Ang Enggranahe Vol. 44 s.2023

Page 1

SINAG NG PAG-ASA

SDNTS wagi sa Gawad Katig '22

Tumanggap ng parangal ang Sto. Domingo National Trade School (SDNTS) sa nakaraang Gawad Katig 2022 ng Department of Education Regional Office III (DepEd RO III) na ginanap noong Enero 31, 2023 sa Lubao, Pampanga matapos masungkit kampeonato sa Brigada Pagbasa Advocacy Award.

Pinangunahan nina Dr. May B. Eclar, PhD, CESO III, Regional Director ng DepEd RO III, at G. Jhep Paquing, Project Development Officer IV ng DepEd RO III, ang paggawad ng parangal sa mga paaralang nagwagi. Tinanggap naman nina

Gng. Rowena B. Caoile, Vocational School Administrator I, Gng. Kristine Joyce D. Cabotaje, Brigada Pagbasa (BP) Coordinator ng Junior High School, at Gng. Mylene F. De Guzman, BP Coordinator ng Senior High School, ang nasabing parangal bilang mga kinatawan ng paaralan.

Pinataob ng Project SINAG

o Simulan, Ipagpatuloy, Natatanging Agimat ng ABaKaDa tungo sa Garantisadong Pagbasa ng SDNTS ang programa sa pagbasa ng iba pang mga paaralan sa Gitnang Luzon tulad ng Mayapyap National High School (NHS) ng Dibisyon ng Cabanatuan City, Munoz NHSMain ng Science City of Munoz, Central Azucarera De Tarlac HS ng Tarlac City, at Pacpaco Integrated School ng Tarlac Province.

Ito ay ayon sa resulta ng regional assessment at field validation na isinagawa ng mga kinatawan ng Deped RO III noong November 3, 2022 sa katauhan nina Dr. Ramil G. Ilustre, Education Program Supervisor-EPS (Curriculum and Learning Management Division-CLMD) at Chairperson ng validation team, Dr. Arlon P. Cadiz, EPS (CLMD) at Co-Chairperson, Dr. Anthony S. Dela Cruz, EPS (Quality Assurance Division).

Nilalayon ng Project SINAG na makapaghatid ng isang kompre-

hensibong programa sa pagbasa na tumutugon sa pangangailangan ng lahat ng mag aaral, anong antas man sila nabibilang. Binubuo ito ng mga sumusunod na sub-projects: Project PEARL o Practical Evaluation and Assessment for Reading Literacy, Project SEA o Sustainable and Enrichment Activities, Project RCEL o Reading Corner for Every Learner, Project BASA o Bayanihan sa Pagbasa, ang Hatid ay Sorpresa sa mga Batang Angels, Project TURO o Tutoring Learners towards the Understanding of Reading Materials towards Optimal Development, Project LeJoYS o Learning Journey of Youth in SDNTS, WENG’s Reading Store o We Enhance, We Nurture, We Guide Reading Store, at Project SIR Day o Saturday is Reading Day.

Ayon kay Gng. Cabotaje, BP Coordinator ng JHS, ito ay bunga ng paghihirap at pagtutulong tulong ng mga guro ng English at Filipino sa paghahatid ng isang makabatang

programa. Gayundin ang kooperasyon ng mga mag aaral at mga magulang at buong suporta ng paaralan sa pangunguna ng kanilang VSA I na si Gng. Caoile.

“The feeling is surreal kasi first time natin sumali sa mga ganitong competition tapos umabot tayo sa region, at champion pa kaya talagang super saya ko bilang reading coordinator ng junior high. Sulit ang lahat ng puyat at pagod ng buong department at ng buong school. Pati na rin yung mga magulang, mga stakeholders at mga partners natin. Talagang naging collaborative ang approach natin sa program. Nakita siguro ng mga validators yung genuine na purpose natin kaya napili nila tayo.” ani Gng. Cabotaje sa isang panayam.

Nauna nang kinilala ang Project SINAG ng SDNTS sa Dibisyon ng Nueva Ecija maging sa Congressional District at District levels pati na rin ang Brigada Eskwela Implementation ng paaralan.

EDITORYAL ISPORTS

NGGRANAHE ANG
Ang Opisyal na Pahayagang Filipino ng Sto. Domingo National Trade School | Volume 44, s. 2023 Brigada Pagbasa Advocacy Award
05 08 18
Joakin A. Peralta
BALITA
LIWANAG NG SINAG. Una sa kasaysayan ng Sto. Domingo National Trade School ang pagtanggap ng pagkilala sa Gawad Katig 2022 sa Lubao, Pampanga noong Enero 31, 2023 matapos tanghaling kampyon ng Bigada Pagbasa Advocacy Award sa buong rehiyon ng Gitnang Luzon ang Reading Program ng paaralan na kilala bilang Project SINAG.Provincial Athletic Meet sa Palayan City, Nueva Ecija noong Pebrero 11, 18, at 25, 2023.

SDNTS nagsagawa ng Backyard Camping '22

1k GSP, 900 BSP dumalo

Humigit kumulang 1, 900 na mga scouts: 1, 000 girl scouts at 900 boy scouts, ang dumalo sa ginanap na 2022 Sto. Domingo National Trade School (SDNTS) Backyard Camping noong December 16 at 17, 2022 na naglalayong hasain ang mga mag aaral sa iba’t ibang scouting skills at nagsilbing kulminasyon para sa mga naging gawain sa taong 2022.

Sa pangunguna ng mga koordineytor ng Girl at Boy Scouts of the Philippines na sina Bb. Christian May P. Bolisay at G. James Erwin D. Calma, naglatag ang komite ng backyard camping ng iba’t ibang programa at gawain para sa mga mag-aaral tulad ng Scouting Activities, Leadership Seminar, at Obstacle Courses. Ang mga gawaing ito na may kinalaman sa survival skills ay pinangasiwaan ng mga panauhing rover scouts mula sa outfit ng Juan R. Liwag Memorial High School sa Lungsod ng Gapan at ng mga reservist mula sa 301 Community Defense Center, 3rd Regional Community Defense Group, Army Reserve Command ng Philippine

Army.

Pinaka-inabangan ng mga mag aaral ang obstacle course kung saan iba’t ibang obstacles o harang ang kanilang pinagdaanan gaya ng mga kawayan na kailangang lagpasan, mga gulong na dapat hakbangan, malalaking bato na kailangan talunin, lubid na dapat akyatin, at putik na kailangan gapangin. Matiyagang naghintay ang mga scouts para subukan ang mga inihandang obstacles at bakas sa kanila ang kasiyahan matapos malagpasan ang mga obstacles.

“Yung ibang obstacles ay simple lang pero yung sa lubid ay masaya na nakakakaba kasi gumagalaw sya kaya dapat maingat ka. Mahirap din gumapang sa putik dahil parang ayaw kong madumihan pero no choice, kailangan talagang idikit yung katawan sa putik. Sana lang mas mahaba pang obstacle course para mas exciting.” Sagot ni Vince Lorence Fabros ng 9 Roncal sa isang panayam.

Nagkaroon naman ng paligsahan sa street dancing ang bawat council o grade level nang bandang hapon kung saan itinampok ang

PAHINGA LANG MUNA. Nagpapahinga ang mga mag-aaral mula pangkat ng 10 Dela Cruz matapos ang mga isinagawang programa at gawain gaya ng scouting activities, leadership seminar, at obstacle course para sa Sto. Domingo National Trade School Backyard Camping noong Disyembre 16 at 17, 2022.

mga kilalang festival o kapistahan sa bansa: Sinulog Festival sa Grade 7, Panagbenga Festival sa Grade 8, Pistay Dayat sa Grade 9, Ati Atihan sa Grade 10, Masskara Festival sa

Grade 11, at Palay Festival sa Grade 12. Itinanghal na kampeyon ang Grade 12, 1st runner up ang Grade 10, at 2nd runner up naman ang Grade 7.

Encarnacion, bagong pangulo ng SSG

Pormal nang nanumpa ang mga bagong halal na opisyales ng Supreme Student Government ng Sto. Domingo National Trade School sa pangunguna ng bagong pangulo na si Jason Keith Encarnacion noong Setyembre 21, 2022.

Pinamunuan ni Bb. Alaiza Fernando, guro ng Araling Panlipunan at taga-payo ng SSG, at ng Youth Commission on Elections and Appointments sa gabay ni Ginalyn Sardena, guro rin ng AP, ang panunumpa ng mga opisyales.

Nangako si Encarnacion ng isang holistikong approach sa kanyang pamamahala sa pamamagaitan ng mga programa at proyektong tatalima sa pangangailan ng mga mag-aaral anumang aspeto ito.

“The organization will try to focus more on factors that will benefit the psychological, emo-

tional, or mental aspects of our student.” aniya sa kanyang mensahe.

Setyembre 14 at 15, 2022 nang magsimulang mangampanya ang mga partidong LEAD (Leaders for Excellence and Development), SMART (Student Movement Aiming for Responsible Task), SANDIGAN (Student Association with Notable Diligence, Innovation, Generosity and Novelty), at EURT (Empowering United Rulers of Trade) tumakbo para sa mga posisyon.

Sa limitadong araw ng kampanya, pinaigting ng bawat Partido ang kanilang Social Media at Face-to-face campaign upang makilala sila nang husto at maihayag ang kanilang mga adbokasiya at plataporma para sa mga magaaral.

Setyembre 16, 2022 naman nang ganapin ang eleksyon.

Matapos nito, muling nahalal si Encarnacion bilang Protocol Officer ng Division Federated Supreme Student Government ng Dibisyon ng Nueva Ecija.

Inaasahan ng buong komunidad ng paaralan ang kanilang suporta at pangunguna gayundin ang pakikiisa sa paglago at pagyabong ng ating paaralang sinisinta.

Narito ang mga opisyales ng SDNTS SSG para sa taong panuruan 2022-2023:

President: Jason Keith Encarnacion

Vice President: Aliah Mateo

Secretary: Ishi May Bernardo

Treasurer: Carla Elaijah Garcia

Auditor: Marionne Jade Pascual

P.I.O: Aliah Coline Asuncion

P.O: Danica Gayle Balmores

Daisy Joy Catacutan

Representatives:

Grade 7- Juan Liwanag

Grade 8- Ylhaiza Miles Dela Cruz

Grade 9- Joakin Peralta

Grade 10- Devine Grace Castelo

Grade 11- Mishee Faith Dacquel

Grade 12- John Alcar Fuellos

BALITA 02
Ella Angel Espinosa Jason Keith Encarnacion

Nonato sa Brigada Pagbasa Advocacy Award at 1st Runner Up naman para sa Brigada Eskwela Best Implementing School sa ginanap na Brigada Eskwela ’22 Awarding Ceremony noong Nobyembre 9, 2022 sa Hotel Consuelo, Sta. Rosa, Nueva Ecija.

Ginanap ang nasabing programa upang bigyan ng pagkilala ng Sangay

kinalaman sa Brigada Eskwela. Maliban dito, tinanghal din na kampeon ang SDNTS sa District at Congressional District levels para sa parehong mga pagkilala at pati na rin Best Functional Home Learning Spaces laban sa mga kilalang paaralan sa

De Santos National High School ng Cuyapo.

Dumalo sina Gng. Rowena B. Caoile, Vocational School Administrator I, Gng. Leah Mae Aguilar, SDNTS Brigada Eskwela Coordinator, at G. Rosendo N. Labrador, Ulong Guro ng

Bigo man na masungkit ang kampeonato para sa Brigada Eskwela Best Implementing School dahil sa aspeto ng enrolment, sa huli malaki pa rin ang pasasalamat ni Gng. Caoile sa lahat ng mga tumulong at nakiisa sa laban ng Brigada Eskwela.

SDNTS naglunsad ng Intensive Training sa Campus Journalism

Inilunsad ng paaralang Sto. Domingo National Trade School (SDNTS) ang Intensive Training in Campus Journalism noong Nobyembre 22, 2022 bilang paghahanda sa isasagawang District Schools Press Conference sa darating na Disyembre.

Pinangunahan ng mga manunulat mula sa patnugutan ng Central Luzon State University (CLSU) Collegian, dala-dala ang kanilang angking talento at kaalaman sa larangan ng pagsusulat, gayon na rin sa paggawa at paghahatid ng balita.

pagpatuloy ang aking nasimulan ; at mas lalong mapalawak ang aking kaalaman sa journalism.” ani Ella Angel Espinosa (Radio Broadcasting Anchor).

Inilahad din ng mga manunulat sa SDNTS, na sila ay buong sipag na magsisikap upang maipanalo ang kani-kanilang kategoryang lalaban.

Matapos ang isinagawang pagsasanay ay agad nila itong ginamit upang makatanggap ng mabisang pagpapayo mula sa mga manunulat ng Kule.

MATINDING

Bawat kategorya ay may nakatalagang tagapagsalita, kabilang na rito ang News Writing, Sports Writing, Editorial Writing, Column Writing, Feature Writing, Photojournalism, Editorial Cartooning, at Radio Broadcasting.

“Nakatulong po ito sa akin at nabigyan ako ng inspirasyon, upang ipag-

Patuloy ang mga journalists sa paghahanda, upang mabigyan ng karangalan ang kanilang paaralan; at buhayin ang puso ng pagiging isang manunulat.

Maliban sa mga manunulat na lalaban sa District Presscon, kasama ring dumalo ang iba pang mga manunulat ng Ang Enggranahe, ang opisyal na pahayagan ng Sto. Domingo National Trade School.

PAGHAHANDA. Matiyang nakinig ang mga manunulat ng Sto. Domingo National Trade School habang ipinaliliwanag ng isa sa mga naimbitahang tagapagsalita mula sa Central Luzom State University Collegian ang mga panuntunan at mga estratihiya sa pagsusulat ng balitang isports sa ginanap na Intensive Training in Journalism noong Nobyembre 22, 2022. KAYA RIN NAMIN. Pinatunayan ng Sto. Domingo National Trade School na hindi lamang sa larangan ng skills at technical vocational education kayang manguna ng paaralan kundi maging sa larangan ng Brigada Eskwela matapos nitong mag-uwi ng iba’ta ibang pagkilala sa Brida Eskwela ’22 Awarding Ceremony sa Sta. Rosa, Nueva Ecija noong Aizel Ann Silverio

BALITA 04

33 scouts lumahok sa Prov’l Jamboree

Chandynee Domingo L

umahok ang Sto. Domingo

National Trade School kasama ang 33 na junior scouts at 12 na senior scouts sa nakaraang 51st Provincial Jamboree ng Nueva Ecija Council na may temang “Scouting Education for Sustainable Development” noong Pebrero 6-10, 2023 na ginanap sa Boy Scouts of the Philippines Provincial (BSP) Headquarters sa Lungsod ng Palayan.

Iba’t ibang mga gawain ang inihanda ng BSP-NE Council para sa mga Junior Scouts ngayong taon bilang pagsalubong sa muling pagbubukas ng encampment. Kabilang sa mga ito ay ang Rope Activities na humahasa sa rappelling skills ng mga scouts, Challenge Valley na kinakailan-

gang malagpasan ang mga obstacles, Scouting Skills kung saan tampok ang iba’t ibang uri ng ties na makakatulong sa survival, Self-defense gamit ang konsepto ng pag-aarnis, Sustainable Development Goals (SDG) ng United Nations na isang lecture ngunit sa paraan ng paglalaro, at Nature Trail o Hiking Activities na naglalayong gawing pamilyar ang mga scout sa mga buhay-ilang at kalikasan.

Maliban sa mga nasabing gawain, nagkaroon din ng iba pang mga programa para sa limang na araw na jamboree gaya ng banal na misa at opening program, mga patimpalak sa katutubong sayaw, kantahan, Mr. and Ms. BSP, yell, pinakamaganda at maayos na camp site, pinakamalaking bilang

ng delegasyon at iba pa. Binigyang diin ni G. James Erwin Calma, Master Teacher I at BSP Coordinator ng SDNTS, ang kahalagahan ng ganitong mga gawain. “Hindi lahat ng lessons ay natututunan sa loob ng classroom.

Marami rin tayong matututunan sa labas. Sabi nga nila Experience is the best teacher kaya’t siguradong may malaking maidudulot ang mga experiences ng mga bata sa camping na ito.” paliwanag niya.

Gabi ng Kulminasyon isinagawa ng Junior, Senior

Nagsagawa ng kulminasyon ang mga magaaral ng junior at senior high school ng Sto. Domingo National Trade School noong Marso 9 at 10, 2023.

Nagbalik sa panahon ng mga kastila ang mga mag-aaral ng Baitang 9 at 10 noong Marso 9, 2023 sa ginanap na Culminating Activity para sa mga mag-aaral ng junior high school na may temang “Maria Clara at Ibarra: Isang Kulminasyon.”

Makikita sa mga kasuotan ng mga mag aaral ng JHS ang preparasyong ginugol nila bilang paghahanda sa programa na tila mapapabalik ka sa nakaraan na ilang dekada na ang nakalipas.

Dagdag pa rito ang talentong kanilang ipinakita sa pagsasayaw at pagkanta ng mga sinaunang sayawin ng mga piling mag aaral sa

pangunguna nina Michael Francis Maglanque at Editha Santos, mga gurong taga-payo ng Baitang 10.

Sa maikling programang ginanap, nagkaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral na irampa ang kani-kanilang mga kasuotan. Kinilala rin ang mga mag-aaral na nagningning at sinalamin ang tema ng kulminasyon.

Sa huli, nakamit ni Denn Kelly Jepponeh Pengson ng 9 Lazaro ang “Ginoong Ibarra,” Kathleen Joy Guanez ng 10 Manlusoc ang “Bb. Maria Clara,” at Karyll Alfonso ng 10 Maglanque ang “Bituin ng Gabi”.

Kasunod naman nito, Marso 10, 2023, ay ang kulminasyon naman ng mga mag-aaral ng SHS kung saan masasalamin naman ang hiwaga sa kasuotan ng bawat isa dahil sa temang “Mas-

querade.”

Hindi rin nagpahuli ang mga mag-aaral ng SHS. Katulad ng kanilang kasuotan, kumikinang rin nilang ipinakita at ibinahagi ang pagsasayaw ng piling mag-aaral mula sa bawat pangkat ng Baitang 11 at 12 sa ilalim ng pangangasiwa ni Aljon Isidro, guro ng SHS.

Kinilala si Efpril Areej Agulto ng 12 HUMSS 3 bilang “Face of the Night” at “Ms. SHS Prom 2023.” Ngunit tila hindi lamang ang buong SDNTS ang pinukaw niya dahil umabot na rin sa halos 1 miyon na views ang video ng kanyang pagrampa sa TikTok na kuha noong gabi ng kulminasyon.

Maliban kay Agulto, kinilala rin si Julian Louise Cruz ng 12 STEM 1 bilang “Ms. Darling of the Crowd” at Ace Robin Reyes na galling din sa prehong pangkat bilang “Most Creative Mask.”

Hindi rin nagtagal matapos ang programa ay ibinagay na rin sa mga mag aaral ang pagkakataon upang magsaya at maisayaw ang kanilang mga kaklase at makamit ang layunin na paniniguradong may ngiti sa labing uuwi sa tahanan ang lahat ng mga mag aaral na nakiisa.

PAGLALAKBAY SA NAKARAAN. Tinanghal bilang Ibarra at Maria Clara sina Denn Kelly Jepponeh Pengson ng 9 Lazaro at Kathleen Joy Guanez ng 10 Manlusoc matapos magpakita ng tikas at hinhin ng mga Pilipino ayon sa mga akdang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal sa ginanap na Maria Clara at Ibarra: Isang Kulminasyon noong Marso 9, 2023.

Ella Angel Espinosa BIGKIS NG KAALAMAN. Matiyagang nakinig ang mga mag-aaral ng Sto. Domingo National Trade School sa Scouting Activity tungkol sa paggawa ng iba’t ibang tali at buhol na makakatulong sa survival ng mga scouts bilang bahagi ng 51st Provincial Jamboree ng Nueva Ecija Council na ginanap sa Palayan City, Nueva Ecija noong Pebrero 6-10, 2023.

Pamunuan ng SDNTS bumida sa DWNE

BIDA ANG TRADE. Itinampok sa programang DWNE DepEd Hour Radyo Edukasyon noong Enero 27, 2023 ang Sto. Domingo National Trade School upang ibida sa mga tagasubaybay nito ang mga programa, proyekto, at iba pang gawain at best practices ng paaralan para iangat ang kalidad ng edukasyong ibinibigay nito sa mga magaaral.

Ibinida ng mga opisyales ng Sto. Domingo National Trade School sa pangunguna ni Gng. Rowena B. Caoile, Vocational School Administrator I, at G. Armand L. Macasakit, Assistant School Principal II ang natatanging kurikulum ng SDNTS, mga Best Practices at karangalang natanggap ng bawat departamento sa programang DepEd Hour ng DWNE TeleRadyo noong Enero 27, 2023.

Pinadaloy nina G. Melvin Valdez, guro ng Baiting 10, at Bb. Mignonette Joy Florentino, EdD, guro ng Baitang 12, ang programa na sinimulan sa kasaysayan ng pagkakatatag ng SDNTS at pagpapakilala sa mga kurikulum na ipinatutupad nito. Sa bahaging ito ay binigyang diin nina Caoile at Macasakit ang kaibahan ng kurikulum na SPTVE o Special Program in Technical

Vocational Education na siyang pangunahing kurikulum ng paaralan bilang isang paaralang pangkabuhayan o pangbokasyunal bagamat mayroon din itong kurikulum na Science, Technology, Engineering na ayon naman sa agham at matematika.

Ipinagmalaki naman ng bawat departamento ang kani-kanilang mga Best Practices at mga parangal na tinaggap sa nakalipas na taon. Ang mga ulong guro na sina Gng. Liza P. Reyes, Departamento ng Matematika, Gng. Shirley H. Catacutan, Departamento ng Agham, Araling Panlipunan at Edukasyon sa Pagpapakatao, Gng. Redelyn M. Santos, Departamento ng Ingles at Filipino, G. Rodney N. Joven, Departamento ng Music, Arts, Physical Education, Health, at G. Rosendo N. Labrador, Departamento ng

Technical Vocation Education, ang siyang nagtampok sa mga nasabing proyekto at karangalan.

Ilan sa mga programang ibinahagi ng mga departamento ay ang

Project SIGMA-N (Strategic Intervention and Guidance for Mathematics Abilities and Numeracy), Project HATAW NA (Herbal Awareness To Achieve Wellness-Natural Amelioration), Project SATEN PGP (SDNTS Agro-Tourism and Entrepreneurship Park Gulayan at Pangkabuhayan), Project ANNIE (Advocacies to Nurture Nature and Invest in the Environment), Project LAVMU (La Visita De Municipalidad), at Project GGSS (Green Garden for SDNTS Students).

Maliban sa mga ulong guro ay kabilang din sa mga nagpaliwanag ang mga Reading Coordinator ng Junior at Senior high schools na sina

Gng. Kridtine Joyce D. Cabotaje at Gng. Mylene F. De Guzman. Tinalakay nila ang mga proyektong nakapaloob sa reading program ng paaralan na kilala bilang Project SINAG (Simulan, Ipagpatuloy, Natatanging Agimat ng ABaKaDa tungo sa Garantisadong Pagbasa) na kinilala sa buong Rehiyong III bilang natatanging reading program matapos masungkit ang Brigada Pagbasa Advocacy Award. Itinampok din sa programa ang mga karangalang natanggap ng paaralan tulad ng Best Brigada Eskwela Implementing School 1st Runner Up (Division level) at champion (CD-IA at District levels), Brigada Pagbasa Advocacy Award champion (division, CD-IA, at District levels), at Best Functional Home Learning Spaces champion (CD-IA at District levels).

Face-to-Face modality nagbabalik ngayong taon

Umarangkada nitong Agosto 22, 2022 ang mandatory face-to-face classes sa buong bansa alinsunod sa Department of Education (DepEd)

Order No. 34, series of 2022 matapos ang mahigit dalawang taong pagpapatupad ng Distance at Blended learning bunsod ng ng panganib na dulot ng COVID-19.

Mahigit 24,000 paaralan, o 46%, ang magpapatupad ng limang araw ng face-to-face classes, habang 29,721 na paaralan ang patuloy na magdaraos ng klase sa pamamagitan ng blended learning mula Agosto hanggang Oktubre, ayon sa datos ng DepEd.

Ngunit, kasabay ng pagbubukas ng face-to-face

classes, dumarami rin ang mga agam-agam at alalahanin tungkol sa kaligtasan ng mga mag-aaral at guro sa gitna ng patuloy na banta ng COVID-19. May mga magulang at guro na nag-aalala na baka maging tuloy-tuloy ang pagkalat ng virus sa loob ng mga paaralan, kung saan madalas na mahahawa ang mga bata at may mga limitadong kapasidad para sa pisikal na distansya at iba pang mga pampublikong kalusugan na protokol.

Ayon sa isang panayam kay Gng. Jinky Nicolas na mayroong anak sa ika-apat na baitang matapos tanungin kung pabor siya sa pagbalik ng in-person classes, siya raw ay hindi sang-ayon dahil mayroon pa ring

virus sa ngayon.

“Kung makita ninyo ang difference sa ngayon is that mas madali na po and accepted na sa mga tao na magsuot ng mask. And alam na po nila ‘yung basic health protocols. Memorize na po natin lahat dahil two years po inulit ulit sa atin ang mga basic health protocols,” saad ng kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon at Bise Presidente na si Sara Duterte.

Nagpatupad ang bawat paaralan ng mga patakaran upang maibsan ang pagkalat ng virus tula ng pisikal na pagdidistansya, palagiang pagsusuot ng face mask at paghuhugas ng kamay, atpag-didisinfect ng mg silid-aralan.

BALITA 05
Chandynee Domingo

Feeding program inilunsad sa 100 mag-aaral ng Baitang 7

Maswerteng napili ang Sto.

Domingo National Trade School ng sponsor na si Bb. Katherine June Caoile na mas kilala sa alyas na Pikatchu upang magsagawa ng isang feeding program sa 100 mag-aaral mula Baitang 7 noong Agosto 22, 2022 sa bulwagan ng paaralan.

Tumanggap ang mga piling mag aaral ng pagkain mula sa kilalang fastfood restaurant na Jollibee na ipinamahagi bago umuwi ang mga mag-aaral sa unang araw ng pagbubukas ng eskwela. Ang lahat ng ito ay regalo ni Pikatchu sa mga bata bilang pagsalubong na rin sa kanila sa pagbabalik ng face-to-face na klase.

Si Pikatchu, na ang pangalan ay hango sa isang karakter sa sikat na palabas na Pokemon, ay isang sikat na personality at streamer sa social media platform na KUMU.

Siya ay anak ng Vocational School Administrator I ng SDNTS na si Gng. Rowena B. Caoile na siyang nanguna at tumanggap sa kanya at sa mga handog niyang pagkain para sa mga bata.

Nagkaroon ng maikling programa ang paaralan bago ang tumungo sa pagbibigay ng mga food packs. Ginabayan nina Gng. Christine May Doculan at Gng. Analiza Ramos, mga koordineytor ng Feeding Program ng paaralan, ang mga mag-aaral sa pag-reregister at pinangunahan din nila ang aktwal na pagpapamigay ng mga handog na pagkain kasama ang VSA at ang sponsor.

Sa kanyang mensahe para sa mga dumalo sa programa, sinaad ni Pikatchu na ang pinaka layunin ng programang ay upang kumalat pa ang diwa ng kabutihan at para manumbalik ang bayanihan at

pagtutulungan sa bawat isa.

Nagpasalamat naman ang mga mag-aaral na batid ang kasiyahan sa kanilang mukha matapos tumanggap ng mga regalong handog ng social media star.

“Maraming salamat po sa feeding program na ito, malaking tulong po ito sa amin para po

maging healthy kami”, wika ni John Vincent Labrador ng 7 Salvador.

Ang tinaguriang real-life Pikatchu ay kilala sa paglulunsad niya ng mga programa para sa mga mahihirap na lugar partikular na sa mga kabataan na nasa rural na pamayanan.

Color Fun Run ’ 22: Healthy Lifestyle, isulong!

Makulay ang naging umaga ng mga mag-aaral at kawani ng Sto. Domingo National Trade School matapos ang isinagawang Color Fun Run na ginanap noong Enero 13, 2023 sa kahabaan ng Pangasinan- Nueva Ecija Road.

Pinangunahan ng mga guro mula sa Departamento ng MAPEH nasabing programang upang magkaroon din ng oras ang mga mag-aaral sa paglilibang o recreation at upang isulong na rin ang “healthy lifestyle” hindi lamang para sa mga mag aaral, kundi pati narin sa mga empleyado ng paaralan para sa malusog na pangangatawan na siyang kailangan sa araw araw na mga gawain.Bago magsimula ang pagktabo ay

nagtipon muna sa himnasyo ang lahat ng mga dumalo para sa magpatala sa kani-kaniyang mga listahan upang magsilbing attendance ng mga ito.

Nagkaroon din ng isang maikling opening program kung upang opisyal na umpisahan ang gawain. Nagbigay ng panimulang mensahe ang Ulong Guro ng MAPEH na si G. Rodney N. Joven na sinundan naman ng isang mensahe mula sa Vocational School Administrator I ng paaralan na si Gng. Rowena B. Caoile.

Ipinaliwanag ni G. Joven at Gng. Caoile ang kahalagan ng pagkakaroon ng malusog na pangangatawan at pagkakaroon ng mga ganitong gawain hindi lang sa pisikal na kalusugan ng bawat isa kundi pati na rin sa mental at sikolohikal.

Bilang paghahanda, matapos ang opening program ay ay nagkaroon ng isang Zumba Dance Session na tumagal ng 10 minuto para sa stretching at cardio exercise. Nagsilbing mga Zumba instructors ang mga guro ng MAPEH at Matematika na kinaaliwan ng mg mag-aaral.

Matapos ang sayawan ay agad na nagtungo ang mga mag aaral sa labas ng paaralan na binasa naman ng tubig ng mga kawani ng Bureau of Fire Protection ng Bayan ng Sto. Domingo upang lubos na kumulay ang mga isasaboy na makukulay na pulbos sa kanilang mga damit.

Pinangunahan ng mga opisyales ng Supreme Student Government ng paaralan at ng mga guro ang pagsasaboy ng mga kulay sa mga kalahok.

Mayroon ding mga rumondang mga kapulisan at tanod ng barangay upang siguruhin ang seguridad ng bawat isa. May naka-antabay ring medic at ambulansya kung sakali mang may hindi inaasahang disgrasya habang isinasagawa ang pagtakbo.

Sa huli, tumanggap ng cash prize at medalya ang mga kalahok na naunang matapos sa pagtakbo na iginawad din sa closing program.

BALITA 06
TAKBO! KULAY! SAYA! Huminto sa pagtakbo ang mga mag-aaral ng Baitang 12 upang ipakita ang saya at kulay ng ginanap na Color Fun Run ng Sto. Domingo National Trade School noong Enero 13, 2023. Hindi mababakas sa kanilang mukha ang pagod mula sa pagkakatakbo mula sa paaralan hanggang Sto. Rosario, Sto. Domingo at pabalik muli ng paaralan. TUNAY NA BITUIN.. Sabik na pumila ang mga mag-aaral mula sa Baitang 7 upang tanggapin ang mga regalong pagkain ng sikat na KUMU star na si Pikatchu o kilala rin sa kanyang tunay na pangalan na Katherine June Caoile bilang bahagi ng kanyang kawang-gawa sa kabataan noong Agosto 22, 2023

Peralta pasok sa RSPC; SDNTS nanguna sa District SPC

Pasok sa Regional Schools Press Conference (RSPC) ang punong patnugot ng The Gear, ang opisyal na pahayagan ng Sto. Domingo National Trade School, na si Joakin A. Peralta matapos masungkit ang ikatlong puwesto sa Photojournalism sa ginanap na Division Schools Press Conference (DSPC) sa Distrito ng Silangang Guimba noong Disyembre 10, 2022.

Pinatunayan ni Peralta ang kanyang husay sa pagkuha ng larawan at pagsulat ng caption na bunga ng kanyang karansan sa elementarya sa parehong kategoryata na pinaigting pa ng mga bagong kaalaman mula sa kanyang coach na si Gng. Donna Marie T. Miranda at ng intensive training na isinagawa ng paaralna para sa mga tulad nyang manunuIat na lalahok sa DSPC.

Bagamat mag-isa lamang ng punong patnugot na tutungo sa RSPC, nagkamit din ng parangal ang ilan sa kanyang mga kasamang manunulat na lumahok sa presscon.

Parehong nakakuha ng ika-apat na puwesto sina Ace Robin Reyes para sa Pagkuha ng Larawang Pangdyaryo at James William Soriano para sa Editorial Writing. Samantala, natapos naman ang laban ni Carla Elaijah Garcia sa ika-limang puwesto para sa Pagsulat ng Lathalain. Tagumpay itong maituturing

para sa mga proyekto ng Departamento ng Ingles at Filipino na naglalayong paigtingin ang kultura ng pagsusulat at pagdyadyaryo sa paaralan at itaas na rin ang kalidad ng kompetisyong kayang ihain ng SDNTS sa larangan ng akademiko.

Matatandaang noong 2019 ay nakapagpalabas din ng dalawang RSPC qualifiers ang departamento sa kategorya ng Editorial Cartooning at Pagguhit ng Kartung Pang-editoyal sa parehong programa at preparasyon.

District Schools Press Conference

Bago ito, nauna nang itinanghal na kabuuang kampyon ang SDNTS matapos humakot ng 11 kampyonato laban sa 22 kategoryang pinaglababan sa ginanap na District Schools Press Conference noong Nobyembre 19 at 26, 2022 sa sarili nitong paaralan.

Nakipagtagisan ang Trade sa mga manunulat mula sa Julia Ortiz Luis National High School at Sto. Rosario National High School sa mga kategoryang News Writing at Pagsulat ng Balita, Editorial Writing at Pagsulat ng Pangulong Tudling, Feature Wrting at Pagsulat ng Lathalain, Sports Writing at Pagsulat ng Balitang Sports, Column Writing at Pagsulat ng Kolum, Editorial Cartooning at Kartung Pang-Editoryal, Photojournalism at Pagkuha ng Larawang Pangdyaryo, Copy-

reading and Headline Writing at Pagwawasto at Pag-uulo, Science and Health Writing at Pagsulat ng Balitang Agham at Kalusugan, at Collaborative Desktop Publishing English at Filipino, at Radio Broadcasting English at Filipino.

Hindi nabigong maiuwi ng mga traders ang titulong na talaga naming pinaghandaan nilang mabuti at pinagtuunan ng pansin dahil na rin sa walang sawang pagsuporta mula sa mga guro at punong guro ng paaralan gayundin ang kapwa nila mag aaral.

Narito ang mga nagwagi sa naturang tagisan sa pagsulat:

Ikatlong puwesto ang nakamit nina Aizel Ann Silverio (Pagsulat ng Balita), Vincent Yvan Magsilang (News Writing), at Francielyn Mirano (Pagsulat ng Balitang Agham at Kalusugan).

Ikalawang puwesto naman ang nasungkit nina Margaux Baltazar (Feature Writing), Adrienna Camille Arteme (Pagsulat ng Pangulong Tudling), Julienne Jade Dela Cruz (Pagsulat ng Kolum), Rowena Domingo (Pagsulat ng Balitang Isports), Gracee Mangulabnan (Science and Health Writing), at Kris Cloee Volante (Pagwawasto at Pag-uulo).

At pinalad na namang maiuwi ang kampyonato nina James William Soriano (Editorial Writing), Cyruzz Jharen Gamilla, (Column Writing), Kurt Eigven Alimbango (Sports Writing), Jerome Siminig (Editorial Cartooning), Joakin Peralta (Photo Journalism), Jasmine Tiangco (Copy Reading and Headline Writing), Carla Elaijah Garcia (Pagsulat ng Lathalain), Ramiah Dumpit (Kartung Pang-Editoryal), Ace Robin Reyes (Pagkuha ng Larawang Pangdyaryo)

Samantala, para sa Collaborative Desktop Publishing, parehong tinanghal na kampyon ang grupo nina Chandynee Domingo, Samantha Mullasgo, Jhanelle Escobar, Eljohn Tolentino at Rosh John Rey Feliciano para sa English at Denver John Aquino, Allan Bulatao, Clarence Catacutan, Cyril Salamanca at Trisha May Bonghanoy para sa Filipino.

Dumaong naman sa ikalawang puwesto sina Jayce Saludez, Ella Angel Espinosa, Jonabelle Limon, Mickaela Serrano at John Lloyd Martin para sa Radio Broadcasting (Filipino), at tinanghal na Best Anchor si Ella Angel Espinosa.

Buwan ng Math idinaos

Ipinagdiwang ng Sto Domingo National Trade School ang Buwan ng Matematika sa pangungunga ng mga guro ng Departamento ng Matematika noong Pebrero 1-3 sa pamamagitan ng pagsasawa ng iba’t ibang mga aktibidad na may kinalaman sa asignaturang Matematika.

Naghanda ang departamento katulong ang mga opisyales ng Math Club ng mga laro at paligsahan kung saan tampok ang husay ng mga mag-aaral sa numero at lohika.

Ilan sa mga ito ay ang Tangram Master, Rubik’s Cube Master, Sudoku Master, Damath Master, Doodling Contest, Math Quiz Master, Math Trail at Zumba Math.

Upang hindi makaapekto sa mga klase, karamihan sa mga gawain ay idinaos sa kani-kaniyang classroom sa gabay ng mga guro sa Math at ng ilang punong abala.

Sa huling araw ng selebrasyon ay nagkaroon ng isang kulminasyon kung saan binuksan ang programa sa pamamagitan ng Zumba Math.

Giliw na giliw na ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang mga galaw na may kinalaman sa fundamental signs ng Math.

Matapos nito ay ginawaran naman ng pagkilala ang mga mag-aaral na nagwagi sa iba’t ibang paligsahang isinagawa at nag-uwi ng mga papremyong inihanda ng departamento.

Taon-taon ay hindi binibigo ng Departamento ng Matematika na maghatid ng sorpresa sa mga mag-aaral.

BALITA 07
PITIK NG TAGUMPAY. Nakamit ni Joakin Peralta, punong patnugot Ang Enggranahe, ang ikatlong puwesto sa Photojournalism sa ginanap na Division Schools Press Conference sa Bartolome Sanggalang National High School, Guimba, Nueva Ecija noong Disyembre 10, 2022. Ito ay hudyat sa kanyang pag-abante sa RSPC na gaganapin ngayong Mayo 2023 sa San Jose City, Nueva Ecija. Ella Angel Espinosa Aizel Ann Silverio

TULDUKAN ANG UGNAYAN

Tuloy ang magandang agos ng pagbabago sa sistema ng edukasyon matapos ang pagpapatupad sa Deped Order No. 49 series of 2022. Nilagdaan ni Vice President Sara Duterte ang panuntunang ito na naglalayong putulin ang pagkakaroon ng relasyon o usapan ng mga kaguruan sa kanilang mga magaaral, pisikal man at maging sa social media upang lalong mapaigting ang propesyunalismo ng mga ito.

Ayon sa Department of Education, nilabas ang naturang kautusan sa kasagsagan ng imbesti gasyon sa ilang guro na sangkot umano sa sek swal na pang-aabuso sa mga mag-aaral. Dagdag pa ang panayam sa bise presedente na kailangan talagang magkaroon ng linya at limitasyon ang mga kaguruan sa kanilang mga estudyante upang maiwasan ang pagiging bias ng mga ito.

Departmento na rin ang naghayag na dapat igalang ng mga guro ang karapatan ng kanilang mag-aaral at matalikuran ang pagsasagawa ng anumang gawain na labag sa batas, reputasyon, awtoridad, at kautusan. Karagdagan pa ang pagtiyak sa pagpapalawak ng re sponsibilidad ng mga ito at ang pagiging patas.

Nanguna naman sa pagtutol ang ilang mga kaguru an matapos isipin na ang tingin sa kanila ng pinagsisil bihang departamento ay isang kriminal mula sa inilabas na pahayag ng DepEd ukol sa pagpapatupad ng kautu sang ito. Inilaban din ng mga ito ang nababagong siste ma sa pag-aaral mula sa dagok na iniwan ng pandemya. Samantala, agaran namang iginiit at naglabas ng paglili naw ang Department of Education hinggil sa paratang na ito. Nilinaw ng departmento na hindi labag o ipinag babawal ang pagbibigay ng mga takdang gawain sa

social media. Ayon pa kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, ang naturang kautusan ay pokus lamang upang maiwasan ang malalim na ugnayan sa pagitan ng mga kaguruan at mag-aaral.

Kaliwa’t kanan ‘man ang hidwaan at paroo’t parito ang tutulan, panatag naman na nasa mabuting kalagayan ang mga mag-aaral. Malayo sa pang-aabuso

Ginhawa sa Hirap

Sobrang kapaguran ang aabutin ng mga kapwa mag-aaral at kaguruan kung maililipat sa dalawang araw na pahinga ang mga pampaaralang aktibidad at programa. Sa limang araw na walang tigil sa mga asignatura ay bibigat lamang sa oras ng bawat isa kung isisingit pa ang ganitong sistema.

Ang pagsasagawa ng mga extra at co-curricular na mga gawain sa mga araw ng Sabado at Linggo ay ayon sa mungkahi ng Kalihim ng Edukasyon at Bise-Presidente Sarah Duterte Carpio. Ayon sa kalihim, isa itong paraan upang hindi maagaw ang oras at pokus ng mga bata sa kanilang pag-aaral lalo at kasalukuyan pa lang bumabawi ang mga ito sa kanilang learning loss dulot ng pandemya.

Ngunit sa ganitong pabago-bagong sistema ng edukasyon ay mukhang nabibilang na sa daliri ng bawat estudyante ang kanilang oras para sa sarili at pamilya. Kaliwa’t kanan at hindi magkanda-ugaga sa paggawa ng

gawain at proyekto maipasa lamang ang mga ito sa naitakdang oras. Kinakailangan ang maayos na paglalatag sa iskedyul ng mga mag-aaral maging sa mga kaguruan upang maisingit na lamang ang iba pang programa sa paaralan nang walang sinasagasaang oras para sa pag-aaral.

Hindi magiging patas ang ganitong sitwasyon sa lahat, lalo na sa ilang kaguruan na pinagsasabay ang pagtatrabaho sa pagpapahalaga ng pamilya na kanilang inuuwian at pag-aalaga sa mga anak. Pati na rin ang ilan na subsob pa rin sa pag-aaraI sa kani-kanilang mga kursong gradwado sa paghahangad na makapagbigay ng mas mataas na kalidad na edukasyon at pag angat ng posisyon at sahod. Hindi rin lingid sa ating kaalaman ang patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso sa paglaganap ng problema sa kalusugang pangkaisipan mula sa hirap na dinaranas ng mga mag-aaral.

Maayos man ang ideyang ito upang mas lalong mapalawak

ang ating kaalaman, ngunit mahalaga pa rin ang kaunting oras ng pahinga mula sa buong linggo na subsob sa trabaho at pag-aaral. Kailangan pa rin hindi lang ng mga mag aaral kundi pati na rin ng mga guro na maglaan ng oras para sa kanilang mga sarili para mas maging produktibo.

Edukasyon ang susi upang matamo ang magandang kinabukasan at hindi para sirain ang buhay at pag-asa na magpapa-ahon mula sa hirap ng buhay. Aanhin pa ang magandang edukasyon na inaalok ng mga paaralan kung parehong magandang edukasyon din ang magiging sanhi ng pagkasira ng ating katawan at isipan. Mahalagang instrumento ang binhi ng karunungan upang marating ang ating mga binuong pangarap. Subalit, huwag hayaang maging ugat ito upang isantabi ang sariling kapakanan at kalusugan. Laging itanim sa isipan na walang papalit na medalya at sertipikong parangal sa buhay na ating nakakamtan.

Kaliwa’t kanan ‘man ang hidwaan at paroo’t

naman na nasa mga mag-aaral. pang-aabuso at

Para sa paslit na ang paglubog ng ugnayan ay siya namang paglitaw nakinabukasanmagandang

Mahalagang instrumento ang binhi ng karunungan upang marating ang ating mga binuong pangarap. Subalit, huwag hayaang maging ugat ito upang isantabi ang sariling kapakanan at kalusugan.

VANTAGE

EDITORYAL
OPINYON 08
Adrienna Camille Arteme

Nanunung-KULANG

Hindi na obligadong magsuot ng uniporme ang mga mag-aaral na nasa mga pampublikong paaralan sa loob ng Pilipinas, ayon ito kay Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte Carpio.

Hindi maipagkakaila na ang Pilipinas ay patuloy pa ring bumabangon mula sa dulot na sakit ng pandemya. Mga sektor sa bansa na sa panahon ng pandemya ay bumagsak at ngayon pa lamang nakababawi ng pinagkukunan ng pangkabuhayan, lalong-lalo na ang mga nasa mabababang sektor katulad ng agrikultura. Marami sa ating mga magsasaka ang nagpapaaral ng kani-kanilang mga anak at bumubuhay sa kani-kanilang pamilya, kung kaya’t may mga oras na ang kanilang kita mula sa pagsasaka ay hindi sapat para punan ang pangangailangan ng kanilang mga anak.

Sa pag implementa ng panukalang ito ng Department of Education (DepEd), magkakaroon ng magandang progreso ang mga magsasaka sa kadahilanang hindi na nila kailangan pang mag-isip at gumastos kung saan kukunin ang ipangbabayad para sa mga uniporme na gagamitin ng kanilang mga anak sa paaralan.

Ngunit, marami ang taliwas sa panukalang ito sa kadahilanang hindi mabibigyan ng representasyon ang isang paaralan at hindi masisiguro ang seguridad at kaligtasan ng mga mag-aaral sa labas ng paaralan kung ang implementasyon na ito ay tatangkilikin ng masa.

Sa pamamagitan ng panukalang ito ng Department of Education (DepEd), mabibigyan ng kalayaan ang mga mag-aaral upang ipahayag ang kanilang sarili at nararamdaman o gender expression sa pamamagitan ng pagsusuot ng mga damit kung saan sila

mas komportable at mayroong posibilidad na mabibigyan nito ang isang paaralan ng isang progresibong sistema.

Mabibigyan nito ng oportunidad ang mga mag-aaral na walang lakas ng loob na ilabas ang kanilang tunay na pagkakakilanlan. Malilinang nito ang mga mag-aaral na mayroong tinatagong talento pagdating sa larangan ng fashion at art

DepEd Order No. 065 series of 2010 o ang “wearing school uniforms is not required policy” ay naimplementa noon pang taong-2010. Kung kaya, maraming mga mag-aaral at indibidwal ang nagtataka kung bakit ngayon pa lamang umuugong ang balitang ito sa masa. Marahil ang gobyerno ay hindi binibigyan ng sapat na oras at pansin ang isyung ito.

Mahigit 12-taon na simula noong ang batas na ito ay naimplementa sa kagawaran at sa loob ng mga taong iyon wala man lang opisyal sa gobyerno ang nakapansin sa pagkukulang na ito. Pagkukulang na kung ating titignan ay maliit na bagay lamang, ngunit kung ating ito’y susumahin maraming mga mamamayan ang kinulang.

NGGRANAHE

PATNUGUTAN 2022-2023

Joakin Peralta | Tagapamahalang Patnugot

Vincent Yvan Magsilang | Patnugot, Balita

Rosh John Rey Feliciano | Taga-layout

Mahigit 12-taon na simula noong ang batas na ito ay naimplementa sa kagawaran at sa loob ng mga taong iyon wala man lang opisyal sa gobyer- no ang nakapansin sa pagkukulang na ito.

Allan Bulatao | Pangalawang Patnugot

Czerina Villamar | Patnugot, Lathalain

Adrienna Camille Arteme | Tagapangasiwang Patnugot

Clarence F. Catacutan | Patnugot, Isports

Ramiya Dumpit, Jerome Siminig | Mga Kartunis

Aizel Ann Silverio, Ella Angel Espinosa, Chandynee Domingo, Precious Julia Marie Arucan, Jelianne Jade Dela Cruz, Zcyruss Jharen Gamilla, Rowena Domingo, Lindshaye Rebecca Garcia, Franceilyn Mirano | Mga Manunulat at Kontribyutor

Juneroz M. Roncal | Tagapayo

Cherry Jane S. Ruiz | Katuwang na Tagapayo

Redelyn M. Santos | Ulong Guro III, Departamento ng Ingles at Filipino Kritiko

Rowena B. Caoile | Tagapamahala ng Paaralang Bokasyonal I Konsultant

EDITORYAL
ANG
OPINYON 09

Tulong-tulong sa Kalinisan

Sa apat na taon na pag-aaral ‘ko sa Sto. Domingo National Trade School (SDNTS), isa talaga sa nakitaan kong pinapahalagahan ng eskwelahan ay ang kalinisan ng kapaligiran, lalo na ang pagtuturo ng Waste Segregation o ang maayos na paghihiwalay at pagtapon ng basura sa tamang lagayan sa mga estudyante nito, ito ang isa sa laging bukambibig ng School Principal Vocational Administrator I, Mrs. Rowena B. Caoile. Ngunit, gaya nga ng marami, sadyang mayroon at mayroong lalabag sa mga panuntunan ng paaralan lalo na sa pag papanatili ng kalinisan, hindi maipagkakaila na dahil sa simpleng hindi pagsunod sa mga ito, maaaring mag resulta sa mas malaking problema na posible nating haharapin sa hinaharap.

Bilang estudyante rin ng SDNTS, alam na alam na natin kung ano ang dapat at hindi dapat gawin ayon sa kung paano i-hihiwalay ang mga basura hanggang sa paano madi-disiplina ang bawat

isa sa pagtatapon nito. Mahigpit man ang papatupad ng kalinisan ng paaralan, masasabi kong dahil dito nagkaroon ako ng mga gawi na makakabuti hindi lamang sa kapaligiran kundi pati na rin sa pansarili kong pagdi-disiplina. Kaya naman, mas lalo pa natin pagtibayin at pahalagahan and konsepto ng waste segregation at kung para saan natin ito ginagawa, dahil kung ako ang tatanungin, ginagawa natin ito para sa ating paaralan at sa ikabubuti ng ating kalikasan. Kung lahat tayo ay magtutulungan at magkakaisa upang masiguro na sumusunod tayo sa pag papatibay ang gawaing waste segregation, mas lalo nating mapapangalagaan ang ating kapaligiran at magkakaroon ng mas malinis at maayos na paaralan.

Bilang isa sa mga kabataan ng henerasyon na ito, ang pagbibigay alam sa ating kapuwa ay malaking tulong na sa pagpapatibay ng layuning mapanatili ang kalinisan sa ating paaralan. Dapat nating turuan at bigyan ng sapat na impormasyon upang maintin-

dihan pa ng marami ang kahalagahan ng waste segregation at kung paano ito dapat isasagawa. Sa ganitong paraan, maaari nating masiguro na ang mga kabataan at estudyante hindi lamang sa SDNTS kundi sa buong mundo ay maging responsable at magiging mahusay na tagapag-alaga ng ating kalikasan.

SDNTS Waste Segregation, mas lalo pa nating pagtibayin. Mahalaga na magkaroon tayo ng tamang pagpapahalaga sa kapaligiran at sa ating basura. Ang waste segregation ay isang magandang paraan upang mapalago natin ang ating kamalayan sa kahalagahan nito. Bilang isang indibidwal, tayo ay may responsibilidad upang magpakita ng magandang halimbawa sa mga ibang tao at maging isang bahagi ng solusyon sa problema ng ating lipunan sa basura, dahil naniniwala ako na ang waste segregation na kung ating iisipin ay hindi lamang isang kasanayan, ito ay isang pagpapahalaga na dapat nating isabuhay hanggang sa tayo pa ay nabubuhay.

Bilang isa sa mga kabataan ng henerasyon na ito, ang pagbibigay alam sa ating kapuwa ay malaking tulong na sa pagpapatibay ng layuning mapanatili ang kalinisan sa ating paaralan

CANDID

Paigtingin ang PWS

Kung ating pakaiisip- in, sapat na ang mga batas na ito upang maging maayos “sana” ang kapaligi- ran at mapanatili ang kalinisan lalo’t higit sa paaralan.

INVICTUS

Czyruss Jharen Gamilla

Mukhang kulang pa ang kaalaman ng mga mag-aaral pagdating sa Proper Waste Management. Kaya dapat na ngang isama ito sa mga paksang tinatalakay sa paghubog ng pagkatao ng isang mag-aaral.

Ayon sa scribd.com, ang “Waste Segregation” ay ang ang proseso kung saan ang basura ay pinaghihiwalay sa iba’t ibang elemento.

Mahigpit na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan ng ang tamang pangangalaga sa kalikasan. Sa pamamagitan ng pagpapatupad ng iba’t ibang panlokal na batas na may kauganayan dito.

Gaya na lamang ng Municipal Ordinance No. 421-21 o mas kilala sa tawag na Anti-Littering o Pagbabawal sa pagtatapon at pagkakalat ng basura sa mga mayari ng establisimyento, sa mga pangkomersyal/industriyal at iba pang institusyon kung saan kabilang ang paaralan; at ang Ilegal na pagtatapon o pagsusunog ng mga basura at mga basurang pang-agrikultura.

Gayundin naman, sinundan pa ito ng Municipal Ordinance No. 276-11 na tumutukoy naman sa Pagbubukod-bukod ng mga Basura o Waste Segregation.

Kung ating pakaiisipin, sa-

pat na ang mga batas na ito upang maging maayos “sana” ang kapaligiran at mapanatili ang kalinisan lalo’t higit sa paaralan. Ngunit sa aking patuloy na pananatili sa ating paaralan, tila kulang pa nga ang ang kaalaman ng mga mag-aaral pagdating sa mga ganitong ordinansa at patakaran. Tila hindi sapat ang “paalala” lamang.

Bilang isang mag-aaral, dapat na ngang isama sa mga paksa sa isang asignatura ang mga ganitong uri ng usapin, upang mas higit na maliwanagan ang ang isipan ng bawat isa.

Isa sa mga nakikita kong asignatura ay ang RHGP ng mga adviser. Kung saan dapat itong mas paigtingin pa. Maaring talakayin dito ang mga paksang may kinalaman sa pangangalaga sa kalikasan, gaya na lamang ng mga usapin sa basura at mga batas ukol dito.

Gayundin, maaring talakayin dito ang mga panuntunan at tuntunin ng lokal na pamahalaan upang hindi maging ignorante ang mga mag-aaral hinggil sa mga ito.

Isa sa mga madilim na bahagi ng usaping Waste Segregation ay ang tanong na,” Ilan nga ba ang bilang ng basurahang dapat mayroon sa loob ng silid-aralan?”. Sa

aming paunang kaalaman, dapat ay tatlo lamang ang klasipikasyon: Nabubulok, Di- Nabubulok, at Plastic, ngunit, sa ngayon ay higit pa dito. Nandyan ang buong paghihiwalay sa tissue, facemask, papel, plastic bottle, plastic cups, pinagkainan at pinagwalisan. Walo? Walong basurahan sa loob ng silid-aralan na kumukonsumo sa espayo ng malaking espasyo at dagdag pa ang gastos sa pagbili ng plastic bags at iba pang kailangan dito.

Isa pang madilim na usapin dito ay ang pagtatakda ng iskedyul ng pangongolekta ng basura na ginaganap tuwing Huwebes ng umaga. Kung pakaiisipin, masyadong ideal ang pataang ito sapagkat sa loob ng labing-anim na oras na pananatili ng mga magaaral sa araw ng Huwebes at Biyernes ay marami pang basura ang makokonsumo ng mga ito. Kaya nararapat na gawin itong makatotohanan sa araw ng Byernes upang siguradong wala nang matitira pang basura sa loob ng silid-aralan pagdating ng weekend.

Sa ganitong pamamaraan, mas mapaiigting ang disiplina sa basura sa loob at labas ng paaralan. Nang hindi na maging basurang panloob pa ang basurang panlabas na!

10
Precious Julia Marie Arucan
OPINYON

DOGMA

Karapatan ng Bawat Isa

Hinahangad ng Sexual Orientation and Gender Identity Expression Equality Bill o SOGIE Bill na protektahan at bigyan ng kalayaan ang lahat ng tao na ipahayag ang kanilang sarili laban sa mga uri ng diskriminasyon sa kabila ng ating pagkakaiba-iba

Nitong buwan lamang sa paaralan ng Sto. Domingo National Trade School (SDNTS), naging usapin sa bawat mag-aaral ang naging pahayag ng paaralan patungkol sa paghihigpit sa mga mag-aaral nito sa pagsusuot ng mga damit na hindi akma sa kanilang mga kasarian. Sa pahayag ng paaralan, iyon lamang ay galing at utos mula sa mga nakatataas. Kinundena ng nakararami ang testamentong ito sapagkat ang polisiyang iyon ay nagpapataw lamang sa mga mag-aaral na tanggalan sila ng karapatan bilang tao at mag-aaral. Lingid sa kaalaman ng nakararami na sakop ng SOGIE Bill ang gender expression na kung saan ang bawat tao ay may kalayaan na ipahayag ang kanilang sarili at nararamdaman, at ang cross dressing ay kaakibat nito. Pumapasok ang mga mag-aaral

upang matutunan ang mga bagay na magagamit nila upang malinang ang kanilang isipan bilang mga propesyunal at ang kanilang damit ay walang kinalaman sa kanilang academic performances. Dahil sa kakulangan ng kaalaman, kalituhan ang dulot nito sa nakararami na humahantong sa hindi pagsang-ayon ng mga nakatatanda (oopsss) at mga taong hindi kayang buksan ang kanilang isipan sa mga ganitong klaseng bagay. Marami ang dumedepende lamang sa kung ano ang nakasaad sa bibliya at pilit pinapasok ito sa loob ng pulitika gayun kung hindi naman lahat ng Pilipino ay kristiyano o katoliko.

Bilang isa sa mga pinaka-konserbatibong bansa, marami pa rin ang hindi mulat at sarado ang isipan sa mga ganitong usapin. Sa katunayan, dahil sa mga diskusyon at pagtutol na walang saysay, tinagurian ang SOGIE Bill noong Mayo 2019 bilang longest-running bill sa ilalim ng Senate interpellation period sa kasaysayan ng bansa. Isa sa mga balakid sa bill na ito ay ang mga tradisyunal at relihiyosong paniniwala ng ibang mamamayan. Sa patuloy na pagbabago

Pagsasanay o ang Pagdamay?

Sa bagong batas na isusulong, hindi lahat ng pagsasanay ay madadala sa kung saan, minsan ito rin ang dahilan sa pagsuway kaya nauuwi sa kapahamakan.

Ayon sa kilalang istasyon na ABS-CBN, dinepensahan ni Dela Rosa ang planong pagbabalik ng Reserve Officers Training Corps sa mga eskuwelahan. “Iyong ating kabataan, instead na magsige reklamo, magsigeng TikTok-TikTok lang dyan, dapat ihanda natin ang ating kabataan para gampanan ‘yung kanilang constitutional duty na depensahan ang ating bayan sa panahon ng pangangailangan.” Saad niya.

Para ba talaga sa bayan o upang mabawasan ang inyong obligasyon na hahawakan? Mayroong paraan ang mga kabataan upang depensahan ang ating bayan pero hindi sa mahigpit at pisikal na paraan. Hindi pwe-

deng pilitin ang mga kabataan dahil ang paksang ito ay iniuugnay rin sa aming abilidad, potensyal, at lakas ng loob o tiwala sa sarili para sa napakalaking responsibilidad sa kinabukasan. Kung tutuusin nasisimulan na naming gampanan ang aming obligasyon sa bayan sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga gawaing nakatutulong sa bayan gaya ng community pantry, tree planting, clean and green project, at marami pang iba. Karamihan sa mga gumaganap dito ay kabataan at nagagawa ito sa panahon ng pangangailangan. Base na rin sa paglalarawan ni Dela Rosa sa mga kabataan ngayon, hindi magiging madali para sa kanila ang gagawing batas dahil iba na ang ugali ng mga kabataan ngayon. Maaaring sa konting tuksuhan ang depensang kanilang pag-aaralan para sa bayan ay sa kapwa kabataan nila gamitin.

Kaya nga mayroong K-12 para habang nasa Grade 11 and 12 napaghahandaan namin ang Kurso o tungkuling gusto naming gawin. Gayundin, mas magiging banayad ang pagtuturo ng disiplina at pagmamahal sa bayan kung mas paiigtingin pa ang pagtuturo ng mga Pagpapahalaga (Values) at Mabuting Pag-uugali (Good Manners) sa kurikulum sa edukasyon ng bansa. Sa paraang ito na hindi pinilit at hindi napilitan mas madedepensahan ang ating bayan.

Kaya sang-ayon ako na gawing “Optional” upang kami mismo ang sumubok sa sarili naming kakayahan na gampanan ang tungkuling aming susumpaan. Hindi dahil epektibo sa iba ganon din sa atin. Sanayin natin ang mga kabataan sa paghubog ng sarili para sa bayan, hindi upang isaisip na karahasan ang panlaban.

ng ating panahon ngayon, natural lamang na tayo bilang tao ay sumabay sa agos ng buhay (go with the flow nga eka nila) at iwanan natin ang mentalidad na alam naman natin na walang magandang maidudulot para sa atin. Mahalaga na tayo ay makiisa at makialam sa mga bagay na alam natin ay tama at ukol sa karapatan na dapat ay natatamasa ng mga bawat isa ano pa man ang kanilang edad, kasarian, kulay, katayuan sa buhay, relihiyon, at paniniwala tulad ng nakasaad sa SOGIE Bill. Maging bukas sana ang ating isipan sa mga bagay na alam natin na makakapag-pabuti ng ating buhay. Dingin ang tinig ng iilan, iilang mag-aaral, iilang guro, iilang kabataan, at iilang indibidwal. Ang pagsuporta sa SOGIE Bill ay hindi nangangahulugang pagtaliwas sa ating mga paniniwala o relihiyon. Ang pagsuporta sa SOGIE Bill ay pakikiisa para sa mga paos na, ngunit ang kanilang boses ay lumalaban pa para sa pagkakapantay-pantay at karapatan ng bawat isa.

“Simulan na natin buksan ang ating kaisipan patungo sa mga bagay na nagbibigay ng pagkakapantay-pantay.”

Hindi dahil epektibo sa iba ganon din sa atin. Sanayin natin ang mga kabataan sa paghubog ng sarili para sa bayan, hindi upang isaisip na karahasan ang panlaban.

PATRONUM

Simulan na natin buksan ang ating kaisipan patungo sa mga bagay na nagbibigay ng pagkakapantay-pantay na karapatan
John Allan Bulatao
OPINYON 11
Julienne Jade V. Dela Cruz

Luntiang Gulayan sa Paaralan, Sagot sa Kalusugan ng Kabataan

“Magulay na buhay, maaliwalas na bukas ng mag aaral ng Pilipinas”. Pinagtibay ng Kagawaran ng Kalusugan ang DepEd Memorandum No. 293, s. 2007 o Gulayan sa Paaralan bilang tugon sa umuusbong na problema sa malnutrisyon at upang pangalagaan ang pangkabuuang kalusugan ng mga mag-aaral. Naglabas ang muli ang Kagawaran ng Edukasyon ng DepEd Memorandum No. 223, s. 2016 noong ika-15 ng Disyembre taong 2016 upang pagtibayin ang Gulayan sa Paaralan Program ng ahensya sa pamamagitan ng pagpapatupad nito sa sa lahat ng anatas ng pampublikong paaralan sa buong bansa. Ito ay nilagdaan ng noo’y kalihim ng kagawaran na si Leonor Magtolis Briones.

Isa ang Sto Domingo National Trade School sa mga paaralan na masigasig na nakikiisa sa programang ito ng Deped. Naglaan ang paarlan ng mga lupain na maaaring pataniman ng samu’t saring gulay na maaaring pagkunan ng pangangailangan ng paaralan lalo na sa mga proyekto nitong may kinalaman sa kalusugan. Kabilang sa mga pananim na ito ay ang mga tinatawag na indigenous vegetables na likas sa ating paliglid at hindi rin naman nagpapahuli sa sustansyang taglay ng mga karaniwang gulay na nakikita natin sa ibang bansa.

Narito ang ilan sa mga indigenous na gulay na makikita sa Gulayan sa Paaralan ng SDNTS:

Alugbati (Basella Alba)

Isang halamang baging na matatagpuan sa tropikal na bahagi ng Asya at Africa. Ang halamang ito ay sagana sa iron, calcium, vitamin c at protein, potassium at phosphorus. Mayroon din itong mataas na bilang ng antioxidants gaya ng lutein at beta carotene. Makatutulong ang alugbati upang mabalanse ang iyong blood sugar levels, makaiwas sa osteoporosis at tumutulong mag-stimulate ng produksyon ng red blood cell sa katawan. Kadalasang iginigisa ito at isinasama sa kalabasa at giniling na baboy. Ang regular na pagkain na ito ay maganda upang makaiwas sa stroke, high blood pressure, sakit sa heart at kidney maging sa anxiety, at stress.

Katuray (Sesbania Grandiflora)

Matagagpuan ito sa Timog Asya at Hilagang Australia. Mayroon itong antifungal, antioxidant, at antibacterial properties at sagana sa protein, vitamin c at calcium. Maganda ito sa pagpapababa ng dugo, tulong sa memory loss, stuttering, and dyslexia. Ang bulaklak nito ay ginagawang salad samantalang ang dahon naman nito ay pinapatuyo ay ginagawang tsaa.

Kulitis (Amaranthus)

Una itong natagpuan sa kontinente ng Amerika at pinakilala bilang halamang gamot sa Europa. Ito ay naglalaman ng vitamin A, B6, C, riboflavin, folate, at K, at mga dietary minerals tulad ng calcium, iron, magnesium, phosphorus, potassium, zinc, at copper. Dahil sagana ito sa iron, ang katuray ay mabisang supplement sa mga taong may anemia, mainam rin ito para sa cardiovascular diseases, diabetes, at cancer maging panlaban sa kagat ng ahas. Ilan sa mga luto sa kulitis ay laswa at ginisa.

Malunggay (Moringa Oleifera)

Kilala bilang miracle tree at isa sa pinakamasustansyang gulay ng Agrah, Oudh at Himalayan mountain. Ito ay puno ng vitamins at minerals, amino acid at antioxidants. Nakatutulong ang malunggay sa pamamaga, pampababa ng blood sugar level at cholesterol, at panlaban sa mga sakit tulad ng diabetes, long-lasting inflammation, bacterial, viral, at fungal infections, joint pain, sakit sa puso at cancer. Maraming mga luto ang ginagamitan ng malunggay bilang sahog tulad ng ginataang mais, tinola, at ginataang kalabasa.

Talinum (Talinum)

Isang halamang gamot na madaling itanim at tumubo mula sa tropikal na bahagi ng Africa. Ang matingkad na kulay rosas (kalimbangin) na bulaklak nito ay kinakain ng hilaw at luto at kadalasang hinahain kasama sa salad at ginagawang soup. Ang halamang ito ay sagana sa vitamin C, vitamin E, Omega-3 fatty acids, calcium, magnesium, soluble fibres (pectin), potassium, β-carotene, proteins at dietary fibre. Sikat ito sa paggagamot ng diabetes, inflammatory skin problems, gastrointestinal disor-

ders, bloating, constipation and nausea.

Saluyot (Corchorus Olitorius)

Isang kilalang-kilalang gulay na nagmula sa Asya at Africa. Ito ay mayroong calcium, phosphorus, iron at potassium. Makatutulong ang pagkain nito sa pagpapalinaw ng mata, pampalakas ng immune system, at proteksyon laban sa impeksyon. Ang mga putahe na mayroong saluyot ay dinendeng, ginisang saluyot, at adobong saluyot.

Alukon (Broussonetia luzoniensis blanco)

Mas kilala bilang himbabao, ang gulay na ito ay nagmula sa Pilipinas. Ito ay mayroong anti-fungal, anti-inflammatory, at antimicrobial properties. Kadalasan itong makikita sa mga putahe na ginisa, salad, at sa pinakbet.

Ang mga gulay na ito at ang iba pang gulay na laman ng gulayan ng SDNTS ay tumatayo bilang supply sa mga feeding program na isinasagawa sa paaralan upang masolusyunan ang talamak na malnutrisyon at kakapusan sa pagkain ng ilan sa ating mga mag-aaral .Ang mga layunin ng ng gulayan sa paaralan ay ang mapalakas ang pangangatawan, mapalawak ang kaalaman ng mga kabataaan at mag aaral sa larangan ng pagtatanim, maipakita sa mga mag aaral ang kahalagahan ng pagkain ng gulay, at mapagyaman ang kanilang kaalaman sa agrikultura.

Sa pangangalaga ng kalusugan ng mga mag aaral, nagtaguyod ang Deped ng proyekto upang matugunan ang problema sa malnutrisyon, ito ay tumutulong na masiguro na ang bawat paaralan ay may sapat na supply ng gulay upang mas maging produktibo, aktibo at may sapat na lakas ang mga mag-aaral na makakatulong sa paglinang ng kanilang mga kaalaman.

Ang Deped Memorandum 223, s. 2016 laban sa malnutrisyon ay para sa magulay na buhay at masaganang bukas para sa mga batang may pangarap.

LATHALAIN 12
Lindshaye Ghayle Garcia

HATAW-NA: Hardin ng Kalusugan at Natural na Lunas-Gamutan

Kinikilala ang mga halamang gamot bilang isa sa mahalagang pinagmumulan sa pag-gawa ng medisina. Ang halamang gamot, tinatawag na yerbang pang medisina, ay kilala rin bilang tradisyonal na gamot sapagkat ang mga ito ay ginagamit na ng mga tao simula pa man noong panahon bago ang kasaysayan.

Subok na ang bisa nito dahil sa kakayahan nitong magpagaling ng mga sakit at pagbibigay ng paunang lunas upang maibsan ang iba’t-ibang karamdaman. Kaya ang mga kawani ng Sto. Domingo National Trade School ay gumawa ng isang proyekto na pinamagatang “Project HATAW-NA o “, upang itampok at isulong ang mga benepisyong hatid ng mga natural na medisina gaya ng mga halamang gamut.

Ang Prject HATAW-NA ay isang hardin kung saan iba’t-ibang uri ng halamang gamot ang naka tanim. Ang proyektong ito ay may layunin na magbigay kaalaman sa mga guro, estudyante, at mga miyembro ng paaralan tungkol sa kahalagahan, kakayahan sa pagpapagaling at tamang paggamit ng mga halamang gamot bilang paunang lunas. Pormal na pinasinayahan ang proyektong HATAW-NA sa pangunguna ni Michael Francis Maglanque kasama ang mga guro mula sa departamento ng Science/AP/ESP, na pinamunuan ni Shirley H. Catacutan, Ulong Guro IV, noong August 1-17 taong 2022.

Marami pa ring mga pilipino ang gumagamit ng mga halamang gamot sa kasalukuyan dahil ang mga ito ay may kakayahan sa pagpapagaling ng maraming sakit. Sa katunayan, mayroong sampung halamang gamot ang inaprubahan ng Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care (PITAHC). Noong taong 2003, naglabas naman ang Department of Health (DOH) ng listahan ng mga halamang gamot na ligtas at maaring gamitin ng mga tao bilang paunang lunas sa iba’t-ibang karamdaman. Halina at alamin natin ang iba’t ibang halamang gamut na maaaring maging lunas sa nararamdaman nating sakit.

Lagundi

Ang halamang ito ay matatagpuan sa mga bakanteng lote, may kulay asul na bulaklak, ay mayroong hugis na kagaya ng bell. May siyentipikong pangalan na “Vitex Nigundo” at English name na “5 leaved-chaste tree”. Pinakukuluan sa loob ng 15 minutes ang dahon nito pagkatapos ay pinapalamig at sinasala ang katas bago inumin ng tatlong beses sa isang araw. Ito ay may kakayahang magpagaling ng ubo, sipon, pagkahilo, at pangangati at pananakit katawan.

Yerba Bueana

Ang halamang ito ay mayroong maliliit na kulay berdeng dahon na matatagpuan sa mga bakanteng lote at masusukal na lupa. May siyentipikong pangalan na “Mentha Cordifelia” at English name na “peppermint”. Pinakuku luan ang dahon nito sa dalawang

basong tubig, maari din itong ipang-gamot sa pananakit ng katawan, sa pamamagitan ng pagdikdik sa dahon nito at ipahid sa parte ng iyong nananakit na katawan. Ito ay may kakayahang magpagaling ng lagnat, ubo, impatso, rayuma, at pananakit ng ulo.

Sambong

Ang halamang ito ay umaabot ng 1/2 hanggang 3 metro ang taas at mayroon itong magaspang at kulay berdeng dahon. Ang siyentipikong pangalan nito ay “Blumea Balsamifera”, tinatawag din itong “sembung”. Pinakukuluan sa loob ng 15 minutes ang dahon ng sambong pagkatapos ay sinasala at pinalalamig bago inumin ng tatlong beses sa isang araw. Ito ay may kakayahang magpagaling ng lagnat, hika, sipon, sakit sa bato, at rayuma.

Tsaang Gubat

Ang halamang ito ay may maliliit at makikintab na dahon, matatagpuan din ito sa mga bakante at masusukal na lote. May siyentipong pangalan na “Carmona Retusa” at English name na “forest tea o wild tea”. Pinakukuluan sa dalawang baso ng tubig sa loob ng 15 minutes ang dahon nito, pagkatapos ay pinalalamig at sinasala ang katas bago inumin bilang gamot. Ito ay may kakayahang magpagaling ng ubo, diabetes, pagdudumi, at pananakit ng sikmura.

Niyog-niyogan

Ang halamang ito ay umaabot ng 20cm ang taas, matatagpuan sa mga bakuran. May siyentipong pangalan na “Quisqualis Indica l.” at English name na “chinese honey suckle”. Kinakain ng hilaw ang mga buto nito, sampung buto ang pwedeng kainin ng mga nasa tamang edad, para naman sa edad na 4-7 ay apat na buto lamang, sa edad na 8-9 ay anim na buto, ang edad na 10-12 ay pitong buto lamang. Ang mga edad na bababa sa 3 gulang ay hindi maaring kumain ng buto galing sa niyog-niyogan. Ito ay may kakayahang magpagaling ng ubo, lagnat, pagdudumi, at problema sa pag-ihi.

Pansit-pansitan

Ang halamang ito ay kulay silver at may makintab na itsura, matatagpuan sa iba’t-ibang parte ng inyong hardin. Pinakukuluan ang dahon nito sa mababang apoy sa loob ng 15 minuto pagkatapos ay maari nang inumin tatlong beses sa isang araw. Ito ay may kakayahang magpagaling ng rayuma, UTI, iritasyon sa mata, pigsa, at mataas na kolesterol.

Akapulko

Ang halamang ito ay umaabot ang taas mula 1 hanggang 2 metro. May siyentipikong pangalan na “Cassia Alata” at English name na “ringworm bush”. Dinidikdik ang mga dahon ng alkapulko, ginagawa itong sabon at maaari mong gamitin isa hanggang dalawang beses sa isang araw. Ito ay may kakayahang magpagaling ng

ezema, altapresyon, pagtitibi, pamamaga, at implamasyon.

Bawang

Ang halamang ito ay umaabot ang taas na humigit kumulang 60cm. May siyentipikong pangalan na “Allium Sativum” at English name na “garlic”. Maraming paraan ang pag-gamit nito, maaaring pirito, roasted, o kaya naman ay ibabad ang bawang sa suka sa loob ng 30 minutes, at pakuluan sa mababang apoy sa loob ng 15 minutes. Ito ay may kakayahang magpagaling ng ubo, tonsilitis, hika, altapresyon, at iba pang impeksyon ng bacteria.

Ampalaya

Ang halamang ito ay mga ugat na gumagapang hanggang 20cm. Ito ay berde na may kulubot ang itsura. May siyentipikong pangalan na “Momordica Charantia” at English name na “bitter guard o bitter melon”. Pinakukuluan ang ampalaya at dahon nito sa loob ng 15 minutes pagkatapos ay sinasala ito bago inumin tatlong beses sa isang araw. Ito ay may kakayahang magpagaling ng diabetes, ulcer, pagdudumi, at pamamaga at pananakit ng katawan.

Bayabas

Ang halamang ito ay umaabot ang taas mula 4 hanggang 5 metro, mayroon itong bulaklak na nagiging bunga ng bayabas. Pinakukuluan ang dahon ng bayabas sa loob ng 15 minutes sa mababang apoy at walang ano mang takip ang kaserola (o ano mang bagay na iyong ginagamit sa pagpapakulo nito), maari mo itong inumin o kaya naman ay ipang-mumog. Ito ay may kakayahang magpagaling ng ulcer, lagnat, pananakit ng ngipin, rayuma, at pamamaga ng gilagid.

Ang mga halamang gamot na ito ay patuloy pa ring ginagamit sa panggagamot at ngayon nga ay bahagi na ng tradisyunal na medisina, kinikilala ang bisa nito sa maraming bansa lalo na sa ating bansa.

Halamang gamot ang nakasanayan ng inumin ng mga pilipino bilang medisina sa ano mang uri ng sakit at bilang lunas sa iba’t-ibang karamdaman. Dahil sa kakulangan ng pera sa pagpapakonsulta sa doktor, mas pinipili nilang uminom ng mga tradisyonal na gamot sapagkat ito ay mas mura, makikita lamang sa ating mga bakuran, at epektibo sa pagpapagaling ng maraming karamdaman. Hindi dahil ang mga ito ay epektibo at ligtas hindi pa rin tayo nakasisigurado na baka dahil sa ating pagtitipid ay maari pang lumalala ang ating mga sakit kung ang isang tao ay may allergy sa nasabing mga halaman. Ang mga halamang gamot ay dapat gamitin lamang bilang alternatibong medisina, upang patuloy pa rin nating mapangalagaan ang ating pangangatawan at kalusugan, nararapat na tayo ay magpakonsulta sa mga propesyonal na doktor at espesyalista upang masuri ng mabuti na ang ating kalusugan ay ligtas.

LATHALAIN 13

Sikad SINAG

Hanggang saan aabot ang sinag ng araw?

Marahil para sa mga naniniliman at pinagkaitan ng init at kalinga ng kaliwanagan, ang makita ang kariktan ng araw ay isa lamang mitolohiya. Isang mapang-uring elemento bunsod ng limitado nitong saklaw at pagiging mailap sa mga nanlalamig at nakukubli dahilan upang patuloy silang mangapa sa paraan.

Kailan nga ba masisilayan ang mailap at mapiling sinag ng araw?

Isang malaking katanungan para sa mga musmos na batang patuloy na nakukulong sa kadiliman kung kailan nila mararanasan ang init ng kalinga ng kaliwanagan. Sa ilang taong pinagkaitan ng karampatang atensyon, nagbunga ang kakulangang ito sa iba’t-ibang salik ng pang-akademikong suliranin. Pangunahin sa salik na ito ang pagbasa na siyang bumubulag sa kanila at siyang pangunahing balakid upang makasabay sa mabilis na takbo ng leksyon sa paaralan.

Marami ang napag-iwanan.

Sa sulok ng kani-kanilang tahanan, mag-isang nanlalamig at bigong maunawaan ang leksyon sapagkat kahit ang abilidad sa pagbasa ay isang tinik na nakabaon sa kanilang mga paa. Isang malaking dagok ito sa mga mag-aaral dahil naisin mang makausad ay hindi mapahintulutan sapagkat ang balakid ay hindi nagmumula sa daan kundi sa sarili mismong mga paa. Buhat sa suliraning ito, umusbong ang kagustuhan ng mataas na paaralan ng Sto. Domingo National Trade School na gumawa ng isang malaking hakbang alinsunod at tugon sa hamon ng Departamento ng Edukasyon tungo sa ligtas na balik -aral sangay na ang pagpapaigting ng paglaban sa lumolobong bilang ng Pilipinong batang hindi makapagbasa.

Isang komprehensibong proyekto ang inilunsad at iminungkahi ng paaralan upang abutin ang mga batang patuloy na nalililiman at nangangapa sa dilim. Inilapit ng pamunuan ang SINAG ng araw upang bigyang pansin ang mga batang nanlalamig at nasasadlak sa yungib ng kadiliman. Walong sinag ang inilawan at pinasabog upang abutin ang mga sulok na hindi natututukan ng presensya ng init ng araw. Ang mga salik ng sinag na ito na siyang pinalakad at yumakap sa mga bata ay ang mga sumusunod:

Project PEARL (Program for Enhancement and Assessment of Reading Literacy)

Ang salik ng sinag na ito ay inilunsad upang tutukan ang mga batang bigo na makilala ang salita at hirap na intindihin ang tekstong binabasa. Ang hangarin nito ay maturuan ang mga batang walang kakayahang magbasa sa pamamagitan ng paglinang ng iba’t ibang pamamaraan upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral na sa ganang antas ng pagbabasa ay walang usad o hindi progresibo.

The SEA (Sustainable and Enrichment Activity) Project Mula sa unang sinag, ang proyektong SEA project naman ay nakasentro sa paglilinang ng kahasaan sa pagbabasa ng mga mag-aaral. Buhat dito, hindi lamang bibigyang diin ng sinag ang pagbibigay pundasyon sa mga mag-aaral sa pagbasa bagkus ay pinagtitibay nila ang kayarian nito gamit ang sari-saring aktibidad upang lalo pang paigtingin ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbasa.

Project RCEL (Reading Corner for Every Learner) Sa ikatlong sinag, makikita naman ang hangarin ng proyekto na ilapit ang kagustuhan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa pagsali sa kanila sa proseso ng proyekto. Tinatayang na ang kanilang partisipasyon sa paggawa ng kanilang sariling reading corner ay hindi lamang nagbibigay espasyo upang komportable silang makapagbasa bagkus ay higit itong may positibong epekto sa pagnanais nilang malinang ang kasanayan dito.

Weng’s Reading Store and Park Sa puntong ito, hindi lamang hinihingi ang aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral. Binibigyan din sila ng

kalayaang makapamili ng akdang babasahin sa pagbibigay sa kanila ng panibagong espasyo tulad ng isang parke upang higit na katuwaan ang pagbabasa sa labas ng kani-kanilang silid-aralan.

Project LEJOYS (Learning Journey for Youths in SDNTS)

Katulad ng proyektong Weng’s Reading Store and Park, ang LEJOYS ay nakatuhon sa pagbibigay na kaibang lugar sa mga magaaral upang matuto. Sa paniniwalang ang pagkatuto ay hindi lamang nagaganap sa apat na sulok ng silid -aralan, naglunsad ang paaralan ng mga proyektong kaiba upang mapukaw ang atensyon ng mga mag-aaral at lalo pang katuwaan ang pagbabasa. Sa LEJOYS na kung saan ang pangunahing disenyo ay nagmula sa konsepto ng tradisyonal na jeepney, higit na masisinagan ang mga mag-aaral tungo sa kalinangan.

Project TURO (Tutoring Learners towards the Understanding of Reading materials for Optimal Development)

Sa isa pang salik ng proyektong sinag, malalaan naman ang kagustuhan ng paaralan na paigtingin ang kaisahan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng project TURO. Kung saan ang mga mag-aaral na may kadalubhasaan sa pagbabasa ay hinihikayat na magbahagi ng kanilang sinag sa pamamagitan ng pakikiisa sa pagtuturo sa kapwa nila mag-aaral. Pinapaigting ng proyektong ito ang komunidad sa paaralan na siya ring nagmumulat sa murang isipan ng mga magaaral makialam at makilahok sa mga programang tungo sa kabutihan ng karamihan.

Project SIR day (Saturday is Reading Day)

Itinatampok naman sa proyektong SIR Day hindi lamang ang paglalaan ng panahon sa pagbabasa sa araw ng Sabado kundi pati ang pagsali sa mga LGU’s bilang sangay na may pananagutan din sa kapakanan ng kinasasaklawanan nitong pamayanan. Hangarin ng proyektong ito na paigtingin ang pakikiisa at suporta ng gobyerno upang higit na malinang ang abilidad sa pagbasa ng mga mag-aaral. Dito maki- kita ang kagustuhan ng paaralan na palawakin ang sinag nitong sinimulan upang maabot din ang mga mag-aaral sa labas ng paaralan.

Project BASA (Bayanihan sa PAGBASA. Ang hatid ay Sopresa sa mga Batang Angels)

Sa pagkakataong ito, malinaw ang hangarin ng sinag na hindi lamang tutukan ang kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa loob ng paaralan kundi bagkus ay mapaigting din ang bayanihan sa loob at labas ng paaralan. Sa pagbibigay liwanag na siyang sisikat sa buto ng pagmamahal sa pagbabasa na itinanim sa musmos na isip at damdamin ng mga paslit mababanaag na ang project BASA ay siyang simula ng pag-usbong ng kaalaman.

Malayo ang abot ng sikad ng SINAG.

Ang walo nitong galamay na may iba’t-ibang liwanag na dala ay may iisang tunguhin. Ito ay ang tuntunin ang mga bulag at nasa lilim ng kamang-mangan upang alalayan sila sa kanilang pagbagtas tungo sa kaliwanagan.

LATHALAIN 14

ISPORTS 15

Traders umani ng ginto sa Municipal, Unit Meet

9 ginto, 4 pilak, 3 tanso inuwi

Nagpasiklab ang mga manlalaro ng Sto. Domingo National Trade School (SDNTS) na kalahok sa iba’t ibang larangan ng laro sa nakaraang Municipal Meet na ginanap noong Enero 21, 2023 at Triangular/Unit Meet noon namang Enero 28, 2023 sa Julia Ortiz Luis National High School (JOLNHS).

Municipal Meet

Kalaban ang mga matataas na paaralan sa distrito ng Sto. Domingo tulad ng JOLNHS at Sto. Rosario NHS, napasakamay ng Traders ang kampyonato at umani ng medalya sa iba’t ibang sports events sa munisipal na antas ng paligsahan sa palakasan.

Dinomina ng SDNTS Gear Kings ang Basketball Secondary Boys matapos tambakan ang kalabang koponan mula sa JOLNHS. Tinanghal ding kampyon ang koponan naman ng mga babae para sa Basketball Secondary Girls sa pamamagitan ng winning by default.

Ayon kay Ron Louie De Jesus, team captain ng Gear Kings, simula pa lamang ito ng pagpapakitang gilas ng mga Traders.

“Iniaalay naming ang panalong ito sa aming coach, sa buong SDNTS, at sa lahat ng mga taong sumusuporta sa team. Umpisa pa lang ito. Itatayo namin ang bandera ng Trade sa susunod pang mga laban.” Pahayag ni De Jesus.

Nilimas naman ng koponan ng Women’s Table Tennis ng SDNTS ang lahat ng individual categories sa larong Table Tennis.

Kinuha nina Angel Agustin, Alison Camus, Myrza Mei Fernando, at Moisel Ambrocio ang Singles A, B, C, at D sa secondary girls.

Sa badminton naman ay tagumpay na nadepensan nina Angelito Nicolas (Men’s Singles C) at Lianna Mamaril (Women’s Singles D) ang kani-kanilang mga puwesto dahilan upang umabante sila sa Unit Meet kalaban naman ang distrito ng Talavera.

Maliban sa mga guro ng Departamento ng MAPEH, kasama rin ng mga magigiting na manlalaro ng SDNTS ang kani-kaniyang tagapagsanay at coaches na sina

G. Jonathan Del Mundo, G. Noli Obedoza Jr., at G. Melvin Valdez para sa Basketball Boys at Girls, Rodney Joven at Melvin Concepcion para sa Table Tennis, at Michelle Garcia at Emmythel Castro para naman Badminton.

Unit Meet

Samantala, nagpatuloy ang pamamayagpag ng mga manlalaro ng SDNTS sa sumunod na antas ng palarong pampalakasan na Unit Meet matapos harapin ang koponan mula sa distrito ng Talavera nang sumunod na Sabado, Enero 28, 2023.

Bagamat tagumpay na nadepensahan ng SDNTS Gear Kings ang kampeonato sa Basketball Secondary Boys, pinaluhod naman ng kalaban ang koponan ng mga babae dahilan ng pananatili nila sa ikalawang puwesto.

Nanaig din ang husay at galing mga babae sa larong Table Tennis matapos muli nilang domi-

nahin ang individual categories ng women’s division ng laro.

Parehong kapalaran din ang dinanas nina Nicolas at Mamaril ng Badminton na hindi nagpatinag sa kani-kaniyang dibisyon at kategorya.

Dagdag din sa mga medalya ng SDNTS ang mga nakuhang puwesto ng mga manlalaro ng athletics. Itinanghal na kampeon si Faye Barrozo sa Discus Throw at Shotput habang nasungkita naman niya ang ikalawang puwesto para sa paghagis ng Javelin. Lumapag din sa ikalawang puwesto si Justine Tabamo sa larong Javelin Throw at 1, 500 meter run. Medalyang tanso naman o ikatlong puwesto naman ang iniuwi nina Jerome Delfin para sa mga event na Discus Throw at Javelin Throw, at Carl Joseph Fabro parsa sa Shotput.

Inaasahan ang patuloy na pag-ani ng ginto at iba pang mga medalya ng mga nanalong manlalaro ng SDNTS sa Nueva Ecija Division Athletic Association Meet na siyang magdidikta ng kanilang kapalaran sa Central Luzon Regional Athletic Association Meet o CLRAA, ang pinakamataas na antas ng palaro sa buong rehiyon ng Gitnang Luzon. Matapos ang higit dalawang taong pagkakagapos sa pandemya ng COVID-19, ngayon na lang muli nakapagdaos ang Kagawaran ng Edukasyon ng mga larong pampalakasan. Bagamat pinayagan lamang itong idaos tuwing Sabado o Linggo kung saan hindi ito makakaapekto sa mga araw ng klase kung saan inaasahang nakatuon ang atensiyon ng mag-aaral upaang makabawi sa learning loss.

PROTEKTAHAN ANG HARI.. Masusing kinalkula ng manlalaro mula Sto. Domingo National Trade School ang kanyang tira sa larong Chess laban sa manlalaro ng kalabang paaralan upang masiguro ang panalo sa Municipal Meet na ginanap sa Julia Ortiz Luis National High School noong Enero 21, 2023. Rowena Domingo

NEDAA 2022

Atletang Traders humakot ng medalya

Umani ng iba’t ibang medalya sa magkakaibang larong pampalakasan ang mga pambato ng Sto. Domingo National Trade School sa naganap na Nueva Ecija Division Athletic Association Meet na idinaos sa Lungsod ng Palayan, Nueva Ecija noong Pebrero 11, 18, at 25, 2023.

Nagkamit ng iba’t ibang papuri ang mga atleta na nagrepresenta ng kanilang paaralang sinisinta sa iba’t ibang isports. Nariyan ang Gear Kings sa ilalim ng pangangasiwa nina G. Jonathan Del mundo, G. Noli Obedoza Jr., at G. Melvin Valdez na dinomina ang

larong basketball at nag-uwi ng gintong medalya para umabante sa Central Luzon Regional Athletic Association bilang kinatawan dibisyon ng Nueva Ecija.

Hindi naman papahuli ang pambato ng Archery sa pangangalaga ni Gng. Michelle Garcia na si Ivory Faith Novestras mula sa Baiting 10 na nagkamit ng tatlong gintong medalya at dalawang pilak sa naturang laban. Nakamit niya ang kabuuang Rank 1 sa secondary girls dahilan ng kanyang pagiging opisyal na kinatawan ng SDO-NE sa CLRAA.

Maliban sa mga nakalusot na mga atleta sa regionals, mara-

mi rin ang mga atletang nagbigay ng karangaln sa paaralan dulot ng mga nauwi nilang medalya. Nagpamalas ng kanilang husay ang mga atleta ng Athletics sa gabay ng kanilang mga coach na sina Bb. Ann Klein Basuel at Gng. Lady Neri Publico. Nariyan sina Faye Barrozo na nagkampyon sa Discus Throw ngunit hindi naka-abot sa record ng provincial meet at hindi makakaabante sa CLRAA. Nakamit din niya ang pangalawang pwesto sa Shotput na katumbas ng silver medal para sa paaralan. Samantala, si kinamtan ni Justine Tabamo ang bronze medal sa 3km run boys category. Sa Arnis sa pamumuno nina G. Juneroz Roncal at Gng. Baby Ruth Publico, nagpakitang gilas at nag-uwi ng isang silver medal at limang bronze ang mga arnisador ng Trade. Nasungkit ni Jerkine Bonifacio ang ikalawang puwesto para sa Full Combat (Extra Lightweight Boys) at ikatlong puwesto naman para sa Anyo Single Weapon at Double Weapon (Individual Boys). Kasama niyang nagrepresenta sina Angellie Nicole Antolin na nagwagi ng ikatlong puwesto sa Anyo Double Weapon (Individual Girls) at Michelle Grace Coronel na nagkamit din ng ikatlong puwesto para naman sa Anyo Es-

apada y Daga (Individual Girls). Samantala, sa team category, nakuha nina Antolin, Coronel, at Dyani Frances Kathenieza Duruin ang bronze medal Anyo Double Weapon.

Isang pilak at tansong medalya naman ang nakuha ng mga manlalaro ng Table Tennis na sina Moussel Ambrocio (Single D) at Alison Camus (Single B). Sa tulong ito ng patnubay ng kanilang coach na si G. Melvin Concepcion at tagapagsanay nasi G. Rodney Joven, Ulong Guro ng MAPEH.

Tulad ng Table Tennis, isang pilak at tansong medalya rin ang naiuwi ng smasher ng SDNTS na sina Angelito Nicolas (Singles C Boys) at Lianna Mamaril (Singles D Girls) sa pamamagitan ni Emmythel Castro bilang coach.

Kasama rin sa listahan ng mga nanalo si Hana Schmaiah Laureta na nagkamit ng ikatlong puwesto sa larong Swimming sa ilalim ng husay nina Gng. Gracie Ann Dy at Gng. Emmythel Castro bilang mga coach.

Sila ang mga atleta na nakatanggap ng mga papuri at naguwi ng mga medalya para sa paaralang SDNTS ngunit hindi dito natatapos ang kanilang karera at ipagpapatuloy ang nasimulan sa mga isports na kanilang napili.

Garcia tagumpay sa Sports Fest ‘22

Nasungkit ni Gng. Michelle Garcia, guro sa MAPEH ng Sto. Domingo National Trade School, ang kampyonato sa larangan ng badminton sa ginanap na Schools

Division Office of Nueva Ecija Sports Fest 2022 sa Power Smash Badminton Center sa Cabanatuan noong Setyembre 23, 29, 30 at Oktubre 4, 2022.

Nagpalitan ng sunod-sunod na smash ang dalawang magkatunggali sa pagbungad pa lamang ng unang game na siyang umpisa rin ng pag-init ng laro. Matatalim na smash ang binitawan ng kalaban laban kay Garcia na sinagot din nya ng kanyang powe smash. Natapos ang laro, 21-19 pabor sa pambato ng SDNTS.

Sa Game 2, nagpakitang gilas agad ang

guro ng MAPEH na umarangkada ng nag iinit na smash ngunit nakahabol din agad ang kalaban.

Sa huling bugso ng laro ay makapigil-hiningang pinasadahan ni Garcia ng matatalim na atake ang kalaban. Hindi na siya nagpatumpik tumpik pa at nagpakawala ng naglalagablab na smash upang tuldukan ang finals match. 21-16.

Ayon kay Garcia na nag-iisang delegado mula sa Congressional District I-A na nakarating sa Division level ng palaro, hindi naging madali ang laban lalo at matagal tagal na rin nang sumabak siya sa ganitong uri ng kompetisyon.

“After 10 years ngayon lang ulit ako naglaro ng singles. Super kaba kasi halos walang

practice dahil subsob din sa trabaho. Pero super daming panalangin at kausap sa raketa ko at shoes ko.” kuwento niya.

Maliban kay Garcia, kasama rin nyang lumaro sa Sports Fest para sa SDNTS at CDI-A sina Bb. Anne Klein Basuel, Bb. Christian Mae Bolisay, G. Melvin Concepcion, mga guro din ng MAPEH, at G. Rodney Joven, Ulong Guro ng Departamento ng MAPEH, para naman sa Table Tennis.

Ang SDO-NE Sports Fest 2022 na may temang “Gurong Filipino, Dangal ng Sambayanan” ay bahagi ng pagdiriwang ng dibisyon ng Nueva Ecija ng World Teachers Month na nilahukan ng mga guro at iba pang kawani ng mga paaralan.

16
BAGO ANG LARO. Huminto upang magpakuha ng larawan ang mga guro ng MAPEH (nakatayo) at mga manlalaro ng Table Tennis (nakaluhod) habang naghahanda para sa gaganaping 2022 Provincial Athletic Meet sa cluster ng Talavera National High School, Talavera, Nueva Ecija noong Pebrero 11, 18, at 25, 2023.
ISPORTS
Clarence F. Catacutan Rowena Domingo

Novesteras patuloy na namamayagpag sa Archery

Pang-10 sa listahan ng Nat’l Archer under 18 ayon sa WAP

Pinakahuli sa mga labang ito ang ginanap kamakailan lang, Pebrero 25, 2023, na Nueva Ecija Division Athletic Association Meet sa Talavera National High School, Talavera, Nueva Ecija kung saan dinomina ni Novesteras ang girls category ng rchery matapos manguna sa mga ditansyang 30 metro, 60 metro, at 70 metro na katumbas ng tatlong ginto.

Novestras sa ginanap na Batang

BATANG TRADERS, BATANG PANALO. Sinindak ni Ivory Faith Novesteras ang kanyang mga kalaban matapos niyang ipamalas ang kaniyan galing sa Archery at humakot ng ginto sa iba’t ibang distansyang nilabanan niya sa Batang Pinoy 2022 National Championships na ginanap sa Vigan, Ilocos Sur noong Pebrero 25, 2023.

Patuloy ang pamamayagpag ng mag-aaral ng Sto. Domingo National Trade School na Ivory Faith Novestras sa larangan ng Archery matapos umani ng mga medalya sa iba’t ibang

kompetisyon sa loob at labas ng bansa. Kasalukuyan at opisyal din siyang kinikilala ng World Archer Philippines bilang pang10 sa ranggo ng mga National Archer under-18 category.

Samantala, pumangalawa naman siya sa distanyang 50 metro at nahirapan sa pagpuntos dito. Lubha itong nakaapekto sa iskor niya sa Single FITA na naging sanhi ng pagpirmi niya sa ikalawang puwesto o silver medal.

Gayunpaman, nanguna pa rin siya sa medal tally na siyang nagselyo ng kanyang ticket sa Central Luzon Regional Athletic Association Meet sa San Miguel Bulacan sa Abril 24-28, 2023 bilang kinatawan ng SDO-Nueva Ecija.

Bago pa nito, lumahok din si

Archery: Modernong Pangangaso

Ano nga ba ang isports na Archery?

Kinikilalang ang unang kompetisyon ng Archery ay naganap noong taong 1583 sa Finsburg at unang idinaos sa Olympics noong taong 1900-1908 at 1920. Ngunit saan nga ba nagmula ang sports na ito at bakit tila hindi ganoon karami ang manlalaro nito sa mga probinsiyang tulad ng Nueva Ecija.

Ang Archery ay nagmula sa Latin word na “arcus” na may kahulugang bow. Ito ay ginamit ng mga sinaunang tao pang huli ng mga hayop. Kinikilalang ito ay naimbento noong 10,000 B.C. at patuloy pa ring ginagamit sa kasalukuyan.

Ang isports na Archery ay isang isport na kung saan magtatagisan ang mga atleta sa galing umasinta ng mga target sa iba’t ibang sukat ng layo mula sa kanilang kinatatayuan. Nakakapuntos ang atleta sa pamamagitan ng pag tira ng kanilang arrow sa target sa iba’t ibang sukat o layo: nariyan ang 10 metro, 20 metro, at 30 metro. Ang mga atleta ay maaring mag-

pakawala ng kanilang mga palaso hanggang 70 metro para sa recurved at 50 metro naman para sa compound.

Sinasabing recurve kapag ang dulo ng mga palaso ay bahagyang paliko palayo sa tali ng kanilang bow. At compound naman kapag ang kanilang bow ay gumagamit ng levering system upang yumuko ang kanilang gamit na bow.

Marami ng kilalang archer sa ating bansa ang patuloy na sumusubok at nagrerepresenta sa Pilipinas sa iba’t ibang panig ng mundo. Nariyan sina Riley Silos at Jason Feliciano sa mens category at sina Pia Elizabeth Bidaure, Phoebe Nicole Amistoso at Gabrielle Monica Bidaure sa womens category na nagging kinatawan ng ating bansa sa nakaraang Tokyo Olympics 2016.

Bagamat interesante ang laro, kapansin-pansin na tila walang interesadong at nagtatangkang sumubok sa ganitong klase ng isports. Ito ay dahil sa ang isports na Archery ay kinakailangan ang malaking halaga upang

Pinoy 2022 National Championships na ginanap sa Vigan, Ilocos Sur matapos mapili upang irepresenta ang ating probinsiya. Nagpasiklab ang archer ng SDNTS matapos angkinin ang halos lahat ng distansya sa laro. Umani siya ng ginto sa 30 metro, 50, metro, 60 metro, 70 metro at overall ranking sa individual girls samantalang pilak naman para sa Olympic Round.

Noong nakaraang Setyembre 9-11, 2022 naman, nirepresenta ng Archer ang ating bansa sa Singapore Open Women Divisions sa ilalim ng Team Karresa na ginanap sa Bukit Gombak Stadium sa bansang Singapore.

Matatandaang noong nakaraang taon lamang din ay nag-qualify siya sa Annual 4-leg Philippine Archery Cup and Grassroot Archer Tournament sa Dumaguete City, Negros Oriental at Mandaue City sa Cebu.

Ang lahat ng uri ng isports ay may presyong katapat. Ngunit ang presyong ito ay nawawalan ng halaga kapag ang isang atleta ay buo ang puso at handang magpakadalubhasa

makabili ng sariling mga gamit upang makapagsimula sa isports na ito. Kaya tila ba kaunti lamang ang sumubok at nagkaroon ng chansang masubukan ang isports na ito.

Sa kasalukuyan, marami namang archer na galing sa Nueva Ecija ang patuloy na lumalaban sa mga kompetisyong Archery sa iba’t ibang panig ng bansa gayon na rin sa iba’t ibang panig ng mundo. Nariyan ang isang mag-aaral sa Baitang 10 ng Sto. Domingo National Trade School na si Ivory Faith Novesteras na patuloy ang pagrepresenta ng ating probinsiya at bansa sa iba’t ibang kompetisyon sa Archery.

Ang lahat ng uri ng isports ay may presyong katapat. Ngunit ang presyong ito ay nawawalan ng halaga kapag ang isang atleta ay buo ang puso at handang magpakadalubhasa sa isports na ito.

ISPORTS 17
Clarence F. Catacutan ISPORTS | LATHALAIN Clarence F. Catacutan

Athletic Meet sa Palayan City, Nueva Ecija noong Pebrero 11, 18, at 25, 2023.

LABAN PARA SA GINTO

Gear Kings naghari sa Basketball; Aabante

sa CLRAA

Naghari ang Sto Domingo National Trade School

Gear Kings Men’s Basketball Team sa Basketball Secondary Boys sa nakaraang Nueva Ecija Division Athletic Association (NEDAA) Meet na ginanap sa Lungsod ng Palayan noong Pebrero 11, 18, at 25, 2023 dahilan upang tanghalin silang opisyal na kinatawan ng Dibisyon ng Nueva Ecija sa gaganaping Central Luzon Region Athletic Association (CLRAA) Meet sa Abril 24-28, 2023 sa Lungsod ng Balanga, Bataan.

Sa finals game ng SDNTS

Gear Kings laban sa koponan ng

Talugtug National High School (NHS) na ginanap noong Pebrero

28, 2023, sa Nueva Ecija Coliseum, pinagtulungan ng team captain na si Ron Louie De Jesus at star player ng team na si Allan Jay Tuazon ang kalaban matapos magpaulan ng sunod sunod na tres.

Naging mahigpit din ang depensa ng team kaya’t nahirapan makakuha ng puntos ang mga manlalaro ng Talugtug. Sa huling dalawang minute ay ibinuhos na

Sagabal ba sa Pangarap?

ng Gear Kings ang lahat at hindi na hindi na hinayaan pang makabuo ng play ang kalabang koponan. Natapos ang laro sa iskor na 80-63 pabor sa Traders.

Bago ang matamis na tagumpay ng SDNTS kontra sa Talugtug NHS, nauna nang hinarap ng team ang mga manlalaro ng San Andres NHS mula sa distrito ng Guimba. Sa unang sabak ay hindi naging madali para sa mga Traders. Marahil ay nangangapa pa sa antas ng laro sa dibisyon kung kaya’t tila sumusuot sila sa butas ng karayom.

Dikitan ang naging puntos hanggang matapos ang ikatlong kwarter. Ngunit makalipas ang 2 minuto sa ikaapat na kwarter ay nasupalpal ni Tuazon ang bola ng kalaban na agad namang naagaw ni Merwin Perdido, power forward ng team, na siyang naging hudyat ng paglamang ng team.

Dahil dito nakamit ng Gear Kings ang unang panalo iskor na 85-81 at umabante sa susunod na laban na kung saan Rizal NHS ang kanilang nakaharap at nagwagi sa ikor na 70-60 pabor sa SDNTS. Sa laban na ito nakilala

si Tuazon matapos sunod sunod na ma-steal ang bola sa kalaban.

Nagpamalas ng kanilang galing sa quarter finals ang kupunan ng TRADE sa larangan ng basketball sa pangunguna pa rin ng estudyante mula sa Baitang 12 na si Tuazon na kumamada ng 24 points sa unang half ng laro sa tulong ng mga assist ng kapitan nilang si De Jesus dahilan upang makamit ang panalo laban sa Dona Juana Chioco NHS ng Lupao.

Ayon sa star player na si Tuazon ginawa lamang nila ang nararapat at nagtulungan ang buong team upang makamit ang panalo.

“Wala kami rito kung hindi dahil sa mga coach at staff ng aming paaralan. Nang dahil sa suporta nila paniniwala sa amin ay naibigay naming ang best naming.” aniya sa isang panayam sa pahayan ng Ang Enggranahe.

Patuloy ang pag abante ng kupunan ng Sto. Domingo National Trade School sa larangan ng basketball at irerepresenta ang buong dibisyon ng Nueva Ecija sa susunod na laban sa regional level sa Abril.

Noong Enero 3, 2023 ay inilabas ang Division Memorandum No. 3 s. 2023 na nagtatalaga ng qualifying standard para sa mga atleta ng archery, swimming, at athletics. Ang pagkakaroon ng ganitong patakaran ay maaaring magbigay ng pagkakataon sa dibisyon na itaas ang kalidad ng mga atletang ipinapadala sa mataas na antas ng palakasan. Kabilang na riyan ang mga atleta ng Sto. Domingo National Trade School.

Marahil maraming tutol sa record na ito, marami rin ang sang-ayon sapagkat ang record na ito ay tumutulong sa pagpapaganda ng kalidad ng atleta na aabente sa Central Luzon Rerional Athletic Association (CLRAA) Meet.

Maaari itong maging sanhi ng kanilang pagsisikahay sa dahil magkakaroon sila ng layunin o goal na kailangan abutin.

Sa makatuwid, mai-aangat ng antas ng laro ng atletang Novo Ecijano. Ang pagkakaroon ng record na batayan ng atleta ay makatutulong upang maging pili at siguradong mahusay na atleta ang ating ipapadala sa kompetisyon ng palakasan sa labas ng dibisyon.

Kailangan pa rin ng ating probinsiya ng Nueva Ecija ang ganitong sistema upang mapangalagaan ang ating reputasyon sa larangan ng isports.

Dapat ay hindi ito maging sagabal sa mga atleta bagkus maging inspirasyon upang mas lalo pang gumaling sa kanilang napiling isports.

Clarence F. Catacutan HARI NG COURT. Pawang kasiyahan ang nangibabaw sa Sto. Domingo National Trade School Gear Kings kasama ang mga guro at opisyales ng paaralan matapos nilang maiuwi ang kampyonato sa basketball sa ginanap na Provincial
| EDITORYAL
ISPORTS

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.