1 minute read
Palaruan ng Demonyo
John Ray Bantasan
Sa dakong madilim, kuliglig ang kausap ng dayabolikong tahol. Sa ilalim ng pundidong poste nakatalukbong ang mamang isang milenyo nang alipin ng gabi.
Advertisement
Pagpagan man magdamag ang duyan, uukit at uukit ng panalangin ang mga daliring pudpud na kakaguhit sa alikabok. Sabihin mo, ilang diyos ang nakikinig? Ilang diyos ang kritiko?
(Mahusay ako sa pantasya, at kung panganib lamang ang alok ng hubong mata, ayoko nang pumikit.)
Katipan ng kalawanging pa-ilaw ang mga siphayong putok sa buho ng higanteng rolyo— dalawampung rebolusyon ang bilang ko.
Hindi unan ang aking bisig. Huwag mong iisipin na simbahan ang aking mga labi. Hindi altar ang mga palad sa masalimuot na silid. Kung madatnan mo man akong durog,
isumpa mo ang sining ng pagkabuo.
Inuusig ang hininga ng isipang hugis buko. Huwag kang lumapit sa palaruan ng demonyo.
Lagi’t lagi lumalawak ang bakod mo— dalawampung rebolusyon ang bilang ko.
Illustration by: Rafaela Utrera