the institution whose main responsibility is to educate, they don’t have a choice but to force (in some school) the students without blatant disregard of democracy.

HOW DOES MALWARE STARTS?

Like all other scams, malwares are said to be performed by you consciously and unconsciously. They study our behavior, or, above anything else, they’d became students, too. So tricking us to agree is indeed an easy job for them. How did they got us to say yes? They package it with good words. In example, compulsory uniform policy. It’s a legend that uniform will teach us to be professional. However, it not the uniform that will teach us to be one. It is the subject professors teach and the outside-the-campus lessons we got. Sometimes, we just clicked a fake message of grades. As students, we are attracted to grades. If we click yes, they will favor us. But, if we don’t click it, silent repression will undergo. There is a great risk of clicking the malware drive. It’s the risk of our freedom, our

right to express ourselves. It will cost the future students their free thinking, too. Especially without protection.

FACES OF MALWARES

In the University of Santo Tomas, there is a hair policy that is taking the Tomasinos to say no. According to an interview of Union of Journalists of the Philippines-UST to Aly, not her real name, subjects do make her stand out in academics not her purple hair. As simple as restricting your hair color into one is a form of repression. Repressions can be seen in our inability to choose not to go to chapel or designated ‘worship centers’ during novena (especially as State university, we must excercise the separation of Church and State, as well as, religious freedom) or compulsory uniforms from which the issue is not of economic reason, but, our ability to wear any clothing that we are comfortable with. Bottomline, repression is violation of whatever our constituitional right said as democratically-correct to do as student-citizens.

HOW TO PROTECT YOURSELF FROM MALWARES

1. Make sure you are being updated. We are not the only students in the world. Educate ourselves on how our student and youth martyrs defended their rights. Learn from other students with the same struggle as ours. If you already knew how, then keep on learning. The victory will not be forever if we aren’t updated. Learning is like putting a brick to another brick. It will double our protection against any trickery. 2. Be very skeptic of random messages of good f o r t u n e . Believe it or not this is how some repressive policies easy to approve. Be critical with the ideas presented. Analyze base on the perspective of the majority. Is this won’t bother our friends whose economic life is beneath the poverty line? Will this uplift our love for freedom and democracy? Is this for the betterment of the student rights and welfare? If we would like to click it because we want to look good in front of the officials, then, don’t. 3. Remove spam. If we said no. That’s it. Stand firm for the students. Whatever they throw at us, don’t get swayed. 4. Think to the Nth power on who will protect you. They all have to say they are pro-student. Who will pronounce themselves as wolves in front of the sheeps? But, think of this: who has the platform that will elevate the student’s well-being? Mirrors, calculators, renovations, extravagant parties and visitors are just secondary and all can do it with the money the Council has. What is important is how they can awaken our sense of integrity.


LITERARY

11

POEM

Maikling Kwento I have opinions and complaints Yet they have needles and threads Silenced me with hurting stitches And stole my voice, against my wishes I have resolutions and actions Yet they have ropes and handcuffs Restricted my every movement And left me in the hands of torment I have dreams and visions Yet they have blindfolds and flashbangs They didn't let me fall asleep Then preached to me about lies so deep I can get out and tell everyone what is wrong Yet they have stick and stones waiting for me Helpless, I can't protect myself against them For I am a victim of the system

Reniel Dave Espiritu Victim of the System

TULA Pluma ay iwinasiwas Blangkong papel ay natintahan, Nag-alab Ang damdaming, kinimkim ng kay tagal. Nagsisigawang mga salita, Na di malabas ng dila, Sa paglapat sa papel ay siyang paglaya, Sige pa, sige pa! Ilabas mo pa, Ibuhos Ang natitirang lakas, Sa paglabas.. Ng mga salitang di mausal.. Ng bibig, Hayaan mong dumaloy Ang init, At lukubin Ang lamig. Sige pa, sige pa! Idiin mo pa , Ang bawat letra at pagtipa sa makinilya, Hayaang magtalik Ang mga salita at ideya, Sige pa, sige pa! Ibaon mo pa, Nang Ang bawat pantig ay magmarka, Sa puso at isip ng masa . Sige pa, sige pa! Ilabas mo ,... Ilabas mo pa ang pagnanasa, Nasa na mapalaya Ang bayan sa halimaw na sistema. Idiin mo,... Idiin mo pa , Nang makawala sa panglalapastanga’t pang-aalispusta. Ibaon mo,...ibaon mo pa ng todo, Pagtibayin pusong rebolusyunaryo .

Lalaine Aquino Kapag nagtalik ang pluma at sandata

Panay ang tingin ko sa aking relo. Medyo kinakabahan ako ngayon sa hindi malamang dahilan. Marahil siguro na malapit ng dumating ang aming propesor sa oras na ito, ilang minuto nalang ang kailangang hintayin. Hindi na bago sa akin ang paligid kung saan ay puno ng boses ng mga kaklase. Nagku-kwentuhan, nagsisigawan, may ipinaglalaban ang magkabilang panig at kung ano-ano pa. Ganyan ko inilalarawan ang isang silid kapag walang guro. May sari-sarili silang mundo. At eto ako, tahimik lang sa isang tabi, pinagtatyagaan ang ingay sa paligid. Walang kaso sa akin yun. Ang mahalaga ay makapasok ang propesor namin upang magturo at kaming mga estudyante naman ay makikinig at makikilahok sa talakayan upang may matutunan. *** May mga bagay pala sa mundo na kung minsan ay taliwas ang nangyayari sa kung ano yung iniisip natin. Oo, tama kayo. Bilang isang nilalang sa planetang ito ay

hindi ko maiwasang mag-expect o mag-assume sa mga bagay-bagay. Katulad na lang ngayon sa oras na ito. Maaga kaming pinalabas ng aming butihing propesor. Akala ko ay lulubusin pa niya ang oras ng pagtuturo hanggang sa eksaktong oras. Marahil siguro ay nasanay ako sa mga pangyayari tuwing klase noong nasa hayskul pa ako. Isa pang napansin ko ay pagiging late minsan ng mga propesor. Maaaring sa iba ay maganda iyon upang magkaroon pa sila ng kahit konting panahon para matapos ang kanilang gawain. Pero dahil sa kinagisnan kong mundo ay nakakapanibago ito. *** Dumating na ang susunod naming klase. May isa na naman akong napuna mula roon. Halos sa loob ng tatlong oras na pamamalagi sa silid ay wala kang maririnig na ingay kundi ang boses lamang ng propesor. Bibihira lang magsalita ang mga estudyante at iyon ang dahilan kung bakit iilan sa kanila ay nakararamdam na ng pagkabagot at nawawalan na ng interes sa pakikinig. Kung ano-ano na ang

kanilang ginagawa sa kanilang upuan. May mga nakikipag-usap sa katabi, natutulog at kinakalikot ang cellphone. Kaya kung minsan ay napapaisip ako. Maski ako mismo ay nahihirapan na makuha ang mga pinag-aaralan namin dahil sa paraan ng pagtuturo nila. Walang interaksyon ang nagaganap sa pagitan ng guro at estudyante. Kung pwede nga lang sana ay itulad nalang nila ang pamamaraan ng pagtuturo ng hayskul dito. Pero naaalala ko ang sinabi sa akin ng guro ko sa Filipino noong nasa ika-apat na taon ako sa hayskul. "Kapag nasa kolehiyo ka na, hindi na noong tulad ngayon sa hayskul na spoonfeeding. Mararanasan mong lumangoy ng mag-isa. Wala ng tutulong sa inyo. Kanya-kanya na kayo sa inyong buhay." Kung kaya't natatangi talaga ang edukasyon kapag tumuntong ka na ng kolehiyo. Maraming karanasan na ngayon lang matitikman at kailanman ay 'di malilimutan.

Danielle Angela Inobio Klasrum

TULA I May mata ngunit kunwari'y walang nakikita May bibig ngunit takot na takot magsalita May tainga ngunit kunwari'y di makarinig Iyan ang dapat mong taglayin dito sa atin. II Mga nangyayari'y di mo dapat pakialaman Hindi na dapat magtanong pa sa pamunuan May matuklasan ma'y magpanggap na walang alam Kung ayaw mong bawat kilos mo'y binabantayan. III Magsalita laban sa kanila'y kasalanan Kung ang iyong nais ay manatiling lumaban, Aktibista't walang galang ang bago mong ngalan At magiging sentro ng hipokritong usapan. IV Mali ba ang lumaban para sa karapatan? At magsiwalat nang ayon sa katotohanan? Sabi nila'y karapatan mo ang magpahayag Ngunit pinuputol ang 'yong dilang mapaglahad.

V May mapuna ma'y magkibit-balikat na lamang Dahil ang mga iyo'y para sa karamihan; Subukang imulat ang mata't masasaksihan Lahat ng ito'y hindi gusto ng karamihan. VI Dito'y wala kang kalayaan na magsalita Hindi ka rin dapat basta na lang mangusisa Anumang ipatupad ay sumunod ka na lang Upang 'di ka patawan ng kaparusahan. VII Buksan ang iyong paningin, bibig at pandinig Mauunawaan mong may mali sa paligid Patutunayan na walang mali sa paglaban Sadya lamang na may mali kaya lumalaban.

Piz Makin G.*

Bulag, Pipi at Bingi

*a pseudonym


12

LITERARY

21, kaalinsabay ng anibersaryo ng Batas Militar. Batid ng lahat na ito ang magbabago sa takbo ng pamahalaan sa bansa. Batid nila, na bawat isa sa kanila ay maaaring magbuwis ng buhay sa pagkilos na ito. Subalit, sa halip na pagkatakot, kagalakan at kasabikan ang “Napuno na ang mamamayan. Oras na para lumaban. Bukas, isang malawakang makikita at mababakas mo sa kanilang mga paggawa. kilos-protesta ang magaganap upang baguhin ang sistema ng bansa...” Batid din ito ni Karl, kaya sa huling pagkakataon, kinausap nito si Jen “Bukas ang araw ng paglaya. Patawad sana kung ito ang tinahak kong landas, subalit Si Karl ay nagmula sa isang mahirap na pamilya sa Tarlac. Nagtatrabaho sa isang kailangan ng pagbabago. Hindi naming alam kung buhay pa kaming makakauwi sa aming tubuhan ang kaniyang tatay habang ang kanyang ina naman ay maagang namatay na bunmga tahanan. Ngunit batid namin, na namamatay lamang ang isang tao kung wala na siya ga ng isang simpleng ubo na humantong sa pneumonia at tuluyang kumuha ng buhay nito. sa puso at isipan ng mga taong kanyang pinaglingkuran.” Kaisa-isang anak si Karl, at mahal na mahal nito ang ama. “Bago mahuli ang lahat, gusto kong sabihin sa ‘yo na mahal na mahal kita. Isa Tumuntong ng kolehiyo si Karl at nakakuha ng scholarship sa isang magandang ka sa mga dahilan kung bakit ako patuloy na lumalaban. Salamat sa mga alaalang kahit di unibersidad sa Maynila. AB History ang napili nitong kurso, isang hakbang na unti unting kasing-saya ng aking inaasahan.” humubog sa kanyang pagkatao. Sa pag-aaral niya, dito niya lubusang naunawaan ang mga Matapos ng mga pananalitang ito ay niyakap niya ng mahigpit si Jen at dito kabulukan at kasakiman na meron sa sistema ng gobyerno. Dito rin niya naintindihan bumuhos ang luha ng dalawa. Ibinigay ni Karl ang diary niya kay Jen bago ito tuluyang ang layunin ng masidhing paghahanap ng masang aktibista sa katarungan at pagbabago. umalis. Naiwan si Jen na tulala at di makapaniwala sa mga kaganapan. Bagaman bukas ang mga mata niya sa mga pangyayari, minabuti ni Karl na manahimik at “Babalik ka… para sa akin, pangako mo yan”, mga salitang nasabi ni Jen habang h’wag na makisangkot sa mga ganitong uri ng pakikibaka. paalis si Karl na siyang nagbigay lalo ng buhay kay Karl upang ituloy ang laban. Kasisimula pa lang ng ikalawang taon niya noon nang makatanggap si Karl ng Dumating ang araw ng pagkilos. Ang mga nasa Maynila at karatig probinsya ay isang napakasamang balita. Nagkaroon ng welga sa tubuhan na kung saan nagtatrabaho nagtipon tipon sa EDSA, na siyang simbulo ng demokrasya ng bansa. Tinatayang nasa ang kanyang ama. Dahilan ito sa ‘di makataong pagturing sa kanila ng mga haciendero at 300,000 katao ang nakilahok sa unang araw pa lamang ng protesta, kasama na rito ang orpagpapasweldo sa napakababang halaga. Nagkaroon ng marahas na dispersal upang buganisasyon nila Karl at Allen, pati na rin si Jen, na nagtatago sa gitna ng maraming tao. Di wagin ang hanay ng mga magsasaka at ang mga nagmatigas ay pinapalo at walang awang alintana ang pabugsu-bugsong patak ng ulan, at manaka-nakang pagsilip ng haring araw. binabaril ng mga sundalo. 39 ang nasawi, mahigit isandaan ang nasugatan sa nasabing Iisa ang kanilang layunin at adhikain, pagbabago sa sistemang umiiral sa lipunan. Isang dispersal. Isa ang ama ni Karl sa mga nasawi. Basag ang bungo nito, may tatlong tama ng layunin na sinuklian ng mapait na alaala. bala sa dibdib at isa pa sa sentido. Habang nagsasagawa ng programa, isang granada ang sumabog sa gitna ng mga Hindi matanggap ni Karl ang nangyari sa ama. Umasa itong makukuha nila ang tao, dalawa pa sa kanan at isa sa likod. Pagkatapos ng mga pagsabog ay mga tunog naman hustisya sa mga kaganapan mula sa gobyerno. Subalit kabaliktaran ito sa kanyang inaasng baril ang umalingawngaw na di mawari kung san direksyon nanggaling. Pulasan ang ahan. Isinisi ng pamahalaan ang pangyayari sa mga magsasaka dahil umano sa pagiging mga tao, naghahanap ng sari-sariling lugar upang proteksyunan ang kanilang mga buhay. padalos dalos ng mga ito. Makalipas ang halos dalawampung minutong sigawan, iyakan at putukan, nagkaroon ng Hindi alam ni Karl ang gagawin. Mabuti na lamang at nariyan si Jen, galing pansamantalang katahimikan, 227 ang bilang ng namatay, mahigit tatlong libo ang sugasa angkan ng mga pulitiko na nakabase sa Capiz, at ang lihim na iniibig ni Karl simula tan. pa man ng pasukan. Nagawang huminahon ni Karl ngunit hindi ang manahimik muli. May isang lalaking nakaitim na may hawak ng bandila ng Pilipinas ang naHinikayat sya ni Allen, isang lider-estudyante na sumapi sa kanilang organisayon. Si kasandal sa pader, may tama ng bala sa batok at wala nang buhay. Nakilala nila iyon, Allen, tulad ni Karl ay mayroon ding masamang karanasan. Napatay ng mga sundalo ang lalung lalo na si Jen. Hindi sya maaaring magkamali, si Karl yun. Ang lalaking wala nang kanyang ama at ina habang naglalakad papauwi sa kanilang tahanan sa Rizal. Umano’y buhay na iyon ay si Karl. Hindi makapaniwala si Jen sa kanyang mga nakikita, at wala napagkamalan silang mga tagasuporta ng mga rebelde sa kanilang lugar. itong nagawa kundi umiyak sa tabi ng bangkay ni Karl. Hindi naging madali ang pagpapasya para kay Karl. Humantong pa ito sa pag Isang linggo ang lumipas at hawak ni Jen ang diary ni Karl. kagalit sa kanya ni Jen, dahil para kay Jen, walang mapapala si Karl kung sasali ito sa “… Mawala man kami, may organisasyong inalok sa kanya ni Allen. Subalit, buo ang loob ng binata na panahon na bagong henerasyon na sisibol upang siya naman ay lumaban din sa mali. Nagtapos sa isang matagal na katahimikan ang upang ipagpatuloy an gaming maganda sanang pagsasama na nabubuo sa kanila. adhikain. Patuloy kaming Dumating ang araw kung saan nanumpa si Karl bilang kasapi ng organisasyong mabubuhay sa puso ng pinili niya. Adhikain nito na mabago ang lipunan, paglaban para sa bayan at naaapi, iba. Patuloy sana akong pagkakapantay-pantay at gugulin ang buhay sa mahahalagang aspeto nito. Naging masigla buhayin, sa puso’t isipan siyang kaanib sa grupong ito, at kabi-kabilang kilos-protesta ang kanilang ginanap sa mo, mahal kong Jen.” Mendiola, Ayala, Batasan Pambansa at Liwasang Bonifacio. Walang halong pagkatakot Tumayo si Jen na at pangamba sa mga dispersals na ginagawa ng awtoridad ang maaaninag mo sa kanilang tatag ang nananaig sa sarili. mga mukha. Batid niya, kailangan niya Kasabay ng pagigng aktibong kasapi sa organisasyon, gumagawa pa rin si Karl ring lumaban, para sa isang gang paraan upang mapalapit muli kay Jen. Subalit, sarado ang isip ng dalaga, kaya’t bigo nap na pagbabago at kalayaan. lagging naalis si Karl. Agosto 16, isang masamang balita muli ang dumating kay Karl. Limang tama ng -------baril ang kumitil sa buhay ni Allen habang nagsasagawa ito ng progarama sa isang piket (Ang maikling kwento na ito ay sa Taguig; isa sa sikmura, dalawa sa ulo, isa sa kaliwang balikat at isa sa tadyang. Higit naisulat taong 2007, bilang bahagi na nagpuyos ang adhikain na makamit ang hustisya sa kaloob-looban ni Karl. Siya ang ng proyekto ng may-akda sa asignatura humalili kay Allen bilang lider ng kanilang organisasyon. Sa ilalim ng kanyang pangunna “Literaturang Pilipino”) guna, naging mas madalas ang mga pagkilos na may tema ng hustisya para sa kamatayan ng mga katulad ni Allen. Di nila inalintana ang matinding sikat ng araw, mga pasa mula sa *Si Felix Eraño P. Uy ay dating mapalo ng mga pulis, at manaka nakang paghuli sa kanila. Nagkaroon ng pressure sa pamanunulat ng The Chronicler at nagtapos halaan matapos nitong mabatid na unti unti ay dumarami ang mga grupo’t indibidwal na ng kursong BS Accountancy. Siya lumalahok sa halos araw-gabing mga kilos-protesta. ngayo’y part-time instructor sa Isang pangbuong bansang pagkilos ang binalak nila na gaganapin sa Setyembre PUP-Taguig Setyembre 20, 2007

In Her Lover’s Blood ni Felix Eraño P. Uy*

May

nais mailimbig na gawang pampanitikan? I-send ito sa thechronicler.publication@gmail. com . Baka ang gawa mo na ang susunod na mai-publish. Bukas sa mga estudyante, guro at alumni ng Pamantasan


CREATIVES

13

KROMIKS Angie Abuyog

Byaheng Kinabukasan by Allely Salamanca

SIPAHAY SIPAHAY

pagsipat sa araw-araw na tunggalian sa buhay ni Juan

Wagayway, Kuha ni Phoebe Grace Gran


14

COMMUNITY AND CULTURE

Linya #1: Kay ishtudent 1: Bawal, di ka nakauniform *Dumaan si ishtudent 2* FLIES AWAY

U SPEAK! Mula sa mga panayam ni Janmel Po

Epektibo ba ang Konseho sa pagiging boses ng mga estudyante sa unang quarter ng kanilang panunungkulan?

Oo, naging epektibo ang pamamalakad ng CSC, dahil ginagawa nila ang mga gawain nila bilang boses ng mga estudyante sa loob ng sintang paaralan.Aktibo sila sa pamamalakad ng mga alituntunin sa paaralan. Alosyius Probadora BSME 4-1

Hindi ko ramdam ang CSC Ngayon , pero alam kong gumagawa sila ng effort kahit maliit o konti lang para sa sinasabing pagbabago, mas epektibo yung dating CSC noong nakaraang first quarter.

Kamusta mga beks?! Miss nyo ba’ko? Kaway-kaway sa mga maba-butthurt ulit dyan ngayong edisyong ito! mehehehe. Una, maganda ako (oo una dapat yan ‘teh). Pangalawa, MALIGAYANG PAGDATING MGA ISKOLAR NG BAYAN! Mwah! Mga isko’t-iska, ready na you to ask... sinetch ang nagsabi ng linyang itey?!

PUPTips:

Christian Jay Morales BSEE 2-1

Oo,nararamdaman ko ang CSC having epektibo sila in terms of pagpapahiram ng materials tulad ng speakers,Calculators and projectors.

Danna Erika M. Bocar BSIT 4-1

Kung mare-revise nila ang hair policy. Kasi magulo sa mga estudyante. Kung may kulay papaitiman. Kung natural na ang kulay ng buhok paiitiman pa rin. Erika Escribir BSE-E-4-1

Linya #2: Less gastos and more transparency tayo this year.

2

3

[literary] folio

Uhm, sa mga friendships here at sa planetang Mars, Umaabot lang po ang badyet natin ng P40K. Bukod Maiba naman. Sa wakas gets n’yo ang word na trans- sa pagpublish na umaabot po ng P20K, marami po parency at less gastos. Mahirap nga kasi kumita ng kaming pinaggagastusan katulad ng mga conventions pera lalo na walang bago sa ekonomiya ng bansa kahit kung saan nananalo po tayo. maglakad pa ko sa London. Wala naman kaming isyu kung maglabas kayo ng Sana lang po next time qourum ng mga student sa folio. I mean, ‘di ba ikaw pa nga nagsabi walang campus policy? Walang koneksyon ang mga polisiya plastikan? Pero who are u para siraan kami sa ibang sa handbook, eh. opisyal? Wag ganern. Patas kami lumaban. May bayag REKLAMO? ISUMBONG MO KAY KRONIK KAT! kami beks. PS: 2 issues kami diz sem. Para ‘yan sa Mag-message sa aming FB account at ipaparating natin ‘yan sa mga PUPTians di para magpabango sa mga opisyal. kinauukulan one way or another (like the 1D song).

written by: Noah Giray

Pumasok sa klase. Hanggat maaari, iwasan ang ‘pag absent sa klase kasi mahirap habulin ang mga lesson kung NAKALIPAS na! Baka masaktan ka lang (kasi hindi mo agad maintindihan). #hugot

Tinakot mo pa sila. Bruh, mga member mo ‘yan na jusko, sa tagal mong officer (like last year pa) ‘di mo pa napapatunayan na iba ka sa nakaraan. Syempre, ang laki ng org fee nyo tapos ngangabels sila? Kwestyin ‘yan sa ano ang ginagawa mo sa org fee nila at kamusta naman ang nakalipas na pera. Reminder lang: Org kayo di kayo bangko. Ang hirap kaya kumita sa Cubao ngayon ng pera tapos kapag nagreklamo mga members nyo tatakutin nyo. H’wag bro. Sayang.

At ganito lagi ang eksena sa gate ng Sintang Paaralan. Bukod sa napakawalang kwenta proper grooming (dahil wala sa pananamit ang kagandahang-asal), eh, waley rin ang pagpapatupad. One monday morning, aba sipag ni koya mag-inspect pero nang nag-10:30am na, nyak! ‘Yon pala dumating si Madam Mega Star. Nakakaperwisyo mga friends. Lalo na kung ang sadya mo lang ay magmiting sa thesis dahil mas maaaliwalas sa school. ‘Di ba mas nakaka-enganyo mag-aral kung Linya #4: Ang Kronik wala pang sariling bet mo damit na suot mo?

Paano pumasa at hindi umasa t’wing exam week? 1

Linya #3: Isasauli namin ang org fee n’yo!

4

Makinig at isulat ang mga mahahalagang detalyeng na nagmumula sa mahiwag bibig ng inyong prof. Tandaan, hindi lahat ng nasa libro ay sinusunod ng ibang prof, ang iba ay sinusubok ang inyong galing sa pakikinig.

5

Kung bukas na ang exam , maglaan ng oras para mag review. Mas mabuting isa o dalawang araw bago ang exam ay nakapag review kana. Sabi nga “daig ng maagap ang masipag”.

6

Ilayo o itago muna ang mga gadget tulad ng celphone, dahil aminin mo man o hindi, oras na magvibrate ang ‘yan, matutukso kang basahin ito at mawiwili ka ng magtext lalo na kapag si crush ang nagtext (we feel u beh). Huwag pairalin ang katamaran. Kung oras ng pag rereview, mag review. Aminin man natin , mas mabilis pang pampatulog ang pag aaral kaysa sa pag inom ng sleeping pills. Hehe. Ang pinaka importante sa lahat, maglaan ng oras para sa sarili. Huwag isubsob at i-pressure ang utak kaka-aral, (baka biglang sumabog ‘yan fre!).Bigyan ang sarili kung ano ang ikakasaya at ikare-relax ng ating katawan.

... so shall the Chronicler strive in its pages to foster nationalism guided by faith in the Creator. For it deeply believes that a man who love his God and country shall never go wrong in his dealings with his fellow beings. -- 1992-1993 Editorial Staff, Reasons of Being Vol. 1 No.1 July-Oct. 1992

PUP-Taguig’s only student-run news-feature magazine video is now on its 2nd season! PUP TrendiV, a project of BSIT 3, will be more socially elevant this year. They will discuss issues like the “Pambansang Photobomber” and the implementation of K12 curriculum next year. Visit them on their social media accounts to view their past and present videos.

2

685 PUPTians joined the 39th edition of MIlo Marathon last July 26 at Seaside Boulevard, Mall of Asia. This made PUP-Taguig 3rd biggest participating school in the event. Ms. Cherry Mae Potenciano, VP for Internal Affairs of JMA-PUPT and event coordinator of the campus thanked everyone for participating.

685

4

Four weeks of sweat and fun! PUPTians enjoyed the month-long Zumba dance activity of Junior Philippine Management (JPMAP) PUPT with Emergency Response Group. Zumba classes are set every Thursday of August in front of Cayetano Building was appreciated by PUPTians, students and faculties alike.

035

In accordance to Disaster Risk Management Act, PUP System is stepping up its effort to create a safer enviroment for PUPians. Memo No.030 S.2015 insists every students and teaching and non-teaching personnels to have a flashlight and whistle together with the Identification Card (ID).

REPLAY

To celebrate The CHRONICLER’s 23 years of committed journalism, let’s look back to some qoutable qoutes from our feautured articles of the past.


COMMUNITY AND CULTURE Si Charles Darwin na ang nagsabi sa kanyang librong ‘The Descent of Man’ na gamit ang musika, ang mga tao ay naa-attract sa isa’t-isa. Marahil lahat ng lang ng galaw ng tao may katapat ng awit. Sa pag-iibigan, pagmamahalan, at hanggang sa hiwalayan may kanta. Isang website na puro awit ay nag-iindorso sa kanilang sariling playlist habang ikaw ay naglalakad kasama ng iyong aso. So, hindi na talaga natin matatanggal ang musika. Ang kagandahan siguro nito, nae-express natin ang ating saloobin gamit ang mga awit. Ang hindi kagandahan, kahit ang mga bagay na dapat itinuturo personal ay naipapahayag na tila ba kasindali lang ng paglalakad kasama ng iyong alagang hayop. ANO’NG NASA PLAYLIST MO? Oo nga, ano’ng nasa playlist mo?

DEDICATION SONG Awit ang salamin ng ating kultra. Sa ating henerasyon ngayon, mas naging malalim ang pagkakabaon ng tunay na kahulugan ng awit. Sinasabi rin sa pag-aaral ng George Mason na ang mga awit ay nababalot sa primarya at sekondaryang kahulugan. Maaaring sa primarya ang kahulugan ay literal na pag-utos na mag-twerk katulad ng sikat na artista sa Hollywood, ngunit, sa sekondarya, paghikayat na galingan pa ang katawan sa mas senswal na gawain (dahil pagsasalarawan ng twerk ang isang sekwal na pamamaraan). Noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, awit ang naging dahilan para itaas ng dangal ng mga sundalong nakikipagdigma at yurakan at gawing katatawanan ang kalaban katulad ng Praise the Lord and Pass the Ammunition o Der Fuehrer’s Face ni Oliver Wallace na ginawang katatawanan ang mga Nazi.

Salamin ng kulturang kinabibilangan ng henerasyon ang awit na umuusbong kasabay nito.

Pagpain sa mga kabataan sa kanilang emosyon upang pagurin ang mga ito sa paghabol hanggang sa makamit ang pansariling interes. Ang katagang, ‘bayan o sarili’ ang pinakamagandang paghahalimbawa sa nangyayari ngayon sa ating mga kabataan.

Ayon sa isang pag-aaral sa George Mason University ng Virginia, Estados Unidos, ang mga liriko ay nagkekwento ng buhay sa panahong kaniyang kinabibilangan.

Dahil sa pinaka-krusyal ang edad ng mga kabataan sa paghubog ng ating bansa, dito tayo tinitira upang ilarawang mas maaliwalas ang buhay ng walang pagkwestyon.

Binigyan nito ng pansin ang ilang mga awiting umusbong sa Estados Unidos katulad ng usapin ng diskriminsasyon sa pagitan ng mga puti at itim noong dekada ‘70.

Pagbulag sa mga kabataan ng kanilang emosyon upang hindi maikonekta ang sarili sa lipunan ang highlight na ideya sa kasalukuyan. Nailalayo tayo sa mga usaping mas malaki ang impluwensya sa kinabukasan ng bayan.

Isang halimbawa ang awitin ni Neil Young na ‘Alabama’ at ‘Southern Man’ na isang kritisismo sa oposisyon ng mga namumuno at ilang prominenteng tao lalo na sa Silangang Amerika tungkol sa racism at anti-slavery. Binalikan naman siya ng bandang Lynard Syncard mula sa Silangan sa kanilang awiting ‘Sweet Home Alabama’ noong 1974.

Kultura kung saan isinawalang bahala ang kahalagahan ng aktibismo, usapin ng hustisya sa pagkakapantay-pantay at pagiging parte ng solusyon. Bagkus ang pinopokus ay ang alitan sa pagitan ng dalawang magkaribal ng palabas sa telebisyon o ultra-liberal na pagtangkilik sa sex. Ginagamit ang mga awitin upang kondisyunin ang isipan. Sa kasaysayan, naging malakas ang gampanin ng mga awitin para sa mga iba’t-ibang interes.

Sa Pilipinas, ginamit naman ng ilang Pilipino tulad nila Freddie Aguilar, Gary Granada, at bandang Asin ang musika upang ipahayag ang kultura ng pag-aaklas [na lalo lumalakas upang] laban sa pasismo at panunupil ng mga demokratikong karapatan sa ilalim ng Martial Law. Isang magandang halimbawa ang awitin na pinasikat ng bandang Asin at pinamagatang, ‘Balita’.

Basahin ang unang mga letra ng awit: “Mula ng makita ko ang lupang ito/ Nakita ko rin ang munting apoy sa puso ng tao/ Ginatungan ng mga kabulukan hanggang sa lumago/ Ngayon ang puso’y may takot sa lupang pinangako”

Ginamit ng mga mang-aawit ang musika upang pukawin ang mga Pilipino sa mga nangyayari sa bansa sa harap ng paggamit ng Dating Pang. Marcos sa midya upang pakainin ng ‘kabulukan’ ang mga Pilipino at matakot mag-aklas.

15

Natural na interes ng mga kabataan ang tumuklas ng bago. Kaya’t ito ang pinupunterya. Mga awiting makasarili at nagiging dahilan ng pagkakawatak-watak at hindi pangingialam ang binibigay sa ating mga kabataan. NEXT SONG PLEASE Ano ang nais nating kinabukasan ang makikita sa ating kultura. Ngunit kung patuloy ang pangingialam ng mga nais ng walang pasasabahala, ang kabataan ang siyang magsasabi ng: “next song please.”

Tapos na ang awitin ng mga bayani at martir. Wala nang nasa unahan kundi tayo.

Sa ating mga kabataan, i-play ang mga awit ng nasyunalismo at patriyotismo. Mga awitin ng pagmamahal sa bayan at gawain ng pagmamahal sa bayan.

Isang repleksyon ng nangyayari sa lipunan ‘di ba?

Awitan natin ang bayan ng mga awit ng pagkakaisa sa kanilang kinasasadlakan. Hindi nila kaya ang koro kung wala ang mga boses nating puno ng sigasig. Hanggang sa mapaos ang ating boses sa kakahiyaw para sa kanilang mga kapwa kabataan, magsasaka at manggagawa.

Ngayon, ano’ng nasa playlist mo?

At tayo ay sabay-sabay aawit: ‘tungo sa pambansang demokratikong lipunan.’


FOCUS

Ritrato mula sa Student Aliiance for the Advancement of Democratic Rights in UP (STAND-UP)

‘DOON NA LANG KAYO SA TSENAAHHH!!!!’ AT ANG ILANG MALING PAGTANAW SA AKTIBISMO

1. Tira lang kayo ng tira. Hindi naman ninyo talaga alam ang nangyayari. Pinag-aaralan ng mga aktibista ang lipunan bago

gumalaw o magsalita. Mga pag-aaral mula sa mga sulat ni Mao, Lenin, Engels at Marx na kahit sa tanda ng mga ito, ang solusyong ibinahagi nila’y sakto pa rin sa kalagayan ng bayan. Sa dahilang ang problema ng mga maralita at masa ay nagpapatuloy. Halimbawa, may pag-aaral na tinatalakay kung bakit naghihirap ang sambayanang Pilipino habang mayaman naman ang Pilipinas.

2. Anong solusyon ninyo? Mag-rali?! Ang pag-rarali ay isang

sangkap ng pagpababahagi sa mamamayan ng solusyon. Pinapanawagan ng mga aktibista ang pagsusulong ng isang pambansang demokratikong lipunan. Isang sistemang nakatuon upang iangat ang kalagayan ng mga pinagsasamantalahan ng mali at bulok na sistema. Ang pagsusulong ng solusyon ay hindi magmumula sa iilan, kundi, sa mamamayan.

3. Tagal na kayong ganyan pero wala namang pagbabago, eh.

Ang pinakamahirap na pagbabago ay ang pagbabagong panlipunan. Hindi nagiging tunay na malaya ang bayan sa isang kisap mata. Maraming balakid mula sa kaaway. Mga kaisipang nagpapalaganap ng eksklusyon ng sarili sa ibang sektor ng lipunan ang pinakamabigat. Gayunpaman, hindi ibig sabihin na walang tagumpay. Nagsisimula ang tagumpay ng sambayanang Pilipino sa maliliit na hakbang.

4. Ayan, ang tindi na naman ng trapik. May rali na naman siguro sa *insert place here*. Wala mang rali, matindi na ang

trapik lalo na sa Kamaynilaan. Ito ay dahil sa walang pagsasakibo ng gubyerno sa mga transportasyong abot ng nakararami. Nais man nilang mag-rali sa mga freedom park sa harap mismo ng Malakanyang at Batasang Pambansa, nariyan ang mga pulis na sumusunod lang sa utos ng nakatataas upang harangin ang mga ito. Kung ayaw ng mga pinagtutungkulan na marinig ang tunay na boses ng kanyang boss, sa kalsada hangga’t sa mas maraming mamamayan pa ang makaalam ng tunay na nangyayari sa ating lipunan. Ang ideya sa pagsulat ng artikulong ito’y nagmula sa “9 common misconceptions about activists and rallies. Number 9 will surprise you” ni Raymond ‘Mong’ Palatino na nailimbag online sa bulatlat.com noong ika-1 ng Hulyo 2014.

5. Bakit pa gawing militante, pwede namang mag-usap.

Narito ang isang analohiya: Walang sumisigaw sa sakit ng kurot sa unang gawa. Sumisigaw ang isang tao kung patuloy at mas tumitindi ang kurot. Kahapon lang ba binigo ng sistema na pakinggan ang boses ng kaniyang boss? o ang kahirapan? o ang kawalan ng katarungan sa kalagayan ng mga mangagawa? Ang militansya ay resulta ng matagal na hindi makamamamayan ng sistema at ang pagkiling nito sa mayayaman, imperyalista at mga ginagawang ganansya ang serbisyong maka-masa.

6. Walang lablayp ang mga ‘yan, mga pariwara’t mga naliligaw ng landas. Hindi man halata, tao pa rin ang mga aktibista.

Umiibig, nasasaktan at tumatawa. Gayunpaman, hindi ibig sabihing nakikita natin sila na sumisigaw ng “ibagsak ang pyudal na sistema!” ay wala na silang pake sa buhay nila. Unang minahal nila ang bayan sapagkat wala nang singtamis pa sa malayang bayan. Maraming aktibista rin ang magpapatunay na hindi pariwara ang buhay aktibista. Mga senador, kongresista, pangulo at sa kahit saang aspekto makikita mo nariyan sila. Pinahahalagahan pa rin nila ang pag-aaral dahil ito ang magpapalaya sa ating kaisipan.

7. Ang boring ng ginagawa nila. Isa siguro sa mga maling pag-

tanaw sa aktibismo ito. Ang paggalaw ng mga aktibista ay base sa galaw at asal ng masang Pilipino. Kung ano ang patok at nakakatakaw pansin, ito ang kanilang ginagawa. Nagha-hashtag din sila dahil mayorya ng Pilipino ay nasa social media. Noong Pebrero naging No. 1 sa social media na Twitter ang #AyokongMagmahal. Dito humugot ang mga estudyante ng mga eskwelahang may nakaambang tuition increase katulad ng UST para maisiwalat na hindi na kaya ng mga mag-aaral ang dagdag-bayarin dahil na rin sa liit ng sweldo ng kanilang magulang habang nagtataasan din ang presyo sa merkado.

8. Gusto ko sanang malaman pa ang kanilang pinaglalaban, pero mukha silang ‘di friendly. Sila na siguro ang pinakamaalalahanin, pala-kaibigan at mapagmalasakit ng mga tao. Ayaw kasi nilang napapalayo sa masa. Marami pang bagay na kailangan mong malaman sa aktibismo. Lumapit lang at magpahayag ng iyong kagustuhang mapausbong ang iyong kaalaman.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.