5 minute read

features

and buying kilos of rice always comes first on the long list of family needs and renting a fancy dress or a tuxedo just for a prom night is nothing but a stupidspendingofmoney. other people’s burdens. So when people are inculcated this virtue early in life, there is no denying that we will live in a better, happier place. People won’t steal, spread fake news, and kill just to fulfill an agendum but will become busy helping one another.

Aside from the prom getups, my students have also to worry about the contribution, makeup, and shoes. The contribution could already put food on the table for the whole family for a day. Makeup is never cheap. And shoes? Well, most of them don’t own a pair as they just go toschoolwithslipperson.

Advertisement

Certainly, putting on another’s shoe allows people to feel, give, and love. When prayers can move mountains (and someone, volcanoes), empathy can bring out human kindness and send studentstoprom.

To everyone who helped my students attend their prom, my most immense thanks. Continue helping the others and sending more students to proms and one by one let usmakethisworldabetter place!Godbless!

Kasabay ng paglagda ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law ng administrasyong Duterte noong ika-19 ng Disyembre 2017 ay umariba rin ang presyo ng mga bilihin. Ang pagsasabatas nito ay napakalaking dagok para sa mgasimplengJuan.

Sa pagsasaliksik na ginawa ng Anakbayan ay napagalamang hindi makikinabang ang mga mahihirap sa TRAIN Law. Sa halip, huhuthutan lamang sila ng gobyerno para mapondohan ang mga proyektong pangimprastraktura na kabilang sa Build,Build,BuildProgramng administrasyong Duterte. Walang makukuha kahit singkong duling ang humigitkumulang na 15 milyong pamilyamulasaincometaxat ang malala ay mas lalo silang ilulugmok ng bagong batas sa kahirapan dulot ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ayon sa tala ng IBON Foundation noong Enero 2018, kada taon ay mababawasan ang kita ng isang rice farmer ng P646; farm-worker, P937; construction worker, P1,141; private school teacher, P1,363; bookkeeper, P1,591; at machinetolloperator,P1,887.

Samantala, ayon pa rin sa IBON Foundation, sa pagpapatupad ng TRAIN sa bansa, ang pinakamayamang 1% at 10%, at mga CEOs ay tatanggap ng karagdagang P80,000-300,00 na take-home pay. Hindi pakasama ritoang buwis na ikakaltas mula sa mga mayayamang 1% sa bansa. Kung iisipin, tila bang mga mayayaman ang nagmamaneho sa tren na handang sagasaan ang mga simplengJuan.

Sa madaling sabi, sa pagpapatupad ng TRAIN ay mas maghihirap ang mga mahihirap ay mas yayaman naman ang mga mayayaman. Kung ganito ang kalagayang ng isang bansa, hindi maikakailang regresibo at hindi progresibo ang TRAIN Law. Samakatuwid, tiyak na ito ay isang malaking dagok para sa mga Pilipinong naghihikakos at walang establengtrabaho.

Sa kagustuhang magkaroonngmasmalapadat magandang daan, matataas na gusali at mabilis na public transport ay mas pinili ng pamahalaan ang traidorin ang mga mamamayang Pilipino. Kailanman ay hindi magiging batayan ng kaunlaran ang napabuting kalagayang pangimprastraktura, sapagkat ang totoong kaunlaran ay makakamtan lamang kapag naibsan na ang kahirapan. Sa madaling sabi, kung ang isang batas ay binubusabos ang mga simpleng mamamayan ay marapat lamang naipawalangbisa ito. Kaya ang pakiusap namin sa gobyerno, itigil ang TRAIN bago pa masagasaan at mamatay ng tuluyan ang mgamahihirapnaJuan.TC

Pederal Mismo

lin ang mas pipiliin mo: ang pamahalaang makikiayon ka o ang isang makikiayonsa iyo?

Bilang isang bansang binubuo ng 7,107 pulo at 40 pangkat etniko, kinakailangan ng Pilipinas ng isang pamahalaan na tutugon sa preperensya at pagkakaiba ng bawat rehiyon. Kailangan ng bansa ng isang pamahalaang makikiayon sa mga Pilipino at sa Pilipinas. Samakatuwid, pederalismo ang uri ng gobyernong babagay sa kultural at heograpikal na kalagayan ng bansa.

Para sa akin, ang pagpapatupad ng pederalismo ay isang positibong pagbabago para sa bansa sapagkat mas bibigyan nito ng kalayaan ang bawat estado o rehiyon sa pagdedesisyon batay sa kani-kanilang kultura at ng karapatan na maitago at gastahin ang mas malaking bahagi ng kanikanilang kita tungo sa panrehiyunal na kaunlaran. Dahil malaya ang isang rehiyon sa pagdedesisyon sa isang pederal na pamahalaan, hindi na nito kailangang umasa pa sa pagpapasiyang ginawa ng central government, lalong-lalo na’t hindi naman ito siguradong nakalinya sa kultura’t paniniwala ng lahat ng mga rehiyon. Napakahalagang maipabatid na ang Pilipinas ay isang komplikadong bansa sa usaping kultural at heograpikal dahil sa malawak na pagkakaibaiba sa pagitan ng bawat rehiyon. Ito ang isa sa mga isyung madaling masosolusyunan ng pederalismo at kailanman ay hindi matutugunan ng isang unitaryong pamahalaan na mayroon tayongayon. ang pederalismo, sinasabing 80% ng kita ng mga estado o rehiyon ay mananatili sa kanilang pamahalaan habang 20% lamang ang mapupunta sa pambansang pamunuan. Kung iisiping maigi, sa pang-ekonomikal na usapin, mas patas ang pederalismo kaysa unitaryo. Sa unitaryong pamahalaan, 100% ng kita ng bawat rehiyon ay napupunta sa national government at ito na ang bahala na hati-hatiin ang kabuuang kita ng bansa sa bawat rehiyon batay sa populasyon at pangangailangan nito sa kabila ng kalakihan o kakauntian ng ambag ng bawat rehiyon. Samantala, sa pederal na pamahalaan naman ay mas may kalayaan sila sa paggasta ng kanilang pera at kung para saan ito gagastahin batay sa pangangailangan ng kanilang estado o rehiyon. Dulot nito ay magkakaroon ng positibong kompetisyon sa pagitan ng bawat rehiyonsa pagpapa-unlad. Ang pederalismo ay kailanman hindi tanda ng pagkakawatak-watak; ito ay simbolo ng pagtanggap sa pagkakaiba ng bawat rehiyon. Naniniwala ako na ang pagkakaisa at kaunlaran ay mangyayari lamang kung matututo tayong tanggapin ang bawat isa at ang ating pagkakaiba. Sa madaling sabi, ang pederalismo ay tugon sa pagkakaiba para sa pag-unlad at pagkakaisa. TC

Inumpog ni Ompong

akaalis na si Ompong at nakarating na rin si Queenie, ngunit ramdam pa rin hanggang ngayon ang pinsalang kanyang idinulot sa bansa.

Ika-15 Setyembre nang rumatsada sa kalupaan ng Pilipinas si Ompong. Sa lakas na 205 kph, bilis na 20 kph, at bugso ng hangin na nasa 255 kph ay siguradong hindi ito lumisan ng bansa na walang malaking pinsala na iniwan. Samakatuwid, ang pagtama ng bagyong Ompong sa bansa ay isang napakalaking dagok sapagkat negatibong naaapektuhan nito ang agrikultura at imprastrastraktura.

Napakalaki ng pinsala ni Ompong. Ayon sa National Disaster Risk Reduction ang Management Council (NDRRMC), hindi bababa sa 1.4 milyon ang apektadong residente matapos rumagasa ng bagyo. Tinatayang 17.9 bilyon ang total cost of damage nito, kung saan 14.3 bilyon ay sa agrikultura habang 3.6 bilyon naman ang sa imprastraktura.

Ang malaking epekto ni Ompong sa agrikutura ay tiyak na magdudulot ng paglala ng rice shortage sa bansa, lalung-lalo na’t malaking bahagi ng suplay nito ay inaangkat mula sa Cordillera Administrative Region (CAR) na pinakaapektado ng Bagyong Ompong ayon sa NDRRMC. Bilang resulta, mas lalong tataas ang presyo ng bigas at ito ay isang malahiganteng pasanin para sa mga mahihirap na Pinoy.

Isa pa sa mga dulot ni Ompong ay ang mga nasirang tulay, putol na mga poste ng kuryente, at mga malalaking punongkahoy na nakaharang sa daan. Direkta rin nitong maaapektuhan ang ekonomiya ng bansa, lalo na ng CAR, sapagkat magiging imposible ang pag-angkat ng mga produkto mula at papunta sa naapektuhang rehiyon. Bilang dagdag, malaki rin dulot nito sa transportasyon at komunikasyon ng mga nasalantanglugar.

Sa pag-alis ni Ompong ay nawa’y dumating naman ang tulong mula sa gobyerno at iba’t-ibang bahagi ng bansa at ng mundo. Sa panahon ding ito na kailangang maging maagap ng Department of Agriculture at Department Public Works and Highways na bigyan ng solusyon ang mga suliraning dala ni Ompong para sa kanya-kanyang kagawaran. Habang naroon pa ang problema ay kailangan naming magingmatatagngmga nasalanta.TC

This article is from: