1 minute read

Muli

Next Article
Calila

Calila

Richel Ann Abarico

Sa piitan na hindi ikaw, ang mga mata ay nariyan—nakatingin, nagmamasid. Sa hinahabahang ugoy ng lungkot, muli’t muli ay nagmumuni. Bumabagabag na mga salitang nagmamalabis—latigo. Ningas-kugon na pagbabago. Sa pagkadapa ay nagawang tumayong sugatan. Sinubukang intindihin. Muli’t muli ay natauhan—nagising. Muli’t muli ay tumingin—napatanong: Nasaan na ako? Sa hinahabahabang himbing, bumagsak at nasaktan. Isang hindi inaasahang ganda: Nabuhay at muli ay lumaban. Masarap pang mabuhay. . . Muli.

Advertisement

This article is from: